Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 28


Nakaramdam ako ng bahagyang paghalukay sa tiyan ng maramdaman ko ang pagkahilo. Unti-unti kong iminulat ng kaunti ang aking mata habang hinihilot ang aking sentido. Pakiramdam ko ay parang lumulutang ako. Halos di ko mapakiramdaman ng maayos ang katawan ko sa pagkamanhid dahil sa kapaguran. Medyo nahihilo pero parang lumulutang talaga ako habang nakahiga ako.

At nang magbaba ang aking paningin ay ganito pa rin ang ayos ko, walang suot, at tanging nababalot lang ng puting kumot sa aking hubad na katawan. Sa kaunting galaw, ay may gumalaw sa tabi ko at naramdaman ang pagpulupot ng isang braso sa aking baywang. Pasimple pang may humihinga at sumisinghot-singhot sa leeg ko.

Nang malingunan ko kung sino iyon, hindi na ako nagulat pa nang makita ko si Heimlich na nasa tabi ko. Tuluyan akong humarap sa kanya ng makitang nanatiling nakapikit ito. Pansin ko rin ang pula ng kanyang leeg. Parang bakat ng mga kuko. His neck is really like covered with scratches and small deep wound caused by my... nails, I think?

Am I really that wild last night? Damn.

At habang nakatitig ako sa mukha niya ay saglit kong naalala ang pangyayari. Kusang hinawakan ko ang kanyang leeg at bahagyang hinaplos. Baka sakali mabawasan ang hapdi nito. Ang sakit siguro nito sa kanya.

"You're awake..." nagmulat siya nang siya ay magsalita.

I quickly withdrew my hand when I could see his bluish green eyes again.

Tumikhim ako. "U-Uh... yea." I bit my lower lip and averted my eyes. "Nagising ako kasi medyo sumakit ang ulo ko."

"Why? You not feeling well?" anito sa mahina at mababang boses.

Tinitigan niya ako habang nakakunot ang noo. Napaka lapit ng mukha naming dalawa para maamoy ko ang kanyang napaka bango na hininga.

Saglit akong nahalina ng dumapyo ang hininga nito sa mukha ko, lalo pa't natutusok ang matangos na ilong nito sa pisngi ko. Kahit papaano, nabawasan ang pag-iikot ng aking paningin at sakit ng sentido. Ngunit agad akong napapikit ng mariin ng magtama ang aming mata kasabay ng pagtihaya ko at diretsong tumingin sa kisame.

Kahit nakatagilid ay kita ko pa rin sa gilid ng mata ko ang kanyang nakapukol na tingin nito sa akin. Bakit ba ang hilig niyang manitig? Parang sa tuwing tititig siya ay sapat na iyon sa kanya, kahit na walang salitang lumalabas sa bibig niya.

Hinilot ko sentido ko at napapikit ako. "Maybe... I feel like I'm floating..." mahinang utas ko at napaungol ako sa sakit.

Bakit ba parang umiikot ang paningin ko?

"You certainly are." sagot niya sa mababang boses.

"Ha?" nilingunan ko siya saglit. Ibinalik ko naman ulit ang tingin sa kisame. Nawirduhan naman ako sa aura, dahil parang kakaiba.

"We've boarded the plane."

"Ah okay..." agad na bumalik ang tingin ko sa kanya. "Tangina!?"

Gulantang akong lumingon sa kanya. Tumayo siya at inayos ang nagusot na damit... damit!? Bakit siya nakadamit!? Nakita kong nakabihis na pala ito! At pormado pa! Kaya naman pala ang bango-bango niya lalo. Shutang inang 'to! Tsansing naman pala kanina! Samantalang ako... hubad na hubad pa sa tabi niya! Hindi man lang ako ginising at sinabihan na magdamit na ako! Saan ba ito pupunta?

"Anong sabi mo?" lalong sumakit ang sentido ko ng bahagyang bumangon ako habang nakaupo pa rin sa isang kama at hinihilot ang sariling sentido.

Lumilindol ba? Bakit pakiramdam ko, parang gumagalaw ang kinatatayuan namin? So weird.

"We board the plane." ulit niya at napairap ito.

"Ano? You mean... lipad? Fly fly in the sky? I mean, nakasakay sa eroplano, ganern?" paninigurado kong tanong sa kanya.

Tumango siya.

Napasinghap ako at nanlaki ang mata. "Weh!?" hindi ako mapaniwala siyang tingnan.

"Yea..." nagmartsa siyang lumapit sa kurtina, hinawi niya ito at wala akong ibang nakikita kundi kulay asul at ang ulap.

Agad akong tumayo at naglakad palapit sa bintana para siguruhin kung tama nga ba ang nakikita ko sa labas. Tumabi naman ito sa gilid upang makita ko ng maayos, ginala ang aking mata at tumingin sa baba. Halos malaglag ang panga ko at lumundag ang puso ko nang matanto kong totoo nga ang sinasabi niya! Grabe... parang bumalik lang sa dati. Ang tagal ko rin nung huling makasakay ulit ng eroplano. Kahit kailan hindi pa ako nakakabalik. Kamusta na kaya sila?

"Naniniwala ka na?"

Kaya naman pala... kaya naman pala ibang-iba ang aura nang mapasadahan ko rin ang paligid. Malayung-malayo ang itsura sa penthouse niya.

"Tanginang... oo nga! Nasa eroplano talaga tayo!"

"Enjoy the view..." sabay tapik pa nito sa puwet ko at bahagya pang pinisil ito at mahina siyang natawa. Napaungol ako sa inis.

Gawin ba namang bola-bola ang puwet ko!?

Hindi ko namalayang, hindi pala nakatapis ng maayos ang kumot sa buong katawan ko! Nakatabon lang sa harap, hindi pala kasama ang likod kaya lantad na lantad at kitang-kitang niya ang kahubdan na kabuuan ko sa aking likod, putangina!

Sinamaan ko siya ng tingin sa nakakaasar niyang pagmumukha, ngunit abala ang mata nito sa pagpasada ng tingin sa katawan ko. Agad ko naman inayos ang pagtapis ng katawan ko at tumikhim ako. Umayos naman siya ng itsura at umiwas ng tingin nang magtama ang aming mata.

"Tulog pa ba ako!?" saglit ko sinabunutan at sinampal ang sarili.

"Gising ka na,"

Napapakunot pa rin na siya'y aking lingunan. "Pa... paano nangyari 'yon? Paano tayo nakasakay ng eroplano ng hindi ko namamalayan? Nagising ba ako kanina? Anong nangyari? Nag-sex na naman ba tayo rito sa loob ng eroplano? Bakit hindi ko matandaan? Hindi ba kaka-sex lang natin sa penthouse kanina?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya kasi nagtataka talaga ako kung paano na lang... paggising ko ay nandito na ako.

Parang kanina lang nag 'do' kami sa penthouse niya, ah!

"Kasi tulog ka."

"Tulog? P-Paanong—"

"Tulog ka ng sinakay kita sa eroplano. Hindi na kita ginising kasi alam kong pagod ka."

"H-Ha? Eh, bakit hubad pa rin ako? Bakit wala akong damit?"

"Eh kasi nga tulog ka. Ang kulit!" napapasada ang palad nito sa kanyang buhok. Mannerism na napansin ko sa kanya sa tuwing naiinis siya.

Napaamang ako. "Eh, putangina naman pala bakit kasi hindi mo ako ginising!? Paano kung may makakita sa akin rito, ha?" inis na tanong ko sa kanya.

"Don't worry... we're just the two of us inside." kalmado lang niyang sambit. "Naka private plane naman tayo."

Napairap ako. "Tss. Kahit na, no! Sana man lang kahit tulog ako, at ayaw mo akong gisingin, binihisan mo lang sana ako, no?" sarkastikong ani ko sa kanya.

"Ayoko."

Napairap ako at hilamos sa mukha. "Naku, ewan ko sayo, putangina."

"Galit ka na n'yan?" napabuntong-hininga siya ng malalim habang nakakunot na ang noo.

"Hindi no!"

"Then why are you cursing at me?"

Napairap ako. "Napamura lang naman ako! Hindi naman kasi porke napamura na, ay ikaw na ang minumura ko. Hindi lahat tungkol sayo. Nagmumura rin ako sa sarili ko. Kaya pwede ba, wag kang assuming, no. Edi sana direkta kong sinabi sayo na 'Heimlich putangina mo?'"

"Tss. Now you're becoming a grouch philosopher. Wow," sabay ngiti nitong sarkastiko.

Tumikhim ako saglit. "Naiinis lang namern." napabuntong-hininga na lang ako sabay balik sa kama ulit at umupo.

Tumikhim din ito at napabuntonghininga. "I was in hurry earlier. You know... Maybe when I did that, we would just last longer." paliwanag niya pa.

"Bakit naman?"

He licked his lower lip. "Nothing..." umiling siya, sabay iwas niya ng tingin at napakamot sa kanyang batok.

"Hindi nga, ano ba 'yun?" pangungulit ko.

"I... I was.." he heavily sighed. "Nothing. Don't ask."

"Ano nga!? Tangina! Napaka pabitin mo!"

"Just because. You know, just shut up---"

"Sus! Sasabihin lang, eh!" inirapan ko siya. "Ang arte mo naman--"

"The fuck, Phryne! I really don't want to because I might lose control if I do! Don't you know that staring at you naked and asleep makes me even more horny? Damn it! You didn't realize you're giving me a damn boner! Because I want to feel... I want to feel inside you again! But I have to stop because I know you're still fucking asleep! "

Napaubo ako, nasamid sa sarili laway nang ako'y lumunok habang napapakurap. Ilang segundo bago ako muling makapag salita. Nakita kong mukha siyang namumula, namumula siguro sa hiya o sa galit? Kasi naman...

"E-Eh... d-dapat kasi... ginising mo na lang ako." ani ko sa maliit na boses.

Napatungo ako habang nilalaro ang mga daliri ko sa dagling gulat at hiyang naramdaman.

Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa kanya at baka lalong manghina na naman ako sa mga titig niya. I sighed. Na-beast mode ko na naman siya.

"Fuck," he deeply sighed. "Kahit na gisingin kita, ganun pa rin ang gagawin ko sayo at hindi ako magpipigil."

"Okay, that's enough." pigil ko na sa kanya.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Napakamot naman ako sa aking ulo at siya naman ay nanatiling nakapamulsa at nakasandal habang nakatayo, paminsan-minsa'y sumusulyap sa akin.

Napakagat naman ako sa aking ibabang labi. "U-Uh... may I know kung bakit pala naka-eroplano tayo?" pag-iiba ko bigla ng usapan.

"We are going somewhere..."

"S-Saan naman?"

"We're going to a place where you won't choose to leave..."

"Huh?"

"A place that you would rather choose to stay..." Ano bang sinasabi nito?

"Well, I have no idea what you're talking about. Pero sana totoo nga 'yang sinasabi mo at hindi ko pagsisisihan."

Tumingin na lang siya sa ibang direksyon at hindi na nagsalita pa.

We're now here in Britain. Kasalukuyang bumababa ako dahil nauna na si Heimlich sa baba bago ako makapag ayos. Sinabi niya kasing kukunin niya kay Martino, na butler niya na lagi niyang kausap at kasama, ang kotseng ipinapadala niya, at alam kong bago na naman ito. Nainip siguro sa pagpapaganda ko.

Macdonald Manchester Hotel

Kung saan dito kami pansamantalang naka stay-in nang makalapag ang kanyang private plane kanina at sinundo mismo kami ng kotse ng kanyang tauhan at inihatid rito. At sa paglabas ko mismo ng building ay agad siyang bumungad sa akin.

Nakatungo ito habang nagtitipa sa kanyang bagung-bagong cellphone na alam kong ipinabili niya lang kanina. Nakatayo habang nakasandal ito sa kanyang kotse, abala sa pagtitipa, paminsan-minsan ay sumusulyap sa kanyang relong pambisig habang nakakunot ang noo.

Ang gwapo ng naghihintay sakin.

Ang gwapo talaga ng customer ko.

Dumiretso ako sa kanya palapit at agad akong tumikhim. Umangat naman ang kanyang mata sa akin.

"Shall we?" sabay ngiti ko sa kanya.

Agad naman bumaba ang mata niya at pinasadahan ang aking kabuuan at napansin ang kanyang unti-unting pagkunot na noo.

He slightly scratched his harp nose. "What the heck are you wearing?"

Tumaas ang kilay ko. "I'm wearing a dress that cost a couple thousand dollars of yours, baby. Nakalimutan mo na bang ikaw ang pumili nito para sa akin?"

"It's like you're provoking me. And did you forget we're going to the restaurant not the bar?"

"But it's elegant, right?" nilakihan ko lalo ang aking ngisi.

"But it's daring." pumikit ito ng mariin na akala mo'y may tinatagong hinanakit, base sa nakikita ko sa itsura niyang nahihirapan.

Lalong lumaki ang ngiti ko. "Well... embrace the fucking pain, my majesty."

"Damn it."

Agad kami nakababa ng kanyang sasakyan pagkaraan ng ilang minuto niya sa pagmamaneho. Nasa kilalang restaurant kami bumaba. At hindi ko rin alam kung anong gagawin namin dito bukod sa pangangangain. Wala siyang sinabi. Hindi naman niya binanggit na gusto niya akong dayuhin rito para makipag date o kumain.

"Okay. Listen, we are here, Phryne." anito habang naglalakad kami papasok sa loob.

May mga ilang sumalubong sa amin bago kami nakapasok sa elevator. Anito kanina ay sa may VIP raw kami. Sosyalin talaga.

"And?"

"You have to behave and stop fidgeting."

I bit my lower lip. "I can't help it."

"Listen. We won't be alone, okay? Some people will join us." seryosong ani pa nito. Mukha talagang hindi nagbibiro.

Teka, kailan ba nagbiro ito?

"Mga friends mo?"

He shook his head. "No. My client, I will have to discuss some matters to them."

"Ano naman iyon? Pwedeng maki-chika ako?"

Nakakunot siyang lingunan ako, para bang naiirita na sa kadaldalan ko. "No. This is not a fucking joke so stop being so talkative and just behave next to me, okay?"

"Fine! Tss. Para kakausap lang eh, baka ma-op ako."

"I'm the only one you can talk to, not them. You're not at the bar para kumausap ng ibang lalaki. Hindi kita binarayan ng malaki para gawin ang bagay na 'yan sa harap ko. Ako ang masusunod. Sundin mo ang mga sinasabi ko."

Somehow, I felt pang in disappointed. I get a little offended. I cleared my throat to escape the momentary blockage of my throat.

"S-Sure.."

"Always keep your head down. Don't stare at my client." sabi pa niya.

Tumingin na lang siya sa harap, habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Ramdam ko rin ang pag-igting ng kanyang panga.

"Why not?" pati naman iyon bawal din? Anong gusto niya, pumikit na lang ako?

"Just because. Just follow my order."

Utusero talaga ng taon itong lalaking 'to. Pasalamat talaga at mayaman ito.

"I wanted to come by and personally say thank you for allowing me to talk to you today my friend. You're making a lot of money for me. I'm making a lot of money for you. "

"Don't sweet talking to me, Mr. Davies. You're only wasting the time. Just shoot it."

Malutong na napahalakhak ang matanda habang dumuduro ito. "So intense as always. Okay..." bahagya itong sumandal sa kinauupuan. "I send this to you as goodwill gesture, Mr. Sanjrani. I hope you like it." sabay ngiti ng isang matanda na halatang pustiso ang ngipin, dahil sa bawat nguya nito ay dinig kong lumalagutok iyon.

Naka-coat pa ito ng itim at makapal ang balbas. Halatang may nananalaytay na dugong bughaw, may hawak rin itong tungkod. Madalas pasulyap-sulyap sa akin habang napapangisi. Nginingitian ko na lang ito kahit mukha pa itong manyakis sa tuwing lalapatan niya ng sulyap ang kabuuan ko.

May dalawa rin siyang kasamang bantay na panot sa magkabilang gilid ng kanyang inuupuan na sofa. Sa aming gilid ay may isang chaperone para magbigay ng mga pagkain. So, sa loob ng malawak na room na ito, ay anim lang kaming laman dito. Wala ng iba.

"What kind of gesture are you talking about, Mr. Davies?" sabay inom ng wine ni Heimlich at mukhang hindi nakakaramdam ng gutom at walang balak kainin ang mga nakahain.

Sayang naman. Parang ako lang nakakaramdam ng gutom, ah?

Kasalukuyang nakaupo na kami sa loob ng VIP. Nasa tabi ko si Heimlich. Medyo kanina pa kami naririto at hindi ko naman maintindihan ang kanilang pinag-uusapan. At isa pa sa pinangangamba ko, ay halos ang mga inihahain na pagkain ay hindi ko alam kung paano kainin! Tangina! Natatakot akong kamayin ang pagkain kasi hindi ko mahati ng maayos, para siyang suso na malaki ang shell, tapos hindi ko pa matusok ng tinidor at mahati ng kutsilyo.

Ano ba gagawin ko rito... uh... kakamayin ko na lang ba? Susupsupin ko ba? Any option para madaling makain ang pagkain at mahinhin pa rin ang dating?

"Well, just a taste. For expenses." ipinunas nito ang table napkin sa sariling bibig at sinenyasan ng nagngangalang Davies ang isang panot na may kalakihan ang pangangatawan. "Uh, Alfred,"

Lumapit naman ang lalaki.

"Give it to Mr. Sanjrani." tumango naman ang lalaki bago nagsenyasan ang dalawang panot sabay lapag ng dalawang brief case sa mesa.

"There are two briefcases. The first is my special gift for you. And the second briefcase contains a business of my own I need to take care of, please. You have to give me what I want in exchange for what you ask for."

"Do you have anything else you want?"

"You know what I mean..." sabay halakhak ng matanda.

Heimlich sighed. "We are running out of stock because we have imported a lot abroad especially in Japan and China. But don't worry. I've saved some for you. All I ask of you is that you give me right and what I want is enough too."

"Of course. You know I'm the only one following the deal. Open it please." untag niya kay Heimlich na seryoso pa rin itong nakatingin sa kanila.

Ano naman kaya ang laman non?

Napailing na lang ako at ipinokus ko na lang aking tingin sa pagkain. Gusto ko talaga siyang tikman at kainin. May binigay naman sa aking panipit para makuha ko yung pagkain kaso dumudulas siya. Napabuntong-hininga ako ng malalim.

Sinubukan kong muling diinan, iipit ang pagkain para masubo. At sa pagdidiin ko sa pag-ipit ay namalayan ko na lang na dumulas ito sa pinggan ko at dagli itong tumalsik sa harap na hindi ko sinasadya!

"Jesus!" matigas na sambit ko dahilan na mapaputol ang dalawa sa pag-uusap at napatingin na sa akin. "Slippery little suckers!" humina ang boses ko sa panggigigil nang matantong nakatingin na silang lahat sa akin.

Agad akong nagbawi ng reaksyon, hindi alam kung ngingiti, at tiningnan sila ng paumanhin.

"It's okay, Ma'am. It happens all the time." malumanay na sambit nung server nang ako'y agad dinaluhan habang inaayos ang mesa.

Napaamang naman ako at natigilan. Halos maluha ako sa kahihiyan. Lalo na't sa mukha pala ng matanda tumalsik ang pagkain. Nataranta naman ako. Hindi alam kung mananatiling uupo o tatayo.

Napatutop ako sa sariling bibig sa kalamugang nagawa. Ano ba 'yan, Phryne! Ang baboy mong kumain!

"Oh, my god! I'm so, so, sorry, Mister—"

Lalapit sana ako ngunit naramdaman kong pinigilan ako sa kamay ni Heimlich mula sa ilalim ng mesa. Laglag pa rin ang pangang napalingon ako sa kaniya. Nakakunot ito na may halong pambabanta habang mahigpit na umiiling sa akin.

Umiling din ako sa kanya at sinenyasan na kailangan ko iyon gawin dahil kasalanan ko.

"I'm so sorry, Mr. Davies. Let me clean the mess—"

"Oh, honey, it's okay, it's okay, my dear," natatawang agap ng matanda habang umiiling at pupunas-punas sa kanyang mukha gamit ang table napkin.

Napapakunot naman ako na nagagawa pa nitong matawa gayong nasabuyan ko siya ng pagkain sa mukha. Hindi ba ito galit sa akin? Nakakahiya talaga! Kaya ayokong kumain sa mga sosyalin eh, bukod sa kung anu-anong mga hinahain ay nakaka-conscious pang gumalaw. Hindi ako pamilyar sa mga ganitong klaseng pagkain. Sana pala hindi na ako kumain, pero gutum na gutom na kasi talaga ako!

Dinig kong napabuntong-hininga ito ng malalim. "Mmm. You're a lucky man, Mr. Sanjrani. You got a beautiful girl. So adorable. Is she one of your hookers?" sabay halakhak muli nito sa amin.

Napapalunok naman ako. Halos umultaw ang kaba sa dibdib ko sa paraan kung paano ako nito hagudin ng tingin at kung paano siya magsalita't nagnunuya sa amin.

"Mr. Davies, we are talking about the deal." untag ni Heimlich sa malamig na tono.

The old man lips formed to 'o'. "Oh, right. The merchandise is excellent, right? It's a large sum of money. But it looks like I would have wanted something else to ask." sabay ngisi nito at bumaling muli sa akin.

Dinig kong napabuntong-hininga si Heimlich. Mukha kasing nang-aasar ang pagmumukha ng matandang hukluban na ito. Ano ba pinag-uusapan nila? Hay, ang hirap talaga 'pag bobo, walang madaming alam. Hindi talaga ma-gets ang kanilang mga pinag-uusapan at tanging sila lang dalawa ang nagkakaintindihan, kaya hindi ako makasabat para kahit papaano hindi mapanis ang laway ko.

"What is it?"

"Let me think of it... hm..." natawa ito habang napapalingon sa akin. Nakita ko pagsunod ni Heimlich ng tingin ng matanda papunta sa akin.

Gumalaw ang panga nito at pasimpleng inunat ang leeg bago ibinalik ang tingin sa matanda.

"Why do I feel like you will change your mind, Mr Davies?"

Napangisi ang matanda. "You really know me, Mr. Sanjrani. I didn't even say right away but you already guessed it."

"Just shoot it." at once, he took a wine glass and drank it all.

"Can she just be the replacement?" sabay nguso sa akin ng matanda na ikinasinghap ko. "You know... I'm just so lonely tonight because I don't have anyone with me later before going to sleep ---"

Agad kong narinig ang malalim na buntonghininga ng katabi ko kasabay ng pagbagsak ng mata ko nang maramdaman ko ang higpit ng kapit nito sa kamay ko.

"Apologies, Mr. Davies but she's not like the other woman you're picturing. This woman you are asking for... is mine. She's mine." napalunok ako ron.

Pumalatak ng tawa ang matanda. "Is she your girlfriend or not? I can pay you doubled and as far as I remember, don't you already have a fia—"

"I don't fucking care how much money you have, and good condition you give me, Mr. Davies. Remember I have more money and power than you. Did you forget it? " nakita ko pagkuyom ng kamao nito sa ilalim ng mesa, mukhang nauubusan na ng pasensya.

Agad ko naman hinawakan upang pakalmahin at mukhang kaunti na lang ay mapuputulan ito ng litid sa pinipigilang kairitahan. Bakit ba ang bilis niyang magalit agad? Hindi niya ba alam ang salitang joke? Mukha namang nagbibiro lang yata ang matanda, masyado naman niyang sineseryoso.

At kahit na gusto akong isama ng matanda, hindi rin naman ako papaya, no! Syempre, hindi ko kayang ipagpalit ang poging yayamaning ito. Dito na ako sa fresh, ayoko sa layot at bulok.

"I'm sorry. I didn't mean to offend you. But think about it wisely. You'll get more a good cut from me." lalo pang nangisi ang matanda at hindi natinag.

Napapalunok nama'y, mahina kong narinig na napahalakhak si Heimlich sa tabi ko.

"You're only wasting my time, Mr. Davies. Since we are done with the negotiation, maybe we should go." anito at tumayo ito kasabay ng paghawak niya sa aking kamay dahilan na mapatayo rin ako.

Napapaamang naman ay agad akong nag-bow sa matanda bilang respeto. Kininditan at malandi lang ako nitong tinitingnan na ikanailang ko. Maybe I made the wrong move.

Naglalakad na kami pamartsa papuntang palabas ng pinto ay bigla pa nagsalita ulit si Mr. Davies.

"Send my regards to Ilyas! Thanks for your time my friend! The next time I see you again, I will make sure the woman with you now comes with me!" sabay halakhak nito.

"Thanks for the wonderful gift, Mr. Davies. I really appreciate it." itinaas pa nito ang briefcase na hawak niya na siguro'y iuuwi rin niya.

"You're welcome—"

Hindi pa man natatapos ay naramdaman kong gumalaw ang katabi ko, halos mabingi at bumagal ang paningin ko ng marinig ko ang mabilis na putok. Ang putok na kagagawan ng katabi ko... May hawak na baril at walang awang pinag-aasinta ang lahat ng taong nakasama namin dito sa loob. Mga nakaratay, lupagi, at... duguan. Hindi na rin gumagalaw. Isang kurap ko lang ay nagawa niyang pabagsakin ang mga ito.

Halos matuod ako at matulala. Ramdam ang pangangatal sa buong sistema. Hindi na rin ako makahinga habang pinagmamasdan ko siya na parang sanay na sanay at walang takot na gawin iyon habang walang sawang pinagbabaril ang mga tao ro'n.

"Heimlich?" nanginig ang boses ko pagkatawag ko.

"Mi adelaide,"

Sa sandaling nagtama ang aming mata, sa isang beses na pagpintig ng aking puso at nagpakawala ng malalim ng singhap ay unti-unti akong napapikit at walang ibang naramdaman kundi ang pamamanhid.   

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro