Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 29


Napabalikwas ako ng bangon nang magmulat ako ng mata. Halos mahilo ako sa biglaang pagkatayo ko. Nasa malawak na silid ako ng magising ako, at sa pagkakatanda ko ay ito yung check-in namin kanina ni Heimlich sa hotel. Nantanto kong dito pa rin talaga kami sa Britain.

"Heimlich..." mahinang utas ko.

Agad na umultaw sa akin ang senaryo. Ang senaryong hindi ko alam kung totoo ba o hindi. Parang isang bangungot. Nakakatakot. Kinikilabutan ako at halos mangatal ako habang naaalala ang duguang senaryong 'yon. Unang beses pa lang ako nakakita ng ganon sa tanang ng buhay ko at halos todo iling ang ulo ko habang napapapikit ng mariin, mapawi lang sa isip ko ang nakita kong pangyayari!

Ang putok ng baril... ang mga dugo... mga walang buhay na tao na puro tama ng bala... si Heimlich. Agad na umultaw sa akin ang kaba ng matantong ito pa rin ang suot ko mula kanina ng umalis kami. Ang damit na alam kong suot ko kanina ng magpunta kami sa kilalang resto para kitain ang sinasabing kliyente ni Heimlich.

Agad na lumapat ang aking mata sa seradurang pinto. Hindi ko mahanap ang cellphone ko, kahit anong tingin ko sa gilid. Gusto kong tawagin si Mari at humingi ng tulong sa kanya. Napapikit ako ng mariin at mahinang napamura ng hindi ko mahanap ang cellphone ko.

"Where is my phone..." mahinang sambit ko habang ginagala ang mata sa kapaligiran. Saan ko ba napatong 'yon?

"Are you looking for this?" napaigtad ako ng marinig ang isang baritonong boses.

Huminga ako ng malalim, pinigilan manginig at bumawi sa pagkagulat kasabay ng sandaling humarap sa kanya. Halatang bagong paligo lang nito at nakatapis pa ng tuwalya. Seryosong nakatitig sa akin habang inaayos ang tapis sa kanya, tumutulo pa ang bawat butyl ng tubig sa matikas niyang katawan, nag-iingat siguro na sa oras na malaglag ang towel sa baywang niya, makikita ang kabuuan niya. Parang gusto kong himatayin! Mahigpit akong umiling sa sarili. Hindi ko dapat ito pansinin!

Napalunok ako ng makita kong hawak niya ang cellphone ko. Bakit hawak niya? Bakit nasa kanya?

Masakit akong napalunok mula sa lalamunan ko habang maingat na pinagmamasdan ang seryosong mukha niya. "A-Ah... yea.." alanganin na ako'y tumango. Halos magharumentado ang puso ko sa kaba. "C-Can I have my phone?" sabay lahad ko ng palad na hindi lumalapit sa kanya. "P-Please?" I bit my lower lip para mapigilang manginig ang aking labi.

Seryoso itong nakatitig sa akin. Para bang sinusuri ako. Nakatigil at hindi gumagalaw sa kinatatayuan. He ran his palm over his wet and lush hair as he stared at my phone.

"How are you?" imbes ay ito ang sinabi niya.

Bumuntonghininga ako ng malalim para pigilan ang nag-aalburutong nararamdaman.

"Can I have my phone, please?" diretso muling sambit ko, hindi pinansin ang tanong niya.

Coz I don't think I can even talk to him properly after what happened.

"No." at walang sabi-sabing tinapon niya iyon sa bukas ng bintana na ikinasinghap ko.

Halos maluha ako sa kaba at napaamang na lang ako, kumibot ang labi ko, walang salitang maibulalas, kahit na sa loob-loob ko ay marami akong gustong ibatong mga tanong at sumbat sa kanya. Bakit niya ginawa 'yon? Nananahimik ang phone ko! Masyado naman siyang advance mag-isip para mahulaan ang gagawin ko!

Bakit niya itatapon? Ano bang iniisip niya sa akin!? Ang lakas ng loob niyang gawin ang bagay na 'yon sakin!

"Bahala na nga." agad akong tumungo sa pinto para tumakas.

Gusto ko ng umalis dito.

Gustung-gusto ko ng umalis at mawalay sa tabi niya. Aaminin kong nasilaw ako sa pera pero, hindi ko natantong ganun siya'ng klaseng tao. Hindi ko siya lubos na kilala! Hindi lang siya sadista kundi... mamamatay tao talaga!

Kaya hangga't hindi pa siya napapalapit sa akin ay susulitin ko na ang oras na makaalis ng hindi sa kanya nagpapaalam. Wala na akong pakialam sa pera niya! Basta ang gusto ko, ay makaalis agad ako rito!

Agad kong nahawakan ang seradura, ngunit ng ipipihit ko na, ayaw mabuksan. Tila parang sinadyang naka-lock ang pinto kahit may taong nasa sa loob. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Pinihit ko ng pinihit ngunit talagang kahit anong pihit ko ay hindi talaga mabuksan. Nagsimula ng umusbong ang aking kairitahan.

"B-Bakit naka-lock ang pinto?" halos bugbugin ko sa hampas ang pinto habang pinipihit, ngunit ayaw pa rin talagang mabuksan.

Sira ba ito? At nang tingnan ko si Heimlich ay mukhang kalmado lang ito. Mukhang alam nito. Mukhang siya ang may kagagawan nito. Mukhang ayaw niya akong palabasin pero... bakit? Bakit niya ginagawa ito?

"Open the door Heimlich, I want to leave." mababang boses na utas ko at pinanatili kong maging kalmado kahit na naghaharumentado na sa kaba ang puso ko.

Ang gusto ko lang ay umalis na lang bigla sa harapan niya. At huwag na kaming magkita pa.

"Wag kang mag-alala. Kakalimutan ko na lang ang nakita ko," pilit na sabi ko.

Kung yun ang inaalala niya, na maaaring magsumbong ako sa ginawa niya, wag siyang mag-alala, wala akong balak magsumbong dahil ayokong masangkot sa kahit anong gulo. Hindi niya kailangan mangamba ron kaya sana, pakawalan niya ako, itigil na ang kasunduang ito at matiwasay akong babalik sa mismo kong trabaho, magpapatuloy at aaktong parang walang nangyari.

Tumaas ang kilay niya habang pinagmamasdan ako. "Do you think I will believe what you say? "

Lumunok ako ng malalim at pilit na tumango. "Y-Yes, so let get away. What I saw will remain a secret. That's a promise."

He simply nodded, as if he was seeing something amusing in me while listening to me. Napapanguso pa ito na parang pinipigilan ang matawa sa harapan ko. Mukha ba akong nakikipagbiruan?

T'saka, mukha namang papayag siya kung sakaling mag back-out ako, 'diba? Ang dami pang ibang babae dyan. Manghihinayang man ako sa pera, pero mas mahalaga ang buhay ko. Matagal ko ng ipinangako sa sarili ko na hindi na ako papasok sa mga bagay na ikakapahamak ng buhay ko. Buwis buhay na nga itong tinatrabaho ko dahil gabi-gabing may nakikilala akong bagong tao, tapos papasukin ko pa ang ganitong sitwasyonb? Hindi ko kaya 'yon. Hindi ko kayang ilagay sa alanganin ang buhay ko at tuluyang masira. Matagal ko na rin ipinangako sa sarili ko na hinding-hindi ako basta-bastang magtitiwala sa mga taong mukhang... hindi katiwa-tiwala pero!

Nagtiwala ako! Putang ina! Nagtiwala ako sa lalaking 'to, kasi sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya ay hindi ako nakaramdam ng kataka-taka. Hindi naman kasi halata sa mukha niya... na makakagawa siya ng karumaldumal na krimen! Talagang nahulog ako sa kanyang itsura. Wala naman kasi sa istura niya, eh. Pero ngayong nalaman ko na ang tunay na siya... na sa likod ng kanyang kagwapuhan ay may tinatago palang kademonyohan.

"H-Heimlich, you hear me? I said open the damn door and let me out! I want to leave!" hindi na ako nakapagtimpi nang bulyawan siya.

Pinigilan kong wag maiyak at kinagat ang pang-ibabang labi. Halu-halo ang nararamdaman ko sa kanya, lito, kaba at takot. Paano niya nagagawang maging kalmado? Hindi ba siya kinakabahan o nagugulat dahil nasaksihan ko ang ginawa niya sa mga taong walang kagatol-gatol na pinaslang niya? Hindi ba ito natatakot na baka makulong? Natatakot ako para sa kanya... dahil hindi... hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya sa una. Siguro hindi ko pa siya ganun na kilala. Pero ilang beses na ba niya nagawa ito at parang sanay na sanay na siya?

"You are not leaving." sagot niya habang pinupunasan pa nito ang basang buhok gamit ang kanyang tuwalyang isa pang nakasabit sa kanyang braso.

Marahas akong napabuntong-hininga at ilang beses na napakurap sa kanya. "Hindi ako aalis? Sino ka para pagbawalan ako? Aalis ako kung kailan ko gusto! Gusto ko ng umuwi at palabasin mo na ako!" asik ko sa kanya.

"I said you're not leaving!" madiin na kastigo nito habang kumukuha ng damit sa cabinet.

Ngayon pa lang magsusuot ng brief, umiwas ako ng tingin.

"Bakit ba ayaw mo akong palabasin!?"

"Because I know you will run away and leave me again!"

"Exactly! Mabuti at alam mo pala 'yon! My gosh ang genius mo talaga!" sarkastikong habang pinanlilisikan ko siya ng mata. "Bakit ni-lock mo ang pinto? Uuwi na ako, Heimlich! Uuwi na ako! Uuwi na ako! Pauwin mo na ako!" sunud-sunod na sigaw ko sa kanya, ngunit umiiling lang ito habang hindi natitinag sa paninigaw ko.

"Hindi ka uuwi. Hindi kita pauuwiin." this time ay nakakunot na itong humarap sa akin habang naka brief pa rin at nakapamaywang.

Putang ina.

"All right... give me a fucking valid reason to stay by your side." Sarkastiko pang sabi ko.

Gusto kong matawa, at maisip na, ano naman kung umalis ako, 'diba? Mauubusan ba siya ng babaeng kakalantain? Pwede naman siya makahanap ng kapalit ko, ah!

"I fucking want you." ang tanging sinambit niya na lalong nagpakunot at nagpalito sa akin.

"You want me? For what? Do you think that's reason enough for me to trust you and go with you? The hell no! Sinungaling ka! You... you're just a liar! You lied to me!" halos manghina ang tuhod ko at napaluhod ako sa nararamdaman kong matinding emosyon. "Pumatay ka ng tao! Nakita ko... nakita kong pumatay ka ng tao!"

Napahilamos ako sa mukha gamit ang aking palad at hindi ko na napigilang mapahikbi sa inis na nararamdaman. Bakit? Puno ng bakit ang nasa utak ko. Hindi ko na alam kung ano maiisip ko para sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Para bang sasabog ang utak ko sa kakaisip, lalo na't nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari.

Naramdaman kong dumalo siya sakin ngunit wala akong lakas na gumalaw. Namamanhid ang buong katawan ko, patuloy ako sa pag-iling. Pinipilit burahin sa isip ang nakakatraumang naalala ko.

Nadinig kong mahina at malutong itong napamura. "I know, do you think I can introduce myself to you and say right away that I'm killing people? Not at all. I didn't because I knew you would avoid me. At... at..." pumikit ito ng mariin at hindi na natuloy ang susunod na sasabihin. "Are you okay?" malumanay na tanong niya matapos niyang magpaliwanag.

Putang inang paliwanag 'yan.

"At talagang tinatanong mo pa ako kung okay ako? Seriously... of course, I'm not okay!" iritang sabi ko. Uwing-uwi na talaga ako.

"You shouldn't have seen it," mahinang sambit nito. Mahihimigan na pagsisisi. Nagsisisi ba ito sa sarili dahil nakapatay o nagsisisi ito dahil nakita ko siyang pumatay?

Alin sa dalawang 'yon?

"But I already saw it.." patuloy lang ang pagdaloy ng luha ko at paimpit na humihikbi, huminga ako ng malalim at lumayo ng kaunti sa kanya. Naninikip ang dibdib ko. Hangga't maaari ay ayaw kong maramdaman ang presensya niya.

Pero paano ko magagawa yun kung tanging nasa apat sa sulot na iisang kwarto kami? At ayaw pa ako pakawalan nito?

Pumikit siya ng mariin at bumuntonghininga ng malalim. Ilang beses pa siyang napamura bago pa siya magsalita muli.

"I'm sorry if I scared you. But I want you to know that he really deserved it."

"No one deserves to die! Only god has the right to take our lives. Not human. Not to anyone. Not you! Paano mo nagawang patayin ang kaibigan mo?"

Malamig siyang natawa na para bang isang malaking kalokohan 'yon na marinig niya iyon mula sakin.

"Well, I'm not a saint, especially he's not my real friend. I do not befriend to my traitors. He was the one who killed my cousin." aniya na parang mahihimigan ang galit sa boses nito.

Natigilan ako.

Pinunas ko ang luha mula sa aking pisngi gamit ang parehas na palad, at sumalubong sa akin ang malamig niyang mga mata na ikinataas ng balahibo ko sa aking batok. Sa tuwing napapako talaga ang tingin ko sa kanyang mata ay parang bang may nakabalot dito na hindi ko malaman-laman. At dahil sa sinabi niya, ay mukhang nauunawaan ko na kung bakit. Parang puno siya ng galit. Wala makikitang sinsero at kahit anumang bakas na kasiyahan. Pakiramdam ko ay may masalimuot itong nakaraan.

Pero hindi porke nauunawaan ko ang kanyang nararamdaman ay sasang-ayunan ko at iisiping tama ang ginawa niya. Hindi rin porke nalaman ko ang dahilan ay tama siya. Malinaw pa sa tubig na mali pa rin. Kahit na mabaliko at maghugis tatsulok man ang mundo, mali pa rin ang ginawa niya. Hinding-hindi magiging tama. Sa sobrang nabalot nang galit ang puso niya ay nakagawa siya ng kasalanan. Pinarusahan niya ang taong may atraso sa kanya sa mali at ilegal rin na paraan. Ang pagganti at kumitil rin ng buhay.

Whatever his reason, it is still unreasonable. It is never right to kill a person. Never... it would never be right, to think over and over again, even if the reason is so deep, whether it's enraged and so painful to that person--still not right.

Napabuntong-hininga siya ng malalim. "He killed my cousin... Cheating on her own wife, forcibly assaulting her with illicit drugs until she lost herself, went crazy, and was even taken by her own husband to a mental hospital, sexually harassing her own daughter for twelve fucking years. Nagkaroon pa ito ng anak sa sariling anak. That was so shitfuck incestuous, right?" sarkastiko pa siyang tumingin sa akin na ikinasinghap ko ng malalim at kilabot sa nalaman. "And that was enough for me to get to know him and recognize his shittru color. Do you think he still deserves to live? Lintik lang ang walang ganti dahil may atraso rin siya sa akin. I want you to know that when I lose an important person, I will let it go... wrong. No. A blood must have blood. If they kill someone with me, someone must die with them too. That is their only compensation. To make it fair, "he smiled at me with no sense.

"Fair?" my voice has become hoarse, malutong akong napamura. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" halos mag-init ang gilid ng mata ko. "Apat. Apat na tao ang pinatay mo na ganun-ganun na lang. Kahit isa lang naman ang taong may atraso sayo."

"I have no choice. Kailangan kong patayin ang tauhan ni Mr. Davies dahil hindi nila tayo titigilan. Hindi mo sila kilala."

Yea. At hindi rin kita kilala. "Pati yung server, walang patawad na binaril mo rin! Hindi ka naman inaano! Inosente yung tao!"

"No one is innocent in this world, Phryne. At kahit baliw ay may malay pa rin. I have no choice, kinailangan ko talagang gawin iyon."

"Kahit na!" hindi porke may galit siya sa isa, ay idadamay na niya lahat. Ang sama niyang tao! Diyos ko... napaka anghel ng mukha nito, pero sagad sa buto ang pagka pilyo!

Hindi siya nagsalita pa at nanatiling sa ibang direksyon na ito nakatingin, hindi na sa akin. Saglit na bumalot sa amin ang katahimikan at parehas na lang kaming natulala sa kawalan at malalim ang iniisip. Mukhang malalim ang iniisip niya at sinadyang inignora na lang ako. Gusto kong matawa sa mga pinagsasabi niya. Ano ba ang tingin niya sa buhay ng mga tao? Laru-laro lang? Na kapag may nakagawa sa kanya ng kasalanan ay mangingitil na lang ng buhay kung kailan niya gusto?

Ewan ko! Hindi ko na alam. At mukhang sa ginawa niyang ito, mukhang eksperto na ito sa ginagawa. Ano ba talaga siya? Halos mabaliw na talaga ako kakaisip. Anong klase siyang tao?

"Who are you?" ang tangi ko na lang nasambit habang nakatingala sa kanya. Hinihintay ko mabakasan ng emosyon ang kanyang mukha ngunit, nanatili itong matigas at kalmado. Parang wala lang sa kanya ang nangyari.

Parang wala siyang nagawang masama.

Nakita kong pagkuyom lang ng kanyang panga. Hindi ko talaga siya lubos na kilala. Isang katangahan na naman ulit na sumama ako sa taong... sa taong akala ko... tang ina!

"Sino ka ba talaga? Tell me, why are you keeping me? Nauunawaan ko, pero kung matagal ka ngang may galit sa kanya, bakit ngayon mo lang naisipang patayin kung kailan ako"

"Gusto ka niyang angkinin sakin."

Ako naman ngayon ang natawa. "Fuck! Yun lang? Dahil lang don kaya ka nasagad? But I'm not your property!" lalong umusbong at napalitan ng galit ang inis kong nararamdaman sa kanya.

"You're mine." nakakunot niyang nuong sambit. "Nakalimutan mo na bang binili kita, tapos hahayaan kong angkinin ka lang niya?" pagak pa siyang natawa na ikinakuyom ko bigla ng kamao ko sa pagtitimpi.

Lasa ko ang pait ng lumunok ako. Masama. Masama talaga ang pag-uugali ng taong 'to.

"Dream on, fuck you! Walang nagmamay-ari sakin! And just because you're offended doesn't mean you're going to hurt people! Does it mean that you are going to kill! Hindi pa rin sapat na dahilan yan para pumatay ka! B-Bakit... Bakit mo nagawa yon? Paano mo naatim na gawin ang bagay na 'yon? Paanong naging madali lang para sayo yun? Paano? S-Sino ka ba talaga, Heimlich?"

Umiling siya. "I don't want to answer that and I don't want you to faint again."

"Pwes, gusto ko nang umalis. Please, paalisin mo na ako..." tumayo ako at nagpatuloy sa paghampas ng pinto.

Baka sakaling may makarinig sa amin at may magtangkang magbukas para makatakas na ako. Isa siyang baliw! Mamamatay tao! Napasigaw na ako at humingi ng tulong. Ngunit talagang malupit ang tadhana sakin dahil kahit anong sigaw at hampas ko sa pinto ay wala talagang nakakarinig.

"The wall is sound proof, so no matter what you shout at mapaos ang boses mo, no one can hear you. Walang maririndi sayo kundi ako lang. Sit the fuck down." agap niya habang kinukuha ang kamay ko. Pero iniiwasan ko.

"Don't touch me!" nangagalaiti kong asik sa kanya at sinampal ang kamay niyang lalapat sana sa akin at tinuloy at pagkalabog sa pinto.

"I said sit the fuck down, Phryne!" masyado syang malakas para mabuhat niya ako mula sa likod at mabilis na inihagis sa kama.

Halos lumundag ang puso ko sa ginawa niya pero hindi ako nagpatinag at tumayo pa rin ako mula sa kama. Desidido na talagang aalis ako at hindi na sasama pa sa kanya. Pinuputol ko na ang pagkakasunduan at kondisyon naming dalawa. Sa kanya na ang isang milyong dolyar niya! Isaksak niya sa putang inang baga niya! Kaya kong mag-ipon kung gugustuhin ko! Hindi ko na kayang magpatuloy pa. Aalis na ako!

"Ano ba! Let me fuck outta here you motherfucker!"

Nilampasan ko siya nang makawala muli ako at mabilis na umiwas sa kanya, ngunit nakakaisang hakbang palang ako ay agad akong napaatras ng hawakan niya ang batok ko gamit ang isa niyang kamay. Walang kahirap-hirap na nahigit niya ako palapit sa kanya dahilan na mapaharap ulit ako.

Medyo madiin ang pagkakahawak nito na parang nasasakal na ako ngunit naging matigas ang tingin na ipinupukol ko sa kanya. Ganun din siya, na tila nagtatagisan kami ng titig kung sino ang mas matigas sa aming dalawa.

Agad na nagkuyom ang panga nito habang pinagmamasdan ako.

"Wag mong sagarin ang pasensya ko. Don't provoke me. You know I can't be gentle, mi adelaide."

"Fuck off...fuck off!" patuloy na hampas ko sa matigas niyang dibdib at mukhang hindi siya nasasaktan dahil nakalapit ang katawan nito sa akin.

Ramdam ko ang panghihina sa tuwing pinipisil nito ang likod ng batok ko kapag nagpupumiglas ako. Para niya akong ginagawang pusa sa paraan ng pagkakahawak niya sa batok ko para mapakalma at matigil ako sa ginagawa ko.

"Bitiwan mo ako... nasasaktan ako!" natigilan ito at napaiwas ng tingin kasabay ng pagbitaw niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim upang mahabol ang paghinga sa pagkakahapong nararamdaman.

"Just calm down," sabay taas parehas na kamay nito na parang sumusuko na sa kakulitan ko. "I won't do anything. I won't tie you up. I promise. But until the end of the two months I will not let you go. You're mine. In two months. Naiintindihan mo?"

Tuluyan na akong padabog na naupo sa kama. "Sinira mo pa ang phone ko at basta mo na lang tinapon sa bintana! Putang ina mo! Sayo ba 'yon? Samantalang pagdating sayo, madaling lang sayo makabili! Palibhasa mayaman ka! Mahirap lang kasi ako eh tang ina mo! Tang ina mo talaga! Alam mo bang cellphone ko pa 'yon since high school ako!? Iniingatan ko iyon! Pinag-ipunan ko 'yon! Tang ina, tapos ikaw lang ang makakasira? Hindi naman sayo yon! Akin yon! Tang ina ako lang may karapatan na makasira ng gamit ko dahil akin yon! Tang ina mo Heimlich, akin yon, hindi sayo! Kundi akin... akin!" gigil na singhal ko sa kanya habang dinuduro ko ang dibdib ko para malaman niyang akin yung phone na sinira niya, hindi kanya!

Paano ko na tuloy matatawagan sina Mari at ang pamilya ko?

Sa inis na naramdaman ay napaiyak na lang ako.

Marahan itong napapikit at napabuntong-hininga ng malalim, agad niyang hinawakan ang balikat ko para pakalmahin ako, ngunit marahas ko agad inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

Nanggigigil talaga ako sa kanya. Tang ina talaga!

He licked and bitten so hard on his lower lip. Napapikit ito ng mariin, namungay pa ang matang tumingin sa akin, nagpaparte ang labi na para bang binibigyan ako ng imposibleng tingin.

Hindi ako mahuhulog sa mga tinging yan. Ano bang akala niya, ha!?

"I know," nagkuyom panga nito, napapikit ng mariin at bumuntong-hininga ng malalim. "Ibibili kita... But you will have a new phone when it's the right time."

"What?" napakunot ako.

"Be ready in one hour because we need to gather some stuff before we depart."

Bahagyang bumagsak ang balikat ko at napaamang na naman sa kanya.

"What!? Again? Saan? What the fuck are you talking about? I'm not flying again anywhere. I wanna go back where I belong. I wanna go back in LA! Bring me back in LA, Heimlich!"

He smirked a little and shook his head which further to irritate me. "I can't. Being with me is where you belong. You will be with me for many more weeks whether you like it or not. Let me make the most of being with you, my adelaide."

Halos mag-ngitngit ang bagang ko ng ngumiti pa ito.

"Fuck you, my majesty. I'm making sure I can escape and I won't go with you."

He just smirked na parang hinahamon pa ako nito. "Do what you can, baby,"

"Talaga!" I rolled my eyes and turned my back on him.

"Wag mo ng subukan."

Pinanlisikan ko lalo siya ng mata. "At kung subukan ko? Anong gagawin mo? Sasaktan mo ba ako, ha? Papatayin mo rin ba ako? Babarilin katulad ng ginawa mo sa kanila? Go on! Patayin mo na lang ako! Putukan mo ako! Putukan mo! Putukan mo na lang ako!"

He stared at me darkly as his jaw tightened. "I won't do that. Perhaps... I'm gonna fuck you so hard so you won't be able to sit. What do you think? You know I can shoot you... in another way. I will not kill you with pain. I will kill you with pleasure. "

Seryosong sambit nito para maramdaman ang panunuyot ng lalamunan ko.

Mabilis kong sinarado ang pinto ng walang maririnig na kahit anong ingay. Nakahinga ako ng maluwag at tumingin sa paligid. Sinadya kong magyapak habang lakad-takbo ang aking ginagawa.

Medyo dim ang paligid at walang ni isang tao, dahil pakiwari ko'y mga tulog pa ang mga naririto. Isang pasasalamat na lang na walang kahit anong bukas na quarters.

Bobo ka Heimlich! Akala niya ba hindi ko siya matatakasan? Gwapo siya... pero isa siyang malaking tanga! Tanga pala siya, eh!

Mabuti na lang talaga at nadala ko sa akit kanina. Sinigurado kong tulog na siya, hindi talaga ako pumikit at natulog para makuha ko ang susi mula sa kanya at tuluyang makalabas na ako. Akala ba niya sumuko ako at napagod na ako? No! Tatakbuhan ko talaga siya! Ngayong makakatakas na ako, kailangan ko ng magmadali bago pa niya ako maabutan. Pero alam kong malabong mangyari 'yon dahil pinagod ko siya kanina.

Ang tanga-tanga niya talaga!

Mabuti na lang at nang maramdaman ko ang malalim niyang paghinga at mahimbing sa pagtulog ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makatakas. Himbing na himbing sa kama habang nilalayasan ko na.

Takbo. Takbo. Tumakbo ako ng mabilis pababa, paliku-liko kung saan-saang hallway para tuluyang mahanap ang exit. Hindi na ako nag-abala pang mag-elevator. Mas safe kung maghahagdan na lang ako. Wala na akong pakialam kahit magmukha akong naliligaw na baliw sa kalagitnaan ng madaling-araw. Ang mahalaga ay makalayu-layo na ako sa baliw na yon!

Napahinga ako ng malalim ng makadiretso ako sa dulo. Hinihingal na ako. Nasilayan kong may isang hagdan pababa, medyo madilim sa bandang iyon at iisang ilaw ang bukas. At sa wari ko ay yun na siguro ang exit palabas ng hotel, at 'di nga ako nagkamali nang maaninagan ang signage. Mabilis akong bumaba habang pasulyap-sulyap sa taas na baka hindi ko namamalayang sumunod siya sa akin. At nang matantong walang tao, walang bultong Heimlich na buntot-aso ay tuluyan na akong nakahinga ng maluwag.

Pinihit ko ang seradura ng pinto.

Napapikit ako at napangiti ng mabuksan ko iyon, nakahinga ako ng maayos. "Sa wakas..."

Agad na dumapyo sa mukha ko ang malakas na hangin dahil tuluyan na akong nakalabas.

At nang magmulat ang mata ko ay siya namang laglag ang panga ko at muntikan ng matumba sa kinatatayuan. Halos tumalon ang puso ko sa pagkagulat.

"Good morning, mi adelaide," sabay ngisi nito, nakapamulsa habang naninigarilyo. Agad niyang tinapon iyon at tinapakan ang upos nito.

Ilang beses ang napakurap. "Heimlich!? P-Paanong..." tinuro-turo ko pa ang pinto, nagtataka at nagugulat.

Pumikit ako ng mariin at baka namamalikmata lang ako. Ngunit hindi! Bihis na bihis pa ito! Pormadong-pormado.

Imposible! Tulog siya nang iniwan ko roon. Paanong... paglabas ko mismo sa pintong ito ay siya pa ang sumalubong sa harap ko!? Paano nangyari iyon?

His lips rose for a smirked. Tila parang nang-aasar at matagumpay na nakatingin sa akin at mukhang nabasa niya ang iniisip.

"What? Are you too excited for us to leave? Good thing I got the private plane ready. Let's go, we're leaving. " anyaya niya agad at nilahad pa ang palad niya nang makalapit sa akin.

He pointed to the private plane he had parked in the wide space. It was not yet working and the ladder was still down to get inside. Mukhang iniintay na kaming makasakay.

Napapaamang pa rin ako habang tinititigan siya.

"Let's go. Hindi na ako makapaghintay. Hindi mo man lang ako ginising, mi adelaide." sarkastikong anito at napanguso pa sa akin na animo'y boses na... nagtatampo.

Is he fucking mocking me!?

Coz I swear, ang sarap niyang sakalin!

"A-Ayoko! Hindi ako sasama sayo.." iiling-iling kong sagot at unti-unting lumalayo sa kanya.

Tumingin ito sa ibang direksyon at napahinga ng malalim. "Darn it. Looks like I'm going to be forced to do this to you, baby,"

Walang sabi-sabing mabilis niya akong nadaluhan at nabuhat na parang isang sako.

"H-Heimlich... Heimlich! What are you doing!? Ibaba mo ako! Ayokong sumama sayo!" halos tumiwarik ako sa pagkakabuhat niya sa akin.

"Quiet." sabay marahang tapik pa nito sa puwet ko.

"Bastos!" singhal ko.

"Mas bastos ka." natatawa niyang tugon.

Nanggigigil na pinaghahampas ko ang likod niya habang patuloy itong naglalakad papasok sa eroplano. Oh, my god! Kailangan kong makababa at baka tuluyan na kaming mapunta sa ere! Hindi pwede! Hindi maaari! Hindi ko kakayaning makasama siya sa loob ng dalawang buwan! Masyadong mahabang araw iyon para sakin! Ayoko!

"Heimlich, put me down! Put me..." hinampas ko siya ng malakas sa likod. "Fucking..." tapos kinurot ko pa ang likod niya, ngunit parang manhid yata ito at hindi man lang nangiwi. "Down!" binigay ko ang buong lakas ko sa paghampas muli sa kanya. Napahinga ako ng malalim. Ramdam ang pag-iinit ng gilid ng aking mata sa nagbabadyang luha, nanlalambot na napahinga ako ng malalim. " Fuck you! Argh! I'm going to kill you when you take me down... I swear! I will really pull your fucking pubes and dick... fuck you! Lahat ng balahibo mo sa katawan bubunutin ko! Fuck you...fuck you! Fuck you! Fuck you! Fuck you!"

"Baby, calm down. Your energy can't do anything, so if I'm with you, save your energy coz we have a lot to do, "

"Shut up! Tatadyakan ko talaga yang bayag mo makikita mo! Lagot ka talaga sakin!" patuloy ang hampas ko sa likod niya at nagpumiglas pero talagang malakas siya.

Tinawanan niya lang ako habang humahakbang na siya sa hagdan pataas-papasok. Na para bang kay dali lang sa kanya ang mabuhat ako. Naiiyak na ako sa inis.

"Oh baby, I'm so scared. That hurts. Sinasabi mong ako yung sadista, eh mas sadista ka pa pala sa ating dalawa" mahina pa itong pumalatak ng tawa. "See? What's with the slap and punches? "

What the fuck is wrong with him?

"Put me down! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!"

"Okay." agad na niya ako binaba ngunit nasa loob na.

Nang makita kong bukas pa ang entradang pinto ay tumakbo ako. "N-No... no, no, please! No!" ngunit huli na ang lahat nang mabilis itong nagsarado. Halos pagsisipain ko pa ang pinto, pinagmumura at hinampas sa inis ngunit hindi na talaga magbubukas.

"Palabasin mo ako! Buwisit ka! Animal!" singhal ko sa kanya.

Nginitian lang ako nito habang prente ng umuupo. Nag humming pa ito at pakanta-kanta habang nagsasalin ng champagne sa dalawang kopita. Sinenyasan ako nitong umupo, tinatapik pa ang upuan sa tabi niya. Ramdam ko na rin ang unti-unting pag-angat kaya napakapit ako sa gilid at baka matumba ako.

"Come here... sit with me and relax."

Marahas akong bumuntong-hininga at mabilis ko siyang dinaluhan. Agad kong kinuha ang isang wine glass at mabilis na binuhos ang laman sa kanyang mukha na ikinagulat niya.

"Gaano ba kalawak ang pag-iintindi mo na ayaw kong sumama sayo!?"

Abala ito sa pagpunas sa kanyang mukha. Lalong umaangat ang labi nito sa pagkakangiti na parang natutuwa.

"Is this what you want?" umangat ang tingin niya at ngumiti pa sa akin.

"What?" I frowned.

"You're so dirty... but fuck, so sexy..."

Napalunok ako.

"I guess two months being with you would be exciting."

"Don't bet on it." nanlilisik ang matang padabog akong umupo sa isang upuan. Inignora na lamang siya.

Okay. Nanalo na siya. Talo ako. Wala na akong magagawa, alangan namang tumalon pa ako pababa at ang taas na namin? God... hindi ako sing baliw na tulad niya.

"I think I will. We will..." he said in a playful tone.

"Hindi kita paliligayahin. Sisiguraduhin kong mamimighati ka sa pagkakatigang. You will die of lust, Heimlich. Guarantee it." gigil na utas ko.

He smirked. "Okay..." tugon niya na parang sang-ayon siya, mukhang nang-aasar. Nilapit pa nito ang mukha sa akin, humihinga ng mainit at bumubulong habang mapungay ang mga matang minamasdan ako. Umiwas ako sa kanya, natuod sa kinauupuan ng pinalandas pa nito ang daliri sa aking lantad ng balikat, as if he were writing a circular shape dahilan na manguryente at taas ng balahibo sa aking mga braso. Damn it. "Well I'll just make you happy... but I will make sure you beg. I will show you the overflow of satisfaction. I will devour all your... sweet... " lalong lumapit ang mukha nito at naramdaman ko ang dulo ng ilong nito sa aking balikat na tila inaamoy ako. "...sweet pinnacle broths." makahulugan nitong sambit.

"Y-You..." suminghap ako ng malalim, kinakalma ang sarili. "You are boring." ginawaran ko siya ng matinding irap.

"And you are not boring to be with. At least I won't get bored," then he let out a softly chuckled before he looked out the window and drank from his own wine glass.

Diyos ko. Ligtas pa ba ako?

At habang nararamdaman ko ang pagtaas sa ere, ay siya namang ipinagtataka ko kung saan naman kami pupunta. Hindi na tuloy ako makapag hintay na matapos ang dalawang buwan, makuha ang pera, at tuluyang mawalay na sa kanya. 

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro