Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 18


"You bitch! You were the only one here! And I'm sure as hell that you are the only one caught touching someone else things!"

"If I know, you took my money too!"

"Oh please! Stop accusing me!"

"It's you! It's you, right!?"

"You're crazy! Of all people, you're accusing me!? You think I would use your fucking dirty money!? The money you earned from fucking different men, bitch? Hell no way!"

"Fuck you! Don't you ever touch my things! Mind your own damn business bitch!"

"Damn of course! The hell I care 'bout you... bitch!"

Patuloy kaming sa pag-akyat habang may nadidinig kaming bulyawan na kung sino man. Masyadong makipot ngunit ayos na rin. Hindi naman marumi at maayos rin ang paligid. At sa tingin ko, ay mumurahin lang ang apartment daw na ito kung tutuusin, ayon sa kanya. Hindi nga ako makapaniwala dahil ang ganda, parang mga hotel lang sa Pilipinas at mamahalin ngunit mura lang daw talaga.

"Oh, sorry about that. Ganito talaga ang mga tao rito, mga bungangera," paliwanag ng babae sa pagpapahingi ng paumanhin.

Tumango ako at tipid na lang ngumiti sa kanya. "Okay lang. P-Pasensya ka na talaga sa abala."

Napahinga ako ng ginhawa na malaman kong kababayan ko rin pala siya. Sa wakas at hindi ako mahihirapang magsalita.

"Naku!" umiling lang ito na parang bang maliit lang na bagay iyon. "Sige, tuloy ka lang."

Mahabang kwento kung aking iisa-isahin, kung bakit at paano ko siya nakasama, ngunit utang ko rin ang buhay ko sa kanya. Kanina kasi ay naglalakad ako, napadaan ako sa hindi ko kilalang bar nang may makabangaan akong manyakol na kanong lasing. Sa kairitaduhan niya siguro ay hinawakan niya ako sa braso at pinipilit na sumama ako sa kanya. Nagpumiglas ako, at sa pagpupumiglas ko, mabuti na lang at may biglang dumating na isang babae para tulungan ako.

Akala siguro nung humihila sakin ay isa ako sa mga stripper na nakikita ko sa tapat ng bar kanina. Eh, ang layo naman ng suot at itsura ko sa kanila!

Hindi ko alam na sa pag-alis namin ay bigla na lang akong isinama nung babae nang mapansin niyang mabalisa na naman ako. Sa paglalakad namin ay saka lang medyo ako nahimasmasan ng maayos hanggang sa napunta kami sa apartment niya.

"Hurry up!" anito saka ako pinagbuksan ng pinto dahil may sarili siyang susi, bukod don ay may pinipindot siyang kung anong code sa pinto.

Medyo mataas ito dahil nag-elevator pa kami. Dumaan rin kami sa hagdan dahil sabi niya ay sa fourth floor pa raw kami makakarating. Ang taas naman ng apartment na ito! What more pa kaya kapag condo dito? Mas matatayog pa mga building sa kinagisnan ko.

Bago ako pumasok ay nasulyapan ko ang view ng siyudad na maingay. Matipid akong napangiti sa ganda nito. Agad ko naman napasadahan ang kanyang silid at ang unang bumungad sa akin ay maliit na kusina na may simpleng mesa at dalawang upuan doon. Napansin kong habang patuloy lang ako sa pagpasok ay nasilayan ko ang kanyang simpleng kama, puno ng mga damit, sapatos, kung anu-ano, maski underwear niya nakakalat rin.

"Pasensya ka na sa magulo kong kwarto katulad ng magulo kong buhay." sabi niya.

May kaluwangan ang kanyang buong silid, hindi naman masasabing masikip. Magulo ang mga gamit nito at maski mga kolorete ay nakakalat sa kama. Ang mas nakapukaw sa aking atensyon ay ang mga photos na iba't-ibang lalaki na nakasabit rin kung saan-saan, siguro mga sikat na model kasi naka topless, may mga ilang art stuffs din at pictures niya. May simpleng couch, isang flat screen T.V, vanity tables na may mga lights, puno rin ng mga kung anu-anong kolorete at ang weirdong mga damit nito. Her room is so messy, kung anu-ano pa mga nakapagkit sa ding-ding at ang makukulay ng mga neon lights pa roon. Magulo pero maganda naman. Hindi naman ganun kabaho ang amoy dahil amoy perfume ng babae ang buong loob.

Nakakaaliw tingnan. Namiss ko tuloy yung kwarto ko sa amin.

"Oh, my god! Mabuti na lang talaga nakita at sinama kita, no? Naku! Sa susunod wag ka ng magdadadaan don dahil marami talagang manyakol don, eh. Mabuti sana kung ako yung nasa lagay mo, hahayaan ko pa, hehe. Ayt! Teka nga pala, yung niluluto ko baka nasunog na. Gutum na gutom na kasi ako, hindi pa ako kumakain." anito na kanina pa daldal ng daldal sa harapan ko at biglang tumayo.

Hindi ko alam kung bakit napasama ako sa apartment niya, basta namalayan ko na lang na nagpadala na ako dahil sa pagmamadali naming makaalis kanina... tsaka mukhang mabait naman siya kaya hindi na muna ako umalis. Mas mabuti siguro na kahit papaano ay may kakilala akong kababayan rito kahit isa.

Maya-maya ay bumalik rin siya habang may hawak na lalagyan na niluto niya. Agad ko naman hinimas ang tiyan ko nang maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura. Anak ng kano naman, oh... kakakain ko nga lang ng burger kanina, gutom na naman ako? Sabagay, hindi naman kasi nasanay ang tiyan ko. Iba talaga rito ang mga pagkain. Sanay kasi akong kumain ng may kanin. Namiss ko tuloy ang Andoks sa Pilipinas. Namiss ko din ang paluto-luto minsan ni Nanay. Mga gantong oras kasi nakapag saing na din ako.

"Halika, saluhan mo ko." Aniya'y habang hinahanda ang pagkain. Saglit siyang umangat ng tingin at nginitian ako. "Have you eaten, bitch?" tumaas saglit ang kilay nito.

Napatikhim naman ako. Nang makita ko ang pagkain ay lalong nanlaway ang aking bagang. Napalunok na lamang ako, at sa nararamdaman na kahihiyan, imbes na tumango o umiling ay sumagot na lang akong;

"Busog pa ako."

Napangiwi siya sa akin at umiling. "Hindi ako naniniwala. Narinig ko pagkalam ng sikmura mo kanina. Wag nga ako, bitch!"

Nahihiyang napangiti ako. Pasimple kong sinilip si Pussy nang makita kong masarap ang tulog nito sa bag ko. Minsan ko ng hiniling na sana maging pusa na lang talaga ako.

"Come on, eat up!" anito at kumuha pa ng pinggan sabay upo. Ready na siyang kumain.

"Sige na po. Salamat na lang—"

"Naku, wag mong tatanggihan ang grasya! Kumain ka na, wag ka ng mahiya. T'saka minsan lang ako magkaroon ng may kasalo. Saluhan mo naman ako, nakakalungkot, eh." sa sinabi nito ay kabaligtaran naman ang nakikita ko sa ngiti nito.

Parang 'di naman siya mukhang malungkot. By the way, naaamoy ko ang tapang ng amoy niya. Parang pinaghalong pabango na may halong alak? Ewan ko ba. Pero hindi naman ako nababahuan sa kanya.

Nahihiyang napangiti naman ako. Saglit ko pinag-isipan bago ko naisipan na saluhan siya."S-Sige... pero konti lang, hehe." nahihiyang sagot ko.

"Naku! Kain lang ng kain hanggang sa mabusog. Mapapanis lang 'to kung hindi ko mauubos 'tong mag-isa. Sabayan mo na 'ko!" sabay tango-tango niya.

Nagsimula na rin ako magsandok. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa luto nito pero ayoko ng magpaka-choosy. Totoong gutum na gutom na talaga ako! Mahirap naman tanggihan, baka bangungutin pa ako at magsisi sa huli kung tatanggihan ko pa ang alok niya. Mamaya aalis na rin naman ako... maghahanap ng trabaho para lang makakain. Kaya... sulitin ko na ito bago pa ako makaalis!

"Nga pala, tagasan ka ba sa Pilipinas? Tsaka, may kasama ka ba o mag-isa ka lang? Saan ka namamalagi rito kung ganun? Mukha ka pang dalagita ah, base sa itsura mo. But you're so beautiful. Siguro mayaman kayo, no? What brings you here? Vacation ba? Dito na siguro kayo nag-migrate kasama mga magulang mo, no? Nag-aaral ka pa ba?"

Sa dami ng tanong niya ay hindi ko na alam ang uunahin na sagutin.

"Uh..." napakamot naman ako sa batok ko. "Mag-isa lang ako. H-Hindi na ako nag-aaral, nandito ako para magtrabaho." diretson sagot ko.

"Oh, great." Napaamang naman siya at kalaunan ay napatango rin.

Magandang babae ito kung tutuusin. Sexy kung magsuot ng damit na medyo chubby and makurba nitong katawan--kumbaga malaman, makapal ang make-up at malaki ang hikaw sa magkabilang tainga, ngunit bumagay naman sa kanya. Mahaba ang blonde nitong buhok at may pakulot sa dulo. Siguro siya.. maganda ang buhay niya rito. Siguro nag-aaral rin ito? Ang swerte niya kasi may sarili siyang apartment, suportadong-suportado siguro siya ng kanyang mga magulang kaya base pa lang sa dating niya ay parang sunod ang mga luho niya. May pagkakikay kasi ang itsura nito sa dami ng koloreteng nasa katawan niya.

"You know what, if I were you, wag ka masyadong mag-iipon ng maraming pera sa bag mo. Delikado rito sa part na tinitirhan ko dahil maraming snatcher lalo na pag gabi. Pero pag pogi naman, magpa snatch ka na rin!" anito sabay tawa. Napansin niya rin siguro na ang taba ng bag ko.

Hindi niya alam na si pussy yung nasa loob.

Nang mapansin niyang hindi ko nasabayan ang tawa niya ay umayos siya ng itsura.

"Seriously, there are a lot of thieves here, dear..." anito habang masarap na ngumunguya nang may nilabas itong fried chicken at agad na kinain. Sinenyasan naman niya akong kumuha din kaya naman kumuha na rin ako at agad na nilantakan.

"Easy, girl... easy... " natatawang awat niya sa bawat subo at nguya ko.

Nahihiyang napatawa naman ako at inayos ang sarili ko. "P-Pasensya ka na. Hindi ko kasi mapigilan. Gutom talaga ako... hehe. Tsaka, paano mo naman nasabing maraming magnanakaw rito? Mukha namang... safe ang lugar mo, ah. Nanakawan ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Idinaan ko na lang sa padaldal para matabunan ang aking kahihiyan.

Napairap ito sa kawalan. "Of course, bitch! Maraming beses na! Minsan nga natutukan pa ako ng kutsilyo. Buti sana kung tukhang ang itututok nila saken eh pero hindi! You know...it's because everyone is desperate already."

Napabuntong-hininga ako ng malalim at natulala sa kawalan. "Sabagay... pero wala rin naman akong perang maitatago, eh."

"Ay gipit?" natigilan siya matapos magtanong. Tumango naman ako at mapaklang natawa. "Ang hirap niyan... nakakaawa ka naman. Gusto kitang pautangin pero... naku! Pati ako walang-wala rin ngayon, eh. Siguro mamaya, bukas o kaya sa isang araw kapag lumaki kita ko sa duty—teka nga!" saglit siyang tumigil ng pagkain at tinitigan ako. "Saan ka ba naglalagi rito? Gusto mo bang ihatid kita sa inyo? Gaano ka na ba katagal rito? Baka naman naliligaw ka na? Saang apartment ka? Ano palang trabaho mo rito?" sunud-sunod na tanong niya.

Muntik na akong maliyo kakatanong niya at sa pagiging madaldal niya.

"A-Ah... wala pa akong nahahanap na trabaho."

Napakurap siya sa akin. "What!? Kung ganoon, saan ka naglalagi? Ang hirap naman niyan! Wala ka bang kakilalang kasama mo?"

Umiling ako. "Wala. Ikaw pa lang nakilala ko rito na Filipina rin. I-Ikaw ba? Anong trabaho mo?"

"I'm a hooker." simpleng sagot niya para mabalikaukan ako ng husto habang kumakain. Inabutan naman niya agad ako ng tubig. "Drink your water, bitch."

Matapos akong uminom ay natulala ako sa kanya. Ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagkain. Bumagal ang aking kilos, napapaisip man ay hindi ko ipinahalata iyon.

"Gulat ka no? Hindi ba halata? Nagtatrabaho ako sa isang kilalang bar, malaki ang kita ko run." sabay tuluy-tuloy na lagok niya ng soft drinks.

Patuloy lang ako sa pag-nguya ng dahan-dahan habang tinititigan siya. Nang magtama ang aming mata ay napaigtad ako at napaiwas ng tingin at inabala ang sarili sa pagkain. Nadinig ko pa ang pagtawa niya.

Nagulat din ako... na ganito pala trabaho niya. Ayoko na lang mag judge dahil siguro... madami siyang pinagdaanan bago naging ganyan ang trabaho niya. Tsaka mabait naman siya kaya hindi naman hadlang yun para mag-isip ako ng kung anu-anong masama sa kanya. Wala akong karapatan dahil hindi ko naman siya totally kilala. Ngayon ko lang naman siya nakilala.

"Ahm... bukod dyan. Wala ka pa bang ibang work?" curious na tanong ko sa kanya. Magbabakasali na baka meron akong malaman na matinong trabaho sa kanya na pwede kong makuha.

Natawa siya at nailing."Nako, pasensya na, wala! Hindi kaya ng oras ko dahil mahaba ang duty ko sa bar at sa labas. Madalas kasing may gustong mag-take home sakin eh, alam mo na... hehe." ang kanyang ngiti ay napanis habang napapakamot sa batok.

Tumango na lang ako sa kanya. "G-Ganun ba..." yun na lang ang aking nasambit.

Nagpatuloy na lang ako sa kain. Grabe ang sarap ng kinakain ko. Oh, siguro talagang gutom lang ako?

"Kamusta ka naman sa work mo?" tanong ko sa kanya. "I mean, m-masaya ka ba? Ni minsan ba sumagi sa isip mo na... uh.. magtrabaho pa ng iba?" humina ang boses ko at alangan tumingin sa kanya. Nahihiya ako.

Umiling siya, at lalong lumawak ang ngiti. "Lagi akong excited pumasok sa bar. I know you can't relate at di mo ako feel. I know it's weird, pero masaya naman ako. Malaki rin kasi kinikita ko don." natawa siya, maya-maya ay nadinig kong malamya siyang bumuntong-hininga at natulala—biglang may malalim na iniisip. "You know... If I don't do this, I will starve to death. Ito na lang rin kasi ang alam kong trabaho na sigurado ako sa kikitain ko. Mas mapapadali ang pag-ipon ko. Pero... okay lang 'yon! Gigiling-giling lang naman! At least madali at 'di ako madalas magutom. Wala rin naman akong uuwian sa Pilipinas dahil hiwalay na kami ng asawa ko. Nagkaroon siya ng ibang babae kaya heto ako... napadpad dito para makipagsapalaran rin tapos hahanap ng lalandiin. Kung anu-ano ng trabaho bago ako bumagsak dito... basta yon!"

Nginitian naman niya ako. Hindi ko naman alam ang mararamdaman ko para sa kanya. At base sa sinasabi niya ay palagay ko, marami na siyang napagdaanan rito. Matagal na siguro siya rito. Hindi ko naman maiwasang mapaisip. Eh, ako kaya? Ano kayang kababagsakan ko rito? Lalo na sa wala pang maraming alam na tulad ko?

"Kung wala na kayo ng asawa mo, meron ba kayong anak?" base kasi sa tindig niya, hindi naman siya mukhang matanda. Siguro mga nasa 20's or 30's ang edad niya? Hindi ko alam. "Kaya ka ba nakikipagsapalaran rito ay para rin sa pamilya mo?"

Napataas ang kilay niya sa akin at umiling. Napahiya naman ako ng na-realized kong masyado yata akong mausisa gayong 'di naman kami close para tanungin ko siya sa personal na buhay. Dapat pala hinayaan ko na lang siyang dumaldal.

"Sorry kung usisera ako—"

Napahinga siya ng malalim bago magsalita muli. "Wala kaming anak ng naging asawa ko. Kahit na kasal kami ay nakabuntis siya ng ibang babae. At yung ibang pamilya ko? Nandun sa Pilipinas. Matagal na akong 'di umuuwi kasi alam ko namang kinalimutan na nila ako. Nagkanya-kanya na kasi kaming buhay. Nagkatakwilan na kami!"

"B-Bakit naman?"

Napairap siya sa kawalan. "Eh kasi, simula kasi nung nag-asawa na ako ay pinalayas ako ng Tatay ko sa kakirehan ko. Maaga ako nabuntis. At kahit nabuntis ako... nakunan din ako dahil na-depress ako sa gago kong shinota na akala ko forever ko na! I mean... yung nga, yung ex-hubby ko. Bata pa ako non kaya naiintindihan ko kung bakit galit din ang Tatay ko. Alam mo na... medyo tampo lang din ako dahil kahit noong kinasal ako ay 'di ako sinipot. Pero mabuti na rin 'yon, at least hindi niya nakilala ng husto ang napangasawa kong de puta pa sa putang tinakbuhan lang ako. Kaya itong ginagawa ko... para na lang siguro to sa sarili ko. Dito na siguro ako titira, papayaman, o magkakaroon fafa at mga magagandang lahing mga anak."

"W-What if... sa ginagawa mo, mabuntis ka? Okay lang ba?" curious na tanong ko pa.

Gusto kong sampalin ang labi ko sa walang tabas na bungangang ito.

Napangiwi siya at umiling. Halos parang nanonood ito ng isang horror base sa nakikita kong reaksyon sa naging tanong ko sa kanya.

"No way, no! Nakakatakot na, baka madedo ako. Well if that happens again... I don't know. I don't know if I can handle it. Umiinom ako ng gamot para di ako majuntis, alam mo yun? Pwede naman, pero ayoko pa. Maganda naman magkaroon ng anak kung magandang buhay na agad ang maibibigay mo sa kanila pero baka mamulubi kami at... malosyang agad ako! Diyos ko! Kaya never muna. At kung mabuntis man ng kung sino, if ever man.. at hindi ako mapanagutan, okay lang dahil alam ko sa sarili kong kaya ko namang panindigan kahit mag-isa ako. At yun ay kung mapera na talaga ako at malaki na ang ipon ko! Kaya sa kaso ko pagdating sa panganganak, ngayon, matagal pa. I don't even know when. Wala pa nga ako nahahanap ng mambubuntis sa akin, eh."

Natawa siya. Napatawa na rin ako kaya lalong lumakas ang tawa niya.

"I mean, asawa." pagtatama pa niya na ikinailing ko na lang. Pansin ko ay napaka-kalog niya talaga.

Napaisip ako sa sinabi niya. Sabagay tama siya. Mahirap talagang mabuntis ng maaga dahil ganyan din ang nangyari kay Nanay. Kaya heto kami, kahirapan din sa buhay. Tsaka bihira na lang rin makahanap ng lalaking kayang manindigan at managot. Bihira na lang akong makakita katulad ni Tatay na hindi tinakbuhan si Nanay nang mabuntis niya ito ng maaga.

Bihira na lang. Baka nga wala na, eh. Iba na ngayon takbo ng isip ng mga tao. Uso na broken family and it's either na susuportahan ka o hindi ka pa susuportahan.

Kung pagkukumparahin rin ang buhay naming dalawa, para namang mas mahirap ang sitwasyon niya kaysa sa akin. Literal na lonely rin talaga itong babaeng nasa harap ko, hindi tulad ko na feeling lonely na may pamilya naman sa aking naghihintay hanggang sa maiahon rin sila.

"Okay cut the drama, bitch." bumaling siya sakin. "What about you? What's your story?" tumuon ito sa mesa at mukhang interesante itong makinig sa akin.

Umaasang baka magkwento rin ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit kahit unang beses pa lang naman kami nagkakilala nito ay parang pakiramdam ko... ang gaan na agad ng loob ko sa kanya kahit medyo ilang ako. Parang kung makipag-usap siya sakin ay kumportableng-kumportable siya at parang matagal na kaming magkakilala, kaya naman medyo nawawala na din ang hiya ko kahit papaano.

Siguro dahil kusa siyang nagkwento ng buhay niya kahit hindi ko naman tinatanong? Ganun nga talaga siguro.

"Did you graduate from college?" tanong niya pa ulit habang abala ito sa pag-aalis ng kanyang falls eye lashes.

Tumango ako. "I mean uh... senior high. Hotel and Restaurant Services ang kinuha ko noon. M-Magkokolehiyo sana ako eh... uhm.. balak ko sanang mag HRM or tourism dahil nakakuha rin ako ng scholarship na pinasahan ko."

Halos malaglag ang panga nito nang lingunan ako. "What!? Eh, anak ka pala ng tokwa eh!" napaigtad naman ako ng bigla itong humampas ng malakas sa mesa. "What are you doing here? Bakit nagtrabaho ka pa kung makakapag-aral ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Matipid akong ngumiti at humalumbaba. "Katulad mo din. Nakikipagsapalaran rin. Hindi nga lang para sa sarili, kundi para sa pamilya."

Paulit-ulit siyang napailing sa akin. "If I were you, umuwi ka na lang satin. Don't enslave yourself here. Mukhang malaki ang pangarap mo, naiwan mo pa ang oportunidad mo dun para magpatuloy pa mag-aral. Sayang 'yon. And at least, if you're in Philippines, hindi ka rin malalayo sa pamilya mo."

Malalim akong napabuntong-hininga. Sa totoo lang, naisip ko din 'yang sinabi niya kaso..."Pero sana nga ganun kadali 'yon." mahina akong natawa. "Pero hindi eh..."

Nakatuon lang mata nito at naghihintay pa sa sasabihin ko. Napakunot ako ng kaunti sa kanya ngunit kalaunan ay napangiti na rin. Bukod sa madaldal, nararamdaman kong may pagkamakulit siya.

"Alam mo... kahit na aminado akong bobo ako sa academics simula't-sapul dahil tamad ako mag-aral, madiskarte naman ako."

Napangiwi siya. "Sinong nagsabing bobo ka? Alam mo bang mga bobo ang mga nagsabi sayo ng bobo dahil hindi nila alam na walang bobong tao sa mundo kundi tamad lang?"

Napailing na lang ako sa kakwelahan niya. Pero kahit papaano ay parang may punto siya.

"Totoo, madiskarte naman ako. Nakakatulong ako sa bahay... Nagagawan ko ng paraan ang aming problema at nagagawa ko rin magawan ng paraan makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Ang akala ko nga... kapag madiskarte ka, kaya mong magawan ng paraan lahat. Hindi ka mapag-iiwanan, ayos na sana eh... medyo nakakausad na. Pero tingnan mo ako ngayon..." halos tawanan ko sarili ko sa pagiging kulelat at kaawa-awang nasapit sa sarili. "I feel like I'm rotting like a trash." mahinang usal ko.

Natawa ako ng mahina nang makita kong seryoso na siyang nakatingin sakin habang nakikinig.

"Alam mo... ni hindi ko nga rin masabi sa pamilya ko kung anong mga pinagdadaanan ko rito, eh. N-Nahihiya kasi ako... natatakot, at nakokonsensya rin. Kasi nangako ako kay, Nanay... sa kanila... na magiging maayos ako rito. Palagi kong sinasabi na maayos na maayos ang lagay ko rito pero ang totoo, hindi naman. Madalas pa ako mawalan ng trabaho. Kaya... hindi pwede. Hindi talaga pwedeng wala ako makuhang trabaho na maayos ang sahod dito. Dahil kailangan kong mabayaran mga kautangan namin don dahil inoperahan ang kapatid ko sa puso."

Dinig ko ang pagsinghap niya. "Oh my god... I'm sorry about that." agad na paumanhin niya, kita ko na agad ang simpatya sa kanyang mga mata. "Naintindihan ko na. Kamusta naman lagay ng kapatid mo?"

"Sa awa ng Diyos, ayos na naman. Pero baon nga lang kami sa utang. Umalis ako dahil... kailangan ko rin mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko dun." dugtong ko pa. "Dahil ako lang ang inaasahan nila."

Ilang minuto kaming natahimik matapos kong magsalita. "I'm sorry sa kadramahan ko, ah? Wala kasi akong mapagsabihan. Matagal na rin kasi... simula ng may makausap ako."

Umiling-iling siya sakin. "No, no... it's okay. It's okay. Mabuti nga yon, eh. I'm glad na sinabi mo ito sa akin. Tsaka, wag kang mag-sorry..." malumanay na awat niya.

Ngumiti siya sakin ngunit may nakikitaan akong awa niyang tingin pa rin sakin. Pinilit ko naman ngumiti para ipakitang okay lang ako. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay kinakaawaan ako. Pero...

Napabuntong-hininga ako ng malalim.

"You know what? Someday... everything you tell them will be the truth." saad niya sabay hawak niya sa kamay ko at pinisil ito.

Tumango ako at gumaaan ang loob ko kahit papaano.

"Sana nga."

Until my dream was turned into reality. But I didn't expect that passion to come back to haunt me. However, my simple dream turns into a nightmare when my dignity is taken away. Amidst all the odds, I still forced myself to get up and get used to it.

I swallow my pride and become the most in demand in my... work.

"Lakasan mo ang loob mo! Isipin mo mga umaasa sayo. Ganun lang yon para magawa mo!"

Mari always reminds me when nervousness and fear strike me.

I'll never forget, and I'll always remember when I was just getting started. I was gradually coming to terms with my fate because there were other things I desired but was deprived of. Parang kahit anong gawing abot mo, na halos gapangin mo na, alam ko sa sarili ko na kulang pa rin. Na hindi ko talaga agad makukuha. At kahit anong bilis ng oras, panahon, pakiramdam ko bumabagal pagdating sa'kin, ang mga oras sa mga bagay na ginagawa ko. Nakakapagod, nakakasawa, nakakarindi.

Parang may bumubulong sa akin na 'itigil ko na ito dahil hindi ito nababagay sa'kin.'

"Hindi ko kaya..." I can hardly count how many times I say this to her, but I know she doesn't force me. Eventually, I volunteered. I learned... voluntarily.

"Alam ko, punyeta! Masasanay ka din... Sabi ko naman sayo, kung ayaw mo, mas mabuting mas maaga pa lang ay tumigil ka na... umalis ka na! Sinabi ko naman sayo 'diba na bawal mahina ang loob dito? Mahina loob mo kaya hindi ka talaga nababagay rito!" and here we go again. She's always like this.

I don't understand why, even though she enjoys her job, she doesn't want it for me. At alam ko kung bakit siya ganyan. But she couldn't do anything because I'd already made my decision and she knew that.

Kahit na ayoko ito at palagi niya ako pinagbabawalan, isa lang ang isasagot ko sa kanya kundi... "Ayoko!"

Then, six years later, here I am. Throwing myself into my twerk.. I mean, work. Katulad ng ipinangako kong susundin ko palagi ang bilin ng pamilya ko sa akin ay ginawa ko. Of course, that's the only one I don't forget. Pinagbutihan ko at binuhos ko lahat. Lahat ng gusto nila because I wanna spoil them.

I handled it all real mature.

Coz the only I know that stuck in my mind; without hard work, nothing grows but weeds.

And no matter what bullshit I experienced, I realized it wasn't just bullshit. It's amazing!

Because I got an amazing new place that was all mine. It's as if I'm bathing in my own money that's raining on me. Nagawa ko. Sa wakas, nakuha ko.

Binigyan din ako ng puwang na talagang pagnilayan ang mga pagkakamali ng nakaraan. At kahit naman ngayong nasa kasalukuyan, pinagninilayan ko pa rin. Kaya napagdesisyunan kong magbago... ang buong ako. That I could barely recognize myself. Yes. A new me.

A stripper. Oh, mas malalang sabihin na pokpok ako.

Pokpok ako.

I became a certified stripper at a well-known bar in 4Play Gentlemen's Club. Hindi na rin masama dahil nagbabayad sila ng tama.

Yung tipong aalis ka ng gabi. Magsusuot ng maigsi, wagas kung magkolorete. At ang malala pa ay lasing pa kung uuwi. From being a waitress to being a stripper.

Katulad ng palagi kong nakasanayan kay Ate Mari, marami talaga akong natutunan mula sa kanya. Sinikmura ko ang lahat ng mga taktikang nakasanayan nila na hindi ko lubos at aakalain na makakasanayan ko na din ngayon.

"Hindi na mahalaga kung malaspag ka. Ang importante ay may pera kang maipapadala sa iyong pamilya." mula nang sa araw na 'yon, yun na madalas kong marinig sa kanya. Yun na lang ang tumatak sa isip ko.

Hanggang sa madalas na akong tumable ng mga customer ko. It wasn't easy, seriously. But after a while, I even opened myself up to the possibility of my new damn life. Soon enough, I was back on my feet. I stumbled a few times, but I still struggled to get up.

Forgetting the old me, focusing on the new me. And even though I felt wrong, it was the only one I thought was damn right and deserved for me.

Prina. It's only recently that I've realized how disgusting it is to listen to when others refer to me in this manner. It's far too naive or innocent.

The old Prina is dead.

Now is probably the right time to meet the new Phryne Gretha.

The coolest name I have ever heard is my real name. So, I really put myself there.

"Yea! Ride that pole like you ride your man, honey!"

With an euphoric sensation. I felt like I was floating in the air, laughing and continuing to dance.

"Hey there, pretty lady. Can I buy you a drink?" then here it is. There is a hot guy who comes up and is visibly interested in me.

"Aha."

Pinili ko ito. Because I don't have a choice. Madalas kasi binalik-balikan din ako. Dahil kapag nakitaan ko ang interes nila sakin, pinapatulan ko. Isang gabi lang naman eh, then you will be given another hundred or eight hundred bucks depending on your performance. Pag nasarapan sila, edi mas malaki. May tip ka pa.

Hindi na masama,'diba? Ang kailangan lang naman pasayahin mo lang yung malumbay na gabi nila.

"Sweetie... I take payment in kind..." he almost whispered through my ears, and I shivered because of his new tube beard that was hitting on my neck.

Oh. I can't help but bite my lower lip, stifling a wry smile.

"Hmm?"

"Wanna get out of here?"

And without hesitation; "Sure." as I nodded.

And that's it. I guess this is the job I always put up with.

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro