PHASE 46
We are doing okay.
And Heimlich Javadd Sanjrani, the majesty in the house, is being more clingy at the same time.
It's like the answer and solution, hobby, routine, to everything in between us is sex. Halos wala na yatang palya ang pagpapadilig niya sa akin sa araw-araw. Muntik na ngang magka landslide.
Imbes na magsawa ako sa ginagawa namin ay para bang mas lalong akong nasasabik sa ginagawa namin, mas lalong hinahanap-hanap, mas lalong nangangapa at hindi pwedeng hindi mangyari ang mangyayari.
Is it still good and healthy for us?
Pero wala naman akong hindi nagugustuhan sa mga ginagawa namin. Dahil gustung-gusto ko. Para bang nagmistula akong baso na palagi siyang nagpupuno sa akin sa awas na awas na kaligayahan. Palagi rin niya ako napapahanga sa mga ipinamamalas niya sa akin. And I can say, Heimlich is a sex greed and always thirsty for lust. I'm so lustful for him, he's also so lustful for me.
"We had five more rounds the whole night and you passed out, mi adelaide." he sexily chuckled.
I really couldn't help but be always amazed at his after-sex disheveled hair. He's always sexy, and it seems like I'm always looking for justice in his sinfully handsomeness.
"Yea. Seems like you have a better stamina, Heimlich," I chuckled. Umiwas ako dahil nakikiliti ako sa mga halik niya sa leeg ko.
Napakagat ako sa sarili kong labi habang mararahang, matutunog at malalagkit niyang hinahalikan ng malambot ng labi niya ang pisngi ko. Ngunit napamulat ako, naputol ang sensyong nararamdaman dahil sa nakakagulat niyang sinabi.
"If I wanted to be away from us Phryne, would you come with me, hm?" out of the blue he asked that I could not believe.
Hinarap ko siya habang namumungay ang kanyang mata. "Tama ba ang nadinig ko?" para bang nabingi ako sa sinabi niya.
"Let's elope." ulit niya. "And I want you to come with me," malalim at malinaw niyang sambit.
Napakurap ako at malalim na napalunok sa seryoso niyang mukha. "H-Heimlich, mag... magtatanan tayo? B-Bakit? Bakit kailangan nating gawin 'yon? May problema ba?" nauutal kong tanong sa kanya habang kumakabog ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Just in case," napakagat ito sa ibabang labi at napaiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay may hindi siya sinasabi sa akin. Nakakagulat naman kasi... bakit naman siya biglang magdedesisyon ng ganito?
I frowned. "In case of what?"
He cleared his throat. A few seconds before he could answer. "In case my father doesn't really accept us."
"H-Heimlich..." nababaliw na ba siya?
"Look, Phryne, I'll be honest with you. It seems so vague to stop my marriage because my Father has already made the decision. You know my situation. You know our situation, right?" malumanay niyang tanong para maunawaan ko.
Ano bang akala niya, hindi ko mauunawaan iyon? Una pa lang naman, alam ko na. Na ang sitwasyon namin ay hindi talaga magiging madali. Para bang ang hirap makahanap ng solusyon kapag naiisip ko ang aming sitwasyon. Laging bumabagsak sa isip ko ang isang linyang 'paano na?'
"Heimlich," napailing ako sa kanya. Para bang lumubog ang puso ko sa sinasabi niya. "A-Alam ko naman, pero may paraan pa naman hindi ba? Huwag tayong magpadalos-dalos...may paraan pa..." sinakop ko ang mukha niya at hinaplos iyon.
Napapikit siya at lalong isiniksik ang mukha roon, bumuntonghininga ng malalim na tila pagod sa mga nangyayari. Para bang napipirat ang puso ko sa inamin niyang dahilan. Ngunit masaya ako dahil sa suhestiyon niyang sinabi sa akin. Talagang... gagawin niya iyon para sa akin? Susuwayin niya talaga ang ama niya... para sakin? Ganun ba talaga ako ka-importante sa kanya para maisip niya ang bagay na ito?
Ano ba ang nagpapahirap sa kanya para magmukha siyang pagod sa paningin ko? Anu-ano naman kaya ang pinapagawa sa kanya ni Ilyas?
"Don't worry, when I fix my problem, we will go away. Will you come with me in case, hm?"
"S-Saan naman?"
"Malayo dito. Kahit saan, basta kasama ka. Please, come with me," pumikit siya ng mariin na para bang iyon na lang ang tanging solusyong naiisip niya, ang tanging paraan sa aming pinagdadaanan.
Gusto niya ba talaga ito?
"Don't say no. Please, come with me, mi adelaide,"
Napalunok ako sa sinabi niya. "P-Pero paano ka?" paano ang buhay niya rito?
Napakunot siya sa naging sagot ko. "Anong paano ako? Paano nga ako kung wala ka?"
Mahigpit akong napakagat sa aking labi para pigilan ang mairit sa kilig. Kinikilig ako kahit seryoso naman niyang sinasabi ito. Hindi niya alam na napapakilig niya ako sa mga salitang binibitawan niya na hindi namamalayan. Tumuon saglit ang mata niya sa ginawa ko ngunit mabilis ring bumalik ang tingin sa mata ko.
"Look, I'm happy, you can do that to me, pero paano naman ang buhay mo rito? Your position in here? Your responsibilities? " naisip niya bang hindi magiging madali ito?
Kasi ako... naiisip ko rin. Hindi madali iyon. Magtatanan? Tatakasan ang kanyang ama? Aalis rito sa puder niya? Oh, god...
Natanto kong komplikado talaga ang mga bagay para sa amin. Hindi ko inaasahan naman na dadating din kami sa puntong ganito. Na parehas kaming babagsak sa isa't-isa. Pero... wala naman ako maramdaman na pagsisihan iyon. Dahil gusto ko ito. Pinagusto niya sa akin ito, kaya naman, ginusto ko.
Humigpit ang panga niya at umiling sa akin habang seryoso akong tinitingnan.
I heard him heavily sighed. Sa pagbubuntonghininga niya ay para bang labis-labis ang pagod na nararamdaman niya.
"I don't care anymore, Phryne. Ever since... I don't really like what I'm doing. Sucks to be me, but I don't want my life here. I have enough savings and a lot of money from a good job. Wag kang mag-alala, kaya kitang buhayin. Pwede tayong magsimula kahit simpleng buhay. Malayo sa magulo para magbago. Sasama ka ba? Pwedeng... iwan mo na rin ang trabaho mo. Sumama ka na lang sakin,"
Tinititigan ko siya, habang sinasambit niya ito ay seryoso siyang nakatingin sa akin. Na para bang sigurado at kalkulado na niya ang mga dapat niyang gawin. Planado lahat. Ang marinig ito sa kanya ay hindi ko inaasahan. Para bang unti-unting nalulukot ang puso ko sa saya. Heimlich... bakit ka ba ganito? Ang dali mong mapahulog ako at saktan ang puso ko sa saya. Talaga bang handa siyang magbago para sa akin? Talaga bang kaya niyang talikuran ang marangyang buhay kapalit ng simpleng buhay? Na kasama ako?
Napapasinghap akong napakurap sa nanunubig kong mata sa kanya dahil sa labis-labis na sayang bumabalot sa puso ko. Pero, kung titigil ako, hindi ko dapat makalimutan ito,
"Heimlich...about my family-"
Mainit siyang ngumiti sa akin na para bang pinapahiwatig na huwag akong mag-aalala sa magiging kinabukasan namin.
Damn it! I didn't expect him to have a future in mind for me. As if I was his future!
"You don't have to worry. I can help you. If that's what you're concerned about." pagpapanatag niya sa loob ko na walang palyang lagi niyang ginagawa sa akin.
And for the first time in my life, hindi ko inaasahang may isang taong bibitbitin ako na parang responsibilidad na rin.
Ever since I was young, I have carried with me the responsibility of growing up. Ako lagi ang bumubuhat. Ako lagi ang bumibitbit. Ako lagi ang nag-iisip sa kapakanan ng lahat na halos hindi ko na maisip ang sarili ko at laging ako ang nagsasakripisyo. Na para bang nakadikit na sa likod ko at tanggap ko na maraming umaasa sa akin at na maraming hinahawakang responsibilidad. Na kailanman, hindi ko mararanasang may gagawa ng ganitong iba para sakin.
Pero kung sakaling mangyari nga ito sa aming dalawa, hindi ko siya hahayaan mag-isa, magtutulungan pa kaming dalawa.
"Look Heimlich, maybe you're just surprised by what you're saying. You can... give up the luxury life for me as well as your wealth?" napailing ako. "You just can't... do that. Baka pagsisihan mo lang sa huli."
Umiling siya na para bang isang kalokohan pang isipin iyon. "Mi adelaide, all I have is nothing if you are not in my life. You are my wealth. My luxury. If I could just put you in my pocket and keep you from getting lost, then fuck, I would."
Diyos ko... bakit niya ako pinalaran ng lalaking ganito? Do I deserve this? Pero sino ba naman ako para pa tumanggi, hindi ba? Kahit ako rin naman, akala ko nung una, pera lang ang nakapagpapasaya para sakin, pero mali ako. Akala ko habang nagtatrabaho ako, at sumusweldo, habang buhay na masaya na ako--pero mali pala ako. Akala ko lang pala lahat. Masayang isipin 'yon noon, pero iba pala ang pakiramdam kapag nangyari na. Maaaring mas masaya nga, o kabaligtaran naman ang mararamdaman mo. Nakuha ko naman ang gusto ko, naging masaya ba ako? Ewan ko. Basta ako...ngayon... ang tangi kong gusto na lang talaga ay makapagpahinga, matagal ko rin na hinangad na mamuhay ng simple. Kahit naisip ko noon, sa sitwasyon ko ay napaka imposible. Kahit mag-isa ako, okay lang. Pero dahil alam kong may makakasama ako sa lahat, mapapanatag ako. Ang imposible ay maaaring maging posible na ngayon dahil may kasama ako.
Mapapadepende ako dahil... nagtitiwala ako sa kanya.
Nagtitiwala ako kay Heimlich. Nagtitiwala ako kasi masaya ako sa kanya. Nagtitiwala ako kasi gusto ko siya. Oo, maaaring walang kasiguraduhan ang lahat, pero alam kong... hindi niya ako magagawang saktan ng husto at pasasayahin pa niya lalo ako.
Umangat ako ng tingin sa taong kaharap ko na nakapagpapasaya sa akin. Ngumingiting unti-unting tumango ako sa kanya kasabay ng pagbabago ng ekspresyon niya.
"Is that a yes for me, mi adelaide?" paninigurado niya habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.
My lips slowly formed to smile and nodded. "Yes, my majesty. I will come with you when we have solved your problem. We will work this together," pagpapanatag ko rin sa kanya.
Kung nagagawa niyang maging matapang para sa akin, pwes ako, ganun din dapat ako. Ganun naman dapat, 'diba?
"Fuck! I love you, Phryne. Fucking don't take back what you told me, okay? Mababaliw ako kapag babawiin mo sinabi mo."
Napapikit ako sa higpit ng yakap niya sa akin. Para bang nagsanib pwersa ang kabog ng aming puso at pati na rin ang kaluluwa ay lalong dumurugtong na din. Sa pagka-arko ng aking labi, at pagpikit ko ay naramdaman ko ang mainit na likidong paglandas sa aking pisngi dahil sa walang pagsidlang sayang nararamdaman na tanging siya lang nakakagawa.
Tanging sya lang nagiging dahilan.
Dinungaw niya ako at hinalikan sa noo, na gustung-gusto ko. Napapikit ako nang haplusin niya ang pisngi ko at nakapungay ang matang nakatitig sa akin. "I love you, Phryne... I promise, I will protect you. You don't have to worry. It's enough for me that you stay in every fight I have, mi adelaide. If I will challenge the devil just to protect you, then the fuck, I will. I know it's worth it, and it'll be a good fucking reward for us. I'll guarantee it."
Oh, Heimlich, who am I to be worthy of you!
Napapadalas na rin yung pagiging clingy niya sa akin. Which is not so cute for me and a bit annoying already. Pero dumating sa point na may mga oras na hindi kami gaano nakakapag-usap ng maayos dahil abala na ito sa trabaho. Ilang araw na ang lumilipas at tila sa pag-andar ng mga oras na naririto ako sa kastilyo nila, naghihintay sa pagdating niya, ay nagiging napakabagal para sa akin.
Simula nang dumating si Ilyas ay ganito na ang nangyayari.
Abala kasi siya sa kanyang trabaho. At kahit hindi ko na siya tanungin, alam kong... may ilang trabaho rin siyang inaasikaso na hindi ko na lang gugustuhin pang malaman pa kung ano iyon. Minsan naalipungatan na lamang ako na may nakakausap siya sa telepono. Kadalasan rin naman ay nadadatnan kong may bumibisita na hindi ko naman kilala ngunit alam kong matataas at respetadong na tao rin tulad nila.
Napabuntonghininga ako sa isiping ito. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya, pero please, sana nga talaga ay tumigil na siya katulad ng ipinangako niya.
Hindi ko inaasahang makakakilala ako ng ganitong mga tao at nakakasama ko ngayon sa hindi ko inaasahan. Pero... aatras pa ba ako? Lalo na't alam kong may maiiwan ako kung sakaling aalis ako? Parang hindi ko kaya... lalo na at nalaman ko na ang pinagdadaanan at sitwasyon ni Heimlich, parang mas gugustuhin ko na lang manatili sa tabi niya dahil alam kong kailangan niya ako. Dahil maging ako, parang hindi ko na kaya pang layuan at iwan siya. Para bang ang puso namin ay naging isa, ang kaluluwa ay magkadikit at iisa na lang ang naging sistema at parehas na rin ng... nararamdaman.
Hindi ko magawang mainis ng husto kahit na alam ko namang marami silang mag-ama na pinagkakaabalahan, ay parang napapansin kong sinasadya ni Ilyas na hindi kami lagi magtagpo ng anak niya!
Yung tipong gigising na lang kami sa umaga, wala na siya sa tabi ko, palagi siyang agad na nakabihis at hindi na kami halos magkasabay mag-breakfast, tapos uuwi na lang siya... malalim na ang gabi, hindi ko na naaabutan, at nakakapanibago. Hindi ko na namalayang sa paghihintay ko ay nakatulog na lang ako. Ayokong isiping parang nag-iba ang pakikitungo niya sakin dahil sa parang laging abala ito at aligaga sa mga dapat na gawin, na kahit madalas siya noon magpaalam, ay nakakalimutan na niya ngayon. Minsan, nadadatnan ko na lang si Ilyas na maiiwan tapos umaalis si Heimlich na kasama si Martino at Oscar. Ang dalawang itlog na butler niya. Pero nauunawaan ko naman dahil alam kong busy talaga siya.
Parang hindi na tuloy ako makapaghintay na matapos ang lahat ng ito at tuluyan kaming magsama at magpakalayo kung sakaling tatanungin niya muli ako!
Aaminin kong sa una ay masaya talaga manatili rito, masarap, pero kung walang Heimlich, hindi ko mararamdaman ang ganito. Simula talaga nang dumating si Ilyas ay para bang gusto ko na rin malayo rito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagugustuhan ang presensya niyang malapit sa amin... sa akin.
Hindi na ako madalas nakakalabas at mas gugustuhin ko na lang magkulong sa kwarto ni Heimlich habang naghihintay sa pagbalik niya kaysa naman ang maharap ang ama niya. Iba kasi ang pakiramdam ko at kahit nagkakatamaan lang kami madalas ng tingin ay hindi na kakayanin agad ng sistema ko.
Hindi ko talaga alam.
Mabuti na lang talaga at kahit papaano ay may automatic palang T.V na umaangat mula sa underground ng kwarto ni Heimlich. Pipindutin ko lang habang nakahiga sa kama and then charan! May malaking flat screen t.v nang uultaw sa harapan ko! Nakakamangha talaga ang kwarto niya at sobrang yaman talaga nila!
"Miss Phryne?" rinig kong katok dahilan na mawala ang atensyon ko sa pinanonood. Nang lingunan ko ay si Olive ang nasaksihan kong papalapit sa akin.
Hindi makatingin at nahihiyang nakangiti habang lumalapit sa akin. Agad naman ako napalawak ng ngiti. Kahit kailan ay napaka mahiyain talaga ang babaeng ito! Hindi na nasanay ay halos kami na nga madalas magkasama nitong mga nakaraang linggo.
"Oh, Olive! Good thing you showed up! Oh my, god. You know, I'm so bored. I don't have anyone to talk to. Heimlich doesn't come often, maybe he'll be home late again," sa kanya lang ako madalas makapagreklamo dahil siya lang alam kong malapit ko, kumpara sa ibang naninilbihan rito.
Napaungol ako at tamad na sumandal sa headboard ng kama.
Tipid siyang ngumiti sa akin. Pagala-gala ang kanyang mata habang nilalaro ang sariling daliri at mukhang hindi na naman mapakali. Para siyang balisa na hindi ko maintindihan.
Tumikhim ako saglit sa kanyang pananahimik. Sya talaga yung tipo ng taong hindi ka iimikan kung hindi ka iimikan. Halatang mahiyain at sa malambot na postura niya ay halatang napaka bait, kaya kumportable ako sa kanyang magsalita at gumalaw.
"So... uhm, why did you come here?" tanong ko sa kanya sabay pindot ng remote para mapatay ko ang telebisyon. Nginitian ko ang nahihiyang mukha niya, pansin ko rin na wala siyang dala kahit na ano. "I don't need anything. Maybe we can just talk for a while?" anyaya ko dahil boring na boring na talaga ako dito sa malawak na kwarto ni Heimlich!
Hindi ko naman magagawang mamasyal sa kapaligiran dahil alam kong mamanmanin lang ako ni Ilyas. Parang di ko kayang salubungin si Ilyas ng hindi katabi si Heimlich.
"A-Ahm, Lord Ilyas asks if you are hungry," imbes na sagot niya.
Napalunok naman ako. I really notice that every word they speak is very accent. Like a Greek accent. Maybe it really required the servants to speak thus inside the castle. It's too formal. Too formal to the point that I can't stand it.
Umiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang ilang na reaksyon ko. "U-Uhm, Olive, I'm not hungry. I'll just wait for Heimlich to eat with me," pakiramdam ko kasi kapag kaming dalawa lang ni Ilyas ay hindi ko makakaya.
Ewan ko ba. Basta iba talaga ang pakiramdam ko sa matandang iyon. Na kahit wala namang ginagawa ay kusang matatakot ka na lang sa hindi malaman ang dahilan.
"It's already too late-"
Umiling ako dahil ayoko talagang makadalo si Ilyas. Nahihiya rin ako no!
Ngunit umiiling rin si Olive at paumanhing nakatingin sa akin. "Apologies, Miss Phryne, but Lord Ilyas has requested that you accompany him to his dinner, which he hopes you can attend today. As so you know, lord doesn't want to be rejected and disappointed." she bit her lower lip.
Napanguso naman ako dahil alam ko namang kahit anong tanggi ko ay hindi maaaring hindi ko masunod ang amo niyang nag-utos. T'saka nahihiya na rin ako para suwayin siya. Nakiki-stay na nga lang ako rito kaya bakit ang kapal naman ng mukha ko para tanggihan ang request ni Ilyas, 'diba? Ang lakas ko namang tumanggi, eh buwisita lang naman ako sa teritoryo nila!
Napabuntonghininga ako ng malalim. Kumakapal lang talaga ang mukha ko 'pag si Heimlich ang kasama ko, eh!
Huminga muli ako ng malalim bago tumango sa kanya. Agad ko naman nakitaan ang tuwa sa mukha niya sa hindi malaman ang dahilan.
Naisip ko rin na baka sakaling magkaharap at magkausap kami ni Ilyas ay mawala ang ilang ko sa kanya. Hindi naman ako ganito, makapal naman ang mukha ko, pero ngayon lang talaga ako tinablan.
"Fine, Olive. I'll go downstairs," tamad na tugon ko, sumusuko na.
"No!" protesta niya at agad akong pinigilan sa pagbaba sa kama.
"Huh?" napakunot ako sa kanya.
Agad niya naman akong binitawan sa braso sa pagpipigil niya. "I-I...I'm sorry. But..." she bit her lower lip. ""Can I give you a makeover before you go downstairs, Phryne?"
Umangat ang kilay ko sa sinabi niya. "Really? You know, I don't need to make up anymore because I'm fine with this. Besides, I was just quick to join Ilyas for dinner—"
"But I really want to beautify you especially. You don't know Phryne, Lord Ilyas wants women to be presentable. It's important here in our castle that you, as a lady, have knowledge when it comes to proper etiquette." pagpapaliwanag niya.
Napakurap naman ako roon. Naisip ba niyang wala akong kaetiketa sa katawan? T'saka importante ba talaga iyon? Sa isang tulad ko? Magagawa ko ba iyon? Required ba talagang maging presentable sa harap ni Ilyas? Wala talaga akong alam sa mga ganitong bagay.
"Now, can I make you over?" hindi pa man nakakasagot sa pagkalito ay nagsalita muli siya at parang sabik ito sa gagawin niya sakin habang siya ay nangingiti. Hinawakan pa ang braso ko nang siya ay dumalo para lang makumbinsi ako.
Umarko ang labi ko sa pagkangiti sa kanya, hindi na ako tumanggi at nagpumilit pa. Uminit rin ang puso dahil sa kabutihan niya. Napakabait talaga ni Olive. Sobrang ganda pa. Hindi ba aware si Heimlich na may magandang babaeng naninilbihan sa kanya?
"Aw. Olive, you're so sweet. Fine, make me look presentable. Thanks for your advice. I owe you one." I winked at her.
I immediately agreed. I thought about the gestures of Clementine and Mrs. Danbury. Mga pino ang dating nila, metikulosa at masasabi mong may class, lalo na sa magaganda at presentable nilang suot. Maybe it's time to learn, right? If it's for Heimlich and if it's also a way for Ilyas to gradually accept me as for his son, I'll do it. Why not, right?
Naisip ko rin na maganda nga talagang siguro na dumalo ako sa kanya sa dinner nang masabi ko sa kanya ang pakay ko. Na kahit medyo malabong magbago ang isip niya ay magbabakasakaling... matanggap niya ako para sa anak niya. Hindi naman kasi maaaring magkakatinginan lang kami ng Tatay niya at iiwasan ko. Kailangan ko ng kumilos at magsalita para maging malinaw ang lahat sa kanya, at masabi ko ang mga bumabagabag sa akin. Na ako, kailanman, hindi magiging pabor na ipakasal si Heimlich sa iba. Aaminin kong... tutol ako. At nagseselos ako at hindi ako makakapayag na ipaubaya siya sa iba!
Na gusto ko ang anak niya, na kung maaari lang ay huwag niyang ipilit si Heimlich na ikasal sa totoong hindi naman niya mahal.
Susubukan ko lang. Malay ko naman, 'diba? Magdilang anghel ako. At least, perhaps in this way, his treatment of me would change, and his relationship with Heimlich would improve. So that I can prove to him that my intentions for his son are good.
Would my decision that I want to fight Heimlich be right? I think so. Maybe ... I really love him so I will do this thing.
"I am overjoyed to finally have you eat at the table again, my dear."
Tumikhim ako at napainom ng tubig na wala sa oras. Para bang kahit anong sarap ng mga putaheng naka serba sa mesa ay hindi ko magawang matakam. Nakakadalawang subo pa nga lang ako ay busog na agad ako. Parang gusto ko ng makabalik sa kwarto.
"Is it okay for you to eat with me even without my son?" tanong pa niya habang masaganang kumakain, samantalang ako, ay bilang lamang sa mga kamay ko kapag susubo ako dahil sa ipinupukol niyang tingin na nakakailang sa akin.
"O-Oh," hindi! "Of course, uh, no problem." nerbyos akong natawa at napainom muli ng tubig.
Puro tubig na lang laman ng tiyan ko.
Isang mahaba muling katahimikan ang bumalot sa amin.
Nakita kong marahang pagpunas nito sa kanyang labi nang bitawan niya ang mga kubyertos na hawak. "Okay, I'm not going to wander around anymore. I just want to make it clear to you, my dear, that my son is getting married soon. You're aware of that, right?" ngumiti siya katulad na posturang nakasanayan ko sa kanya.
Alam ko ang ngiting ito, ngiting sarkastiko.
At alam ko na kung saan rin agad mapupunta ang usapang ito. Gusto kong matawa, hindi maikakaila, isa sa mga bagay na namana rin ni Heimlich sa ama niya ay ayaw niya ring magpaligoy-ligoy pa.
"I know." I gritted my teeth, pinilit na mangiti at kinalma ang sarili.
Pakiramdam ko hindi magiging maganda ang pagdaloy ng pag-uusapan namin ni Ilyas. Nararamdaman ko namang hindi niya ako gusto ko sa anak niya. At mukhang malabong magugustuhan niya pa ako para sa anak niya.
"Callaghans and Sanjarnis will soon be a family. Though, that's in our tradition. In our legacy. In our generation." ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko magawang ngumiti.
Pumayag naman ako humarap sa kanya dahil maging ako, gusto ko ng magpakatotoo sa harap niya. Mabuti naman na kahit nagagawa niyang ngumiti sa akin ay hindi niya nagagawang magsinungaling sa mga sinasabi niya.
"I know,"
I heard him annoying chuckled. Madrama pa itong huminga ng malalim habang nakangising masid sa akin. "You know, Phryne." nangilabot ako ng sambitin niya ang pangalan ko. "I know what you are. I also know where you come from. As expected, you're not like the rest of us who are wealthy. Not like here, where parents are obsessed with shaping our children's lives. I hope you understand that I am only thinking about the welfare of my son's future and that of future generations."
Talaga? Hindi ba sa sariling pang-interes lang niya? Iniisip niya ang anak niya? Oh, ang sarili niya? Dahil ang totoo naman talaga, ginagamit niya lang ang anak niya para lang magdusa sa desisyong ayaw naman niyang gawin. Naiisip niya kaya kung ano ang nararamdaman ni Heimlich para sa kanya?
"You're probably aware that I don't want you for my son, aren't you?" diretsa niya agad na tanong. Hindi pa nga ako nakakabawi ay para bang binugahan na naman ako ng panibagong apoy para maupos ako sa kinauupuan ko.
Malalim akong bumuntonghininga. "I know,"
Uminom siya mula sa kopita habang ang taga serba naman ay sinalinan rin ako sa sariling baso kahit wala naman akong balak uminom.
"But I want you to know that I love your son and I will fight for him." matapang na sambit ko.
Napakurap siya sa akin saglit, natiligan, natawa siya ng bahagya na tila natutuwa sa akin.
Habang ako naman ay nagpipigil sa paghaharumentadong inis sa naging reaksyon niya. Sa bawat tingin at pananalita niya, masasabi ko talagang gustung-gusto niyang mainsulto ako. Pero pasensya siya, hindi ganun kahina ang loob ko. Masyadong makapal ang mukha ko para maapektuhan sa mga sasabihin niya... na naging maliit na bagay na lamang para sa akin ang masasakit na salitang ibubuga niya.
Tumuon ang mata nito sa akin at pinupukulan pa ako ng imposibleng tingin. "Do you really think that my son will like someone poor and dirty slut like you? Whichever angle you look at it, only Clementine suits him. "he smirked. I cringed at him. His hand rose as if giving up. "Don't be offended because we both know that's true, my dear."
Huminga ako ng malalim. "I know, and I am not offended. Clementine and Heimlich may have really mattered because they were in the same state of life. But I can say, I am the one your son loves. " matapang pa rin na saad ko dahil alam kong ito na lang ang pinanghahawakan ko.
Na mahal niya ako.
"How did you say so?" he asked with a raised eyebrow. Suddenly, amused dancing in his eyes.
Dahil mahal niya nga ako.
"My son doesn't know how to love. Whatever you are thinking, you are just deluding yourself, woman. He may have brought you here is just out of self-interest, nothing else. Javadd, my son, is good at playing and pretending. I admit, even though we weren't very close with my bastard son, I still knew him. You don't know him very well, and it's funny to think that ... he makes you believe..." he said like he's very sure and very amused with me. "Did you believe what he was saying and showing you was true? Do you really believe in him, hm?"
It's annoying to think that he might be right. But I shook my head. I shouldn't have sent him a lie. Because the real liar, this, is in front of me.
"Yes, I believe in your son. Why? What do you want, that you are the one I believe in? Whatever you say, I will not believe you. I will only believe in your son. You will not be able to change my mind."
"Aw. That so sweet." lumaki pa lalo ngisi niya sa akin na lalong ikinakunot ko.
Napapasinghap na napainom ako sa sinabi sa huling niya. Kung anong tamis at pait na nalalasahan ko sa wine ay lalo yatang mas nangibabaw ang pait dahil sa naririnig kong nakakainsulto na salita sa kanya. Masakit, oo, pero konti lang! Dahil alam kong malabo, at hindi niya ako matatanggap para sa kanyang anak. Pero may pinaghahawakan ako, hindi ito ang oras pa para sumuko ako at mangamba dahil,
"He loves me. He doesn't really love Clementine, "
Grinning, I saw the golden fang in his teeth. And based on his expression, it looks like he's about to get annoyed with me.
"Really? How can you be so sure? Do you hear what you are saying, woman? "
Huminga ako ng malalim at saglit na napapikit ng mariin. Malapit na rin mairita sa matandang ito dahil sumasakit na ang ulo ko.
Mapait akong ngumiti sa kanya. "I am so damn sure that he will be able to turn his back on you and everything he has just for me. That's how crazy your son is at me, Ilyas. He loves me. So, damn, much. "
"Really? Do you think he can do this to his own father just for a whore like you? " he asked, as if he was even more amused. He smiled even more. His very demonic smile. That's what I see in him.
Because all serious things are just ridiculous to him!
"Well, we'll see about that..." sambit pa niya sabay inom muli mula sa sariling kopita.
Nagtiim bagang ako sa nadinig nang mahimigan ko pa rin ang mapaglaro niyang tono. Na para bang isang malaking kalokohan ang pakikipag-usap sa akin habang heto ako, seryosong kinakausap siya,kahit na tinitiis ang mga pang-iinsulto niya, halos magharumentado na ako sa loob-loob ko, at siya ay kalmado pa. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko bang pumayag akong makasabay siya, pero mabuti na rin iyon at naging malinaw rin sa akin ang lahat.
At least, ngayon, may malay ako. Malinaw na sa akin. Na kahit kailan ay hindi talaga ako matatanggap ni Ilyas at malaki ang pagkadisgusto niya para sa akin. Alam ko naman, eh... bakit nga ba ako nangarap na isang pokpok na nakilala niya para hangarin ang Prinsipeng anak niya?
Sumandal siya at matiim akong tinitingnan, hindi napapawi ang umaarko niyang labi sa pagkangisi. "I don't know what my son sees in you, but the day will come when he won't see it anymore, so that he will finally realize that you are not the one for him..."
"What are you planning? I will not let you-"
Nakakakilabot na tumawa siya dahilan na maputol ako.
He smirked na tila dagling may malalim na inisip habang hinihimas pa ang baba nito.
"Let's just say... I'll do what I think is right,"
"What..."
"And first and foremost, you'll be disappeared from my son's life immediately. Vanished. Like you didn't exist in his life at all."
Malalim at masakit akong napalunok. "Y-You prick... na... n---napakasama mo t--talaga..." nanghihina kong tugon sa dagling pangingirot ng sentido ko. Para bang pumipitik ang sentido ko dahilan na mapapikit ako ng mariin at mapasapo sa ulo.
"You have experienced our wealth. But remember that everything has a limit, honey. A dirty and lowly woman like you is put back where she belongs. Your happy days with my son are over. " ang kaninang malalim na boses ay para bang naging malagom na lamang iyon sa pandinig ko.
"Y-You... w---what d-did you..." umangat ako ng tingin at para bang umiikot siya sa paningin ko habang nakangisi sa akin. Para bang demonyo sa lagom ng boses nang tumawa siya.
Damn it! Why is my head ache? Nahihilo ako! And I can't move my body properly due to the weakness and blurring of my vision.
Anong nangyayari sakin?
"You will never, ever, be enough to my son, my dear."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro