PHASE 55
"Sinasabi ko na nga ba... Ikaw ulit ang mananalo!" wika ni Mari habang naririto kami sa Sephora. "Wait lang... Oh, my god! Ang gaganda na naman ng mga nakikita ko! Sure ka bang libre mo? Okay... akin to... gusto ko 'to... akin 'to.... ito, Phryne! Bagay sayo tutal malaki naman ang puwet mo..."
Matapos makuha ang prize ay napagdesisyunan ko na agad bumalik sa apartment ko. Inaamin kong... sa takot lang na lumapit sya ay hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.
Mabuti ay naabutan ko rin si Mari sa apartment niya kaya napanatag akong hindi ako mag-iisa at makakapag-isip ng kung anu-ano sa apartment ko. At syempre, bago ako umalis, siniguradong napakain ko rin ng maayos ang anak ko—ang pussy ko.
Inaamin ko... sa totoo lang ay ginagawa ko lang na umaktong normal, sinubukan kong kalimutan ang nangyari kagabi sa paglapit niya. Pero alam kong hindi kadali iyon... lalo na sa ginawa ko sa kanya! Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba iyon dahil sa ginawa ko dahil nadala ako sa bugso ng damdamin ko! Hindi ko nakontrol ang sarili ko. At ang maalala... ay parang gusto ko na lang rin mandiri... at mahiya!
Pero 'di bale na, wala lang naman siguro iyon para sa kanya.
Haynako, napaka tanga mo talaga, Phryne Gretha!
Pero may parte sa puso ko na hindi ko maintindihan. It was as if I was on the brink of danger again, and my heart was pounding despite the fact that I knew he was here.
Hindi ko maintindihan. Pero hindi... hindi ko hahayaang magiba na lang basta ang pagbuo ko ng matibay na pundasyon kong nakabalot sa puso ko. Kaya bago pa lamunin ang kaisipan ko nang kung anu-ano, ay agad kong pinutol ang kaisipang iyon. Hinding-hindi. Hindi dapat ako matakot sa kanya. Dahil panatag akong protektado ko na ito. Tulad kanina... hindi niya basta nabilog ang ulo ko. Nagawa ko na siyang ignorahin at hindi ako bumigay. At kahit na hinalikan ko siya... mas namayani ang galit sa puso ko.
Natanto kong... hindi na ako ganun karupok sa kanya.
Hindi na ako marupok.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Nakagawa pa ako ng isang bagay na hindi ko inaakalang magagawa ko sa kanya sa aming pagkikitang muli!
Siguro iniisip niyang... ganun ang kasabik sa kanya kaya ko nagawa iyon?
Pwes, nagkakamali siya! Ginawa ko lang iyon dahil... dahil... ah basta! Hindi ko rin alam!
Ginawa ko lang iyon para maasar sya ngunit hindi yata naging epektibo iyon! At sa pagkakakilala ko pa naman sa kanya, ang ayaw niya sa lahat ay parang nabibitin. Kahit don man lang ay makaganti ako. At yung ganting iyon, huli na 'yon! Tama na iyon. Ang tangi ko na lang magagawa, kahit masama pa rin ang loob sa kanya ay magkaroon ng walang paki sa kanya.
Ang ignorahin ang buong pagkatao niya. Kahit na gahibla ng anino't buhok niya.
Hindi ko maiwasang pangilabutan sa nagawa ko... Parang gusto ko na lang magwala at pukpukin ang sarili ko sa kahihiyang ngayon ko lang naramdaman! Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at nagawa ko talaga 'yon! Nakakadiring pangyayari! Ayoko na lang alalahanin at gusto ko na lang masuka.
At bakit ko nga ba ito masyadong iniisip!?
Ano naman? Ano naman kung ginawa ko iyon? Pinatunayan ko lang sa kanya kung anong klaseng babae ang tingin niya sa akin. Bakit ko pa ba aalalahanin kung anuman ang iniisip niya at ang tingin sa akin? At para saan pa ba kung gusto niya rin akong kausapin? Hindi sa nagiging bitter ang dating ko... ayaw ko na lang talaga siya makausap. Tapos. Yun na yon. Ayoko.
Sapat na yung huli naming pagkikita kaya ano pa bang saysay para mag-usap pa kaming dalawa na parang walang hindi magandang nangyari?
Hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ang lakas ng loob niyang nagawa pa akong lapitan.
Ang kapal ng mukha niya para kausapin pa ako! Parang hindi niya ako tinaboy-taboy noon!
"Tulala ka na naman!"
Nabalik ako sa huwisyo nang pasimple akong hampasin sa mukha ni Mari sa bit-bit nitong pulang panty. Kasalukuyan nga kaming namimili sa Mall. At tulad nga ng pinangako ko sa kanya, kapag nanalo ako, at naging tiba-tiba ako sa mga naging quota ko, ililibre ko siya. Tutal, ganun din naman siya sa akin minsan... madalas. Ganyan kami maging magkaibigan ni Mari. Give and take lang. Nagtutulungan.
Hindi tulad ng iba na iiwan ka...
Napailing na lang ako nang makita kong kumukunot ang noo ni Mari sa akin.
"Problema mo?" ngumiwi siya sa akin.
"W-Wala..." umiwas ako ng tingin at inabala ang sariling tumingin sa mga damit.
Kita ko ang pagsunod ng mata niyang nagmamanman sa akin.
"Kanina ka pa lutang habang kinakausap kita! Ang tipid-tipid mo pang magsalita. Para akong baliw na nagsasalita mag-isa sa hangin. Dapat nga happy ka kasi ikaw ang nanalo pero sa nakikita ko ngayon... parang 'di naman. May nangyari ba nang wala ako--"
"W-Wala... wala!"
Naningkit ang mata niya sa akin. "May hindi ka ba sinasabi sakin?" pagsunod niya sa likod ko.
Happy naman talaga ako, eh. Kasi finally, nanalo at maaaring makauwi na ako sa pamilya ko. Hindi ko pa man ito nasasabi kay Mari pero kukuha muna ako ng tiyempo. Baka kasi siya magtampo sa dagling pagdedesisyon ko. Kailangan ko rin bumawi sa mga naitulong niya at makausap siya ng maayos.
Pero dahil sa nangyari kagabi, nasisira ang araw ko.
"Huy!"
Napapikit ako ng mariin sa pangungulit niya at pagsunod sa akin. Sa anim na taon na naming pagsasama ni Mari bilang magkaibigan, bukod sa hindi niya ako binigo, talagang kilalang-kilala na niya ako.
"Eh kasi..." kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa pag-aalinlangan.
Nag-aalinlangan akong sabihin sa kanya sa mga nangyari kanina nung wala siya. Dahil... importante pa ba kung sasabihin ko ito? Ano naman kung nagkita kami? Aksidente lang naman yon at hindi talaga ako ang sadya niya para lang lumipad siya rito. Nagkataon lang 'yon. Walang kahalagahan 'yon at hindi na dapat pang alalahanin. Pero... gusto niya raw ako makausap! Yan ang isa sa mga bumabagabag sa isipan ko mula kanina bukod dun sa nagawa ko sa kanya!
Binantaan niya pa akong hindi siya titigil... pero kahit na ganon, hindi na ako maniniwala sa kanya dahil isa siyang dakilang sinungaling. Akala niya siguro mabibilog na naman niya ang ulo ko, at mapapaniwala niya, pero nagkakamali siya. Ang plano kong huwag na lang sabihin, sa huli, ay napagdesisyunan ko pa rin masabi kay Mari, para kahit papaano ay makatulong sa akin ang masasabi niya dahil gulung-gulo rin ang isip ko. Pero syempre... wala akong balak sabihin sa kanya ang buong detalye! Baka kapag sinabi ko iyon... pagtawanan niya lang ako sa kahihiyang hindi ko alam kung bakit nagawa ko!
"Ano nga?" pangungulit niya, panay baling sa akin. Hindi makatingin sa kanya.
Humigpit ang pagkakagat ko sa aking labi, huminga ng malalim at sinabi ito habang hindi tumitingin sa kanya.
"Mari, nandito na naman siya..."
Bumaling ako saglit sa kanya, sa naniningkit niyang mata ay napakunot siya sa akin. "Anong nandito? Sinong nandito?" tumingin pa siya sa palagid, hindi maapuhap kung sino ang tinutukoy ko.
"At nagkaharap pa kami kanina..."
"Huh?' nalilito niyang saad.
"Kinausap pa niya ako..."
"Sino nga!?" hindi pa rin maintindihan ang sinasabi ko.
"Si..." sa iritasyon habang naaalala ko ang pagmumukha ng lalaking iyon ay pasimpleng napairit ako na tanging kami lang makakarinig ni Mari.
"Sino nga? Ano ba 'yan... pabitin! Masyado kang masakit sa puson!" naiinip niyang tugon habang gumagala ang mga mata niya sa pagtingin ng mga damit.
"Si... alam mo na kung sino." sabi ko sa maliit kong tono.
"Sino bang tinutukoy mo at hindi mo mabanggit-banggit ang pangalan? Isa lang naman ang pangalan na hindi mo mabanggit, eh. Wag mong sabihin na yung lalaking yon ang tinutukoy mo—Ah!" nagparte ang labi niya habang nanlalaki ang mata, tila may natanto siya base sa nakikita ko sa ekspresyon niya habang natitigilang, dumadaing at tumitingin sa akin. "N-Nan... n-nandito siya?"
Ilang beses siyang napakurap. Tumango ako.
"T-Talaga?" nauutal niyang pagkatugon muli.
Dahan-dahan muli akong napatango sa kanya.
"Putang ina! Seryoso ka!?" nagugulat niyang tugon.
Halos maraming napatingin sa amin. Agad ko siyang sinuway sa kaingayan niya. Tumingin naman kami ng paumanhin sa mga nakatingin bago muli kami nagkatinginan ni Mari.
"Huy... true ba?" bulong niya nang lalo siyang lumapit sa akin.
"Oo nga..."
"Eh?" dinig ko ang pagsinghap niya. "Anong ginagawa niya rito?" tumaas ang kilay.
Napakibit-balikat ako sa tanong niya. Maging ako, hindi ko rin alam ang sagot. "Ewan ko..." napakunot ako. "ano bang paki ko? Ano naman kung nandito siya? Dapat ba ko magwala?" sarkastikong tanong sa kanya.
Tumaas ang kilay niya habang napapaisip.
"Kalma ka naman... ang dami mo agad sinasabi. Para nagtatanong lang, eh. Oh, baka naman ikaw ang pinuntahan?"
"Ulol! Nagpapatawa ka ba? Bakit naman ako ang pupuntahan ng balugang 'yon rito?"
"Eh kasi, sabi mo kinausap ka niya."
"Ewan ko! Ayoko na lang mag-isip ng kung ano! Wala akong pakialam."
"Ngek. Bitter yern?" mahina siyang napahalakhak.
Napairap ako sa tanong niya. Hindi ko na siya sinagot at baka lalo lamang niya akong asarin at baka kung saan pa mapunta ang aming usapan.
"Eh... anong reaksyon mo nung nagkita kayo?"
"Syempre... nagulat!"
"Patingin nga ng gulat?" nginisian niya ako. At hindi ko nagugustuhan ang paraan ng pagngisi niya.
"Tang ina mo naman..."
"Pero seryoso, bakit ka niya gustong kausapin? At isa pa, bakit hindi mo hinayaan? Ayaw mo rin ba siyang makausap? Parang dati lang hanap-hanap mo siya lagi-"
Napairap ako. "Noon yon, ngayon hindi na! Hindi ko siya gustong makausap! At bakit pa kami mag-uusap? Ano pang saysay? Anong dahilan naman para pa mag-usap kami?"
"Uhm..." tumingala pa ito na tila nag-iisip. "For closure?"
Napangiwi ako. "Closure? Ulol. Kalokohan. Mas okay na ako kung hindi na kami mag-uusap pa."
"I mean, magkapatawaran kayong dalawa-"
Mahigpit na umiling ako agad sa kanya at malalim na napabuntonghininga. "Mari, hindi mangyayari yan. Sya? Hihingi ng tawad? Sakin? At ako? Papatawarin siya? Tangina, ano 'yon?" gusto kong matawa sa iniisip niya.
"Malay mo naman, 'diba..." napanguso ito, inirapan ko na lang siya.
"Imposible. At hindi ko rin kaya. Ang isang tulad niya ay masarap pag-ipunan ng sama ng loob. Hindi na mawawala 'to... sa mga nagawa niya sakin. Alam mo namang... nangyari sa aming dalawa nung huli, diba? Nakalimutan mo na ba? Tingin mo, gugustuhin ko pang makausap ang burat na 'yon?"
Napanguso siya sa naging sagot ko. "Lasang-lasa ko ang pait mo. Sabagay, halos isumpa mo nga ang lalaking 'yon. Ramdam ko ang galit mo."
"T'saka, malabong ako ang sadya niya para lang gustong makausap ako. Baka naman may ibang sadya siya roon mismo, mga kliyente niya siguro-"
"Talaga? Kliyente? At nagawa ka pang lapitan, huh? Hmm... something amoy isda ..." nagdududa niya pang tanong.
"Wag ka ng malisyosa at issue dyan, Mari! Basta yon, siguro bukas wala na 'yon. At masaya ako para don dahil normal lang ang araw ko."
"Oo na. Sayang, hindi ko man lang nakita 'yon... pero duda pa rin talaga ako." tanging naitugon niya.
"Kung anuman ang naiisip mo, it's either mali at hindi mangyayari 'yon. Hindi na ako tanga, Mari." depensa kong sagot at totoo naman.
Imbes na sumang-ayon at seryoso siyang tumugon ay nagawa niya pa akong tawanan sa reaksyon ko.
"Oa mo... baka mamaya makita ko na kayong magkalaplapan sa gilid ah-"
"Gaga! Kadiri ka, amputa naman...." nanggagalaiti kong tugon.
Ngunit katulad nga ng naisip ko, akala ko ay yun na ang huli naming pagkikita kaya naging panatag ako at hindi na naisip 'yon bago ako matulog. Dahil hindi ganon ang pagkakakilala ko sa kanya. Hindi siya yung tipo na taong kailangan magmakaawa. Mangulit at manguha nang atensyon ng ibang tao para lang may pumansin sa kanya. Hindi siya ganon, dahil ganun dapat ang tao sa kanya.
Pero...
May isang bagay akong nakalimutan tungkol sa kanya. Sya rin yung tipo ng taong hindi papayag na hindi niya makukuha ang gusto niya. At sa paraan kung paano niya ito kunin, para bang madali lamang niya iyon makuha sa isang kisap lang ng kanyang mata. Sa paraan niya--madali, mabilis, maaaring hindi patas, may halong pandaraya. Lahat nakukuha niya. Pero kung iniisip niyang madadaan niya ako sa mga taktika niya, sa mga paraan niya, wala akong pakialam. Hindi na niya ako madadala. T'saka, ang isang tulad ko naman, wala ng importansya sa isang tulad niya kaya isang katangahan ang isipin para magkaroon muli siya ng interesante sa akin, diba? May Clementine na sya, kaya malabo. Hindi ko alam kung ano ang motibo niya pero ayoko ng alalahanin pa 'yon. Mas tutok na lang ako sa trabaho ko ngayon.
Pero... mukhang nagkamali yata ako ng inaasahan ko.
Ang makita muli siya, at maramdaman na naman presensya niya sa pangalawang pagkakataon ay lalong nagpapagulat sa akin.
Kusang nanginig ang kilay ko sa pagtaas nito.
Seriously? Nandito na naman ang gagong 'to? Anong ginagawa niya rito?
Heto siya, nasa bar counter, umiinom, mukhang malayo ang iniisip. Hindi ko alam kung bakit parang bumabalik na naman sa dati ang lahat, na heto sya, umiinom na naman mag-isa... at dito pa talaga. Sa dinami-raming bar... ay dito pa talaga. Aware naman siya na dito ako nagtatrabaho, pero bakit parang nananadya siya? Kasi kung ako ang nasa katayuan niya, kung galit ako, at tinaboy ko siya at ayaw na niyang makita pa, hindi niya maiisipan man lang na pumasok rito. Pero may parte sa utak ko na masyado siguro akong assumera kung iisipin kong, ako na naman ang sadya niya.
But fine! Palalampasin ko ito basta ba hindi na maulit tulad kagabi na kinausap niya ako! Siguro ngayon lang 'to at baka bukas ay aalis rin siya!
Tama. Magtiis ka lang, Phryne! Mawawala ulit siya sa paningin mo!
Tulad niya, madali siyang magsawa sa babae, lalo na sa isang tulad ko. At ang lahat na dumadaan sa mga palad niya, wala ng importansya sa kanya. At isa na ako roon.
Huminga ako ng malalim. Nagkaroon ako ng pagkakataon na magpatuloy sa paglalakad sa loob ng bar. Inignora na lamang ang presensya niyang nagbibigay agad ng irita sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa taglay niyang kagwapuhan ay naiirita ako sa pagmumukha niya. Kung ako lamang ang masusunod ay matagal ko ng pina-banned ang balugang 'yan rito.
Pero kailangan kong iwasan ang pag-iisip ng kung ano. Ang tangi ko na lang magagawa ay mag-focus sa aking trabaho. Tama. Kaya ko naman 'to.
Nang nasa malapit na ako para sana lagpasan siya, inakala kong hindi niya ako makikita o kahit makita man lang niya ako ay hindi niya ako papansinin. Ngunit halos abot-tahip naman ang kalabog ng puso ko nang salubungin niya ako, humarap at humarang sa dinaraanan ko.
Pumikit ako ng mariin sa dismayado sa nararamdaman. Ano na naman ba ang kailangan niya?
Sa sobrang irita ko sa presensya niya, maski pag-aksayahan ng laway at magsalita sa kanya ay hindi ko magawa.
Umamba ako sa pag-iwas ko sa harapan niya na tila hindi ko siya napansin. Kunwari ay hindi ko siya nadinig nang sambitin niya ang pangalan ko kaya naman nang lampasan ko siya ay napahinga ako ng malalim.
Ngunit hindi pa man ako nakakadiretso sa dressing room ay pinigilan niya ako at hinawakan ang palapulsuhan ko. Na naman.
"Phryne,"
Napabuntonghininga ako ng malalim. "Ano na naman ba ang kailangan mo!?"
Umawang ang labi niya at agad na nagbitaw sa akin. "B-Bakit ka ba sumisigaw... gusto lang naman kita makausap..." kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung takot ba iyong nakikita kong dumaan sa kanyang mata.
"Isn't it obvious that I don't want to talk to you? Alin ba don ang hindi mo maintindihan? Kailangan ko pa bang inglesin ka?"
He licked his lower lip and heavily sighed. "Please, kahit saglit lang-"
"Wala akong oras sayo. At kahit may oras ako, ayoko pa rin. Naiintindihan mo?"
His lips formed to grim line. Kita ko paglunok niya kasabay ng mapait niyang pagngiti sa akin.
"Sige, mamaya na lang pagkatapos ng trabaho mo." inignora ang sinabi ko at naupo muli sa kanyang inuupuan ngunit di pa rin tinatanggal ang tingin sa akin.
Mahigpit akong umiling sa kanya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na dapat sya pag-aksayahan ng panahon lalo na ng laway. Pero ano 'tong nagagawa ko? Talagang tini-trigger niya ako!
"Hihintayin kita..."
"Edi maghintay ka sa wala!"
Wala akong ibang ginawa kundi magpakasasa sa aking trabaho. At kahit saan ako dumalo sa mga table, lagi kong nararamdaman ang mga matang nagmamasid sa bawat galaw ko. Hindi ko maiwasang mag-ngitngit.
"Talaga bang balak niyang maghintay?"
Kanina pa siya nakapupo, mag-isa. Paminsan-minsan ay umiinom. At kahit may dumadalong maraming babae, hindi ko na pinagtutuunan ng pansin. Wala akong pakialam. Kahit may kalampungan pa siya, kahalikan o ano... wala akong pakialam! Pero nakikita ko ang madalas na pagsulyap niya sa tuwinang may babaeng mga lumalapit sa kanya!
Bahala siya sa buhay niya! Maghintay talaga siya sa wala!
Hindi ko alam kung bakit sa kahit saang sulok ako ng bar magpunta ay nakikita ko ang mga pasimpleng pagsunod niya. Hindi ko alam kung ano ang trip niya pero ang mahalaga sa akin ay makakuha ako ng maraming tip. May pagkakataon na nagse-serve ako ng drinks, mga pagkain at kung anu-ano. Ganon lang ang ginawa ko sa buong gabi. At si Mari, may sariling duty, hindi ko alam, siguro sa labas, naghihintay na naman. Pansin ko rin na wala si Martino na madalas ko makita noon dito sa loob.
Natapos ang trabaho ko ng maayos. Nakuha ko rin ang sweldo sa boss ko, at may mga ilan din akong extra tip na natanggap. Isang maayos na normal na araw na naman kahit papaano. Hindi ko maiwasang mapahikab habang nilalagay ang pera sa aking bag. Wala ako sa mood mag duty sa labas today, medyo malaki na rin naman naging tip ko eh, at isa pa ay inaantok na rin ako at gusto ko rin mapakain na ang anak ko. Medyo nagtataka nga lang rin ako ngayong araw ay hindi pumasok si Jenny. Tatawagan ko na lang siya siguro mamaya para kamustahin.
Lumabas ako sa bar, handa ng umalis, naghihintay ng masasakyan sa tabi ng daan. Bago ako lumabas, medyo natuwa ako at hindi ko na nakita ang lalaking 'yon. Sa tagal ko ba naman! Malamang ay nainip na 'yon at napagdesisyunan nang umuwi!
Mabuti naman kung ganon!
Sabi na, eh... uuwi rin naman pala.
"Pwede na ba kitang makausap?" muntik na akong mapaigtad sa isang boses na malapit sa akin.
At sa paglingon ko ay siya na naman ang nabungaran ko.
Napakunot ako. "Anak ng... naghintay ka?"
Dinig ko ang malalim nitong buntonghininga, dumaan ang kaunting iritasyon sa kanyang mukha ngunit pinanatili niya ang kalmadong sarili at sa huli ay kita ko ang agarang pagpungay ng kanyang mata.
"Sinabi ko na sayo kanina, nakalimutan mo na ba?" anito na parang may boses na nanunumbat ngunit sa paraan ng marahan... at mahinahon lang niyang boses.
"Mahalaga ba 'yon para alalahanin ko?" tumaas ang kilay ko.
Kita ko pagtaas-baba ng kanyang dibdib nang siya ay bumuntonghininga. Maliit siyang ngumiti sa akin.
"Tapos ka na sa trabaho, 'diba? Gusto kong mag-usap tayo." tanging naisagot niya.
Otomatikong napairap ako sa kanya. "Gusto ko nang umuwi."
Pumikit siya ng mariin saglit at mapagsumamong nakatangin sa akin. Habang tinititigan ko siya, nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ko ang pagbabago niya. Ang dati niyang magulong buhok ay maayos na, mahaba ito ngayon at nakapuyod, may ilang strands nito ay nakatakas sa kanyang noo, ang mga tattoo nito na hindi ko maiwasang pansinin, hindi ko alam kung lalong tumikas ba ang katawan niya ngayon pero lalo siyang naging mas mukhang maskulado sa paningin ko na bumagay sa katangkadan niya. Lalo na sa mga balbas nitong nagbibigay agad na sensasyon sakin--hindi.
Sobrang gwapo niya. Ang mga piercing nito sa magkabilang gilid ng kanyang ibabang labi... at ang mga mata niyang parang candy dahil sa kakaibang kulay na kapansin-pansin dahil sa moreno niyang balat.
Ang bango-bango niya...
"Mi adelaide, please..."
Kumurap at lumunok ako para gising ang sarili. "Bakit ba ang kulit mo? Uuwi na nga ako. Pagod ako. Ano bang ginagawa mo rito? Wala kang mapapala kaya umuwi ka na mismo sa inyo."
"Ihahatid na kita." lalo siyang lumapit sa akin na agad naman ikinaiwas ko.
"Ayoko."
"Para hindi ka na mag-taxi-"
"Ayoko." pagmamatigas ko.
"Para hindi na mabawasan ng pamasahe ang sweldo mo."
Napahilot ako sa sentido ko habang nililingunan siyang nakakunot ang aking noo.
"Kailan ka pa nagkaroon ng pake? Sinabi nang ayoko!" naiiritang singhal ko sa kanya.
Napapikit siya ng mariin na para bang anytime at baka sigawan na rin niya ako.
"Damn it. Kahit ihatid man lang kita, okay na sakin-"
"Ayoko, ayoko, ayoko, ayoko!"
Mahina lamang iyon ngunit nadinig ko pa rin ang kanyang malutong na pagkakamura. Kita ko ang pagpisil sa ilong niya habang humihinga ng malalim. Nang saglit pa'y, seryoso ang mga matang itinutok niya sakin.
"Mahal ngayon ang bayad sa taxi--"
"Ayoko nga sabi, eh! Bakit ba ang tigas mo? Kaya kong bayaran. Marami akong naging tip ngayon. Umuwi ka na."
"Hindi ako titigil hangga't hindi kita nakakausap ng maayos."
"Wala akong pakialam, nagtatrabaho ako at wag kang sagabal sa buhay ko. Mapapagod ka rin."
Umiling siya sa akin. "Don't bet on it. Anong gusto mo... pera?"
"What?" napakurap ako.
"Kailangan pa ba kitang bayaran para lang makausap ka?"
Nagngitngit ako sa nadinig. Ilang saglit ko siyang tinitigan habang hindi siya makapaniwalang tingnan. "Bayaran?"
"Dahil alam kong maaaring pumayag ka."
"Alam mo talaga kahinaan ko, no? Sabagay... tama ka. Ganun naman talaga tingin mo sakin-"
"N-No, I mean-" kinagat niya ang pang-ibabang labi na tila meron itong natanto.
Mapait akong ngumisi sa kanya. "You got many more money. You got businesses, you buy people every day... you got everything." I paused a little. "Pero ito tatandaan mo... hindi lahat makukuha mo palagi, Heimlich. There's a limit to what money can buy."
"Please... I love you..." paos na naitugon niya. Halos masabunutan ang sarili buhok, at tila namomroblema.
Ano bang problema niya!?
Napaamang ako sa sinabi niya. Bago pa ako makapag isip ng kung ano ay mahigpit akong umiling para gisingin ang aking sarili. Hindi na ako tanga para maniwala pa sa pinagsasabi niya.
Ano ba itong sinasabi niya!? Anong kagaguhan 'to!? Nagpapatawa ba siya!?
"Oh, stop bullshitin on me, Heimlich." Mariin at nanginig ang labi kong sambit. Binabalaan sa mga sinasabi niya.
He licked his lower lip and heavily sighed. Saglit siyang napapikit ng mariin at mapungay ang matang tumingin sakin. "I know I made a lot of mistakes and it was all my fault for you, but please, just for a second... I love you. A-Anong paraan para makausap ka? Magkano... kahit magkano pumayag ka lang. Mahalin mo lang ulit ako."
Malalim akong napalunok ngunit tinatagan ko ang sarili ko at inignora ang halos nagmamakaawa niyang boses. Habang sinasabi niya ito, sa kabilang gulat at lito kong nararamdaman ay lalong umuusbong ang galit ko. Kung normal lang na araw ito at kung hindi ko iisipin ang huling nangyari sa amin, baka ikatuwa ko pa... lalapitan ko siya, yayakapin at hahalikan. Pero hindi. Lalo akong lumayo sa kanya.
Lalong lumayo ang loob ko sa kanya.
Hindi maganda ito.
At lalong hindi ako natutuwa sa sinasabi niya.
Walang emosyong napangiti ako sa kanya."Well, you can't buy love. And that's absolutely cliché. You're a good businessman, right? You don't include the real emotions involved, so what the fuck is wrong with you?"
"I know you're mad but I'm serious, Phryne." nakikiusap niyang tugon. Mapungay at para bang inaatok ang matang ipinupukol niya sa akin.
"Really, Heimlich? You love me?" pagak akong natawa sa harap niya. Kita ko ang paglunok niya nang masulyapan ko siya. "I'd assume you're kidding."
"Then let's pretend that I'm not... what would you say?" mahinang tanong niya.
Hindi ko alam kung ano na naman itong mga taktika niya.
Pero hindi na niya ako madadala. Hinding-hindi na.
Matamis akong ngumiti sa kanya. Sa isang hakbang at kaunting distansya na lang ang pumapagitan sa aming dalawa. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya habang hindi ko nalulubayan ng tingin ang mga mata niya.
"Then go to hell."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro