Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PHASE 12


In the name of the father, the son, the holy spirit, Amen...

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim habang naglalakad papalapit sa aming bahay.

"Ah... Nay. Ito nga pala yung report card ko wag po sana kayo magugulat na---" napailing ako.

Hindi! Mali mali! Masyadong direkta!

Dapat siguro may introduction muna ako. Anong magandang mai-intro kay Nanay?

"Grabe ang init ng panahon, no? Parang nauuhaw ako, parang sasama pa yata ang pakiramdam ko dahil sa init ng panahon! Ah Nay, heto na nga pala yung report card ko. Saglit lang po at maliligo lang ako. Ang sakit ng ulo ko, parang lalagnatin din yata ako."

Tsk. Ganito na sana pero nagawa ko na ito dati. Maraming beses na. Eh kung iabot ko na lang agad sa kanya at sabihin agad na...

"Nay, patawad."

Napailing muli ako at huminga ng malalim. "Diyos ko po..." sana hindi ako kurutin ng Nanay ko kapag nakita na niya itong grades ko!

Kanina pa ako nagsa-sign of the cross at palihim na nagdadasal mula ng makababa ako ng jeep sa tapat ng bahay namin. At kanina pa rin akong nagpa-practice kung ano ba ang dapat kong sabihin sa oras na iabot ko kay Nanay ang report card ko. Imagine ko pa lang ang nangungunot niyang noo at talim ng mata ay nangingilabot na ako sa nerbyos!

Ang gulu-gulo na ng utak ko. Sinabayan pa ng lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Ano bang magandang idahilan? Eh kung umiyak na lang kaya agad ako at saka ko sabihing ang totoo like;

"Maaa.... I'm sorry maaaa... ginawa ko naman lahat pero kulang pa rin. Maaa... sorry! Huhu!" sabay hahawakan ko ang kamay ni Nanay at luluhod ako sa harapan niya.

At pagtapos non ay sasabihin ko ring babawi rin ako kalaunan. Babawi na talaga at mag-aaral pa lalo ng mabuti--

"Frina!"

"Fuke!"

Napahawak naman ako sa dibdib ko. "Aling Bridget!?" tukoy ko sa thunders naming kapitbahay na tumawag na nagngangalang Bridget, habang nagkakamot sa malagom at mabuhok nitong kili-kili.

Nakasuot ito ng croptop na may printed na sunflower at na loose-thread na tokong shorts na may butas. At sa wari ko'y naka liptint pa ito at may hikaw na malaki sa tainga habang nakatali ng pagkataas-taas ang manipis nitong buhok na kulang na lang ay umabot ang puyod nito sa noo. Unicorn lang, tih?

At kahit na bitin ang kanyang suot na damit ay makikita ang kamot nito sa tiyan, lalo na ang malibag nitong pusod na nangangalandakan. Minsan nga naririnig ko ito at pinangangalandakan na mas maganda raw ito sa Nanay ko, eh. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban niya. Kaya medyo imbyerna ako sa matandang ito. Di hamak naman na kuyukot lang siya ng Nanay ko, eh. Mas maganda kaya si Nanay. Suspetsa ko rin na kasi, kaya siguro madalas kaming pautangin nito ay nagkaroon ng history na may crush pala ito sa Tatay ko noon. Wala eh, pogi kasi si Tatay, maganda pa rin pangangatawan kumpara sa asawa niyang medyo ugod-ugod na. Minsan nga nahuhuli kong kinikindatan nito ang Tatay ko pag pinapagawi rito, tinatawanan na lang ni Tatay. Akala niya siguro ay kaakit-akit siya.

By the way, ang ganda ng suot niya pero ang asim ng amoy niya.

Nakatigil pala ito saglit sa tabi ng aming terasa. Bigla na lang pasulpot-sulpot ang matandang ito. Kaya pala medyo nangasim ang itsura ko, akala ko may nakatambak na bulok sa tapat ng aming bahay, siya lang pala. Kanina pa kaya ito?

Ang bahay kasi nila ay halos kadikit lang rin ng bahay namin. Naiilang tuloy ako pag nakikita ko ang matandang ito. Aba'y kundangan ba naman kasing kadikit lang ng ding-ding ng kwarto ko sa ding-ding ng kwarto nila ng kanilang asawa kaya naririnig ko ang chukchak na hindi dapat marinig. Sila rin ang dahilan ng madalas na pagkapuyat ko sa gabi. Pambihira, kay tatanda na ay lalakas pa ng resistensya, dinaig pa mga magulang ko!

"Naku, Aling Bridget! Kung maniningil ho kayo ngayon ay uunahan ko na ng pasensya ho, ah? Hindi ho muna namin agad mababayaran ng buo ang utang namin. Pasensya na po." pangunguna ko na.

Sa totoo lang ay hindi siya katulad ng ibang naniningil. Medyo mabait naman ito kahit na may pagka atichoda minsan. Hindi tulad ng iba na tsismosa na nga, palengkera pa ang mga bunganga.

"Ano ka bang bata ka? Hindi naman ako maniningil, gusto ko lang sabihin na mukhang wala dyan sina neighbored Emma." tukoy niya sa Nanay ko.

Neighbored? Hindi ba Neighbor yun? Kapitbahay, ganern?

Napakunot naman ako sa matanda. Lalo akong nangunot ng ayusin niya pa ang buhok nito kaya lalong bumalandra sa akin ang maitim nitong kili-kili. Muntik na ako masigaw.

Kuto ba iyong nakita ko? Diyos ko, patawarin.

"Ano ho?" agad ko namang pinihit ang seradura ng aming pinto. "Baka naman nasa labada lang si Nanay, Aling Bridget..." nagpatuloy ako sa pagpasok ng aming bahay ng matanto kong pagbukas ko ay parang walang katao-tao dahil katahimikan ang bumungad sa akin.

"Ang alam ko, ganitong oras nauwi ang iyong mader galing sa paglalabada. Nakapagtataka lang ay magdidilim na ay hindi pa bumabalik ulit." paliwanag nito ng ikinakunot ko. Lumingon ito sa akin at tipid na ngumisi.

"Parang concern ka, Aling Bridget, ah?" sabihin mo lang kasi na si Tatay ang hanap mo. Ang dami pang eme, eh.

Wag kang mag-aalala dahil kung totoo, kakalbuhin yang buhok mo sa kili-kili mo.

Tumango siya sa akin. "A little bet. Bay da wait, wala ba kayong pud dyan, Frina? Gusto ko sana soap, para mawala ang maneuber ko. Ang dami kasi namin nainom ni Lito kanina tapos umulan pa, alam mo na... hehe. " sinasabi ko na nga ba sa matandang ito. Hahanapan na naman ako ng pagkain.

Tsaka, ano raw, soap? Hindi ba soup yun? I mean sopas sa tagalog? Imposible naman na gusto niyang kumain ng sabon, no? Pwede rin naman. Gamitin na rin niya sa ngipin niyang maitim baka sakaling mamuti.

Tsaka Maneuver? Ah, baka hangover ang tinutukoy niya! Pambihira talaga ang matandang ito! Mahilig mag-English. Sabi niya kasi hinahasa niya raw manalita ng ingles para kalaunan raw ay may accent na siya magsalita kapag nagpunta siya sa ibang bansa para maghanap ng trabaho.

"Sige ho, salamat." yun na lang sinabi ko kasabay ng paghilot ko sa nananakit kong sentido.

"My pressure. Weyt a minit, sabi ko kako kung may ulam ba kayo riyan, hija? Hindi kasi ako nakapagluto kasi naubusan kami ng gash." ulit pa na tanong at nagdahilan na naman.

Lihim akong napairap at napabuntong-hininga. Ilan buwan na ba sila walang gas? Eh, kanina nga lang umaga naririnig ko siya na nagluluto e! Ganito palagi palusot ng matandang ito! T'saka nakita ko lang rin nung isang araw na kaka-padeliver lang nito ng gasul sa kanila. Tinatamad na naman siguro ang gurang na ito! Puro kasi ano gabi-gabi!

"Atsaka nga po pala, Aling Bridget. Baka ho bukas makapag-abot ako para mabawasan ang utang namin. Tingnan ko na lang ho ang listahan niyo bukas pagpunta ko."

Ngumiti siya sa akin kaya bumubungad na naman ang malibag niyang ngipin.

"Oke, tenks. Pero may ulam ba kayo dyan, hija? Makikihingi naman—"

"Sige po! Wala hong anuman. Salamat din po!" mabilis na sagot ko.

"Ang damot naman ng babaing 'to..." nadinig ko pa sa labas.

Inisnaban ko na lang agad ang presensya ni Aling Bridget saka sinarado ang pinto sa sala. Baka kasi magbungkal pa ito kung papapasukin ko pa. Wala na nga kami kakainin, makikihingi pa? Hindi siya marunong makiramdam eh, katunayan ay mas may kaya pa nga siya sa amin dahil ang anak niya ang nagtatrabaho sa Amerika. Hindi sa nagiging madamot ah, talagang hindi lang nagiging sapat yung kinakain namin sa araw-araw. Tatlong beses lamang kami kung kumain at minsan lang maranasan makabili ng meryenda.

Kung kakausapin ko pa kasi ito ay baka abutin pa ito magdamag sa kakadaldal hanggang sa manghingi na naman ng ulam. At isa pa, baka lang lalo sumakit ang ulo ko hanggang sa himatayin ako dahil sa daldal nito, madalas pang mag-English. Ganyan kasi siya palagi kapag minsan dumarating ako para magluto ng hapunan. Chichika muna kay Nanay, ngunit makikikain rin kalaunan. May padagdag pang request na magbabalot ng pagkain para raw idala sa asawa niya.

"Bunso? Chichi?" tawag ko. Inilapag ko naman ang aking bag sa may sala at naglakad patungo sa kusina. Walang bumungad sa akin kundi ang mga hugasing pinggan na nakakalat sa lababo.

Ang pinaka nakakatamad at ayaw ko sa buhay ko.

"Nay? Tay? Kuya?" tawag ko pa ulit sabay lapag ko rin ng isang plastic sa mesa para sana pang meryenda. Bumili kasi ako ng tinapay sa bakery nang maglakad ako sa bayan pauwi.

Napakunot ako. Nasaan naman kaya sila? Eh madalas naman na ganitong oras ay nasa sala sila Nanay at Chichi, nanonood sa TV, at si Tatay naman ay namamasada.

Baka naman nasa kwarto at nakatulog?

Napagpasyahan ko namang puntahan ang aming silid, ngunit pagkabukas ko ay wala rin. Maski si Chichi! Sya pa naman palaging maaga nakakauwi sa bahay dahil maaga siya sinusundo ni Tatay. At pagdating niya, kung hindi gumagawa ng assignment na nasa kusina na madalas kong mabungaran sa kanya, ay nanonood rin ito sa T.V, at isa pa, palagi ko rin siyang nadadatnan sa aking kwarto. Kung hindi natutulog, ito ay naglalaro gamit ang make-up ko at anumang koloreteng pampaganda na gamit ko.

Nasaan ba sila?

Magdidilim na ngunit wala pa rin sila. Oh, baka naman maaga pa talaga ang oras ngayong nakauwi ako? Tiningnan ko ang aming orasan na nakasabit sa ding-ding, natanto kong pasado alasais y media na ng gabi. At ilang minuto na lang ay mag-a-alas siete na. Pero sabi sakin ni Aling Bridget ay wala raw si Nanay dito. Kung alam niyang wala si Nanay, alam niya rin kaya kung saan siya nagpunta? Hindi ko man lang natanong kanina. Dibale na, ite-text ko na lang kesa mahingan pa ng ulam.

At kung wala nga si Nanay at baka may pinuntahan, nasaan rin ang mga kapatid at Tatay ko? Magkakasama ba sila? Pero saan sila nagpunta? Bakit hindi ako kasama? At kung aalis sila... tatawagan man lang nila ako, ite-text o kaya ay ila-lock ang seradura ng aming pinto dahil alam naming lahat na maraming manloloob dito para manakawan. Pero hindi, nanatiling nakabukas ito at di nag-abalang i-lock man lang ang pinto.

Sinuri ko naman ang paligid ngunit wala naman ako nakikitang mali, maayos pa rin nakatupi ang damit na mga nilabhan ko noon nung isang araw. Nandito pa rin ang aming nag-iisa-isa naming lumang T.V na halos kumikiraw kapag binubuksan. Ang mga kwarto naman namin ay hindi rin magulo.

'Don't forget what I told you, Gretha. Malalaman at malalaman ko ang mga galaw mo...'

'Sa oras na magsumbong ka, idadamay ko ang pamilya mo."

Bigla akong napalunok at kinilabutan ng biglang sumagi sa isip ko ito. May idea ako, ngunit ayokong isipin. Sana mali itong naiisip ko pero... hindi ko mapigilan. Isa lang naman maaaring sisihin ko sa oras na tama ang hinala ko, eh. Gusto kong isipin na imposible. But what if? What if na sa pagbabanta niya sakin ay ginawa na pala niya? Paano kung pinaglalaruan lang pala ako ng gurang na 'yon? Paano kung... may masamang nangyari na sa pamilya ko!?

©piedraijada

Napaigtad na lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Dali-dali ko naman itong kinuha at agad na sinagot. Saglit na nawala ang aking pag-aalala at napangiti ako ng makita kong si Kuya pala ang tumatawag.

"Oh, Kuya! Napatawag ka? Pauwi ka na ba?" lumapit ako sa lababo para hugasan na ang pinggan. Sinimulan ko na ring banlawan para sabuhan kahit na nakaipit ang cellphone sa aking balikat at tainga. "Magluluto ako ng ulam. Pagdating mo ikaw ang magsaing, ah—"

"Prina! Pumunta ka sa ospital ngayon din!"

Napakurap ako. "H-Ha? Ospital? Bakit?" nalilito kong tanong. Dinig ko malalim nitong paghinga na parang pinagmamadali ako sa sinabi nito.

"Prina si Chichi... sinugod sa ospital!"

Napasinghap ako. "Ano? B-Bakit siya sinugod sa ospital!?" natataranta kong tanong.

Agad kong nabiwatan ang sinasabon na pinggan sa lababo at mabilis na hinawakan ang cellphone sa aking tainga. Dagling umultaw ang aking kabang naramdaman.

What if na hindi pala sabay-sabay ang paglalaro niya sa aming pamilya, ngunit iisa-isahin niya pala kami? At ang inuna niya pa talaga ay ang bunsong kapatid ko! Napaka sama talaga ng gurang na iyon!

"K-Kuya, ano bang nangyari? Nasaan ka ba?" tanong ko. At sa wari ko na naririnig ko sa kabilang linya ay parang nagmamadali rin siya dahil sa mga yabag niya. Anong ginagawa niya?

"Kuya, a-anong nangyayari sayo? Anong ginagawa mo?" hindi ko maiwasang mag-alala.

"Mamaya na lang tayo mag-usap, Prina. Nandito pa ako sa school. Mag-skip muna ako sa last period ko para pumunta sa ospital. Sumunod ka na rin at kailangan ka rin dun nila Nanay! Bilisan mo!"

"O-Okay... ikaw rin. Ingat ka, Kuya."

Atsaka niya ako pinatayan ng tawag. Natulala ako saglit at kinalma ang sarili habang iniisip ang binalita sa akin ni Kuya. Ang bunso naming kapatid... nasugod sa ospital. Diyos ko! Ano naman kaya ang nangyari sa kapatid ko at sinugod sa ospital? Kung anuman ang nangyari sa kanya, at kung sino man ang may kagagawan nun sa bunsong kapatid ko ay makakapatay ako! Lalo na kung tama man ang paghihinala ko at ang dahilan pa non ay si Mayor Juarez!

Wala akong pakialam kung makulong ako!

Nang maikalma ko ng kaunti ang aking sarili ay agad ako nag-asikaso ng gamit at agad na nagbihis. Basta ko na lang sinuot ang mga damit kung ano man ang makapa ko sa cabinet ko. Wala na akong pakialam kung anuman ang maging istura ko dahil nagmamadalli ako, basta ang importante lang sa akin ay makita ko ang kapatid ko. Nabawasan ang aking kaunti pangamba ng malaman ko kay Kuya na nandun rin pala sila Nanay sa ospital.

Ano ba talaga ang nangyari?

"Diyos ko Primo... ang anak natin. Kailangan natin ng malaking pera. Andami pa natin kautangan. Nagpatung-patong na." atungal ng Nanay ko sa pag-iyak sa tabi ni Chichi, nakaratay pa ito at pikit. Hindi pa nagigising.

"Magagawan natin ng paraan yan, Emma. Huminahon ka." pagpapakalma sa kanya ni Tatay sabay himas ng balikat nito kay Nanay.

Lahat kami ay problemado, nasa gilid lamang kaming tatlo, si Tatay, ako at si Kuya. At alam kong bawat isa sa amin ay iisa lang naman ang iniisip, kundi ay ang kalagayan ni Chichi. Nag-iisip rin kung paano madaling mapagaling ang kapatid ko at syempre mabayaran ang mga bayarin. Nalula kami na may kamahalan ang magiging bayad namin dito sa ilang araw na pa-confine ka'y Chichi, bukod pa ron sa mga magiging gamot niya.

Sabi ng Doctor kanina, nang masaktuhan kong pagdating ko, kinakausap ng aking ama't ina ay mataas raw ang lagnat nito, at ang platelet raw ni Chi-chi ay dagling mababa. Mabuti na lamang ay agad na naisugod, dahil kanina pa pala hindi kumakain si Chichi. Kaya pala napansin ko nung nakaraan na madalas matulog ang kapatid ko kapag dumarating ako, matamlay rin kumain. Akala ko inaantok lang, yun pala ay may dinaramdam na.

Kwento rin ni Nanay ay sa paglalakad para siya'y tawagan ay bigla na lang raw ito nahimatay kaya sa sobrang pag-aalala, dun na mismo agad sila naalarma at naisugod na. Mabuti na rin na may nakapagsabi kay Tatay kaya naisakay na nila si Chichi papuntang ospital.

Bukod pa ron sa paalahanin naming, ay nagkaron ng kakaiba sa kutis ng kapatid ko. Medyo namumula. Mukhang putla at nanlalambot. Dun namin natanto ng masabi ng Doctor na si Chichi raw may dengue. At isa pa sa nagpalala sa karamdaman ni Chichi ay sa puso nito, dahilan na madaling bumagsak ang katawan nito. Mahina ang puso nito kaya hindi niya nakaya ang pag-iinda ng sakit ng karamdaman. Kaya pala kapag tumatawa o tumatakbo ay mabilis itong mapagod, hikain kasi ito at sakitin.

"Diyos ko... anong bang nangyayari sa buhay natin! Mahirap na nga tayo, nagpatong-patong pa ang problema natin!" naiiyak na sambit ni Nanay habang hinihimas ang ulo ng bunsong kapatid ko.

Hindi ko alam na magkakasakit ng ganito ang bunsong kapatid namin. Madalas kasi magkasakit ang kapatid ko, ngunit ngayon lang tumindi. Naaawa ako. Siguro, dahil abala kami sa buhay dahil may gusto kaming patunayan sa bawat isa, hindi naman namin namamalayan na nagkasakit si Chichi. Hindi namin naalagaan ng mabuti. Hindi namin namalayan na may isang batang katulad niya na naghahanap ng atensyon, kalinga ng magulang at kapatid para maasikaso ng maayos. Napaka bata niya pa para mahayaan.

"Huminahon ka, Emma."

"Paano ako hihinahon, Primo!? Yung anak natin may sakit sa puso. Hindi ko alam... ngayon ko lang rin nalaman! Akala ko simpleng karamdaman lang yung iniinda niya at madadala sa mga binibili nating gamot. Pero hindi biro ito dahil may isusuri pa ang Doktor sa anak natin. Primo... kailangan natin ng malaking halaga para gumaling agad si Chichi. Paano na?"

[Original stories by:piedraijada]

Dinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Tatay at tumango habang patuloy na inaalo si Nanay. "Magagawan rin natin ng paraan ito. Magpahinga ka muna..." sumulyap sakin si Tatay pati rin ay Kuya. Pare-parehas kaming tulala. "Dito lang kayo ng Nanay niyo at magdedelihensya lang ako sa mga kumpare ko para sa kakailanganin ni bunso, bibili na rin ako ng hapunan natin. Hintayin niyo ako." ani Tatay kay Nanay.

Sa tagal ng ilang oras na ako rito ay ngayon ko lang napansin ang istura nila Nanay at Tatay. Si Nanay, nakalumang daster ang suot at nakatsinelas, gulung-gulo ang buhok nito, para siyang nakipagsabunutan, habang namumula ang mukha at mumugto rin ang mga mata. Naaamoy ko rin ang sabong ginagamit niyang panlabada at halos medyo basa pa ang damit.

Napalunok ako. Sumakit ang puso ko sa nakita. Ang maisip na ganito ang istura ni Nanay ay nahahabag ako.

Habang si Tatay naman, bukod sa butas ang suot na kupasin nitong damit at lumang tokong na short, ang isang kapirasong suot na tsinelas nito ay nawawala kaya ang isang paa nito ay nakayapak, marumi at halos nagsugat na. Sa sobrang pagmamadali siguro ay hindi na naisuot ang kapares. Medyo nagdurugo pa ang gilid ng paa nito.

Aamba na sana paalis si Tatay ng bigla ko siyang pigilan.

"T-Tay, teka lang!"

Lumingon siya sakin na nagtataka, agad ko itong nilapitan. Napansin ko na maraming sa aming nagtitinginan na ilang pasyente ngunit walang oras sa akin para mahiya sa aming istura at wala rin naman akong pakialam pa.

"Y-Yung isa hong... tsinelas niyo nawawala..."

Bumaba ang tingin nito at nagulat. "Oo nga, no? Hindi ko napansin sa pagmamadali ko kanina." anito at napakamot pa sa ulo.

Namungay ang mata kong umangat na tumingin kay Tatay. "Tay, sasabay ho ako."

"Saan ka naman pupunta? Sasama ka ba sa pupuntahan ko?"

Umiling ako. "Hindi ho, dadaan ako sa Parlor kina Ate Barbs, magbabakasali..." mahinang sabi ko at baka marinig ni Nanay.

Alam ko naman kasi ayaw niya sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi naisip niya na sila ang dahilan kung bakit matigas ang ulo ko at hindi ko matigil-tigil ang pagpa-pageant ko.

At ng mukhang nabasa ni Tatay ang nasa isip ko ay umiling agad ito at saka ako tipid na nginitian.

"Alam kong nasa isip mo, huwag na anak. Gabi na at kaya ko naman. Hindi naman mapapansin itong paa ko kasi naka tricycle naman ako. Dito lang muna kayo ng Kuya niyo. Bantayan niyo muna Nanay at ang kapatid niyo."

Pipigilan ko sana si Tatay pero mabuti na lang ay nakatayo rin ang Kuya ko. Yumuko ito sa harapan ni Tatay at walang pasabing inalis nito ang ang lumang tsinelas ni Tatay at pinalit ang sapatos niya.

"Bagay sa inyo. Gamitin niyo na muna itong sapatos ko. Hindi ako papayag na lalabas kayong nakayapak." ani Kuya at tumayo matapos isuot kay Tatay ang sapatos sa mga paa nito.

Kaya naman si Kuya na lang ang nakayapak.

Agad na umalma at umiling si Tatay. "Paano ka, hijo? Malamig rito sa loob baka—"

"Wag niyo kaming alalahanin. Mag-ingat ho kayo sa pagmamaneho." iritado man ay may halong pag-aalala sa boses ni Kuya.

"S-Salamat... Sige mauna na ako." paalam ni Tatay. Hindi pa man nakakaalis si Tatay ay biglang tumayo si Nanay.

"Primo, sandali lang." nadinig kong pigil ni Nanay dahilan na ikinalingon namin sa kanya.

"May ipabibili ka ba, Emma?"

Umiling si Nanay habang hinihimas ang mukha upang punasan ang sariling luha at agad na dinaluhan si Tatay.

"Sasama ako."

Nakitaan ko agad na disgusto sa itsura ni Tatay at agad na umiling. "Huwag na, Emma—"

"Basta sasama ako!"

"Paano ang mga bata rito?"

Lumingon sa amin si Nanay, tumama ang kanyang mga mata sa akin. "Babalik kami. Sasama ako sa Tatay niyo para manghingi ng tulong. At ikaw Prina..."

"N-Nay,"

"Bantayan mo ng maayos si Chichi. Bantayan niyo ng maayos ng Kuya mo. Mauna na kami ng Tatay niyo. Babalik kami rito."

"Mag-iingat po kayo, Nay." paalam rin ni Kuya habang naglalakad na palabas sina Nanay sa ospital.

At habang pinagmamasdan ko ang itsura nila ni Nanay at Tatay, nakatalikod, bagsak ang mga balikat ay bumibigat ang aking pakiramdam. Pati sa mga kapatid ko. Pakiramdam ko sa oras na ito sinisisi ko ang sarili ko.

Napakawalang kwenta ko kasi wala man lang ako magawa. Nablangko ang utak ko at hindi ko alam ang gagawin.

Agad ko naman dinaluhan ang bunsong kapatid ko at hinimas ang ulo. Habang si Kuya naman ay nagpaalam na bibili lang raw muna ng aming maiinom sa ibaba dahil may canteen naman doon. At habang pinagmamasdan ang kapatid ko, napapansin ko na ang laki ng ipinayat nito. Lumalaki rin ngunit hindi siya ganung kataba dati noon. Ang matambok nitong pisngi ay hindi na ganun tulad ng dati. Ang masigla nitong mukha, ngayon ay tumamlay na. Hindi ko naman maiwasang maluha sa ayos ng aming bunsong kapatid.

Lihim akong nanalangin na sana gumaling siya. Napaka bata pa niya para magkasakit ng husto. At masyadong mahina resistensya nito para maranasan niya ang dalawang klaseng sakit.

Hindi ko maiwasang mag-alala dahil marami akong nababalitang binabawian ng buhay dahil sa dengue lalo na kapag mahinang puso at resistensya. Diyos ko, sana naman huwag ang kapatid ko.Huwag naman po sana, Lord.

Malalim akong napasinghap, sa bigat ng nararamdaman kasabay ng unti-unting pag-alpas ng aking luha. Agad ko naman hinalikan sa noo ang kapatid ko at binulungan.

"Chichi... magpagaling ka ha? Alam mo miss na miss ka na ni Ate... Sorry kasi wala ng time si Ate kapag inaaya mo akong maglaro. Pagod kasi si Ate, eh.. alam mo na? Napapagalitan ni Nanay kapag di ako nag-aaral. Sorry bunso dahil madalas hindi na kita masabayan sa paghimbing ng tulog mo gabi-gabi. Hayaan mo, 'pag nagising ka, ibibili kita ng maraming-maraming-maraming jolibee. Dadagdagan ko rin ang baon mo. M-Magpagaling ka... mahal na mahal ka ni, Ate. M-Mahal na mahal ka namin.."

P I E D R A I J A D A

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro