Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 22


"That's it!" saka ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga kasabay ng pag-shot ng Margarita sa inumin ko.

"Holyshit! Really?" hindi makapaniwala itong tumingin sa akin.

"Yea? Mukha ba akong nagbibiro?"

Napangiwi ito at umiling. Medyo dismayado. "Eh anong nangyari pagkatapos niyo? Sinaktan ka ba niya? Wala naman 'bang karumaldumal siyang ginawa sayo?" mahihimigan ang pag-aalala rin sa boses nito.

Umiling ako. "Psh. Akala ko nga katapusan ko na, eh."

Kinuwento ko na rin sa kanya yung mismong kami na ang dalawa ng lalaking yon. Pero hindi naman detalyado kung paano kami nag-sex at anong position naming dalawa at anong ginawa ko... hindi yon! Hindi ko sinabi! Kahit kailan ay hindi ako nagkwento sa kanya ng mga ganyang bagay kahit na matagal na kaming magkaibigan! Palibhasa kasi, kinukwentuhan niya ako noon sa mga karanasan niya, eh. Kinuwento ko lang kung paano nangyari sa puntong iyon... kung bakit ako pa talaga ang napili niya. Ng lalaking yon.

"Crazy, right?" nakataas ang kilay kong bumaling sa kanya.

"Oh my god, he's crazy nga!"

"I told you! Ang creepy. Baliw yata 'yon, eh." ani ko na parang kinilabutan pa ako sa buong katawan.

"Baka baliw sayo." sabay makahulugang ngiti niya.

Napaungol ako at binigyan siya ng imposibleng tingin. "Oh, my god. Stop it, Mari! Still a creep for me. Hindi naman nakakakilig. Bakit ka mukhang kinikilig?" tumaas ang kilay ko sa malisyosang inaasta niya. Napapailing at bumuntonghininga ako ng malalim. "Kung ikaw kaya nasa posisyon ko, baka mainis ka rin at matakot—"

"Hindi ako maiinis sa kapogian niya kahit na alilain niya pa ako." putol niya sa sinabi ko.

Napairap ako sa kanya. "Kahit na! Kung pogi nga, pero may saltik naman? Huwag na lang, no! Ayus-ayusin mo nga minsan pagdedesisyon mo sa buhay pagdating sa lalaki, Mari. Kaya walang kanong nagtatagal sayo, eh! Pag pogi, sapat na!"

"Wow, ha? Sayo pa mismo nanggaling sayo frenny kong fokfok? Burikat na 'to, dinamay mo pa ako. Pero seryoso, tanong lang. Sige nga... pano kung interesante talaga siya sayo? Anong gagawin mo?"

Kumunot naman ang noo. "Oh, edi maglaway siya sa alindog ko! Yun lang."

"Wow... ang haba naman ng bulbol mo. Pero ang pogi niya talaga, Prina!" palibhasa kasi kilala niya yung pinapantasyahan niya.

Ewan ko kung paano niya nakilala? Siguro naging customer na rin yun ni Mari minsan. Ewan. Hindi ko naman madalas makita rito sa bar yung lalaking 'yon, eh. Kaya imposible talagang suki siya rito. Ang unang beses ko lang siyang nakita ay nung sa mismong mamahaling hotel sa Beverly Hills.

"No way. Creepy pa rin kahit na ang galing niyang..." saglit ako lumunok nang sumagi na naman siya sa isip ko. "humalik. Kahit na ang macho-macho nya tapos ang bango-bango. Lalo na ang balbas niyang nakakakiliti. Kapag hinawahawakan niya ako, kahit na kinakausap niya ako.. ang bango ng hininga niya. Damn. So creepy but damn so sexy—" suminghap ako saglit at umiling. "pero creepy!" halos magtalo ang isip ko habang nagsasalita ako.

Ngayon ko lang napansin na para akong natatanga.

"Okay... okay hold your breath. Para kang gigil diyan , eh." pagpapakalma ni Mari na nakatingin sa likod ko. Baka maghahanap na naman itong pupuchuin.

Nakakagat pa ang labi nito eh, siguro may natitipuhan na naman ito. Haynaku. Palibasa 'pag pogi talaga, go agad siya. Hindi man lang niya inaalam kung madatung ba, samantalang yun pa naman ang itinuro niya sa akin. Bakit hindi niya ma-apply sa sarili niya? Ewan ko talaga sa babaeng 'to. Pag pogi, bumibigay agad!

"Hindi ko siya makalimutan kanina pa..." pikit-matang pag-amin ko rin sa kanya. Madami pa akong gustong i-chika sa kanya dahil kahit sa isang gabi lang non, pakiramdam ko iyon ang pinakamahabang oras sa dami ng mga nangyari.

Dinig kong napalatak siya ng tawa sa akin. "Gaga! Sa lahat ng naging customer mo, sa kanya ka lang yata naging ganyan! Di mo makalimutan? Anong nangyayari sayo? Tinamaan ka ba?" natatawang saad niya at paubo-ubo pa ito habang umiinom. "Hindi naman kaya... type mo talaga siya?" now she was smiling like an idiot in front of me, kasabay ng pagsundot niya sa tagiliran ng baywang ko.

Naigtad ako at nailing. Hindi niya ako gets. Hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin. Hindi ako kinikilig! Naiinis nga ako, eh! Paano ko naman ba kasi makakalimutan! Lalo na ang mukha niya at mga sinabi niya sakin bago ako umalis!

"Of course, type ko siya—"

Napangisi lalo si Mari.

Ilang beses akong napakurap. "I-I mean, sino bang hindi magiging type 'yon? Pogi na, madatung pa! He's hot. Smoking hot. Fucking so damn hot... but whenever I remember what he said to me last night was so—"

"Haynako! Bente-kwatro anyos ka na, kung umasta ka, para ka pa lang nagdadalaga! Anong bang ginawa niya sayo para di mo siya makalimutan, ha? Sharp-shooter ba?" pagak pa siya natawa.

"What I mean to say kaya hindi ko siya makalimutan dahil—"

"I can't get you out of my mind either,"

Napaigtad ako sa gulat ng may bumulong sa tainga ko mula sa likod ko. Halos magsitayuan naman ang mga balahibo ko sa batok sa init ng hininga non. At nang humarap ako ay...

"Holyshit!"

"It's Heimlich not a holyshit, mi adelaide." Now he's smirking. Habang ako naman ay napapaamang.

Akala ko ba huling pagkikita na namin ay sa hotel? Bakit bigla itong napasulpot rito?

Pagkalingon ko kay Mariposa ay wala na siya sa tabi ko. Naroon na siya sa stage at sumasayaw habang sinasabuyan na nang pera ng kung sinu-sino. Halos makita ko ang gilagid sa laki ng kanyang pagkakangisi, dinig ko pa ang bungingis na tinis nito mula roon habang nakikita kong sinisipitan siya ng mga dolyar sa kanyang panty at sa kanyang malusog na boobita. Ang babaeng iyon! Mas mabilis pa sa hindot nang makawala siya sa tabi ko! Hindi man lang nagpaalam!

Napangiwi ako at bumuntonghininga ng malalim. Pilit na nilakihan ang ngisi ng lingunin ko siya matapos magbawi ng reaksyon.

"What are you doing here, baby?"

Ngumiti ito sakin. Oh, tamang sabihing sarkastiko na naman ito kung ngumiti.

"I'm here for a drink."

"Oh. I'm sorry, I'm so stupid! Don't mind me." napairap ako sa kawalan habang siya'y tipid kong nginitian at tinalikuran.

Mukha namang iba ang hanap nito kaya inabala ko na lang ang sarili ko na panoorin si Mari na sumasayaw sa pole. Tutal ay free time ko naman.

At kahit nakatalikod ako, nadinig kong umorder muna siya ng inumin sa bartender, at nang maabutan siya ay saglit siyang uminom. Akala ko ay aalis siya malapit sa pwesto ko ngunit nanatili lamang ito.

Hindi ko naman maiwasang mapasulyap saglit sa kanya. Paano kasi... mula rito, amoy na amoy ko ang lalaking pabango niya. Pamilyar, dahil ganito rin yung naaamoy ko sa kanya nung oras na hinahalik-halikan ko siya kagabi kahit na umuwi ako sa apartment ko.

Shit. Tila naiwan yata ang halimuyak nito sa suot ko. Muntik ko na ngang hindi ipa-laundr, eh.

Madalas talaga ako makaalala ng amoy ng pabango. Minsan ay nasasaktuhan ko kung sino may ari nun kahit na nakatalikod ako. Para bang kilalang-kilala ko na kung sino iyon. Kahit sa ibang lalaki. I am very, very, fond of men who smell good. That's sexy for me.

Kasalukuyan siyang nakaupo at may isang upuan ang nakapagitan sa aming dalawa kaya hindi kami sobrang dikit na dikit. Ewan ko ba... gusto ko siyang lapitan pero parang umuurong ako. Buwisit! Nahihiya ba ako? Parang hindi kami nagchukchak kahapon, ah!?

Tsaka bakit ba ako ang lalapit? Tapos na kaming magtikiman. At malamang sa malamang ay naghahanap na naman ito ng ibang matitikman. At ang isiping iyon ay para namang nakakamatay sa inggit. Sino bang hindi? Syempre, swerte mabibingwit niya ngayong gabi dahil grabe itong magbayad. Parang napakadali lang sa kanya magwaldas ng malaking pera kahit na mag-request ka pa kahit magkano.

Nakita ko kung paano pa siya tumingala habang lumalaklak sa babasaging baso, at kung paano tumaas-baba ang kanyang adams apple at kung paano niya rin dinilaan ang sariling mapulang labi sa huling latak ng kanyang iniinom na alak.

Napalunok naman ako. Ramdam ko ang panunuyot ng aking lalamunan habang napapasulyap sa kanyang makasalanang labi sa tuwing natatamaan siya ng patay-sinding makulay na ilaw. Pakiramdam ko, ramdam ko pa rin... iyon sa kuwan ko.

I mentally slapped myself! Damn it! Get your shit together, Phryne! Masyado ka yatang napaghahalataan!

"Jesus Christ..." anas ko sa sarili ko habang naiiling kasabay ng pag-iwas sa kanya ng tingin, nang maramdaman kong ibinaling niya ang tingin sa akin.

"Your friend is dancing. How 'bout you? Wala ka rin bang balak sumayaw?" untag niya sa akin ng ikinaalipungatan ko.

Ako ba kinakausap niya? Lihim naman ako napangiti.

Tumikhim naman ako saglit at agad na nagbawi ng reaksyon. "I performed earlier, baby. Sayang hindi mo ako naabutan."

Napabuntong-hininga ito ng malalim at napakunot. "Seriously, why do you keep calling me, baby?"

"Because you're my sugar baby?" kagat-labi kong sagot. Wala lang parang gusto ko lang siya asarin.

Pakiramdam ko kasi, kapag inaasar ko, bumibigay din naman siya, katulad ng ginawa ko kanina!

His brows shot up again. "Tss. Stop calling me that. It's cringey. Baka ikasanay ko."

"Edi... masanay ka. It's not my problem..." natawa ako ng mahina. "... baby." dugtong ko.

Tumaas lang ang kilay nito habang nakatingin sa inumin. Nakita ko ang paggalaw ng panga nito habang may saglit na multong ngiti na umultaw sa kanyang labi. Nakita ko pa kung paano rin nito paglaruan, patunugin ang babasaging baso gamit ang kanyang mamahaling gintong singsing.

Wow. Kahit simple lang talaga ang kanyang dating, animo'y makikita mo talagang siya ay yayamanin.

"So, what are you up tonight?" this time ay bumaling na siya sakin na parang ako lang ang tao kausap niya sa buong mundo.

May mga dumadaan kasing malalantud na babae at mga nagpapapansin. Ngunit nanatiling wala itong pakialam at para lang silang langaw sa kanya. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa na parang ako lang yatang babaeng kapansin-pansin sa kanyang mga mata.

I stopped fidgeting my fingers and smiled at him. "Hmm.. just serving drinks to customers, uh... entertaining them... until they make their night happy and, of course, charge them money." I bit my lower lip nang matanto kong masyado akong dumaldal.

Kita ko ang pagtuon ng mata niya sa leeg at panga ko, sa may dibdib ko, pababa, hindi nakatakas sa paningin ko ang saglit na paglunok niya dahilan na mapansin ang paggalaw ng lalagukan niya sa leeg at saka muling umangat ang tingin niya sa akin.

His lips parted. I smirked at him.

Tumango na lang ito at hindi na nagsalita pa.

"How 'bout you? What're you doing here? Hooking the hookers again, baby?" I chuckled.

"Nah." He shook his head. I noticed the sourness of his reaction. "My one and only hooker ran away last night without even saying goodbye." ngumiti ito ngunit sarkastiko.

Napakibit balikat naman ako at napayuko, dahil ako lang naman ang tinutukoy niya. Paano ba naman kasi... nagpaalam lang siyang mag-shower, sabi niya babalikan niya raw ako pero matapos niyang mabigay sa akin ang pera ay walang ura-uradang umalis na agad ako. Mabuti nga paglabas ko ay wala na dun yung Father niya. Mga bantay lang. Buti na lang talaga nakalusot ako at hindi pinigilan. Hindi ko rin naman alam na... hinihintay at hinahanap niya pala ako.

Bakit naman kaya? Wag niyang sabihin na... gusto niya pang round three?

At isa pa, ayoko lang naman kasi baka paglabas niya tutukan niya ako or what at baka matulad ako sa mga kasamahan ko. Ayoko ding umuwing may bangas sa mukha! At isa pa, nawiwirduhan din ako sa tinatawag niya sa akin!

"Oh, I'm sorry. I hurried home last night coz I had something... uhm... important to do." pagdadahilan ko na lang. "Hindi mo naman sinabi na gusto mo pa lang maka-round three, hehe."

"The reason why I'm here because I'm looking for you." diretsa niyang sagot at seryosong nakatingin sakin.

Napalunok naman ako. "Oh, really? Ito na nga oh, kausap mo na ako." napalatak naman ako ng tawa. "Already miss me, huh?"

"I'm also here to ask you if you still—"

"My answer is still a n-no." agad na sagot ko dahil alam ko na naman ang sasabihin niya.

Napabuntong-hininga siya at tumagilid lalo sa akin. Kaya lalo kong napasadahan ang kanyang madilim at mapilyong mukha. Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang kanyang kabuuan. Nakasuot na naman ito ng white long-sleeve na walang kwelyo, bukas ang tatlong butones kaya nasisilayan ko na naman ang kanyang tattoo sa kayumanggi at mabalbon nitong dibdib. Maging ang manggas nito ay magulong nakatupi hanggang sa kanyang siko kaya nasilayan ko na naman ang mga mala-tintadong artistikong braso nito.

Ang medyo kahabaan na buhok nitong maganda ang hawi ngunit magulo, at syempre ang kanyang lip bite piercing na halos kumislap sa mata ko. He's biting his lower lip while staring at me. Ang malapatan rin ng neon lights ang kanyang nag-aasul na berdeng mata ay nakadagdag sa atraksyon niya. Paminsan ay nilalaro ng dila nito ang piercing nito sa gilid ng kanyang mapulang labi habang nasusulyapan ako.

Para akong pinag-aaralan. Sa paraan ng titig ay para rin akong gustong hubadan, dahil sa kuryoso nitong mga matang nakatingin sa damit ko, na para bang iniisip kung gaano kaganda ang kalooban ko. Na kahit nakatutok ang mata niya, wala naman akong ginagawa, tila may nakakaaliw siya sa aking nakikita. Na kahit malamig ang mga mata ay pansin ko pa rin.

Ngayon ko lang natanto kaya agad akong napainom ng tequila. Humugot ako ng malalim na hininga. Damn. Siguro naseseksihan ito sa suot ko.

"Stop staring at me, baby."

He smirked. "And why don't you want me to stare at you?"

"You know..." pinasadahan ko ng palad ang aking buhok habang dahan-dahang pinagkrus ang aking legs dahilan na lalong mabanat pataas ang aking maikling suot.

Just a little bit, the cheek of my butt was waving in front of him.

"Bakit mo tititigan kung pwede mo namang hawakan..."

Palihim akong napangiti nang mapansin kong lumapat ang mga mata niya sa makinis kong hita. Nakita kong tumaas lang ang kanyang kilay at napailing.

"Are you saying I want to touch you?" his adams apple protruded. Nakita ko paglasing sa mata niya nang magtama ang paningin naming dalawa na ikinatawa ko.

"Oh, baby." napainom na lang ako. Narinig ko naman ang malutong na mura nito nang matanto niyang niloloko ko lang ito.

"I will not stop until you agree. You will bite it too. Guarantee it."

"Rot in there. Masama akong kulitin, my majesty." humalumbaba ako kasabay ng pagkindat ko sa kanya.

May multong ngiti ang umultaw sa kanyang labi kasabay ng marahan nitong pagtango habang nakataas ang kilay niya sa akin.

"Masama rin akong tanggihan, mi adelaide."

"What a tough. Magsasawa ka rin." I said mockingly. Hindi sineseryoso ang kanyang mga sinasabi.

"I haven't even tried it yet, and then you say I'll get tired right away. Why don't we try it?" umiling-iling ito sabay nag-'tsk'.

My brows immediately shot up. "Sinasabi mo lang 'yan dahil nabaliw ka lang sa alindog ko. Believe me baby, marami pang babae dyan na kayang sumama sayo kahit saan mo kaladkarin, maraming kusang luluhod sayo. Basta wag lang ako. Hindi lang ikaw ang lalaking gustong makasama ako. Kawawa naman yung ibang naghihintay sa akin. Hindi ako umuulit ng ibang customer dahil marami pang may gusto makaranas ng lambing ng Phryne. I'm a busy person you know..." dahilan ko na lang pero totoo naman.

Masarap naman kagatin ang sinabi niya kaso baka naman mapatulad ako kay Sydney at Katie. Naku, huwag na, no!

"You know, wala ng mas aalindog pa sayo."

Umiling lang ako. Agad kong kinagat ang labi ko sa nagbabadyang ngiti. Okay, medyo kinilig naman ako ron! Ang galing talaga niyang mambola kahit na sarkastiko ang kanyang itsura! Saan pa ba siya hindi magaling?

"I will not stop."

"Oh... come on! You're just joking." napairap ako at tinawanan siya.

"No." nanatiling seryoso ang kanyang itsura.

"You're really good at flattery. Of course, you won't do it."

"Wanna bet?" tumaas kilay niya.

Hindi ko naman siya hinahamon ngunit talagang simula ng ganitong pag-uusap namin ay napapansin ko ang padalas-dalas niyang pagpunta dito sa 4Play Club. Minsan ay kasama niya ang mga butler na si Mr. Clean at Teletubby. Ang dalawang kalbo.

Minsan nga nakikita ko na lang na may ibang mga katrabaho ko na pinupuntirya siya, lalo na si Heimlich. Kaya naman 'yung dalawang itlog niyang butler ay tuwang-tuwa lalo na minsan, pag-out ko na sa duty, it's either mangungulit siya sakin, ipapaalala ang sinabi niya, basta na lang mamimigay ng drinks, mamimigay ng malaking halagang pera o kaya uuwi na rin siya kapag uuwi na rin ako.

Yea, ganun siya kaepal sa akin. Kung hindi lang siya gwapo ay baka natadyakan ko na siya ng isa sa mukha sa pangungulit niya.

Habang ako naman, walang pakialam dahil abala ako sa mga duty ko sa Club. Sayaw. Inom. Entertain ng mga costumers. Parang cycle lang sa iba-ibang lalaki.

"Nandito ka na naman!?" gulat na tanong ko sa kanya sa pang limang araw na niya rito tuwing gabi na pumupunta siya.

This time, hindi na niya kasama ang dalawa niyang butler. Mukhang mag-isa lang siya at mukhang... badtrip?

"What's the matter? I'm not only here for you. I'm here for a drink."

Napaamang ako sa pagiging moody niya. Napailing na lang ako. "Oh. There are so many hookers here, mamili ka lang kung bored ka. Ilalakad kita." ani ko nang mahatiran ko ang kabilang table ng isang bucket na ice at ilang prutas at alak katulad ng request nila.

I chuckled when before I turned around, a man tapped me on my ass as he thanked me. Agad na binalingan ko ulit si Heimlich, nahuling kong nakakunot ang noo nito ngunit agad na nagbawi rin at nag-iwas ng tingin nang mapansin niyang napatingin ako sa kanya.

"Just you are enough for me." seryoso niyang sagot na kabaligtaran naman sa naging reaksyon ko.

Ano ba itong lalaking 'to!? Ano bang nakita niya sa akin at parang humaling na humaling ito sa kaalindugan ko?

Mabuti na lang talaga at wala akong show ngayon at sina Chiky, Alek at Xy ang magpe-perform. Kaya naman ako, tamang serba lang minsan ng inumin, minsan naman i-entertain mga costumers, o kaya makikisama na rin sa inuman dahil hinihintay ko lang na mabigyan rin ako ng mga tip. Hintayin ko muna mapuno ng tip ang mga bulsa ko sa damit, sa boots ko, at kahit isipit ko na rin sa boobs, panty o singit ko, ay saka ako lalarga pauwi pagkatapos ko makuha ang isa pang tunay ko na sweldo sa boss ko.

Si Mari kasi, nagpaalam na rin sakin kanina. Mukang dyu-duty na naman yun sa labas at haharang ng mga tigang na driver sa mamahaling kotse. Yea. That's one of her tactics.

"Alam mo, imbes na mainis ako sayong bumbay ka ay pautangin mo na lang ako! Para naman matuwa ako sayo, bayaran na lang kita!" pagbibiro ko sa kanya.

"Pwede rin. Kung isang tulad mo naman ang uutang, hindi ko na dodoblehin ang pagsingil, pwedeng libre na lang pagdating sayo, my--"

"My dear? Sus! Mga galawan talaga niyo talaga, oh! Palaging ganan ang tawag! Pag libog, my dear ang tawag! Oy, hindi lang ikaw gumaganyan sakin kaya hindi mo ako madadaling pikutin kahit ganyan ka kagwapo at mabango no... hmp!"

"You're not just a dear to me, you're my adelaide.." sabay halumbaba nito sa countertop.

May isang katrabaho ko pa sana ang lalapit sa kanya ngunit agad akong lumapit sa lalaking ito dahilan ng pag-atras ng haliparot nitong babae nang nginusuan ko siyang asikasuhin ang customers na gustong kumuha ng drinks at inilingan siya. Kita ko ang mabilis na pag-irap nito, mukhang dismayado.

Hmm, tangina wag ito. Bitch, akin 'to.

Nilagay ko ang tray sa mesa, at dahil nakatukod ang dalawang siko ni Heimlich sa mesa ng countertop at medyo nakabukaka ang kanyang hita ay pasimpleng pumwesto ako sa kanyang gitna kasabay ng pagdikit ng katawan ko sa mainit niyang katawan. Agad nanuot sa ilong ko ang mabango nitong amoy.

"Why do you keep calling me adelaide, baby?" tanong ko muli sa kanya.

This time ay pinasadahan ko na ng palad ko ang kanyang dibdib at balikat. Sinabit ko ang dalawa kong braso sa kanyang leeg habang nakatutok ang mata ko sa mata niya.

He's biting his lower lip. Agad na namungay ang kanyang mata. Tila nagulat sa ginawa ko sa pagparte ng labi niya. Ni wala akong nakitang pagkadisgusto sa ginawa ko sa kanya. Na baka itulak niya ako o saktan katulad ng ginawa niya sa mga kasamahan ko non.

Pero wala. Nanatiling nakapirmi ito ngunit nakakunot ang kanyang noo at seryoso. Ramdam ko rin ang unti-unti pagkulong ng hita nito sa aking baywang dahilan na mapalapit lalo ako sa kanyang katawan.

"I will tell you if you will say yes..." his voice hoarse, kabaligtaran naman sa tigas ng kanyang reaksyon. Mas lalo tuloy pumeperpekto ang panga niya sa paningin ko.

I saw how his gaze drew close to my neck and jaw before returning to my eyes again.

"Hmm..." I slowly nodded. "You know what? Just send me your money, I'll send you my pussy..." I whispered as I teased him.

Agad kong nakita ang paggalaw ng lalagukan nito sa leeg ng lumunok siya. "Really?"

I gave him a nod and a smile. I gradually moved my face closer to his. His lips drew even closer together. I bit my lower lip and quickly ran my tongue across the side of his pierced lip.

Saglit itong suminghap at mahinang malutong na napamura sa aking ginawa.

Pinisil ko ang tungki ng ilong niya at tinawanan siya saglit. Paano ba naman ako magaganahan ng husto? Kung itong lalaking 'to, nagpapaamo, pero ubod naman ng mukhang suplado.

"Uh-huh." dahan-dahan akong tumango at makahulugang ngumisi sa kanya, sabay lagay ko ng palad sa dibdib niya habang pinalalandas iyon bago ko siya tinalikuran.

Napabuntong-hininga na lang at medyo nakukulangan ako sa natatanggap ko ngayon. Yung halos kalahati kasi na naging pera ko nung birthday ko ay pinadala ko sa pamilya ko, pinabalato ko rin si Mari katulad ng ipinangako sa kanya at natuwa naman siya. Akala niya siguro nagjo-joke lang ako. Samantalang yung half na natira sa akin ay iba-budget ko lalo na't nagbabayad pa ako ng rent sa partment ko.

Yes. I have my own apartment. Kahit na gustung-gusto ni Mari na magkasama na lang kaming dalawa ay mas pinili ko ng bumukod. Halos ilang taon rin kasi ako nakipisan sa apartment niya, eh. Nakakahiya naman kung nandon pa ako. Kaya kahit ayaw niya ay mas pinili kong bumukod nang sa gayon ay lalong masanay ako. At isa pa... mas gusto ko rin na may privacy ako kapag natutulog ako. Then sa umaga, maalin sa aming dalawa kung sino tatambay sa apartment namin. Pero madalas, siya na ang bumibisita sa apartment ko.

Yes, close kami ni Mari. Marami na rin kami pinagdaanan at pinagsamahan sa loob ng mahigit limang taon pero iba pa rin kapag may privacy ka. Medyo payapa ang isip ko. Di tulad nung habang nandun ako sa apartment niya ay halos madalas kong madatnan na iba-ibang lalaki ang dinadala niya. Medyo hindi ko gusto at naiilang din ako.

Katatapos ko lang maligo nang lagyan ko ng catfood ang kainan ng alaga ko. Agad akong sumampa sa kama kahit na naka-bra at panty lang ako. Katatapos ko lang maligo.

Dumapa ako at dinama ang malambot na kama. "Oh, this feels good..." napaungol ako sa pagod na naramdaman.

Maya-maya'y pipikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Napakunot ako nang makita kong unregistered number ang nagtext sa phone ko.

Muntik na akong magalit ng makita ko ang dirty text na message sa akin na kung sino. Baka kung sinong naging barat na customer na nangungulit lang pero mali yata ang hinala ko.

I already send 2000 bucks in your account. Now send me your damned precious fucking P you told me earlier.

Hindi pa man ako nagrereply ay may isa pa ulit siyang message. Nagulat ako nang may mag pop-up pa sa email ko ang isang notification na galing bank ko as a proof na may nag-deposit ng malaking pera sa akin. Nawala ang antok ko sa nakita.

"Holy shit..." seryoso ba talaga siya? Ano bang utak na meron siya? Teka, at paano naman niya nalaman ang bank account details ko!?

Nawala ang iniisip ko nang tumunog muli ang phone ko.

Btw, this is Heimlich, your majesty, mi adelaide.

I smile because he is thoughtful and gullible at the same time.

Unbelievable.

Sa totoo lang ay madali siya mahuthutan ng pera. Parang barya lang ang mga halagang winalwaldas niya. Kaunti na lang malapit ko na talaga siyang maging favorite.

I appreciate this more than you'll ever know, my majesty.

I replied. Sinakyan ko na lang pinagsasabi niya sakin pero ang totoo, hindi ako makapaniwala. Madali siyang kausap. Pero... utu-uto ba siya!? Sino ba naman kasing matinong tao na basta na lang pumapayag na magwaldas ng malaking pera?

Sa kaisipang sinendan niya ako ng pera ay agad nawala ang ngiti ko. Puta! Hindi naman ako yung tipo ng taong nagsesend ng nude photos ng basta-basta at kung sinu-sino! Never in my life na ginawa ko iyon.

At kung gusto man nila makita, sa personal lang! Hindi sa picture, paano kung kumalat, 'diba? Argh! Di ko naisip yon. Kung bakit ba naman kasi biniro-biro ko pa iyon, yan tuloy... sineryoso niya!

Agad naman ako naigtad ng maramdaman ko si pussy na tumabi at sumiksik sa hita ko. Agad ko naman ito hinimas ang napakataba at mabalbon nitong katawan. Ang laki ng pinagbago niya dahil alagang-alaga ko talaga siya. Lalo siyang naging malusog at halos magmukhang siopao sa taba ng mukha niya, kumapal rin ang bawat hibla ng balahibo nito. Talagang pina-engraved ko pa ang pendant nito na ang nakalagay ay 'my lovely pussy.'

At sa mga oras na ito ay bigla akong napangisi.

"Pussy, ming ming... come here. Take a picture with me.." sabay ngiti ko sa front cam ng phone ko habang buhat-buhat ang pusa at magkadikit ang mukha naming dalawa.

Lalo kong nilakihan ang aking ngiti. Bonus na lang na naka bra ako at ultaw na ultaw ang malusog kong dibdib! Maglaway ang lalaking ito! Bahala ka sa buhay mo!

"Say hi to my pussy. Thanks for the money, baby."

There. Last message I sent before I closed my eyes.

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro