PHASE 47
I don't remember exactly what happened next. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang pag-aargumento namin ni Ilyas habang kumakain ng dinner, ang dagling pagkaramdam ng hilo sa hindi malaman ang dahilan. At ang sumunod ay tanging naging blangko na lamang sa aking isipan.
Masakit ang matang iminulat ko ito. Agad na naramdaman ang pagkauhaw ngunit hindi ko maigalaw ng husto ang katawan ko dahil sa kaunting pangingirot ng sentido. Para bang may kumurot sa utak ko ng mga sandaling ito. Nagising ako ng nasa ibabaw ng napakalaking estrangherong kama. Marangya ang paligid, naninibago dahil ibang-ibang kay Heimlich na silid. Mas magarbo, mas nangingibabaw ang bawat antigo at gintong bagay na nakikita ko.
Kinusot ko ang aking mata at pinilit na umahon sa pagkakahiga.
Napasinghap ako ng matanto kong panlalamig ng pakiramdam sa katawan ko. Para bang naging bugbog sarado rin ang katawan ko.
Wala akong saplot.
Nababalot lang ako ng puting kumot.
Ginala ko ang aking mata habang nasa kama at nasilayang wala naman akong katabi. Wala akong katabi. Unti-unting nanginig ang aking sistema. May nangyari ba sa amin ulit ni Heimlich? Bakit wala akong matandaan? Kung ganon... bakit nagising ako na hindi ko siya katabi?
Pero bakit wala akong saplot? Ano ba ang nangyari? Bakit nandito ako? Kaninong kwarto ito? May tao ba dito? o ako lang? Paano naman ako nakapasok dito? Ni hindi ko nga matandaan na kusa akong pumasok rito! At imposible naman na dito ako kusang makakapasok dahil hindi ko alam ang silid na ito! Gaano man kalawak ng bahay nila, tanging silid lang ni Heimlich ang pinaka kabisado ko.
Masakit ang ulo, naguguluhan dahil hindi ko alam kung sino ang nagdala sakin rito, tapos wala pa akong saplot ay agad ko namang inasikaso ang sarili ko. Bitbit ang balot na kumot sa akin ay mabuti na lamang ay nasa sa tabi ko ang damit ko. Napapakunot na imbes na magulo ay nakatupi pa ito ng maayos. Para bang may nagdala talaga sa akin rito.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung bukod sa sakit ng ulo ko ay may iba pa bang masakit sa akin?
Si Ilyas...
"Oh shit... hindi kaya..."
Mahigpit akong napailing. Oh, my god! This is not happening.
This is not fucking happening, right!?
Bangungot ko lang ba ito? Na sa sobrang sama ng loob ko kay Ilyas ay nakasama ko siya sa bangungot ko? Please, sana totoong binabangungot lang ako. Dahil kung bangungot man ito... sana magising na lang talaga ako!
Please, somebody wake me up form this fucking bad dream!
"Putang ina... putang ina wag naman sana..."
I pinched myself hard and cried in realization. Halos sabunutan ko rin ang sarili ko. Ngunit kahit magkanda-lagas-lagas ang buhok ko sa pananabunot ay totoong gising nga talaga ako! Bakit ba kasi hubad ako!? Fuck! I remember, Ilyas was the last one with me... then I woke up in a bed, fucking naked.
Damn it!
Hindi naman siguro ako napaglaruan, 'diba? Hindi naman siguro ako napagsamantalahan, 'diba? Pero bakit nasa ganitong sitwasyon ako? Sino naglakas ng loob na nag-alis ng saplot ko ng hindi ko namamalayan? Halos mabaliw na ako kakaisip kung bakit ganito ang ayos ko. Ano kayang ginawa niya... sakin? Sinadya niya ba ito? Did he planned this? Sino ba ang gumawa nito?
Parang gusto ko tuloy pagsisihan na dumalo sa kanya sa hapagkainan. Hindi ko inaasahang ganito ang kahihinatnan ko sa pagmulat nang mata ko. Ayoko mang isipin ay baka talaga kaya siya nag-ayang makipagdalo ako, eh yun pala, may masama siyang motibo sakin! I knew it!
Tanga-tanga ko! Bakit ba hindi ko naisip ng mabuti iyon na maaaring ganun nga ang nangyari?
"Oh, god... no, no, no... I feel like fucked up hard fucking big time..." wala sa sariling sambit ko. Na halos masapo ko ang sariling dibdib sa dagling parang may pumitik sa puso ko para ako'y kabahan.
Heimlich...
My mind is so wired and disoriented. My head is pounding so bad. God, please, please, please, I did not sex with him, right? This is not real.
Hindi ko magagawa iyon. Kahit na ganito ako, kilalang maruming babae, kilala ko pa rin naman ang sarili ko... hindi ko talaga magagawa iyon! Kahit kailan ay hindi ko madaling naibibigay ang sarili ko. Sana mali lang yung naiisip ko. Hinding-hindi.
Muling kumirot ang sentido ko. My hands reached my head and pulled my hair out of frustration while trying again to remember every single thing that happened earlier. Pero kahit anong piga sa sa utak ko, kahit anong hilot sa sentido ko, ay wala talaga akong maalala. Hindi ko alam kung bakit naging ganun na lamang ang aking pakiramdam.
At hindi ko alam kung bakit wala akong maalala ay may pangangamba akong nararamdaman.
Kilala ko ang sarili ko, hindi ako madaling malasing. At wala akong natatandaang uminom ako ng marami, kundi isang beses lang! Sa tinagal ko ng nagtatrabaho sa bar, iba-ibang klaseng alak na nasubukan, nasanay na ako at mataas ang tolerance ko sa alak kaya napaka imposible at nakapagtataka naman na bigla na lang ako nawalan ng malay at walang maalala sa isang inom lang! Tama, nang dahil sa wine na nainom ko, natatandaan kong doon ako nakaramdam ng kakaibang hilo.
This has something to do with the wine I drank! Damn it! Why did I drink that wine?
Sa kawalang kamalayan ko, pumasok sa utak ko si Heimlich. Hindi ko alam kung bakit ako mas kinakabahan kapag naiisip ko siya. Nasaan siya? Dumating na ba siya? Hinahanap niya ba ako? Another set of tears fell down my cheeks. Please, sana hindi totoo ang hinala ko.
I was feeling enraged when Ilyas's smiling face entered my mind.
Sa mga pang-iinsulto niya. Sa hindi pagkatanggap sa akin para sa anak niya. Sa lahat-lahat. Napapikit ako ng mariin. Fuck! Kung meron man siyang ginawa sa akin na hindi maganda ang matandang iyon, hinding-hindi ko siya mapapatawad.
Huminga ako ng malalim dahil sa labis na kalabog ng aking nararamdaman.
"Relax... relax, Phryne," histerikal akong natawa habang kinakalma ang sarili. "Masyado ka namang oa? This is not real, okay? Wag kang kabahan... K-Kung anuman ang naiisip mo, itigil mo na dahil hindi totoo yon. H-Hindi totoo... itigil mo na ang... panghuhula mo!" mahigpit na pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Mahigpit akong pumikit saglit at malalim na lumunok. "Okay..." while groaning annoyingly, agad akong nag-asikaso sa sarili at sinuot na ang damit ko kahit na binabagabag pa rin ako sa naging itsura ko.
Dali-daling lumabas ako kung kanino mang kwarto iyon. At ang bumungad sa akin ay ang madilim na pasilyo. Inakala kong umaga na pero hindi pa pala, madilim-dilim pa. Sa wari ko ay malalim na ang gabi.
Hindi naman ako mapakali, kung anu-ano na kasing pangit na naiisip ko na ayaw ko mang isipin ay hindi ko maiwasan. Kahit alam kong marumi ako, pakiramdam ko ay nandidiri ako sa imaheng umuultaw sa isip ko. Halos manlamig naman ang sikmura ko sa naisip. Paano nga kung totoo?
Si Ilyas at ako.
Putang ina! Hindi! Ayoko!
And every time I think about it, my heart only gets broken... I don't know. I feel so dirty and disgusted to myself.
No, Phryne! Gaga ka! Wag kang mag-isip ng ganyan! OA ka na!
Nanginginig na binilisan ko ang aking lakad. Halos madapa-dapa pa ako dahil dimmed lights lang ang tanging liwanag na nasisilay ko habang naglalakad ako. Imbes na mapakalma ay hindi pa nakatulong sa dilim na nilalakaran ko, parang tulog na ang lahat dahil wala na akong nakikita mga gumagalang servants.
Kung malalim na ang gabi, edi ibig sabihin... nandito na si Heimlich? Hinanap niya kaya ako? Baka nag-aalala na siya! Baka kanina pa niya ako hinahanap! Akala niya siguro umalis ako at tinakasan ko siya! Dali-dali pa akong naglakad pabalik sa kanyang silid, sa lawak ay muntikan na akong maligaw pero mabuti na lang ay kabisado ko lagi ang tapat ng pinto niya.
And with shaking knees, I tightened the lock and opened the door to his room. I rested deeply, and the throbbing in my chest gradually disappeared when I entered his room.
Naglakad ako palapit sa kama. At habang papalapit ako ay para bang bumibigat ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan. Nakatagilid na nakahiga sa kama, isang malaking bultong lalaki na mukhang tulog na. Mukhang nainip sa kahihintay kaya nakatulog siya.
Oh god, Heimlich. Akala ko ba hindi ka mapapakali at makakatulog nang hindi ako nakakatabi? Mukhang ang himbing at sarap ng tulog mo habang wala ako.
The emotional turmoil threatened me apart. I am really going crazy right now. Ang kaninang agam-agam sa puso ko, habang pinagmamasdan ang kanyang tulog na mukha ay dagling nawawala. Napakalma niya ako dahil lang sa presensya niya. Huminga ako ng malalim, unti-unting lumapit ako sa kama, tahimik at hindi sinubukang mag-ingay at baka magising siya, wala sabi-sabing tumabi ako ng higa sa kanya.
Tumagilid ako, at agad na bumungad sa akin ang malapad at hubad niyang likod. Agad ko siyang niyakap nang marahan ng una, at kaunting hinigpitan. Napaisip rin ako... hanggang kailan kami magiging ganito? Alam kong busy siya, at kahit naman lagi kaming magkatabi sa kama, ay palaging namimiss ko pa rin siya.
Sa mga nangyari, at sa pag-uusap namin ng ama niya, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag sinabi kong hinding-hindi talaga ako matatanggap ng ama niya? Hindi ko maiwasang magkaroon ng pangamba, syempre... iba pa rin kapag tanggap ka ng tao, lalo na pagdating sa pamilya ng mamahalin mo, 'diba?
Bakit nga ba ako umasa?
Wala sa sariling ako ay napailing. Kung anuman ang nangyari ngayon, kakalimutan ko na lang. Si Heimlich lang ang iisipin ko at kung paano kami makakalayo, dahil kung tatanungin muli niya ako... sasama ako, desidido na ako at sang-ayon sa plano niya. Mas maganda rin sigurong... wala akong kamalay-malay sa nangyari ngayon. Pakiramdam ko kasi kung aalahanin ko... hindi ko alam, kinakabahan ako. Parang ayoko.
Right now, I just want to be hugged by him, to be trapped in his warm, safe embrace, because I'm sure he can calm my anxious heart. Pero dahil tulog siya ay ako na lang ang gumawa. Kaunting init lang na maramdaman ko mula sa kanya ay tila panatag at kontento na ako.
Niyakap ko pa siya ng mahigpit na mahigpit na para bang wala nang bukas sa pananatili niyang masarap na tulog.
Feeling tired was a comfort as I hugged him. As I closed my eyes, I couldn't help but imagine when the two of us were always together, like hugging before going to bed, still hugging when we woke up in the morning. Yung tipong mas mauuna pang lumapat ang labi naming dalawa bago ang kutsara para sa magiging umagahan naming pagsasaluhang dalawa.
Free to do the thing with each other and it will be for another simple morning, for our simple life. I can't wait for that to happen to us... I hope we get to that point.
Heimlich...
"See what you have done to me. I'm so smitten by you..." mahina at natatawang bulong ko kahit tulog siya.
Masasabi kong... siya lang nakikita kong lalaki, wala ng iba pa.
A violent kiss woke me up. I sighed as I opened my eyes and saw Heimlich do it as he leaned over me.
Galing sa pagkaalipungat ay nawala ang kunot ng noo ko at matamlay na ngumiti sa kanya.
"Good morning..." isang malawak na ngiti ang ginawad ko sa kanya ngunit nanatili lang siyang nakaimbabaw, at seryosong nakatitig sa akin.
Imbes na gawaran din ako ng pagbati ng umaga ay walang sabi-sabing hinalikan muli niya ako ng malalim. Napapasinghap sa bawat diin, lalim at kagat sa aking labi sa bawat halik, na para bang walang pag-iingat. Ramdam ang pamamahapdi at kulang na lang ay magsugat.
"Hey-"
Putol niya lalo sakin at halos mamugto ang labi ko dahil sakit ng halik na binibigay niya nang lalo niyang mas diniinan ang sarili sa akin. Sa marahas niyang galaw ay hindi naiwasang siya ay aking naitulak ng malakas.
"W-What's with you?" nahihingal na tanong ko, at halos mapalunok ako sa paraan pa rin ng pagtitig nito. Yung titig na kayang kalikutin ang kasuluk-sulukan ng kaluluwa at sa naiisip mo.
Hindi pa man ako nagsasalita muli, at balak siyang yakapin, inaasahan kong hahalikan niya ako ng mararahan, ay natutulala na lamang ako na walang sabing-sabing tumayo siya mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo.
Sa pagkatulala ay hindi ko alam kung gaano katagal akong napakurap sa kawalan hanggang sa hindi ko na siya naaninag. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko, napangiwi ako nang maramdaman kong medyo mahapdi ito.
"Seriously?"
Ano yung halik na 'yon? Ano kayang problema niya?
Bakit parang hindi maganda ang umaga niya?
Bakit kaya hindi niya ako iniimikan? Baka naman siguro pagod siya.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Baka nga ganon. Natural naman sigurong ganon, hindi naman araw-araw ay maganda ang timpla ng isang tao. Napapangusong hindi ko naiwasang magtampo ng kaunti sa kanya.
Ni hindi manlang nag-good morning! Wala rin akong good morning kiss! Nakakapanibago, ah!
Pasalamat siya... hmp. Siguro wala talaga siya mood? Agad naman ako bumangon para puntahan siya sa banyo. Kung wala siya sa mood, edi gagawin ko siyang good mood. Hindi naman parati ay lagi na lang siya. Panahon na siguro para masanay ako na dapat ako naman ang bumawi sa kanya, 'diba? Tama, pasalamat siya at hindi ako pabebe.
Haynako, Phryne! Mananawa sayo ang lalaki! Galaw-galaw rin naman kasi minsan, no!
Mabuti na lang ay hindi nakalock ang pinto ng banyo nang mapihit ko ito. Palihim ako napapahagikhik nang marinig ko ang lagaslas ng tubig, senyales na naliligo na talaga siya. Unti-unti ko na rin tinatanggal ang saplot ko para sabayan na siyang maligo. Sa ilang beses na may nangyayari sa amin, at madalas kaming sabay maligo ay para bang sanay na sanay na ako, hindi nakakaramdam ng hiya kapag siya lang ang nakakakita ng kabuuan ko, nakatulong pa sa confidence ko na parang halos paulanan niya pa ako ng papuri sa kabuuan ko na parang ako ang pinaka perpektong tao sa paningin niya.
Wala sa sariling ako'y napangiti. He never fails me. He always praised me like a goddess. And when he does that, my confidence grows and my feelings for him intensify.
Mula sa hamog na aninag ko at hindi pa bukas ang ilaw, bago ko masilayan ang kanyang perpektong bulto ay nakadantay ang dalawang kamay nito sa dingding habang napapatakan ng shower sa matikas niyang katawan. Nakatungo ang ulo at parang malalim ang iniisip.
Whatever his posture and expression, for me, I see nothing to blame in his appearance, everything is perfect. From his long hair is an asset to his muscularity as a man, his well-toned body, perfectly round butt, the biceps as if the master sculptor made him. He was very smoking hot. Yung tipong kusang mapapaluhod ka na lang talaga sa nakakanginig binti sa kanyang kagwapuhan.
Bumuntonghininga ako ng malalim at walang sabi-sabi, agad akong dumalo. Ramdam ko ang ligamgam ng tubig na tumatalsik sa akin. Tahimik akong dahan-dahang nilapitan siya, wala sabi-sabing niyakap ko siya mula sa likod ng mahigpit.
However, I felt him stiffened.
Nasinghot ko naman agad ang natural ng lalaking bango mula sa kanyang balat. Napapikit ako sa kaginhawaang pakiramdam.
Hindi naiwasang mapaungol sa tubig na naramdaman at sarap ng yakap ko sa matigas niyang likod. "This feels good..." I sniffed his back. Nanuot sa ilong ko ang nakakahalinang bango niya. "Heimlich, I missed you," wala sa sariling sambit ko habang nakapikit ako.
He didn't reply to me at the moment. Inaasahan kong haharapin niya ako at isisiksik sa bisig niya katulad ng nakasanayan ko sa kanya, ngunit, nanatiling matigas ito, nakatalikod, ang kaninang palad na nakadantay sa ding-ding ay unti-unti nakakamao.
I knew it, wala talaga siya sa mood. At mukhang pagod, kaya siguro kahit yakap ko ay hindi pa rin sapat sa kanya para harapin ako at kausapin agad ako.
"About this kiss, why are you so aggressive? Are you in a damn boner again, hm?" malambing na tanong ko sa kanya, pinigilan ko ang matawa para biruin siya.
Minsan lang ako maglambing kung tutuusin. Dahil naki-cringe ako. Pero ngayon, siguro, sasanayin ko na. Papantayan ko na rin ang pagiging malambing niya. Siguro sa una lang ito, pero masasanay rin ako.
"Are you okay, baby, hm? It's okay, you don't have to hold back. You used to have me as your appetizer, right?" mahina akong natawa, niyugyog ko siya ng kaunti ngunit hindi pa rin ito gumagalaw. "Come on, look at me. Miss na kita. Nauunawaan ko kung bakit ka busy, pero grabe ka naman magpa-miss, oo na, miss na talaga kita hindi ko na itatanggi. Wala ka naman siguro gagawin ngayong araw, diba?" hinigpitan ko lalo ang yakap ko sa kanya at gulat na gulat na lamang ako nang hawakan niya ang braso kong nakapulupot sa katawan niya, at saka marahas na inalis iyon.
"H-Heimlich,"
Napatraas ako nang lingunan niya ako. He's wearing his angry expression. Nagpaparteng labi ay napakunot ako. I saw how his jaw tense and I can't help but swallowed by... fear.
"Hey—"
Wala sali-salitang tatalikuran niya sana ako nang pigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang braso.
"May problema ba tayo?"
When he turned to me and grinned, I was taken aback. A bitter, and wrathful grin.
"Really, Phryne, you missed me?" lalong umigting ang panga nito at hindi ko maiwasang matakot nang mapalagutok pa nito ang panga sa pagngingit ng kanyang ngipin habang sarkastikong nakangiti sa akin.
Anong problema niya?
"O-Oo," I licked my lower lip. "You look pissed off, Heimlich. May problema ba?"
Tumaas ang kilay niya at sarkastikong umiling. "I'm not pissed off. Who said that I'm pissed off?" sarkastiko niyang sambit na sinabayan pa ng sarkastiko niyang tawa.
Anong nangyayari sa kanya?
"Dahil nakikita ko sa ekspresyon mo. Mukhang galit ka. May problema ba? Galit ka ba sakin?" sunud-sunod na tanong ko. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya.
He tilted his head, lost his smile and was seriously staring at me.
"Is there any reason for me to be angry with you, Phryne Gretha, hm?" makahulugan niyang tanong na lalong nagpalito sa utak ko.
Napakurap-kurap ako at napalunok ng malalim. Nalilito sa inaasta niya. Hindi ko maintindihan na sa pagiging ilag niya, at napakalamig pa ng pakikitungo niya sa akin ay para bang nanunuya pa ito. Galit ba siya sa akin? Bakit naman siya galit kung ganun? Dahil ba pagod ito sa ginagawa kaya sa akin niya naibubunton? Ano naman kaya? Imbes na magalit rin ako sa kanya ay hindi ko magawa. Ayokong makipagtalo. Pwede bang huwag niyang isalubong sa akin ito? Hindi na nga maganda ang sinabi sa akin ng ama niya, tapos aasta siyang ganito na hindi ko alam ang dahilan.
Napabuntonghininga ako ng malalim. Umagang-umaga ay ang init ng ulo niya.
"I'm sorry, okay? Bakit parang galit ka sa akin? May nagawa ba ako? Pwede bang wag kang ganito? Kung pagod ka, kaya ka nagkakaganyan, pwede ka namang magpahinga, hindi kita guguluhin—"
"Where were you last night?" imbes na malamig na tanong ang naging tugon niya.
"Huh?" napakunot ako.
Pasimpleng umangat pa ang kanyang labi at tinaasan ako ng kilay. "Hindi kita nadatnan rito nang dumating ako. Saan ka galing? Bakit ang tagal mong bumalik dito? Anong ginawa mo?" sunud-sunod na tanong niya na para bang hindi na makapagtimpi at nagagalit na siya.
Seriously, bakit ba parang ang ikli ng pasensya niya?
"Kaya ka ba nagagalit kasi hindi kita nakasabay matulog—"
Muli akong naputol sa aking sinasabi nang may sabihin pa siyang nakapagpakunot sa akin. And for a briefest moment, made me feel stupid, dahil hindi ko siya maintindihan.
"Oh, great! I didn't see you last night because you are fucking fooling around, right?"
"H-Heimlich... anong bang sinasabi mo—"
"You really won't tell me, huh? Ano pa nga bang aasahan ko?" aniya at dismayadong tumingin sa akin bago muling talikuran ako.
Napalunok ako.
"Heimlich... about your father—" naputol muli ako para sana ipaliwanag ang nangyari sa akin kagabi at sa napag-usapan namin ng kanyang ama ngunit hindi ko inaasahan ang lalabas mula sa bibig niya.
"Oh, don't me as a fool right now, woman. You can't fool me. You are no different from others. Tama nga sinasabi nila. You are just a dirty slut gold-digging bitch. Damn it! What did I fucking believe that you were different from them?" aniya at hindi ko talaga makuha ang pinupunto niya.
Sa gulat at pagkalito ay hindi ko naman maiwasang masaktan sa sinasabi niya. Lalo na sa paraan ng pagtitig niya, at kung paano niya ako hagudin ng tingin, iwasan kapag hahawakan ay parang nandidiri sa akin.
"Heimlich..." huminga ako ng malalim, ramdam ko ang kirot ng bumuga ako ng hangin. "Hindi kita maintindihan... bakit ka ganito sa akin?"naguguluhan ko pa ring tanong.
Natawa siya ng bahagya at binigyan ako ng imposibleng tingin. "I won't be light-headed anymore. I know where you came from last night. While I, fucking waiting for you, will inevitably worry and goddamn crazy thinking about where you are, then I'll just see that you were fucking my father!" sa lakas ng sigaw niya ay tila parang nabingi akong sa sinabi niya.
Natulala ako saglit at napakurap sa kanya. "W-What did you say?"
"You are fucking my father you slut!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napaawang ang aking bibig sa pagkabigla. Mahigpit akong napailing sa kanya.
Anong sinasabi niya? Tama ba ang nadinig ko? Sinasabi niya talaga ito sa harapan ko? O baka naman panaginip na naman ito? Kung panaginip ito, bakit ramdam ko ang sakit? Bakit ramdam ko ang pagtagas ng tubig? Ang pangingirot sa banda kong dibdib?
Pasimple kong kinurot ang daliri ko, at halos manlambot ang tuhod ko na gising nga talaga ako. Totoong sinisigawan ako ni Heimlich... totoong galit siya sa akin. Pero bakit ganun?
"Heimlich, h-hindi ko maintindihan. Wala akong alam sa mga sinasabi mo," nalilito man ay itinanggi ko ang paratang sa kanya.
Para bang pati ang sarili ko ay kinukwestiyon ko na rin. Itinatanong ang sarili kung totoo nga ba ang sinasabi niya? Totoo ba, Phryne? Totoo nga ba ang sinasabi niya?
Napapailing akong nakatulala sa kanya. He just let out a wicked and disgusted smile.
"Oh, come on! Stop hiding and play with us! I saw you, you came from my father's room. Nakita na kita, itatanggi mo pa? Ano? Ganito ka ba kapag madalas na wala ako? Pag wala ako, sa ama ko. Pagkatapos niya, ako naman, tama?" anito na parang natatawa pa sa sinasabi niya.
Malalim akong napalunok. Wala akong makapang sabihin, at sa gulat ay hindi ko kaagad makapag salita. Tanging iling lamang ang kaya kong maitugon dahil hindi pa maayos marehistro sa utak ko ang mga sinasabi niya. Tila parang nagbarado rin ang lalamunan ko.
"You're impossible, woman. You're fucking disgusting!" sigaw pa niya. Bawat lunok ko ay sumusugat sa lalamunan ko hanggang sa manuot sa puso ko ang sinasabi niya.
Heimlich, bakit mo ba sinasabi sa akin ang mga bagay na 'to? Please, wag kang ganito, nasasaktan ako.
"Still refuse, huh?" he smirked, na tila may malalim itong naisip habang tumatango. "Masyado ka bang nasarapan kaya hindi mo maalala?"
"H-Heimlich..." halos manginig ang labi ko sa pagtawag ko sa pangalan niya.
Parang hindi siya ito.
"What? Why do you seem to be hurting, hm?" he said. A bitter smirk won't leave his lips. "Damn... what a conniving whore you are. I didn't know you were that kind of dirty woman. Na kaming mag-ama, magagawa mo pa talagang pagsabayin. Ganyan ka ba talaga kadesperada para lang sa pera?" tumigilid siya at nagawa pang pagak na humalakhak.
Umiling-iling ako at nagtangkang lalapit sa kanya pero humakbang siya paatras, parang diring-diri sa akin. Sa ginagawa niyang ito ay para bang nanlamig ang sikmura ko, lalo na sa mga sinasabi niya.
Pero nagkakamali siya! Paano siya nakakasigurado sa mga sinasabi niya?
"Wow... you always impressed me, woman. Magaling ka talagang makipaglaro—"
"Heimlich, look—"
"Shut up!"
"No! Let me explain! Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo—"
"I said, shut the fuck up!" kastigo niya na ikinatulala ko sa taas ng boses niya.
Pinanlisikan niya ako ng mata at humarap sa akin, lihim akong napasinghap na nagawa niya pa akong duruin. "You, listen to me, woman. Hindi mo na magagawang magsinungaling sa akin, naiintindihan mo? I caught you, so that's enough! Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang maniwala sa isang tulad mo. You are nothing but a slut, disgusting, pathetic bitch that uses her body to get money. Sabagay, ano nga bang aasahan ko sa tulad mo? You used to work in a fucking club, right? Muntik ko ng kalimutan na... pokpok ka nga pala, Phryne. Tama ako?" malinaw, dahan-dahan, madiin at malamig niyang sinasambit ito sa akin.
Para bang unti-unti na rin niya akong tinataga.
"Heimlich-"
"Pokpok. Kaladkarin. Bayarang babae. Parausan ng lahat."
I bit my lower lip. Huminga pa ako ng malalim habang umiiling sa kanya.
Unannounced tears streamed down my cheeks as a result of his cruel and bloodthirsty words. Para bang ilang beses na pumunyal na kutsilyong tumarak sa dibdib ko na halos bumaon sa kaluluwa ko hanggang sa matagpi-tagpi ang mga ito habang pinakikinggan ko siya sa harapan ko. Lalo na ang mga tingin niya...
"Heimlich..." nanginginig, ang tangi kong nasambit habang nanlalabo ang paningin ko sa nagbabadyang luha, kinakagat ng mahigpit ang labi sa pagpipigil na mapahikbi.
"Masarap ba? Masarap bang pagsabayin kaming mag-ama, hm? Is my father a good fucker? What did he do to you to finally give yourself to him? Come on, tell me, baka mahigitan ko."
"Stop it! Please..." napapikit ako ng mariin, nanghihina sa naririnig.
"Oh! Maybe he offered you more money than me? Bakit hindi mo sinabi para naman madagdagan ko, diba? Hindi ko alam na may fetish ka rin pala sa mga matatanda. Ganyan ka ba kasabik sa pera kaya kahit ama ko ay nagawa mong patulan—"
A loud slap on his left cheek from my palm, unable to contain the tightness in my chest, stopped him. As I heard from his lips, it was also the crushing of my heart and refined personality.
I don't think I deserve this.
Sinusubukan kong unawain ang nararamdaman niya, pero sana magawa niya muna akong pakinggan bago siya magbitaw ng masasakit na salita.
"I said, stop it! Fuck you, Heimlich!" nanggigigil na sigaw ko sa kanya. "Fuck you! Hindi mo alam ang mga sinasabi mo!" I screamed at him, my cheeks dripping with tears.
The heat of tears I feel is more painful than the heat of water dripping on my skin from the shower. My palms were stinging from the hard slap I handed to him.
Imbes na masaktan siya sa sampal ko at matauhan ay lalo siyang natawang humarap sa akin. "I know what I'm saying. Dahil nakita ng dalawang mata ko. Tell me, ano pa bang hindi ko alam sayo?" mapanuya niya pang tanong.
Napailing ako. Nalilito na sa mga paratang niya pero hindi ko alam kung bakit mas gusto kong magpaliwanag kung ano ang sinabi sa akin ng ama niya. "Look, ipapaliwanag ko sayo kung bakit—"
"Do you think I believe your explanation?"
"Sana pakinggan mo muna ako—"
"No. I can't give that to you. I've seen enough. I will not accept whatever your fucking explanation is. " he said in finality as if his thoughts would never change.
"N-No..." mahigpit akong umiling. "n-no, please.. Heimlich, listen to me."
Paulit-ulit akong umiling-iling a sa kanya. Pilit ko siyang dinadaluhan pero umiiwas siya sa akin. He's still looking at me disgusted. Mapait niya pa akong tinitingnan na lalong nagpabitak at baon sa puso ko.
"I can't believe you can do this to me, Phryne. You disappointed me, fucking big time." mababa at madiin niyang sambit. "You are no different from other flirtatious slut. Able to swallow dignity for the sake of money. "
The man who once admitted that he liked me, and said... he loved me, the man I thought would never be able to speak hurtful words to me, I can't believe he does now. I'm not quick to get offended by what others say, but I can't understand why coming to him has such an impact on me. Sya ang unang lalaking nagsabi sa akin na wag isiping maging mababa sa sarili, ngunit siya pa ang gumagawa sa akin ng bagay na ito.
"How can you... damn it! I fucking don't know what to say ." tinaas pa kamay nito na para bang sumuko na lang habang dismayadong nakatingin sakin. Hindi naman nakataas ang pagkaalarma ng puso ko. "I'm out of words. Ayoko na. Nandidiri ako sayo. I hate you. I loathe you, Phryne. And I will make certain that pain must have pain you will experience from me."
"What do you mean?" halos paos kong tugon.
He smirked. "Let's say... I want to retaliate? To make it fair?"
Hindi ko na napigilan sa pagkawala ng aking hikbi at mapaupo sa panlalambot ng tuhod ko.
Para bang hindi ko pa rin mapaniwalaan. Sana panaginip ko na lang ito. At sana sa pagpikit ko, mawala ang sakit na nararamdaman ko, at sana sa pagmulat ko, hindi talaga ito totoo.
Hinihintay ko na dadaluhan niya ako sa pag-iyak ko, aaluin, yayakapin, na baka mag-sorry at magsisi siya sa sinabi niya, ngunit nanatili lang itong nakatindig at malamig na nanonood sa pag-iyak ko. Umiiyak ako dahil galit siya, umiiyak ako dahil nasasaktan ako sa paraan ng titig at mga sinasabi niya.
Umiiyak ako dahil... hindi niya ako magawang pakinggan.
At umiiyak ako dahil madali niya agad akong nahusgahan. Madali niya akong nasaktan.
Totoong galit siya. Galit na nagawa niya akong tiisin kaya kahit lumuluha na ako ay malamig lang ang kanyang tingin, ni hindi kumukurap.
Gusto kong isipin kung ano ang mali ko, pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may mali ba talagang nagawa ako... pero bakit kabaligtaran ang nararamdaman ko? Walang konsensya akong maramdaman? Bakit parang pakiramdam ko may mali? At hindi ko rin matanggap ang mga sinasabi niya?
"Saves more strength. When you wake up, I won't go easy on you. Embrace the fucking pain, Phryne. You will get a twat punishment. I'll guarantee it."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro