PHASE 23
"Oh, I see the stars on the sidewalk, Phryne.." mapaglarong tono nito habang tumatanaw sa alon ng mga tao.
"Gaga! Lasing ka na ba?"
Nandito kami sa labas ng 4Play. Napag-isipan niya kasi, since nauurat na siya sa loob at rinding-rindi na siya sa malakas na music at paulit-ulit na mukha ang nakikita niyang tao sa loob ay lumabas na lang muna kami. Ganun din naman ang nararamdaman ko. Mabuti kahit papaano, nasa labas ako ay nakahinga-hinga ako medyo ng maluwag.
"Hey, babe! Are you looking for a date? Wanna have some fun?"
Agad na salubong ni Mari sa isang lalaking nakatigil na kotse.
"Oh, nevermind. There's epal pala!" sabay irap ni Mari dun sa babaeng isa sa mga katrabaho namin na hindi naman namin ka-close.
Napakunot ang babae sa amin sa kamalditahan ni Mari. Kung bakit ba naman kasi ang burikat na ito ay bigla-biglang nang-i-irap kung kani-kanino.
"Are you talking to me, bitch?" sabay angat ng kilay nito at puspos ng kanyang hawak na sigarilyo.
Kilala ko ito. Ito si Luca. Katrabaho namin sa 4Play. Mas matagal na siyang stripper dito at pinaka-matanda sa amin. Kung kami ay bitch ay wala nang mas ibi-bitch pa sa kanya. Yun ang sabi ng karamihan. Nag-try rin naman kami pakisamahan siya ngunit tila suplada ito at ganid din sa pera. Madaya kumbaga. Madaya at maruming magtrabaho. Ewan ko ba kay Mari. Sabi kasi nung mga bartender at ilang stripper ay ilang beses na siyang ibina-banned dahil sa dalas niyang gumawa ng eskandalo sa bar, nagpupumilit pa rin daw itong magtrabaho rito kahit na wala ng masyadong kumukuha sa kanya. Mahilig din mang-agaw pag hawak mo na ang customer kaya maraming mga babaeng naiinis at napapaaway sa kanya.
Maganda naman siya, ngunit mahahalataan na ang kulubot ng katawan. Pero kahit anong edad na ang itsura, at iilang hibla na lang ng maputing buhok na ito ay hindi naman ito magpapatalo sa suot nitong pekpek short, croptop, mga porselas na kumakalansing sa magkabila niyang braso, at ang mapulang nguso nito.
Eh ang halos mga gusto kasi ng iba ay fresh at mababatang tulad namin. Hindi maeedad na tulad niya. Aayawan pa rin kahit na may asim pa. Bihira na lang kung sinong may gusto pang sumama sa kanya. Madalas din yan makaaway ni Mari kaya kilala ko na rin ang ugali niyan. Tila parang galit ito sa lahat ng kababaihan. Halatang inggit at 'di matanggap na siya ay kumukupas na.
Ganun talaga siguro pag matanda pa. Balita ko nga na, ni wala pa daw itong asawa. Ayaw mag settle down at pinili na lang maging stripper forever.
Damn. Minsan nga hindi ko maiwasang mahabag sa tulad niya. Palagi kong lubos na iniisip na meron pa kaya? What if, matulad ako sa matandang 'to? Aabutin na ang katandaan, mag-isa ka pa rin sa buhay. Like... tulad naming stripper, ganito ang trabaho. Marumi. May mga tao pa kayang... kaya kaming tanggapin sa kabila ng naging trabaho namin?
Wala siguro. Walang matinong lalaking at kahit 'di matinong lalaki ang kayang tumanggap sa amin. Na bukod sa katawan lang ang habol, wala ng iba. After all, it's just our body, not your heart, mind and soul.
"Why don't you get busy inside the bar? What are you doing here? " agad ako nabalik sa reyalidad ng kinakausap pala kami ni Luca.
I heard Mari heavily sighed. "Yea. Well Phryne and I work together. This is where you stand, is ours. This is our turf. We've got seniority, so you'd better be off our corner. Shoo shoo! "
Napataas lang ang kilay nito at sarkastikong nangiti. Halatang pustiso na ang gamit nito. "Oh forgive me, honey. I was just taking a rest here. Besides... you don't own this space, as far as I recall. You look like an elementary school girl picking a fight because you didn't get any candy. Aw." then she frowned, sarcastically smiled and rolled her eyes.
"Yea. Well at least we're not old like you, so go rest up by Downtown where you belong! " lumalakas na ang tono ni Mari.
"Mari, that's enough." awat ko. Langhiya talagang babaeng 'to. Sobrang taas ng init ng ulo ni Mari pagdating sa babaeng 'to, eh.
Madalas ko nga sabihan na huwag ng pinapatulan. Na ganun talaga 'pag matanda na, dumadalas ang pagiging mainitin ang ulo.
"Back off, Mari! You know you really becoming a grouch!" inis na sumbat ni Luca sabay talikod nito nang may isang kotseng bumukas para sa kanya at agad siyang pumasok nang hindi na kami nililingunan.
Napabuntonghininga na lamang ako ng malalim.
"Baby! You chose the wrong woman because of the stench of that wrinkled pussy!" pahabol pa na sigaw ni Mari sa patuloy na harurot na sasakyan.
Napailing na lang ako sa babaeng ito. Nakakunot nang humarap sa akin ito at mukhang asar na asar.
"Putangina talaga babaeng 'yan! Am I really a grouch!?"
My brows shot up and rolled my eyes on her. "Sometimes, Mari, sometimes. Pwede bang tigilan mo na matandang 'yun? Bakit ba laging ang taas ng init ng ulo mo dun?"
"Well just because I'm hungry... and horny! Wait, I'm gonna get something to eat!" akmang tatalikod na ito.
"Go, ahead.." at napahikab ako. "But please, hinay-hinay ang pagkuha ng pagkain. This ain't a buffet, Mari." pahabol ko pa, dahil grabe ito kung kumuha na malalatak na pagkain roon.
"Whatever, Phryne. I'm fucking hungry so don't irritate me!"
Naputol lang siyang pumasok nang may isang sports car na dumaan sa amin na kumpulan na mga kalalakihan.
"Hey, girls!"
"Hey, yo, baby!" agad na lumingon at bumalik si Mari na parang 'di nakaramdam ng gutom kanina.
"How about my freebie? It's my birthday!" sigaw pa nung kanong nagda-drive na lalaki.
Cutie sana pero parang tumakas lang sa bahay dahil pinaghihigpitan ng kanilang nanay.
Ang babata pa. Mukha pang mga totoy bibo.
"That's a very sweet offer but dream on, baby!" nag-flying kiss pa ang luka matapos sigawan kasabay ng patuloy na harurot at nilampasan kami ng sports car na puno na mga kalalakihan.
Tingnan mo 'tong babaeng ito, pati mga teenager talaga papatulan nito, eh! Lapagan mo lang yata ng condom, aariba na agad yan. Haynaku. Lantud talaga. Kaya nadalas pagiging matumal niya sa sweldo at tip, eh. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala minsan sa kanya.
"Ang bagal ng oras ngayong gabi..." habang tinatanaw ko ang mga ilang sasakyang dumaraan. Baka sakaling may tumigil, gogora talaga ako.
"Yea. Well, maybe you should get a pimp. You know... your Majesty really digs you." asar na naman nito na ikinairap ko.
"No way. Again." agad na iling ko.
Hindi ko maiwasang mapaungot sa kaisipang... sa ilang linggong pangungulit at pagpunta ni Heimlich sa bar ay tila nanibago ako nang bigla na lang itong nawala.
Mahigit dalawang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Halos hindi ko maramdaman. Na sa tuwing nagseserba ako, o kung kani-kanino lalaki akong nakakandong ay may mainit na matang nagmamasid sa akin.
Yun ang naramdaman ko pag alam kong naririyan lang siya sa paligid. Pinapanood ang mga ginagawa ko habang umiinom. Minsan nga nawiwirduhan na ako eh, pero dahil wala naman siyang masamang ginagawa ay hinayaan ko na lang. Pero ngayon... wala. Ni anino ay wala. Naisip ko rin yung mga pinagsasabi niya. Hindi ko maiwasang matawa na mukhang pinagloloko lang talaga ako ng lalaking 'yon. Sabi na nga ba, eh... nagsawa rin. Malamang sa malamang ay may iba ng babaeng kinagigiliwan iyon.
"Do I look beauty?" tanong ko kay Mari habang abala na itong pag-ngata ng mga cherries.
Umangat ang tingin niya sa akin at tinitigan ako. "You're glamorous, baby." saad niya habang tinitingnan ang kabuuan ko. "I love your look. Perfect." sabay kindat niya na ikinatawa ko.
Napangiti ako. I just wearing a fitted red dress above the knee. Nakalugay ang aking wavy na buhok na kinulot ko pa sa ibaba at hindi kakapalan na make-up.
"You too. Always." saad ko rin sa kanya ng matanto ko ang suot niyang paboritong shorts na maikli. At tanging brassier lang na pinatungan ng denim jacket ang pang-itaas na suot niya. Makapal ito kung magmake-up at favorite talaga nito ang violet na lipstick. She's sexy and cute at the same time because of her messy bun. "Don't you want get outta here?"
"Get outta where? Where the fuck you wanna go?"
Napabuntong hininga ako ng malalim. "Everywhere."
"You know, the hot guy who followed you last week. Don't you miss him? Why don't you just accept his offer? Wala namang mawawala."
"I can't believe were even talking about this again. Sa tingin mo, kailangan ko talagang maniwala ron?"
Naputol ang aming usapan nang may biglang paharurot na pumarada sa aming tapat na magandang kotse.
"Oh, yo! Oh, yo girl! Catch this! Catch this!" tukoy ni Mari sa bagong dating na sasakyan.
"Holyshit, girl. That's a Veilside Mazda!" hindi makapaniwalang utas ko.
For sure bigtime to! Dito pa tumigil sa 4Play! Sino kaya ang may-ari nito? May balak ba itong bumaba at pumasok sa bar? Oh naghihintay ito ng babaeng aangkla para magpaligaya sa gabi niya!?
"Fuck... I know, Phryne. I know. Duh? Of course, he's rich! Kotse pa lang, alam na. You know what? You should go for him. You really look hot tonight." Aniyay nagmamadaling inayos pa niya ang hawi ng buhok ko, mas lalo niya pa inangat ang suot ko para lalong lumantad ang legs ko.
"Really? Teka, p-paano ka? Talagang ipapaubaya mo talaga sakin ''to? Sigurado ka?" paniniguro ko dahil siya naman ang unang nakakita nito, at nang ngumiti ito at tumango ay napatawa ako. "Nakaka-touch ka naman!"
Napangisi siya sa akin. "Marami pang iba diyan, nandito lang ako, no! At alam kong pag mag-isa ako rito ay pag-aagawan na naman ako. Duh? Kilala mo ba ako? Hindi kita kilala! Lagi kaya akong sold out!"
"Oo na, oo na. Lakas mo, eh." natatawa ko na lang tugon.
"And believe me, I feel like that's really for you and not me." tukoy niya pa sa kotse nakatigil at inginuso iyon. Mukha talagang hindi bababa kung sinumang driver ng astig na kotseng 'yon.
"And how can you be so sure?"
"Instinct." sabay kindat nito. Napapaamang na napailing ako habang tinutulak-tulakan pa ako ng babaeng 'to. "You take care yourself."
Napabuntong-hininga ako ng malalim at ngumingiting tumango ako sa kanya.
"You take care yourself too." sabay halik ko sa pisngi niya.
"Don't forget to take less than a hundred, okay? Call me when you're through. Mag-ingat ka! Libre mo akong panty kapag nakarami ka!" sabay malaki pagkakangiti nito habang kumakaway matapos niya akong matampal ng isa sa puwet at bahagyang itinulak. "Bilisan mo na, at baka maunahan ka ng ibang mga hitad!"
Napaka mapagbigay talaga ng biyaya ang kaibigan kong 'yon.
Napapailing na nangingiting kumaway ako sa kanya. Agad naman akong nagmartsang maglakad habang winawasiwas ng maayos ang buhok ko. Pakembot-kembot humahakbang sa malanding paraan. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga ng madinig ko pa ang lalong paglakas ng busina nang papalapit ako sa isang magarang kotse. Mukha talagang hindi bababa at ang sadya ay maghihintay ng babaeng kung sino mang gustong sumakay sa kanya.
Unti-unti ko pa tinanggal ang long coat ko para lalong kapansin-pansin ang kahubugan ng katawan ko.
"Work it! Work it, baby! Work it! Own it! Work it! Own it!" dinig ko pang sisigaw-sigaw na animo'y kumakanta na luka-lukang si Mari.
"Okay... here we go again. I can handle this..." saka ako bumuntong-hininga ng malalim.
Kahit maraming beses ko na talaga itong ginagawa ay hindi ko pa rin talaga maiwasang kabahan. Syempre, iba ang trabaho kapag sa bar, kadalasan ay sasayaw ka lang, hintayin maswelduhan at bonus pa ang tip kumpara rito sa sarili mo pang duty, though hindi na siya under ng bar sa pag-alis-alis mo sa bar at magpatake-home or escort ng customer na masasakyan mo.
Mas nakakalaki kasi kapag gagawin mo din ito. Kahit magkano, minsan mabibigla ka na lang sa mga perang nahuhuthot mo pag-uwi mo. Palagi ko talagang dinadalangin na sana, okay pa ako pagkatapos kong gawin ito. Sa totoo lang ay hindi ko naman ito madalas gawin... minsanan lang kapag talagang... kinakailangan. Ginagamit ko ang mga taktika ko.
Nang makalapit at mapansin kong kusang nagbukas ang bintana ng kotse ay agad akong tumuwad para silipin kung sino man ang nasa sa loob. Agad akong ngumiti nang malaki.
"Hey sugar, you're lookin for a date?"nawala ang ngiti ko nang matanto ko kung sino iyon. "Damn baby, it's you again." pangisi-ngisi lang ako pero hindi ko maiwasang maharumentado ng malakas ang tugudug ng puso ko.
"Get in." utos niya habang seryosong nakatingin sa akin.
Kusang tumaas ang kilay ko. "And where are we going?"
"Just get in."
"Bakit nga?" napakunot na ako dahil mukhang naiinip ito. Utog na utog na ba ito sa akin?
Malamang, kanina pa kasi ito napapasulyap sa cleavage ko, eh. Lalo na ang mga mata nitong ang hilig igala sa kabuuan ko!
"Can we talk?"
"We are already talking, Mister. Duh?" inirapan ko siya.
Nag-igting lang ang panga at lalong humigpit ang lapat ng labi nito. "I mean, in private."
"About what?"
"I will tell you when you get in my car." sabay buntong-hininga nito.
Napakibot naman ang labi ko. Ano ba namang lalaking ito? Bakit kasi palaging napaka seryoso ang aura nito? Ni hindi man lang ako nilalandi sa pananalita para naman ganahan ako! Hindi siya tulad nung iba na lalandiin ka muna bago ka diretsahin! Samantalang siya, direct to the point! Maboboring na sana ako pero nang maisip ko kung gaano pala ito kadatung ay dagling nag-iba ang mood ko.
"Fine. For ten bucks." sabay ngisi ko habang ngumunguya na ng bubble gum.
Maganda na yung fresh, baka mamaya ay dakmain na nito ang mukha ko para halikan ako. Masarap pa naman ito humalik.
Geez. I miss his lips. Geez. Suit yourself, Phryne.
"That's ridiculous." napapaamang na utas niya.
"That's what you called business minded." sabay paputok ko ng bubble gum sa labi ko nang palobohin ko ito. "You know, price went up into twenty. Mahal rin akong kausapin, Heimlich."
Ilang segundong seryoso muna niya ako pinagmasdan at bumuntonghininga siya ng malalim. "Tss. You can't just charge me for talking. That's unfair."
My brows shot up. "Then no talk. I can do anything I want to, baby. Malaya kang lagpasan ako at hahanap na lang ako ng ibang baby majesty. It's not my loss anyway. Salamat na lang sa lahat. So, shoo shoo!" sabay ngisi ko sa kanya na ikinatalim agad ng tingin niya.
Irita yan?
" You win. I lose. Happy?"
I chuckled and winked at his irritated handsome countenance.
"Super, duper, baby." at saka ako umambang binuksan ang pinto at agad na umupo sa tabi niya.
Hindi ko maiwasang mapaungol sa hatid ng amoy niya. Hindi ganun kalakas ang aircon pero sapat na iyon para madama ko sa balat ko ang kaginhawaan lalo na't nanunot sa ilong ko ang nakakahalina nitong amoy. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagkakailing-iling niya sa akin na tila animo'y natalo sa casino sa mukhang lugi ng kanyang pagmumukha.
"Oh my god, this is a hot car, huh? Your car must corner as if it were on its own rails."
"I beg your pardon?"
"I mean, doesn't blow your mind? Ang ganda ng kotse mo! Is this yours?" tukoy ko sa magandang kotse niya sabay lingon ko sa kanya na namamangha ngunit parang wala lang sa kanya.
Seryoso lang itong nakatutok sa unahan habang nagmamaneho.
Pansin ko kasing sa bawat punta niya sa bar at nasasaktuhan kong kapag umuuwi ako at uuwi rin siya ay iba-iba ang kotseng ginagamit niya. Tila para lang siyang nangongolekta ng laruan na kotse-kotsehan.
"Yea," tipid na sagot niya. Mukhang naiinip dahil medyo traffic dahil sa maraming tao at nadagasang sasakyan.
"Sure ka? Baka naman nirentahan mo lang 'to?" natatawa kong tanong sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"Seriously? Gusto mong sayo na lang 'to?" biglang alok niya.
Napasinghap ako. "Seryoso ka?"
"Oo." seryosong sagot niya.
"Sus! Wag nga ako!" hindi pa rin naniniwala sa kanya. Maaaring may pera nga siya, pero sa ganitong kagandang kotse? Ewan ko.
"Itapon ko pa 'to sa harap mo, eh."
"Ang yabang, ah."
"You like? Just tell me, I'll give it to you." sabay lingon pa nito sa akin saglit.
Kumunot pa ang noo ko nang nanatili pa itong seryoso. Napalunok naman ako sa nagging alok niya. Seriously?
"J-Joke lang, hehe." tumikhim muna ulit ako para pawiin ang medyo hiyang naramdaman. "By the way, where have you been? I thought I would never see you again. Damn, I miss your smell baby..." I close my eyes and lean back in my seat, my legs crossed, as I sniff inside his car.
"And you smell like a sweet cocktail." dinig ko sa malamig niyang tugon, at kahit nan aka-sideview siya ay kita ko ang pagtaas-baba pa rin ng lalagukan niya sa leeg sa tuwinang lumulunok siya. "Why do I feel like you really miss me, huh."
"Oh, keep on dreaming, baby." I laughed a little.
"Fasten your seat belt. I am taking you for the ride of your life. Are you ready?"
Tumango naman ako at unti-unting nginitian siya.
"Hang on. Here we go,"
Sabay harurot pa lalo ng sobrang bilis ng kanyang sasakyan papunta na yata sa kalangitan.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro