PHASE 2
No matter what they say, it's all about money.
Kahit anong gawin mo o maging propesyon mo sa buhay, iisa lang naman ang ating inaasahan at madalas na kinakailangan, kundi.. pera. For the majority? Yes, kabilang na iyan sa mga pinaka dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy magpakahirap o magpakasarap sa buhay.
Whatever we do, it's all about money.
Yun naman ang madalas na maging dahilan sa maraming bagay.
They say, sometimes you've got it all and we've got nothing. But sometimes there are things that are easily obtained with just one flip, and there are things that are not immediately.
Kaya... siguro ganito ang paniniwala ko. Malayo sa paniniwala niyo. Ako kasi, nag-aaral ako, gusto kong magtapos, makaahon sa hirap dahil kailangan din namin ng pera. Oo. Yun lang ang tanging iniisip ko. Kailangan na kailangan eh. Dahil dito? Pag di ka tapos, ang tingin ng iba sayo, tamad o kaya naman... bobo ka. Walang mararating sa buhay.
Mahirap na nga, bobo ka pa.
We are also always stuck with two options before we choose a decision. A decision we will not regret someday.
Once upon a time, there was a woman with lofty dreams. Not just for herself, but for her family as well. She was just a simple woman with a simple life. Kaya ang pangarap niya, simple lang rin, ang maiahon rin ang kanilang buhay. Tulad ng ibon ng malaya at matayog kung lumipad. Ganyan lang ang kanyang buhay noon. Malayung-malayo sa kinabubuhayan niya ngayon. Bago dumating sa puntong itong babaeng matayog kung mangarap ay unti-unting naging mababa ang paglipad hanggang sa lumagapak sa lupa.
"Okay. Both of you have worked so hard to get here. But only one of you is about to become our new Miss Binibining Cebu. Good luck to both of you. "at once, the sound of the song is accompanied by the shouts of many.
"The winner of Miss Binibining Cebu is..."
Along with the roar of a drum, was the strength of my heartbeat and the shouts of the people too, parang laging bago pa rin sa akin. Excitement at hindi mawawala ang kaunting kaba. Pinagpapawisan ako ng malamig ngunit nagagawa ko pa rin kumportableng ngumiti sa lahat ng manonood.
There's no denying that almost the screams of the people I hear from the stage are about me.
Mula ng kanina pa nagsisimula ay hindi yata mawala sa pandinig ko ang pangalan ko. Pamula sa introduction, talent portion, pag-rampa at ang question and answer portion na katatapos lamang ay lalo yatang lumala ang malakas nilang sigaw, masigabong palakpakan at suporta tungkol sa akin. Mapakilala ko man o hindi ko kilala.
Paulit-ulit na sigaw ang pangalan ko, halos marinig ko rin ang ilang baklang kasamahan ko, ilang kakilala at kaibigan ko na may kanya-kanyang hawak na pompoms at malaking banner na may malaking picture at pangalan ko.
I laughed at them, habang patuloy sila sa pag-cheer at tumatango sa akin. Sila pa yata ang may pinaka malakas ang boses.
Ang makita sila ay nawawala ang aking kaba at pangamba.
Ang mga katabi kong kandidata ay halata sa kanilang kinakabahan. While I, still stood with my head high and confidently smiling. Hindi inalintana ang sakit ng aking paa sa sobrang taas ng high-heels maging sa bigat na suot ng aking gown. Dahil ngayon, oras na para sa korona. Kung sino ang karapat-dapat, at malakas ang kutob 'kong mapapasakin 'yon dahil alam kong panatag ako at ginawa ko ang best ko.
Palagi akong consistent pagdating sa ganitong bagay, bukod sa katuwaan at hobby na rin, ay hindi ko maiwasang magseryoso mula rito dahil kapag alam kong mananalo ako... may price na makukuha ako.
But whatever the decision, I will accept it humbly.
Ito ay isang magandang laban at alam kong naisagawa kong mabuti. I gave my very best, my very best shot. And I know my fellow opponents did everything and they are doing well too. It's really a great experience for me and for all of us. Because we were given a good opportunity and we had the experience to be a candidate in this big event. Dahil alam nilang may potensyal ka.
Malaki ang potensyal mo at malayo ang mararating at maaabot mo sa buhay. Ganun ang paniniwala ko, isa sa naging dahilan kung bakit hindi ako tumitigil at nagpapalakas sa loob ko kaya malaki ang pag-asa ko, dahil hindi ko pa nararanasang maging kulelat sa mga nasasalihan ko.
This isn't the first time I've joined a pageant. Even before this, hindi sa pagmamayabang ay palagi akong napapalaran na manalo at nabibigyan pa ng iba't-ibang titulo sa pageant sa mga barangay at kahit sa malaking event dito sa Cebu, na halos ang mga nakakalaban ko ay nagmula pa sa malalayong lugar. Malakas ang loob ko na sumali dahil sa tulong na rin ng pagsasanay sa akin ng mga kakilala't kaibigan kong bakla.
At dahil nakahiligan ko na, nagawa ko na rin pagkakitaan sa dala ng pangangailangan para makatulong sa pamilya.
Sa murang edad ko pa lang noon nang ma-expose ako dahil palagi akong napupuri ng mga kakilala ko sa itsura ko lalo na sa hubog ng aking katawan. Palagi nilang sinasabi na nababagay talaga akong sumali sa mga pageant, at kahit na maging isang sikat na model, na minsan ako binibigyan ng mga calling cards ng mga magagaling na photographers para maging isa sa mga subjects nila. At dahil na rin sa mga bakla, napag-aagawan ako dahil gusto nilang sila ang humawak sa akin, o kaya maging make-up artist or designer nila ako.
With my tall and slender sexy body figure, hindi na mahirap para sa akin na lagi akong nakukuha at nakakapasok sa top. Hindi ako maitim at hindi rin naman sobrang maputi, tama lang ang kulay sa hindi maputlang katulad ko. Mahaba ang aking buhok at medyo tuwid, bagay na mas lalong akong nagmukhang matangkad.
Dati naiinggit ako sa mga mapuputi ang balat, minsan bumibili pa ako ng mga pampaputi at gamot para maningkad ako, ngunit itinigil ko na rin. Mas ginusto ko na lamang na ganito ang aking balat, natural, dahil yun din ang gusto at napupuri nila sa akin.
Kung bagay sa akin ang maging kayumanggi, palagi nilang mas pinupuna na mas babagay din naman lalo sa akin na maging maputi. Kaya hindi na ako conscious kung malapatan man ako o mabilad sa sikat ng araw.
"Come on, guys, who do you think will win? Who's your bet?" pasigaw na tanong pa ng host dahil sa dagundong ng ingay ng mga taong nanonood.
Napatawa ako.
Halos di na maintindihan dahil sa magkakasabay na iba-ibang pangalan ang sinisigaw. Ang mga judges naman ay natutuwang nanonood sa amin, iniintay na lang kung sino ang makokoronahan matapos nilang makapag-decide kung sino ang mananalo. May mga ilang artistang gwapo rin na dumalo at isa sa mga nag-perform at kumanta habang rumarampa kami kanina kaya lalong dumarami ang mga manonood.
"The winner of Miss Binibing Cebu is... Miss Phryne Gretha Malitaitai!" alingaw-ngaw na sigaw ng dalawang host.
I knew it.
Napabuntonghininga ako ng malalim at lalong lumawak ang aking ngiti.
Sa gulat at saya ay nilingon ko naman ang mga kasamahan kong kandidata, isa-isa silang binesohan, niyakap at kinamayan. Rehearsals pa lamang ay wala naman nangyaring iringan, tulad nila ay halos mga baguhan at iilan lamang ang matagal ng nakaka-experience ng ganito, at napaka-swerte ko ng makita sa kanila ang saya para sa akin.
"I knew it, ikaw talaga ang mananalo. Congratulations, Phryne. You deserve the crown," ani ng isang kalaban ko at nginitian ako.
"Thank you so much, congrats din. At least you still got into the top and you were also given the title, right?" ganting puri ko.
"Let's give some applause for our new Miss Binibing Cebu 2021!" agad naman lumapit sa akin ang mga judges at nabigyan ng bouquet of roses at sash maging ang kasamahan ko sabay pakikikamay nila sa akin.
Kaniya-kaniya silang papuri at pasasalamat.
Mabilis ang oras ay napuno kami ng pagpi-picture at awarding sa ilang kasamahan. Picture dito, picture doon. It's all very glamorous in conjunction with the confetti being exploded here on stage.
Ang dating naging Miss Binibining Cebu ay lumapit sa direksyon ko, binesohan at kinamayan habang binabati at pinupuri saka ipinasa sa akin ang korona habang hindi na ma-plaster ang aking malaking ngiti sa labi.
Panalo. Panalo na naman ako.
Hindi ako makapaniwala sa totoo lang. Sa dinami-raming magagaling ay ako pa rin talaga ang napili at mananalo. Alam kong ang kaba ko ay idinadaan ko na lang madalas sa lakas ng loob ko, kaya hindi pa rin ako makapaniwala na ako... ako pa rin.
This is my first time joining here in this big event, dati ay pabara-barangay lamang ako kung sumali ngunit sa unang sabak ko pa lamang dito sa malaking event, kung saan mas maraming taong nanonood, may artista at kilalang mga judges ay hindi ko inaasahang pagpapalain agad ako ng ganito.
Sabi pa nga ng mga kasamahan ko, na okay lang daw kung hindi man ako ang mananalo, dahil ang mahalaga ay at least naranasan at nasubukan man lang. At ngayon ngang nasubok ko na, pakiramdam ko ay kay sarap humakbang pa hanggang sa maging batikan na sa dami ng nasasalihan.
Masyadong mabigat ang nangingislap na korona sa aking ulo ngunit hindi ko inalintana iyon, masyadong madrama kung iiyak pa ako dahil hindi naman ako emosyonal pagdating dito kaya ngumingiti na lang ako. Mas lalong matutuwa pa ako sa price na makukuha ko mamaya. Excited na madala ko na ito kina Nanay at Tatay at mabilhan rin ng pasalubong ang aking mga kapatid.
"Come on! Take your first walk as a Miss Binibining Cebu Miss Phryne Gretha Malitaitai!" ani ng host dahilan na magsimula akong dahan-dahang rumampa sa gitna habang suot ang aking korona.
Panay kaway ko sa mga taong binibigkas ng malakas ang aking pangalan. Nakita ko pa ang mga kaibigan kong tumatalon sa tuwa sa akin habang papunta sa direksyon ko.
"Thank you all! For joining us tonight and special thanks to our beloved judges and of course to our Mayor who became among the judges! May you have a good night's rest! Thank you!"
Matapos ay nag-picture rin kaming magkakasama na kandidata na napabilang sa top at nabigyan rin ng mga sash at titulo. Maging ang Mayor ng Cebu ay naki-picture rin sa amin, bukod pa roon na si Mayor lang at ako na kinuhanan pagkatapos ma-picture-ran kasama ng mga hosts at judges. Maging ang ilang kilalang artista ay nakisali na rin.
Panghuli ay ilang mga taong hindi ko kilala ang nakipag picture sa akin. Mabuti na lamang ay sa pangangalay ko, nakalapit na ang mga kasamahan ko at agad na kinuha ang bouquet na hawak ko habang impit na umiirit sa tuwa.
"Oh my god, meses! Sinasabi ko na nga bang ikaw talaga ang mananalo, eh! Talagang ang galing ng rampa mo kanina lalo na sa pagsagot! Perfect!" puri ni Kakay, isa sa pinaka magaling na designer sa lahat ng isinusuot ko.
"Oo nga, talbog talaga! Mga walang panama sila sayo! Yung mga kasamahan mo kanina mukha ng matatae sa kaba samantalang ikaw confident na ngumingiti! Magaling ka, meses!" si Ate Barbs na siya namang pinaka magaling na make-up artist ko at hairstylist ko.
"Unang sabak, bongga na agad ang natanggap! Iba rin si meses. Selfie muna tayong tatlo! " ani ulit ni Kakay, tumabi sakin at nag-picturan kaming tatlo.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa stage para sa walang humpay na pictorials, ang mga host ay nakisali na rin at kanya-kanyang bigay ng papuri sa akin kasabay ng pasasalamat ko.
"You deserve to win Miss... Phryne Gretha, right?" ani ng Mayor na ikinapaamang ko na lumapit pa sa akin.
Nagkatinginan kaming tatlo at ngumisi ang dalawang bakla.
"M-Mayor! Opo. Salamat po. Hindi ko po talaga inaasahan ito, ang saya ko po," nauutal na pasasalamat ko sa Mayor ng aming bayan.
Tumango ito sa akin at ngumiti. Ilang segundo kami nagkatitigan, sa paraan ng pagtitig nito sa aking kabuuan ay pinagsalawambahala ko na lang.
Maya-maya lang ay inuntag na ni Ate Barbs dahilan na mapabaling ako sa dalawang kaibigan kong bakla na nagsasalita.
"We're so proud of you, meses. You really won the title, ikaw ang pinaka beauty and brain sa buong bayan dito sa Cebu! Sa susunod na raket natin isasalang na talaga kita sa ganitong kalaking event at alam kong madali na ito para sayo! Lumelevel-up ka na! Panahon na para mag-retiro ka na sa pagrampa sa mga barangay! Para rin na masanay ka!" natutuwang sabi ni Barbs ng ikinatawa ko.
"Sige ba. Mabuti na nga lang talaga at sumali ako. Salamat sa Diyos at pinalaran. Salamat din sa inyo, sa pagpapaganda lalo sakin at sa mga naituro niyo kung paano maging makapal lalo ang mukha," napatawa sila.
"Ano ka ba? Maliit na bagay, meses. Hindi talaga kami nagkamali sa pagpili na i-handle ka. Maganda ka at matalino pa, hindi ka mahirap maturuan. At oo, makapal ang mukha mo pero may ikakapal naman talaga. Ikaw ang dala ng swerte at magaling pa! Hindi kailanman naranasang hindi manalo!" proud na sagot ni Kakay.
"Teka lang, iiyak muna ako. Group nga hug tayo, punyeta!" pag-iinarte ni Ate Barbs na ikinatawa naming dalawa ni Kakay.
"Luh si bakla, anong kaplastikan 'yan? Tangina ka, wag ka umeksena dito, masisira make-up mo niyan!" suway ni Kakay.
Saka kami ng nagtawanan at nag-group hug. Kung wala talaga itong dalawang ito ay hindi ko na alam kung paano makakatulong sa pamilya ko.
Maaasahan talaga sila kahit kailan.
"Umuwi na tayo, alam kong hinahanap ka na ng mudra mo." paalala ni Kakay.
Napansin kong bitbit na rin nila ang kanilang mga dala habang naglalakad na kami paalis, tiis ganda sa sakit ng paa at bigat ng gown at sa bawat hakbang ko ay may nakahabol na bumati pa habang naghahanap na kami ng masasakyan na tricycle pauwi.
"Mabuti pa nga, pero bago iyan, bibili muna ako ng pasalubong sa kanila. Samahan niyo muna ako sa Andoks, libre ko!" anyaya ko.
"Anong karapatan naming tumanggi? Gora!"
Masaya naman silang tumatango habang sumusunod sa akin.
"Sige, Kuya. Dyan na lang po sa tabing kanto," pagpara ko sa isang tricycle driver na masilayan ko ang aming bahay na bukas pa ang ilaw sa labas ng aming terasa.
Kung hindi ang Nanay ko pa ang gising, pihadong baka si Kuya pa. Pero sana tulog na si Nanay para makapagpahinga agad ako. Mga ganitong oras din kasi paniguradong nagre-review at nag-aaral si Kuya. Yun lang naman ang pinagkakapuyatan niya tuwing gabi.
"Samahan ka pa ba namin meses sa loob?"
Agad akong umiling. "Naku Ate Barbs, wag na." sabay labas ko habang kumukuha ng pera sa wallet para magbayad ng pamasahe.
"Sigurado ka ba? Ipagpapaalam ka na sana namin kung bakit ngayon ka lang nakarating, baka pagalitan ka ng Nanay mo, eh."
"Naku Ate Barbs wag na. Hindi pa ba kayo nasanay? Sanay na ako. Alam niyo naman ang ko Nanay, diba..." nadinig kong napabuntong-hininga na lamang ito dahil naintindihan niya ang pinararating ko.
"Nanay mong mondragon," inaantok na sabat ni Kakay.
Alinlangan man ay tumango na lang sila sa akin. Mukhang napagod din talaga sila.
"Bye, Prina," sabay kaway ni Kakay sa akin habang ito ay bumaba mula sa angkasan.
"Ingat kayo, ah?" sabay tingin ko sa cell phone ko, at saktong mag-aalas dose na ng madaling araw. "Text niyo na lang ako kapag nakauwi na kayo!"
"Ano, jowa? Hindi ko aaksayahin ang load ko sayo, no!"
Natawa ako kay Kakay.
"Wala ka namang jowa, e!" banat ko pa.
"Pasmado ang junganga nito!" inirapan niya ako.
Lumingon ako sa driver at inabot ang bayad. "Kuya, heto na rin po ang bayad ko sa kanilang dalawa, ha? Baka kasi i-one, two, three lang kayo ng mga 'yan." sabay abot ko ng five hundred.
"Nako, hija, sobra naman ito. Tig-iisang daan lang naman kayo dahil magkakaiba kayong sitio," anito na sana susuklian pa ako.
"Wag na po, ayos lang po, Kuya. Gabi na rin po kasi at malayo rin naman ang aming bahay, pang dagdag na rin po sa magiging gasolina niyo bukas!" kumbinsi ko.
Alam ko ang hirap ng driver, dahil driver din ang tatay ko. Sadyang bigla ko na lang talaga naramdaman na gusto kong tumulong. Hindi kaya madali sa pagbababad sa pagmaneho, maihatid lang ang mga pasahero kahit saan at kahit anong oras pa. Nakakapagod yon. Naalala ko tuloy si Tatay kung nakauwi na ba siya sa bahay.
Nadinig ko naman na napatawa sa akin si Manong dahilan na maalipungatan ako.
Kakamot-kamot pa ang kanyang ulo habang nakatingin sa akin. "Naku nakakahiya naman, sobra sobra talaga ito, hija." nangingiti at nahihiyang sambit niya.
Ngumiti na lang rin ako at inilingan siya. "Sige na po. Tanggapin niyo na lang. Nanalo naman po kasi ako sa pageant kaya pasasalamat na rin po at naihatid niyo kami ng maayos."
"Siya sige hija, maraming salamat talaga," natutuwang sabay bulsa nito na perang ibinayad ko.
Napatango na lang ako at ngumiti. Sinilip ko pa yung dalawa sa loob at mga mukhang inaantok at pagod habang nakasiksik sa kanila ang mga bag at ilang gamit na dala, lumipat si Kakay sa loob at tumabi kay Barbs. Narinig ko ang paghikab nila.
"Mga meses ingat kayo pag-uwi!" paalam ko sa kanila.
"Oo, meses! Salamat! Sa susunod na raket naman, ah? Congrats ulit!"
Tumango ako at kumaway sa kanila habang umaalis na ang tricycle.
Mabuti na lamang ay nakapasok agad ako sa loob dahil may sarili naman akong susi ng bahay, agad na bumungad sa akin ang madilim at maliit naming sala senyales na tulog na rin sina Nanay at bunsong kapatid, panigurado ay mas naunahan pa ako nakauwi ni Tatay sa bahay.
Naaamoy ko ang dala kong ulam na Andoks na para sana pang-gabing pagkain. Sayang naman at mainit-init pa.
Napangiti ako na habang patungo ako sa may kusina ay nabungaran ko si Kuya habang nag-aaral sa mesa. Punung-puno ng mga modules at libro, may maliit na lamp shade dahilan na masilayan ko ang kaniyang mukha na nakapikit habang mahinang nagsasalita na sa wari ko ay nagsasaulo ito.
"Sipag talaga. Panigurado bukas Kuya ikaw na naman ang pinaka highest pabibo sa klase niyo," untag ko dahilan ng pagmulat niya.
Napaangat sa akin si Kuya at nagulat habang sapo ang dibdib, inalis ang sariling salamin nito sa mata. "Prina!" impit na bulong nito habang naniningkit ang mata at tumayo. "Grabe, ginulat mo naman ako. Akala ko multo na."
Napatawa naman ako. "Ang ganda ko namang multo," sabay pose ko sa harapan niya.
Umangat ang labi nito sa tipid na pagkangiti habang naiiling sa akin."Tss. Kaya pala hindi ka nakauwi ng maaga dahil sa pageant mo. Hula ko panalo ka na naman, no?" sabay taas ng kilay at ngisi nito sa akin.
Alam na alam talaga at bilib na bilid sa akin ito. Kaya mahal na mahal ko itong Kuya ko, eh.
Madrama ko siyang inirapan. "Aba't syempre naman! Ako lang 'to, no! Ako lang naman ngayon ang Miss Binibing Cebu,"
Napaamang ito sa akin. "Talaga? Wow! Magaling talaga. Sayang at hindi kita napanood, hindi ko man lang ikaw nakita kung paano rumampa at sumagot, ang ganda pa naman ng suot mo." agad na pagpuri nito.
"Syempre magaling si Ate Kakay eh, ang aking fashion designer." proud na sabi ko.
Nangingiting pinagmamasdan nito ang kabuuan ko. "Sayang talaga. Finals kasi namin bukas eh, maaga pa ako bukas." sabay singhot nito at pagak na napaubo.
©piedraijada
Napakunot ako dahil parang may sakit pa ito tapos makikita kong puspusan pa rin ito sa pagre-review gayong madaling-araw na.
"May sakit ka na naman? Alam mo Kuya, bukas ka na lang mag-review. Baka lalong lumala yan at isa pa, uminom ka ng gamot para mawala agad. Teka, may gamot pa ba dyan? Paniguradong sarado na ang tindahan kung bibili tayo ngayon. Magpahinga ka na muna. Kaya ka hindi natatanggalan ng sakit, eh,"
Tumango ito sakin ng hindi tumitingin, abala na muli sa pagbabasa at hindi pinansin ang sinabi ko.
"Sige na, magpapahinga rin ako mamaya. Kaunti na lang 'to at matutulog na rin ako."
Napabuntong hininga ako ng malalim at napailing. Napaka tiyaga at sipag talaga ng Kuya ko sa pag-aaral kaya naman sobra akong humahanga sa katalinuhan niya. Bagay na hindi ko malalagpasan mula sa kaniya. Kaya idol ko ito, eh.
"Bumili ka kaagad bukas ng gamot para maagapan." paalala ko sa kaniya.
"Opo, Nay Prina. Daig ka pa ni Nanay eh," pang-asar na tumingin pa ito sa akin, natatawa ng nauubo ito ng ikinakunot ng noo ko.
"Tsk, tsk, tsk, sige na, kumain ka na ba? May dala pala akong pasalubong." sabay angat ko ng plastic na may laman na Andoks.
"Kumain na ako kanina pa. Pangbukas na lang 'yan. Tsaka... hinahanap ka nga rin pala ni Nanay kanina pa..." sabay kamot nito sa batok.
Alam ko na naman ang alinlangan nitong tingin. Paniguradong inis na naman ang Nanay ko at siguradong kung ano na naman ang sasabihin niya sa akin bukas paggising ko. Expected ko na. Mabuti na lamang at tulog na, makakatulog ako ng mahimbing at makakapagpahinga ng husto.
"Bakit? Nag-alala ba siya?" sarkastiko kong sabi sa kaniya at mahinang humalakhak.
"S-Siguro. Alam mo naman si Nanay. Ayaw nun na umuuwi ka ng late. Nag-away nga sila ni Tatay kanina, hindi ko alam kung bakit,"
Napakunot ako. "Ano? Bakit naman kaya..." wala sa sarili ko ring tanong habang tinatanggal ko ang aking heels sabay upo agad at hinilot ang aking nangingirot na paa.
Napakibit-balikat na lamang ito na ikinabuntong-hininga ko ng malalim. Ano na naman kaya ang problema at pinag-awayan nila Tatay?
Lumapit ito sa akin at kinuha ang dala ko. "Ayos ah, ang bango at mainit pa. Paniguradong tuwa na naman nito si bunso," sabay singhot nito sa plastic.
"Kumain ka kung nagugutom ka,"
Sabay punta ko sa lababo at kumuha ng baso para uminom ng tubig.
"Busog pa ako. Bukas na lang." anito at nilagay ang ulam sa ref.
"Sige, ipainit na lang bukas at 'yan ang magiging umagahan natin nina Chichi," tumayo naman ako. "Sige na Kuya, magpahinga ka na rin. Alagaan mo sarili mo at mahirap magkasakit. Bawasan ang labis na pagpupuyat!"
Palagi kasi ito inuubo, matangkad ito at maganda rin ang pangangatawan ngunit kapag napapasasa sa pag-aaral ay nagiging sakitin ito, hindi tulad ko.
Umangat ang labi nito at ngumiti sa akin. "Mabuti pang ikaw na ang unang magpahinga, Prina. Alam kong napapadalas na ang pag-pageant mo, nag-aaral ka sa umaga at pageant naman sa gabi. Mas nakakapagod nga yang ginagawa mo kaysa sa akin eh, nagagawa mo magtrabaho kahit na nag-aaral pa. Kung kakayanin ko lang sana at maluwag ang ginagawa ko, eh ako na sana ang gagawa ng sa gayon ay hindi mo na kinakailangan pang mag-pageant lagi at umuuwi ng hating-gabi." bumuntonghininga siya ng malalim. "Basta huwag mo din kalimutan alagaan ang sarili at baka ikaw naman ang magkasakit," pagpapaalala din niya.
Napapansin niya pala iyon? Bukod kay Nanay, si Kuya lang naman madalas na madatnan ko sa tuwing umuuwi ako galing sa raket. Minsan pa ay nauunahan niya rin akong makatulog.
"Aysus, malakas 'to no. Kulang na nga lang ay magpahawa ako sayo,"
"Seryoso, Prina. Hayaan mo 'pag nakatapos ako, babawi ako sayo, susuklian ko ng mas higit pa ang mga naitutulong mo."
Napangisi ako. "Sus! Basta ang gawin mo, galingan mo pa lalo Kuya. Asahan ko yan, ah!"
Tumango siya sa akin at ngumiti. "Makakaasa ka! Suportado rin kita sa ginagawa mo dahil alam kong gusto mo yan. Basta lagi kang mag-iingat. Nag-aalala rin ako kapag napapagabi ka ng uwi, babae ka pa naman."
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga sash at korona na halos mapuno sa loob ng aking silid kasama ng mga koloreteng ginagamit ko sa pag-aalaga sa sarili. Halos matambakan na rito at punung-puno ng mga pictures na nanggaling sa mga nasasalihan ko, iba-ibang gowns at iba-ibang klaseng korona ang suot.
Makikita ang pagbabago. Kulang pa mga iyan dahil wala lang naman sa akin kung kunin o paglaruan ni Chichi—ang aking bunsong kapatid.
Nakakatawang isipin na wala akong pakialam sa koronang natatanggap dahil hindi naman totoo 'yan o mabebenta. Mas mahalaga sa akin na sa bawat pagkapanalo ko ay nakukuha ko ang mga prizes dahil 'di naman kami mapapakain ng koronang iyan para sa aming lahat kapag nagugutom kami. Pero kahit papaano, sa mga koronang 'yan, katibayan na rin na nasusuklian ang pagkapanalo ko sa pagcha-tiyaga ko.
I'm just being a practical. But I'm very thankful dahil madalas ako nananalo, kumakatas agad ang pagti-tiyaga ko.
Agad ako nagsalamin at inalis ang mga kolorete sa aking mukha, makikita ang pagod sa aking mata nang binura ko ang nakatabon na make-up. Matamlay akong napangiti sa salamin habang hinahaplos ang aking mukha. Halos mangitim na rin ang gilid ng aking mata, alaga sa eyebags, ang aking labi ay medyo namumutla ang kulay. Ramdam ko na rin ang bigat ng talukap ko sa pagkaantok dahil sa pagod.
Pero sige pa rin ako.
Napakasimple lang ng buhay ko noon, sa pageant lang ako umaasa at sa mga dobleng kinukuha kong trabaho. Wala akong ibang hinangad kundi ay makatulong. Yung may uuwian ka at makakasama sa bahay kasama ang mga kapatid at pamilya, sila ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako, sa simpleng pagti-tiyaga sa mga raket, kuntento na ako sa mga natatanggap ko.
Dahil ang mahalaga ay may maibibigay ako.
Ganito palagi ang senaryo, at oo, nakakapagod talaga, pero kailanman hindi sumagi sa isip ko ang tumigil sa ginagawa kahit na, minsan, hindi nawawala na may humahadlang.
Ang aking kagandahan ay ginawa kong puhunan.
Hindi kami mayaman, pero kahit na mahirap lang kami, malaki ang pangarap ko para sa aming lahat.
Malaki ang pangarap ko para din sa sarili ko.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro