Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 32


"I.. I beg your pardon?" napanis ang ngiti ko at medyo napangiwi ako sa nadinig.

Pansin ko rin sa kanila, na kahit magaganda sila ay mukhang magkakaiba ang lahi.

"Sorry about the behavior of that girl." sabay tawa ng isa na mismong unang kumausap sa akin, mukha namang sarkastiko kapag nagsasalita at halata rin sa kanilang mga pagmumukha. "She's just being so grumpy you know... because Heimlich used to fling her."

Napalunok ako at pilit na napangiti. "Oh...really?"

Hindi ko naman alam. At bakit pa nga ba ako nagtataka, gwapo si Heimlich, saksakan ng yaman. Siya yung tipo na lalaking, kahit alam mong gwapo, hindi mo makikitang kayang mag-commit sa iisang babae. Hindi mo mai-imagine. Halatang walang nagtatagal na babae sa kanya. Hindi naman siguro malabong... sa bawat taon ng paglaki niya, ang katikasan at kagandahan niya bilang lalaki ay malabong walang babaeng dumaan sa mga palad niya. Imposible. Pihadong marami iyon.

Pihado rin talagang may nauna siya... base rin sa nakikita kong hasang-hasa na at eksperto pa. Marami ng karanasan lalo na kapag may nangyayari sa amin ay lagi niya akong pinapakitaan. Nakakamangha. Magaling. At alam kong hindi lang ako. Madami talaga. Baka nga... hindi na mabilang sa mga kamay ko, eh. Kaya naman pala ganito ang inaasta nila. Mga babaeng dumaan na sa palad ni Heimlich at mukhang naiinggit pa.

"Yea... duh? You know, Heimlich our most eligible bachelors and everyone is trying to get laid from him." sabay tawa nito at tumaas ang kilay.

Nakakatawang isipin, mga nakikipag usap sa akin ay mga hindi ko naman kilala. Akala ko masarap silang makausap, approachable, ngunit nagkamali ako. It looks like the three women in front of me are ignorant. Hindi sila madaling pakibagayan at mali ang impresyon ko. Mga hindi na din nag-abala pang magpakilala. Pero mabuti na rin 'yon.. pabor din naman sa akin. Lalo na't nararamdaman kong hindi nila gusto ang presensya ko, kinaiinggitan dahil ang lalaki nilang pinagnanasaan ay hawak-kamay ko lang naman kanina. Ako ang kasama. Hay... kung alam lang nila ang totoo.

"Well I'm not trying to laid. He is the one trying to laid me." pabalik at sarkastiko kong sagot at pinilit pa rin ipakita ang perpekto at pantay-pantay kong ngipin.

Hindi naman porke mayayaman sila ay gagani-ganituhin na nila ako. Diyos ko... tama na. Sawang-sawa na ako sa pagiging kawawa, yuyuko at iindahin ang pang-iinsulto at magpapaka santatita. Hindi ako papayag na sila lang rumerebat sa akin. Kung kaya nila akong rebatan kahit mag-english pa sila, pwes, kaya ko rin silang irebat din. Akala ba nila, huh? Na iiyak ako kapag magsasalita ng ganito sa harap ko? Tss! Wala sa teleserye ang buhay ko para mag-umastang ganito!

I'm not a fucking crybaby. Tigilan nga nila ako. Eh, mga wala pa naman silang panama sa pagiging bitchesa ng mga nakakasalamuha ko, lalo na si Mari.

Napabuntonghininga ako ng malalim. Kung nandito lang ang babaeng 'yon, hahayaan ko iyon makipag away. Ang sarap pa naman minsan panoorin si Mari kapag nakikipag sumbatan. Talagang hindi ka makakalusot. Kaya sanay na talaga ako sa mga ganitong tao. Hindi naman iisang beses lang itong mangyari sa akin, kundi marami na. Na mga taong mapangmata. Ipapahiya ka talaga. Sanay na din ako.

Napataas sila ng kilay, nagkatinginan silang tatlo at nagtawanan na para bang bumanat ako ng isang joke at bentang-benta sa kanila.

"You know, dear... Heimlich is one of Asia's most eligible royal-blood bachelors. Keep dreaming ... it's not bad to dream even when you're awake. " natatawa pa niyang sambit.

"Yea, right. Perhaps... she's just being used. We all know how needy Heimlich is." ani pa ng isang babae na ikinakunot ko.

"Super." sang-ayon naman nung isa at napairap sa kawalan bago uminom sa sariling kopita na akala mo'y umiinom ng zonrox dahil sa kanyang istura.

Makahulugan pa silang nagtawanan na para bang nagkaintindihan at sinasang-ayunan.

Now these bitches... is starting getting into my nerves.

"Well, I'm just using Heimlich for sex." ani ko na ikinatigil nila at tumutok ang mata nila sa akin. "I want you girls to know and to make it elucidate that Heimlich and I... enjoying each other's company. I'm giving him a satisfaction, he's giving me even more satisfaction too. That's why we're the same ... it's not easy to let go of each other, coz we are needy each other. " sabay ginawaran ko sila ng pekeng ngiti.

Ilang beses silang napakurap sa pagkakaamang habang hindi makapaniwalang mapahalakhak dahil sa aking sinabi. Nawalan ako ng gana, at dahil don ay walang sabi-sabing ako'y tumayo. Baka lalong sumakit pa ang ulo ko kung mananatili ako rito ng matagal ang tatlong alipores na ito na walang ibang ginawa kundi magparinig at insultuhin lang ako. Nakakatawang isipin na tatlo sila, at silang tatlo ay nakadaan na sa mga palad ni Heimlich at sa wari ko ay naikama na. Naikama nga ba? Siguro! Hindi naman nila ako itatatrato ng ganito kung hindi, eh! At ngayong sila pa ang magkakasama. Nakakadiri lang na samahan.

At bakit pa ba ko sobrang makukuryuso sa sex life ng gung-gong na 'yon!?

"Now please excuse me. Continue and enjoy for a toast..." paalam ko sa kanila at isa-isa silang nginitian. "...bitches." bago ko pa silang makitang umalma at may masabi pa ulit na pang-iinsulto sa akin ay agad ko na silang tinalikuran. Hinawi ko ang aking mahabang buhok sa maarteng paraan.

"Oh my god! Did you hear that? She's getting into my nerves!"

"Yea. What a gold-digging-bitch, right?"

Napapakunot habang ako'y magmamartsang maglakad. Kanina pa ako nagmamasid sa mga mesa. Sa sobrang daming bisita ay hindi ko makita ang hinahanap ng aking mata. Si Heimlich. Nasaan na ba ang lalaking 'yon? Sabi niya ay mabilis lang siya. Pero bakit ang tagal-tagal niya? Ano bang ginagawa niya?

Medyo dumadami na ang taong nakatayo dahil nagsimula ng magpatunog ng nakakaindak na tugtog. May malawak naman kasi na space sa gitna kung saan dito na nagsimula mapuno ng alon ng tao habang sumasayaw. Ang mga ilaw ay unti-unti ng lumilikot. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa bar.

Napabuntong-hininga ako ng malalim nang matantong lalo akong nahirapang hanapin si Heimlich dahil sa unti-unting pagtayo at pagpuno ng mga tao sa gitna. Kanina pa ako tumatanghod kung saan-saan, halos mahilo na, pagala-gala ang aking mata habang umiikot.

Napakamot ako sa aking ulo na talagang hindi ko siya makita. "Ano ba yan... sabi niya hindi siya aalis—" napasinghap ako nang mahagip na siya ng mata ko.

Silay ko siya mula rito. Nasa may parteng gilid, nakaupo sa sofa, nakadantay ang braso, lantad ang dibdib habang umiinom ng alak at naninigarilyo. Abala sa pakikipag usap sa mga kasamahan niya. May mga ilang katabi rin siyang halos mga lalaki. Mga nagtatawanan na sa wari ko talaga nama'y sila ay nagkakatuwaan.

Sa isip-isip ko ay pupuntahan ko ba siya? Pero mukhang nakakahiya... ang dami ring lalaki at baka maabala ko sila. Pero ano namang gagawin ko rito? Mukha namang hindi ako mag-e enjoy kung mag-isa lang ako!

Napabuntong hininga ako ng malalim. Kung gaano kaindak ng tugtog ay siya namang tamlay sa akin. Hindi na ako makapag-enjoy. Siguro kung... nagpatukso ako kanina kay Heimlich. Malamang sa malamang ay nasa kwarto pa rin kaming dalawa hanggang ngayon-haynako! Ano ba itong naiisip ako!?

I can't but... "Tsk. I really have no choice..." mahinang utas ko saka nagmartsa ang paa kong maglakad patungo kina Heimlich.

Hindi ko naman sila aabalahin. Sasaglit lang naman ako ron at magpapaalam na sa kanya kung sakali lang na... hanapin niya ako. Alam ko naman kasing napakaligalig niya kapag nawawala ako sa paningin niya. Tsk. Magpapaalam ako na papasok na sa loob para magpahinga.

Habang ako'y palapit ng palapit ay unti-unting tumutusok sa tainga ko ang kanilang ingay na tawanan. Ang malabo ay unti-unting luminaw sa aking pandinig nang makalapit ako sa kumpulan nila. Hindi nila ako pansin. Magsasalita sana ako at kukulbitin ang likod ni Heimlich nang biglang may nagsalita. Hindi ko naituloy at nakakabastos naman kung mapuputol ang kanilang usapan dahil sa akin.

"She looks sweet..." dinig kong sambit nung isa habang may nakakalokong ngisi.

"Hot." sang-ayon naman nung isa at nagkampay pa ng parehas na hawak na kopita.

"Wherever did you find her?" tanong nila. Na sa wari ko ay si Heimlich yata ang tinatanong dahil ang kanilang mata ay nakatuon sa lalaking ito, nakayuko.

"Oh, come on! Don't keep it a secret from us! We all know how many women you have! Is she another daughter of the Prime Ministers?"

"Come on! Tell us! Where did you hunt her?"

Dinig kong napabuntong-hininga siya, ilang minuto bago nakasagot. "What? Are you interested in her? Just dial 545-Babe if you want to find another woman you fucker." anito at sila'y nagtawanan sa pabalang na naging sagot ni Heimlich.

Napakunot ako. Ano naman kaya ang kanilang pinag-uusapan at parang lahat ay interesante sila?

"What is her work?"

I heard Heimlich cleared her throat. "She... she sells." tipid na sagot niya na sa wari ko ay nabibitin ang iba.

"Really? What is she selling? Like companies?" tanong pa nung isang kano dahil sa asul nitong mata, gwapo rin.

"Damn... I just saw her and everybody is wondering. Is she your girlfriend? Or playmate? What is her name again?" tila nag-isip pa yung isa sa kawalan. "Phryne?"

Sumikdo ang puso ko at natuod sa kinatatayuan ng marinig ko ang aking pangalan. Teka, ako ba ang kanilang pinag-uusapan?

"Come on. Just hear me out on this. We've known you for a long time. Tumhaaree shaadee aa rahee hai, hai na? Hamen laga ki aap kisee pradhaanamantree kee betee se shaadee karane ja rahe hain? You are taking too much advantage of being a young man right now, huh-- " (Come on. Just hear me out on this. We've known you for a long time. Your wedding is coming up, right? We thought you were going to marry a Prime Minister's daughter? You are taking too much advantage of being a young man right now, huh--)

"She's a hooker."

Natahimik ang lahat. At kahit ako ay tahimik rin ay para bang tumigil bigla ang tibok ng puso ko dahil sa sinambit ni Heimlich. Napapasinghap na siya'y tinitingnan ko habang ito ay nakatalikod. Walang nakakapansin. Hindi nila napansin. Hindi niya ako napansin. Na habang sinasabi niya iyon, ay pinakikinggan at pinapanood ko sila... siya.

"A... fucking hooker!?" tanong nung isang lalaki at humagalpak mag-isa ng tawa.

"I just pick her up in a club in Los Angeles." pagpapatuloy niya pa.

Agad ko naman nadinig ang ungol nila at tawanan. Anong ibig sabihin nito? Ano itong nadidinig ko?

"Oh... so American. But her face look like an Asian, huh."

"Oh, man... you're the only prince I ever heard of who goes looking for a dirt chip streetwalker, you know." sabay tawanan nilang lahat ng mapanuyang turan pa ng isang lalaki, maliban dito sa nakatalikod na lalaking ito na abala sa pag-inom.

I can't believe it!

I am swallowed up without being pushed back on my own. I took a deep breath. Sa pagkapatulala, I realized I was the one they were talking about! I can't help but question why? Why Heimlich? I thought...

Napapailing na walang sabi-sabing nagmartsa agad akong paalis habang tumitibok ng masakit ang puso ko. Masama ang loob. Ang bigat. Pakiramdam ko, kapag hihinga ako ay parang kumikirot kapag sumasagi sa isipan ko... ang mga lalaki halos pagnasaan at pinagtatawanan ako. Kung anu-ano mga mga sinasabi.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman. Hindi ko naman kasi inaasahan... pero ano pa nga bang aasahan ko? Lalo na sa kanya, 'diba?

Parang hindi ka naman bago dito, Phryne! Kaya, ano itong biglang pagda-drama mo!?

Hanggang sa may makasalubong akong server ng alak. Puno iyon ng mga kopita. Wala sa sariling agad akong humablot ng isa na ikinatigil naman agad ng server. Hindi ko hinayaan na makaalis ang server habang hindi ako lumalagok ng isa... dalawa, tatlo, hanggang lima ng sunud-sunod. Napapaamang na tumingin ito sa akin habang saglit na pinupunasan ko pa ng palad ko ang bibig ko na medyo natapon ang iniinom ko. Ininom ko ng mabilis na para bang ako'y uhaw na uhaw sa pagkataranta at balisang nararamdaman.

Hindi ko maintindihan.

"Got a problem?" pagtataray ko sa isang server. Naiinis ako at parang gusto kong pagbuntunan 'to, ngunit pinigilan ko na lang ng makita ko ang takot at taranta nito sa kanyang mukha habang umiiling sa akin.

Hindi ako mapakali. Naiinis ako. Iyon ang totoo. At hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naiinis sa kanya.

Hindi pa man nakakaalis ang server ay nakahablot pa ako ng isa at kinuha. Tinanguan ko ito senyales na pwede na siyang makaalis sa harapan ko. Ininom ko ulit ang alak na hawak-hawak ko. Halos pangalahatian ko ito habang nakatulala sa alon ng mga taong nagsasayawan. Saglit akong napapikit ng mariin, parang gusto kong sumabog... sa dagling inis na naramdaman.

Tang'ina. Si Heimlich ba talaga 'yon?

Tang'ina, Phryne. Please naman. Bakit naman yata maiiyak pa ako?

Pakiramdam ko nanlalabo ang paningin ko kapag natutulala ako. Pumikit ako ng mariin, at tumingala. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang pagbiglang bigat ng nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Hindi ako mapakali, halos hindi ko maipokus ang tingin ko, dahil sa tuwing tutulala ako ay lalong lumalala ang panlalabo ng paningin ko.

Tang ina, mukha siguro akong tanga.

Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ba ako nagkakaganito?

Maganda ang tugtog, masaya, nakakaindak, mayayaman ang mga nakikita ko, at 'di malabong kahit isa sa kanila, ang mga lalaki... baka makamingwit ako.

Hindi ba dapat nagsasaya ako? Hindi ba dapat masaya ako dahil namamaligiran ako ng mga bilyonaryong tao?

Bakit ako nagkakaganito?

Eh, ano naman sakin? Ano naman kung ganun ang pagpapakilala niya sa akin sa mga kaibigan niya? Ano ba dapat asahan ko? Ganun naman talaga ako, diba... pokpok. Kaya bakit ako magagalit sa kanya? Pero 'diba, siya na mismo nagsabi sakin kanina na walang ako dapat ipangamba tungkol sa sarili ko.

Pero hindi ko naman inaasahan na siya pa ang gagawa non!

Napailing ako. Naiinis at dismayado. Yun ang totoo.

Pero, ano naman ngayon? Bakit ako mahihiya, kung totoo naman, diba? Hindi ba't... siya dapat ang mahiya? At dapat, hindi ko na iniisip ito.

Dahil dapat sinusulit ko! Look around, Phryne! Can't you see? Minsan lang ako makaranas ng engrade'ng party kaya dapat sulitin ko na! Once in a life time lang ito! Iba'ng-iba ito sa mga bar na napapasukan ko! Go on, Phryne! Just party! Wag mong kaisipin ang mga putang inang 'yon! Hindi mo dapat pinag-aalala 'yan, kaya bakit ka ba mag-aalala kung sakaling bukod sa kanya, ay may makita ka pang iba, 'diba?

Para tiba-tiba ka sa magiging pera mo, 'diba?

Kaya bakit hindi ka na lang maghanap ng iba pang boylet habang abala pa yung customer mong siraulo na ginagawa kang katatawanan. Diba? Habang abala siya, sulitin mo na! Gawin mo na ang pagkakataong ito habang hindi pa kayo ulit nagkakasama!

Unti-unti akong nagmartsa papunta sa alon ng mga taong walang humpay na sumasayaw. I kept up and slowly moved my body as I kept up with the beat. No one cares around here. Just all I did was dance.

Dance like a hell.

Dance that reminds me where I belong. Ang nagpapaalala sa akin kung anong buhay na meron ako. Sumayaw lang ako ng sumayaw, wala nang pakialam kahit mapagod at pagpawisan. Ganun din ang mga taong nakakasabay ko. Tila nawawala na rin sa mga ulirat habang umiindak.

"Hey..." isang bulong ang agad na nagpalingon sa akin.

Nagtataka akong tumingin sa likod dahilan ng pagkatigil ko sa pagsasayaw, ganun na lang ang aking pagkabigla ng nandito pala siya sa likod ko at hindi ko man lang namalayan.

"O-Oh, Yusuf?"

Agad na nagkurba ang ngiti nito sa kanyang labi nang titigan niya ako.

"How are you? Enjoying the party?"

Tipid ko siyang ginantihan ng ngiti. "Uh... I thought you're with Heimlich?"

He twitched his lips and gave me a boyish smile. "Nah. I just want to guzzle up for a little bit. You know... make the most of time while drinking because of the amount of work. How 'bout you?" nakita ko gumala ang mata nito sa kabuuan ko, taas-baba. Napakamot ako sa leeg at medyo nailang sa kanya.

"Why is this sexy, gorgeous, beautiful girl all alone and dancing?"

"I uh... I'm okay." mahina akong natawa.

Nagpakita ang ngipin nito nang lalo itong ngumisi. "Drunk?"

Napapakunot man ay akin siyang nginitian. "Nope." sabay iling ko.

"Maybe we can dance?"

"Uh..." napakibit balikat ako. Naramdaman ang pag-aalinlangan. "Maybe I have to go—"

"Oh, come on! Don't be shy, just a little bit." pilit nito habang tumatango senyales na pumayag dapat ako sa kanya.

"But..." I bit my lower lip.

"He's just right there. Busy of talking." tukoy niya kay Heimlich na mukhang nahulaan ang iniisip ko.

Gwapo naman ito, ngunit hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi ko masyadong trip ito.

"O-Okay. Just for a s-second, though." kibit-balikat kong sagot at wala ng nagawa.

Teka, bakit ba ako mag-aalinlangan, 'diba? Hindi ko na dapat pang iniisip 'yon... malay ko bang habang nakatalikod din ako, may kinakalantaryo rin siyang iba? Edi quits lang kami! T'saka, wala naman siyang sinabing pagbabawal kanina nung iwan niya ako, kaya kahit makita naman siguro niya akong may kasamang ibang lalaki, walang kaso yun sa kanya. Hindi siya magagalit.

Hindi ko alam kung paanong paraan kami sasayaw. Medyo naiilang ako sa paraan ng pagtitig ni Yusuf at hindi ko alam kung bakit hindi ko siya masabayan.

Napapabuntong-hininga ako ng malalim sa inis. Come on, Phryne! Nasaan na ang pagiging charming mo!? Nasaan na yung dating lahat ay iniindakan mo? Naiwan mo ba sa L.A!?

Nagulat na lang ako nang mag-iba ang tugtog na nakakaindak ay sinabayan naman niya ng unti-unting pagpulupot ng braso nito sa baywang ko. Napapalunok na napahinga ako ng malalim, nang pangilabutan ako sa aking baywang na kumalat sa buong sistema ko. Sa pagkakahapo, ay lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung epekto ba sa pagod o kaba.

Nakakagulat naman kasi.

Hindi ko magawang umiwas at bigyan ng distansya ang pagitan naming dalawa dahil medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo dahil sa nainom ko kanina, lalo na't naramdaman kong siya na lang ang gumagalaw. Medyo lumalambot na rin ako. Ibang klaseng tama talaga ng alak ang natamo ko ngayon, halos ilang araw na rin akong hindi nakakainom ulit kaya siguro nabigla ako.

Ramdam kong nagpa sway-sway pa si Yusuf kaya lalong nadadagdagan ang tama ko kahit na medyo nasa huwisyo pa naman ako. Hindi ko magawang tumigil dahil nadadala na ang katawan ko sa kanya at hawak niya pa ako. Kapag napapagawi kung saan-saan ang ulo ko ay medyo namimitik ang sentido ko.

My head... shit.

"Do you have a nice time, Phryne?" dinig kong bulong niya sa tainga ko, dahil sa lakas ng tugtog para madinig ko. I almost heard him sniffed. Hindi ko alam kung hindi niya ba sinasadyang amuyin ang leeg ko.

Nagtama ang tingin naming dalawa. At kahit medyo nasusuray na ako ay kita ko pa rin ang paggala ng titig nito sa bawat parte ng mukha ko.

"Yea..." natawa ako ng mahina. "I'm having a great time."

Mapungay siyang ngumiti sa akin at inayos ang pagkakahawak sa aking baywang dahilan na lalong mapatingkayad ako at mapadikit sa kanya. Matangkad itong tao, at halos magpantay sila ni Heimlich kung tutuusin pero ewan ko ba, mas gwapo pa rin talaga si Heimlich sa kanya.

"I see..." umungol ito saglit. "How does it feel for a stripper to get inside a castle?"

Dagling nawala ang kubling ngiti sa aking labi dahil sa aking nadinig.

Napamulagat ang mata ko sa kanya. "Wha.. What?"

"Heimlich told me." diretsong sagot niya na lalong ikanakurba'ng paangat ng labi niya.

"Did you..."

"But don't worry, your secret is safe with me..." makahulugang sambit pa nito.

Lalong lumaki ang ngisi niya na ikinalunok ko.

"Uhm..." tila ako ay natauhan at nalinawan ang aking paningin.

"Listen, maybe uh... ahm... we could get together sometime too while Heimlich is still busy and not paying attention to you, huh?" makahulugang sambit nito, sapat para maramdaman ang pagkailang ko lalo habang hinihimas nito ang baywang ko papunta sa lantad na likod ko. "Wanna come with me, hm?"

Ramdam ko ang paghigit niya sa baywang ko para lalong mapalapit sa kanya, na halos ang puson ko ay mapadikit na sa gitnang bahagi ng mga hita niya, kulang na lang ay yapusin niya pa ako.

Pinilit kong idistansya ang sarili. Umiwas ako ng tingin ng maramdaman ang unti-unti paglapit ng kanyang mukha sa akin. Lalo na sa paglalakbay ng mga kamay niya sa katawan ko. Halos madinig ko na lumalalim bawat paghinga nito. Hindi ko siya magawang itulak ng husto dahil matigas at mahigpit ang kapit nito sa baywang ko na parang wala yata siyang balak na pakawalan ako.

"I-I'm sorry but I have to go..." hindi na nagugustuhan sa inaasta niya.

"Why?" mahina at mapaglarong tono na tanong nito na ikanakunot ng noo ko.

"P-Please, uhm, can you let me go?" bahagya ko siyang tinutulak ngunit hindi talaga siya natitinag. Mapungay na ang mga mata nito at dun ko natanto na halatang lasing na rin ito.

"Come on... just give me a time. Come with me..." anyaya pa nito at hinawakan pa ang parehas na braso ko para umalis kami rito.

Nahulaan ko ang iniisip at binabalak niya. Napapailing na nagpumiglas ako sa kanya. Malinaw sa akin na hindi. Ayoko. Ayoko pala. Ayoko talaga. Wala akong oras sa ganito lalo na't nalilito rin ako sa kung anong nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng... basta na lang sumama sa kanya agad!

"Come on, Phryne!" pamimilit niya.

No one could hear us because, in addition to the loud music and people living in their own worlds, the cries of others were also audible, as if they had escaped from a cage due to their drunkenness. No one seemed to notice that the man appeared to be harassing me.

"Hey, get off me!" iiling-iling na asik ko, nagsimula na akong mainis.

"Come on. Don't be so hard— goddamn it!" napapikit siya ng bigla ko na lang siyang nasampal sa mukha.

Ngunit nagulat ako ng ininda niya iyon at patuloy na ngumisi sa akin na parang walang nangyari. Epekto siguro ng alak kaya hindi niya masyadong naramdaman ang malakas na pagkakasampal ko sa kanya. Kinilabutan ako ron.

"Come on... I'll pay for it—" aamba sana siyang hawakan ako, ngunit sa isang kurap ng mata ko ay halos tumalsik si Yusuf palayo sa harapan ko!

"She said, get your filthy hands off her, you motherfucker!"

Naramdaman ko na lang ang may marahas na pagtulak sa akin, mabuti na lamang ay hindi ako natumba sa pagkahilo. Hinilot ko pa ang sentido ko. Sa ikinasakit ng ulo ko ay siya naman ding ikalaglag ng panga ko sa nakita.

Halos matulala ako nang madatnan ko ang dalawang malaking bulto na nagrarambulan sa may tabi. Unti-unti napapatigil sa pagsayaw ang ilan sa may pwesto namin at napapatingin dahil sa pagkakagulo. May mga impit din akong sigaw na nadinig sa pagkataranta.

"Come on, Heimlich! She's a goddamn ho-"

"The fuck you are saying! Speak again, and I'm gonna shoot your fucking hole, you fucker!" sa isang sigaw non ay kasabay ng may nadidinig akong paulit-ulit na lagabag na suntok, biglang namalikmata ako.

Ganun na lang ang bigla ko nang matantong sunud-sunod na lang niya pinagsusuntok ang mukha ni Yusuf na ikinatigil nang lahat ng bisita, hanggang bumagsak sila sa pool at napapasinghap ng makita kong walang awang nilapitan pa ni Heimlich si Yusuf na halos puros dugo na ang pagmumukha sa walang tigil na sunud-sunod na suntok habang kinukwelyuhan pa ito. Napatigagal pa ako nang sakmalin pa niya ang leeg ng lalaki.

Diyos ko!

Napasinghap ako sa gulat. Para akong binangungot ng masama at ngayon lamang nagising. Lakas-takbo akong lumapit sa direksyon nila.

"Heimlich... Heimlich! Stop! Are you crazy?" sigaw ko.

Ngunit tila nabingi yata ito. Nandidilim ang paningin habang sinasakal ang kaibigan niyang si Yusuf. Si Yusuf na halos tumarak na ang mata, mamutla-mutla ang mukha sa higpit na pananakal sa kanya. Halos makita kong bawat pagtapik ng kamay nito sa kamay at braso ni Heimlich upang pigilan. As if it like he's looks at Heimlich with mercy.

Kaunti na lang ay parang lalagutan na ito ng paghinga, lalo na nung sa bawat pagsakal, ay inilulunod pa ang ulo nito sa pool sa panggigil ni Heimlich habang may mariing sinasabi.

Hindi ko maintindihan. Ang lakas ng tibok ko sa kaba. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito... kabayolente si Heimlich. At ganito kagalit. Pero ang tanging nasa isip ko lang ay, sobra at mali na ang ginagawa niya.

Napuntong-hininga ako ng malalim, pumikit ng mariin, nanginginig ang labi bago naglakas-loob ulit na magsalita.

"Heimlich... please!" kastigo ko.

Nakita ko ang kanyang marahas na pagbitaw. At sa pagbitaw, ay nadinig ko ang bahagyang pag-ngisi nung lalaki ng makaahon ang ulo nito mula sa pagkalunod. Para bang hindi nasaktan ito. Kahit nakatalikod si Heimlich, ay nakita ko ang bahagyang paggalaw ng ulo nito sa paligid dahil sa mga taong bisitang nakasaksi.

"Everyone! Thank you for coming tonight! The party is over!" kastigo niya na ikinatahimik ng lahat-lahat.

Sa lawak ng pwesto rito ay tila lahat ay napasunod niya. Lahat ay napatahimik niya sa isang malakas na sigaw lamang.

"You can all go home now."

Inakala kong dun na matatapos ang gulo. Nang sinubukan ko namang lumapit ay ganun na lang muli ang pagkaigtad ko, natuod muli sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at nakita nang walang sabi-sabing mabilis muli nakalapit si Heimlich kay Yusuf na pinutukan ng isa ng baril sa kamay.

"Ah! Fuck you!" 

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro