Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 31


"Miss Adelaide, you're awake!"

Tuluyan ng napamulat ang aking mata na maramdaman ko ang tama ng sikat ng araw sa aking mukha nang hawiin ng isang maid ang pagkalaki-laki ng kurtina sa bandang kaliwa habang nakatanaw sa akin.

Mula rito ay tanaw na tanaw ang view sa labas dahil sa babasaging bintana. Tumingin ako sa maid. Abala ito sa pag-aayos ng gamit na tila nagmamadali. At dahil ngayong maliwanag, lalo ko nadipena ang lawak ng kwartong tinutuluyan ko na mas malaki pa sa bahay namin. Hindi talaga mawawalang malapatan ang gold sa bawat muwebles at painting na nakikita ko. Obviously, the owner of this castle is literally a gold sucker.

"Good morning." paggalang na pagbati ko at saglit na bumangon, parang hinihigit pa ang katawan ko sa lambot at napaka laking kama na hinihigaan ko. Hay... ang sarap pala rito.

Paano ba naman kasi...halos mapuyat ako kakagala sa paghahanap kung aling kwarto ang tutulugan ko. Muntik na nga akong maligaw. Tatanungin ko sana si Heimlich, kaso nawala siya sa paningin ko at hindi ko rin alam ang kwarto niya. Mabuti na lang talaga at may nakasalubong akong maid at inalalayan ako.

"Good morning, Miss." bati nito. Lumapit ito sa akin saglit. "Miss, you need to prepare."

Humikab ako saglit at napakunot. "Okay? I'm not hungry yet so there's no need to hurry. Don't worry." agap ko at nginitian siya.

Umunat ako saglit. Nakita kong nasa tabi ko pa rin ito at hindi pa rin umaalis ang maid. Mukhang namomroblema pa base sa nakikita ko sa kanyang magandang itsura.

"Do you need anything?" tanong ko pa.

She immediately shook her head at napatungo ito, hindi man lang ako tinitingnan ng diretso sa aking mata. She's kinda amusing you know... mukhang mahiyain gayong dapat ako naman ang mahiya dahil bisita lang ako rito.

"I should be the one to ask you, Miss. Do you need anything? I uh... No." napailing pa ito at tila nalito sa sariling pananalita. "I mean, you have to let me know what you need now, Miss."

Napabuntong-hininga ako at agad na umiling. "Nothing. What is your name?" tanong ko sa kanya.

Iba kasi ang lahi nito. Maputi. "I uh..."

"Good to see you awoke, Phryne." napabaling ako sa nagsalita at nadatnan si Heimlich na nasa may pinto, nakasandal habang hawak ang hamba ng pintuan.

"Oh, Heimlich?"

Nakita ko pagbaling ni Heimlich sa nakatungong babae. "You can leave us..."

Walang sali-salitang nag-bow na lang ang babae bago umalis. Habol ko ang tingin habang ito'y nagmamadali na gusto ko pa sanang makausap iyon kaysa rito sa papalapit na lalaki na ito.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya at inismiran siya ng makitang may multong ngiting nagkukubli sa kanyang labi. "Wanna fuck me right now?"

Napatikhim ito saglit at natigilan nang ito ay nasa harap na sa sakin. He's wearing a satin silk pyjama kimono na kulay royal blue. Medyo magulo ang buhok nito na mukhang bagong gising lamang din.

Ang makitang ganito siya sa umaga ay parang nakakatakam-este. Nakakadistrak.

Umangat ng kaunti ang labi nito. "So early for the provocation but, can we?"

Umirap ako sa kanya at aambang ibabato ang unan kahit na nakakahalina ang kanyang itsura.

"Syempre joke lang."

"How long will you be hard, woman?"

"I only lose my hardness when I soften, mister." makahulugan ko siyang nginitian.

Nawala ang ngiti nito dahil sa sinabi ko. "Next time, don't make a joke. You should be relieved because I have an important something to do; otherwise, I would have kissed you."napabuntong-hininga siya ng malalim, naitakip ko ang bibig ko sa kaalamang hindi pa ako nagsisipilyo. Napamaywang siya at tumaas ang kilay sa akin. "Now get up, Phryne. We have to be prepared for this evening." saka ito naupo sa kama.

I stroked my hair at umangat ang tingin ko sa mukha niya na kanina pa pala nakatitig sakin. "Anong meron?"

"I have things to take care of... for an evening surprises."

"Now I'm getting nervous. What is it?" parang lagi na lang itong busy. Wala ba itong pahinga? Parang laging may pupuntahan. At anong surprise na pinagsasabi niya?

"It's a party. You will like it." sabay alis na nakatabing na buhok sa aking mukha.

Napalunok ako at natuod sa kinauupuan. "Saan?" halos manlambot ako sa ginawa niya ng himasin pa nito ang pisngi ko.

"Dito." paos na simpleng sagot niya na halos ikawala ng pagkakakunot ng noo ko.

"A-Ano?" nauutal kong tugon. "Seryoso ka ba?"

He nodded and smiled at me sparingly. "Don't worry about the dresses you will wear later. Everything is ready. How 'bout you? Are you ready?"

Napailing ako at napalunok.

"You'll see..."

Tumingin siya sa isang pinto at dalawang beses pumalakpak kasabay ng pagpasok ng tatlong tao na sosyal at magaganda ang mga suot, na sa wari ko ay parehas bakla at isang babae. Oh, sino ang mga 'to?

"So, this is the lady you are talking about, your majesty!" salubong ng isang sa wari ko ay bading, nakangiti sila sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin sa aking kabuuan.

Napakunot ako kay Heimlich. "Huy, anong sinabi mo sa kanila, Heimlich?"

"Nothing," tumikhim pa ito. Lalo akong napakunot. "I've just said that you're a modest and a very, very, wonderful woman." ramdam kong nagsinungaling ito.

Napasingkit ang mata ko sa kanya. "Gago. Anong tingin mo sa'kin, si wonderwoman?" bulong ko sa kanya. Baka kung anu-anong pinagsasabi nito sa mga kakilala... naku! Naku talaga! Baka walang katotohanan!

"They will take care of you. Trust them." saka siya tumayo dahilan ng pagsunod ko ng tingin patingala sa kanya.

"Teka, s-sino sila? Anong gagawin nila sa'kin?"

"They're the artists, designers. Just go with it. You'll be fine." tumayo na ito at mukhang aalis na.

Sinenyasan pa niya ang tatlo at ngiting-ngiti naman na tumatango ang mga ito kay Heimlich. Mukhang pati sila ay nahahalina sa kagwapuhang taglay nito.

"Heimlich..." pabulong na may diin na tawag ko. "Heimlich," hindi pa rin ito lumilingon. "Heimlich!" tawag ko na halos mahimigan na parang pang-giyera ang boses ko na ikalingon pati nilang lahat.

Tumikhim ako saglit at umimis ng ngiti sa naramdamang kahihiyan. Nagulat at natigilan sa dagling pagsigaw ko.

"Yes, Phryne?" untag niya.

"Saan ka pupunta?" sabay malambing na tinig ko sa kanya upang tabunan ang hiyang naramdaman.

Napabuntong-hininga siya ng malalim. "In the bathroom, Phryne. Perhaps ... you want to go along with me?" he bit his lower lip at nginisian pa ako nito na ikinalunok ko. Umagang-umaga ay nang-aasar. "Wanna shower with me, mi adelaide, hm?"

Napakamot ako sa ulo sa inis. "Pwede bang magtagalog ka na lang? Mamaya baka kung anong isipin nila sa pinagsasabi mo, putangina'ng 'to ha...haha... hahaha..." sarkastikong ani ko, na hinaluan na malambing na tono at mahinhing tumawa dahil sa tatlong taong nanonood sa amin.

Medyo nawiwirduhan sila sa akin dahil alam kong hindi nila naiintindihan ang sinasabi ko gayong nagtagalog ako.

I see the ghost penetrated by his lips but that was a quickly second.

"See you later..."

Namalayan ko na lang na umalis na si Heimlich sa kwarto at tuluyan ng lumabas ng pinto. Habang itong tatlo ay pinamamagiliran ako habang tinititigan ang kabuuan ko.

"Hi lady, I'm Brody Williams, the make-up artist." pakilala ng isang beki na maganda pangangatawan, makapal ang make-up ngunit brusko ang dating, at malaki ang ngiti sa akin.

Hindi ko naman alam ang iaasta ko habang nakaupo ako at nakatingala sa kanila.

"U-Uh... hi, nice to meet you, I'm Phryne Gretha." pakilala ko din at tipid siyang nginitian.

"Rachel McAdams, your stylist." ani ng isang babae, tinapunan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa, pasimple ding pinasadahan ng palad niya ang braso at ang mukha ko. "Well, you have a great body... but your face is so dry, my dear. So, so, dry like a rotten potato..." sumimangot ito sa akin na ikinangiwi ko saglit at pasimpleng hawak sa pisngi ko.

Grabe naman itong magsalita! Parang ilang araw lang naman akong hindi nag-skin care. Hmp.

"Brody, will fix that later."

"Of course." sang-ayon naman nung Brody habang naiiling na parang may mali sa mukha ko.

Hindi ko alam na ganito kaaarte mga kinuhang stylist ni Heimlich. Parang ang tingin nila sakin, saksakan ako ng panget.

Aba! Baka kapag nalaman nilang lagi akong nananalo na beauty queen sa mga barangay ay baka himatayin sila!

Napabaling naman ako sa isa din na nakangiti na bading rin. "And I'm Bartley Echeverria. I'm gonna fix your hair, remove the dryness and embellished with some diamonds. What do you think?" sabay pakikimay din nito habang pinapasadahan ng tingin at simpleng hawak din sa magulong buhok ko.

Tumikhim ako at pinilit na ngumiti. "O-Oh, brilliant..." at hilaw na natawa sa kanila.

Tumawa siya at ngumiti, natural na berdeng ang mata nito, brown ang kulot nitong buhok at payat na meztiso na lalaki. Flawless.

Kumpara sa katabi niyang si Brody na brown ang mata, brusko na ay maitim pa, naka semi kalbo ito at mahahalataan naman sa bawat kilos ay malambot at mapino. Ganun din ang buhok, maitim rin. Ngunit kapag ngumiti naman ay pwede ng maging model ng toothpaste sa agaw pansin nitong napakaputing ngipin. Habang yung babae naman ay sa wari ko ay asul ang mata at maayos na nakatali ang buhok, simpleng-simple ngunit maganda, medyo mukhang masungit nga lang ang aura kahit na napakalambot at lambing ng boses nito kapag nadidinig ko.

"I didn't know that Majesty Javadd could bring a woman to the castle. This was the first time I had ever heard from him." chika pa nung Bartley kay Brody habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin.

"What a lucky girl, right?" kumento pa nung Bratley.

Kapag naman nagkakatamaan ng tingin ay biglang uumis ng ngisi.

Habang yung Rachel naman ay abala sa pagtingin ng damit na sa wari ko ay dala-dala nila na nakasampay sa rack clothes. Ang daming gamit na nakikita ko na mukhang mamahalin na nakakalat sa sofa at sa sahig. Nanonood lang ako habang nakaupo lang ako sa may vanity table na puno ng mga kolorete. Sa totoo lang ay kaya ko naman mag-ayos sa sarili ko. Nakakagulat lang na bigla pang nagpapunta rito ng stylist si Heimlich. Hindi naman niya kailangan gawin 'to...

"It's so lovely to meet Heimlich's girlfriend, right?"

Agad akong napasamid sa sariling laway dahil sa nadinig. Napahinga ako ng malalim. Bakit naman kaya nila naisip iyon?

"Okay...? I uh... I am looking forward to making your acquaintances guys, but I am not Heimlich's girlfriend." agap ko sa kanila at baka kung saan na mapunta.

Sabay-sabay silang napasinghap na tila gulat na gulat habang nagtitinginan sa bawat-isa na akala mo'y nakakaintriga. Tipid ko silang nginitian.

"Perhaps... you're his fiance!"

Halos malaglag naman ang panga ko at mapasinghap sa tanong nila. Halos ikaway ko ang parehas na kamay ko habang umiiling ako. "N-No! Heimlich and I... we're... we're just f-friends... yea, just friends." mahina akong tumawa at unti-unting napalakas upang tabunan ang aking pagkautal, halos magbuhol ang dila ko sa pagkakabulol dahil sa hindi alam kung ano ang tamang sasabihin.

Teka nga, magkaibigan ba kami? No. Sa pagkakaalam ko talaga ay hindi. Hindi ko nga alam kung ano tamang sabihin sa amin, eh. Ngayon ko lang na-realize na kapag magkasama kaming dalawa, kumpara sa libog lang na nararamdaman ay para pa kaming tanga. Kasi may mga bagay kami na hindi pagkakasundo, pero nagawa pa rin naming magkasama. Pero mabuti na rin yon. And it's awkward kung sasabihin ko pa ang totoo sa kanila na I'm just Heimlich hooker... or a sex slave lang naman? Damn it.

Now, sumasakit na ang ulo ko kakaisip sa mga naiisip ng mga tao sa amin. I never thought, being with Heimlich would give me a headache.

Napabuntong-hininga ako ng malalim at nerbyos ako sa kanyang ngumiti.

"What do you think?"

His lips were only slightly parted. His gaze is drawn to the rest of my body. I swallowed hard because I felt silly in front of him, and perhaps he didn't like what I was wearing.

"Ano? Nakatulala ka na dyan. Masyado ka na bang naalindog sa alindog ko?"

Napakunot ito, tumikhim ito saglit, tila namalikmata. "You look exquisite one, mi adelaide," sabay taas ng kilay nitong halatang may paguhit na ukab nang magtama ang aming mata.

Mukha talaga siyang pilyo... itong pilyong tinititigan ko sa malapitan ay saksakan talaga ng gwapo.

I bit my lower lip to prevent the enlargement of my smile.

"Really?"

"Damn, you look so good..." anas niya pa habang tinitingnan ang kabuuan ko. Hindi matanggal-tanggal. Sa tingin pa lang ay akala mo'y asong ulol na handa ng manghangkab at kumagat sa mukhang nanggigigil na mukha nito.

Nang magtama muli ang aming mata ay umayos ang ekspresyon nito. Akala niya siguro hindi ko makikita ang ganung ekpresyon niya.

"Oh, tama na at baka abutan ka ng libog dito. Ang dami nang tao!"

"Wanna go to my room?" ang loko, sinakyan ba naman ang biro ko. Ang talinong tao, pero hindi maalam makiramdam kung ano ang joke sa hindi.

"Naku, tigilan mo ako kamahalan. Baka hindi na tayo magkalabasan."

"I guess you think what I'm thinking."

Napairap ako sa kanya. "Shut up. Madaming bisita at baka hinahanap ka na ng iba."

He smirked. "So? They won't notice."

Lalong lumapit ito sa akin, palibhasa kasi rito sa pinaglabasan ko ng kwarto ay madilim, at tanging kaming dalawa lang ang naririto. Kanina pa nakaalis ang mga stylist at nauna na sa baba, mukhang kating-kati na yata sa pagpa-party kaya pinauna ko na sila kahit na kanina pa nila ako niyayaya.

"Are you fucking serious?" tanong ko, naging malumanay ang boses ko kahit nakakunot ako dahil sa lintik ng pabango niyang nakakaantok na ang bango-bango.

"Come on. Let's just be quickie..." aniya na parang nanunukso pa ito.

"N-No way." pagmamatigas ko. "Ah... ano ba, Heimlich..." anas ko at itinulak siya ng bigla ko na lang maramdaman ang kamay niya'ng nasa sa loob ng aking suot na malambot na malambot na telang bestida.

Bakit ang bilis ng kamay nitong nakalusot!?

"Please..." I plead. Napapikit ako ng mariin ng maipasok nito ang kamay sa loob ng panty ko at marahang hinaplos iyong balat ko. Napakapit ako ng mariin sa braso niya, at halos magusto ko ang long-sleeve niya nang biglang gumalaw ang kamay niya at pisil-pisilin pa iyon.

Nagparte ang labi ko ay malalim na napasinghap. Nanghihinang namumungay ang matang tumama ang tingin ko sa kanya. Magpapakawala sana ako ng halinghing ng may bigla nagsalita sa amin.

"Your Majesty..." untag ng isang baritonong boses na tumikhim at bahagyang ikinasinghap ko. Halos bumalik ang ulirat ko sa nadinig. "Apologies for interrupting but the party is starting and the guests are looking for you."

"Darn it, Martino!" mahina't mariin na kastigo, sabay yuko niya at sinubsob ang mukha sa leeg ko. I hear him groaned in annoyance.

Mabuti na lang ay natatakpan ako at matangkad naman na lalaki si Heimlich dahil kung hindi... nakakahiya naman makita iyon!

"We're on our way down. Just wait down there." anito habang nakatitig sa mga mata ko.

Nang hindi na namin ramdam ang presenya ni Martino na bigla na lang pasulpot-sulpot ay bahagya kong naitulak si Heimlich.

"Damn it! That was so close, Heimlich!" naninikip na dibdib na utas ko. Para akong hinapo nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa kuwan ko. "U-Umayos ka nga! Isipin mo, ikaw yung may pa-party tapos ikaw pa yung hindi nakaultaw sa mga bisita mo? Gago ka ba? Tatalikuran mo talaga lahat para sa libog, no?" halos habol ang paghinga ko dahil sa naramdaman ng matinding kaba habang nakakunot sa kanya.

Napapikit siya ng mariin at mahinang napamura. Hindi niya ako pinansin sa halip ay tumungo lang ito saglit saka umayos ng tayo. Nanatili na lang itong diretsong nakatingin. Napabuntong-hininga ako ng malalim na maramdaman ang pagiging malamig ang tingin niya sakin. Galit ba ito sa akin? Bakit mukhang iritado na naman?

"Heimlich..."

"Not now, Phryne. I don't wanna hear your voice." matigas na kastigo nito habang humihigpit ang panga nito.

Napaamang naman ako sa kanya. "B-Bakit naman?" napapikit ako ng mariin nang matantong may sariling iniinda ito.

"Buwisit... mamaya na lang."

He just shrugged, slightly chuckled and shook his head.

"Ano, gusto mo bang huwag munang--"

"Just shut the fuck up, Phryne. You're a fucking pain in my cock. Did you know that?" mahinang utas niya na ikinalunok at tameme ko.

Napabuntonghininga na lang ako ng malalim.

Hindi ko maiwasang mapaisip ang pagtatagpong 'yon kanina. At siguro ako, marami pang senaryo na mangyayaring ganon. At dun ko natanto kung gaano siya kalupit na lalaki at matindi ang tawag ng laman. Kung saan talaga...

I mentally slapped myself.

After all, it's just about sex. That's my only purpose here. Kaya niya ako dinala rito. Wala ng iba. Hindi rin naman siya ang dahilan, kundi dahil lang din sa pera so... quits lang kami. Ayoko rin namang aalis ako na walang mapapala. So... the agreement is still ongoing.

All people chattering. May isang mistulang nagkaroon ng concert dahil sa isang kumakanta, as if it was a jazz song being played and sung by it. May stage, nagkukumpulan roon habang pinamamagiliran ang isang magaling na singer ng magagaling na mga musicians.

It was so smooth. Maganda sa pandinig at hindi nakakairita at nakakakabog ng dibdib. Parang pinapakalma ka pa.

The aura is dark but there are enough lights that serve as light for the guests to see. Maganda rin ang set-up, sa gitna ay parang may mistulang pa-pool party dahil may nakikita akong nagsu-swimming roon, or should I say, may mga babaeng nagseserba rin doon ng drinks sa ilang bisita. Sinasabi ni Heimlich na simple party lang ito dahil sa pagbabalik niya, pero bakit mukhang sosyal at engrande pa rin?

Bumagay rin naman sa set-up dahil naka semi-formal ang suot namin. Magagaling talaga ang stylist kanina nung inayusan ako. Binagay sa hulma ng aking mukha lalo na sa katawan ko, pati sa kulay kung anong suot na babagay sa akin. Ganun din si Heimlich... na kahit ang simple lang ng suot ay ang lakas pa rin ng dating. Lalo na ang gintong ring piercing niya sa magkabilang gilid na ibabang labi at kapansin-pansin na mga tattoo niya sa leeg, likod ng tainga, braso at maging sa kanyang kamay. Lalung-lalo na sa buhok nitong magulo at hindi nakatali, parang sinadyang hinawi lang ito sa swabeng paraan lalo na't mukha siyang wet tingnan.

Sumisigaw sa damit na yayamanin. Walang panama yung nanggagandahang damit sa mga nakikita kong lalaki rito kumpara sa kanya na ang hot-hot pa.

"Oh damn, Heimlich... it's really a party though, huh." humawak siya sa baywang ko. "Your place is so gorgeous." hindi ko maiwasang ibulalas. Ang lawak naman kasi.

Tumingala ako sa kanya, abala siya sa pagmasid sa mga bisita.

"Wait. Ang daming tao... sure ka bang gusto mong kadikit ako?" tanong ko sa kanya. Abala ito sa pagtango sa ilang bisitang tumatawag sa kanya. "Heimlich, look at me..." pasimple kong pinisil ang braso niya na ikinalingon niya.

"What? You're beautiful."

Napairap ako. "No! I mean, what if... what if someone recognizes me?" nag-aalalang bulong ko.

Ang lahat pa naman ng ayaw ko, magkaroon ng eksana rito. Sa nakikita ko lang na mga tao, halos mukhang mga respetado.

Napairap siya sa akin. "Not likely, Phryne. They don't spend much time in Hollywood Boulevard."

"Paano ka makakasiguro? T-Teka lang.."

"Come on. Let's go." anyaya pa nito ng may biglang tumatawag sa kanya roon sa may isang pabilog na sofa, may mga lalaki at ilang babaeng nagkukumpulan. Tinatawag siya at nakatuon sa direksyon namin. Mukhang mga kaibigan niya yata.

Napalunok ako. Shit. Mukhang hindi lang mga simpleng tao makakasalamuha ko. Kundi mayayaman. Hindi ko tuloy maigalaw ang paa ko. Para gusto ko na lang tumakbo.

"Hey look at me, you look great... not just great. You look exquisite as I said. And you're gonna have a wonderful time. Relax..." marahang bulong niya na ikinakalma ko habang marahang hinihimas ng mainit niyang palad ang lantad na likod ko.

"F-Fine."

"Okay, you're lips trembling. Just smile. Stop fidgeting coz you're with me." sabay hawak niya sa palapulsuhan ko, pinalandas ang palad at tuluyang pinakrus ang kamay naming dalawa.

Nagsimula na kaming magmartsa palapit sa mga mukhang kakilala ni Heimlich. Nararamdaman ko ang habol ng tingin ng iba, yun ba namang hawak-hawak din ako sa baywang ng katabi ko. At alam ko namang nakakasentro talaga ito ng atensyon ang lalaking 'to ay sino bang hindi mapapatuon ang tingin, 'diba?

"Keep smiling, they are watching you." bulong niya. "Wag na pala." na tila nagbago ang isip. Ang gulo naman niya!

Napakunot ako at nagtatanong ko siyang tingnan.

"When men gaze at you, just roll your eyes."

"What? Can I just be polite kahit kaunti? Hindi kita maintindihan." nalilito kong tanong sa kanya.

"I am commanding you. Just follow my order." seryosong sambit pa nito.

Marahas akong napabuntong-hininga at inirapan siya. "I don't need your fucking command. Okay? Don't worry, I can handle myself."

Napabuntong-hininga ito ng malalim na tila nagtitimpi. Magsasalita pa sana ito nang namalayan namin na nakalapit kami at tinawag si Heimlich.

"Theek hai, theek hai, main aapako phir se dekhakar prasann hoon, Heimlich!" (Well well, well. I am delighted to see you again, Heimlich!) nakangising salubong ng isang lalaki. Mga nakasuot sila ng itim na coat, at may itsura rin mga ito.

Nagkamayan sila at pasimpleng nag-akapan.

"Good to see you again, Yusuf. Aap kaise hain?" (How are you?)

Pasimple itong napairap sa kawalan na tila natatawa. Hindi ko maintindihan ang lengwahe nila. "Tumhen pata hai... hamesha kee tarah mushkil." (You know... difficult as always.)

Maya-maya'y sa kalagitnaan ng halakhak nito ay biglang tumama ang tingin ng mata ng lalaki sa akin. At hindi ko alam kung bakit awtomatiko akong napaiwas ng tingin.

"Oh, tumhaare saath ek bahut sundar yuvatee hai. Usaka naam kya hai?" (Oh, you have a very beautiful young lady with you. What is her name?) biglang ngiti nito na parang ako ang tinatanong lalo na't medyo yumuko ito sa akin. "Aapaka naam kya hai sundaree?" (What is your name beautiful lady?)

I bit my lower lip at tipid na ngumiti. "U-Uhm... English, please?" hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya. Nakakabastos naman kung hindi ko ito sasagutin.

"Oh..." napalatak ito ng tawa. "I'm sorry! I am Yusuf, Heimlich friend. You? What is your name?" nangingiti niyang tanong.

"Phryne." tipid kong sagot lalo na't naramdaman ko ang pagpisil ni Heimlich sa aking baywang na parang pinahihiwatig na itigil ko ang pagsasalita ko.

Napalunok naman ako. Para naman niya akong ginagawang robot. Saka lang titigil kapag pipisilin.

"Kya seksee naam hai..." anito sa mahinang boses habang nakangiting nakatitig sa akin sabay inom sa sariling baso na may lamang alak.

"Yusuf, I have something important to tell you about the transaction." untag ni Heimlich dahilan na mawala ang tingin nito sa akin at sinimulang kausapin ni Heimlich.

"Oh sure... sure. What is it? Was there another glitch?"

Naramdaman kong unti-unti nawala ang kapit nito sa akin sa bawyang habang abala ito sa pagsasalita sa iba na namang lengwahe. Habang ako naman ay ginala na lang ang tingin sa paligid. Mga taong nagsasaya, umiinom at nag-uusap. Sa dami ng mukha nila, ay mga hindi ko naman kilala. Wala ako ritong makikitang kakilala.

Lumapat ang tingin ko sa mga nakaupo. Mga ilang mga babae, na mukhang ako yata ang pinag-uusapan dahil sa paraan ng pagtaas ng kilay kapag tumitingin sila, mukhang alam ko na. Pasimple ko silang nginitian kahit papaano, ngunit napanis rin nang makita kong inignora lang ako nung isa sa mga iyon.

Habang ang iba namang lalaki, nakaupo at pasimpleng nakamasid rin sa akin habang nakangiti. Lahat sila mga walang tapon, puro gwapo at magaganda, mukhang magkakaibang lahi rin base sa mga features nila. Halatang mayayaman. Habang si Heimlich naman ay abala pa sa pakikipag- usap sa ilang kakilala na hindi ko naman maintindihan ang kanilang pinagsasabi. Medyo seryoso ang mukha nito habang kausap yung Yusuf.

Hay, ang gwapo niya talaga. Parang ang sarap niyang biglang higitin sa tabi at basta na lang halikan--okay erase. Erase. Erase.

Ano ba itong iniisip ko? Phryne,hindi mo dapat kinkalimutan kung anong klase siyang tao! Pangit ang ugali niya, kaya dapat, pangit din ang tingin mo sa kanya!

Napalunok ako. At for the first time in my life, lagi akong confident sa maraming tao pero hindi ko alam kung bakit ngayon, ay parang naiilang ako. Bigla akong tinamaan ng conscious na parang hindi ako nababagay rito. Parang feeling ko, ako yung germs sa malilinis na batalyong tao rito. Kung nandito lang sana si Mari... sya ang pangkalakasan ng loob ko, eh.

Dapat matuwa ako. Pero hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang na-realize na ako lang ang naiiba rito. Mukhang elegante lang ang suot ko pero hindi ako kasing yaman na tulad nila. Mukhang matataas at may narating sa buhay. Halatang mga laki talaga sa yaman.

Di tulad ko, magaling lang mag twerk... ganda lang. I sighed.

Nagtataka nga ako kung bakit ako pa talaga sinama ng lalaking 'yan rito.

Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit.

At sa nakikita ko namang naggagandahang mga kababaihan rito, pwede naman siyang mamili. Alam ko namang maraming papaya at gusto sa kanya.

"Okay, Phryne.." sabay lingon sa akin ni Heimlich ng tinawag ako. "You can be with these girls." tukoy niya sa mga babaeng nakaupo habang nakatanaw kay Heimlich. "You stay here. I'll be be back in a second. Behave." bulong nito ng nilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ko na halos lumapat ang labi niya sa pisngi ko na ikinasinghap ko.

Aalma sana ako ngunit mabilis na itong nakatalikod habang kasama ang ilang kalalakihan papunta sa kabilang upuan. Mukhang may mga importanteng pag-uusapan.

Napanguso ako dahil iniwan man lang ako nito sa hindi ko kakilala. Sabi niya... sa tabi niya lang ako pero anong ginawa niya!? Tsk! Hanep din talaga lalaking 'to, oh!

Lumapat ang mata ko pababa at sumalubong sa akin ang tatlong babaeng nakaupo habang nakatingin rin sa akin, pinapasadahan ako mula ulo hanggang paa. Mukha naghahanap ng ikapipintas base sa mga tingin at ekspresyon na nadidipena ko sa kanilang mataray at sopistikadang itsura. Pansin ko rin na mga babae na lang ang nandito sa pwestong 'to.

"U-Uh... hi?" simpleng pagbati ko sa kanila habang nakatayo pa rin.

Hindi alam kung makikiupo ako o hindi. Dahil pakiramdam ko ay hindi ako nababagay at nabibilang na makiupo sa mga sosyaleng mga babaeng 'to. At feeling ko rin naman na ayaw rin nila akong makatabi. Ewan ko. Pero... nangangalay na rin medyo ang binti ko. Ang taas naman kasi ng heels ko at halos tumuwid na ang paa ko!

Jusku.. para namang mamamatay na ako nito.

Medyo lumapit ako. Wala akong choice. Hindi naman siguro masama kung susubukan kong makibagay, 'diba?

Kahit ngayon lang.

"Hi." nagulat ako ng ngumiti ang isang babae at ginantihan ako sa pagbati. Medyo morena ito. Curl ang maitim nitong buhok at maganda rin ang suot na bumagay sa kayumanggi niyang kulay. Mukha siyang model at napaka tangos ng ilong niya.

"You can sit with us." anyaya niya pa sabay taas ng drinks niya habang umiinom.

I bit my lower lip at unti-unti napangiti sa kanila. Walang sabi-sabing umupo ako sa single sofa, ramdam ko ang habol ng kanilang tingin habang sila ay magkakatabi sa mahabang sofa na animo'y parang mga tuta kung tumingin dahil magkakabasay ang galaw ng kanilang ulo sa tuwing gumagalaw ako.

"You can drink as well." sabay turo niya pa sa nakalapag ng mga drinks sa mesa.

Nahihiyang ngumiti ako at walang sabi-sabing kumuha din ako ng drinks na may lamang champagne sa isang kopita at bahagyang uminom. Halos mangalahati naman ito dahil medyo awkward at kinakabahan ako. Nauuhaw na rin.

"Thanks." pasasalamat ko sa babae sa pagiging mabait niya nang lingunan ko siya.

Lumingon siya sa akin, tumaas ang kilay at umangat ng kaunti ang labi nang makita kong kagagaling lang nila sa bungisngisan at mukhang may nakakatawang pinag-uusapan.

Tipid akong napangiti. I guess I won't be bored, maybe I can chit-chat and get along with them, right?

"So, you're Javadd's flavor of the month?"

P IE D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro