PHASE 30
"Finally..." agad akong umunat ng katawan ng makalapag ang eroplano.
It's almost Eight hours and ten minutes we almost arrived. Halos maramdaman ko ang pamamanhid ng puwet ko sa matagal na pagkakaupo. Marahan kong pinisil iyon at pakiramdam ko ay nawalan ako ng puwet saglit. Sa loob ng mahigit walong oras ay wala akong ibang ginawa kundi kumain, uminom at matulog habang nakaupo at paminsan-minsa'y humihiga.
Naramdaman ko ang pagod ko. Pati yata lalamunan ko ay masakit din.
Napairap ako sa katabi ko na naka eye mask at mukhang hindi pa namamalayan ang paglapag kaya mukhang tulug na tulog pa. Kung iisipin ng ibang tao ay siya yung tipo ng lalaking gwapo at mukhang businessman, harmless... ganun. Pero...
Napabuntong-hininga ako ng malalim at inalis na lang sa kanya ang aking tingin. Dismayadong-dismayado sa sariling naiisip.
Nadinig ko ang makinang pagbaba ng isang hagdan, senyales na nakabukas na ang entradang pinto upang kami ay makababa nang makalapag ang kaniyang private plane. Hindi na ako nag-abala pang gisingin ang lalaking ito at nagsimula na akong bumaba. Nabubuwisit pa rin ako sa kanya.
Agad na bumungad sa akin ang mahangin at madamong paligid na mismong pinag-landing na kanyang eroplano. Yea. Hindi ko lubos na maisip na makakasakay ako ng private plane kahit saang lugar. Saksakan talaga ng yaman ang lalaking 'yon. Ginala ko ang buong paligid sa napakalawak na field. May mga nadidinig din akong tunog na eroplano sa alapaap.
"Nasaan naman kami?" nagtatakang sambit ko sa sarili dahil hindi ko natanong sa kanya kung saan kami pupunta. Paano ba naman kasi... magmula nang magtabi kami kanina ay hindi na kami nag-imikan pang dalawa.
At isa pa sa napansin ko, mukhang pagud-pagod yung isa kaya hindi ko na naabala. Natulog lang rin at hindi na ako kinausap. Palibhasa... nakuha niya ang gusto niya! Ang makasama ako sa kanya!
"We are here in Pakistan." untag niya na nasa likod ko na pala. Naka shades ito at palaging... ang gwapo niya. "Fuck, I thought you ran away from me again." sabay baling nito sa akin. Halatang bagong gising dahil ang gulo pa ng buhok nito.
I just shrugged and rolled my eyes. "Kahit na takbuhan kita, sa lawak ba naman dito ay alam kong kitang-kita mo pa rin ako. Wala rin akong mapagtataguan. Pagod ako. Ayoko ng pagurin ang sarili ko." masungit na tugon ko.
"Oh, my poor, sweet thing..." naiiling nitong sambit na para bang nakakalungkot akong pakinggan kahit na may ngiting nagkukubli sa kanyang labi.
Napahinga ako ng malalim at natulala sa kawalan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit niya ako gustong isama. Hindi ko alam kung bakit halos liparin namin ang bawat lupalop ng mundo at gusto niyang nasa tabi niya lang ako. Parang saglit lang yata kami nakaapak sa Britain tapos... nandito naman kami sa Pakistan! Tapos para akong display na laging buntot sa kanyang mga pupuntahan. Hindi ko alam kung anuman ang magiging plano niya sakin sa loob ng dalawang buwan. Wala akong idea. Wala na rin akong choice para makatakas pa dahil ang layo ng tatakbuhan ko kung magtatangka pa ako.
At isa pa, natatakot ako. Natatakot ako na baka sa bawat araw, at pagtagal na kasama ko siya, ay marami pa akong madiskubre tungkol sa kanya. At hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba.
"I want you to know that I'm glad you came with me, Phryne.." anito sa mababang boses habang nasa tabi ko.
Parehas kaming nakatingin sa kawalan habang maaliwalas na dumadapyo sa amin ang hangin sa aming mukha. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng dibdib ko. Pero hindi ibig sabihin non... ay limot ko na ang mga nanyari. Mga pangyayaring magmula ng makasama ko siya. Hindi pa rin bukal at labag pa rin ang loob ko na sumama sa kanya.
Napabuntong-hininga ako ng malalim at halos sapukin ang sarili. Ngayon ko lang natanto kung gaano ako kadaling sumama at bumigay sa kanya. Ewan ko ba... kahit na may parteng natatakot akong nasa tabi niya... pakiramdam ko pati sarili ko tinatraydor ko, at ewan ko rin ba... na sa tuwing kadikit ko siya, pakiramdam ko may parte sa akin na naniniwalang kahit papaano... hindi ako pababayaan niya.
Sa pakiramdam na ito, mali. Kailangan kong tanggalin at baka lalong ikapahamak ko pa. Kailangan kong kalabanin din ang sarili ko... ang sariling nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag.
"I want you to know that I didn't come voluntarily... it was you. You just forced me. " malamig na tugon ko na ikinabuntong-hininga niya ng malalim. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagtungo at dahan-dahang pagtango nito.
"But in the first place you agreed to our agreement. And there is nothing to lose... You have to accept the situation. The more you force to leave, the more you opress and complicate yourself. I'm not even starting, yet, you're already running."
"Wala na rin naman talaga akong choice. You trapped me." halos walang kabuhay-buhay kong sagot.
Ramdam kong lumingon ito sa akin kahit na hindi ko pa ito tinitingnan. Hindi. Hindi ko siya kayang matingnan ng diretso. Dahil sa tuwing tumatama ang tingin ko sa kanya ay naaalala ko ang masalimuot na senaryo kung gaano sya katinding tao.
"Look, I promise you... I won't do you any harm. I want you to know I'm not a monster like you think." anito sa mahinang boses, kalmado, mahihimigan na may halong pakikiusap.
Ako naman ang napabuntong-hininga ng malalim. Seryoso ko siyang nilingunan at halos makita ko ang pagtaas-baba ng lalagukan nito sa leeg habang tinititigan din ako. Nagparte ang labi ko sa nadinig habang tinitingnan siya. Agad akong nagbawi ng reaksyon.
"Basta... pagkatapos ng dalawang buwan, tapos na. Pagkatapos ng dalawang buwan, isang milyon katulad ng napag-usapan. Pagkatapos ng dalawang buwan, aalis na ako at wala ng kitaan." dire-diretso kong sambit at agad na kinagat ang pang-ibabang labi.
Ilang segundo siyang hindi nakasagot at napabuntong-hininga.
"As you wish..."
"And I hope you follow through on the agreement." pinaningkitan ko ito.
Mahina siyang pumalatak ng tawa na para bang joke pakinggan iyon. "I don't know if you are aware, ikaw lang naman hindi sumusunod sa napagkasunduan."
Lumingon siya sa akin at halos lagutan ako ng hininga ng magtama na naman ang aming mata.
"You see? Is there someone who follows but eventually runs away? That's you."
"Because you're a liar..." mahinang sambit ko. Pumikit ako ng mariin upang pigilan ang umuusbong na kairitahan. "By the way, where will we stay? Bakit nandito tayo sa... Pakistan? Don't tell me... you have a client to meet again?" pag-ibaba ko ng usapan at baka mapunta na naman kami sa walang katapusang sumbatan.
Nakatalikod na ito sa akin at mukhang may sinesenyasan. Sumunod ang tingin ko sa tinitingnan niya at nakita ko si Martino, aka Mr. Clean, ang butler niya, na kabababa lang mula sa itim na kotse at seryosong nakamasid sa amin habang kinukuha ang mga maletang dala. Mukhang ito na yung magsusundo sa amin.
"No. We will stay at home. The place where I grew up."
"Your home?" dadalhin niya ako sa bahay niya? Ano namang gagawin ko ron?
Mapaglaro itong ngumiti nang bumaling sa akin at tumango.
"Yea.. our home."
My eyes lifted upwards. I can almost salute and stare at what I see.
"Holyshit..." anas ko habang pinagmamasdan ang bahay na tinutukoy niya.
Hindi ko inaasahan na ang bahay na sinasabi niya ay hindi talaga tamang sabihin na 'bahay lang'. Kundi...
"Welcome to my home. Welcome to my vitruvian castle, mi adelaide..." anito at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad pataas ng hagdan.
Hindi ko siya matingnan dahil abala ang paggala ng mata ko sa kapaligiran. Nagpaanod lamang ako sa kanya. Inabot yata kami ng ilang minuto sa pagmamaneho para lang makalapit dito mismo sa kastilyo dahil ang lawak ng lupain at halos sa gitna pa nakatindig ang mismong papasukin. Sa harapan kasi nito, bukod sa engrandeng nakatindig na fountain at mga statues, sa harap ng bahagi ng kanyang kastilyo ay may mga mistulang maze green plant wall pa na naroroon.
Napapalunok na ako'y napapagala pa ang tingin sa buong paligid. Nalulula ako sa lawak, lalo na sa papasukan ko. Isang literal nga na kastilyo ang inaapakan at ginagalawan ko! Nabalik ako sa reyalidad ng isa-isang nagba-bow na sa wari ko ay mga maids at ilang tauhan habang patuloy kami sa paglalakad, nahulaan ko lang dahil magkakapareha ang suot nilang uniporme. Halos hindi ko mabilang sa mga daliri ko kung gaano sila karami na nakahilera sa magkabilang tabi ng hagdaan na tinataasan namin.
Talagang may pa red carpet pa, parang pinaghandaan at alam nilang may darating.
"Mahal mein aapaka svaagat hai, Mahaamahim Javadd..." (Welcome back to the castle, Majesty Javadd) aniya'y sabay-sabay na bati nila.
"It has been a long time since we've been graced with your presence. However, I am confident that you will find everything to your liking, your majesty." salubong sa amin ng isang babae, rito sa may dulo, nakasuot din ng pang-maid at mukhang may edad na.
"I do not doubt, Shreematee Farooqi. I hope you've been well." pormal nitong sagot saka humarap siya sa karamihan. "May I inform all of you, this is my guest." saka ako tiningnan ni Heimlich.
Napalunok naman ako dahil lahat sila ay napatingin sa akin. Nag-bow na lang ako at hindi ko alam ang sasabihin.
"Welcome Miss, I have planned everything to make you both comfortable." anito saka parehas kami nginitian nito.
"Where is Ilyas?" untag ni Heimlich nang makalapit kami sa tapat ng malaking pinto.
Parang gusto kong pasukin kaso natatakot ako at siyempre nakakahiya na rin.
"Oh," umayos ito ng tayo at biglang nagseryoso ang mukha nito. "Apologies, your majesty. During these times, your father is not present because he has traveled to this important location on business matter. He also said that when you arrive, we should notify him right away." anito pa na may accent ang salita nito kapag nag-i-ingles.
Tumango na lang si Heimlich. "Well good thing he's not here." binalingan niya ako. Nakaamang pa rin ako at walang salitang maisambit. Naguguluhan. "Let's go..."
Alanganing ako'y tumango. Habang si Martino ay seryosong nakasunod din sa amin.
"Before I forgot, is everything ready?" lingon muli ni Heimlich sa mga naroroon.
Sa nakikita ko ay parang lahat sila ay mataas ang tingin at malaki ang respeto sa kanya. Napabaling naman sa akin ang isang maid, ngumiti ito ng marahan at sa paraan ng pagtingin ay mukha naman itong mabait. Ang ilan ay mga nakatungo.
"Yes, your majesty. Everything is ready."
"Mera dhanyavaad aur prashansa, Farooqi."
Saglit na nagbow ito. "Aapaka svaagat hai, Aapakee Krpa."
"We will leave you here. I have plans of my own for my..." tukoy niya sa mga tauhan at binagsak nito muli ang tingin sa akin. "...special guest."
I was even more overwhelmed when I entered. Obviously shouting in luxury. In every style, the furniture, almost with all a hint of gold. When I asked him what kind of design this castle was, he said that this castle is like a Vitruvius Britannicus, like one of the classics of 18th Century Architecture in Britain. And the interior has a highly decorative and theatrical style. It's like Baroque architecture too, na sinadya raw ipinagawa talaga lahat at pinagsama ang istilo from exterior to interior, na sa tuwing titingin ka sa kisame, may mga hugis pa-arko, hindi simpleng patag lang, puno ng mga disenyo't nakapintadong anghel, na sa likod na pintang ito ay parang may ibig sabihin at tinatagong kwento. At sa gitna nito, ay ang mga engrande't mamahaling chandeliers.
Bawat hakbang, maging kahit yata paghinga ay dinig na dinig at nage-echo sa loob kahit na carpeted ang inaapakan namin.
But I stopped for a moment at a large painting. It caught my attention. A man naked altogether. I don't understand what its symbol is. But it has four arms and a leg. Nakadikit at pagkalaki-laki ng painting na nakadestino sa napakataas at napakalawak na ding-ding. Sa daming painting, ay ito ang isa sa mga napansin ko dahil ito ang pinaka malaki.
Ramdam ko ang marahang paglapit niya sa akin. "This is a Vitruvian Man..." saglit siyang lumingon sa akin. "It represents beauty, complexity and symmetry of a human frame. This painting is inspired and passion by Leonardo da Vinci's of the art, science and philosophy of the medical field which is so... familiar of chiropractic." he said. "Hindi mo ba alam na may apat itong elemento?"
Tumikhim ako saglit habang abala at namamangha sa panunuri ng malaking painting.
"Hindi ko alam." kibit-balikat kong sagot.
"According to Da Vinci, the man consists of four elements; earth, water, fire, and air. This image depicts a person's inner harmony and balance. We can see the harmony of nature through the symmetry of this man."
Napahinga ako ng malalim. Medyo lutang ako tapos makakarinig pa ako ng ganito. Actually, from what I noticed, they look really fond of collecting beautiful and expensive painting works that look like they came from famous artists.
"Oh... kay..." wala sa sariling tugon ko.
Medyo may parteng ang lalim ng pagkakapaliwanag niya. Haynako, napaghahalataan talagang hindi ako nakikinig sa teacher ko noon. Pinag-aralan ba namin ito? Hindi ko na matandaan! Tulog yata ako non!
Tinitigan pa ako nito na tila binabasa ang reaksyon ko. "It's simple. It's symbolizes of the universe." then he gave me a frugal smile.
Punyeta! Ayun lang pala, ang dami pang sinabi.
Mukhang maraming alam ang lalaking ito, ah. Bukod sa yaman, gaano din ba ito katalino?
"May honor ka ba nung high school ka?"
Napakunot siya. Alanganin kung sasagutin o hindi dahil sa out of the blue kong tanong. Curious lang ako. Mukha kasi siyang perpekto. Matalino na, gwapo pa. Pero yun nga, ang pangit naman ng ugali niya.
"You mean, outstanding student?"
Tumango ako.
"Yea..." simpleng sagot niya. "Well, not to brag... but I was one of the high achievers back then."
"Sana all." wala sa mukha niya.
Feeling ko kasi, barumbado ito nung bata pa ito. Walang ibang ginawa kundi makipagbasag ulo at babagsakin ang grades. Imagine ko lang naman. Pero kabaligtaran pala sa inaakala ko.
"Why did you ask?"
Umiling na lang ako. Ginala ko pa ang mata kung saan. Grabe, para akong nasa museo. Sa lawak ng loob ay kasya yata rito ang libong tao. Sa lawak ng sala at punung-puno rin ng mga paintings, mga figurines at furniture. God... paano pa kaya kapag nilibot ko ang buong loob? Baka himatayin na ako sa pagkalula.
"It's so beautiful..." ramdam kong nakasunod lang ito sa akin dahil sa dahan-dahang paggala ko habang ako'y napapatingala, hindi maipirmi ang tingin dahil sa mga nakakainteresanteng mga nakikita kong bagay.
Pinapanood ako nito kung paano ako mahanga. Marami akong gustong itanong sa kanya, ngunit iniipon ko muna dahil abala pa ako sa pagmamasid sa kagandahan ng bahay niya.
Figurines, candlesticks, table napkins and other decoration items... the beautification and presentable of kitchen luxury antonovich design. Pati ang mga pagkain ay presentableng nakahain sa parihabang hugis ng mesa, punung-puno ng mga prutas, iba-ibang klaseng pagkain, expensive wines at akala mo ay may piyesta dahil magdi-dinner lang naman.
Araw-araw bang ganito o ngayon lang, dahil sa alam nilang bisita ako? Kung ganito pala maglingkod ang mga tauhan ni Heimlich sa mga bisita ay parang ang sarap namang araw-arawin bisitahin siya. Parang ang sarap din niyang maging kapit-bahay, tapos bibista ka lang, mamamahaw. Ganon.
Tapos sa gilid ay nakatayo ang isang chef na katatapos lang ibuklat ang naihaing bagong luto na pagkain sa mesa.
Habang si Heimlich naman ay prenteng nakaupo sa dulo, pumipitas ng ubas na nakalagay sa tabi ng kanyang pinggan, hindi tinatanggal ang tingin sa akin habang... sumusubo at ngumunguya. Samantalang ako, hindi maiwasang mahanga habang pinagmamasdan ang pagkain habang nakaupo rin sa kabilang dulo.
Nagmumukha tuloy akong reyna gayong nasa sa dulo pa ako, ganon din si Heimlich na mukhang senioritong-seniorito.
"Shall we eat?" anyaya niya.
Napatikhim ako at tumango. Habang siya'y abala na sa paggayat ng pagkain, ako naman, abala sa pagtingin ng mga iba't-ibang klaseng kubyertos. Hindi alam ang gagamitin. Palipat-lipat ang tingin ko; sa mga pagkain, at mga kubyertos. Anong dapat gamitin? Wala bang kutsara at tinidor na lang? Bakit ang daming kustilyo rito sa tabi ng pinggan ko? Hindi ba sila mahihirapan maghugas ng pinggan? Sino naman kaya ang dish washer rito? Gabing-gabi, pihadong balde-balde rin ang kanyang huhugasin. Kawawa naman.
"Are you not hungry?" untag niya habang gumagayat ito sa sariling pinggan.
Napahinga ako ng malalim. "I uh..."
Nakita ko ang paglapat ng mata niya sa pinggan at kamay ko. Tumaas ang kilay niya saglit, tumungo at napansin ang multong ngiti nito bago muli inangat ang tingin sa akin.
"Are you not comfortable?"
Napatikhim ako. "H-Hindi naman, uh... k-kase..." napakagat ako sa ibaba ng aking labi. Paano ko masasabi sa kanya na gusto kong magkamay dahil hindi ako maalam gumamit ng kutsilyo habang kumakain?
"Hindi ba masarap ang pagkain? Wala ba dito sa mga pagkain ang gusto mo?" tanong niya.
"M-Masarap naman, uh..." sagot ko na ikinatunog naman ng sikmura ko. Sana hindi niya narinig. Shit.
"Can you stop that?"
Napakurap ako. "W-What?"
"Can you stop-uh?" panggagaya nito sa ginagawa ko habang makahulugan itong nakatingin sa akin. Napalunok ako.
Ang lakas pa ng boses niya, hindi man lang hininaan. Nang-aasar ba ito? Tumingin ako sa ibang maid at chef, nanatiling seryoso lang ang kanilang mukha habang nasa gilid. Akala mo'y mga estatwa, saka lang gagalaw kapag sesenyasan, para utusan ni Heimlich.
"Hearing your moans as I eat, I might not be able to hold back as I gritted my teeth."
"Huh?"
Umiling siya, umangat saglit ang labi na tila may nakakatawa.
"Nothing."
Napakunot ako. Nagpatuloy na lang siyang kumain. Habang ako naman ay hindi mapakali at nag-ngingitngit ang aking bagang. Naririnig ko pa ang bawat ganit sa bawat haplos ng kutsilyo sa kanyang babasaging pinggan kapag masanay na naghahati ng pagkain. Ang bawat marahang pagnguya, habang ako naman ay nanunuyot na ang lalamunan sa palihim na pagkakalunok habang napapadako ang tingin sa nakahanda. Pumikit ako saglit ng mariin, uminom ng tubig at huminga ng malalim.
Napakatahimik. Ni hindi ko narinig na nagdadaldalan ang mga nasa sa gilid. Medyo nag-aalala ako kasi nakatayo lang sila... hindi ba sila humihinga? Sobra kasing tuwid ang tindig nila. Ganito ba talaga rito?
Hindi ko lubos na maisip... na makakaranas ako ng ganitong klaseng hapag kapag kumakain. Ganito ba talaga ang mayayaman? Hindi sila maingay kumain sa hapagkainan? Pakiramdam ko kailangan mong maging pormal. Wag magmukhang tatang-tanga at lalong wag bubuka-bukaka. Akala ko, sa mga palabas ko lang makikita iyon, pero 'di ko naman inaasahan na mararanasan ko ito.
"Heimlich." untag ko sa marahang boses. Sapat, para marinig niya at dumako muli ang mata sa akin.
"Yes, mi adelaide?"
"I, uh.." umiling agad ako. "I'm sorry—"
"Something's messed up?"
I bit my lower lip. "H-Hindi ako makakain ng maayos..." ani ko sa matinis na boses. Parang bulong, na medyo malakas.
"Why?" bumulong rin siya na tila nang-aasar talaga dahil nakataas pa ang kanyang kilay.
"Ang layo mo pero hindi kita marinig." bulong ko pa ulit, medyo malakas, sapat na sya lang makakarinig pero pakiramdam ko, dinig din ng iba, mukhang mga wala lang pakialam.
Pero kahit na, sa dami nilang nakahilera sa panonood habang kami ay kumakain ay parang nako-conscious pa rin akong gumalaw. Nahihiya ako.
"What did you say? I can't hear you."
Napabuntong-hininga ako ng malalim na tila nananadya ito. Sarkastiko ko siyang ngitian. "Oh honey... I feel like I die if I'm not next to you. Can I sit next to you? "ani ko sa malakas ko ng boses.
Nadinig ko naman agad ang marahang pag-ubo nito. Sandaling nabilaukan. Nagpunas pa ng labi sa kanyang table napkin habang nakakunot nang nakatingin sa akin. Nakita ko naman agad ang pagsenyas niya sa isang chef at agad nilapitan.
"Yes, your majesty." makita kong binulungan siya ni Heimlich habang medyo nakatungo yung chef at tumatango-tango.
"There now, much better?" nakangisi niyang tanong. "You know ... you can also use your bare hands, raising your foot over the seat while eating. Don't be shy. Wherever you are comfortable, mi adelaide."
Palihim akong umirap sa kanya. "Tigilan mo'ko, baby." sarkastikong ani ko dahil nakatingin sa amin ang ilang nagsisilbi.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag nang makalapit na ako sa kanya. Nag-aasar itong tumingin sa akin at palihim ko itong inirapan.
Napamaang naman ako ng ihain nito sa akin ang steak mula sa pinggan niya. Pinalit niya ang pinggan ko sa pinggan niyang may laman at na maayos nakahati at nakalagay ang mga pagkain.
"Eat more. You must conserve a lot of energy because the next what we do is exhausting."
"Anong gagawin?"
Tumingin siya sa akin habang kumukuha ng pagkain. "I will tell you later in my bed..."
Mabuti na lamang ay mabilis kong nailunok ang pagkain dahil kung hindi ay baka maduraan ko siya sa mukha sa muntikan ko ng mabilaukan.
"Want to show you the bedrooms?" he said as we climbed the stairs up.
Napataas ako ng kilay sa kanya. "Yours or mine?"
Napakunot siya. Nakataas na kami nang siya ay humarap sa akin. Huminga siya ng malalim.
"Do you think that we have to separate room? I think shall not."
Lalong tumaas ang kilay ko at tipid siyang nginitian. "I think shall yes, your majesty."
Ilang Segundo niya ang minasdan ng seryoso katulad na palagi niyang ginagawa. Ano bang iniisip niya? Ang hirap basahin, lalo na ang minsang reaksyong pinapakita niya.
"You should take a rest. I know you're tired."
Tumango ako. "To tell you honestly, I have a few things in mind that I want to ask you but you're right ... I'll rest first." I heavily sighed as I stared at him.
"I'm a little tired today so let's talk tomorrow."
I bit my lower lip and slowly nodded. "Okay..."
"Okay..." his adams apple protruded while staring at me.
"Okay...?" napansin kong hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan. Na para bang may hinihintay ito mula sa akin. "Do you need anything else to say? Or you're just looking?" untag ko pa sa kanya.
"I badly wanna kiss you right now." seryosong sambit nito habang umiigting ang panga, nakalapat ang mata sa nakaawang na labi ko.
Agad ko naman itinikom iyon at napasinghap. Napalatak ako ng tawa at inakala kong may importante pa itong sasabihin. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi niya ako pinagbigyan at nakuha niya gusto niya sakin pwes... hindi ko rin siya pagbibigyan ngayon. Lintik din ang walang ganti. Magka-buwisitan na kami.
"Manigas ka."
"Are you sure you really don't want to sleep next to me?" naniniguro niya pang tanong na para bang maaaring magbago pa ang iniisip ko.
"I'm absolutely sure." I sudden bit my lower lip before I change my mind.
Umiwas siya ng tingin na tila dismayado habang kagat ang pang-ibabang labi. Dinig ko ang mahina at malutong nitong mura saka humarap sa akin.
"Goodnight, Phryne."
"Goodnight. Have a wildest dream, Heimlich..."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro