PHASE 10
"Kamusta pala ang aral mo, Prina?" tanong niya bigla sa akin habang kumakain kami dito sa loob ng Jollibee.
Napagdesisyunan na kasi namin ni Kuya na kumain na muna kaming dalawa since parehas kaming gutom at hindi makapaghintay. Para 'pag umuwi kami ay pasalubong na lamang ang magiging dala namin kina Nanay at Tatay, lalo na kay bunsong Chichi. Ang dami ng inorder niya, aalma pa sana ako pero wala na akong nagawa, tutal ay pera naman niya 'yan at siya naman ang manlilibre edi...desisyon niya. Bahala siya. Medyo nag-alala lang ako at baka mabitin ang allowance niya imbes na itabi na lang niya.
Napabuntung-hininga ako ng malalim habang ngumunguya ng yum burger.
"Eto... laging busy. Ganito pala ang pakiramdam ng graduating, no? Grabeng tambak na kailangang ipasa na requirements, madalas pa kaming mapuyat ng groupmates ko sa thesis namin dahil yung isa..." napairap ako sa kawalan at napabuga ng hininga. "...juskopo! Hindi maasahan! Tatamad-tamad. Pero ang sipag naman mag-myday kasama ang jowa. Kupal talaga, no? Muntik na nga ako magselos eh! Alam mo yun? Nagpapakasarap, samantalang kami, ako, hirap na hirap!" biglang reklamo ko nang maalala ko ang isang thesis mate kong walang ibang ginawa kundi lumandi.
"Ano ba naman 'yan. Imbyerna yang kagrupo mong iyan, ah. Edi kung ganon, ialis mo na lang sana sa grupo niyo." suhestiyon ng Kuya ko. "Masyado siyang sinusuwerte..." duro niya pa sa akin gamit ang parte ng hita ng chicken na itinapat sa akin.
Napairap at napanguso ako. "Edi konsensya ko pa? Baka mahabag lang ako, no. Dibale na, babawian ko na lang siya sa paniningil. At least, mabawasan man lang ang sama ng loob ko sa kanya."
"Okay. Ikaw ang bahala. Diskarte mo talaga. Pagpatuloy mo yan."
Napahagikhik ako. "Eh, ikaw ba? Kamusta naman ang aral natin college boy?" sabay ngisi ko na ikinailing niya.
"Okay pa naman ako..." sarkastikong anito.
"Mahirap ba sa college?"
"Lahat naman hindi madali, Prina. Walang madali sa college tandaan mo yan. Hindi uso don ang papetiks-petiks. Pero masaya." sabay ngiti niya. Tukoy sa magandang Unibersidad na pinapasukan.
"Sus! Baka naman may chics ka na dun, ah? Hindi mo lang sinasabi,"
"Tsk, wala pa sa isip ko 'yan."
Natawa naman ako."Hindi ko alam, nae-excite at kinakabahan ako pag nag-college na rin ako! Sana makapasa ako, no? Kung matalino lang ako katulad mo edi sana maganda ring school ang mapapasukan ko. Excited na talaga ako gumaraduate."
"Sipagan mo lang. Tiwala lang." habang patuloy ito sa pangangain.
"Tang ina naman kasi! Biruin mo 'yon, Kuya? Bobo na nga ako, ako pa ginawang leader! Mga boyop talagang kaklase." reklamo ko. Idinaan ko na lang sa paglasap at pag-nguya ng yum burger ang sama ng loob ko sa nangyayari sa akin sa mga nagdaang linggo. "Tapos sa hapon, rehearsal pa ng graduation namin bago kami umuwi. Tss, nakakapagod talaga! Kaya hindi na ako makarampa dahil sa lintek na thesis na ito, pahirap sa buhay."
Natawa siya habang napapatango. "Ganun talaga, Prina. Basta kung nahihirapan ka sa ibang acads mo, magsabi ka lang sakin at baka may maitulong ako. Tsaka tumigil ka nga kakasabi ng bobo sa sarili mo, hindi ka naman mapipili na leader kung wala silang nakikitang potential sayo." anito at kumagat muli ng chicken.
Napainom ako ng soft drinks. Hindi mapuknat ang ngiti ko na sobra akong nag-e-enjoy kumain kasama ang Kuya ko. Parang bumalik kami sa pagkabata, naalala ko lang yung mga bata kami. Ganitong-ganito kami ni Kuya Premi. At sino naman kasi ang hindi matutuwa sa libre? Kung pwede nga lang at kung mapera lang kami ay aaraw-arawin na namin ang pagpunta rito para kumain. Paborito kasi naman talaga naming 'to ni Kuya nung bata pa kami. Naalala ko pa nga, nag-iipon talaga si Tatay kahit namamasada lang siya noon sa tricycle at pinapangakuan kami na ikakain niya raw kami rito at mamasyal sa kung saan. Ginagawa niyo ito lalo na kapag birthday namin matapos galing sa pagsimba.
Ngunit sa pagdaan ng panahon, kasabay ng aming paglaki, dahil naiintindihan na namin ang buhay na meron kami ngayon, hindi na naulit muli.
"Anong potential? Tamad lang sila kaya sa akin ipinaako. T'saka ganda lang, no. Ganda lang potential ko. Minsan nga naisip ko, 'dibale na bumagsak, at least babagsak akong fresh, diba? Habang papangit ng papangit yung iba, samantalang ako paganda ng paganda. Pero yun nga..." natawa ako. "bagsak nga lang,"
"Langya, wag naman ganan kapatid. Pumapangit ang tingin ko sayo, e."
Tinawanan ko naman siya. "Biro lang. Tsaka sureness naman na magpapaturo pa ako sayo, no. Tiwala naman ako sayo, talino mo kaya." sabay tawa ko.
Napailing siya. "Matalino ka rin naman, ah."
"Sus. Dadalawa–dalawa lang tayo rito sa pwestong 'to, maglolokohan pa ba tayo?" biro ko pa ulit sa kanya.
Napakunot siya at parang hindi talaga nagugustuhan ang aking biro. Napanguso na lang ako at nagpatuloy sa kain.
"Ilang beses ko na bang inuulit sayo taon-taon na hindi ka naman bobo, Prina. Mag aral ka lang ng husto kung gusto mong matuto. Walang taong bobo, pero tamad, oo."
"Sus. Basta, hindi naman kasi ako tulad mo na mabilis makaunawa. Napaka slow ko kaya madalas!"
"Pero hindi ka bobo. Matiyaga ka. Hindi ka naman talaga bobo kung mas sisipagin mo lang lalo matuto sa pag-aaral mo. Pero alam mo? Tingin ko nga na mas lamang ka sa'kin e. Hindi mo lang alam."
Napaungot naman ako sa kanyang sinabi.
"Sus! Ano naman ang kinalamang ko sayo? Sa talino mong yan, lalamangan pa kita!? Jusmiyo! Kung pabobohan lang ay malamang, ako na mananalo kaysa sayo, no! Kasi walang binatbat ang kabobohan ko sa katalinuhan mo! Hahaha!"
Okay, normal bang tawanan ang panlalait sa sarili? Hindi ko alam, basta natatawa talaga ako. Lalo na't ang sama na ng tingin sa akin ng Kuya ko. Nagbibiro lang naman ako, hanggang kailan ba siya masasanay? Yun nga lang, yung sinabi ko, 50:50. Maaaring kalahating totoo, kalahating hindi. Pero sa akin, 100% percent. Kasing porsyento kung gaano ako tingnan at sabihan ng ganyan lagi ni Nanay.
Napailing ulit siya sa akin. "Hindi mo lang alam, Prina. Mas lamang ka sakin. Eh, mas madiskartre ka pa nga kaysa sakin, eh. Ikaw pa nga ang mas kumikita sa mga nagiging raket mo kahit na nag-aaral ka pa lang kumpara sa'kin. Kumbaga, magaling lang ako sa mga acads, papel, at ballpen. Pero pagdating sa padiskartehan ay talung-talo ako sayo,"
"Haynako, Kuya kong kulugo! Heto na naman tayo. Hindi mo yata alam na mas lamang ka. Alam mo kasi... wag mo masyadong kaliitan ang sarili mo gayong matalino ka naman. Ano ka ba? Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Di mo ba alam na maraming naghahangad na maging kasing matalino tulad mo? Kung virus lang ang katalinuhan ay handa akong magpahawa sa 'yo!"
"Kahit na. Ni pang baon nga, ikaw pa madalas magbigay sakin samantalang ako pa ang mas panganay sayo. Ano na namang silbi ko no..."
Natigilan naman ako at napakunot. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay seryoso siyang nakatungo habang inabala ang sarili sa pangangain. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Dahan-dahan ako napanguya sa sinabi niya.
Ramdam ko kung ano yung nararamdaman niya, naiintindihan ko rin kung ano na naman ang iniisip niya. Ganito kami minsan, minsan talaga ay hindi rin maiiwasan. Ngunit kahit paulit-ulit kong naririnig ito mula sa kanya, ay sasabihin ko pa rin sa kanya na walang kaso sa akin iyon dahil kahit anong mangyari, anuman ang gawin ko, mas lamang pa rin ang tingin sa kanya ni Nanay kumpara sa akin. Hindi ko lang sinasabi sa kanya at baka lalong ikasama niya, saka nakikita naman niya iyon. Isa siya sa pinaka saksi kung paano akong turingan ni Nanay.
Hindi naman sa nakikipag karera ako sa kung anuman ang responsibilidad sa amin ni Kuya... sadyang ganun naman talaga, kung ano ang tingin nila sa akin ay ganun rin ang tingin ko sa sarili ko.
"A-Ano ka ba, Kuya! Eh hindi nga kita mailibre sa Jollibee, eh! Kaya wag mong pagkumparahin ang bigayan nating dalawa. Walang bilangan dito sa kung ilang beses tayong nagbigayan sa bawat isa. Hindi mo dapat iniisip yon, kasi ako, hindi ko naman iniisip 'yon. Alam kong magiging madiskarte ka rin sa pamamagitan ng pagiging matalino mo balang araw. Hindi man ngayon, kasi abala ka pa sa pag aaral mo. Maiisip mo rin. Mas magiging madali ang buhay mo kumpara sa akin. Hindi tulad mo, planado mo na, kalkulado mo na. Tsaka tiwala ka lang, at alam ko namang pursigido ka sa kursong kinukuha mo. Mas magiging madali talaga ang buhay para sayo kapag nakatapos ka na."
Hindi pa man nagdidilim ay agad kaming nakauwi ni Kuya sa bahay. Muntik na kaming maiwan ng jeep dahil puno na ng pasahero, ngunit mabuti na lang ay napayagan kami ni Manong driver na makisabit na lang. Kung maghihintay pa kasi kaming jeep ay paniguradong aabutin na naman kami ng siyam-siyam, mapupuno na naman ng mga taong pipila upang makasakay.
Nang pagbaba, nagulat na lang kami ni Kuya na umiiyak si Chichi. Kaya nang magpasok kami ni Kuya sa loob ng bahay ay hindi na kami nagtaka na nagsisigawan na naman sila Nanay at Tatay.
Walang araw na hindi sila nag-aaway. At alam kong dalawa lang naman ang dahilan na madalas nilang pag-awayan, it's either pera at kautangan. Mula nang pumasok ako sa aking silid ay hindi na ako lumabas. Kasi baka pag-initan lang ako ni Nanay.
Ganito madalas sa bahay kaya nasanay na kami, kaya lalo akong nagpupursigi na makahanap ng maayos na trabaho, makakuha ng scholarship bago makatuntong ng kolehiyo at syempre ay makatapos. Kaya nga nagpo-focus na ako sa pag-aaral lalo na't graduating na ako. Para naman na kahit sa huling ko taon na pinasukan ko, ay makabawi man lang sa mga mababang nagiging marka ko. Kahit ganito naman ako... gusto ko rin naman umangat at makabawi.
Si Chichi naman, heto, nasa tabi ko, kanina ko pa pinatulog. Agad rin naman nakatahan at tuwang-tuwa dahil sa aming naging pasalubong. Mabuti nga talaga na meron kaming dala, para sa gayon ay mawala sa isip niya sa mga naririnig niyang away nila Nanay at Tatay. Hindi ko naman maiwasang mainis, oo marami kaming problema, dumadating sa puntong sumasabog kami, pero kailangan ba talaga mag-away sa harap ng bata? Minsan nga napagbubuntunan pa ng inis si Chichi ni Nanay dahil sa pangingiyak nito. Hindi ba nila alam na madalas kapusan sa puso ang kapatid ko?
Napabuntonghininga na lamang ako sa mga nangyayari sa araw-araw sa amin. Araw-araw na lang, pasan-pasan ang mga responsibilidad at mga problema namin. Araw-araw na lang ganito. Hanggang kailan kami magiging ganito?
Dinig ko ang pagharok ni Chichi na ikinangisi ko. Malamang si Kuya, nasa kwarto lang rin, abala sa kung anuman kailangang tapusin sa kanyang pag-aaral. Tahimik na sa labas, at malamang tulog na rin si Nanay. Ewan ko lang kay Tatay, siguro makikipag inuman pa yun sa mga kumpare niya o kaya ay nasa labas lang, maninigarilyo hanggang sa abutin na rin ng antok at maabutan na rin niyang tulog si Nanay sa kama.
Napabuntong-hininga ako ng malalim.
Pagod ako ngunit hindi pa rin ako makaramdam ng antok. Tila gising na gising ang aking diwa habang nakatulala sa kisame. Nakakabinging katahimikan, at ang tanging kumakarog lang na bentilador, mga kuliglig, echo ng boses ng kapitbahay at pagharok ni Chichi ang aking naririnig.
Ilang beses na rin ako napapasampal sa bawat parte ng aking balat dahil kanina pa ako pinupupog ng lamok. Hindi talaga ako makatulog. At nang akmang pipikit ako, ay napasinghap ako ng sumagi sa isip ko ang pangyayari bago pa kami magkita ni Kuya.
"There you are, Gretha..." agad na kinilabutan ako sa aircon dahil sa pamilyar na amoy ng hininga na nasa tabi ko.
"Bitawan mo ko!" piglas ko. Binitawan naman ako ng Mamang kalbo matapos akong makapasok sa loob ng puting van at agad niyang sinaraduhan.
Siniguro talagang locked ang pinto para di ako makatakas!
Halos hindi pa ako makalingon sa aking katabi at hindi ko maiwasang kabahan. Isa bang malaking katangahan na sumama ako sa lalaking ito? Isang malaking OO! Ngunit wala akong choice, dahil kung hindi ako sasama ay hindi raw niya ako titigilan na sundan kahit na gusto kong magsisisigaw. Lalo na't binanggit niya ang pangalan ng Mayor na si Juarez. Ngunit tahimik pa rin akong sumama kahit na gusto kong tumakbo pauwi. Napag-isip-isip ko na huwag na lang dahil ayokong tuluyan nilang matunton kung saan ako nakatira, ang lugar kung saan kasama pamilya ko.
Ilang buwan rin akong nanahimik at halos magtago. Hindi ako papayag may malaman pa siya sa buhay ko.
Masama ko siyang tiningnan. "It's been a while. Kamusta ka na? Miss me?" anito at ngumisi pa ng nakakaloko.
Napalunok ako at napahigpit ang kurot ko sa aking daliri sa pangangatal. Agad na sumagi sa isip ko ang pangyayari, sa pagtatangka niya sa akin at kung paano niya ako muntik na magahasa.
Nakaputi itong barong at naka-slacks ng itim. Halos magmukha siyang patay sa paningin ko dahil sa kanyang pamatay na outfit. Ang kanyang buhok ay medyo namumuti na rin. Ngunit ang kanyang itsura ay maayos na maayos kumpara nung huli ko siyang makita na halos mukhang pagod at mapula ang mata. Mukhang adik.
Kung sa iba ay maraming matutuwa sa kanyang masiglang istura, ngunit pagdating sa akin ay kasuka-suka. Lalo siyang nagmukhang manyakis sa paningin ko. Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya at lalong hindi rin ako papayag na may masamang balak na naman siya sa akin!
Agad akong napahawak sa aking bulsa. Ramdam ko ang G-tech na ballpen ko. Wala akong ibang panlaban pero mabuti na rin yung handa sa maaaring mangyari. Anumang oras pwede ko siyang masaksak ng pinung-pino sa kanyang leeg, wag lang mandilim ang paningin ko.
"Anong kailangan mo sakin?" tinapangan ko ang aking boses.
Binigyan ko pa lalo ang distansya ang pagitan naming dalawa, huwag lang ako madikit sa kanya, kaya halos ipagsiksikan ko ang sarili ko sa pinto ng kanyang kotse.
"Hmm... ikaw lang naman sapat na. Pero ayaw mo, eh." sagot niya parang nakikipaglokohan.
Iritado ko siyang nilingon muli, halos pigilan ko ang sarili ko, huwag ko lang masuntok ang bunganga ng gurang na 'to. Panay supak ito ng kanyang sigarilyo kaya naman lalong sumasama ang pang-amoy ko. Ang lakas ng aircon ngunit amoy imburnal rito. Ang yaman nito, pero uso ba sa kanya ang magsipilyo? Wala ba siyang pambili ng toothpaste? Bumabalik na naman ang trauma ko. Bakit hindi na lang niya ilibing ang sarili niya sa grabeng amoy patay ng hininga niya?
Isa siya sa dahilan kung bakit hindi na ako dumadaan sa may tulay dahil sa tuwing makakaamoy ako ng amoy imburnal, ay si Mayor ang naaalala ko. Nakakatakot.
"By the way, kamusta ang pag-aaral mo? I heard that you will graduate in a few months and go to college. "
Hindi ako sumagot. Hindi ko maintindihan kung bakit pinatawag pa ako ng hayop na 'to.
"You know what? My offer is still a valid... hindi na ba talaga magbabago ang isip mo Gretha, hm? I can give you all you—"
©piedraijada
"Hindi ako nakikipagbiruan, Mayor. Kung wala kang sasabihing matino, mabuti pang pakawalan niyo na lang ako. Nakikiusap ako na lubayan niyo na ako!" impit na halos pagtitimpi na mahihimigan sa aking gigil na pakiusap.
Akala ko sa nagdaang mga buwan ay wala na siyang pakialam? Kaya naging kampante ako sa bawat galaw ko. Ano bang gusto nitong gurang na ito at bigla na lang umultaw para kausapin ako? Para ano?
Tumikhim ito saglit at napahinga ng malalim. "Okay. Maybe I should straight to the point right away. May pakiusap rin sana ako sayo. "
Napakunot naman ako, nagtataka.
Bumaba ang tingin ko nang mapansin kong may kinuha siya sa kanyang itim na bag at nilabas nito ang isang brown envelope.
"Here," sabay abot niya habang nakakunot ako.
"Ano ito?" hindi ko pa man kinukuha ay nagtanong na ako.
"Just open it. I know you need it," saka ito bumuga ng makapal na usok kaya lalong nangasim ang itsura ko.
Nag-aalinlangan man ay aking kinuha upang tingnan. Halos manginig ang kamay ko, malaglag ang panga at maluwa ang aking mata ng mabuksan ko ang envelope na may lamang makakapal na libong pera.
"P-Pera?" nangangatal na umangat ang tingin ko sa kanya at sinalubong ako ng mga ngisi niyang lalong nakapag-iinsulto sa akin. "Bakit mo ako binibigyan ng pera? Hindi ko kailangan ang pera mo!"
"Oh, come on! I know you, Gretha! Kailangan mo ito." pinutol niya sasabihin ko. "At hindi ko matatanggap na hindi mo ito tatanggapin. Coz I know na kailangan na kailangan mo ng pera"
"Ano ho ba talaga ang pinupunto niyo? Pinadakip mo ako kasama ang tauhan mo para lang bigyan ako ng pera? Para ano? Para malinis ka? Hindi ko kailangan ng pera mo! Oo kailangan ko ng pera, ngunit kaya kong kumita ng pera na hindi galing sa mga kamay mo! Sa maruming kamay mo! Salamat na lang ngunit hindi na ako tatanggap ng anumang tulong galing sayo!" nagtitimping utas ko sa kanya habang siya ay parang sayang-sayang pagmasdan ako.
"You know, kung pumayag ka lang sana---"
"Hindi ko kailangan ng pera mo. Bakit niyo ba sakin ginagawa ito? Bakit niyo ako binibigyan ng pera? Hindi ako humihingi ng tulong sa inyo, kaya tigilan niyo na ako."
Humalaklak ito kaya lalo bumusangot ang ilong ko sa amoy taeng hininga ng gurang na ito.
"Looks like you really have no idea why I'm doing this to you, dear, Gretha, huh? Binibigyan kita dahil gusto kong patahimikin ka. Fifty-thousand para sa pananahimik mo. This will also be my reason so that in case you are planning something hmm... you already know what will happen to you." sagot nito na animo'y nagmukhang matalino sa pagdedesisyon.
Seryoso ba ang matandang ito? Akala niya siguro papayag ako ngunit nagkakamali siya!
"Wala akong pakialam sa pera mo!" sigaw ko na ikinapaamang nito. Hindi ko na napigilan ang magtimpi. "Ano na lang masasabi ng mga tao kapag isinilawalat ko ang kahayupan mo? Isusumbong kita sa pulisya—"
"At 'yan ang wag na wag mong gagawin!" asik agad nito sa akin. Unti-unti nawala ang ngiti at napalitan ng galaiti ang reaksyon sa mukha nito.
"Wag mo kong sagarin, hija. Tandaan mo, binabalaan kita... sa oras na magsumbong ka sa pulisya sa ginawa ko sayo, no one will believe you. I can control the people there and you won't be able to pay a huge amount just for you to sue me! Baka nakakalimutan mo na Mayor ako rito? Marami rin akong koneksyon at walang mangyayari kapag kinanta mo pa ako sa pulisya. Mag-aaksaya ka lang ng panahon at pera. At itong perang inaabot ko sayo bukod sa pagmamagandang loob ko, ito rin ay senyales na pananahimik mo. Dahil..."
"Napakasama mo! Ano ka sinuswerte!?" asik ko. Halos maputol ang litid ko sa pagkakasigaw ko sa kanya.
Gustung-gusto ko siyang tusukin ng g-tech ko sa leeg niya hanggang sa malagutan siya ng hininga, pero ano namang laban ko? Lalo na't 'pag sinubukan kong lumabas para takasan ang krimeng ginawa ko ay may sasalubong sa aking mga bodyguards ng gurang na ito!?
Napasinghap ako ng bigla niyang dinakma ang baba ko dahilan na mapatigil at mapaigik ako sa sakit sa talas ng kuko niya. Gusto kong magpumiglas ngunit talagang madiin ang pagkakahawak niya sa akin. Napakahayop niya!
"Bitawan mo ako! Nasasaktan ako! Wag mong ilapit ang bunganga mo at naasiwa ako sa hininga mo—"
"Manahimik ka! Patapusin mo ang sinasabi ko! Bastos kang bata ka, ah?" sigaw niya sa akin na akala mo'y malayo ang kausap, gayong sobrang lapit ng pagmumukha niya.
"Mas bastos kang gurang ka! Manggagahasa! Rapist! Hayop ka!" singhal ko.
Hindi ko naman maiwasang mapaluha sa higpit na pagkakasakal niya sa akin. At kahit na nanunubig at nag-iinit ang aking mata ay pinigilan kong huwag bumagsak ang aking luha para ipakitang hindi ako natatakot sa kanya.
"Sa oras na magsumbong ka... papatayin kita. Ipapahamak ko ang pamilya mo. Mag-iingat ka dahil minamatyagan kita. Wag mo akong subukan. Wag mo akong hinahamon, hija. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin sayo. Sa inyo ng pamilya mo,"
"Napakahayop mo! Hayop ka talaga!" sa pagdagundong ng puso ko sa nadinig ay tuluyan ng bumagsak ang luha ko.
"Mas hayop ka, Gretha! You're brutal, did you know that? Hindi ko pa nakakalimutan kung paano mo pukpukin ang bayag ko gamit ang takong mo dahilan kung bakit hindi ako makaihi ng husto! Ilang araw akong hindi nakaihi ng maayos sa ginawa mo. Muntik mo na akong patayin!"
"Buti nga sayo! Alam mo, malapit na ang birthday ko, at ang wish ko ay sana mawalan ka ng bayag! King-ina mo!" halos maputol ang litid ko kakasigaw.
"Binabalaan kita,"
"Tigilan mo ako sa kakabanta mo! Hindi ako natatakot sayo! Dahil isa lang ang kakatakutan ko!"
"Ano?" anito habang nagtatanong ang kanyang tingin.
"Ang hininga mo."
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro