PHASE 11
Matapos ang mangyaring pagbabanta sa akin ni Mayor Juarez ay basta na lang ako itinulak ng kaniyang bodyguard dahilan na bumagsak ako sa semento na kalsada. Napaigik ako sa sakit dahil unang tumama ang tuhod, kasunod ang pang-upo ko. Mabuti na lang ay hindi ako nagkagalos sa binti. Malaya silang nagagawa iyon dahil walang masyadong sasakyan o taong dumaraan dito. Kaya naman ako lamang talaga ang nakakakita ng kahayupan na ginagawa nila sa akin.
"Paano niyo nagagawa ito!? Hindi ba kayo naaalibadbaran sa pinapagawa sa inyo? Parang wala na rin kayong pinagkaiba sa ibang criminal!" bulyaw ko sa nagtulak sa akin ng mga tauhan niya. 'Wala ba kayong pamilya!? Mga hayop! Hayop!"
"Ayusin mo ang pananalita mo. Hindi mo alam ang sinasabi mo." kastigo nung kalbo.
"Kahit anong sabihin mo, Gretha, wala silang pakialam sayo." sabay ngisi ng matandang ito.
Halos manakit ang ulo ko sa talim ng tingin na ipinupukol ko sa kanya. "Napakasama at napakabaho ng hininga mo, Mayor Juarez! Karma na lang ang bahala sayo!" asik ko ng makawala ako sa kanya.
Mabuti at nakahinga ako ng maluwag. Kanina pa kasi ako hindi humihinga mula nung makatabi ko sya. Akala ko katapusan ko na.
"Oh! I will wait for the good karma to come for me!" pumalakpak pa ang gurang na ito. "Bago ko makalimutan. Gusto kong mangampanya sayo ngayon sa aking nalalapit na eleksyon. Mayor Juarez, numero uno sa balota. Sabihin mo sa pamilya mo na ibato rin ako, ah?" sarkastikong anito sa akin.
Hindi ako makapaniwalang tingnan siya. "Asa ka, Mayor! Hinding-hindi kami boboto ng isang masamang tulad mo! Hinding-hindi! Ano na lang maiisip ng mga tao kapag nalaman nila ang kahayupan mo? Ibabagsak kita! Sisiguraduhin kong lalabas ang baho mo sa mga tao, Mayor Juarez! Hindi man ngayon, pagdating ng araw!"
Tumigil ito ng kaunti at ang kanyang pagkakangiti ay dagling napalitan ng pagkapanis. "Don't forget what I told you, Gretha. Malalaman at malalaman ko ang mga galaw mo..."
Nakangisi ito sa aking kumaway kahit na bukas pa ang pinto. Nagulat na lang ako na ibato niya sa akin yung perang di ko matanggap-tanggap at tinamaan ako sa mukha.
Rerebat pa sana ako nang mabilis pa sa hangin na makaharurot ang kanyang van paalis sa harapan ko. Nanggigigil akong tumayo at inayos ang sarili. Tumingin ako sa paligid ngunit wala talagang tao.
Aamba na sana akong umalis ng makita ko ang brown envelope na basta na lang nakakalat sa semento ng kalsada. Napailing ako. Maswerte ang makakapulot nito ng kung sino man, dahil makakapulot siya ng malaking halaga. Nawa'y sana ay may makapulot nito kapag umalis na ako. Dahil... kahit kailan, hinding-hindi ko magagawang tanggapin at gamitin 'yan sa taong nagtangkang masama sa buhay ko.
Agad akong napayakap kay Chichi, hindi ko maiwasang matakot pa rin sa banta ni Mayor Juarez. Aaminin ko... natatakot talaga ako. Gustuhin ko mang magsumbong, ngunit ayoko madamay ang pamilya ko. Ayokong dumating sa puntong mapahamak sila dahil lang sa akin. Ayoko ng dagdagan pa ang paghihirap nila... ang problemang mga kinakaharap namin. Mas mabuti siguro kung panatilihin ko muna ang mag-ingat at manahimik ng sa gayon ay tahimik rin ang buhay namin. Pipilitin at iindahin, mananatiling lihim ang nangyari sa akin.
"Diyos ko mahal na mahal ko kayo..." bigla ko na lang naisatanig habang yakap-yakap ko ang bunsong kapatid ko.
Hindi maiwasang maramdaman ang init ng magkabilang gilid ng aking mata sa takot na nararamdaman lalo na't kapag naaalala ko ang pagtatangka sa akin ni Mayor Juarez dun mismo sa bahay niya. Nandidiri at kinikilabutan ako, at sa tuwing naaalala ko iyon, pakiramdam ko ramdam ko pa rin kung pano dumampi ang kanyang balat sa akin. Kung paano niya ako tangkain. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko.
Hindi ko maiwasang matakot. Hindi ko alam kung bukas ba ay magiging normal ang buhay ko. Hindi ko alam kung makakasiguro ba akong hindi mauulit ang nangyari. Hindi ko alam kung ligtas ba kami. At lalong hindi ko alam kung mananatili pa rin ba akong ligtas lalo na't pinag-iinitan ako ng matandang yon. Dapat pa rin ba akong makampante?
Masyado akong nakampante dahil sa nagdaang buwan ay hindi siyang nanggulo. Ngunit ngayon, ang aking pangambang nararamdaman ay umultaw muli. Tulad nang naramdaman ko ang nung araw kung paano muntik na akong gahasain ni Mayor Juarez.
Halos umuwi akong tulala, paulit na nagpa-flashback sa utak ko ang nakakakilabot sa nangyaring iyon. Hindi ako matahimik at makatulog ng maayos gabi-gabi. At sa tuwing lumalabas ako sa bahay para pumasok sa eskwela o pumunta kung saan man ay napapraning ako. Ngayong tinunton na naman ako ng matandang 'yon, dapat pa ko ba itong ipagsawalambahala at maging kampante pa rin?
Huminga ako ng malalim. Hindi.
Siguro kakailangan kong maging doble-ingat sa bawat galaw ko. Ganun rin sa pagtingin ko sa pamilya ko. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ni Mayor Juarez. At sa bawat pagbabantang sinabi niya kanina ay hindi nga malabong baka ay magawa niya.
Mayaman siya, maraming pera at mga koneksyon. At di malabong sa pulisya ay meron rin kaya hindi na kataka-taka na bawat may nagagawa siyang katarantaduhan ay kaya niyang pagtakpan at linisin ang sariling dumi sa isang pasada niya. Ganyan. Ganyan kadugyot ang buhay ng matandang 'yon. Hindi ko inaasahan na ganun siya karuming tao.
Natanto kong tama nga ang mga nababalita ko sa ilang tao na may ayaw sa kaniya, tama ang ilang tao sa mga pinaparatang sa kanya at hindi gawa-gawa lamang.
At isa pa, hindi kami ganun kayaman para banggain siya. Mahihirapan akong banggain siya dahil alam kong hindi ganun kadali, at sa oras na magpadalos-dalos ako sa galaw ko, hindi malabong isang pitik niya lang kami. Pero hindi ibig sabihin n'on ay habang-buhay akong mananahimik at magpapadala sa takot. Saka ko na lang siya babanggain sa... sa tamang panahon. Hindi man ngayon, ngunit hinihiling ko sa langit na sana magdilang anghel ang hustisyang inaasam ko.
Mabilis ang araw at nakaraos kami sa aming first sem. Bagaman habang tumatagal, dumarami ang responsibilidad ko. Dumadami ang gawain— ang pag-aaral, pag-aasikaso sa bahay at sa pagsa-sideline. Madalang na lamang akong rumaket sa pageant dahil madalas, sila Ate Kay at Ate Barbs ay may kanya-kanya ring raket sa ginagawa nila, make-up artist at pananahi ng damit.
Wala naman akong alam sa ganung bagay na 'yon kaya hindi na ako madalas makasama sa kanila. Binabalitaan lang nila ako kung kailan ang pageant at tatanungin kung 'go' ba ako. Madalas pa nga ay natatanggihan ko dahil hindi na talaga kaya ng oras ko... lalo na ng katawan ko. Nakakapagod. Sobra.
Pinipilit ko namang maging ayos lang ang ginagawa ko sa araw-araw pero hindi ko maiwasang mapagod. May times na may nalilimutan akong gawain. Lalo na sa aking pag-aaral. Ang hirap naman kasi bitawan ang pagsa-sideline sa parlor dahil dun na lang din ako kumukuha halos ng mga pangangailangan ko sa araw-araw. Lalo na sa baon ko.
Dahil hindi naman kasi ako umaasa na araw-araw akong bigyan nila Nanay at Tatay. At kung hihingi man, hindi ko alam kung minamalasan ba talaga ako na masasaktuhan kong may bayarin na utang o nauubusan, kaya madalas ay hindi ako nabibigyan. At kapag naman hindi ako nabibigyan, sasabihin lang ng Nanay ko na lumiban muna ng klase sa araw na 'yon.
Desisyon ko rin naman na huwag na manghingi. At minsan kapag susubukan ko ay napangungunahan ako sa mga kautangan naming naiisip ko, bukod pa dun sa baon ni Kuya lalo na't nagkokolehiyo na siya, mas dumadami ang demands niya kumpara sakin lalo pa't may kalayuan rin ang pinapasukan niyang Unibersidad.
Hindi naman kasi magagawang mangupahan ng Kuya ko kasi mahal ang binabayad sa upahan buwan-buwan, at ang presyong bayad non ay pang budget na namin siguro iyon sa buong pamilya. Kaya ayun, nagtiya-tiyaga, mas maaga na siyang gumigising kumpara sakin pumasok dahil nasa isang oras rin ang biyahe niya pasakay ng jeep at tricycle.
Kaya naman heto naman ako, gumagawa na lang ako ng paraan para hindi mahinto ang buhay ko.
At kahit minsan, ay hindi ko na nilahad ang palad ko sa kanila dahil ako mismo sa sarili ko, ay hiyang-hiya ako. Nahihiya ako sa magulang namin kapag hihingi pa ng kaunting luho.
So eto na nga, kanina pa kami nakapila rito ng mga kaklase ko para sa pagkuha ng grades namin ngayong first sem. Hindi ko maiwasang kabahan. At habang papalapit ako, ay parang gusto kong pumikit. Lihim na nananalangin, pinagpapasa-Diyos na lang ang lahat. Lahat na yata ng klaseng dasal ay nilitanya ko na sa isip ko, madinggin lang ang hinihiling ko. Na sana ay nakabawi man lang ako, dahil sa darating na buwan ay alam kong paspasan na naman kami sa aming mga gagawin.
"Ms. Malitaitai, pinapatawag raw po sa Dean's office!"
"Ha?" lutang kong sambit.
Ang init-init at halos namamasa na rin ang kili-kili ko sa tagal ng pila naming dito. Umaga pa lang ay marami ng nakapila, pero heto ako, kahit na gutom ay hindi pa rin umaalis. Baka maunahan pa ako.
"Malitaitai raw po! Dean's office!" segunda naman ng mga nauunang pila.
"Bakit raw po?" balik kong tanong sa nag-anunsyong babae na nasa unahang table habang inaasikaso ang mga grades naming lahat, may malaking notebook din don para primahan siguro at tatakan, at nage-encode.
For sure na kailangan pang ibigay ang I.D para kunin ang aming student number at pirmahan rin.
"Basta pumunta ka na lang at gusto ka raw makausap!" masungit na sagot ng babae.
©piedraijada
Napabuntong-hininga na lamang ako. Ibig sabihin ay sa paghihintay ko rito ay aalis na lang ako ng parang wala lang at mauunahan ako na nasa likod ko? Jusmiyo! Bakit ngayon lang sinabi!? Ang sakit na nga ng binti ko kakahintay. Sana pala ay umalis muna ako saglit para kumain ng lunch!
Dean pa mismo ng college namin ang kakausap sakin, nakapagtataka lang. Bakit naman kaya? Lumakas tuloy ang tibok ng puso ko.
"Anong gagawin ko?"
Bagsak ang aking balikat habang nakaupo sa kubeta. Kanina pa ako natutulala, nag-iisip kung ano ang maaari kong maging dahilan? Hindi ako natatae. Naiiyak ako. Punyeta!
Ang goal ko lang naman ay magkaroon ng kumpletong marka at hindi magka singko! Pero punyeta anong nangyari? INC pa ako! It means incomplete pa rin ako! May hindi ako naipasa na huling requirements sa dalawang prof ko. At bukod pa ron... puro dos lang nakikita kong grado halos sunud-sunod, may 2, 2.25, 2.75 at tres. Ang tanging iisa lang na uno ko ay P.E! Wow! Kahit papaano naranasan kong magkaroon ng flat-uno sa tanang ng buhay ko, no! Kahit saglit ay nagdiwang ang puso ko.
Yun ba naman kasing ako pa nagdala sa grupo, may pa dance competition kasi nung nagkaroon ng activities sa school namin, ilang araw rin yong wala kaming naging klase dahil sa practice at ako pa ang napiling leader at mag-twerk sa stage kaya ganon. Kami ang nanalo, kaya automatic na uno na talaga kasi yun ang ipinangako samin ng prof namin sa P.E.
"I know you have a lot of responsibilities, Ms. Malitaitai. I can see your improvements in the past month, but I'm so sorry if it wasn't enough so that's what happened to your report card."
"I know, Ma'am. I understand."
"Nakausap ko na rin ang mga prof mo at sinabi nila na minsan hindi ka daw nakakaabot sa time nila. Why? May mga absences ka rin, may points kasi ang pagpasok daily, hija. And maybe, may nami-missed kang quizzes or activities, especially laboratory and performance tasks to your major subjects. The only thing I can advise you is kausapin mo na lang ang mga prof mo sa naging incomplete mo para makabawi ka."
"Okay po." yun na lang ang aking naitugon habang tinititigan ang report card ko na na'kay Dean pala.
Lumilipad ang isip ko kay Nanay.
"And also... you need to give that to your parents to sign them. If there's any queries about sa naging grades mo, bukas ang pintuan ko kung kausapan man ulit ako ng parents mo, okay?" seryosong anito.
Maliit akong ngumiti at tumango kasabay ng marinig kong malalim nitong buntong-hininga.
"You know what? You are the only one who had incomplete in those requirements, Ms. Malitaitai. Kaya kinausap kita rito. The rest in your class is complete even though their grade is not that high. Graduating student na kayo. You know and we all know na hindi makaka-graduate ang hindi makakakumpleto sa requirements. Be responsible, Ms. Malataitai. Bumawi ka." pangungumbinsi niya.
"Opo, Ma'am."
"Well, I can see your improvements sa mga naging previous mo sa grades mo, but you need to do more best shot. Huling taon mo na rito, kahit papaano naman ay mag-iwan ka ng magandang ala-ala mo rito, no? Look at your brother? He graduated Valedictorian! God! Nakakuha pa siya ng mga offers ng scholarships sa magagandang Universities! Pinag-aagawan at pipili na lang talaga siya. Gumaya ka sa Kuya mo, matalino at masipag mag-aral." mahihimigan ang proud nitong sambit.
Napabuntong-hininga ako ng malalim ng sumagi sa isip ko ang naging pag-uusap naminni Dean sa kanyang office. Ang totoo niyan ay kuntento na naman ako sa ganitong grado para sa hindi katalinuhang katulad ko. Nakakatuwa nga't hindi man lang ako nagka-kwatro o singko. Pero ayoko namang makampante dahil alam kong kulang ako. Nagkulang talaga ako.
Pero kahit papaano pala ay nakabawi pa rin ako sa ilang mga minor subjects. Halos ang baba kasi ng grades ko dati na halos may ilang prof na gusto akong i-drop sa subject nila dahil sa ilang araw na akong nakaka-absent sa subject nila.
Minsan nga ay hindi pa ako nakikilala dahil madalang lang akong makita noon. Natanto kong masyado ako nag-focus rumaket para kumita ng pera kumpara sa aral. Nakalimutan kong nag-aaral pa rin pala ako.
[Original stories by:piedraijada]
Hindi talaga ako makapaniwala. Kasi aminin ko man... noon pa man ay tinatamad talaga akong mag-aral. Palagi sumasagi sa isip ko na, bakit pa ba ako mag-aaral kung kumikita na naman ako ng pera? Ngunit nagpatuloy pa rin ako, sa tulong ng Kuya ko na palaging nagpapaalala sakin na mas maganda pa rin na may pinanghahawakan ka. Dahil sabi niya, na habang naririto kami sa Pilipinas, ang tilad namin, ang pagtatapos mo at may diploma ang kadalasan na batayan para makakuha ng magandang trabaho at inaasam na mataas na sweldo bukod sa pagiging madiskarte mo.
Mabuti na lang talaga nakabawi ako kahit papano. Pero ang pinaproblema ko lang talaga ay mga incomplete ko sa ilang major subjects ko. Kailangan kong magawa kung anuman ang ipapagawa sa akin ng ilang prof ko para mailagay nila at mahigit nila ang grades ko.
Ilang minuto na ako nakaupo bago ko magdesisyong lumabas ng banyo. Nagulat pa ako na may naririnig pa akong ilan na estudyanteng naiimpit na umiyak dahil sa grades nila. Hindi ko na lang maiwasang mapangiwi.
"Oh my god mga sis! 1.75 lang ako sa dun sa isang major ko! Nakakalungkot! Ang baba ng grade ko! Huhu!"
"Eh ano pa ako? Ako nga 1.25 lang. Letse, hindi pa ginawang flat uno samantalang laging naman ako perfect sa quizzes ko at mataas rin naman ang exams ko! Hindi katanggap-tanggap ito! Nade-depress na naman ako! Huhu!"
"Same sis! I feel you."
Hindi ako maka-relate pero... putangina?
Sana all na lang talaga.
Kung sakin lang nangyari yan ay baka nga magdiwang na ako at magwala sa soccer field, magsisigaw sa tuwa kapag nalaman ko na ang laki pala ng itinaas ng grades ko! Hays. Siguro ganun talaga ang matatalino, hindi ko naman sila masisisi kung bakit mataas ang expectation nila sa sarili nila. Dahil siguro mataas rin ang expectation sa kanila ng ibang tao. Ang weird man mapakinggan ng isang tulad ko ang mga hinaing nila. Pero kung iisipin ay naiintindihan ko rin.
Tuluyan na akong umalis sa banyo dahil naririndi na ako sa mga hinaing nila.
Banyo.
Takbuhan ko ang banyo kapag gusto kong mag-isip ng matino o solusyon sa mga problemang napagdadaanan ko. Imbes na magmukmok ng matagal sa gilid ay nagmartsa na ako pumunta sa room ng mga prof ko para makipag areglo, este makausap kung ano ba magagawa ko para lang hindi na ako ma-incomplete sa subject nila
Pero habang iniisip ko rin ang sasabihin sa mga prof ko ay naiisip ko rin si Nanay. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nakita niya ito? Nai-imagine ko tuloy ang magiging reaksyon niya.
Napapalunok at napapilig ang aking ulo.
Mamaya ko na lang iisipin 'yon bago umuwi sa bahay. Sa ngayon, dalawang problema muna ang sosolusyunan ko.
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro