Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 15


"Where's your parents, Ms. Malitaitai? Matatapos na ang highschool at susunod na ang senior high." paalala sa akin ng adviser namin.

Kanina ko pa tine-text si Nanay pero hindi pa siya nagre-reply.

"Mamaya padating na rin po 'yon, Ma'am." ani ko. Napilitan akong umangat ng tingin dahil tutok ang mata ko sa cellphone na baka biglang mag-ring ang phone ko.

"Okay. Kapag hindi sila makaabot... it's okay. Pwedeng ako na lang magsabit sayo, okay?"

Iiling-iling na tumatango ang aking ginawa. Hindi makasigurado.

"By the way, congratulations." bati niya sa akin at marahang ngumiti. Agad naman ako nagpasalamat sa kanya.

Kung hindi makakapunta talaga si Nanay, baka nga talaga adviser ko na lang. Si Tatay kasi, ang pagkakaalam niya ay si Nanay talaga ang pupunta kaya sinabi niyang mamamasada na lang siya ulit ngayon. Si Kuya naman, kahit na gusto niyang manood, hindi pwede. Hindi na raw ganun kadaling umabsent at baka may recitation daw sila ulit.

"Don't worry, may mga intermission pa naman mga mangyayari kaya I know na makakahabol pa ang magulang mo. But please, try to contact them para on time sila sa oras ng pagdating nila para sa tract natin." anito saka umalis sa harapan ko para itanong pa ang ilan kong kaklase na hindi pa dumadarating ang kanilang mga magulang.

Mga kasamahan ko na kaklase ay mayroon rin. Agad naman nila akong binati nang malaman nilang napasama rin ako. Nag-congratulate rin ako sa kanila.

Hindi ko maiwasang kabahan, at matuwa. Kasi pakiramdam ko hindi talaga ako belong rito. Kagabi ko pa nga iniisip na... deserve ko ba talaga ito? Ang plano ko lang naman ay makabawi pero hindi ko naman inaasahan na grabe pala ang bawi na maibibigay sa akin! Sobra-sobra pa at hindi ko ine-expect 'yon!

Kanina pa kami rito. Hindi pa naman agad nag-start ulit dahil nagkaroon pa ng intermission number. Mula kanina, nagpadasal rin at nag National Anthem. Ganito talaga sa tuwing nagkakaron ng aktibidad sa aming school bago mag start. May mga ilan pang mga prof and teachers na nagsasalita kaya mahaba-haba ang time para makapaghanda ang mga estudyante at ang ilan pang mga darating para manood.

May mga ilang highschool pa ang nauuna kaya kampante ako na makakaabot pa si Nanay dahil panghuli pa naman kami. Siguro kaya hindi pa nagre-reply si Nanay ay dahil hindi pa siya tapos maglabada? Eh kung ganon... pagod siya? I-text ko na lang kaya na okay lang kung hindi siya makapunta?

Labag sa loob kong naisip iyon. Pero sabi niya, pupunta raw siya. Sinabi niya yun kagabi kaya naman labis ang tuwa ko. Akala ko nga iiyak na naman ako bago matulog, eh. Ewan ko, pagdating talaga kay Nanay... napaka iyakin ko. Kaya mabuti na lang pumayag siya. Kaya inaasahan ko ring makakapunta talaga siya dahil ito ang unang beses na magkaroon ako ng karangalan. Unang beses ko ring mararanasan. At alam kong... ito ang gusto ni Nanay para sa akin mula noon pa. Alam kong hindi niya ito palalampasin. Alam kong darating siya...

Siguro busy pa 'yon paggagayak magpaganda kaya medyo natatagalan pa siya.

"Prina..." tawag sakin ni Tatay. "Sana ako na lang kinontak mo."

Mapait akong ngumiti at umiling sa kanya. "Nauunawaan ko, Tay. Sige na po, matutulog na ho ako, pagod ako." paalam ko agad kay Tatay na malungkot na nakatingin sa akin.

Tinanguan ko na lang siya at agad na nilampasan at dumiretso sa kwarto. Wala si Chichi sa kwarto ko dahil nasa kwarto siya nila Tatay. Basta ko na lang nilapag sa mesa ang aking mga natanggap na ribbon at isang medal kanina. Agad akong humiga sa kama, niyakap ang unan, natulala sa kisame. At bago pa may dumaloy sa aking mata ay agad na akong pumikit at tuluyang natulog na.

"Oh, ang aga mo ah? Saan ang punta?" bungad sa akin ni Kuya.

Lunes na lunes ay maaga akong nag-asikaso at naggayak. Sinigurado ko na lahat ng mga dokumento at ilang papeles ay madadala ko at nakalagay sa iisang envelope. Inagahan ko na rin para hindi masayang ang oras ko sa mga pupuntahan ko.

"Maghahanap na ako ng mapapasukan na state university..." sagot ko sa kanya habang nakatutok ako sa salamin habang nagsusuklay.

"Ayos yan, ah. Saan mo ba gustong pumasok?" interesanteng tanong niya habang humihigop siya ng kape.

Kakagising niya lang rin at malamang si Chichi at Nanay ay tulog pa. Si Tatay lang talaga pinaka maaga nagising dahil maaga yun pumunta sa kanilang toda bago siya magsimula agad mamasada.

Napabuntong-hininga ako. "Bahala na. Kahit saan. Basta sa mga state university para libre ang tuition. Sana lang ay makapasa ako sa entrance exam."

"Yakang-yaka mo 'yan." pangchi-cheer-up sa akin ni Kuya na ikinairap ko na lang.

"Sana nga." saka ako napatawa. "Medj kabadudi ako, eh."

"Sus. Hindi lang naman ikaw. Marami naman kayo. Sa una lang 'yan." tinawanan ako ni Kuya. "Galingan mo, ah?"

Simple lang ang isinuot ko, naka long-sleeve lang ako na itim na wari ko ay pinaglumaan ko mula nung highschool ako. Kaya medyo humahapit na sa baywang ko kaya nakikita ang kurba ko. Naka pantalon rin ako na halos matagal ko na rin nagagamit kaya medyo kupas na at hapit na hapit na rin sa aking mga binti at hita at baywang. Halos makalimutan ko na kung kailan ba ako nakabili ng bagong damit? Hindi ko na rin maalala.

©piedraijada

Okay na siguro 'to. Ang mahalaga sakin ay mabango at mukha akong malinis. Hindi ko kailangan magmukhang mayaman dahil isa pa, wala rin naman akong pambiling bagong damit kaya sobra ang pag-aalaga ko sa ibang pang-alis na damit dahil 'yun na lang ang medyo matino kong masusuot.

Nagpulbo na lang ako at simpleng liptint. Saka ako naglagay ng pabango sa leeg at braso.

"Mauna na ako, Kuya. Nagluto na akong umagahan, ikaw na bahala magsabi kina Nanay na nakaalis na ako." paalam ko kaagad sa kanya.

"Sige, mag-iingat ka."

Kanina pa ako naglalakad sa kainitan ng bayan. Kahit na maaga ay medyo mainit na ang panahon dahil sa bungad ng araw kaya panay ang paypay ko gamit ang panyo ko sa aking mukha. Kagagaling ko lang sa photo studio para kung sakaling hingan ako ng mga 2x2 picture ay may nakahanda ako. Siniguro ko rin na nagpa-photo copy na rin ako ng mga grades.

Mabuti at may naitatabi akong pera kaya hindi ako namomroblema sa mga gagastusin. Yun nga lang, hindi ako pwedeng basta na lang magwaldas, kailangan kong tipirin at baka mapauwi na naman ako bukas. Nagpaalam na rin ako kina Ate Barbs na baka hindi muna ako makakadalo sa parlor niya dahil marami akong asikasuhin. Kung makakaaga sana ako sa pupuntahan kong University ay aasiksuhin ko na agad kumuha ng scholarship para naman may matatanggap rin ako tuwing natatapos ang semestre ko. Mas maganda na rin iyon pandagdag kahit na balak kong maghanap ng part-time job kahit pumapasok ako.

Ang bilis ng panahon at naka-Graduate na ako ng senior high. At heto ako, tutuntong na sa kolehiyo. Ang dami kong plano at ang unang hakbang ay sinisimulan ko na. Ako na mismo kumilos para sa sarili ko at naghanap ng paraan kung saan ako makakapasok. Hindi na ako umasa sa mga magulang ko dahil alam kong busy sila. Hindi ako tulad ng iba na nagpapasama pa sa magulang para lang mag inquire o mag-enroll. Kaya ko naman ang sarili ko. Kahit na medyo kinakabahan dahil malaking eskwelahan ang aking pupuntahan, kakayanin ko naman mag-isa.

Tatlong buwan lang ang bakasyon at malapit na naman ang pasukan. Ang alam ko kasi ay madalas Agosto nagsisimula ang pasukan sa mga public university. Kaya medyo mahaba-haba pa ang araw para makapaghanda.

Ang ilang mga kaklase ko noon ay nababalitaan kong pandiasikaso rin kung saan sila unibersidad papasok. May mga pinalad na nabigyan ng scholar sa private, at may mga ilan din naman makakapasok sa private dahil may pera sila kaya hindi na sila nahirapang mag-asikaso. Yung iba naman ay nagpapakasasa pa sa pagbabakasyon.

At may iba naman na katulad ko na ang target ay makapasok rin sa libreng tuition sa mga public univeristy. Nakakalungkot lang isipin na... yung iba kong kaklase ay mapipilitan na tumigil dahil sa hirap rin ng buhay, ang mga dahilan ng iba ay tinatamad na, yung iba gusto na agad magtrabaho, at yung iba ay nagsasakripisyo na huwag na muna pumasok hangga't hindi pa nakakatapos ang isang kapatid dahil hindi kakayanin ng magulang nila na pag-aralin sila ng sabay-sabay.

Kanya-kanya kaming ng kwento at pinagdadaanan. At itong kwento ko, pinipilit kong bumangon at kahit na alam kong mahirap kami, ginagaw ko na agad ng paraan. Lagi kong iniisip na makakaya ko. Na hindi ako susuko. Na ang lahat ng hirap o problema, alam kong meron at meron pa ring paraan para masolusyunan.

Napahinga ako ng maluwag ng makalabas ako ng room kasama ang ilan pagkatapos naming mag entrance exam. Halos unatin ko ang buto ko at hilutin ang leeg ko dahil kakayuko ko kanina. Ang tagal naming nakaupo kaya naman hindi na kataka-taka na todo daing ang iba pagkalabas nila.

Mabuti at sa unang punta ko ay nakaabot ako. Medyo humaba rin ang pila nung una dahil sa pagpapasa ng requirements at palipat-lipat pa ng building, nagpa-interview rin kaya hapon na kami halos natapos. Mabuti at hindi kami sobrang dami dahil yung iba naman ay nadagasa pa lamang at mag-aasikaso. Unang batch kasi kami kaya agad kami napayagan na mag-exam. Sinabihan naman kami na i-email na lang raw sa amin o kaya ipopost na lang daw nila sa website nila kung sino ang mga nakapasa tapos saka ulit pwedeng bumalik.

"Nandito na ako..." pagod na bati ko nang makapasok muli ako sa loob ng bahay.

Lupaypay ang aking katawan. Agad naman akong dumiretso sa ref para uminom ng malamig na tubig, nauhaw kasi ako sa init ba naman kanina ng nilalakaran ko sa bayan. At sa pagkarok ng tiyan ko ay agad akong namungkal ng makakain sa mesa. Mabuti at may sinaing na isda pang natira at bahaw na kanin. Agad akong umupo at namahaw agad. Mamaya na lang ako ulit magsasaing para sa hapunan naming lahat.

"Anong puds niyo, hija?"

"Anak ng libag!" gulat akong naigtad at umangat ng tingin. Napakunot na naman ako ng masilayan ko na naman si Aling Bridget na nagkakamot sa kanyang puwit.

By the way, ang ganda ng suot niya pero nakikita ko ang kwintas ng libag niya sa leeg niya.

Agad akong uminom at nawala ang gutom ko sa nakita. Paano ba nakapasok ang matandang 'to rito? Nakalimutan ko na naman i-lock ang aming pinto!

"Aling Bridget, ikaw pala... maniningil ba kayo? Kasi ang pagkakatanda ko, wala na kaming utang sa inyo, hehe." pero sa isip-isip ko ay 'ang punyetang 'to, nakapasok pa'

Samantalang kami nung bata pa kami, gusto naming pumasok ni Kuya sa bahay niya para makinood sa T.V dahil wala pa kaming T.V noon, naalala kong pinagsasarhan niya kami lagi nito ng pinto. Hindi kami pinapapasok dahil ang dungis raw naming tingnan. Baka raw madumihan ang mala-tiles at makinis niyang sahig.

Kaya pala siguro ganan ang mukha ni Aling Bridget kasi pinalalampaso niya ang mukha niya sa sahig? Ano ba itong matandang ito, ang haba ng kuko, puro kasi kutkot kung saan kaya nagkaka-ingrown! At ang ngipin nya, akala mo may kapit-kapit na lumot! Ang sipag mag liptint, tamad naman magsipilyo. Lalo talagang sumasama ang loob ko sa matandang 'to.

"Hindi naman ako maniningil, dahil alam kong nagbayad na kayo sakin. Napunta ako rito dahil manghihingi sana ako—"

"Ay, oo nga pala! Ano nga po pala tumama ngayon sa jueteng!?" agad naman akong tumayo at mabilis na niligpit ang hapagkainan.

"Kinse bente-kwatro. Tumbok otso, sahod dos." sagot niya agad.

"Ganon? Sayang, hindi ako tumama." kahit na hindi naman talaga ako tumataya.

"Hayaan mo. Malay mo bukas tumama ka na?" naramdaman kong lumapit ito malapit sa aming mesa.

Alam kong nagmamanman na naman ito ng malalamon. Wag niya lang simulan ang pagbubungkal at baka tamaan siya sa'kin. Hindi naman kami ganito sa pamamahay niya, bakit ba ganito ang matandang 'to? Madalas siyang ganito, at naiinis ako sa madalas niyang gawaing 'to.

"May sinaing na isda pala kayo... hindi man lang kayo nagsabi." anito na parang gurang na nagtatampo.

"Tatamaan na kayo sa'kin." Ngali-ngali ko ng isigaw.

Ano ba siya sa buhay namin? Kapitbahay lang naman siya. Hindi siya kasama sa palamunin namin. Importante ba talagang ibida lagi sa kanya kung ano ang ulam namin?

"By the wait, napansin ko wala na naman dyan ang mga mader mo, lalo na... pader mo." anito na mahihimigan ang lambing na boses sa huli nang tinutukoy niya ang Tatay ko.

Napakunot ako. By the way, naghuhugas ako ng pinggan, hindi ko siya maharap dahil naalibadbaran ako sa ngipin nito kapag ngumingiti. Sa totoo lang gusto ko na siyang palabasin kaso baka magmukha akong bastos sa paningin niya. Nangangasim na kasi ang loob ng aming pamamahay dahil sa nakakasulasok na amoy niya. Naliligo pa ba ito? Mabuti kahit na naririnig kong may nangyayari sa kanila ng asawa niya, wala ako nadidinig na maangot raw ang amoy niya?

"Baka po nasa kwarto, tulog siguro." sagot ko na lang.

"Sus! Hindi ako nagkakamali, eh kanina nga lang nakita ko na naman umalis sila magkakasama. Pansin ko na ikaw laging natitira dito sa bahay. Para kang others sa kanila, huh? Maybi they well gow someone na naman."

Napakunot ako. Someone? Baka somewhere?

"Saan naman ho kaya kung ganon?" magsimula na naman akong magtaka.

"I don't know."

Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim.

Maya-maya ay narinig kong nag-vibrate ang aking cellphone. Agad naman ako nagpunas ng kamay nang matapos akong maghugas ng pinggan. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at nakita kong si Tatay na ang tumatawag.

Bago ko sagutin ang tawag ay napagawi ang tingin ko kay Aling Bridget na naghihilod ng libag sa leeg. Napangiwi ako. Dadayo na nga lang dito sa bahay, magdadala pa ng kalamugan.

"I bitter gow home na, Frina. Sa susunod na lang ako manghihingi ng ulam. Medyu di ko bet ang sinaing na isdang ulam niyo, eh. Sobrang asim ng amoy." Baka naman kili-kili na niya ang naaamoy niyang maasim? Ang kapal talaga ng mukha ng gurang na 'to!

"Gud bye and gud pm na rin." paalam pa niya sa akin at tumayo.

Tumango ako. "Mabuti na nga ho. Maligo na rin kayo pag-uwi nyo."

"Lmao! I know I smelling bad. I'm stenk." baka stink! Haynaku.

"Prina.. saan ka ba nanggagaling?" inip na tanong ni Tatay nang makasalubong niya ako.

Bago ko pa kasi masagot kanina ang kanyang tawag ay tinext ako ni Tatay na nasa ospital na naman raw sila, kung saan doon na confine din si Chichi marakaraan ng ilang buwan nung magkasakit siya. Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit nasa ospital na naman sila. Hindi ko alam kung sino na naman sa kanila ang nagkasakit kaya nag-alala ako ng husto at dali-dali agad na sumugod sa ospital.

"Pasensya na, Tay. Kakauwi ko lang kasi sa bahay nung tumawag kayo. Nalobat din ako kanina kaya nag-charge pa ako." ani habang patuloy lang kami naglalakad at ako'y sumusunod lang sa kanya.

"Osige, balisan mo!" pagmamadali niya.

Ang napansin ko lang sa kanya ay ang pagiging malamig ni Tatay. Marahil siguro ay sa nangyayari ngayon kaya... medyo iritado ito. Ano bang nangyayari?

"Oh, diyos ko... Primo!"

Nagulat ako nang mabungaran namin si Nanay na umaatungal ng iyak. Namumula ang mata nang buksan at makapasok kami sa isang... private room? Ano ba talagang nangyayari?

"Emma.. tumahan ka na. Lalong hindi makakahinga ang anak mo pag maririnig niya ang iyak mo imbes na pinakakalma mo!" agad na nilapitan ni Tatay si Nanay.

"Hindi ko mapigilan... diyos ko! Paano pa siya makakalma e hindi makahinga ang bunso natin! Kanina pa dumadaing na masakit raw ang dibdib niya!" histerikal na sabi ni Nanay.

Halos hindi na ako mapansin ni Nanay ng makapasok kami. At ang isang ikinatigil ko ay ang makita ko ang bunsong kapatid ko na si Chi-chi na hinahabol ang hininga habang nakaratay. Halos tumarak at mamuti ang mata nito habang nakanganga, napapaiyak sa paghahabol ng hininga. Mukhang inaatake na naman ito ng asthma, at napansin ko na mas tumitindi ang paghahabol nito ng hininga dahil tumataas baba ang dibdib nito.

"Nay... ang sakit ng dibdib ko!" daing ng bunsong kapatid ko na agad naman nilapitan ni Nanay.

"Diyos ko... anong nangyayari sa kapatid ko!?" agad akong lumapit nang ako'y matauhan sa pagkapatulala.

Ngunit hindi ako makalapit ng husto dahil bigla akong pinigilan ng nurse nang makita ko ang Doctor na inaasikaso nila ang kapatid ko. Pinapakalma at sinasabitan ng kung anu-ano at dextrose.

Halos matulala na lang ako at maluha sa kalagayan ng kapatid ko. Kagagaling niya lang sa sakit, tapos... eto na naman! Palagi na lang siyang habulin ng sakit. At sa nakikita ko sa itsura niya ay halatang hindi biro at hindi normal ang sakit na iniinda niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito... na halos habulin ang paghinga habang umiiyak.

"I'm Dr. De Castro, Cardiologist. Kayo ang pamilya niya, right?" ani sa amin ng Doctor at lumapit matapos magpakilala.

Sa likod niya ay inaasikaso ng mga nurse ang kapatid ko. Napansin ko rin na nakatulog na ito sa pagod at tuluyan ng napakalma dahil siguro sa ikinabit sa kanya.

"Kami nga ho, Dok. Maayos na ho ba lagay ng anak ko?" nag-aalalang tanong ni Nanay.

Napabuntong-hininga naman ang Doktor. "Kumalma na siya. She's now okay but... that doesn't mean she's healthy."

"Ho? A-Ano pong ibig niyong sabihin, Dok?" mahinang tugon ni Nanay.

Hindi ko rin maiwasang kabahan habang seryoso namang naghihintay ng sagot si Tatay. Habang ang Doktor naman ay abala sa kanyang hawak, mukhang may binabasa.

"Sumama po kayo sakin, Mr. and Mrs. Malitaitai. Kailangan ko po kayo makausap."

"Ano? Ano ba talagang nangyayari sa anak ko, Dok? Ano hong resulta sa naging check-up niyo sa kanya kanina?" si Tatay naman ang nagtanong.

"Yun na nga hong pag-uusapan natin ngayon. Hindi ho basta-basta ito. Mahalaga hong makausap ko kayo dahil marami po akong idi-discuss sa inyo base sa nasuri ko sa anak niyo. Kung maaari, sumunod po kayo sa akin." seryosong ani ng Doktor habang iminuwestra ang sarili.

Nagkatinginan sila Nanay at Tatay bago ibaling nila sa akin ang tingin. Gusto ko pa sanang sumama sa kanila kaso ibinilin ako ni Tatay.

"Aalis lang kami ng Nanay mo. Bantayan mo muna saglit ang kapatid mo." bilin ni Tatay bago sila umalis sa harapan ko kasama ang kausap na Doktor.

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro