Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 26


I let out a yawn. As I walked towards the balcony, I stretched my body. But what I found was a handsome man. Isang malaki at matipunong bulto na ang pintog-pintog ng muscles kahit siya ay nakatalikod.

Babatiin ko sana siya ng 'Goodmorning, baby' at lalapitan para pisilin ang kanyang maskuladong braso pero mukhang iritado ito sa kausap nito sa telepono.

"No one will ever kill me, Martino... They wouldn't dare. So, stop calling me if you don't want to annoy me... fuck... What!? Is he fucking serious? Tell me is he fucking serious? Damn it... What? A gift? Proposal? What kind of indecent proposal is that? Shit... What a feisty old man! Tell me to wait for me to come back... he'll see... I'm gonna show him... I'm not fucking kidding! I swear... don't you fucking down the call yet Martino—bullshit!" napaigtad naman ako nang basta na lang nito mabilis hinagis sa labas ang kanyang mamahaling cellphone.

Hindi ko maiwasang mapaamang habang habol ang tingin don sa labas sa cellphone niyang pinalipad niya sa ere na akala mo'y may pakpak. Seriously? Totoo ba itong nakikita ko? Paano niya nagagawang itapon ng ganun-ganon na lang ang mukhang bago at mamahaling niyang cellphone sa labas ng bintana? Hindi ba siya nanghihinayang sa perang ginasta niya kung gaano kamahal yon? Nagsisisi ba siya? At baliw ba ito?

Bakit naman kaya ito galit at mukha pang naiinis?

Tumikhim ako saglit bago magsalita. Mukha pa rin itong iritado nang malingunan ako ngunit nabawasan ng kaunti ang pagkunot ng noo.

Pinakalma ko rin muna ang keki ko kasi nanlalambot talaga ako kapag nasisilayan ko ang puno ng tattoo at malinamnam nitong katawan.

"Sana ininform mo ako na gusto mong itapon ang cellphone mo. Edi sana ako na lang sumalo."

His jaw just clenched and I could hear him just sigh deeply as he ran his palm through his lush hair. Agang-aga ay iritado. Kailan ko ba ito makikitang kalmado at tatawa na hindi mukhang sarkastiko?

"Don't you regret it?"

"Of what?" napakunot siya sa akin habang umiinom ito sa tasa na wari ko'y kape. Inalis nito ang tingin sa akin at tinanaw na lang ang labas.

Hindi ako mahilig sa kape pero ngayon... favorite ko na yata. Bukod don, pangarap ko na rin pala maging tasa.

Kaya naman pala siya lalong irita, uminom pa ng kape.

"On your phone? Wala ka nang magagamit niyan, tinapon mo, eh."

"I have a lot of phones and can buy as many as I want."

Napairap ako at napatampal sa noo. Duh... so stupid, Phryne. Oo nga pala, yayamanin nga pala talaga ito. Gaano kaya ito kayaman? Parang wala itong pagpapahalaga sa gamit kung magtapon na lang ito na ganun na lang.

"Edi ikaw na RK."

"What is 'RK'?" seryoso at curious niyang tanong.

Nagparte ang labi ko ngunit agad kong kinagat ulit upang pigilan ang matawa.

"RK means... rich kid!"

"Oh," he was stunned in a moment and raised his eyebrow. "RK... rich kid..." then he smirked, mahinang sambit pa nito na animo'y may bagong ginintuang natutunan sa buong buhay niya dahil dahan-dahan sa pang pagtango nito.

At nang natanto niyang matagal ang pagkakatitig ko sa kanya ay napatikhim ito at nagbawi ng reaksyon.

"How's your sleep?"

"Better. Uhm, by the way, you didn't wake me. I can see you're really busy." pansin ko kasi na iritado pa rin ito at may seryosong kausap.

Siguro may problema ito sa kanyang negosyo? Ano kaya sya? Lawyer? Businessman? Yun lang tangi kong nai-imagine sa kanya, eh. Lalo pa't madalas kong mapansin na laging nakasuot ito ng slacks at formal na long sleeves, minsan naman ay naka-coat pa lagi ng maitim.

"I don't want to wake you up coz you appear to be sleeping well. And I'm not busy." sagot niya at saka nagmartsang papalapit sa mesa at umupo, hindi na nagsalita ulit.

"Oh," dahan-dahan na lang akong napatango.

Pasimple kong inayos ang buhok ko na baka magulo. Huminga pa ako kung amoy fresh pa ba ang bunganga ko sa pagmumog ko kanina and so far... mabango pa naman.

"Are you hungry?" saglit niyang sulyap sa akin.

Napansin ko mabilis na pagpasada nito sa kabuuan ko dahil naka bathrobe lang ako. Napakibot ang labi ko at lihim na nangiti. Iniisip ba nito na hubot-hubad ako? Wag siyang mag-aalala at nakapanty naman ako kahit papaano.

Yun nga lang, wala akong suot na bra. Wala na tuloy ako masuot na damit, jusmiyo! Mabuti na lang at sinulit ko paliligo rito at pagbababad sa bathtub. Yun ba namang wala akong damit ay pumupuslit na lang minsan ako na manghiram kay Heimlich nung wala siya, minsan naman bathrobe lang 'pag trip ko lang talaga.

"You must be hungry. Why don't you sit and have something to eat," sumenyas siya sa akin kasabay ng pasimpleng pagtapik niya sa katabi niyang upuan para doon ako maupo.

Kumibot ang labi ko ron sa kanyang naging galaw.

"Come here." utos pa ni kamahalan at hindi na ako nagpabebe pa na dumalo palapit.

At imbes na umupo sa upuan ay dumalo ako malapit sa kanya, at umupo mismo sa mesa sabay dekwatro ko sa harapan niya.

Napaamang siya sa akin. Nginitian ko siya ng tipid sabay tingin sa mga nakahain sa mesa habang siya naman ay nanatiling nakatingala at mukhang hindi makapaniwala.

"Ang dami naman nito..."

"I-I..." his voice hoarse, tumikhim muna ito. "I ordered a lot of food in the menu and I didn't know what you'd like..."

Dahan-dahan akong napatango. "Thanks, uhm..." hindi ko maiwasang mapakagat sa ibabang labi nang mapansin ang mga maraming pagkain.

Ang dami niyang inorder pero alam ko namang hindi namin mauubos 'to dahil dalawa lang kami. Matakaw ba itong lalaking 'to? Ang sweet naman nito. Feeling ko ang sarap niyang maging jowa, no? Bubusugin ka talaga. Haynaku, ang ilusyunada ko talaga!

Napabaling ako sa kanya. This time ay nakatingin siya sa gitna ng hita ko na pakiwari ko ay nasisilyan na niya yata ang legs at loob dahil accessible ang aking suot. Nang mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya ay napaiwas siya ng tingin, tumikhim at kumunot at nagsimulang nang kumuha ng pagkain.

Unti-unti ako napangisi. "Oh... honey, tsk." I heavily sighed. Unti-unti kong inangat ang aking suot na bathrobe. At kahit sa gilid ng mata niya habang kumukuha ng pagkain ay napapakunot siya. "You know what's happened? I've got a runner in my panty... hose." I chuckled nang mapatingin na siya sakin at na bahagya na akong bumukaka. "I'm not wearing any panty-"

"Can you please, behave?" napaungol ito sa iritang pagputol nito sa akin.

Napahinga pa siya ng malalim na tila'y nagtitimpi bago pa siya tuluyang mainis at itulak ako.

I let out my tongue to tease him. "Charot lang!" tumawa ako ng bahagya sa barino niyang pagmumukha. Halos mawalan ako ng hangin nang mapansin ko ang bukol rin nito sa kanyang gitna.

"Putang ina..." lalo akong napatawa. Ang bilis naman! Nagsalita lang ako ng wala akong suot na panty, aba'y kundangan ba namang sumaludo na ang kanyang batuta!

"Don't—"

Lalo akong bumukaka at saglit na inangat ang aking bathrobe para malaman niyang may suot naman talaga ako. "See? I'm wearing panties, baby! Calm down, mister!"

Napapailing na lang siya habang napapatitig sakin.

"What are you looking at? Bakit hindi ka na magsimulang kumain at baka ako pa makain mo." untag ko sa kanya na ikinaalipungatan niya. Kumuha naman ako ng bread sa mesa at agad na nilantakan iyon.

"Seriously, there's a seat. You can use that," I don't know why he frowned, his voice softened even more. I heard him sigh deeply.

Napapangising tumayo ako at komportableng umupo na mismo sa upuan kahit na nakataas ang aking isang paa. Napapakunot siya sa ayos ko pero tinaasan ko na lang siya ng kilay at mukhang wala naman siyang magagawa sa trip ko kung gusto kong ganito ang upo ko. Lumipat na talaga ako at baka tuluyan na talaga ako nito jombagin.

"So... what do we plan today?" untag ko habang nagsimula akong kumain.

"I have the business to take care of..." he looked at me. "And you will accompany me."

"Ah," dahan-dahan akong napatango. "At naging personal assistant mo na pala ako."

"So? Baka nakakalimutan mo na babayaran naman kita ng malaki."

Napangiwi ako. "Yea, and as far I remember, we're just gonna fuck and fuck and fuck as I understand it."

His jaw clenched, while slicing food on his plate. "It's my order. I agree to double my payment to you. I'm gonna decide when I'm gonna see..." mabilis niyang pinasadahan ang kabuuan ko. "...and when it will happen again." halos madinig ko ang bawat galaw ng kanyang maliit na kutsilyo sa kanyang hinihiwa na pagkain.

I took a bite of bread and rolled my eyes because of the nonsense he says. "Nga pala, saan ka pala galing kagabi? Hindi kita naabutan sa pagdating mo." tanong ko sa kanya habang abala ito sa paggayat pa rin ng pagkain na 'di ko alam, sa pinggan.

Napaka formal talaga nito at mapino kung kumilos kahit kalalaking tao. Makikita talaga ang kaibahan naming dalawa. Samantalang ako kababaeng tao, kumakain na nga lang ay napapahikab, napapabukaka't nakataas pa ang paa.

"Just work." tipid na sagot niya sabay subo ng pagkain niya.

"Ano namang trabaho?"

"There are some things you shouldn't have to know or ask."

Napaismid ako. "Edi don't." napairap na lang ako sa sinabi niya. 'To naman, parang nagtatanong lang eh!

"By the way. I want you to buy some clothes before we leave tonight. That's why you need something to wear."

Agad naman nagningning ang mata ko sa kanya. "Really?" sambit ko, mahihimigan na nato-touch ako sa lalaking ito.

"Yea..."

He is very a thoughtful person. "Like what?"

"Nothing too flashy, not too sexy, and something conservative."

Napanguso. "Boring. It doesn't reflect my attitude in the clothes you put on me."

"That's what it's called elegant." tumaas ang kilay niya nang sulyapan ako habang patuloy siyang ngumunguya.

"And that's not my thing to be." umiwas ako ng tingin at inabala ang pagkain nang magtagal ang seryosong tigtig niya sa akin.

He sighed. "At least, try. Wala ka pa bang kailangan?"

"I want... pizza, hehe."

Napapikit ito ng mariin at bumuntong-hininga ng malalim."Jesus. Just call downstairs and they will give you whatever your cravings are." sabay hilot pa ito sa kanyang sentido habang ngumunguya.

Para bang mas lalo siyang na-stress sa pinagsasabi ko!

Matapos makarating, dahil sakay kami ng Honda Civic R Mugen na sa wari ko'y Mazda ang pagkakaalala kong huling sakay sa kotse niya. Hindi ko maiwasang mamangha dahil bago na naman itong ginagamit niya. Kung magpalit kasi ito ng kotse ay akala mo'y nagpapalit lang rin ng brief.

Tinanong ko siya kung nasaan yung isa niyang sasakyan. Sabi niya pinadala daw niya sa butler niya dahil maalikabok na raw kaya gusto niyang palinisan muna. Kaya naman ito ang pinadala niyang bago at gamit na niya ngayon. Hindi sa nayayabangan ako ah, pero may iyayabang nga naman talaga ang lalaking ito.

I was smiling as I looked around the mall. Basta dito na ako dinala ni Heimlich matapos namin mag-breakfast at maggayak. So many people, so many stores, gosh... I miss roaming around. Sa tagal ko na kasi rito sa ibang bansa ay hindi ko masyadong inaliw ang sarili ko.

Lagi akong duty, sa umaga puro tulog naman ako sa apartment ko kasi need kong maka save ng energy. Minsanan lang kung mamasyal sa mall kapag niyayakag ako ni Mari dahil alam kong hindi naman ako makakabili ng gusto ko dahil ipapadala ko lang ang halos na nasusweldo ko sa pamilya ko. At kung may mapupuntahan man na ibang lugar, palaging related sa trabaho ko, minsan lang talaga ako magliwaliw ng mismo sa sarili ko.

At kung meron man akong gustong puntahan... gusto ko sa maaliwalas, may dagat, na parang ikaw lang ang tao sa lugar na 'yon. Malayo sa magulo at maingay na siyudad.

"Alam mo, wala akong pera..." kusa ko na lang naibulalas habang kami ay patuloy pa sa paglalakad at panay lapat ang mga ko sa kapaligiran.

"Tss. Sinong nagsabi sayo na kailangan mong magbayad?" masungit niyang tanong.

Nagparte ang labi ko at napalingon sa kanya, "Whoa... y-you mean?"

Tumango siya, umangat ng kaunti ang kanyang labi.

"Yea. Libre ko."

Katabi ko siya at naka shades naman ito. He's wearing a black long coat na hanggang lagpas siguro sa matambok nitong puwet, at may pa-turtle neck sa loob nito na may pagkaka-velvet ang itim. Naka slacks ng medyo dark gray at kapansin-pansin rin ang penny loafers nitong sapatos na kulay leather brown. At syempre, hindi mawawala ang kanyang relong gintong pambisig, lalo na ang piercing nito sa labi na ang angas lang talaga ng dating. Kaunti na lang talaga, iisipin kong para siyang mafia or hot na gangsters na napapanood ko sa movie ang ayos niya! At kahit balot na balot ito sa suot, halata pa rin ang kakisigan sa katawan, pansinin pa rin ang kanyang tattoo sa gilid ng leeg at maski sa kamay. Napakatangkad niya pa, napapatingala lagi ako sa tuwing titingnan ko siya.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit bawat may makakasalubong kami, mapababaeng bata o matanda ay napapanganga at habol ang tingin sa kanya.

"Ang daming tumitingin sakin puta..." mahinang sambit ko.

"They're not looking at you. They're looking at me."

"Edi ikaw na gwapings!"

"Majaak tha. They are drawn to you because you are sexy."

Eto naman kasi ako, ang itsura ko... putang ina wala ako suot na panty! Hindi niya alam yon kaya. Tapos, bago ako makaalis, naki-feeling close lang ako sa ibang housekeeper na mababait ron, na baka meron silang bra, shorts, or pants? Ewan ko... nahiya kasi ako magsabi kay Heimlich na wala na akong masuot! Mabuti at napahiraman naman ako, at least may cycling akong suot. Nanghiram lang din kasi ako ng long sleeve na puti kay Heimlich at nai-tuck-in ko ito sa high-waisted kong shorts, at mabuti naman ay hindi niya ako pinagdamutan. Mabuti na lang ay sakto sa akin ang size.

Kasalanan naman niya kasi at hindi ako pinauwi-uwi! Buti na lang bumagay ang boots kong itim sa suot ko. Wala pa akong make-up, hindi rin ako nakapaggayak, tapos buhol-buhol pa ang pagkakatali ko sa aking buhok.

Kaya lalo tuloy akong naiilang na maglakad at ang daming tao.

"Alam mo ba? I try to go here sometimes..." untag ko sa kanya.

"Really?"

"Yea... bibili kasi ako ng mga gusto kong damit... tapos alam mong nangyari? Yung babaeng sales lady, ayaw akong tulungan. Parang ayaw akong pagbilhan, akala niya siguro wala akong pambili porket hindi lang ako naka-eleganteng suot."

Pag naalala ko talaga yun, naiinis ako. Isa rin kasi sa dahilan kung bakit ayaw ko na mag-mall ay dahil napagkamalan akong pulubi o walang pambili.

"Really?" hanep din talaga itong naman kasama ko, puro 'really' lang ang sagot.

Napabuntonghininga ako ng malalim. Pero okay na rin, at least, mukha namang nakikinig siya sa chika ko.

Sumulyap ako at natanto kong seryoso pala siyang nakatitig sa akin. Nginitian ko siya. "Yes. May naipon naman ako ng ilang buwan ko noon... gift ko sana yun sa sarili ko kasi birthday ko eh, pero... yun nga, nawalan ako ng gana. Ang dami kong pera, pero umuwi akong walang dala."

"That so sad." kumento niya. "Bakit parang naiiyak ka na?" biglang tanong niya habang seryoso pa ring pinagmamasdan ako.

Napanguso ako at napaiwas ng tingin. Masyadong lumalambot ang tuhod ka kapag seryoso niya ang akong pinagmamasdan!

"Luh? Di no, tsk. Alam mo kasi... naalala ko lang naman ang nakakalungkot na pangyayari. Unang taon ko kasi noon na hindi kasama ang family ko. Kaya gusto ko lang libangin sarili ko, mabili man lang yung luho ko galing sa pinaghirapan ko pero..." I sighed. "nabigo ako."

We eventually came to a halt in front of a store that only sold women's clothing. And I know how much it costs!

Humarap siya sakin, paused in his suit, and then took out his wallet. "Take my card. Bumili ka ng mga gusto mong damit na kahit anong gusto mo, basta damihan mo."

"Okay. More shopping." napabuntong-hininga ako ng malalim habang tinititigan ang hawak na credit card. "Mhmm..."

"I would be surprise if you would only buy one dress. Bumili ka ng madami. Take your time." aniya habang nakatutok ang mata nito sa relong pambisig.

"U-Uhm..."

Umangat ang tingin niya sa akin. "Go. I'm confident you'll enjoy it. I'll just sit here and wait for you."

I bit my lower lip. "I... hope so. Wasn't as much fun as I thought it was gonna be."

"Why not?" he frowned, look confused.

"They were really mean to me."

Kung bakit ba naman kasi nasaktuhan na dito pa talaga sa store na ito napiling bilhan kung saan tinataboy ako noon?

He frowned. "Mean to you?" he looked puzzled.

I nodded.

He sighed as he shook his head. He appears to have read my thoughts.

"Let's go. I'll come with you." kinuha niya ang kanang braso ko senyales na balak na niyang sabay kaming pumasok sa loob.

"T-Teka nga! Teka lang..." pigil ko sa kanya dahilan mapatigil kami saglit.

"What?" napakunot siya sa akin at mukhang naiinis na.

Hmp! Ang pogi talaga kahit ang ikli ng pasensya.

Seryoso ba talaga itong ibibili ako ng damit? Bakit ba pakiramdam ko, ang bait niya sakin? Kahit ang sungit-sungit niya... pakiradam ko mabait pa rin talaga siya.

"Papasok ba talaga tayo diyan, eh ang mamahal ng mga damit?"

Umangat ang labi nito at kinunotan ako. "What? You think, I couldn't afford it?"

Nakakahiya naman kasi. "Seryoso ka ba talaga? Alam mo, imbes na gastusan mo ako ng damit, iuwi mo na lang muna kaya ako sa apartment ko at may damit naman ako dun? Tapos mag-iimpake na lang ako. Kailangan ko rin kasing magdala ng maraming panty kasi alam mo bang wala akong suot na panty ngayon—"

"We have no time." napakunot siya sa akin habang umiiling. "Hindi kita dadalhin dito kung hindi ako seryoso."

Napakagat ako sa ibabang labi upang pigilan ang mangiti. Ang weird talaga ng lalaking to. Weird na utu-uto.

"Wala ka palang panty..." humina ang boses nito sabay saglit na napatingin sa paligid, nakapamaywang at ibinalik muli ang tingin sa akin. "Mas lalong hindi kita hahayaang maglakad nito sa mall pabalik. We need to buy now." he said as his jaw clenched.

"Pwede bang hinaan mo yang boses mo?" bulong ko, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kasi panty ko ang pinag-uusapan namin dito.

"Bakit? Natatakot ka na may makarinig?" natawa siya ng sarkastiko."Kahit na may makarinig, hindi naman nila maiintindihan. Dahil tayo lang dalawa ang nagkakaintindihan dito. So, let's go?"

"Eh kasi—"

"Are you afraid of the..."

"Hindi naman sa ano, kasi syempre--"

"Remember, the stores are not nice to people, they are nice to credit cards. I have a lot of fucking money, so come with me if you don't want me to carry you in." this time, ay hinakawan na niya ang kamay ko.

"Oh, what a cute joke, baby—e-eto na! Eto na nga!" kundangan baga naman itong baliw 'tong lalaking to.

Bubuhatin talaga ako!?

Saltikin talaga!

Napabuntong-hininga na lang ako nang magtuloy-tuloy na talaga kaming pagpasok sa loob kasabay ng pagsalubong sa amin ng saleslady at manager. Hindi ko maiwasang magmukhang parang nakakain ng ampalaya na sobrang pakla, dahil ito yung mga babaeng tumaboy sa akin noon, na kaharap ko na naman ngayon.

Ngunit hindi yata nila ako napansin dahil itong katabi kong lalaki ang tangi nilang nakikita.

Agad na lumapit ang manager na babae at makinang na ngumiti.

"I am Ms. Miller, the manager. How may I help you, Sir?"

Lumapit si Heimlich at nakipag kamay sa pabebeng manager.

"Heimlich Sanjrani."

"Nice to meet—"

"You see this lady over here?" sabay tingin sa akin ni Heimlich at nginitian ako, pumaling din naman sa akin yung manager at nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mata.

Naalala pa ba ako nito? Tipid ko itong nginitian.

Ilang segundo bago ito nakasagot. "Y-Yes.. uh.." tumikhim ito. "Yes, sir..." nautal niyang sagot.

"I want you to give her the most expensive clothes that flatter her lovely curves..." kung pwede lang kurutin ang puwet ko sa kilig ay kanina ko pa ginawa.

Paano ba naman kasi, panay ngiti sa akin ng malagkit ni Heimlich habang labas ang kanyang perpektong puti ng ngipin lalo pa't napapakagat pa ito sa kanyang lip piercing.

Damn, why did my heart throb when he smiled?

"Of course, Sir. You're really in the right store and the city of that matter." nakangiting untag sa kanya ng manager at mukhang walang pakialam si Heimlich habag abala sa pagtingin sa mga naggagandahang damit.

"Good."

"A-Ah, Sir, what do you think will—"

"It would be better if you lower your talkativeness."

Nagparte naman ang labi nung babae at halos malaglag rin naman ang panga ko sa inasta ng lalaking ito. Ano ba ito? Nadala ng dila niya na sungitan ang babaeng iyon? Ano ba 'tong trip niya?

I immediately saw the embarrassment of the woman and her cheek blushed slightly.

"Apologies, Mr. Sanjrani. I'm just asking if—"

This time Heimlich looked at the manager irritably. He even blocked his palm on the woman's face, signaling that she would be cut off from speaking again.

"Don't ask me. Ask my lady."

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro