Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 49


Tumpukan ang mga media, panay diklap ang mga camera at nakakaparindi sa aking utak ang mga sinasabi nila. Halos mag-unahan sila sa mga tanong, kahit sa mga bisita. Naghalo-halo sa pandinig ko ang background music pati na rin sa mga salita nilang hindi ko maintindihan, magkakaiba-iba na. I never thought that this will be public. Akala ko ay simpleng party lang ang mga tipo niya sa kanyang kaarawan pero naisip ko na hindi nga pala uso sa kanila ang simple.

Ang mga Sanjarni ay sanay na sanay palagi sa mga engrande.

I guess, I should say that Heimlich's birthday is the grandest party I've ever attended. From their entire castle, which is formally, tastefully, and heavily decorated with elegant set pieces, to the servings which is even cooked by famous chefs, and special guests, everything is formal, delicately, and extensively.

Samut-saring iba-ibang klaseng bigating tao ang nakikita ko. At halos magkislapan sila sa paningin ko, iba-ibang mukha at halatang hindi nakakadanas ng hirap. Cocktail tables are everywhere, may mga nagbibigay rin mula sa mga servants, mga tables ay engrandeng nakaayos na nakahilera para sa mga guests. Mas nangingibabaw ang kulay na ginto at pula sa kabuuan. May mga mararangyang chandeliers, mga kandilang animoy nakalutang at mga kumpulang bulaklak na maayos nakalagay.

And one more thing na nakapukaw sa atensyon ko ay sa parte ng gitna, there are 160-person banquet hosted by King Ilyas himself would do. May mga nakahilera rin na servants, mukhang doon uupo ang mga pinakaimportanteng tao. Oh, god! This is literally crazy, so elegant, and so classy. They really throw a giant banquet in his castle.

Ang mga bisita ay winewelcome ni Ilyas.

Hindi ko maiwasang magngitngit mula rito sa matandang ito habang nakangisi. Simula nang araw na iyon, hindi pa kami naghaharap muli. Sa totoo lang, gusto ko siyang kausapin pero alam kong hindi tamang oras ngayon. Women kissed his cheeks, while men, I assumed tycoon businessmen are offered him a handshake.

Kanina pa ako nasa isang tabi, nakatayo. Walang kausap. Nakatanaw lang ako sa mga alon ng mga tao. Hindi ko alam kung ilan pa ang darating pero masisiguro ko na napakarami ito. Aabutin na yata ng libo. I'm on the top of their grand staircase, looking down at the big space with guest, mga hindi pamilyar na tao at mukhang galing pa yata sa iba't-ibang panig ng mundo, halata rin na nagmula sa mayayamang lahi at angkan.

Parang hindi ako nanggaling sa pagkapagod kanina. Ang ganda-ganda ko rin sa suot ko at wala sa itsura ko kahit na napaka simple ko lang naman na tao. I'm just wearing a black dress that I think its brand is very expensive, and high silver heels. Maayos at malinis na nakapusod ang mahabang buhok ko na medyo mataas. I'm wearing a heavy make-up na nilapatan na dugong-dugo sa pulang lipstick ang labi ko. Sabi kasi ng make-up artist kanina, ang ayos niya sa akin ay mukhang ibinagay niya sa dating at personality ko na first impression niya raw sakin. Mukhang hindi naman siya nagkamali. Para bang ang ayos ko ay nagsilbing shield na pakiramdam kong protektado ako. Dahil wala akong nakikitang reaksyon sa iba kundi galak kapag nasisilay ako ng ibang bisita. Para bang naiisip nila na kabilang rin ako sa kanila.

Para akong nabibilang sa kanila pero ang totoo, para akong isang maruming bagay na nilinis lang mula sa tumpok ng mga basura.

Medyo sumasakit na ang paa ko sa pagkatayo, habang nakapatong ang kamay ko sa railings, hindi alam kung saan lulugar. Sa oras na ito, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, sabi ni Heimlich... may surprise pa siya sa akin, pero bakit nakaayos na ako't lahat hindi pa rin siya nagpapakita sa akin? Usually kapag may mga okasyong nangyayaring ganito, palagi siyang umaalalay sa akin. Hindi niya ako iniiwan. Lagi niya ako hawak at itinatabi sa kanya, takot na mawala sa paningin niya.

Nasaan na ba siya? Hindi ko pa siya nababati. At hindi pa ako nakakabawi dahil wala man lang ako karega-regalo sa kanya!

I really feel out of place. I began to feel uncomfortable and cold dahil mababa ang backless ko, at mahaba ang dulo na tirante nito na medyo umabot na sa sahig. Kanina pa ako hindi mapakali sa hindi malaman ang dahilan. Dati naman kasi kahit hindi ko kilala, nakakaya kong mag-entertain ng ibang tao, pero iba na kasi ngayon. Alam ko namang... hindi rin basta-basta malalapitan ang mga respetadong tao na nakikita ko. Kanina habang inaayusan ako ng mga make-up artist at designer ay puring-puri ako, they even told me that I could pass a model, naibida ko rin kasi sa kanila na nakapag model na ako ngunit hindi na dinetalyado at baka pagtawanan lang ako.

Nagkaroon ako ng confidence lalo, pero ngayon, dahil marami akong nakikitang kababaihan kahit saan ako lumingon, natanto kong kahit anong ganda ng suot ko ng mamahaling damit, kahit kailan, hinding-hindi pa rin ako mapapabilang sa kanila.

Sa pagmamasid ay may dalawang babaeng malapit sa pwesto ko ang nag-uusap. Dinig ko ang mga musicians at nagpa-piano sa gitna. At hindi ko maiwasang magpantig ang tainga sa hindi sinasadyang pakikinig dahil alam ko ang pinag-uusapan ng nasa aking tao.

"Their castle is so spectacular... By the way, I've heard the humor that the Prince Javadd allegedly brought a woman here to his castle. " ani ng isang babae na para bang nakakaintriga iyong balita.

"Really? How are they related to each other? Isn't that who Prince Javadd will marry? I also heard that the Callaghans had arrived the day before. I'm certain they will undoubtedly arrive today as well." nagtatakang sagot ng kausap.

"However, Prince Javadd is unlikely to have brought Callaghan's daughter here to his castle. It's impossible. Talk to the crowd. Many people knew he was returning because of the party and he was with another woman over a month ago."

"Really?"

"Yes. He didn't bring a normal woman here, she's not like us. Guess what? But rather a stripper. Funny, right? You're familiar with Prince Javadd, also known as a philanderer. Like father, like son. "

"Oh, my god! So, it's true that Prince's hooking a hooker? Since when? That's something I've never heard before. I envy that girl, but how cheap! I didn't know that Prince Javadd was really fond of whores and lowly women. " dinig kong parang nandidiring tunog ng isang babae.

"Yea. I've heard that she's a gold-digging bitch who thought Prince Javadd would marry her. What a gullible girl. "

At saan naman nila nakalap ang balitang 'yan?

Nadinig ko ang tawanan nila dahilan na mapahigpit ang kapit ko sa railings.

"Oh, poor her. It's really hard to explain to someone like her who is closed-minded and uneducated. The clan of the Sanjrani will never accept a poor clan. Her dream is too high for her to dream of someone like Heimlich. The Prince and Clementine are more suitable! The Callaghans and Sanjranis families are especially close to joining forces, and I can't wait for that to happen. "

"That's why now their engagement party will be announced." aniya'y sabik na mahihimigan sa boses na narinig ko.

Gulung-gulo ang aking isip ay bigla na lang nawala ang atensyon ko dahil sa nagsalita. May grand décor na stage sa tapat ng napakahabang table. Sa tabi niyon ay mga nagpe-play gamit ng iba't-ibang instrument na umaalingawngaw sa kabuuan ng kastilyo. May isang nagsalita na sa wari ko ay master of the ceremony nila para sa nangyayaring event.

Agad na nahanap ng mata ko si Heimlich, ngunit unti-unting napawi ang ngiti ko dahil sa narinig. Abot naman ang tahip ng dibdib ko habang natutulala sa nakikita ko.

No... it can't be.

"What a pleasant surprise everyone! Apart from the Prince's birthday, we have something important to announce! Let us all greet... the fiancée and her family's arrival!" masayang bati pa ng emcee at narinig agad ang kanilang umaalingawngaw na boses at palakpakan.

Hindi ko alam kung bakit dinadambahan ako ng matinding takot. Nanlalamig na rin ang sikmura ko at tila malalagutan ako ng paghinga habang nanlalambot ako sa kinatatayuan ko.

Nandito ako, Heimlich. Hinanap mo ba ako? Sabi mo may surpresa ka. Pero anong nangyayari?

Parang lason nang ako'y napalunok nang makita kong ngumingiti si Heimlich sa mga bisita. Lalo na't panay sulyap ng mata niya kay Clementine na nakaupo sa harapan, katabi ng magulang, at ang nagdidiwang at pumapalakpak na si Ilyas na tila natutuwa sa kanyang anak. Sobrang lapad ng kaniyang ngiti... halos silang lahat at parang gusto ang mga nangyayari habang ako naman ay naghaharumentado at taliwas na taliwas naman ng sobra sa nararamdaman ko.

Parang gusto ko na lang magwala pero nanatili pa rin akong nanghihina. Sa sandaling ito ay natigilan na ako sa paghinga. Parang gusto ko na lang takbuhin si Heimlich para yakapin siya. Na kahit ganito ang nadidinig ko ay hindi pa rin ako maniniwala.

Pero hindi ba't tutol na tutol roon si Heimlich... Hindi niya gusto si Clementine. At lalong hindi naman niya mahal ito dahil ako ang mahal niya.

Nangako siya sakin.

Ako dapat iyon. Si Heimlich yung tipong walang pakialam sa paligid niya, yung hindi niya gagawin ang isang bagay na hindi talaga niya gusto. Nangako na siya sa sarili niya. Gusto niya ako at nararamdaman ko yun, lalo na 'pag ipinangangalandakan niya pa sa harap ng ibang tao. Kahit sa harapan pa ng ama niya. Pero ngayon, bakit ibang babae ang ipinangangalandakan niya sa lahat?

"Ladies and gentlemen, as we all gathered here to witness the engagement. Let us give a round of applause to the lovers, the beautiful and stunning Ms. Clementine Callaghan and the marvelous man, Prince Heimlich Javadd Sanjrani." pagpapatuloy pa ng emcee.

Fiancée? Engagement party? Tuloy pa rin ang kasal? Nilang dalawa? Totoo?

Hindi pa rumrehistro sa akin ng maayos, natitigilan ay napapaawang ang bibig ko habang nakangiting inaalalayan ni Heimlich ang pagdalo sa kanya ni Clementine sa stage. Sinalubong pa niya ito at kusa pang nilagay ni Heimlich ang kamay ni Clementine sa kanyang braso. Kung titigan niya ang babae ay para bang mahal na mahal niya ito. Para silang in love sa isa't-isa. At para bang ang nangyayari ay mararahang gumagalaw sa paningin ko. Bawat simple, maliit na detalye ay pansin na pansin ko na nagbibigay ng malaking bagay iyon sa akin.

"The Prince is so dashing tonight..." dinig kong papuring nasa tabi ko.

Sumang-ayon naman ang isang babae at sinabing bagay na bagay raw sila. Sa kabila nang nararamdaman ko ay hindi ko pa rin maiwasang mapahanga sa ayos ngayon ni Heimlich. Lahat talaga ay madaling mapahulog niya sa simpleng galaw lamang. Gwapong-gwapo talaga ako sa kanya, wala akong nakitang pangit at maipipintas sa kanyang dating.

Ngunit mahigpit kong naikagat ang aking labi nang gumuhit ang matinding kirot sa aking dibdib.

Totoo ba talaga itong nakikita ko?

Agad na umingay sa ere ang palakpakan ng mga tao at ang hindi magkamayaw ng mga papuri sa kanilang dalawa, lalo na sa babae. Sunud-sunod ang mga nakakabulag na mga ilaw ng camera sa kanila. Lalung-lalo na kay Clementine, she posed to them proudly and gracefully... and very, very, happy.

Napaatras ako at halos mabuwal na ako sa aking pagkakatayo habang nakangiting binubulungan ni Heimlich si Clementine sa tainga, kita ko pa ang pabebeng paghampas niya sa dibdib ni Heimlich at kahit hindi ko dinig at malayo ako, tanaw-tanaw ko ang palitan ng tawa nila. Kinuha niya ang kamay ng babae sa kanyang dibdib at matiim na tinitigan sabay halik nito sa palad na lalong ikinalakas ng tuwa ng mga audience.

Tears automatically fell down my cheeks while staring at them. Para bang inggit na inggit ako kasi ginagawa niya rin iyon sa akin. Inggit na gusto ko na lang ipagdamot na dapat hindi niya iyon ginagawa sa iba kasi gusto ko ako lang. They are waving at the camera, at sabay silang umupo sa may parihabang mesa kasama ang kanilang mga magulang.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa masasaganang luha naipon mula sa mata ko. Marahas akong umiiling sa direksyon nila kahit malabo niya akong makita.

Isa lang nararamdaman ko ngayon, naghihinagpis ang kaloob-looban ko pero hindi ko magawang ilabas dahil wala ako sa tamang lugar. Nanatiling nakayuko lang ako, pasimpleng sinasapo ang dibdib sa bigat na nararamdaman. Nakakapanghina... Sobrang sakit pala... pero hindi pwedeng iiyak ako sa harapan nilang lahat.

Marami pang naging kwentuhan mula sa emcee na kinagiliwan naman ng lahat. Para bang hindi ko na masikmura pa ang nadidinig ko kung paano raw sila nagkakilala, at ang mga pagsagot ni Clementine at Heimlich sa isa't-isa.

I couldn't even look at them.

Bakit ba nandito ako? Bakit ba pinaayusan ako ni Heimlich? Para ipakita niya bang magpapakasal na siya sa iba? Gusto niya ba ito? Kasi parang hindi ko makita sa kanya ang pagkadisgusto. Gusto kong malaman... gusto ko siyang tanungin at komprontahin kung gustung-gusto niya ito at hindi siya tutol na ikasal sa iba. Hangga't hindi ko nalalaman ang katotohanan mula sa kanya, hindi ako maniniwala sa nakikita ko kahit ang sakit-sakit na.

Tinatagan ko ang loob ko, I wiped my tears, looked down and sigh deeply. Hindi na ako nakinig at inabala na lang ang sarili sa pagpapakalma.

Pakiramdam ko ay duming-dumi na naman ang aking pagkatao. Once again, I was slap by the fact that I did not fit into this world.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatayo bago magpasyang umalis. Hindi pa man ako nakakapasok sa matahimik na hallway para magkulong na lang sana sa kwarto ay natigilan na lamang ako sa makakasalubong ko.

Hindi ko sila pinansin, at inakala kong hindi nila ako papakialaman, ngunit nagulat na lang ako na ako pala yata ang sinadya nila rito.

"Well, well, well, look who's here." wala sana ako balak humarap ngunit hinarangan niya ako sa daraanan ko.

Huminga ako ng malalim at kalmadong tiningnan sila.

"How long will you stay here?"

"What do you need from me?" tanong ko. Pilit na kinakontrol ang nagbabadya kong emosyon dahil nakikita ko ang pagkadisgusto nito sa akin habang tinataasan ako ng kilay, pinapasadahan ang aking kabuuan, habang malamig naman na titig ang ipinupukol ng kasama niya.

"I like your dress. Not obviously slutty woman." sarkastiko pa siyang nangiti.

Alangan akong ngumiti. Inaamin ko, sa totoo lang ay kanina pa ako nanliliit sa kanila. Ngunit kailangan ko pa rin tatagan ang loob ko. Hindi ko pwedeng ipakita ang kahinaan ko sa kanila kahit na ang sinasambit nila ay sobrang totoo at... sensitibo para sa akin. Kung pwede na lang maging bula o kaya ay lumubog sa kinatatayuan para mawala na ako sa paningin nila ay ginawa ko na.

Nagtiim bagang na lamang ako habang aliw na aliw ang tingin nito sa akin. Ito pa lang ang una naming interaskyon ay grabe na siyang mang-insulto.

"By the way, I'm not going to wander around anymore. You probably know where you are. You don't fit in this place because you're now alone." mataray at direktang sambit niya.

Mukha pa ring sopistikadang tingnan. Hindi ko maiwasang ikumpara ang ganda ko sa kanila at sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lamang ako nainggit sa isang babae, ngayon lang ako nakaramdam ng insecure dahil sa perpekto at kagandahan ng itsura niya. Kaya hindi ko maiwasang mangamba... na sa isang iglap na lang ay siya na ang magustuhan at hindi na ako.

Tinitigan ko sila, hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita muli si Mrs. Danbury.

"To clarify, my dear, please leave my daughter and her fiancée alone. My daughter will marry and be loved by Ilyas' son. Don't wish for a prince to marry a whore like you." nagpakita pa ito ng perpektong ngipin sa pagngiti kahit na alam kong peke lamang iyon.

Hindi naman niya kailangan pang gawin yan, kasi kung wala silang pakialam at panatag ang loob nila, hindi sila mate-threatened sakin. Masyado siyang ma-effort para ngitian pa ako, kausapin at daluhan ako. Hindi ko siya sinuklian ng ngiti at nanatiling walang emosyon ang iginagawad ko sa kanila... dahil ako, hindi ako plastic tulad nila.

"Mamá," untag ni Clementine sa ina habang hindi ako nilulubayan ng tingin.

"Yes, honey?" kumurap ito saglit at malambing na tumugon sa anak.

Sandaling pinutol niya ang tingin sakin, hindi ko maiwasang mapairap at kahit hindi ako nakatingin ay dinig ko ang pagsinghap ni Mrs. Danbury sa akin nang mahuli niyang iniirapan ko siya.

"Might also you please give us some time to talk right now?" mahinang kumbinsi ni Clementine sa ina na nakakunot sa akin. "Please, Mamá,"

Makikita ang pagkadisgusto niya sa sinabi ng anak ngunit wala nang nagawa ito. Mapangmata muna niya akong tiningnan na parang binabalaan niya ako bago niya kami iwang dalawa.

Maya-maya ay humarap siya sa akin. Kahit malapit ay aminado akong gandang-ganda ako sa kanya. Pero dahil isa siya sa karibal ko sa taong gusto ko, para bang nag-iiba ang pakiramdam ko at tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit sa malambot na aura niya ay para bang may itinatago pa itong pambihirang ugali.

Alam ko naman na aware siya sa relasyon namin ni Heimlich. At ng pamilya niya iyon, kahit kay Ilyas. At alam ko rin naman ang totoo kung bakit nangyayari ito. Maaaring napilit lang siya ng pamilya nito. At alam ko rin na gustung-gusto niya ang nangyayaring ito dahil... alam kong malaki ang pagkagusto niya sa lalaki.

"Do you have anything to say?" ako na umuntag sa aming paghaharap.

Tumikhim lang siya saglit habang nakatitig pa rin sa akin. Hindi pa rin nagsasalita.

Napabuntonghininga ako ng malalim. "If you just fight me and insult me like your mother did—"

"No. I'm not going to do that to you because I'm just going to advise you." natigil ako sa pag-iling at malamig lang na tugon niya.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gusto niya pa akong kausapin. At kahit ano pang sabihin niya ay hindi ako matitinag sa kanya.

"Let me tell you this, Phryne. Once and for all. Mamá is right, my family, and Ilyas is right, they only want one thing, the best thing is for you to stay away from us. Because of you, there is a lot that Heimlich does not do well with his responsibilities. You're just confusing his mind and that's not right. You can't be together." she said boldly.

Agad akong napakunot sa sinabi niya at hindi ko maiwasang magharumentado sa loob-loob ko.

"Who are you to command me? I only leave when Heimlich says it in front of me. But he can't do that because he loves me. He loves me and not you— "

"Stay away from him—"

"No! You stay away from my man, Clementine. You're just pushing him into the situation, and I don't know how he can accept this. He loves me and is willing to give up everything for me, and you are one of them." putol ko at hindi na talaga maiwasan na pagtaasan ko siya ng boses.

Napakurap siya at mukhang hindi siya makapaniwala sa asta ko, hindi ako tulad niya na mahinhin, at makakayang maging kalmado lang dahil galit na ako. Nagagalit na ako sa nangyayaring sitwasyong ito at isa na siya sa dahilan na iyon.

"Really? If he loves you, why did he agree to the engagement party?" namumula man ang kanyang mukha sa pagkapahiya matapos tumingin sa paligid ay lumapit lalo siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Where is he and why isn't he looking for you, hm?" pagpapatuloy niya na lalong ikinainis ko at parang mas kalmado pa ang boses niya kaysa sakin.

Hindi ako nakasagot.

"Do you really think that Heimlich will like someone like you? If we compare of us, I can be better with him, not you. We are getting married, lady. I will be happily married to the noblest of men. You are just his side chic, a whore— "mali ang pagkakakita ng unang impresyon ko sa kanya na mukhang mabait. Tama nga ang kutob ko.

Wala rin pala siyang pinagkaiba sa ina niya. Nasa loob ang kanyang kulo.

"He loves me. He won't marry a woman he doesn't love like you. " mariin kong sabi, pinaninindigan dahil ito na lang ang aking pinaka pinanghahawakan. "You may have just forces him—"

She laughed sarcastically at me.

"Dream on, Phryne. If he really loves you, he won't hesitate to ruin the engagement party. He won't look happy, he'll leave me for you, and he'll stand up for you. But... you saw it now, didn't you?" tumaas pa ang kilay niya habang mapanuya pang turan sa akin. "Just the opposite happened because you relied too highly on the very impossible thing. And for your information, he willingly agreed to marry me even if you asked him directly. I didn't force him, instead, he forced me. Is that enough for you to believe, hm?"

Malalim akong napalunok. Sa paghaharumentado ng aking puso at parang gustong sumabog ay pumikit muna ako ng mariin.

"Perhaps you're that way because..." tinitigan niya ang kabuuan ko at nabasa ko kaagad ang pandidiri at panghuhusga sa maganda niyang mukha. "of what's going on between you two—"

Talagang pinipigtas ng babaeng ito ang pasensya ko. Gusto niyang marinig? Pwes! Ibibigay ko ang gusto niya! Ibibigay ko hanggang sa malaglag ang panga niya at lumuwa ang puso niya sa sasabihin ko.

"Yes. Yes, we fuck." hindi na nakapagtimpi kong isambit.

Agad na dumaan ang gulat sa mata niya at pumarte ang labi niya sa akin.

Nanginginig ang labing mapait akong ngumiti sa kanya. "We were sharing sheets... making love. We fuck like it's a last day of the earth. We fuck in his king-sized bed, we fuck in a bath tub, shower, sofa, even in his library. We fuck in a garden too. How romantic isn't it? We fuck every part in his goddamn huge castle and we fucking enjoyed it and we really, really, love it! And we don't fucking care even if someone sees us. We don't fucking care because we have our own world. We fuck and fuck and fuck, and we've done it more than hundred fucking times until I get sore and won't able to sit. Yes, Clementine, we fuck. That's something you can't do because if Heimlich ever has sex with you, I'm sure he'll only remember me, not you."

Kita ko kung paano lumikot ang mata niya habang nanginginig ang labi. Sa nasasaktan niyang itsura, namumulang mukha, hindi ko alam kung bakit ni hindi ako makaramdam ng awa bagkus ay lalo akong nairita sa kanya. Inaamin ko, pinagseselosan ko talaga siya. At nagseselos ako na isiping nadadala rin ako sa mga sinasabi niya.

"You... bitch-" kita ko ang pagngitngit ng kanyang bagang habang kumukunot na ang noo sa akin.

"Yes! I'm a bitch. And this bitch will slap you with the fact that it's also true I'm telling you." huminga ako ng malalim at walang emosyong nginitian ko siya. "How about you? Have you two had sex? Do you also have extraordinary memories of Heimlich while having sex?" pakla akong natawa, sa sobrang inis na ang nangyayari ay naibunton ko sa kanya. "No, right? He can only do that thing to me, and he will never let another woman experience that. He won't be able to bring me here if he doesn't want me anymore. As far as I remember, he doesn't love you. He didn't even want to marry you. He may have just agreed because you forced him to. Everything is against him. " matapang na pagpapatuloy ko.

"S-Shut up... you're just after in his money! Aren't you ashamed of yourself? M-Maybe... maybe that's why we haven't had any intimate relations because... he's waiting for us to get married first. He waits for the right moment because I know he adores me. He is not supposed to have sex with me because I know he respects me. What a shame, not like you have no decency. "

Clementine is so raging right now. Ang kanyang porselanang mukha ay kalat na kalat ang pangangamatis dahil sa galit. Sa isang banda ay naumid ang dila ko sa sinabi niya. Bakit ba inaaksaya ko ang oras ko sa pakikipagtalo sa kanya? Kahit kailan ay hindi pa rin ako maniniwala sa kanya, at sa mga nangyayari sa paligid. Ang tanging paniniwalaan ko lang ay si Heimlich. Nasaan na siya?

"What are you fighting for? Being flirtatious? Why are you still here? Isn't it clear to you that we're getting married and you're just a pastime?" nang-aasar pa niyang sambit at ang galing-galing niya dahil naaasar na ako sa kanya ngunit hindi ko dapat pinahahalata iyon.

Kumuyom ang mga kamao ko sa sunud-sunod na pang-iinsulto niya sa akin. Kung kanina'y gandang-ganda ako sa kanya, siya namang pumapangit na siya sa aking paningin. Gusto ko siyang sampalin at sabunutan pero tulad niya, ayaw ko ng gulo kaya kung titingnan ng iba ay para lang kaming normal na nag-uusap.

"Oh, maybe... you also want to see our wedding? Just tell me, and I'll be happy to invite you, so you can see the fact that I'm the only one he wants to marry and not you, " she dramatically sighed and smirked at me. "I can't wait to be Mrs. Sanjrani, especially with our upcoming wedding and honeymoon." sa istura nito ay tila'y sabik at nangangarap ng gising sa isang bagay na posibleng totoo nga ang sinasabi niya.

Pero may pinanghahawakan pa rin ako. Hindi ako matitinag at ilababan ko 'to.

Ilalaban ko pa tong nararamdaman ko. Kaya ko... kaya ko pa.

Hihintayin ko pa rin at maniniwala ako sa kanya.

"That won't happen to you cuz you're unfuckable, honey." sagot ko sa kanya na ikinawala ng ngisi niya.

"W-What did you say... huh?" lalong siyang lumapit sa akin na parang nanggigigil.

"You're unfuckable—"

Natigil ako sa malakas niyang sampal sa aking pisngi. It stings, a lot. Kakaunting hibla na lang ang kinakapitan ko para magtimpi sa kanya ay siya na mismo ang pumigtas nito. Nilingunan ko siya at para bang sobra siyang na-offend sa sinabi ko dahilan kung bakit pulang-pula ang kanyang mukha. Nanlisik ang mata ko at mapait na ngumiti sa kanya, nanginginig sa kanyang ginawa, handa na at nakaangat na ang kamay ko sa pagsugod, pero bago ko pa masabunutan ang babae ay natigilan ako sa boses na nadinig.

"Phryne! That's enough!" natulala ako ng paghablot niya sa akin.

Agad na nasalo ko ang mata niyang nagyeyelo sa lamig habang nakatingin sa akin. Imbes na ako ang daluhan niya, ay mas lumapit siya kay Clementine at tiningnan ng pag-aalala.

"H-Heimlich..." nanginginig na sambit ko sa kanya habang malalim akong napapalunok. Gusto kong magsumbong sa kanya pero tila naputol ang aking dila.

Natitigilan ay kita ko kung paano pa niya binulungan ang babae habang hinahaplos ang mukha.

"What the hell is fucking happening here, Phryne?" saad niya habang nanlilisik ang mata nang makalingon muli siya sa akin. 

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro