PHASE 52
"Oh, dear... I can taste the saltiness." puna ni Mari habang mahinang pagak na tumatawa at hindi makapaniwala sa akin matapos kong maikwento sa kanya ang nangyari.
Ang pangyayaring pilit ko ng kinakalimutan sa tuwing naiisip ko gabi-gabi bago ako matulog, kahit anong oras... lalo na kapag nag-iisa ako. Bigla na lang sumasagi sa isip ko, walang pinipiling oras.
Sa totoo lang ay magmula nang makabalik ako sa kinalalagyan kong muli, ni minsan, hindi ko pa ito naikwento kay Mari. Wala akong sapat na lakas dahil sa tuwing sasagi sa isip ko ay inaamin kong nasasaktan ako, na baka kapag naibahagi ko rin ito kay Mari, matakot lang ako makarinig ng mga 'I told you's' niya.
Pero sa tinagal-tagal ko ng nakakabalik rito at nakaraan na ang pitong buwan ay ngayon lamang ako nagkaroon ng lakas ng loob.
Inaamin ko, naniwala ako sa kanya. Mahal na mahal ko siya. Sobrang minahal ko siya na hindi ko pa naramdaman ito sa kahit sinong lalaki dahil kahit kailan wala ni isa sa kanila na nabigyan ko ng pahintulot kahit may ibang nagtatangka at 'di ko sineseryoso dahil sa alam kong katawan lang ang habol nila sa'kin pero—sya lang... tanging siya lang ang hinayaan ko. Pinilit ko naman pigilan, pero kalaunan nagawa ko pa rin tanggapin sa sarili ko na umibig ako ng isang customer.
Jesus. I know it sound ridiculous. I really didn't want it in the first place, but thing happened. Fucking great, right?
Imagine... just imagine... considering a strong alpha male who always knows what he wants. It's as if he's your protector, keeper, and escort. When I'm with him, I feel like a little girl... like a baby who is eager to satisfy all of my desires. He fulfills all sexual fantasies. He was shaped by God himself.
At mula ng sinabi niyang gusto niya ako, mahal niya ako, mula ng pinakita niya ang pag-iiba ng turing sa akin bilang babae... dahil don, don na nagsimula ang lahat. Kusa niyang naibigay sa akin ang pagmamahal na hindi ko inaakalang gusto ko, na matatanggap ko pala nang buo na walang pag-aalinlangan, kahit na maraming bumabagabag sa aking isipan dahil sa kaibahan ng buhay naming dalawa. At doon ko natanto kung gaano ako naging kabaliw sa kanya ng mga oras na iyon.
Dahil siya ang unang lalaking minahal ko ng ganito. Sya ang unang lalaking hinayaan kong mahalin rin ako, dahil kakaiba rin ang pagmamahal at turing na ibinigay niya sa akin na hindi nagawa, sinabi, at ipinakita ninuman.
Tulala ako sa kawalan habang umiinom. Nasa tabi ko pa rin si Mari, ang tatlo ay nagsasayaw na habang hawak ang kanilang phone, siguro sa mga kausap na lalaki nila, si Jenny naman ay naunang nakatulog sa kwarto dahil sa dami kong napainom na alak sa kanya.
At kami naman ni Mari, nasa huwisyo pa rin.
"Hindi ko makakalimutan ang unang bungad mo sa pinto ko nung makabalik ka. Para kang sinabugan ng mudta sa mukha habang umiiyak ka!" aniya na ikinatawa naming dalawa. "Ano na? Don't make me force it out of you."
Sabay kaming napainom, maya-maya ay inuntag muli niya ang katahimikan sa kalagitnaan ng paglalangoy ng aking kaisipan.
May naalala lang ako... naalala ko na naman.
Ilang beses pa siya napamulagat ng mata sa akin habang nakukwento pa ako.
"So... he comes from a rich british-pakistanian royal family. It's impossible for you to forget that, Phryne. But I'll ask you ... does it still hurt?" untag sa akin ni Mari habang siya ay nagsimulang humithit ng sigarilyo.
Napabuntonghininga ako ng malalim sa naging tanong niya sa huli. Hindi ko magawang umamin at baka kapag ginawa ko iyon ay matuluyan na ako sa harapan niya. Wala akong maapuhap na maayos na sasabihin imbes;
"Makaka-recover rin ako no... lalaki lang yan!" sabi ko na lang.
Inirapan niya ako. Parang hindi siya kumbinsido. "So, what more about him?" tinaasan niya pa ako ng kilay habang nakikipagtitigan sa akin. "Oh, god. Just spare me the bullshit. Tell me the truth!"
Sinabi ko ang totoo, ang lahat-lahat.
"You're fucked up, bitch." tanging utas niya, inagaw niya sa akin ang bote ng mismong wine at diretsong nilaklak iyon habang binibigyan ako ng imposibleng tingin.
Natulala na lang rin ako.
Ngumiwi siya sa akin. "Damn... you're really fucked up, bitch!"
Malamig akong natawa na wala sa sarili. "I guess... mahilig talaga tayo pumili ng mga taong wawarak sa buhay natin?"
"Geez! It's impossible for you to forget a prince. Seriously! I still can't believe it. I didn't know him very well, as far as I know, gwapo lang siya at saksakan ng yaman." anito, mahihimigan ang paghanga sa kanyang boses na hindi ko naman ikasisisi sa kanya dahil kahit sino naman ay ganan rin ang magiging reaksyon nila. "I don't know what to say... grabe."
I heavily sighed and smiled a bit. "Marami pang lalaki, Mari. Nagtanda na ako, at dito ko napatunayan na walang magiging matinong lalaki sakin at hindi na ako magmamahal muli." natawa ako sa huli dahil hindi ko inaasahang masasabi ko ang mga ganitong klaseng kataga.
Pero totoo na itong sinasabi ko.
Minsan lang ako sumubok at sumugal. At sa minsang iyon, at unang pagkakataon ay ganito ang naging kahinatnan ko. Na ginawa ko naman ang lahat para umiwas at naghanda, pero hindi naging sapat 'yon para tuluyan akong maging masaya. Para bang sa nangyari sa akin, ayaw ko ng sumubok na ulit sa iba dahil nakakatakot na. Baka maulit muli. Lalo na sa estado ko, sa trabaho ko... imposible talaga... para pa mag-ilusyon pa ako ng husto na malayong-malayo sa reyalidad ng buhay ko. Kaya tama lang na isang beses. Hindi na dalawa, tatlo, o higit pa. Tama nang isa. Mas gugusthin ko na lang mag-isa. Dahil itong isang beses ko... sapat na at grabe na.
Hinding-hindi na talaga.
Dahil isa siya sa nagpatunay kung gaano talaga ako kaputang tao.
Agad na pinutol ko ang isip ko ng mga oras na kami ay masayang magkasama. I'm just tire to think of it. Inaamin ko na minsan ay namimiss ko siya, pero kapag naaalala ko ang mga huling pangyayari ay mas lalo lamang umuusbong ang matinding galit ko. Kung paano niya ako tuluyan talikuran at hindi pakinggan ng ganun-ganon na lang. Para niya akong ginawang basura na basta na lang isinantabi at iwan kung saan.
Natulala ako sa kawalan, sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari.
"Get in."
Sa kalagitnaan ng paghihinagpis kong nararamdaman, habang basang-basa na ako dahil sa dagling pagbuhos ng ulan, napatingala ako sa isang taong... hindi ko inaasahan.
"Why did you take me?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nanatili pa rin siyang tahimik, at sa pagmamaneho matapos niya akong abutan ng tuwalya dahil basang-basa ako.
"Are you deaf, huh?" hindi ko maiwasang mapakunot sa pag-iignora nito, naiirta na rin.
He just groaned. Lalong kumunot rin ang noo niya sa sunod na tanong ko.
"Ang sungit talaga nitong kalbong 'to. Manang-mana sa amo niyang baluga..." nanginginig at nagngingitngit kong mahinang saad.
"Narinig kita." simple niyang tugon ay muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko.
Oh, shoot!
Did he understand what I said?
Maalam siyang magtagalog?
Paano nangyari 'yon?
Otomatikong napalingon ako sa kanya. Ilang beses akong napakurap habang hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Habang siya ay hindi nag-abalang lumingon sa akin na para bang isa akong mistulang langaw sa gilid niya.
"M-Maalam kang magtagalog?" hindi ko naiwasang ikrus ang mga braso ko dahil sa lamig ng aircon sa loob ng kotse.
Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan sa mga oras na ito. Hindi ko rin naman alam kung anong balak niya. Hindi kaya... pinapapatay ako ng amo niya!?
"Saan mo ako dadalhin? Papatayin mo na ba ako?"
Dinig kong natawa siya ng kaunti, may ibinubulong ngunit hindi ko naiitindihan iyon.
"There's no reason to kill you. I'm just helping you," tanging sagot niya.
Kusang tumaas ang kilay ko. "Bakit mo naman ako tutulungan? Close ba tayo? Oh, baka naman... inutusan ka ng magaling mong amo?" mapait kong tugon sa kanya.
Pero kahit na ganon, may parte pa rin sa puso na ng katiting na pag-asa. Na baka nagbago na ang isip niya at ayaw niya talaga akong mawala sa piling nya. Hibang na nga siguro ang isipin ito dahil sa mga nangyari pero... baka... baka lang naman.
Lumingon siya sakin saglit, umarko ng kaunti ang kanyang labi saka ako tinaasan ng kilay na para bang ako ang pinaka tangang tao sa buong mundo, bago niya muli itinutok ang tingin ng diretso sa unahan habang nagmamaneho.
"As if."
"Ano?" napakunot ako.
Hindi siya muli tumugon at naging seryoso na naman ang kanyang reaksyon. Kahit na madalas kami magkasama ni Heimlich, at na palagi siya ang kadalasan na bantay samin sa tuwing kami ay may pupuntahan, ni minsan hindi ko ito nakitang ngumiti, bukod sa pagkakintab-kintab ng kanyang kalbong ulo, tipid rin siya kung magsalita.
Tanging madalas lang niya kausap ay si Heimlich.
"I think you don't like me, Martino..." usal ko sa kanya habang patuloy siyang nagmamaneho ng sasakyan matapos niya akong pinapasok sa kotse at hindi ko alam kung bakit at saan niya ako dadalhin.
Pagod na pagod na ako.
"Not true."
"Lahat naman kayo hindi ako magugustuhan. Hirap talaga pag puta ka at hindi laking yaman..." mahinang pagak akong natawa sa sarili. "Tang ina."
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng awa para sa sarili.
Wala siyang naitugon. Tanging tikhim lang.
Hindi na ako umaasang may matino akong makakausap sa oras na ito. Wala na rin akong lakas. Mas gugustuhin ko na sigurong tahimik na lang, kahit na ang isip ko ay nag-aalburuto, gusto ko munang kumalma. Pero kahit na ganon ay nagpapasalamat pa rin ako sa pagtulong niya sakin, hindi ko alam kung bakit nasaktuhan pa niyang nag-iisa ako, na sa dinami-dami ng lugar ay natagpuan niya pa talaga ako rito. Hindi na rin naman siya nagtanong at mukhang... sa tingin ko alam na niya ang mangyayari sa akin.
Iniwan na ako ng amo niya.
"It's not I... don't like you. I just don't like the situation." tangi niyang nasambit. Saglit siyang napalingon sa akin. "That you have cause many commotion in our field." dugtong niya pa.
Hindi ko maiwasang masaktan dahil lahat sila ganun ang tingin sa akin. Lalo na ang taong mahal ko ay ganito rin ang sinabi mismo sa harap ko.
Ganun ba talaga?
Wala akong nagawa kundi tumungo, nanginginig ang sarili dahil sa lamig, at sa sakit na nararamdaman ko sa buong katawan ko. Ngayon ko lang napansin ang sarili ko na sobrang dumi ko, gulo ang aking buhok, basang-basa dahil sa ulan, at nakayapak pa ang isang paa ko dahil naiwan ko nga pala ang heels ko sa daan at sa inis ay naibato ko nga pala 'yon kanina habang hinahabol si Heimlich.
Hindi ko maiwasang mapaimpit ng iyak sa naging kalagayan ko. I couldn't even recognize my own voice. Punung-puno ng hinanakit ang puso ko sa oras na ito. Parang hindi kaya ni isang haplos ng palad ko para mabawasan ang bigat nito.
Gumugumit at nanunuot ang sakit sa bawat hibla ng pagkatao ko.
Tuluy-tuloy lang ang pagluha ko dahil hindi ko na mapigilan.
Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam... hindi ko alam na magiging ganito...
Tumakas ang hikbi sa aking bibig. Bago pa mapalakas ang iyak ko ay nalingunan ko si Martino.
Sa unang pagkakataon, sa malamig niyang tingin ay nadaplisan ko ang bumalay sa kanyang reaksyon, nagkaroon ito ng emosyon. He's looking frustrated in everything, may nakita akong awa sa kanyang mata nang sulyapan niya ako. Naririnig ko rin ang mahihinang mura niya at ilang salitang hindi ko maintindihan.
"Stop crying,." suway niya.
This is the last. I'm so done with him.
Fucking, I had enough of him.
Minsan na nga lang ako sumubok. At sa unang pagkakataon na ito ay sumablay pa. Akala ko kasi kapag sigurado na ako, alam kong hindi ako mapupunta sa delikadong sitwasyon. Palagi akong nag-iingat sa mga bagay na alam kong ikatatagilid ko. Pero kahit anong sobra kong pag-iingat, kung ganito talaga magiging kapalaran ko, ganito talaga. Kasi katangahan ko, kaya naging kampante ako.
Naging kampante ako sa kanya... kahit sa walang kasiguraduhang kinahakarap na sitwasyon naming dalawa.
Pagdating sa kanya... ni hindi ko talaga naisip ito ng husto. Madali akong napabigay, kahit na alam kong masyadong delikado. I even sacrificed to be hurt, I even swallowed my pride, I would have been ready to give up my life here to go with him because of his promises. I thought I would be happy, but I didn't receive anything from him but pain!
Galit siya sa akin dahil sa isang bagay na hindi ko naman kayang magawa iyon sa kanya at hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pakiramdam ko sakin lahat ang sisi! Na ako ang may kasalanan at sagabal sa lahat!
Pero sa bibig niya na mismo nanggaling na nagsinungaling siya sakin... na hindi niya talaga ako mahal! Na magpapakasal talaga siya kay Clementine! Kasi kung mahal niya talaga ako, unang-una ay babawiin niya ang sinabi niya, magkakapatawaran kami sa isa't-isa dahil sa hindi pagkakaunawaan... hindi niya ako masasampal! Hindi niya ako magagawang saktan sa mga masasakit na salita niya, at higit sa lahat hindi niya ako ituturing na ganon kaputang babae para sabuyan ng pera sa mukha sa gitna ng madilim at nakakatakot na daan.
Kasi kung mahal niya talaga ako... papakinggan niya ako, hindi niya talaga ako matitiis na iwan. Na baka babalikan niya ako... pero hindi.
Malinaw na sa akin.
Natanto ko kung gaano niya nga nabilog ang ulo ko at naging utu-uto sa mga sinabi niya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sakin sa huli... sana pala hindi na ako sumama at pumayag sa kondisyon niya. Sana pala nanindigan ako at hindi nagpakarupok. Alam kong malupit siyang tao, magaling maglaro, napatunayan ko iyon dahil nakita ko, pero hindi ko inaasahang pagmamalupitan niya rin ako. Hindi ko inaasahan na ipaparamdam at ipapatikim niya sakin kung paano siya magalit. At mas hindi ko inaasahan na ipapamukha niya pa sakin... na alam naman niya ang insecurities ko... sa buhay na meron sila... ang pagiging perpektong buhay niya kay Clementine na wala ako.
Isa lang pabigat, bobo, walang pinag-aralan, hindi mayaman, kabastusan, marumi at kahihiyan lamang para sa lahat.
A failure. Wasted life. Not worth it.
Sapul lahat ng 'to sa puso ko. Ang daya niya.
"You are unable to remain with your Majesty 'cos he is getting married. I know it hurts to think about it, but you have to accept it. While it's still early, the only thing you can do is get away... away from his complicated life. He's also fucked up, you know..." seryoso siyang sumulyap saglit sakin na ikinalunok ko. "He's too risky to love him. So, don't add your fucked-up to your life, "
Alam ko naman 'yong sinabi niya. Nagawa ko lang ang bagay na ito dahil sa pinanghawakan ko lang ang mga sinabi niya. Pero siguro itong pinanghahawakan ko ay dapat ko na talagang bitawan na.
Wala akong nagawa sa oras na ito kundi mapapikit na lang sa sakit habang sapo ang dibdib. Baka sa paraan na ito ay kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nanunuot sa dibdib ko. Muling sumagi na naman sa isip ko ang nangyari sa kanilang dalawa ni Clementine sa harapan ko. Ang sakit at lungkot na nararamdaman ko ay nahaluan ng matinding paninibugho at galit, samahan pa ng pagtatraydor ni Heimlich. Hindi ko maiwasang manginig sa halu-halong pangit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nabilog nila akong lahat. Lalo na din sa ginawa ng kanyang ama na si Ilyas. Napakahayop ng matandang 'yon!
Napaka gago niya! Napakasama nilang lahat! Natanto kong hindi nga ako nababagay sa mundo nila. Bagay silang magsama-sama dahil magkakaugali silang lahat.
Magsama-sama sila!
"So, I'll take you back to where you were. Go back to where your own life is chaotic; don't add more chaos to your life. Cos being with him... with the Sanjranis is a huge chaotic. You know that."
Ang huling linyang nagpakumbinsi sa akin na umuwi na lang at bumalik. Umalis na hindi na magpaalam sa kanya dahil sa pagtataboy niya. Dahil sa puntong ito ay hindi ko na siya makakayang harapin pa.
Umiyak ako ng umiyak. Lahat nang galit ay iniyak ko na lamang. Ibinuhos ko sa oras na ito dahil sisiguraduhin kong kinabukasan, hindi na muli tutulo ang luha ko sa kanya. Magiging iga na lamang ang mga mata ko para sa kanya. At ang puso kong malambot pagdating sa kanya ay unti-unti muling mamanhid, titigas at lalamig, iipunin ang punung-puno ng sama ng loob.
He made it simple for us. It's easier that way. That he simply turned away from me when one of us gave up. Also, he... he was the one who gave up on the two of us first. Karma ko rin ba 'to? Dahil sa ginagawa ko sa trabaho, hindi umuulit ng customer, sinungaling, at mabilis magsawa ay nangyari sa akin ito?
It all faded in one swell swoop. Wala talaga.
Isa talaga akong tanga.
"I can't believe it, Phryne! You're completely insane! You've known each other for almost two months! You've been abducted by a prince, fallen in love with him, and the worst part is... he keeps you in the shadows and treats you like some kind of fucking—"
I heavily sighed. "Masyadong sobrang komplikado ng set-up namin, Mari. Ibang-iba ang buhay ko sa kanya—"
"Hay, ang hina mo naman pala!" singhal niya pa.
Napairap ako. "Stop it. You're drunk, Mari. Tsaka hindi mo ako masisisi, yun ba namang inaraw-araw ako, eh. "
"I really don't get it. He forced you, right? I'll tear him apart when I see him! Sabi ko sayo, wag ka kasi basta-basta bibigay sa mga gwapo!" irita niyang tugon dahil naikwento ko sa kanya kung paano ako tuluyang sumama kay Heimlich.
"Wow, ha! Coming from you? Seryoso... nagbago ka na por que may Martino ka!"
Napanguso siya na agad kong nakitaan ang pamumula sa kanyang pisngi. Hindi agad siya nakapagsalita.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanila pero madalas, sa napansin ko sa nagdaan ng ilang buwan ay napapadalas si Martino sa bar. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang sadya ng kalbong 'yon dahil wala naman ako nakikitang ibang babaeng umaangkla sa kanya kundi pag-inom lang. Noon ay hindi ako nasasanay at palagi ako kinakabahan at nagugulat dahil baka sa pagdating ni Martino aka Mr. Clean ay kasama niya ang magaling na amo, pero alam ko namang malabong mangyari yon!
Hindi naman sa umaasa ako... pero malay ko ba? Kahit magpunta man siya dito o hindi, wala na lang 'yon sakin. Para sakin ay hindi ko na siya kilala. Normalan na lamang ulit katulad ng ginagawa ko sa iba. Pero hindi ibig sabihin non ay kakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. Masama pa rin ang loob ko, hindi na yon mababawasan. At isa pa, malabo na rin naman kung dadayo pa ulit siya rito dahil sa mga ilegal na trabaho o kung anuman ang pinaggagawa niya sa buhay niya. Hindi ko alam... dati naman kasi, alam ko, ako ang madalas na sadya niya dahil sa mga pangungulit niya sakin.
Pero ngayon... baka nga kasal na siya at may anak na!
Malamang! Sa libog niyang iyon?
At hindi rin malabo na aaraw-arawin niya rin si Clementine katulad ng ginawa niya sa akin noon, na kulang na lang ay may honeymoon kami sa kastilyo niya! Baka nga nagdadalantao na ang babaeng 'yon eh, at magsisimula na ang pagbubuo ng pamilya sa kanilang pagmamahalan... napabuntonghininga na lang ako ng malalim. Ayoko na lang alalahanin.
"H-Hoy, babae! Wag mong iniiba ang usapan. Totoo ang sinabi ko! Ang usapan lang natin, isang gabi lang, tapos magiging dalawang buwan ka palang mawawala!"
"Tinawagan naman kita kinabukasan, 'diba?"
Inirapan niya ako. "Oo nga. Hanggang dun lang yon, hindi na nasundan pa. Hindi na kita makontak non. Sobra kaya akong nag-alala sayo! Ni tawag nga wala akong nadinig sayo na baka napano ka na, ni hindi mo man lang ako kinontak. Akala ko nga nakipagtanan ka na, eh. It's like you're living in him in a golden cage and you're a fucking prisoner!" patuloy na pagrereklamo niya. Ramdam ko pa rin ang pagtatampo't sama ng loob niya magmula nung bumalik ako.
"As I said, I say yes willingly to him. You think I didn't know what I was doing?"
Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan ako. "Talaga lang, ha? Base sa kwento... nagmarupokpok ka!"
"Noon yon, hindi na ngayon, no!" dipensa ko.
Agad na narinig ko ang kanyang buntonghininga ng malalim. "Sana matuto ka na..."
"Oo naman. Kaya ikaw, mag ingat ka kay Martino, ha?"
"Walang namamagitan samin!" agad na dipensa niya.
Napangiwi ako sa reaksyon niya. "Sus... wala daw. Eh, nung isang gabi nga, nakita kong nakakalong ka sa kanya. Fine, kunwari wala akong nakita. Hindi mo naman sinabi na kalbo pala ang mga tipo mo." natatawang saad ko dahil mukhang naaasar na siya.
Sabagay, bagay din naman sila. T'saka, kahit naman magpunta si Martino dito, ni minsan ay hindi ko nakita iyon na magpasarap sa ibang babae. Palagi lang umiinom. Pansin ko rin ang pagdalas-dalas ng sulyap niya kay Ate Mari. Hindi ko maiwasang kiligin at mag-alala rin, dahil parang nakikita ko na ang sarili ko sa kanya. Ganyan na ganyan kasi ang ginagawa ni Heimlich sa akin noon. Madalas akong masidin at palaging ako ang sadya at nagpapapansin.
Teka, bakit ko ba iniisip ang lalaking 'yon! Tsk! Alisin mo na siya sa utak mo, Phryne! Ang mga walang kwenta at balugang tulad niya ay binubura na dapat sa isip!
Basta ang magagawa ko na lang sa kaibigan ko ay paalalahanan siya para 'di siya matulad sa akin.
Nagparte ang labi niya sa akin. "H-Hoy! Hindi ako ang kumalong sa kanya--"
"Oh, my god. Ngayon lang ako nakakita ng pokpok na mahiyain at sayo pa."
"Pano kase... yang mga sinasabi mo, hindi naman totoo. At aksidente lang yon, no! Hinigit niya lang ang braso ko kaya napaupo ako sa kandungan niya!"
"Okay. Sana all hinihigit." malisyosa ko pa siyang tiningnan.
Napailing na lang siya sakin.
"Nako, mag-iingat ka sa Martino na 'yan ha. Hindi sa pinagbabawalan kita. Ayokong matulad ka sakin, Ate Mari."
"Ano ba... wala ka bang tiwala sakin? Hindi mo yata ako kilala." nginiwian niya ako.
"Kahit na. Mag-iingat ka pa rin." paalala ko pa rin sa kanya.
Dahil sa puntong ito ay napakahirap na magtiwala ngayon kahit kanino. Hindi mo alam kung ano ba talaga ang totoo. Dahil minsan, may mga mukhang totoo pero hindi naman talaga totoo.
"Oo naman, no! At ikaw, wag ka ng magpapakatanga, ah? Masyado mo kasing sinagad, eh. Sinubukan ka lang kaya dapat, magtanda ka. Lagi mong tatandaan, I will always be here for you. Kapag may problema ka, wag kang mahihiyang magsabi. At syempre, wag kang maglihim!"
"Oo naman, 'te." sagot ko saka kami nagkangitian dalawa.
"Maiba tayo," napalingon muli ako sa kanya. Umiinom pa rin gayong ako, medyo natatamaan na. "Handa ka na bang magbigay ng init sa lamig ng kapaskuhan bukas?"
Napapailing na umarko ang labi ko sa pagkangisi.
"Galingan mo, ah? Ikaw laging isinasalang ko, kasi ikaw lang nakikita kong magaling. Tsaka, malaki rin ang mapapalalunan mo ulit rito. For sure na ikaw ang mananalo. Burlesque Queen ka, e."
May magaganap kasing Burlesque Show at ako ang isa sa mga magpe-perform roon. Ilang linggo na rin ako nag-practice dahil dyan, sa kagustuhan ko rin naman sumali ay alam kong malaki ang halaga kapag ako ang sakaling mananalo. Usually, taon-taon itong ginaganap at marami rin ang nakikilahok. Bukas na rin kasi magsisimula ang show. Malaki ang advantage ng show dahil alam kong marami na namang dudumog na bigatin at mayayaman dito.
At kapag nangyari yon... maaaring mapunta rin ako sa iba't-ibang venue like theatre, casinos, at sa ilan pang mga sosyal na bar na nakikita ko.
"Oo naman, no. Papalalunin ko ito." paninigurado ko sa kanya.
"Yan ang gusto ko. Mukhang malilibre mo ulit kami ng madaming panty, ah?"
Natawa ako. "Sira ka!"
"Kaya mo yan. Pakita mo ang alindog mo! Proud na proud ako sayo!"
Napailing na lang ako sa pang-aasar niya. Kaya kinagat ko na ang oportunidad na ito dahil kung mananalo ako... maaaring makauwi na rin ako sa pamilya ko.
At hindi na rin ako makapaghintay na makasama ulit sila.
At ngayon, wala na akong ibang bagay na iisipin kundi pera ulit.
Pera.
Dahil bukas, handa na akong umariba ulit.
"Focus on yourself. That's why it's better that you fucking let go and leave him. Bulbol siya." napangiwi ako. "Fuck him,"
"Yea, fuck him."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro