Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 4


"Prina...."

Isang malamig na tawag, kasabay ng naramdaman kong haplos sa aking braso ay napakagat ako sa aking ibabang labi habang dinadama ang malambot na bagay sa aking pisngi.

"Prina..."

Para akong nasa alapaap, lumulutang at hindi alam kung saan papunta. Basta ang alam ko lang ay gustung-gusto ko pa. Gustung-gusto ko pa ang ginhawang sarap na nararamdaman ko ngayon.

Napabuntong-hininga ako habang nararamdaman kong may hanging nakapaypay sa mukha ko. At kasabay ng malakas na hanging iyon ay may mga dolyar na perang biglang sumasabog sa langit, para nagmistulang mga confetti.

Oo, para akong naligaw na demonya sa langit dahil nararamdaman ko ang malambot na bagay sa paa ko na parang umaapak ako sa isang ulap. Patay na yata ako.

Ngunit ang aking mata ay abala sa magandang natatanaw, napapamanghang ako'y napangiti at dahil sa sobrang kasabikan na makalapit agad para makasambot ng mga naglalaglagan na dolyar, nagulat ako na parang may humihigit sa likod ko upang mapaatras ako.

Napakunot ako, tumingin ako sa likod ngunit wala naman. At nang bumalik ang tingin ko sa dolyar ay malapit na ito sa kinapupwestuhan ko. Sa determinasyon upang makakuha ay pinuwersa ko ang aking katawan upang mapalapit, ngunit parang may pumipigil talaga sa akin. Hindi ko malaman kung sino. Parang itong nasa harapan ko ay nanunukso.

Nagsimula na akong makaramdam ng inis dahil sa biyayang abot-kamay ko na,ngunit hindi ko lang tuluyang makuha-kuha—

"Prinang antukin! Huy! Gising!" agad akong naalipungatan ng may bahagyang yumugyog sa aking balikat dahilan na mapatayo ako.

"So that's all for today. Class dismissed—"

"Present po, Ma'am!" agad na sigaw at mulat ko kasabay ng pagbaling sa akin ng Prof ko habang nakakunot ang noo at dismayadong umiiling.

Napuno naman agad ng bungisngisan ang aking paligid. Agad ko naman napagtanto na nasa eskwelahan pa pala ako, wala sa bahay. Nandirito ako mismo sa loob ng room, kasama ang mga kakalase at ang nakakunot na noo kong prof na mukhang kanina pa masamang-masama ang tingin sa akin.

Napalunok agad ako sa kaba at hiyang dagling naramdaman.

Ang paypay at ginhawa na naramdaman ko pala kanina ay dahil sa electric fan na kanina pa nakatutok sa kinauupuang pwesto ko dito sa may gilid, malapit at katabi lamang ng bintana. Ang malambot na nararamdaman ko pala kanina ay dahil sa aking bag na nakapatong sa aking arm chair... I sighed. Na ginawa kong unan.

Napakunot ako sa aking sarili nang sumagi sa isip ko ang panaginip na hindi ko nalimutan. Anong ibang sabihin ng paniginip na 'yon? And it's so weird. Langit at dolyar na parang... parang hinahabol ko. At ang mas nakapagpapa-weird pa ay yung dolyar ay parang may mistulang pakpak na parang isang anghel.

'Err? Shuta, ano yon magic? Akala ko nga patay na ako dahil ramdam ko pa ang lambot sa paa ko na parang nakaapak ako sa ulap.'

Agad ako napanguso nang matanto kong panaginip lang pala iyon at hindi totoo. Sa dinami-raming klaseng pera na mapapanaginipan ko, ay dolyar pa talaga. Bakit? Ano ba talagang ibig sabihin niyon? Ibig sabihin ba nito ay makakapangasawa ako ng isang foreigner? Oh, kaya yayaman ako at titira sa ibang bansa? Oh, baka naman nasa ibang bansa talaga ang kapalaran ko?

Napailing ako at muntik ko ng sampalin ang sariling pisngi sa ilusyunadang naiisip. Imposible.

Imposible mga kagagahang naiisip ko kaya mabuti na lang talaga ay nagising ako sa kahibangan ko.

"Oh, Ms. Malitaitai? Mabuti naman at nagising ka, kanina pa kita napapansin habang nagle-lecture ako hindi ka nakikinig. Swerte ka at hindi ako nagpa-quiz ngayon." napataas ito ng kilay sa akin ng maramdaman kong nabalik muli ako sa reyalidad.

"Gusto mo pa lang matulog, edi sana, hindi ka na lang pumasok, no?"

Napakagat ako sa aking ibabang labi ng marinig ko pa ang bungisngisan ng ilan sa aking likod. Lihim akong napairap sa sarili dahil sa mga tarantadong lalaking mga nasa likuran ko.

Paniguradong isa na naman sa mga ito na pinagtitripan akong gumising sa akin kanina.

Napahawak naman ako sa aking sentido ng maramdaman kong sumasakit ito kasabay ng pagkalam ng aking sikmura, napalunok ako sa sariling laway. Bukod sa pagbiglang gising ko dahil nilalabanan ko ang antok mula kanina pa, hindi ko namalayang nagugutom na pala ako at hindi man lang ako kumain ng lunch kanina dahil ginamit ko ang oras na 'yon para sa pag-idlip.

Hindi ko namalayan na nagkaklase na pala. At ang malala pa, bukod sa Major itong natulugan ko, nagising ako na tapos na pala ang klase. Lagot na naman ako nito!

"I-I'm sorry po, Ma'am," napatungo ako habang unti-unti ako umupo sa kinauupuan ko.

"Are you not feeling well, Ms. Malitaitai?" tanong palagi ng Prof ko sa akin.

Napakibot ang aking labi kasabay ng pagbuntong-hininga nito ng malalim.

"Madalas sa oras ko na palagi kang ganiyan. Nananadya ka ba? Seryoso ka ba sa course mo at gusto mo pa bang mag-aral? Sa inaasta mong 'yan ay parang wala kang pakialam, Ms. Malitaitai. Hindi na tama iyan lagi kang tulog sa klase ko. Magsabi ka lang sana ng maaga para ma-idrop na kita sa subject ko. As long as you notify me, I can give you a drop out form anytime." pag-aalburuto agad ng aming Prof.

At kung pwede lang na maging tubol ako sa harapan nila ay ginawa ko na. Panindigan ko na ang pagiging Malitaitai na tae sa klase. Sana maging tae ako ngayon. Please, maging tae lang sana muna ako ngayong oras na 'to.

Totoo. Madalas talaga, malas ako sa oras niya dahil para akong binaril sa kangkungan sa sobrang kaantukan. Kung bakit ba naman kasi napaka antukin ko pagdating ng tanghali?! Isang pikit ko lang, mabilis na bumigay ako. Ganyan ako karupok kapag inaantok ako lalo na sa lamig ng aircon at bentilador na nasa tabi ng upuan ko. Oo, yes, tama. Marupok ako. Hindi sa lalaki, sa kaantukan lang!

Napapadalas kasi ang pagpupuyat ko dahil sa raket kong pageant, kaya mas gising ako sa gabi, minsan pa ay inuumaga na't lahat ay mulat pa aking mata at gising pa aking diwa. Kulang na lang ay mahiya sa'kin ang mga aswang at multo sa tindi ng pagpupuyat ko lalo na't kadalasan pa'y hindi naman ako nakakabawi sa pagtulog kapag umuuwi ako.

"I'm sorry po, Ma'am, hindi na po mauulit." kagat labi kong sagot. Ako'y nahihiya.

"Aba, dapat hindi na talaga! Dahil sa oras na makita kong pumikit muli ang mata mo sa klase, hindi na kita papayagang um-attend sa klase ko! Ida-drop na kita, naiintindihan mo? You should have careful with your actions na parang high school kang umasta. Dahil sa oras na ito, hindi na dapat kami ang maghahabol sa para magiging grado niyo, kayo ang maghahabol sa amin," ratatat pa rin ng Prof ko sa akin samantalang natanggal agad ang antok ko sa kahihiyan.

"P-Pagod lang po, pasensya na po, Ma'am," aking naiusal na lamang.

Napataas ang kilay nito saka pinagkrus ang kaniyang braso. "Ikaw lang ba ang pagod? Hindi lang ikaw! Sa pageant na naman ba 'yan, Ms. Malitaitai?" napaawang ang labi ko sa nadinig.

Paano naman niya nalaman eh ibibida ko pa lang sana ngayon, naunahan na niya ako.

Napataas ang kilay nito sa akin saka pinagkrus ang braso nito sa kaniyang dibdib. "Usap-usapan ka sa buong campus na ikaw nanalo na Miss Cebu and congratulations for that. You know what Ms. Malitaitai? It's better na maging time management ka sana sa mga ginagawa mo, sana kaya mo hatiin ang mahalagang oras mo sa hobby mo. But It's your choice kung ano ang mas priority mo, it's either your study o 'yang pageant mong wala namang ka kwenta-kwenta."

Napabuntong-hininga ako ng malalim upang pigilan ang kairatahan. Sa paraan ng sinasabi nito, masyado naman yatang mababa ang tingin niya sa mga nagpa-pageant. Kung para sa kanila ay walang kwenta, sa akin ay malaking bagay iyon dahil malaking tulong iyon sa ginagastos namin sa pang araw-araw sa tuwing nananalo ako.

Sasagot sana ako ngunit pinili ko na lamang na huwag umimik. Wala naman ako sa pageant para bumwelta pa sa prof ko, dahil may punto siya kahit papaano. Sa part niya ay nauunawaan ko pa rin, dahil pangit nga naman na natutulog ang estudyante habang nagdi-discuss ang teacher at idadahilan ay dahil lang sa pagod.

Dahil alam ko sa sarili ko na hindi lang ako yung napapagod, sila rin. And I don't object to what she said. She's right, medyo... hindi ko nga lang nagustuhan yung part na 'walang kwenta yung pagpa-pageant ko.' dahil sa totoo lang malaking kwenta para sa'kin yon.

"But if you more prioritize your hobby than to your study, hindi ko alam kung magagawa kitang ipasa sa subject ko, Ms. Malitaitai. Maaga pa lang, mag-drop ka na," pagpapatuloy pa nitong sermon sa akin.

"I'm sorry, Ma'am. Hindi na po talaga mauulit." panunumpa ko habang nakatungo.

Hindi ko na rin kasi ma-take ang nipis na kanyang kilay na mamula-mula dahil sa eyeliner na binili pa niya yata sa tiange, lalo pa't laging nakaangat ito kapag tinitingnan ako.

I heard her sighed. Ramdam ko ang ilang segundo niyang ipinukol na matalim niyang tingin sa akin saka ginala ang mga mata nito sa buong klase.

"Okay class, may recitation at quiz tayo tomorrow so be ready. Kung ano ang nai-tackle na topic na binigay ko ngayong araw ay i-review niyo na dahil bukas lalabas yan sa mga sasagutan niyo at itatanong ko." paalam niya agad saka umalis sa classroom.

Napapikit ako ng mariin saka inumpog ang aking noo sa arm chair para magising ang diwa ko. Puro kantyaw agad at congratulate ang natanggap ko sa ibang kaklase ko habang lumalabas ng room.

"Date tayo Prina, libre na kitang lunch," sabi ng loko-loko kong kaklase na nasa likod ko kanina na mahilig pag-tripan ako.

Nakangisi ko siyang binalingan at agad akong kaniyang kinindatan. "Sige, tangina salamat na lang." walang gana kong sagot.

"Sungit talaga."

Nakakatawang isipin na pagdating sa labas, palagi akong nananalong Miss chuchu sa mga nasasalihan ko, pero pagdating naman sa klase ko ang bansag naman nila sakin ay Miss Antukin. Dahil madalas talaga, inaamin kong nakakatulugan ko talaga ang ilang subjects kapag tinatamaan talaga ako ng kaantukan.

"Oh, eto na pala si meses! Napaaga ka naman yata dito?" bungad agad sa akin ni Ate Barbs habang siya ay nagwawalis sa sahig sa mga nagkalat na buhok ng mga customer.

May ari kasi sila ng Parlor. Madalas ako dito tumambay pag walang klase. Malapit lang naman bayan mula sa school kaya isang sakay lamang ng jeep ay agad na mararating ito ng ilang minuto.

"Halfday lang kami meses, dalawang subject lang ngayon," sagot ko sabay napalinga ako si paligid.

Nakakatuwa lang dahil maluwag ang sched ko ngayong first sem kaya nagagawan kong rumaket. Si Kuya naman, kung kailan graduating na, talagang walang ni isang bungi ang oras sa isang araw ang kanyang sched dahil sa isang maghapon niya, puno ng mga subjects at palagi sila whole day at hapon ang uwi. Ngunit minsan ay napapagabi siya kapag may inaasikaso silang thesis ng mga kagrupo niya.

Iginala ko naman ang aking mata sa loob. May mga ilan na nagpapa-rebond, nagpapagupit at mga nag-iintay pa. Pansin kong mukhang malakas suki niya, ah.

"Nasaan si Ate Kay?" tanong ko sa kanya.

Napairap siya at umasim ang mukha. "Nasa banyo ang bakla, nanganganak."

Napakunot ako.

"Jumejerbaks!" sabay irap ni Ate Brabs ng ikinatango ko.

©piedraijada

Napangiwi ako habang naglalakad patungo sa sofa upang umupo sabay dampot ko naman ng mga nagkalat na bagong brochure mula sa mesa para hanapin ang mga gwapong model na naka brief at amuyin ang mga klaseng pabango sa litrato.

Gawain ko kapag bored na bored ako sa loob ng kanilang Parlor. Bukod sa ingay ng T.V na nakasabit sa ding-ding ang aking nadidinig, may mga nagdadaldalan din, at ang tunog ng gunting sa kamay ni Ate Barbs kasabay ng pagbo-blower ay nagsama-sama sa mga pandinig ko pero sanay na ako sa kaingayan dito.

Walang siyang tigil sa pag-aasikaso sa kanyang mga costumers. Hanga talaga ako sa kasipagan niya sa kaniyang trabaho. Sa sobrang pagkainip ko at tinatamad pa akong umuwi sa bahay ay tumayo ako at kinuha ang walis tambo saka nagsimulang walisin ang nagkalat na mga buhok sa sahig.

"Hindi ka pa ba uuwi sa house niyo, meses? Baka hanapin ka ng mudra mo," tanong ni Ate Barbs habang nakatayo at sinusuklayan ang buhok ng customer.

Umiling ako at nag-angat ng tingin sa salamin. "Wala si Nanay sa bahay. Nasa labada yon at mamaya pang hapon ang uwi non panigurado. Maaga pa naman, eh."

"Ay ganern?" napataas siya ng kilay sa akin. "Eh kumain ka na ba?" ang pinaka iniitantay kong bigkasin niya ay tuluyan ko na ring nadinig... sa wakas!

Awtomatikong napaangat ang labi ko sa nadinig at ngisian siya.

"Hehe, hindi pa nga eh."

"Ang bruha! Sinasabi ko na nga ba! Kaya ka pala nagpapapansin kasi wala ka pa palang kain kang shuta ka!"

Napakagat ako ng labi. "Salamat, ah? Samahan mo na rin ng halo-halo, ang init kasi ng panahon ngayon eh. Alam mo bang naglakad lang ako papunta rito at hindi namasahe?"

"Ano!? Rumampa ka na naman papunta rito!? Ang sakit sa binti niyan! Baka pag rumampa ka sa pageant matalisod ka! Hindi mo ba alam na lumalaki ang muscle sa binti kapag nasobrahan sa paglalakad?" gulat na tanong nito na ikinailing ko na lang, senyales na wala lang 'yon sa akin.

Sus. Hindi lang sila sanay dahil malapit lang naman talaga, maarte naman kasi sila dahil sumasakay talaga sila kapag pabayan, samantalang ako, hindi ko alam na mas ginugusto kong maglakad kahit na minsan ay may pera ako. Hindi ko nararamdaman ang pagod kapag naaaliw ako sa paglalakad kasabay ng pamamasyal at pagtatanaw ng mga tindahan at mall sa bayan. Ganun talaga siguro 'pag sanay, hindi ko nararamdaman ang layo at isa pa, isa na rin ito sa dahilan para 'di ako manaba, exercise ko na rin.

Napairap ito sa akin. "Kaloka ka, Prina! Palagi ka naming pinaalalahanan ni Kakay na mag diet ka at huwag damihan ang kain. Pero wala kaming sinabing wag kang kumain! Bakit mo ba ginugutom ang sarili mo? Kung hindi pa kita tinanong kung kumain ka na, eh malamang sa malamang, uuwi kang patay gutom sa inyo. Haynako, meses!" ratatat nito sa akin nang ikinatawa ko.

"Nakalimutan ko kasi maglunch kanina. Nakatulog pa nga ako sa klase." pagdadahilan ko kahit yun naman talaga ang totoo.

"Oh? Eh bakit parang nagpalipas ka hanggang hapon? Wag mong sabihing wala ka na agad pera sa dami ng napalalunan mo kagabi?"

Napabuntong-hininga ako ng malalim saka napanguso sa kaniya. Tiningnan niya ako ng hindi makapaniwala sa pagkapaamang niya sa akin saka ito pumaywang habang may hawak na gunting sa kanang kamay at pang-spray naman ng buhok sa kaliwang kamay nito.

Nabasa niya ang reaksyon ko sa tuwing napapanguso ako.

"Nagbayad kami ng utang... Binigyan ko rin ng pangbaon ang mga kapatid ko." agad na paliwanag ko.

"At ikaw, wala ka na namang itinira para sa sarili mo," dugtong niya dahil alam na alam na niya.

Napapailing na sumusulyap ito sa akin.

"Alam mo meses, hindi sa sinasabi kong magdamot ka sa family mo, ah? Sana matuto ka rin magtira para sa sarili mo. Pinaghirapan mo ang pera na 'yon kaya marapat lang, kahit papaano ay matikman mo naman ang pagkapanalo mo."

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"Sana nga ganun lang kadali yon. Baon pa kasi kami sa utang, Ate Barbs. May kailangan din kasing gastusin si Kuya kaya binigay ko na. May thesis rin sila eh, baka kasi... wala siyang maiambag, kawawa naman at hindi rin naman magiging sapat ang maibibigay ni Tatay at Nanay dahil nababawasan sa pagbabayad ng mga utang." sabi ko pa.

Dinig kong napahinga ito ng malalim. "At hindi ibig sabihin non ay palaging wala ka ng ititira para sa sarili mo. Ano ba yan paulit-ulit ako! Ang point ko, sa pagtitira sa sarili mo ay sana naman magtira ka ng pambaon mo din sa eskwela. Ano ka ba? Ano bang balak mo sa buhay mo? Habang buhay ka na lang bang mang-aako ng responsibilidad mo sa pamilya mo na halos pagdamutan mo na rin ang sarili mo?" napanguso ako.

"Hayaan mo na, A-Ate Barbs. Bawi na lang ako. May raket ba tayo dyan ngayon?" pag-iiba ko ng usapan.

Napakamot ito sa batok. Ang kaniyang maasim na ekspresyon ay napalitan ng pagiging kalmado. "Ewan ko meses. Itatanong ko pa sa ilang frenny ko kung saan may paganap bang pageant sa ilang barangay o ilang lugar para sa gayon ay lalagarga na agad tayo."

"Ay ganern? So, no duty for today," napabuntong-hininga ako ng malalim at napaisip.

Napaisip kung ano kayang maiuulam namin mamayang hapunan sa oras na makauwi ako. Oh, kung paano ako magkakaroon ng baon kinabukasan.

Paano na... baka wala akong maibaon ulit bukas. Nakakahiya rin humingi kay Tatay, baka singilin pa kami ng inutangan namin kay Aling Gina dahil sa gamot ng bunso kong kapatid, madalas kasi sakitin si Chichi, nung nakaraan nga ay nilagnat ito. At kung hihingi naman ako kay Nanay... I sighed.

Ewan ko...

Kay Tatay lang naman ako madalas humingi kung kinakailangan kahit nung elem pa lang ako. Ni minsan, hindi ako nanghingi ng luho kay Nanay, at kapag susubukan ko naman minsan, natatakot at nag-aalinlangan rin ako.

"Pero wag kang mag-alala. Dahil malay mo sa ibang araw, may magandang mangyayari sayo." Makahulugang ngumisi ito.

Napangiwi ako. "At kailan ka pa naging manghuhula?" natawa ako. "Sabihan mo na lang ako ng numerong itataya sa lotto baka sakaling swertehin ako. Papabalatunin pa kita."

Natawa siya. "Gaga! Basta sa isang araw, pagkatapos mo sa klase, daanan mo ako dito sa Parlor ko, ah? May hinanda rin akong magiging damit mo at bongacious kasi ang ganda ng gawa namin ni Kakay!"

"At ano naman iyon?" takang tanong ko ng ikinangisi niya.

"Secret muna. Saka mo malalaman!" napailing na lamang ako at hindi na nangulit.

"Salamat, maaasahan talaga ko talaga kayo, Ate Barbs," sabay ngisi ko sa kaniya ng ikinairap at ngiti rin nito sa akin sabay kamot nito sa batok.

"Ano ka ba! Malaking bagay... cheret lang!"

Natawa na lang ako at nagpatuloy muli sa pagwawalis.

"Oh, ako na naman ba ang pinag-uusapan niyo? Ang pa-plastik niyo talaga!" agad na bungad sa amin ni Ate Kakay, kagagaling lang mula sa banyo.

"Boba ka ba?" tugon sa kaniya ni Ate Barbs. "Ang mabuti pa ay ibili mo ng makakain si Prina, Kay. Hindi pa kumakain ang talanding iyan."

"Taray, ako din ba libre mo?" sabay ngisi ni Kakay.

Napairap sa kaniya si Ate Barbs. "Sumasobra ka ng bakla ka! Kakajerbaks mo lang magtatakaw ka na naman! Napaka siba at mandurugas mong kumain kaya ka hindi nakakajowa, eh."

"Walang personalan friend, ah. At isa pa, di mo sure. Sa ganda kong 'to. Habulin kaya ng etits to."

"Tanginang baboy na 'to!" nayayabangang tugon ni Ate Barbs. "Oh sya, bilisan mo na! Idamay mo na rin ako at ako rin ay nagugutom na. Hindi dapat ako gutom pero kasalanan mo dahil binanggit mo pa ang ikinakatakam ko."

Tumawa si Kay. "Alin? Etits ba? Tanghaling tapat, meses." malisyosang sambit pa nito.

Natatawang umirap si Ate Barbs. "Haynako! Bumili na ka ngang gaga ka! Sabay-sabay na tayong kumain."

Hindi ko maiwasang mapangiti talaga sa dalawang beking kong kaibigan. Napapailing na lang sa mga naririnig. Nasanay na talaga sa kanilang kalamugan.

Bihira lang ako kumaibigan na babae, madalas ang pa-plastik lang ang turing nila sakin. Ewan ko ba... madalas kasi ay nakakaranas ako ng ganon. Ramdam mo naman kasi kung meron o walang malasakit sayo yung tao. Minsan nga, inaawa pa ako. Hindi tulad ng dalawang ito, kahit may pagka-ma-attitude man ang ugali, isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanila ay ang pagiging prangka nila.

Kumpara na sexy ang postura ni Kakay dahil sa nagpi-pills ito, kabaliktaran naman kay Ate Barbs. Hindi mo alam kung bakla ito kapag seryoso ang itsura lalo na at may pagka-brusko ang katawan, fit na fit ang tamang muscle sa t-shirt nito at mala-oppa pa ang blonde nitong buhok kumpara kay Kakay na halos magmukhang babae na ang kabuuan at may pagkamahaba pa ang kanyang maitim at makintab na buhok na alaga pa sa rebond. Transgender kasi ito, at kahit baliko rin si Ate Barbs, hindi ito gumaya sa ginagawa ni Kakay. Minsan naggi-gym ito kaya ganito ang katawan.

Kanya-kanyang gusto lang nila 'yan.

Ngunit mahahalataan naman na dahil sa kinis at puti ng mukha ni Ate Barbs at sa aming tatlo, siya talaga ang pinaka maalaga at maarte sa katawan, bagay na sa kaniya ko natutunan dahil sa pagtuturo niya sa akin. Mahilig siya sa mga beauty products. Hindi nga siya nagkakatagiwat eh, kaya hindi makakaila na minsan, may ilang babae na nagkakagusto sa kaniya.

Kung hindi mo kilala, wala naman kasi sa mukha niya ang pagiging beki. Wag nga lang magsasalita dahil kapag nadinig mo, pati sariling tuhod mo manlalambot ka sa lambot ng kanyang boses.

Ang alam ko lang ay magkakaiba rin kami ng tubo, si Si Ate Barbs taga tubong Maynila talaga yan na napadpad dito sa Cebu dahil nakatira siya sa lola niya na dito naka destino, pero kalaunan ay nagpasya na niyang bumukod at nag-rent ng apartment dahil sa kanyang Tiyo na masama raw ang ugali.

Samantala si Kakay naman ay tubong Laguna, dahil sabi niya hindi raw siya tanggap ng Tatay niyang sundalo sa pagiging pusong babae, madalas pa siya binubugbog dahilan kung bakit talaga siya tuluyang lumayas. Yun ang kwento niya sa amin. Nagpalipat-lipat siya kung saan, hanggang sa dito na siya napadpad hanggang sa nagkakilala silang dalawa ni Ate Barbs.

Ako lang talaga taga dito sa Cebu simula't sapul na pinanganak kami. At sa aming tatlo, si Ate Barbs talaga pinaka medyo galante. Mas nauna rin magkakilala sila ni Kakay bago ako.

Kaya malaking pasasalamat ko na naging kaibigan ko sila. Dahil sobra silang magmalasakit sa tuwing humihingi ako ng tulong. Kung hindi dahil sa kanila, ewan ko na lang kung ano ang magagawa ko ngayon.

Maaasahan talaga sila sa oras ng pangangailangan.

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro