PHASE 17
"A-Anak, patawarin mo ako kung bakit... kailangan mong gawin 'to." paghihingi sa akin ni Tatay ng tawad.
Napasinghap ako ng malalim at tumingin sa ibang direksyon kahit na ramdam ko ang malungkot na titig sa akin ni Tatay. Hindi ko siya magawang salubungin ng tingin at baka lamang bumagsak ang namumuong luha ko. Alam niya kasing nagtatampo ako dahil wala man lang siyang naging imik magmula ng magtalo kami ni Nanay noon.
Sa simula non, aaminin kong naging ilag ako sa kanila. Hindi kasi ako makapaniwala... na dati naman kapag ginaganito ako ni Nanay ay madalas pinapanigan ako nila Kuya at Tatay. Na... baka sakaling ipagtanggol man lang nila ako pero wala. Wala akong narinig. At dahil sa pagiging ilag ko, nagkakausap lamang kami pagdating sa pagsusulit ng pera. Pero 'pag usapang nagkakwentuhan, hindi ko alam. Hindi na namin nagagawa iyon dahil abala kami sa dapat naming gawin dahil iisa lang ang iniisip namin. Nauunawaan ko rin naman kung bakit. Pero may parte pa rin sakin na hindi maiaalis na nasaktan talaga ako.
Pero pinipilit ko. Ilang araw, linggo at buwan kong inisip. Nagtatalo ang isip ko kasi mas nangingibabaw sa akin ang panghihinayang—hindi matanggap. Pero kailangan kong tanggapin na isantabi muna ang pangarap ko dahil sa malaking responsibilidad na inatang sa akin. Kailangan kong tanggapin na hindi na muna ako mag-aaral at kailangan ko munang magtrabaho. Dahil natanto kong prayoridad ko muna ang aking pamilya, bago ang sarili ko. Ginagawa ko rin ito dahil... sa bunsong kapatid ko. Para kay Chichi, para agad na ma-operahan siya at tuluyang gumaling.
Kailangan. Dahil alam kong ako lang ang kanilang inaasahan.
"N-Nauunawan ko, Tay." mahinang sambit ko dahil kung lalakasan ko ang boses ko baka kumuwala na naman ang iyak ko.
"Pwede pa namang magbago ang isip mo, Prina. H-Hindi mo kailangan 'to. Magagawan naman siguro natin ng paraan ng tulung-tulong tayo at magkakasama." ani pa ni Tatay, mahihimigan ang pakikiusap.
Napakunot ako at nagngitngit ang aking bagang. Paulit-ulit na sa'king sinasabi ni Tatay 'to magmula na sinabi ko ang plano at desisyon ko. Kung pwede nga lang na huwag na pero kung hindi ko susubakan ay lalo lamang kaming mahihirapan.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Ito lang alam kong paraan para masolusyunan ang problema natin, Tay. Alam niyo naman hong... hindi ganun kasapat ang nakikita natin. Kahit anong subok natin, talagang kulang pa rin. Baka kapag nanatili akong magtiyaga sa maliit na trabaho ay mapabayaan naman natin si Chichi. Baka lalong lumala ang sakit niya. Napag-usapan no ho natin ito, 'diba? H-Hindi na rin magbabago ang isip ko." giit ko. Kahit na sa loob-loob ko ay nanghihina ako.
Wala na akong narinig mula pa sa kanya at nanatili na lang siyang nanahimik. Lalong bumabaon ang puso ko sa kalungkutan.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa tricycle, katabi ko si Tatay. Wala kasi ang tricycle niya kasi nasa talyer, pinaaayos dahil may sira. Si Kuya naman ay nasa may angkasan nakaupo. Dala-dala ko na rin ang aking bagahe na dadalhin... papunta sa ibang bansa. Kanina pa ako papunas punas ng panyo sa nanluluhang mata ko. Impit na umiiyak. Kagabi pa akong ganito. Mabuti na lang ay malakas ang andar ng tricycle kaya walang nakakarinig ng paimpit na iyak ko.
Ang lakas ng loob ko na magdesisyon nung nakaraan, pero heto ako... parang biglang naduduwag. Ang isiping malalayo ako sa pamilya ko ay hindi ko maiwasang mangamba.
Kaya ko ba talaga?
Oo, makikipagsapalaran ako sa ibang bansa dahil yun na lang rin ang naisip kong paraan para makaahon agad kami at matustusan agad ang kakailanganin naming, dahil alam kong maaaring malaking pera ang magiging sweldo ko run sa oras na magsimula akong magtrabaho. Mabuti nga't nasa legal na edad na ako kaya hindi naging mahirap sa akin ang makapasok.
Pero bago ako magdesisyon, halos ilang buwan akong sumubok na maghanap ng iba't-ibang trabaho. Halos walang tumatagal para sa'king trabaho dahil nga nape-pressure ako sa pagsasabi ni Nanay ng mga gastusin. Sa tuwing sinasabi kong ganun ang mga trabaho ko ay pinalilipat niya ako dahil naliliitan siya sa sweldo ko. Totoo nga naman kaya, ayun... sinunod ko na lang payo niya na maghanap ng maghanap ng matinong trabaho at malaking sweldo kahit na napaka imposibleng ang katulad ko ay makakahanap ng ganun.
Hindi pa na ako nakapag kolehiyo, high-school grad lang ako, kaya sino ako para mangarap agad na makakuha ng magandang trabaho at mataas na sweldo?
Naging sales-lady ako sa SM, waitress sa ilang fast food chain and restaurant, namasukan din ako na magbantay ng tindahan ng cellphone, taga load, pero yun nga lang maliit ang kita lalo na't pinagmamatarayan rin ako at pinagseselosan na may-ari dun sa asawa niya. Pati pabango habang inii-spray-an sa kamay ang nadadaanang tao para lang may bumili, nag-try din ako mag-abot ng mga flyers, naging masahista rin ako; kaso ang lupit naman ng boss ko at talagang napapatapat ako na halos lalaki ang hinihilutan ko, halos nakakapagod rin... kaya ko sanang pagtiisan kaso yun nga, may iba na ang babastos at minsan pa ay nararamdaman kong nahihipuan ako kaya umalis rin agad ako. Ewan ko ba.
At isa pa, nanubok rin ako mag-model. Hindi literal ng model ng mga naggagandahang damit kundi model ng kawali, takure, spatula, timba, suyod at kung anu-ano pa. Kahit bra at panty ay pinatos ko na, baka sakali makalaki ako ng kita. Pero nung nirarampa ko na ang bra at panty, at nalaman kong hindi pala beki ang photographer at isa palang hamak na manyakis, ay walang alinlangan na agad din akong umalis.
Akala ko kasi beki kaya naging panatag naman ang loob ko na halos maghubad sa harapan nila at hawakan ang ilang parte ng katawan ko para ayusan ako. Halos nasanay naman kasi ako dahil walang hiya-hiya kapag ginagawa ko ito kina Barbs at Kakay. Kaya pala medyo... hindi rin ako napakali kapag nagagawa nila iyon ng photographer sa akin. Mabuti na lang talaga at nakaalis na ako ron, ayoko ng maulit sakin yung nangyari sa akin noon. Hindi ko pa rin makakalimutan 'yon kahit pa umalis ako. Halos isumpa ko sa sarili ko na ang ginawa niya sakin ay may balik rin.
Hanggang sa nakausap ko sina Ate Barbs at Kakay, pinauutang naman nila ako ngunit di ko na magawang tanggapin pa ulit dahil ang gusto ko, maghanap ng trabaho. Kaya nga ako naghahanap ng trabaho para hindi kami umutang ng umutang, eh. Naisip ko rin, kung uutang kami ng uutang ni Tatay sa iba.. maaaring yung mga nagiging mga sahod namin ay halos nauubos na kapag naniningil na ang iba.
Lalo na't kapag sumusweldo ako, agad ding nauubos, lalo na sa mga gamot na binibili para kay Chi-chi, mga gastusin din sa bahay, minsan ay inaabutan ko rin si Kuya dahil baka nauubusan na siya ng budget na ibabaon niya. Ganun lang, parang umiikot lang sa mga palad ko ang mga perang nasusweldo ko.
Mula ng ma-confine si Chichi, ilang linggo lang siyang napauwi saglit sa bahay. Halos malaki rin ang nabayad doon na nanggaling lang mismo sa inutang sa kumare ni Nanay na mismong Ninang din ni Chichi. Pero dahil nga bigla-bigla na lang ang pagkasumpong ni Chichi, o dahil siguro sa mga kinakain niya, napapadalas ang pabalik-balik niya papuntang ospital.
Masyado kasing hindi kaya ng katawan niya ang naiinda gayong payat ang batang 'yon. At dahil don, imbes na makapasok rin siya sa eskwela ay napagdesisyunan ni Nanay, na wag muna papasukin ito dahil sa kanyang delikadong kalagayan.
Nung isang araw, agad ding binalik sa ospital at hanggang ngayon ay hindi pa nadi-discharge ito mahigit dalawang linggo ng nakararaan. Suhestiyon ng Doktor na doon muna manatili sa ospital hangga't hindi pa ito naooperahan upang masuri agad ang kanyang maaaring kalagayan. Pinasakan rin siya ng pacemaker, makakatulong daw iyon sa pagtibok ng puso niya habang iniintay ang magiging donor niya.
Nabalita rin kasi sa amin ni Dok na baka makasali na kami sa lista na makakuha ng Donor dahil siya na mismo nagprisinta. Talagang ikukuha niya kami para lang masalang na agad si Chichi sa operasyon. Sinabi niya na tiyaga-tiyaga lang raw sa paghihintay dahil hindi lang naman kami nangangailangan ng Donor. Nauunawaan naman namin 'yon, pero hindi maiaalis samin ang mainip at mag-alala, lalo na si Nanay sa maaaring mangyari sa kapatid ko kapag napatagal pa.
Kaya siguro, nadala ng awa kaya nagawa 'yon ng Doktor kaya nagprisinta. Sayang nga lang at wala ako sa oras ng operasyon ni Chichi. Ang hiling ko na lang ay sana maging matagumpay ang operasyon sa kaniya. Gagawin ko ang lahat, kahit magkano pa yan, mabaon man kami sa utang, maopera lang siya.
Kaya alam kong hindi lang lilibuhin ang kakailanganin na ihanda, kundi milyun-milyon lalo pa't malaki rin ang halaga na kakailangan sa pa heart-transplant niya, mga hospital bill, inuming vitamins at mga dapat na kainin niya..
Sabi kasi ng Doktor ay hindi pa raw makahanap ng heart donor at kung may mahanap man, ay hindi pa napapasama sa lista dahil nauubusan agad. Mas nauuna yung ibang pasyente na kaya na agad magbayad ng malaki habang kami naman... patuloy lang sa paghihintay.
Kaya naman nang magdesisyon na sinabi kong aalis ako para makipagsapalaran, ibinilin ko sa kanila Tatay na agad na asikasuhin ang Donor ni Chichi dahil alam kong ako na magsasagot sa kakailanganin nila.
At sa pag-uusap ko kina Barbs at Kakay, si Kakay mismo ang nagrekumenda kung gusto ko raw bang mangibang bansa na lang dahil malaki ang value ng pera roon 'pag na-transfer rito sa Pilipinas. Sa una ay nag-alinlangan ako, ngunit dahil sa nakikita kong sitwasyon namin at nahihirapang pamilya ko lalo na kapag madalas ang pagtatalo nila Nanay at Tatay, minsan ay nadadamay ako sa kakulangang nasusulit naming pera... ay nilakasan ko ang loob kong magdesisyon na tumuloy.
Nagpaka praktikal ako. Kahit na alam kong hindi biro iyon lalo na't malalayo ako sa kanila.
Bago ako umalis ay dinaanan ko naman sila Nanay sa ospital upang makita man lang sa huling sandali ang bunsong kapatid kong si Chichi, dahil hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Masakit man para sa akin ang lumayo, at napipilitan ay kinailangang tumuloy pa rin. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Nanay ng maayos, hindi ko man lang siya nayakap.
Bago ako umalis ay pinatibayan ko pa rin ang loob ko. Dahil sa kanya, pakiramdam ko minanhid na lang ako.
Wala akong narinig na kahit anong imik sa kanya kundi;
"Mag-ingat ka."
Yun lang ang tanging ibinilin niya. Ni wala akong nadinig na pagkadisgusto o pagpipigil na huwag akong umalis kahit nung sinabi kong mangingibang bansa na ako. At kahit isang lingon na nagbabakasakaling titingnan niya ang pag-alis ko ay nanatili lang siyang nakatalikod.
Agad na tumulo ang luha ko at mapait na ngumiti kay Tatay.
"Hindi ako makakapayag na aalis kang nagtatampo pa rin, Prina. Patawarin mo kami ng kapatid mo. Pasensya ka na sa Tatay dahil hindi laging sapat ang mga nagagawa ko para mapaahon ang ating buhay..." ani Tatay.
Ang madipenahan ko ang itsura ni Tatay na mukhang pagod at halos mapabayaan ang sarili ay nagbigay sa akin kahit papaano ng lakas ng loob upang tumuloy. Kailangan ko talaga ng pera. Para sa kanila. Para 'di na sila mahirapan pa.
Kasalukuyang nandito na ako sa isang maliit na building, kung saan makikita ko ulit rito ang recruiter ko na kakilala ni Kakay. Malaking halaga ang nagastos ko sa pag-aasikaso pa lang ng papeles at pasaporteng dadalhin. Siya na rin ang nakabili ng ticket namin sa eroplano dahil pahapon siguro kami aalis. Ang alam ko kasi ay sasakay pa kami ng Van para ihatid sa Mactan Cebu International Airport. Hindi ako nag-iisa at marami rin kami.
Umiling ako sa kanya. "H-Hindi na ako nagtatampo, Tay. Naiintindihan ko..." pero ang totoo ay may kaunting tampo pa rin.
Ngunit 'di ko na sinasabi dahil alam kong 'pag nalaman niya, ay hindi niya ako hahayaang umalis na masama ang aking loob. Pinilit kong ngumiti sa kanila.
"Prina..." tawag sakin ni Kuya habang malungkot sa aking nakatingin.
"Kuya," ngumiti ako sa kanya habang pinupunasan ko gamit ang aking palad ang luha ko. "Mag-aaral ka ng Mabuti, ha? Hayaan mo... 'pag nakasahod ako run, magiging malaki na ang baon mo. Makakabili ka na ng damit kahit kailan mo gusto. Bumili ka rin ng sapatos mo, napansin kong butas na, oh." turo ko pa sa sapatos niya na ikinailing na lang at tawa niya kahit na may namumuong luha sa gilid ng kanyang mata. "Kayo ni Tatay. Wag kayo laging magpapalipas ng gutom at hangga't maaari... iwas-iwasan niyo na ang mangutang dahil ako na ang bahala sa inyo."
Hindi ko maiwasang maging emosyonal, dahil sa oras na tumalikod ako, alam kong matagal ko na ulit silang mahaharap ulit. Hindi ko alam kung kailan...
Napailing siya sakin at agad akong dinaluhan at niyakap.
"Makakaasa ka. Magiging abogado ako. Pangako, babawi din si Kuya sayo...sa inyo." naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin.
Napahinga ako ng malalim at tumingala. "Dapat lang, no!"
Mahina siyang natawa. "Oo naman..." ngunit unti-unti napawi iyon. "P-Patawad Prina... patawad kung bakit kailangang ikaw pa ang gumawa nito..." nanginig ang boses na sambit ni Kuya kahit na mahihimigan ang diin na sinabi nito.
Dinig kong napabuntong-hininga siya ng malalim.
Napaamang ako. "A-Ano ba kayo! Saglit lang naman ako, eh." agad siyang bumitaw ng yakap ng marahan kong hampasin ang likod ni Kuya Primo.
Parehas kong tiningnan sila Tatay at Kuya. "Saglit lang ako don... hindi naman ako sobrang magtatagal. Pag nakaluwag-luwag tayo, at okay na kalagayan ni Chichi.. uuwi din naman ako agad."
"Mag-iingat ka anak..." nag-aalalang sambit ni Tatay. Ganun din ang bilin sakin ni Kuya.
Sa kaunting sandali ay agad kong niyakap si Tatay. Naramdaman ko rin ang ganti niyang mahigpit na yakap na parang ayaw akong pakawalan.
"Wag niyo ho akong alalahanin at magiging okay ako 'dun. Tatawag ako kapag nakarating na ako 'ron. Kayo ang mag-ingat." bilin ko sa kanila bago walang lingung-lingon na tinalikuran sila.
Agad namulat ang mata ko sa panibagong araw na tumama sa aking mukha. Hindi ko maiwasang manginig at yakapin ang sarili dahil sa lamig ng panahon ngayon rito sa Amerika. Agad akong tumayo. Hindi ko pa rin maiwasang mapatingala, mapahanga, at mahilo dahil sa mga nagtatayugang building na namamaligiran sa akin. Halos umikot ako habang naglalakad ako.
Halos lahat din ng tao ay mapuputi at magaganda mga nakakasalubong ko, magaganda ang mga suot, ako lang yata naiiba.
"Prina! Kamusta ka na?" agad na bungad nila Kuya sa akin habang naglalakad sa may pasilyo.
Pinilit kong ngumiti nang makita kong nakangiti siya sa akin. Naka-skype lang kami kaya mabuti na lang malakas ang signal rito. Katabi niya si Tatay at pihadong nandun sila lahat sa bahay. Kumakaway at todo kamusta rin sa akin si Tatay at Kuya.
Wala akong ibang sagot kundi 'ayos lang ako'
"Okay lang ako. Maayos na maayos lagay ko rito." paninigurado ko sa kanila. "Kayo ba? Kamusta kayo diyan?"
Sandali akong tumigil at naupo sa tabi kung saan may bench.
"Ayos na ayos rin naman! Nakita ko nga pala ang mga pictures na sinesend mo! Ang ganda talaga siguro dyan, no? Grabe Prina, hindi ko maiwasang mainggit na sana nandyan rin ako." ani Kuya na natatawa habang nagsasalita.
Namamangha rin dahil nakikita ko ang paggala ng mata niya sa paligid ko.
"O-Oo... naku, ang ganda-ganda talaga rito. Tsaka ano ka ba, Kuya? Balang araw makakatapak ka rin dito, no! Kaunting tiis na lang. Mabilis naman ang panahon. Mag-aral ka lalo ng mabuti!"
Tumango siya sa akin habang nangingiti.
"Nako anak, baka naman napapabayaan mo na ang sarili mo diyan, ah? Ano bang nakuha mong trabaho?" nakangiting tanong ni Tatay.
Malalim akong napalunok. "N-Naku, Tay! Hindi naman no, maayos lang po ako. Ang sarap-sarap nga ng mga pagkain dito, eh. Nga ho pala, kamusta na po pala si Chichi?"
"Maayos-ayos na. Bumabalik na rin ang pagkabibo ni bunso. Wala siya rito at nasa labas, nakikipaglaro sa mga bata."
"Naku, sayang naman. Wag niyo hong hayaang mapagod ng husto si bunso at baka mabigla ang katawan..." bumuntonghininga ako ng malalim. "uh... sige ho sa susunod 'pag tumawag na lang ulit ho ako."
"Oo anak. Mamaya! Salamat nga sa Diyos at maayos na lagay niya. Naging matagumpay ang naging operasyon, hindi na siya hinahapo. Salamat talaga sayo anak. Ano nga palang trabaho mo?"
Agad ako natigilan. Parehas silang nakangiti sa akin habang naghihintay ng aking isasagot.
"Sa... Sa ano po uhm... sa hotel po. Nga pala Tay, b-baka hindi ko pa kayo mapadalhan ngayong buwan. Uh... baka next month na akong makapagpadala. Ayos lang ba? H-Hindi pa kasi ako mabibigyan nang bonus ng boss ko, eh. Alam niyo na... baguhan lang ako." napakamot naman ako sa sarili ko.
"Naku, ayos lang yun anak! Wag mo kami alalahanin rito. Alalahanin mo ang sarili mo. Wag kang magpapagutom diyan." bilin sakin ni Tatay.
Napahinga ako ng malalim at pilit na ngumiti. "M-Miss na miss ko na ho kayo..." bigla ko na lang nasambit.
Unti-unti na namang bumigat ang pakiramdam ko.
"Miss ka na din naman anak."
"M-Mahal na mahal ko kayo... wag niyong kalilimutan 'yon. Pag nakalimutan niyo, hindi ko kayo papadalhan!" pagbibiro ko sa huli.
Agad ko naman sila narinig na natawa. Napansin kong medyo okay na ang istura nila. Mga hindi mukhang pagod. Medyo umaalwan na dahil nakapagpapadala ako sa kanila. Sana maging okay sila diyan at marami pa akong gustong ibigay sa kanila.
"Alam namin anak. Araw-araw ka rin namin ipinagdarasal na sana patuloy na maayos ang lagay mo dyan. Mahal na mahal ka din namin."
Napasinghap ako at tumingin sa ibang direksyon. Kaya bago pa madami ang masabi ko ay nagpaalam na ako.
"Ah... S-Sige na ho. Kailangan ko na hong magpaalam. Tatawag na lang ho ulit ako sa inyo." bilin ko.
"O-Osige anak. Basta tumawag ka ulit sa amin anak, ha? I love you. Ingat ka sa trabaho mo."
Tumango ako sa kanila at kumaway. Kumaway rin sila sa akin habang nakangiti. Nang maramdaman kong umiinit na ang gilid ng mata ko ay agad ko ng pinatay ang tawag.
Ilang minuto akong napatitig sa selpon at natulala.
Ang selpon na lang ang meron ako para makakomunikasyon ko ang pamilya ko. At ang aking bitbit na nasa balikat ko na maliit na bag ay palaging dala-dala ko. Napayuko ako at agad na napalagay ang palad ko sa dibdib at tuluyang bumagsak ang mainit na luha ko sa aking pisngi.
Bago pa ako umatungal ng iyak ay agad kong pinunasan ang luha ko at huminga ng malalim saka ginala ang mata sa paligid.
Diyos ko... gusto ko na. Gustung-gusto ko ng umuwi. Paano ko masasabi sa kanila na hindi naman talaga maayos ang lagay ko rito? Kung anu-ano na pinasok at pinaggagawa ko para lang mapaldahan ng malaking pera ang pamilya ko. Matustusan ko lang agad na mapaoperahan si Chichi.
Para lang rin akong nasa Pilipinas, kapag hindi ka magaling ay hindi ka makakatagal sa trabaho mo. Tatanggalin ka pa. Kaya heto ako... kakatanggal lang sa akin nung huling pinasukan ko na restaurant dahil ilang beses na akong nagkakamali sa mga orders at pages-servings.
Ang bobo ko talaga.
Nag-iisip pa ako kung anong magandang trabaho ang mapapasukan ko ulit. Mahirap kasi minsan sa pinapasukan ko, kadalasan ay may mga hinihinging requirements na wala naman ako. Senior high lang natapos ko... anong magiging maayos na trabaho ko rito? Ni wala akong ideya, kaya medyo nag-a-adjust pa talaga ako dito.
Nadinig ko ang pagkalam ng sikmura at napangiwi ako. Sa kagutuman ay ramdam ko ang pamamahapdi ng aking tiyan.
"Diyos ko, saan na naman ako kakain nito..." paimpit na bulong ko sa sarili, na halos paulit-ulit na akong nananalangin na sana umayos ang lagay ko rito.
Hindi pa ako kumakain at hindi ko namalayan sa paglalakad ko, ay nalipasan ko na ang mag-umagahan at mananghalian. Halos nagkape lang ako, bumiling rin ng sapat na pagkain tulad ng tinapay dahil alam kong may tindang mura kanina. At alam kong ilang oras na lang ay magdidilim na. At kahit magaganda ang nakikita ko sa pailigid ay hindi ko magawang magsaya. Hindi ko na magawang ngumiti. Tila ang lahat na magagandang nasa paligid ko ay naglaho ang pananabik sa paningin at nararamdaman ko.
Hindi ko maiwasang mapasabunot sa sarili at maiyak sa inis. Para akong mababaliw sa kabuwisitan at kagutuman! Halu-halo na pakiramdam ko; pagod, takot, at kalungkutan. Napapagod ako sa mga pinaggagawa ko, hindi ko maiwasang matakot kung anong magiging buhay ko rito habang mag-isa ako, at nalulungkot ako kasi malayo ako sa pamilya ko.
Para akong namumulubi, kapag may nakikita akong pagkain sa paligid, at k-kahit sa basurahan... ay palihim kong kinukuha. Kanina pa akong ganito... ubus na ubos na kasi ang pera ko. Walang natira maski barya. Ang naitabi ko sa sarili ko ay nagastos ko nung nakaraan dahil ang halos na perang naitabi ko ay naipadala ko na.
Nang may makita akong pizza na iniwang nailapag ng isang costumer sa isang restaurant ay unti-unti akong lumapit. Mukhang tapos na itong kumain kahit na hindi nito naubos ang pagkain. Sa totoo lang, na kahit ganito ang suot kong paulit-ulit ay mukha pa rin naman akong malinis. Amoy nga lang ang hindi. Pero kahit na, alam kong wala namang pumapansin sa akin, wala na akong pakialam pa. Para lang akong bibili pero hindi naman.
At sa paglapit ko, masuwerte pa rin ako dahil walang masyadong nakakakita. Open space rin ito kaya accessible. Lalo na sa isang magtatangkang magnakaw na katulad ko. Alam kong masama ito... pero gutom na gutom na talaga ako!
Medyo tago naman kasi ang parteng ito at may mga halaman kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na damputin agad ang tirang pagkain mula mesa. Isinama ko na rin ang may bawas na inumin at pikit-matang walang lingun-lingong tumakbo ako palayo kung saan.
Tumakbo lang ako ng tumakbo, natatakot na baka may makahuli sa akin. Halos may mga ilan na napapasulyap sa gawi ko sa karipas ko ng takbo pero wala na akong pakialam. Ang tanging nasa isip ko lang ay makapagtago at masolo itong pagkain na kinakain ko.
Baka kasi 'pag kumain ako kung saan ay maagawan na naman ako. Hindi ko makakalimutan yung araw na kumakain lang ako ng burger sa tabi nang may biglang humablot mula sa bibig ko, yun pala... pulubi rin. Hindi ko na nahabol sa bilis ng galaw ng taong 'yon.
Hingal-hingal akong pumunta sa isang eskinita na walang masyadong tao. Malaki ang mga poste, maging ang mga ding-ding. May mga vandalism rin. Hingal-hingal naman na ako'y umupo sa semento at agad na sumandal sa ding-ding. Napangiti ako ng mabuksan ko ang burger na marami pang laman at halos iilang kagat pa lamang nababawasan.
Agad akong nguma-nga at sana ay kakagat na nang bigla akong napaigtad sa nadinig.
"Shit. Pusa pala..." malalim na hinga kong pagsambit. Kinabahan ako dun!
Akala ko kung ano na! Napatingin ako sa paligid ng mapansin kong walang katao-tao talaga. Napansin kong nakatingin sa akin itong pusa. Hindi pala... sa pagkain pala ito nakatingin. Napakunot ako.
"Tinitingin-tingin mo? Gusto mo? Asa ka. Gutom ako. Hindi mo 'ko madadaan diyan sa titig mo kahit na anong ganda pa ng mata mo," parang baliw na kinakausap ko itong pusa, mawala lang siya sa paningin ko at maghanap ng ibang makakain.
Ngunit nanatili ito nakatingala sa akin.
Patuloy sa pagngiyaw, palakas ng palakas kaya hindi ko alam kung isusubo ko ba ang burger o hindi. Kapag isusubo ko kasi ay nagngingingiyaw ito, kapag naman hindi ko tinutuloy ay tumatahimik ito. Weird ng pussy na 'to, ah.
"Abat! Aagawan mo pa ba ako? Mas mataba ka pa nga kaysa sakin, eh."
Maganda ang kulay nito. Kulay abo at halos mukhang malusog at makapal ang mga balahibo, maging ang mga mata ay kulay dilaw. Ang gandang pusa... mukhang mas mayaman pa ang istura kaysa sa akin. Kanino kayang may-ari ito? Siguro palaboy-laboy rin ito. Kawawa naman.
Nadinig ko naman ang kanyang pag-ngiyaw, kasabay ng pagngulbit niya sa may bandang siko ko. Akala ko kakalmutin ako, yun pala ay nangulbit lang at sa pagkain ko nakatingin.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. "Makulit ka ha... Sa oras na bigyan kita, aampunin na kita. Sige ka... aampunin talaga kita!" banta ko sa kanya, magbabakasakaling kapag sinamaan ko rin ng tingin ay lalayo na siya, ngunit nanatili pa rin.
At talagang kinuskos pa ang ulo nito sa aking siko habang ngumingiyaw. Para akong nanlambot nang maramdaman ko ang lambot ng kanyang balahibo sa braso ko at parang nilamlambing na ako.
Naiiling na agad akong kumurot sa burger at binigyan siya. Agad din naman niyang kinain iyon. Napangiti naman ako. Ang lambing ng pusang ito, naaalala ko sa kanya ang bunsong kapatid na si Chichi ko. Ganito rin umasta kapag hihingi ng baon o pagkain.
"Mula ngayon, akin ka na, pussy..." kasabay ng pagkagat ko sa burger ay hinimas ko ang ulo niya.
Tutal ay palaboy-laboy na ito, sayang naman at aalagaan ko na.
Matapos niyang maubos ang binigay kong pagkain, nagulat pa akong dumais siyang palapit sa akin at nanatiling umupo sa tabi ko. Tuluyan nang sumandal sa binti ko. Hindi na umalis at patuloy ng nanlambing.
Sa oras na ito. Naramdaman kong hindi ako nag-iisa. May kasama na ako. Ang pussy ko...
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro