Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 42


"Phryne—"

"You know what, Heimlich? You're a dick."

Nakita ko ang gulat sa kanyang mata, inirapan ko lang siya habang binibigyan siya ng imposibleng tingin. Nagpupuyos ako sa inis at galit saka siya tinalikuran agad at baka higitin ko lang ang buhok niya at sabunutan at pambuntunan ang inis kong nararamdaman na naipon mula kanina pa.

Halos impit akong magsalita at baka may makarinig habang mabilis akong humahakbang pataas. Marahas akong umiiwas at inaalis ang mga palad niyang dumadapo sa aking balikat at baywang habang nakasunod siya sa likod ko. Bumubulong pero ayaw kong intindihin.

"Heimlich Javadd Sanjrani, the fucking great pretender. You've got to be kidding me!" halos hangin ang laman ng lumabas sa boses ko.

Mula kanina, nawalan na talaga ako ng boses.

Dire-diretso lang ang lakad ko ng mabilis sa silid. Halos mapatampal naman ako sa sarili kong noo. Hindi ko na magawang makabalik nang matanto kong nakapasok ako sa kwarto niya ng hindi ko namamalayan.

Bakit ba ako pumunta sa kwarto niya!?

Dun pala dapat ako sa guest room! Dapat pala hindi ako pumayag na katabi siya!

But damn it! Nailipat na nga pala ang mga damit ko sa kwarto niya at nagbabahay-bahayan na nga pala kaming dalawa!

"Phryne, let's talk. Let me explain—"

Hinarap ko siya habang pinanlilisikan ng mata. He's biting his lower lip as if to see conscience, napaatras siya ng kaunti sa akin na inakalang susugurin ko siya ng pisikal o sasampalin.

Seriously, Heimlich! Totoo ba itong nakikita kong parang natatakot ka?

Gustuhin ko man ay wala na akong lakas. Nakakapanghina lang sa nalaman ko.

At aba! Dapat lang din siyang makonsensya, no! Tatanga-tanga siya! Pagmukhain ba naman akong tanga!? Hindi ko malalaman ang katotohanan kung hindi ko pa narinig mula sa bibig ng ama niya!

What a fucking liar! Ang sarap niyang tadyakan sa mukha!

"You're blocking my way, Heimlich. Pwede bang tumabi ka? Lalabas ako. Inaantok na rin ako," I lie.

"Hey..." nagsusumamong tugon niya habang patuloy na humaharang sa akin at lumalapit. Inuubos ang distansya naming dalawa, kinukuha ang kamay ko pero binabawi ko.

Inirapan ko siya at tinulak. "Wag mo akong kausapin." kapag ganitong tumataas ang presyon ko sa kanya.

Ngayon lang yata ako hinapo dahil mula kanina, hindi ako halos humihinga ng maayos dahil sa tindi ng pinipigilan kong emosyon.

"Please? Magpapaliwanag ako. Calm down," napapikit siya ng mariin.

Marahas ko muli siyang nilingon at bumuntonghininga ng malalim. "Calm down?" sarkastikong nginitian siya. "Kalmado ako, ano ka ba? Pwede bang umalis ka sa harapan ko?"

"Ayoko." seryoso at pagmamatigas nito.

Kahit na anong gawing kong lusot ay hindi ako makalabas.

He's so manipulative! Palagi na lang ganito! Hindi papayag na hindi masunod ang kanyang gusto! Pwede bang bigyan na lang sana muna niya ako ng space? Naiinis ako sa mukha niya! Lalo niya lang pinalalala ang init ng ulo ko. Kapag naaalala ko ang pangyayari kanina, alam kong nagmukhang tanga lang talaga ako ron. No, pinagmukha nila akong tanga doon. Lalo na ang Ilyas na 'yon.

We are in a huge living room. In the middle, where Ilyas is sitting, there are two female servants holding a red fan-bearer for Ilyas, tila parang mga alilang paypay ng paypay sa matandang prente lang ang pagkakaupo while holding a mayan sicar cigarette.

We are sitting on the golden chair and surrounding the medieval table, there is a set with different sweets and delicacies and very expensive wines.

At heto ako, parang hangin. Ngunit sa tuwing dadapuan ako ng tingin ng mga bisita ay agad na iiwas ng tingin, lalo na yung si Mrs. Danbury na tumataas ang kilay sa bawat galaw ko habang ang anak naman niya ay laging kay Heimlich ang atensyon. Hindi na maalis-alis. At si Mr. Gordon at Ilyas ay patuloy sa huntahan. Sa totoo lang ay gusto kong umalis pero kabilin-bilinan ni Ilyas na huwag kaming aalis ni Heimlich. Lalo na raw ako at nakakahiya sa bisita. Hindi ba't parang mas nakakahiya kung makikisalo pa ako? Kasi alam ko namang hindi ako belong rito.

Hindi ko alam kung bakit gusto pa nila akong isama gayong hindi naman ako importante at kilala nila. Suot ko pa nga lang ay ang laki ng kaibahan ko sa kanila. Parang itong suot ko ay basahan pa rin sa kanila kahit na alam kong mamahalin ang suot ko. Kumpara sa kanila, sobrang garbo at napakaganda. At isa pa, hindi naman sila interesante sa akin, parang hangin lang ako na sa una mapapansin pero maya-maya ay iignorahin na muli.

Hindi ko alam kung bakit. And what's more funny? Pinakilala ako ni Ilyas sa bisita bilang bisita ni Heimlich. Yun lang. Habang si Heimlich lang ang madalas ang nagpapapansin sa akin, hinuhuli ang aking tingin ngunit iniiwasan ko ang mapatingin sa kanya. Ayoko siyang pansinin! Letse sya. Hindi ko malimutan kung ano ang sinabi niya kanina.

"Since the Callaghans Family as advanced to get here, I also did not expect you to be so excited."

"Of course, we are so excited, Lord Sanjrani. We have a lot to talk about as well for the upcoming engagement party!" Mrs. Danbury slightly giggled in a graceful way.

Wow.

"Oh, I do not doubt it Mrs. Danbury, what a totally unexpected surprise. First of all, I wanted to thank you, Mr. Gordon. I know and I see you will be my successor in everything. My success is also your success and the success of the Callaghan and Sanjrani's family." mula sa pagkangiti ay marahang bumubuga pa ng usok si Ilyas sa paninigarilyo.

"Well, thank you for your kind words, Lord Sanjrani. But you know that we've not come here with just words. I came with a gift for your..." tumingin siya kay Heimlich at agad na sumugat ang labi nito sa pagkangiti. "Prince, with your permission Lord Sanjrani is granted. I would like to formally present to you, my pulchritudinous daughter, Clementine Callaghan,"

"Fancy to meet you again, my dear," saglit na pukaw niya bago ibinalik ang tingin kay Mr. Gordon. "I already know your daughter, Gordon! She is always in the media because of her intelligence and talent. What a versatile woman. Uttam," papuri agad ni Ilyas sa isang magandang babae na sobrang hinhin na Clementine ang pangalan, na agad naman sinegundahan ng sang-ayon ni Mr. Gordon sa sobrang proud sa kanyang anak.

Hanggang sa napunta na sa usapan sa kung anu-anong mga achievements na nakukuha niya sa buhay na lagi naman kinukumpara ni Ilyas kay Heimlich na ganun rin. Paminsan ay sinesegunda naman ni Mrs. Danbury. Mga sarap na sarap na sa pakikipagkwentuhan habang ako, heto, out of place na. Hindi ko rin naman maiwasang mapahanga sa pakikinig mula sa kanila. Mula kay Heimlich na seryosong nakatingin sa ama ay bumagsak muli ang tingin ko kay Clementine.

Ang ganda niya talaga at mukhang mabait rin ito kung tutuusin. Sobrang hinhin pa kaya hindi ko maiwasan ang tingin ko sa kanya-oh, god, Phryne! Stop it! Baka nalilimutan mo na kung sino sila sa harap mo?

"Mujhe vah sunakar behad khushee huee. aapakee prashansa ke lie dhanyavaad, Lord Sanjrani," (I'm glad to hear that. Thank you for your compliments, Lord Sanjarni,)

"And you know our language. Brilliant! I didn't really make a mistake in choosing you for my son, Clementine, my dear,"

"Dhanyavaad," natutuwang sambit ni Clementine na lalong ikinangiti ni Ilyas.

"Just like I said. I just want to make sure we're still on the same page." untag muli ni Mr. Gordon dahilan na pagbaling muli ni Ilyas kay Mr. Gordon.

"Of course," tumango ito at ngumiti.

"Oh, so, shall we join our families in marriage under one flag by uniting your Prince with my lovely daughter,"

Naramdaman ko ang paggalaw ni Heimlich mula sa kinauupuan, napansin ko ang pasimpleng paggulo ng kanyang kwelyo at mukhang kanina pa hindi mapakali habang ako naman ay gustung-gusto ng umalis. Dinig ko ang malalim na buntong-hininga nito.

"Mr. Callaghan, apologies for interrupting, but as you know I have very, very, very strong opinions when it comes to arrange marriages." diretsong sagot ni Heimlich.

Ilang beses na napakurap si Mr. Gordon sa sinabi ni Heimlich na parang di makapaniwala. Biglang nanahimik ang pwesto namin at ang tawa ni Mrs. Danbury ay dagling napatigil.

"I beg your pardon, Prince Javadd?"

"As so you know Mr. Gordon, true love is the cornerstone of our kingdom. That was the foundation reason my mother and father got married. I want to follow in their footsteps and I don't want to be forced to walk into something... I don't want to go to." malumanay at malinaw na sagot ni Heimlich.

"Are you saying you don't want to marry my daughter?" napapakunot na tanong ni Mr. Gordon kay Heimlich.

Sumasakit na ang lalamunan ko sa pagpapabara. Kanina ko pa pinipigilan ang emosyon ko at nanatiling parang matigas na yelong katabi nila.

"Yes-"

"Javadd, that is more than enough," suway ng ama niya at agad na nanghingi ng paumanhin kay Mr. Gordon.

Bumaling si Ilyas kay Heimlich, napapalitan na ng kakaibang aura ang mukha nito mula sa pagkamatingkad ay unti-unting nandidilim. "You know we've already discussed this and you agree," kalmado ngunit mapanganib na tugon nito sa kanyang anak. "Do we have a deal?"

"But I've changed my mind, baaba--"

"Javadd, my son, you are aware that the agreement cannot be disturbed. Their power is on the verge of joining forces with ours, and that should happen only when you marry. It's in our blood. I don't want a scandal and put on risk our names because it's all over the news that the Callaghan and Sanjrani families are merging."

Nagparte ang labi ni Heimlich, makikita ang kagustuhang magprotesta ngunit agad naman sinegundahan ni Mr. Gordon ito.

"Prince Javadd, your father is right. We will make significant contributions to you because, even if you're Father is a king and you're a Prince from a powerful family, you cannot rule with your position because you both know have no political power. I'm sure you get what I'm saying. There are still constraints to the high level of your position." Mr. Gordon said as a matter of factly. Agad umarko ng kaunti ang ngisi nito sa sinabi nang dagling nagpatahimik sa mag-ama.

Para akong nanonood ng live sa isang magandang palabas. Ang hirap talaga pag wala ka masyadong alam. Hindi mo maintindihan ng husto ang mga pinag-uusapan nila.

Napansin kong nagkatinginan sila Heimlich at Ilyas ng matagal. Saglit namuo ang katahimikan na para bang dagli silang natauhan sa sinabi nung Gordon Bleu na 'yon. Maya-maya ay nadinig ko ang malalim na buntonghininga ni Heimlich. At hindi ko inaasahan ang isasagot niya.

"If this is something my father desires who am I stand in this way,"

"My son,"

"Is this what you really want, baaba?" mahigpit ang pangang tanong niya sa kanyang ama.

Agad na tumango ang ama niya. "Absolutely yes. I know you will not disappoint me."

"Then it is settled." agad na tumayo si Heimlich mula sa pagkakaupo na ikinaangat ng tingin naming lahat. "If you excuse me, we're leaving with mi adelaide,"

Wow. Heimlich, wow. Hindi ko alam kung kikiligin pa ba ako o lalong maiinis sa ginagawa niya.

"Papá, Mamá..." dinig ko na malambot na tinig ni Clementine. Parang nanlulumong nakatingin kay Heimlich at lumipat ang tingin sa akin.

Wala sabi-sabing nilapitan ako ni Heimlich at hinawakan agad ang palad ko at hinatak paalis sa harapan nila. Dinig ko naman ang pagsulyap na hindi makapaniwala si Mrs. Danbury at marahas na napapaypay.

Sa huling sulyap ay nakita ko ang mga reaksyon nila, halos pare-parehong dismayado at pagkadisgusto sa naging asal ni Heimlich. Pero isa lang ang naintindihan at tumatak sa isip ko... papakasalan ni Heimlich si Clementine!

"Phryne, please, hm?" nagsusumamong pakiusap niya. Malaki ang katawan niya at mabilis kaya nagawa niya agad akong hawakan sa balikat.

Marahas akong napabuntonghininga ng malalim at halos mapasabunot sa sariling buhok. "Oh, what!? What now? Ano na naman bang paliwanag mo? Coz... wow! You really surprise me, Heimlich! You're such a fucking good actor, huh! Sinasabi ko na nga bang pina-prank mo lang ako, eh. Nagsinungaling ka. Na naman!" huminga ako ng malalim.

Agad na umiling ito habang napapakunot ang noo. "No, no, please. Magpapaliwanag ako. Nagulat lang rin ako. Please, Phryne. Hindi ko talaga alam. Naiipit lang ako. Makinig ka muna sakin." natataranta niyang sambit.

"Bakit ako makikinig sayo? Eh napaka sinungaling mo!" kinagat ko ng mariin ang aking labi at baka mapaulanan ko lang siya ng mura.

"Goddamn it! I'm telling the truth. Listen to me first. Mamaya mo na lang ako awayin kapag narinig mo ang sasabihin ko, okay? Please, baby, hm?" nagsusumamong boses na tugon niya.

Naiinis ako dahil ganito pa ang boses niya. Tangina'ng panunuyo yan!

Mariin ko siyang tinitigan. And you know what? He is trying to act to be cute! Damn it! He's pouting his lips habang kinikisap pa ang mata ng dahan-dahan!

I just in groaned in annoyance. Damn. I quickly melted like a fucking dairy cream. Tinalikuran ko siya at umupo sa kama. Nagpapagulo sila sa isip ko. At kahit hindi ko isipin ay lalo ko lang naiisip pero para sa ikatatahimik ng utak ko, sige, ibibigay ko! Gusto kong malaman ang totoo.

"Mi adelaide..." agad naman niya akong dinaluhan. Habang nakaupo ako sa kama ay siya namang luhod niya sa harapan ng gitnang hita ko habang nakatingala sa akin.

Nangungusong umiwas ako ng tingin kasabay ng paghaplos niya ng pisngi ko at nakatingala sa akin.

"Baby, please, listen to me, talk to me," pinatong pa niya ang palad niya sa legs ko habang hinahaplos ang mga ito.

Nanunuyo ba ito o nanunukso!?

"Heimlich naman, eh! Fine! Explain! Fucking explain to me kung ano ang nangyayari? Ano yung mga nadinig ko, ha? Heimlich, ano yun? Ano sinasabi ng ama mo? At ano yung sinabi mo, ha?"

He bit his lower lip and napapikit ng mariin at bumuntonghininga ng malalim.

He licked his lower lip. "Seriously, I don't know. I don't know how to start. I swear, I didn't expect that. My Dad didn't talk to us about that. I'm really sorry if you were surprised at the lie that happened. Hindi totoo yun, Phryne. Maniwala ka, hm?"

Saglit akong napapikit ng mariin at bumuntonghininga ng malalim.

"Paano ako maniniwala sayo, hm? Paano? Lagi na lang ganito. Hindi ko na alam. Tapos pumayag ka pang magpakasal kay... C-Clementine. Seriously, bakit mo hindi sinabi sa akin ito? H-Hindi ko man lang alam na ikasasal ka na pala tapos... tapos..." hindi ko na maituloy ang sasabihin.

I averted my eyes to him and he might see my teary eyes.

"Phryne look at me,"

"Ayoko." sabihin niyong nagiging isip bata ako pero naiinis ako sa sarili ko dahil lumalambot ako sa tinig niya.

Hindi ba dapat inis ako at nagiging matigas sa kanya? Ano ba itong ginawa niya sa akin!

"Phryne, I told you, I didn't know. Sinabi ko lang yun para matapos na ang usapan dahil gustung-gusto na kitang kausapin. Don't you trust me, huh?"

Hindi ako makasagot. Nagtatampo pa rin sa kanya. Lalo na sa inasal niya kanina. Kung sinabi niyang magpapakasal siya kay Clementine sa harap nila at ang totoo pala ay tutol siya, parang binigyan niya lang ng false hope yung babae!

Hindi ko alam kung bakit sa inis na nararamdaman ay nakaramdam ako ng awa sa babae. Mas lalo niya lang pinaasa sila. At hindi ko rin inaasahan na magdedesisyon si Ilyas para sa kanyang anak! Sinasabi ko na nga bang parang may tinatagong kulo ang matandang iyon, eh. At ngayong nangangamoy na ay alam kong unti-unti rin aalingasaw iyon hanggang sa makita ko ang totoong siya.

Kaya pala kakaiba rin ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ko nga maiwasang maisip na... kahit alam naman niyang ano talaga ako, may nalalaman na kaya siyang relasyon sa amin ng anak niya? Matatanggap niya kaya o tututol siya? Hindi ko nga rin alam kung... magagawa niya akong magustuhan para sa anak niya, eh. Teka, nasabi na kaya ito ni Heimlich sa kanyang ama? Na gusto ako ng anak niya?

Napabuntonghininga ako ng malalim sa isiping iyon. Sa dami ng iniisip ko ay nagkanda buhol-buhol pa ang mga iyon. Pero ang malinaw pa sa akin ngayon ay nagawa pa rin sakin maglihim ni Heimlich.

Bakit ba pakiramdam ko marami pa siyang tinatago sa akin?

"You want to me love you and stay with you. I trust you, Heimlich. But why do you seem to keep me a secret? I thought you love me? Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo kayang maglihim sa kanya?" I bit my lower lip.

Suminghot ako at pinigilan ang matinding emosyon na nararamdaman.

"I'm sorry because this is how it happened to you. Masaya ako dahil nagtitiwala ka sakin. I'm glad to know you trust me."sumugat ang labi niya sa maliit na pagkangiti.

"Yea, I'm trusting you. Hindi mo ako mapipigilang sumama at hahanap ako ng paraan para umalis at wala sana ako dito hanggang ngayon kung hindi ako nagtitiwala sayo. Ikaw lang naman 'tong..." tinaasan ko siya ng kilay na may halong pang-aakusa, napapangusong iniwasan ko siya ng tingin habang tutok lang ang tingin niya sa akin."...may tinatago sa'kin. " madamdam akong bumuntonghininga ng malalim. "Kahit na hindi mo sabihin, ramdam ko, Heimlich. Nauunawaan ko naman kung ayaw mo talaga, pero... hanggang kailan? May balak ka pa ba?" makahulugang tanong ko sa kanya.

Na hindi ko alam kung hanggang kailan siya maglilihim sa akin.

Ayoko naman kasing maging usisera sa paningin niya. Nagbabakasakali lang naman ako na baka balang-araw magkusa siya at hindi na kinakailangan pilitin. Pero kasi... nagugulat na lang talaga ako sa mga nangyayari. Baka nga bukas paggising ko, may anak na pala sila ni Clementine, hindi niya lang sinasabi sa akin--tumigil ka na nga sa kakaisip ng kung anu-ano, Phryne! Ikakasira lang yan ng araw mo.

Pero ano bang alam ko?

Nagparte ang labi niya sa akin sa hindi inaasahang mga sasabihin ko sa kanya. Totoo naman kasi. Isinantabi ko ang mga pagtataka ko. Kahit na minsan, kung anu-anong umuultaw sa isip ko na baka maaaring totoo ang hinala ko. Pero lagi kong ikinakabahala iyon at baka nag-iilusyunada lang ako at baka napaka... imposible! Syempre,sa isang tulad ko, tapos... tapos ano... basta! Baka pagtawanan niya lang ako.

Oo mayaman siya. Pero ang pagiging mayaman niya... hindi ko ikakaila na may kakaibang dating para sa akin. Unang-una na ron ang hindi ordinaryong tahanan niya, ang mga servants na sobrang taas at laki ng respeto sa kanya, lalo na ang mga tinatawag sa kanya. At marami pang iba. Ikinasawalambahala ko iyon kahit na madalas... palaisipan talaga iyon sa akin.

Sa sandaling namayaning katahimikan sa amin ay napabuntonghininga siya ng malalim.

"I understand, Phryne. But are you ready for what I might reveal to you, hm?" tumaas ang kilay niya na ikinalunok ko.

Wala sabi-sabing tumango ako sa kanya.

Kung anuman 'yon, maiintindihan ko at mauunawaan ko. Pero bakit parang may parte sa akin na gustong umurong na lang? Bakit parang kabado ako sa sasabihin niya? Na tipong mayayanig at magugulat ako?

Knowing him, mahilig pa naman niya ako gulatin sa maraming bagay!

Ano naman kaya ang kaibahan nito sa sasabihin niya?

"Stand up," utos niya na ikinalingon ko sa kanya. Seryoso na siyang nakatingin sa akin.

Napapalunok na napakunot naman ako sa kanya. "Why?" napatingala ako sa kanya ng siya ay biglang tumayo sa harapan ko at hinawakan parehas ang kamay ko habang inaangat. "Hey, where are we going?"

"I want to show you something,"

Walang sali-salitang kusa akong napatayo sa kanya habang nakasunod sa kanya. Hawak niya ang kamay ko kaya nagpatangay na lang ako sa pupuntahan naming dalawa. Nandito pa rin kami sa silid niya, ngunit sa laki ng silid niya at inakala kong kabisado ko na at nalibot ko na ang malaking kwarto niya... hindi ko inaasahan na may isang bagay akong mapapansin!

Wow. That is only word came out from my mouth.

May pinindot lang siya sa isang vintage clock dahilan na kusang magbukas ang hidden room sa ibaba. Literal na ang inaapakan namin ay may tinatagong room pa pala. Sinenyasan niya akong pumasok ngunit napaatras ako nang maningkit ang mata niya sa akin habang napapabuntonghininga at naiiling.

"I guess, this is probably the right time to say it for you. But I'm telling you, it could give you a shock in your life. I just hope ... I just hope that when I tell you, you don't change your mind and don't turn your back on me. Promise me, Phryne," paniniguro niya habang napapasulyap ako sa underground, medyo dim dahil may kaunting liwanag akong nasisilay roon at may silbing hagdan para makababa.

Ano naman kaya ang laman roon?

Seriously, how rich was he and did he really afford this extraordinary room?

"I promise!" agad na sabi ko at nanumpa pa ako.

So, here it is. We are in front of a huge painting wherein I can see many faces. Ngunit si Ilyas lang at Heimlich ang namukhaan ko sa pintang iyon. The rest ay mga hindi ko na kilala.

Narinig ko ang pagtikhim niya. "Let me formally introduce myself to you, Phryne. I am Heimlich Javadd Ambajic Sanjrani, the first child and bastard son of Ilyas Sanjrani and Yelena Ambajic Sanjrani..."

Halos hindi ko na malunok ng maayos ang laway ko habang seryosong nakapukol ang tingin niya sakin.

"Yes, Phryne. We are the Royal Families of Sanjrani..."

P I E D R A I J A D A 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro