PHASE 25
Maya-maya ay gumalaw ito at may kinuha sa kanyang tabi na isang black envelope. Nagtataka naman akong nakatingin sa kanya habang binubuklat nito ang envelope at nilabas ang laman nito, saglit siyang napasulyap sa akin at tumikhim, saka itinuon muli ang tingin sa isang papel bago siya magsalita.
"Phryne Gretha Malitaitai...your nickname is either Prina, Phryne, minsan ay Gretha. .. 24 years old... mahilig mag-pageant noon... Nanirahan sa Pilipinas sa may Cebu kasama ang kanyang magulang at dalawang kapatid... Ikaw ang pangalawa sa inyong magkakapatid, dalawa kayong babae at isang panganay na lalaki... senior high lang ang tinapos... anim na taon ng hindi umuuwi sa Pilipinas... breadwinner...You are working as a pole dancer at 4Play Gentlemen's Club sa loob ng anim na taon... one of a good stripper at binansagang Burlesque Queen... Nagpapatake-home or escort minsan... n-no..." he cleared his throat, tumaas ang kilay ng saglit siyang sumulyap sa akin. "H-Hindi nagbo-blowjob pero sige handjob.. Oh," napakunot siya sa akin saglit. "HIV negative... and lastly... hindi na virgin. Okay. Interesting. Did I miss anything?" mapanuyang tanong niya.
"The fuck?" utas ko.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ibig ba sabihin niyan ay pinagsusundan niya ako sa mga itlog niyang utusan? Pina imbestiga niya ba ako!? Paano niya nalaman ang mga ito? Hindi ko maiwasang mag ngitngit ng palihim. Nakangisi ito sa akin, tumikhim muna ako bago sumagot.
Napaka private person ko pa naman tapos biglang malalaman na lang niya ang buhay ko. At talagang gumawa pa siya ng buod para basahin sa harapan ko! How dare him!
"Paano mo nalaman ang mga iyan? Stalker ba kita?"
"Hindi." kumunot siya at umiling. Ang sama ng tingin sa akin, gayong dapat ako yung mukhang magalit rito sa aming dalawa!
"Talaga? Hindi naman kasi halata." sarkastikong sagot ko. "Ano ba talaga ang gusto mo sakin, baby?"
He smirked. Napahinga ito ng malalim na tila nag-isip muna ito sa kawalan bago siya dumekwatro sa kanyang kinauupuan, sabay patong ng kanyang magkakrus na kamay sa kanyang tuhod habang matiim munang tumitig sa akin.
"Phryne, I have a business preposition for you..."
Ayan na naman tayo... ano ba kasi? At bakit kasi?
Lalong sumakit ang noo ko sa pagkakunot. "Business preposition of what?" sana lang talaga ay magustuhan ko itong paandar niya!
Sige, susubukan kong pakinggan siya!
He twitched his lip and licked his lower lip. "How much the entire day?"
"Ano?" I frowned in annoyance.
"Entire day... to be with you."
"You mean gusto mong... sayo akong magdamag? Ganun ba?" nalilitong tanong ko pa sa kanya. Napaayos naman ako ng upo. Baka nabibingi lang ako.
"Yea. What's wrong? Just answer me. How much for the entire day?" he licked his lower lip as he frowned. "You said, your minimum is a hundred per hour. So, if we calculate that in 24 hours, it means that I will pay two-thousand four hundred dollars. Apart from that, dun pa sa sinasabi mong may charge din kapag kakausapin pa kita." aniya'y napangiwi pa ito sa huli.
"Whoa. Are you serious?" nakakaloka naman itong lalaking 'to. Ang talino ring bumilang na pera. Lalo tuloy akong natu-turn on sa kanya! Mabango na, hot na, matalino pa!
"Nagiging clingy ka na, ah! Gusto mo ba talaga akong makasama pa, ha? Tapatin mo nga ako, crush mo ba ako, ha? Ang sweet mo sa part na yan, baby." asar ko sa kanya na ikinakunot at iling niya.
"I'm deadly serious." seryosong anito.
"Stay here? With you?" natawa ako ng bahagya at umiling sa kanya. "Nah. You couldn't afford it." saglit akong lumubog sa bathtub, napasinghap ako nang iangat ko ulit ang mukha ko sa saglit na paglubog at agad na inalis ang nakatabing na buhok sa aking mukha.
Akala ko aalis na siya ngunit nanatili itong nakaupo sa kinauupuan habang nanonood sa akin. Jusku naman! Siya lang talaga ang kaisa-isang lalaking napakaswerteng nanonood sa paliligo ko. Paano niya nagagawa pumirmi at walang ginagawa?
"Try me."
Napataas ako ng kilay at napabuntong-hininga. "Paano kung walang katapusan na kabayaran mo?"
"Edi walang katapusan rin ikaw na nasa tabi ko."
Lalo akong natawa sa banat niya. "You're crazy! Parang ang lungkot ng buhay mo! Bakit ba nagrerenta ka pa ng tao para samahan ka? Wala ka bang jowa, ha? Hindi mo ba alam na I'm a busy person? Marami rin akong duty everyday and everywhere!"
Ang dami-dami na pwede niyang haklitin sa isang pasada lang, pero bakit ako? Bakit ako at ako pa rin, paulit-ulit? Favorite niya na ba ako?
Napabuntonghininga ito. "I know. It's just that... meron akong mahalagang bagay na kailangang patunayan." he said as my lips formed to 'o'. Hindi ko maintindihan kung anuman ang tinutukoy niya. "At kung nag-aalala ka sa perang kikitaan mo ngayon... ako ang bahala. Kaya kong doblehin o triplehin kung gugustuhin mo."
Nakitaan ko ng iritang bumulatay sa kanyang mukha nang mapansin niyang hindi pa rin ako naniniwala dahil pangisi-ngisi lamang ako sa kanya.
"Matigas ka talaga."
"Is that a yes?"
"Not yet." sagot ko na ikinabagsak ng balikat nito. "Sige nga, paano ako papayag gayong hindi naman kita gaano kilala?" baka kasi mamaya, pag pumayag ako, kung anu-ano ng kahindik-hindik ang gawin nito sa buhay ko!
Nagawa niya ngang suntukin sa mukha sina Katie at Sydney, ako pa kaya? Baka gawin niya akong punching bag hanggang sa madurog ako! May pagkasadista pa naman itong lalaking ito, pati babae, walang patawad!
"Jesus! Why don't you just say yes?"
"Come on! Madaya ka! Nahalungkat mo nga ang buhay ko ng hindi ko nalalaman, eh! Alam mo, kung interesado ka sa sakin, bakit hindi ka na lang direkta nagtanong sakin?"
"As you said, you're a private person. At alam kong kapag tinanong naman kita ay hindi mo rin naman sasagutin." sarkatikong sagot niya.
"Exactly! Alam mo naman pala, eh. Pero anong ginawa mo? Hinalungkat mo pa rin. Tsaka, who you ka ba ha, para sabihan kita tungkol sa buhay ko? Close ba tayo? Samantalang ikaw, kahit katiting, ni buong pangalan mo ay hindi ko alam! Majesty! Heimlich! Ang lalaking sadistang weird, mayaman at hot na mahilig magsuot ng gusot na long-sleeve! May-ari ng Mazda! Yun lang! Yun lang ang pagkakakilala ko sayo! Sa tingin mo, papayag ako sa gusto mo?"
"Importante pa ba 'yon?"
Napakunot ako. "Importante pa rin ba yung alamin mo pa yung buhay ko?" kasi wala akong makitang tama sa ginawa niya.
Lahat ng ginagawa ko, labas doon sa personal na buhay ko. Hindi ko isinasali. At tanging si Mari lamang ang nakakaalam ng buhay na meron ako kaya nakakagulat lang kung bakit, at paano niya ito nalaman.
Ilang segundo niya ako tinitigan, kita ko paglunok niya at bumuntonghininga ng malalim.
"So, what do you want me to say? Anong gusto mong malaman? Believe me... hindi mo gugustuhin ang alamin ako."
Ako naman ang napabuntonghininga ngayon. "At least your full name. Please?" kung kukulitin ko man ito ay alam ko namang walang balak ito sumuko.
He heavily sighed again. Mukhang nagtitimpi na ito dahil sa kakulitan ko, at kaunti na lang ay baka masampiga na ako nito lalo sa diin na ipinupukol niyang tingin sa akin. Eh makulit rin naman siya, eh.
"Fine. My full name is Heimlich Javadd Ambajic Sanjrani." simpleng sagot niya sabay iwas ng tingin na tila nahiya pa sa mahabang pangalan.
Nakaamang lang ako. Naghihintay pa sa susunod na sasabihin niya.
"That's all." Pahabol niya.
"What the... fuck you."
Yun lang? Wala na?
May pagkapilosopo rin talaga ito eh, no? In fairness, ang pogi-pogi ng pangalan niya. Halata naman kasing may lahi ito kaya hindi na kataka-taka.
"So, ano na? Yun lang? At anong gusto mong mangyari sakin?"
"You're welcome. Now, I just want you to say yes to my offer. Okay, what if..." natigil siya nang saglit na may naisip. "A million dollars for two months?"
"What the fuck did you just say?" halos malaglag na talaga ang panga ko. Muntik ngang mapabalikwas ng bangon at makalimutang hubad ng apala ako.
Ang saya ko na nga sa offer niya na 2000 dollars. Tapos bigla siyang mag-o-offer ng milyon!? Hindi ko talaga maiwasang paulit-ulit na magulat sa mga pinagsasabi niya. Wala na talaga ako masabi habang mahigpit na napapailing at imposibleng tumitingin sa kanya.
"G-Ganiyan ka na ba hibang na hibang sa alindog ko!?"
Umirap siya. "Don't flatter yourself. A million dollars. What do you think?" napangisi siya nang mapansin ang kagulatan sa pagmumukha ko. Pati yata butas ng ilong ko lalong lumaki sa pagkapaamang ko.
"I could give you the best of like you could ever imagine." sabi pa niya.
I swallowed hard as I've heard his tempting offer. Ang isipin na milyong ibibigay niya ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
"Deal. What do you want?"
"We're gonna be out of the country in two months."
"Two months?" holyshit.
"Yea. And I'd like you to spend a weeks with me."
"Damn! Really?" saan naman kaya kami kung ganun?
"Yea... I'd like to hire you as an employee."
"Employee?" I wonder what kind of employee which he refers to.
"Yea. Would you be willing to spend the next few weeks with me? I will pay you to be at my beck and call."
Napapangangang ako'y nakatingala sa kanya. "L-Look. I..." I licked my lower bit. "I love your proposal but uhm.. you're a rich, and good-lookin guy. You could get a million girls for free. So, why me? Why still me?" sa dinami-raming mas better, at kahit sinong mayaman na kakilala niyang babae na alam kong sasama sa kanya at kaya niyang kaladkarin dahil gwapo at pogi naman siya, eh bakit pa rin ako?
Bakit ako? Ako pa talaga? Ano ba nakita niya sakin bukod sa kaseksihan ko?
Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. "I want a professional."
Napasingkit ang mata ko sa kanya. Professional? Anong ibig niyang sabihin? At nang mabasa niya siguro ang iniisip ko ay napabuntong-hininga ito.
"And?"
"I'm needy. And I want someone by my side right away and perfectly that it's you. I don't need any romantic hassles this week."
"Maya't-maya kang kakausapin sakin. Malaki ang mababayad mo." banta ko.
"I don't fucking care as long as you're with me."
Natulala na lang ako sa kanya. "Damn, baby. A million dollars... seriously.. It's really gonna cost you." hindi talaga ako makapaniwala. At parang sa dating ko ay ayaw ko pang kagatin ang alok niya. Ay teka, kinagat ko na nga pala, shutangina!
"The fuck I care. So? A million dollars. The night would pass, but the money could last a lifetime. Think of it. A million dollars, Phryne. Didn't you say, only money can give a sensation? Then grab it... take it." brusko at malalim nitong pangungumbinsi.
Maya-maya'y saglit na umangat ang labi nito nang maalala niya ang sinabi ko sa kanya noon.
Napapangiting napailing naman ako dahil sa sinabi niya. Yea. Only money that makes me horny. Marupok talaga ako. Marupok na marupok pagdating sa pera! Alam na alam na talaga niya. Good god! Bakit ba biniyayaan ako ng ganitong klaseng lalaki? Sa lahat ng naging customer ko, siya lang natatangi at unang magbibigay ng malaking halaga na walang pag-aalinlangan.
"Holyshit! Of course, yes!" sang-ayon ko na agad. Mahirap na at baka magbago pa ang isip niya.
"Done. Thank you. You might enjoy it." umangat ang labi niya sa pagkakangiti.
"Don't bet on it."
He smirked. "I think I will." unti-unting lumapit ang mukha nito at bumulong sa tainga ko. "Now that I have really, access, every bit of your body..." dahan-dahan pa ng sambit niya.
Magsasalita pa sana ako ngunit agad siyang nakalapit nang agad niya ring sinunggaban ang aking mukha at hinalikan ng mariin at malalim ang aking labi. Mabilis at nakakalunod na halik.
Hindi na niya inalintana ang nabasa niyang damit nang idikit niya ang kanyang katawan sa hubad kong katawan. Lalo pa't kahit na nakasapatos ito ng mamahalin ay wala itong pake nang sumampa ito sa bathtub at agad na tinuloy ang paglasap sa labi ko. Para itong gutom. Na matagal na naghintay ng pagkain... at sa pag hihintay at nalamang nakahain na, ay agad niyang nilamutak.
Katulad ng paglamutak niya sa kabuuan ng labi ko.
Damn his soft and hot lips. I could almost feel and taste the metal of his piercing lip especially as he sucked my lower lip. Halos higitin ko ang buhok niya, ngunit nanatili ang kamay ko na nakalapat sa kanyang matigas na balikat.
Hindi ko maiwasang mapasinghap habang nararamdaman ang maiinit at mabangong hininga niyang nalalasap ng labi ko. Halos madinig ko rin ang pagsinghap niya sa pagkagat nito at pagsipsip sa labi ko. Parang kahit halik lang ay sapat na sa kanya, dahil tanging hawak niya lang ay ang mukha ko. Mga kamay na tanging nakapirma sa likod ng aking leeg at baba.
Saglit kaming napatigil upang makahinga at nagkatitigan saglit. Parang sasabog ang puso ko sa pagkabigla. Nanatiling napaawang ako. Ang tanging nakikita ko lang sa malaberdeng-asul niyang mga mata ay pakiramdam ko'y mainit. Nakakapaso.
At nang muli siyang huminga ng malalim ay unti-unting bumaba ang tingin ko nang sinimulan nitong tanggalin ang butones ng kanyang puting long-sleeve. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan ko na lang ang sarili na nakahiga na ako habang nasa ibabaw ko na siya. At kahit nakadagan ay alam kong binabalanse nito upang hindi ako mabigatan sa kanya. Sapat na maramdaman lang ang pagdampi ng matigas niyang dibdib, na kahit kami ay nakababad sa tubig ay ramdam ko pa rin ang init.
Parehas hubad ang magkadikit naming katawan sa ilalim ng mabulang tubig habang nararamdaman ang paggala ng kanyang palad sa aking katawan. Tila nangangapa at marahang pinapasada ang kanyang malaki at maugat nitong kamay.
At wala akong ibang maramdaman kundi... kasabikan.
Damn, I like his smell. Bakit pakiramdam ko, nangyari na ang bagay na ito?
"I'll be gone in a few hours." naalipungatan ako ng mapansin kong nakatayo ito sa salamin. Topless ngunit may suot na slacks sa pang-ibaba. Mukhang kaliligo lang rin dahil sa basa pa ang buhok nito.
"Where?" mahinang tugon ko habang ako'y nakadapa, nababalot ng makapal na kumot. Medyo madilim ang paligid. Pakiramdam ko ay gabi na. Oh, baka sadyang madilim lang kasi patay ang ilang ilaw.
"You don't have to know." saglit itong lumingon sabay suot nito ng kanyang relo.
Napairap na lang ako sa pag-uugali ng lalaking 'to. Walang tabas ang bunganga. Pasalamat siya, madatung siya, dahil kung hindi at patuloy pa itong susunod sa akin, ay who you na lang sa akin ito!
Aalis ito? Saan naman siya pupunta kung kailan gabi na? Gusto ko man siyang tanungin ay pinigilan ko na lang. Baka isipin nito ay feeling asawa niya ako.
"You tired?" his voice suddenly hoarse. Naramdaman ko ang tingin niya sa gilid ng mata ko, kaya ng lilingon ay saka naman siya hindi tumingin sa akin at nagsalamin ulit.
Napairap ako. "Tss. Yun ba namang maya't-maya mo akong hinalikan syempre kakapagod din. Inantok kaya ako."
Kakaiba talaga trip ng lalaking ito. Halos buong labi nitong kung saan-saan na napunta sa katawan ko! Hindi ko alam kung bakit hindi tinuloy... you know. He just really tasted me like a dessert. Ako naman si luka-luka, medyo... us2 rin. Hehe.
"So, honest. Tsk." sinuot nito ang long-sleeve na itim at humarap sa akin habang nagbobutones.
Napalunok naman ako ng paulit-ulit sa ganda ng view na nakikita ko. Oh... I think I really like his abs. I thought I wouldn't like the others who have a lot of tattoos on their bodies, but I don't know, when it comes to him, ay bagay na bagay pa rin sa kanya. Not dirty to look at.
"You stay here. Uuwi rin agad ako. Tumawag ka lang sa baba kapag nagugutom ka. I'll see you tonight." saka ako nito tinalikuran.
"Ayaw mo ng kiss bago umalis?"
Napairap ito sa akin. "Wag kang aalis." saka niya binuksan ang hamba ng pintuan. Handa ng umalis. Hindi man lang nagsuklay.
Tumayo ako at binalot ko ng puting kumot ang hubad na katawan ko. "You're really such a grouch, baby. I'm gonna treat you so nice so be nice to me too."
Pinagsarhan lang ako nito ng pinto na tila walang nadinig.
Napangiwi ako at natulala saglit.
Ang isipin na nag-iisa ako rito sa suite na ito ay... napangiti ako. Wala siya. Ibig sabihin lang niyan ay magagawa ko ang gusto kong gawin dito sa loob! Napairit ako at agad na tumakbo pabalik sa kama. Sumampa ako at tumalon-talon pa na parang isang nagwawala sa tuwa'ng bata.
"A million dollars! Damn it!" sabay itsa ko ng unan at salo ulit habang tumatalon. "Dolla dolla bill y'll! Check this shit yo!" hindi ko na maiwasang mapakanta sa saya habang iniisip ang malaking pera na abo't kamay ko na!
At kung binabangungot man ako ay sana wag na ako magising. Damn! I'm going to be millionaire!
I have nothing else to do but I eat what I want to eat. Wine, wine, wine, until it gets drowsy in the bow. Sa tingin ko, ito ang unang araw naming dalawa sa aming napagkasunduan.
Nagising na lang ako na wala pa ring baby Heimlich na dumarating. So, I decided na kunin ang aking phone para tawagan si Mari. Nagulat pa ako nang makita kong maraming missed call at text ito. Yari na naman ako sa babaeng ito.
"I called and called, bitch! Where were you last night?" salubong niya agad sa akin.
Napapikit pa ako saglit sa lakas ng sigaw niya sa kabilang linya.
"It's a long story, Mari..." I chuckled. "Oh my god, putang ina... putang ina talaga!" nababaliw kong sambit habang nakahiga sa kama.
"Putangina mo din! Agang-aga minumura mo ko... ano bang nangyayari sayo? Alam mo bang nag-alala ako? Mabuti naman at naisipan mong tumawag, no? At bakit hindi ka pa umuuwi? Alam kong wala ka sa apartment mo dahil kanina pa akong parang tangang katok ng katok sa pinto mo, wala ka pala don! Shuta ka! Anong oras na rin. Where are you?" sunud-sunod na tanong niya.
Napabungisngis ako. "My dear... basta nasa mabuti at maganda ang aking kalagayan! Wag ka ng mag-aalala."
"Bakit? Anong nangyari?" kalaunan ay naging malumanay na ang boses nito kahit na may mahihimigan pa rin na irita ito.
Ganito talaga siya. Nagagalit siya sakin kapag 'di ako nagtetext kung nakaalis o nakauwi na ba ako. Ganito kasi talaga siya mag-alala, eh. Mumurahin ka talaga.
"Oh man, are you ready for this? The guy? The Mazda? Yung palaging na nangungulit sakin sa bar?"
"Shit. Anong meron sa kanya? Fuck! Sa kanya rin yung mazda na nakita natin kagabi!?"
"Yes. And I am in his fucking hotel room in Viceroy Beverly Hills. The penthouse."
I heard her giggled. "Damn, girl! Ang swerte ng quota mo, ah! Buo pa ba kipay mo?" napairap ako sa kawalan.
"Shit, oo naman, no!"
"Naks, musta ang kiki mo? Punit na punit na ba?"
Napairap ako sa kanyang kalamugan. "Matibay na matibay pa 'to, no..." bumuntonghininga ako ng malalim habang nangingiti, dinig ko pa ang tawa ng luka-luka. "So, yun nga... ang ganda talaga, Mari! Ang laki ng banyo niya! Mas malaki pa sa apartment natin, tapos... tapos yung bathtub, parang swimming pool sa sobrang laki! Muntik na nga akong makatulog ron eh, kundi lang bigla pumasok si Heimlich sa loob ng banyo habang naliligo ako, hehe."
"Napaka kire mo!" humagalpak siya ng tawa. "Okay. Do I have to hear this? Konti na lang ay malapit na akong mainggit!"
"And he wants me..." I bit my lower lip.
"What?"
"He wants me uhm..." napataas ang tingin ko sa kisame. "for two months. And you know what he's gonna give me? You'll never guess, Mari! You'll never guess!"
"Ano nga? Grabe anong gagawin niya sayo sa loob ng dalawang buwan? Ang tagal niyon, ha! Baka naman iatatanan ka na!? Putangina, sabihin mo na!" naiinip niyang tugon at kung anu-ano na panghuhula sa akin.
Mukhang excited din ito sa gustong madinig.
"A million dollars!"
"Oh... bullshit!" malutong na mura niya agad sa kabilang linya na ikinatawa ko. "Di nga?"
"I swear to god! Extra money, libre pakain... and everything!"
"Oh, girl! I knew it! Sinasabi ko na nga ba eh! A million dollars, really? Is he crazy?" I can imagine how I could see the delight on Mari's face.
Baka halos iyakan, magkayakapan, at maglupasay kami sa tuwa.
"I guess you're right, Mari. He seemed so crazy at me." naloloka kong sambit.
"Of course! Kaiba talaga alindog nitong frenny ko, oh! So... what do you feel right now, huh?"
"Uhm... happy? Sobrang happy ako. Ang laking halaga non, Mari..." napapailing kong balita pa sa kanya. "Grabe.. first time ko makakahawak nang buo, ng ganung kalaking halaga. Alam mo 'yan. Hayaan mo, pag nakuha ko, reregaluhan kita ng maraming-maraming panty."
Napahagalpak ulit siya ng tawa. "So, you really wanna do it, huh? Pumayak ka nan ga talaga... nice choice."
"Yea..." hindi ko maiwasang mapangiti sa kawalan.
"Good."
"Do you really think I can do it?"
"My god! Parang di mo ginagawa ito sa loob ng anim na taon, ah? Ngayon ka pa talaga nagtanong?" mahina naman ako natawa. "You know, Prina. Think about this money what could do for you. Alam kong hindi ka pa sanay dyan na iisa lang ang tao ang sasamahan mo sa mahabang araw. Alam ko ring, hindi mo naman masyado gawain iyan agdating sa labas. But still, think about it. A million damn dollars that could do for your future. You could finish your house... get rid of your debts.. you continue to support your family well..."
Tama siya. Sobrang laking tulong ang ganitong kalaking halaga sa akin, lalo na sa pamilya ko. Jusko! Pangkinabukasan na talaga.
"Yea, right. After all, it's just my body, right? Not my mind, and not my heart." yun palagi sinasabi ko sa kanya sa tuwing nagdedesisyon ako.
Palagi niya rin ako pinaalalahanan na wag maging tanga. O ma-attached sa mga customer. Dahil sa buhay namin... hindi uso ang fairytale. There is no fairytale in hell.
"I know... 'diba palagi mo nga sinasabi sakin, hangga't hindi mo sinusubo, ibig sabihin hindi mo mahal?"
Napalatak akong natawa. "Ang lamog at korni mo... pero oo naman, no!"
"Damn... you've got a million bucks, bitch. Goodluck na lang talaga sayo,"
Napabuntonghininga ako ng malalim. "Yea... and uhm... since I have been gone for two month. Can I ask you a favor?"
"Always. What is it?"
"Pakibantayan si pussy baka nagugutom."
Natawa siya. "Ginawa ba naman akong pussysitter ang shutang 'to!"dinig kong bumuntong-hininga siya ng malalim. "Fine. Sa akin muna siya sa loob ng dalawang buwan. Para naman may libangan ako rito sa loob ng apartment. Dobn't worry." sang-ayon niya agad tutal alam ko namang mahilig din naman siya sa pusa. "Mamimiss kita. Enjoy ka, ah? Wag mo kakalimutan mga paalala ko lagi sayo!"
Tumango ako na para bang nakikita niya ako. "I'm gonna miss you too. Thanks, Mari..."
At alam kong natatawang umiirap rin ito sa kabilang linya.
"Always. Call me when you're through?"
"Call me when you're through too."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro