PHASE 5
Mabilis ang araw at nakaraos rin, dahil natapos ko rin ang ilang mga assessment na pinagawa sa amin. Mabuti at kapag may mga nangyayaring ambagan ay nakakapag bigay pa rin ako kahit papaano, dahil minsan, kapag walang raket, nakakautang ako kay Ate Barbs at Ate Kay.
Hindi rin naman kasi madali ang rumaket lalo na pagdating sa pageant. Talagang minsan ay dumadating sa puntong isang linggong straight ay wala talaga, literal kaming nga-ngang tatlo. Hindi naman kasi madalas magkaroon ng ganung event, bihira lang. Kaya naman mabuti na lang ay minsan pumapart-time ako sa Parlor ni Ate Barbs, sa dami ba naman kasi madalas ang dumadayo sa kaniya ay malabong hindi niya kakailanganin ng tulong kaya naman ay nagprisinta ako.
Mabilis naman siyang nakapayag dahil malakas naman ako sa kaniya, at isa pa, ayaw na raw niyang kumuha ng iba at baka kutusan lang siya, hindi katulad ko na kahit malapit kami sa isa't-isa ay nahihiya pa akong umutang minsan. Sa mga nagdaang araw sa part-time ko, tuwing hapon, matapos galing sa eskwela ay dito lagi ang diretso ko bago umuwi sa bahay, at ang ganap naman lagi sa loob ng parlor ay; may oras na taga linis, mag-a-assist sa mga customers o kaya taga banlaw, patuyo, plantsa at suklay sa mga buhok nila.
Kahit papaano ay nakakatanggap rin ako ng bayad kay Ate Barbs, kahit na hindi ganun kalaki, sapat na rin sa mga nagiging baon ko sa araw-araw para hindi ako laging humihingi kay Tatay. Okay na rin naman kasi dahil si Ate Barbs madalas manlibre na kinakain namin. Malakas naman kasi ang Parlor niya.
At minsan naman kapag sumosobra sa magiging baon ko ang sweldo ko, sa kinabukasan namin ay ako na ang bumibili ng pang-ulam namin para sa aming magiging hapunan. Dumadaan ako madalas sa Andoks dahil yun lang ang alam kong sulit, hindi na kailangan magluto dahil lahat kami abala at pagod, at isa pa, yun ang isa sa mga paborito nila. Wala na rin naman kasi akong time para magluto kung anu-ano, t'saka mas magastos rin at hindi pasok sa budget ko kung bibili pa ako ng mga kung anu-anong rekados na lulutuin. Mas sulit sa Andoks, kasi noon pa man, kahit pumapatak ang birthday naming magkakapatid, hindi mawawala ang ganung handa sa amin taon-taon.
Ganun minsan ang ganap, kinailangan ko rin umuwi sa bahay bago pa ako maabutan ni Nanay bago maghapunan na wala pa ako sa bahay. Mabuti nga at naite-text ko si Tatay na sunduin niya ako ng tricycle ng sa gayon ay hindi ako tatanungin na kung anu-ano ni Nanay at baka lalong mapagalitan ako, kaya yung ulam na minsan na dala-dala ko, napagkakamalan na si Tatay ang bumibili dahil si Tatay lang ang madalas kong sabihan tungkol sa ginagawa ko bukod kay Kuya.
Wala naman kasing kaso, kay Nanay lang naman meron. Parang lahat ng ginagawa ko, may kaso lagi sa kanya. Palaging may mali.
Nga lang sa nagiging sweldo ko sa parlor, hindi katulad ng kalaki ang pera na nahihita ko kumpara sa pageant. Pero wala eh, ganun talaga ang buhay. Hindi naman kasi permanente ang pinagkakakitaan ko, minsan meron, minsan wala. Ganun lang.
Sa parlor naman, hindi naman kasi ako propesyunal pagdating sa buhok at kailanman ay hindi gumupit ng buhok ng customer at baka malugi pa si Ate Barbs kung sakaling makalbo ko pa ang gugupitan ko. Tanging si Ate Barbs at Ate Kay lang ang magagaling. Kaya nga sa kanila ko talaga kinakatiwala ko ang sarili ko dahil alam kong nagagawa nila akong pagandahin ng husto.
Kaya bilang sukli, ay kung sakaling manalo ulit ako sa susunod kong pageant ay ibabawas ko na lamang sa napapalalunan ko ang ibabayad kong utang sa kaniya. Hindi kasi ako sanay na maraming inuutangan. Mahirap na. Baon na nga kami sa utang ng buong pamilya, uutang pa ako. Hindi ko rin ito sinasabi sa mga magulang ko at pihadong madadagdagan lamang ang sakit nila sa ulo, lalo na si Nanay. Kaya hangga't hindi nagiging malaki ang utang ko, binabayaran ko kaagad ng sa gayon hindi rin sumakit ang ulo ko sa kakaisip kung paano mabayaran.
Ang mga quizzes, recitation at surprise exam ay hindi ko naman nalikdangan, at ang mahalaga ay nagkakapag-review pa rin ako at may naisagot ako kahit papaano. Hinihiling ko na lang sa itaas na sana naman makapasa ako. Alam kong hindi ako masipag mag-review pero sinubukan ko kaya... sana, sana talaga! Kaya kahit alam kong hindi magiging perfect ang score ko, sana pasang-awa man lang ay matapatan ko. Okay na 'ko don.
Sa nakalipas na araw na iyon, habang hindi pa inaanunsyo ang resulta, palagi akong nag-iisip ng pampalubog sa loob ko para di ako mangamba ng sa gayon ay... hindi ako palagi napupuruhan na pagalitan ng aking ina.
Dahil hindi na nawala sa utak ko ang sinabi ng Prof ko sa Major na baka tuluyan niyang i-drop niya ako. Naalarma naman ako dun, at sa takot ko nga ay bago ako umaalis ng bahay ay napapadalas na akong may dalang tumbler, nagtitimpla ako ng matapang na kape sa umaga at iniinom pagkatapos mag-almusal bago maligo, bukod pa ron ay nagtitimpla muli ako para ibaon sa eskwela para gising ang diwa ko sa klase at hindi ako makaramdam ng antok. Hindi ako nagkamali at naging epektibo nga naman.
Yun nga lang kapag may raket, medyo lambutin ako pero keri pa rin naman ng kagandahan ko kahit nagdadala rin ako ng kape. Oo kape ulit. Halos kape na yata ang dumadaloy sa buong katawan ko lalo na't isa ito sa mga nagsilbing pangkalakasan ko sa tuwing nakakaramdam ako ng panlalata. At isa pa, nabubuhayan din ako kapag inaalala ko ang prize na makukuha ko lalo na kapag nananalo ako!
Kaya go pa rin! Mawalan na ng dugo basta manalo at makuha ko lang prize na inaasam ko, push pa rin!
Sana hindi talaga ako mamatay sa mga ginagawa ko. Kung dati ay mahirap, pakiramdam ko ay lalo yatang humihirap ang nararamdaman ko sa nagdaang araw. Daig ko pang binugbog...
Hindi ko naman maiwasang mapahikab sa pagod na nararamdaman na ginawa ko sa nagdaang araw. Pinilit ko na lamang ang magising dahil may mahalaga raw akong gagawin.
"Putragis naman, Prina! Panay hikab ka, naaamoy ko ang patay ng hininga mo, eh!" reklamo ni Ate Barbs habang nilalagyan ako ng eye shadow dahil nakapikit ako habang malapit naman ang mukha niya sa akin. "Tangi'nang bungangang iyan, kumakain ka ba ng tae, 'te?"
Naluluhang napamulat ako habang nakatingala kay Ate Barbs habang nakaupo ako sa kaniyang sofa at siya naman ay nakatayo habang may hawak na make-up palette at puno ng mga skin care, make-up, pang koloreng pagpapaganda pa ang nakakalat sa kaniyang mesa.
"Inaantok pa ako kasi Ate Barbs..." nanlalata kong sagot ngunit nagigising ang diwa ko sa pagtawa dahil sa pagrereklamo niya.
"Maawa ka naman sa'kin, meses! Kanina pa ako hindi humihinga! Kaibigan mo ko, pinapayuhan kita, para sa ikabubuti mo rin 'to, sipag-sipagan mo naman ang magmumog sa umaga, okay?"
"Kasalanan mo kasi, ginising mo agad ako at pinagmamadali mo 'ko! Yan tuloy, naaligaga ako," tugon ko sa kanya.
Napangiwi ito sa akin at umirap. "Kakainom mo yan ng kape kaya mukha kang sabog! Teka nga dagdagan ko pa ng concealer yang mata mo, halata pa rin yang eyebags mo, oh!" sabay lapit nito at agad ako in-apply-an ng concealer sa ibaba ng aking mata.
Hindi ko maiwasang mapahikab ulit. Kanina ko pa siya pinipilit na baka pwedeng sa ibang araw na lang at gusto kong magpahinga muna, pero sabi niya hindi raw maaari dahil importante raw itong pupuntahan ko at baka ikasisi ko pa kung hindi ko itutuloy.
Napasulyap naman ako sa damit na nakasabit sa may pinto na susuotin ko para mamaya, pakiramdam ko ay yayakap ang pagka-fitted nito sa buong katawan ko, kulay cream at may maliit na beads sa may bandang dibdib, hanggang above-the-knee ko lang at may pa-ekis pa ang istilo nito na kasing nipis lang yata ng spaghetti strap at sa wari ko ay hanggang baywang ko ang backless nito. Simple lamang ngunit sexy at elegante ang dating.
Mukhang maganda nga at espesyal siguro ang aming pupuntahan. Akala ko kasi pageant, pero nang tinanong ko siya kanina kung saan kami lalarga at ilalaban ay sinabi niyang hindi raw pageant ito.
Nakakatuwa lang dahil ang galing ni Ate Kay sa pagdidisenyo ng mga damit. Alam na alam na niya rin ang sukat ko. Sabi niya kasi ay pangarap niyang maging fashion designer, pero dahil sundalo ang ama niya, gusto siyang isabak din ng giyera, bagay na isa sa pinaka malaking dahilan kung bakit din siya pinalalayas. Sabi niya pinangarap niyang palibutan ng mga kalalakihan, pero kung ang kapalit naman ay bingit ng kamatayan ay huwag na lang. Hindi raw niya kayang ibuwis ang kagandahan niya.
At dahil nga lumayas siya at napadpad rito ay hindi man lang siya nakatuntong magkolehiyo, ngunit ang alam ko ay may raket din siya ngayon na panahian bilang taga-sketch, nakakatuwa nga at maraming gustong magpa disenyo sa kanya, nakikilala na siya dahil sa galing niyang mag-design, maski ang may mga ibang may-ari ng panahian gusto siyang kunin. Sabi niya ay nag-iipon rin siya dahil pangarap niya rin makapag tayo ng patahian balang-araw.
Kailangan niya lang talaga ng puhunan. Kaya naman natutuwa ako dahil kaming tatlo, may sari-sarili kaming pangarap at pursigido na makuha ang inaasam namin sa buhay. Nag-aangatan kami sa isa't-isa at yun ang isa sa nagugustuhan ko para sa aming tatlo.
"Tangina, meses. Ang ganda-ganda mo, pero magtooth-brush ka bago umalis, ah? Sayang ang ganda ng dating mo dahil nakakasugat sa ilong ang hininga mo. Parang panis na kape, eh," prangka nitong sinabi habang naiiritang tumingin sa akin.
Kanina pa reklamo ng reklamo.
©piedraijada
Imbes na mainsulto ay natawa na naman ako ng bahagya dahil totoo naman talaga.
"Oo na, arte mo meses! Bugahan kita ng laway sa mukha, eh," natatawa kong sagot.
Nandidiring umiling na lang sa akin ito at ako'y kaniyang inirapan.
"Lamog mo talaga,"
Pano ba naman kasi, pinagmadali ako ni Ate Barbs kanina na pumunta sa parlor niya para ayusan na daw niya ako. Masarap pa ang tulog ko at bumabawi pa ako nang siya ay tumatawag sa akin. Mabilis lang ang kain at ligo ko at sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan kong magtooth-brush! Kasalanan niya ito kaya magtiis siya! Para kasi siyang haliparot na madaling-madali sa pag-aasikaso sa akin. Akala mo naman, sobrang layo ang pupuntahan!
"Para ka kasing taeng-tae kanina. Ano ba kasing gagawin ko?"
"Naku, kailangan bukod sa maganda ka, dapat mabango ka rin 'pag nakalapit sayo si Mayor!"
Napaamang naman ako. "A-Anong sabi mo, Ate Barbs? Mayor?"
Napatutop ito sa kaniyang bibig sabay tango kalaunan at ngisi niya sa akin. "Oo, gaga! Surprise na sana, eh. Remember na Mayor na lumapit sayo nung pageant nung ginawaran kang Miss Cebu?"
Napakunot ako. Sandali akong nag-isip dahil sa dami ba namang nasalihan at napuntahan ko, mga nakasalamuhang tao ay halos hindi ko na matandaan ang mukha ng karamihan.
"Basta matatandaan mo yon 'pag nagpunta ka meses! Grabe, inaanyayahan ka ba naman sa kaniyang mansion! Ito na ang pag-asa mo, kaya push mo na, 'te!"
"Pag-asa? Ano bang meron?" nalilito kong tanong. "T-Teka... paano kayo?"
Umiiling-iling lang ito sa akin habang nangingiti. "Nako meses, hindi kita masasamahan dahil walang magbabantay sa Parlor ko. Maraming customer ngayon na umaasa sa akin at nakapangako ako sa kanila, si Ate Kay mo naman nasa tahian dahil may kasal raw na magaganap kaya siya ang inatasan na mag sketch ng mga damit. Kaya pasensya ka na kung hindi ka namin masasamahan, ah? Hagardo na talaga kami at busy pa. Kaya mo naman siguro magpuntang mag-isa. Ipapahatid kita sa tricycle driver kung hindi mo alam kung saan. Kilala naman si Mayor dito ng mga karamihan kung saan siya nakatira, eh."
"P-Pero—"
"Wag ka ng umatras. Hindi mo ba nakikita na baka ito na ang pag-asa at magpapabago sa buhay mo?"
"Anong ibig mong sabihin?" napakunot ako. Nalilito pa rin.
Napairap na nangingiti ito sa akin. Bumuntonghininga siya ng malalim. "Meses, hindi mo ba nakikita na kapag pumunta ka sa anyaya ni Mayor ay may posibilidad na magkaroon ka ng scholarship? Malay mo, 'diba? Palarin ka! Hindi ba't gustung-gusto mo na magkolehiyo sa kilalang school at magka-scholar? Kayang-kaya ibigay sayo ni Mayor 'yon!"
Nagparte naman ang labi ko at agad na napatango bilang sang-ayon. Parang biglang nawala ang panlalata ko sa aking positibong naiisip. Isang malaking oportunidad din na bigla akong niyaya ng isang Mayor at sa oras na makalapit ako sa kaniya para manghingi ng tulong ay hindi nga malabo na magkatotoo ang iniisip namin ni Ate Barbs!
"Talaga ba, Ate Barbs?" nae-excite kong tanong. Naging interesante na dahil desperada na akong makakuha ng scholarship.
Agad siyang tumango. "Oo, totoo! Hindi lang naman ikaw ang madami niyang natulungan sa mga nagdaang naging kandidata bilang Miss Cebu kundi marami at iba-iba pa. Kahit ilang mga estudyante rin! At hindi lang 'yon, bukod sa scholarships na maio-offer sayo, maaari ka pang mabigyan ng mga bigating raket, mga sponsors galing sa iba't-ibang produkto, at kung anu-ano pa! Mga ganon! Pwede ka pa lalong makilala! Duh!"
Agad akong napatayo na parang nananaginip ng maganda habang gising sa mga sinasabi sa akin ni Ate Barbs. Wala akong pake sa pagiging sikat, ang mas natuon ang isipan ko ay ang scholarship. Sa sobrang sabik ko ay malayo na ang nararating na iniilusyon ko sa mga oras na ito.
"Oh, ayan, tapos na kitang ayusan. Ang winner ng mukha mo! Pero syempre mas winner kapag sinuot mo na ito!" agad ako nabalik sa reyalidad nang makita kong lumapit sa akin si Ate Barbs sa harapan ko habang rumarampa at bitbit ang damit na susuotin ko na ngayon.
Tapos na niya akong ayusan kaya naman agad akong makahulugang napalaki ng ngiti habang kami ay nagkatitigan na parang nagkakaintindihan ni Ate Barbs.
"Ready ka na ba, meses?" eksaherada niyang tanong habang tumitili pa sa akin.
Ngumiti ako at bumuga ng malalim na buntong hininga.
"Oo! Readyng-ready na ako!" sabay pamaywang ko sa harapan niya.
"Mabuti!"
"Para sa scholarship ko!"
"Gora!" cheer-up niya.
"Para sa magiging sponsors ko!"
"Gora!"
"Para sa pangarap ko!"
"Tangina, gora na!"
"Ready na ako kahit mag-isa lang ako."
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Kahit na may kaunti akong pag-aalinlangan sa 'di malaman ang dahilan ay pursigido na talaga ako magpunta kahit na medyo pagod ako. Pero kung para sa pangarap ko naman ang sasalubong sa akin, ay walang pagod-pagod na dapat isipin! Desperada na ako.
"Yan! Gusto ko yan! Diba gagawin mo naman ang lahat sa ngalan ng pera para sa pamilya at pangarap mo? Kaya gora na!" sabay ngisi niya ngunit napangiwi sandali.
"Tama ka. Sa paraang ito, malaki ang tulong na nito sa akin para hindi na ako umasa sa gagastusin ng magulang ko sa akin. Kaya, gora na talaga ako, meses." purisigido ko na talagang sagot.
"Pero bago yan, mag tooth-brush ka na muna bago umalis, meses. Okay?"
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro