HER FINAL PHASE
This is the final phase. My next post will be the epilogue. Thank you for reading my first installment story of Triggered Issues Series.
I still can't really believe it. It was like a very beautiful dream that I just not wanted to wake up from so much that I could no longer handle the sheer joy in my heart-it was overflowing.
Hindi ako naghangad o umasa sa ganitong bagay. Hindi na ako naghangad ng malaki pa. Araw-araw na lang ako nagpapasalamat sa Kaniya at syempre, ang tanging gusto ko lang naman ay nasa mabuti kaming kalagayan lahat. Yun lang.
Natuto na akong makuntento sa buhay ko, sa buhay namin, naging maayos na rin ang relasyon namin ng mga pamilya ko. Hindi naman nila ako binigo katulad ng ipinangako rin nila sa akin... tuluyan na nilang napatawad at natanggap si Heimlich ng pamilya ko, sa pananatili na ni Heimlich sa buhay namin ng anak ko, sa pagcha-tiyaga niya sa aming mag-ina at tuluyan na akong nakatapos ng kolehiyo at stable na sa pangarap na trabaho... wala na yata akong maihihiling pa.
Masasabi kong hindi pa naging huli ang lahat ng bagay para sa akin.
Akala ko matatanggap ko ng wala ng pag-asa, na hindi na mangyayari ang matagal na inaasam ko... pero nangyari na. Kahit paunti-unti, bigla na lang mangyayari sa hindi ko inaasahan.
Hindi naging madali, mahirap, pero... nagawa ko. Sa kagustuhan ko, nagawa ko. Sa tulong na rin ng mga taong nasa paligid ko na nagbibigay ng lakas sa akin... lalo na sa anak ko. Hindi nila pinaramdam sakin na hindi na ako nag-iisa. At sa nangyayaring ito, hindi ko naman inaasahan na kahit hindi ako humiling ng husto ay kusa talagang ibinibigay ng itaas sa akin.
Kinakabahan, hawak ang kulay na madugong kumpol na rosas, madiin ang pagkakakapit ko roon habang pinagmamasdan ang sarili ko sa malaking salamin.
Bumuntonghininga ako ng malalim. Halos di ko na makilala ang sarili ko sa pagkamangha ko sa kabuuan ko.
The artist and the designers were polished as they adorned me perfectly. At kapag titingnan ko ang repleksyon ko sa salamin, parang hindi ko iisiping ako ito, hindi ko kilala at para syang reyna ng kagandahan na walang katiting na maipipintas sa itsura niya.
"You look like a diamond, Miss Adelaide... Every aspect of your beauty is truly luminous." puna na isa sa mga nag-ayos sa akin nang lagyan niya ako ng kolorete sa katawan.
Nanginginig sa nerbyos ay nagawa ko pa ring gantihan siya ng ngiti at pinasalamatan.
Ang ganda ko. Sobra...
I was about to be greeted at the giant door when it suddenly opened spontaneously as I heard the gentle trumpet sound playing in my ear.
Kusang kumalabog ang puso ko ng husto nang masalubong ko ang loob. I hear every muffled and distant chatters. Sa kalagitnaan ng kaba ay hindi ko maiwasang mamangha, sobrang ganda... para bang malayo sa reyalidad na mundo gayong totoo naman ang nakikita mo. Halos kuminang ang mga ito, sila... sa paningin ko.
I've dreamt of this day for so long.
I lived every moment, imagined every tiny detail, but even my best laid plans couldn't prepare me for how wonderful this day would be.
All I could not miss was seeing every detail that I will never forget, like the big chandeliers that looked like floating candles. Sa may pinto pa lang ay may mga nakahanay rin na mga Royal Bodyguards, seryoso at bitbit ang kanilang mga riffles. They are fully-dressed in uniform of red tunics and bearskins. Para silang magkakamukha ngunit kung tititigan ay makikita ang kanilang pagkakaiba.
I almost forgot that the Sanjranis are of mixed British race, so even though this is the setting of our wedding, we still don't have to forget the wedding tradition of Pakistan that needs to be followed since we are here in their country. So, our marriage process took a long, long time. Marami talaga kaming sinunod ni Heimlich. Hindi naging madali sa simula sa side ng pamilya ko, nagulat rin sila at unti-unti rin natanggap nila kalaunan, ganun din sa pamilya ni Heimlich tulad ng mga kapatid niya at ang ilang mga tao rito na umaasa at kinilala siya. Katunayan ay mas mahirap sa side niya, mas maraming naging tutol, mas marami pang humusga, inalam ang aming estado, maraming naging problema, ngunit kahit na napakahirap at parang halos kalaban na namin ang buong mundo, Heimlich and I proved that no one can break our love. No one can break us apart...
And here we are, we were able to return to their Vitruvian Castle at the request of the Heimlich siblings. We agreed to be on my family's side out of respect for them.
That we get married here somehow, because even if we run away or stay away, Heimlich will still not lose his Royal Blood status because he is a Sanjrani... hindi madali sa kanya ang takbuhan ito kaya mabuti na lang ay nakumbinsi ko rin siya nang minsan naging desidido siya at ayaw na niyang balikan pa ang lugar na ito. Naisip ko rin ang mga kapatid niya... na inaalala siya bilang kapatid.
At habang nakikita ko ang looban sa loob ng kastilyo, hindi ko maiwasang maiwaksi sa isip ko, bumalik ang alaala kung paano ako dinala ni Heimlich dito. Sumama, sapilitan, kinidnap, mga pagpapakita ng kasamaan naming ugali sa isa't-isa, nakikilala ng lubos ang isa't-isa, hanggang sa na-inlove, mga pagtatalik namin sa bawat parte ng kastilyo niya, nangako sa isa't-isa, lahat-lahat...mapapangit man o maganda na halu-halong senaryo na sa isipan ko kasabay ng halu-halong nararamdaman ko, at kung paano rin ako nilisan ang lugar na ito, nasaktan, tapos bumalik muli, dahil dito kami ikakasal.
Hindi ko maiwasang masorpresa ang naging salubong sakin.
Hindi ako sa kasama sa nagplano nito ngunit talagang pinaghandaan ang lahat para sa kasal namin.
There are ballerina girls dancing gracefully while accompanying the beautiful and calm song played by the musicians as the choirs sing, like angels in the coldness of their singing voices. The ballerinas also slowly follow me, I am at the very first and center. At dahil nga naririto na ako, para bang ako na ang pinaka hinihintay talaga ng lahat, marahan namang humawi sa dalawang hanay ang mga ballerina senyales na kailangan ko ng maglakad sa mahabang pulang karpeta.
As I start to walk slowly, so many people clap as I feel the red petals one by one falling where we are all. On the long red carpet, in far away, I could clearly see the man waiting for me while I was also watching.
Malayo pa lang ay makikita na ang kanyang kagandahang tindig, ang gwapong lalaki.
Humigpit ang kapit ko sa kumpol na bulaklak na hawak ko, napapalunok kahit na nakakapanginig ang aking tuhod at pagkalabog ng aking puso. Masyado highlighted ang kasal namin ni Heimlich kaya hindi pa rin talaga ako nasasanay... ganito pala ang pakiramdam na makapangasawa ng sikat, mataas at kilala sa buong bansa.
Sa mahaba-habang lakarin, ninamnam ko ang bawat sandali habang tinitingnan ang mga manonood, sa sobrang daming witness, ni isa sa kanila ay mga hindi ko na halos kilala. Nangingibabaw ang kapulahan sa kabuuan, the set of tables in either row screaming with elegance. Nag-aagaw ang kulay dugo at ginto sa bawat paligid na nakikita ko. Ang mga bisita ay iba-ibang mga lahi at mukha, kutis, kulay ng buhok, lengwahe kapag aking nadidinig at ang kulay ng ilang mata. Halatang hindi rin basta-basta ang mga tao na naririto.
And everyone wears the traditional attire. I'm wearing a choli with an elegant modern twist, full of sequins, and the upper is embroidered in gray, paired with chiffon trousers and an embellished dupatta that makes me look perfect. My long dress almost lands on the floor every time I walk. I looked expensive to look at because what I was wearing shone, especially the silver jewelry I wore. In this way, it seems that others will not think that I am a pure Filipina. My make-up is so flawless while my hair is sophisticatedly wrapped-around-bun neatly.
As for Heimlich, he's wearing a sherwani with a turban. Tuwid lang ang kanyang tindig habang pinamamasdan ako mula rito, at ang kanyang mga kamay ay nakapirmi sa kanyang likod. Para bang kalmado. He is so handsome... the strange color of his eyes and the perfect shape of his face make him stand out even more.
Talagang pinaghandaan at hindi makatarungang isiping simple lamang ito. Talagang pagdating sa mga Sanjarni ay palaging engrandeng hatid.
May ilang camera akong nakikita. At sa isang gilid ay natanaw ko pa rin doon si Mari at Martino, magkahawak ang kamay at magkatabing nakaupo.
Hindi ko inakalang magkapatid pala sa ama si Martino at Heimlich. Kaya naman pala halos magkadikit silang dalawa sa una pa lang na pansin ko. Hindi ko maiwasang ngitian ang kaibigan kong si Mari, magandang-maganda sa suot at mukhang prinsesa. At sa nakikita ko sa mga ngiti pa lang niya, ay tuluyan na niyang nahanap ang kasiyahan niya.
Lubos ang saya ko para sa kanya ng malaman kong buntis si Mari kay Martino. Napatunayan nga na hinala kong may namamagitan na talaga sa kanilang dalawa. Masaya ako para sa kanila... sa kanya... dahil sa wakas... nakalaya na rin siya at tuluyan na niyang pinili ang maging masaya.
Sobrang laking pasasalamat ko kay Mari dahil sa daming naging utang na loob ko sa kanya. Sya na lang rin ang itinuring kong natatanging kaibigan wala ng iba... saksi siya na naging mahirap para sakin ang magtiwala muli sa tao. Dahil ang mga inaakala kong kaibigan noon ay gagamitin lang pala at lolokohin ako.
Inaamin ko, naging masama ang loob ko kila Ate Barbs at Kakay dahil sa nagawa nila iyon sa akin, hindi ko maiwasan silang sisihin sa mga naging pinagdaanan ko sa ibang bansa sa panloloko nila. Hinayaan lang nila ako at pinagmukhang tanga, ninakawan. At nang malaman nga ng pamilya ko at ang Kuya Premi ko, ang nangyari sa akin noon, dumating sa puntong gusto pa niyang kasuhan ang mga ito. Ngunit pinigilan ko na lamang. Para sakin ay tapos na iyon. Kahit na panay ang hingi sa akin ng tawad ni Ate Barbs nang isang beses na nagkaharap kami, sa awa na lamang na meron ako, dahil kahit papaano ay may may pinagsamahan din naman, at na may nagawa din naman silang tulong kahit papaano sa akin, iniurong ko na lang ang kaso, at nagdesisyong hindi ko na lang sila ituturing na kaibigan. At balita ko ay nagkanya-kanya na sila ng buhay. Hindi na rin nagpakita pa si Kakay. At ayon naman kay Mayor Juarez... nabalitaan ko na lang na tatlong taon na pala siya nakakulong dahil sa kasong rape, marami na pala siyang naging biktima, nakakalungkot lang at namatay ang isa sa mga nabiktima dahil sa trauma at suicide, kaya't napansin ko na bago na ang Mayor namin dito. Kahit papaano... nakuha ko pa rin ang hustisya ko sa ibang paraan.
Si Chichi na hawak ang mga pusa namin na pati rin sila ay mga eleganteng nakaayos, it was as if they looked like royal cats in the way they looked. Si Kuya Premi na sobrang gwapo. Grabe, parang hindi kami nanggaling sa mahirap na buhay. Habang nakikita ko ang pamilya roon, masayang nanonood sa akin ay mas tumataba ang puso ko sa saya. Sa kinang pa lang at mangha sa kanilang mata ay makikitang sobra na silang masaya para sa akin.
Lalong dumagsa ang puso ko sa emosyon. Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ko pa rin talaga inaasahan na mahahantong ako sa ganito. Kahit nadapa ako ng ilang beses noon at nagkasugat, hindi ko na hinintay ang paghilom, tiniis ko, pinagpatuloy ko, nagawa ko pa rin tumayo at maglakad.
Palagi kong iniisip noon na, darating ang araw na mag-iisa na lang ako sa buhay. Dahil sa mga naging desisyon ko... naligaw ng landas, alam kong... malabong may magmahal ng tunay sa tulad ko. Dahil maging ako, ang baba ng tingin ko sa sarili ko noon kaya nagawa ko na lang tanggapin na hanggang dun na lang talaga ako. Mababang uri na babae at walang pangarap, hindi magagawang umasenso sa buhay, at maaaring maging awa o kahihiyan na lang ang tanging pagtingin nila sakin, kaya hinayaan ko na lang ang sarili na tanggapin kung ano ang naging tingin sa akin ng ibang tao.
Pero nagkamali ako... hindi Niya ako hinayaan na maging ganun ang tingin ko sa sarili ko.
Hindi ko pa nakita noon, malabo pa sa akin ang lahat pero natanto ko na kung bakit... bakit nga ba siya dumating siya sa buhay ko? Unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang lahat. Alam ko na pala kung bakit... dahil siya pala ang paraan. Siya ang nagbigay ng pagbabago sa akin, sa pakiramdam, sa pananaw, sa lahat. At siya lang ang tanging lalaking nagparamdam na inaakala kong imposible ko ng mararamdaman. Sa paraan niya, yun ang naging dahilan kung bakit nagustuhan ko siya.
And while I liked him, it was also a big and difficult phase in my life, as if I was being tested as far as I could. At hindi ko inaakala na ang isang tulad ko ay makakayanan ko.
The two of us can cope even though many judged and oppose us despite the huge difference in state we have.
I feel like I am someone who looks up at the high sky and that sky is... him.
Pero dun ako natuto. Sa mga desisyon ko, sa mga pagkakamali ko. Mga pagkakamaling hindi na maitatama at ilang pagkakamali na hindi pa huli ang lahat at nagawa ko pang itama. Kaya masasabi kong hindi pa rin talaga huli ang lahat sa akin. Maraming pagkakataon pala na nabigyan ako, ako lang itong hindi agad nakapansin.
Kaya ang pagdedesiyon na pakasalan siya ay hindi ko na magagawang mag-alinlangan pa.
Sya lang nakikita kong lalaki sa kinabukasan ko... at kahit pa sa kabilang buhay ko.
Hindi ko rin maisip na may iba pa akong lalaking mamahalin. Hindi dahil inaya niya ako ng kasal dahil may anak na kami, o dahil mayaman o may pera siya, o dahil sa sobrang gwapo niya, kundi dahil sa kung anong buong pagkatao niya... kung ano siya talaga... at masaya ako sa kanya. Bonus na lang ang mga meron siya sa buhay niya. Dahil pinatunayan niya sa akin na walang makakatumbas ng kahit anong yaman na pagmamahal na meron kami.
Dahil simula nung nasubukan ako ng sitwasyon, na nakuha ko ang unang intensyon sa kanya na pera lang ang naging habol ko sa kanya at ang kapalit ay hindi na kami magkikita pang muli ay para akong sinampal, nagising, masakit... at hindi pala masaya.
Natanto ko rin na kung pera lang ang magiging habol ko, malamang nabulag na lang ako sa ibang lalaki sa mahabang panahon, o kaya hindi kami umabot sa puntong 'to at hindi siya lubos na kinilala. At baka tuluyang tinakbuhan o tinalikuran na lang siya at hindi na nilingon pa. Pero hindi... nakita ko, may kakaiba akong naramdaman sa kanya kaya hinayaan ko siya sa buhay ko. May mga malaking bagay din siyang nakaya niyang isakripisyo at bitawan para sa akin, ganun din ako sa kanya...
Na hindi ka sasaya sa ibang bagay, walang makakapantay. Dahil mas sasaya ka sa taong tunay na nagpapasaya sayo. Na dati ang taas at ang dami kong hiling pero pagdating sa kanya... nagiging sapat na, sumisimple na lang ang kagustuhan ko sa buhay basta kasama ko siya, kumukuntento na ako. Lalo na sa anak ko.
At masasabi kong sigurado na nga talaga ako. Kay Heimlich, kahit na mabilis, o hindi man ganun kaganda o perpekto ang aming nasimulan, parehas kaming nagkamali, nagkasakitan, pero pinili naming maghilom at magpatawad sa isa't-isa dahil... mas mananaig pa rin talaga ang pagmamahal naming dalawa.
"I hereby seal these two souls binding them as one for eternity. Look upon one another and say the words..." as the Qazi said.
Mabilis ang pangyayari... wala pang ilang saglit ay natapos na ang seremonyas.
Nagbigayan na kami nang sing-sing. At habang mapungay ang mata niyang sinusulyapan ako, habang hawak ang kamay ko ay hindi ko maiwasang mapasinghap sa sing-sing na sinusuot niya sa akin na halos manginang sa paningin ko.
"I am yours and you are mine... from this day... till the world without end..." he whispered as he slipped the ring on my finger.
I bit my lower lip as I watched the ring he wore on me. The Royal Heirloom ring is formed into a gold vintage crown. The center has three red stones with excellent sparkle and vibrant color. Same as Heimlich, it is formed in a gold ring with rubies and emeralds studded with floral granulation.
Walang-wala sa isang suot namin na engagement ring na silver nung nagpakasal kami noon sa huwes.
"Till the world without end..." bulong ko rin sa kanya.
We stared at each other happily.
Hindi ko alam kung paano o kailan siya nagsimulang magbago. Sa kalupitan at kagaspang ng ugali niyang ipinakita sa akin, nakapa ko pa rin ang kabutihang natitira sa kanya. Hindi talaga siya masamang tao... hindi. Dahil maalam siyang magmahal at maawa, hindi siya manhid at nakakaramdam din siya ng emosyon... nasasaktan din siya, at napakita niya sakin ang minsang pagkaduwag at mga naging kahinaan niya. Nakita at nasaksihan ko 'yon, hanggang nakilala ko siya ng lubusan sa mahabang panahon habang lumalaki na rin ang anak namin.
He was also able to adjust to my life; he was able to give up everything just to be with me; and he was doing everything for the good of my family. He proved that to all of us, especially to me, how good of a partner he was, especially being a father to our child.
"Mein ap say muhabat karta hoon..." aniya.
Marahan akong napangiti nang naunawaan ko ang sinabi niya sabay sinakop ko ang pisngi at pinatakan siya nang matamis na halik sa kanyang labi.
"Mein ap say muhabat karta hoon..." I love you...
Tulad ko, buhos na buhos din niya ang pagmamahal. Naramdaman kong ganun siya kasigurado sa mga ipinangako niya sa akin. He really has a word. I got to know him more deeply when our relationship deepened.
"Noble castle of Vitruvian, raise your glass... let's us toast!"
"To the captivating match... to the power of Sanjranis!"
Everyone's shouts filled as they raised their holding glasses.
I thought that what we have is a tragic love story and not so romantic. Kung iisipin na sino mag-aakalang... ang Britanian Pakistani dzaddey slash Prince of Pakistan aka Majesty Heimlich Javadd Ambajic Sanjrani, ay papakasalan ang isang naging stripper na tulad ko?
Walang fairytale, hindi ako naniniwala doon, so I didn't think to be ideal with men, pero pinaramdam niya sa akin na para akong nasa fairytale.
And he was also the reason and made me feel that I was worth it, and he made me realize that I should believe in myself and that it's never too late for the things I want to come true. He made me realize I should ignore judgmental people. He gave me more self-confidence... and taught me to be brave. He increased my courage and he did not leave me alone to fight; he accompanied and supported me. He believed in me. He made me believe... that there is a good chance that someone like me will still love them completely no matter what they are. You don't have to wait... it will come exactly when you least expect it.
For me, Heimlich is nothing but a danger, a man without a heart, ruthless, and most of all, the most disgusting and toxic person I have ever met. I despise him. I almost loathe him. We aren't fond of each other. He just fond my body, and I just fond his money.
But that was before when I didn't know him very well.
We knew it was just a game with rules, so the two of us got together, and started with the business proposition, we have rules, now we fuck the rules. In the depths of desperation, and in the desire to get our savagery hoped for in each other, I didn't expect that we would still fall for each other.
Na kahit malaki ang pagkakaiba naming dalawa, may isang bagay pa rin pala talaga kaming parehas na pagkakatulad. Parehas naming gustong magmahal... at mahalin ng husto. Parehas namin gusto ang pagmamahal na hindi namin inaasahan na matagal na palang hinahangad at hinahanap-hanap namin. Naging perpekto iyon sa puso ko. Ganun din ako sa kanya. Ang pagmamahal na nagpabago sa lahat, lalo na sa koneksyon naming dalawa.
"I can say, you are so blessed, Phryne. Sometimes, we pray that one of those prayers has finally been answered... and I just hope that if your journey is ending... you are entering a new welcome with so much gratitude. We will always be here to support you as a friend, sister, in your family, in your marriage, and your partner..." Mari said to me with a smile.
Naramdaman ko agad ang kanyang pagyakap habang puno ng emosyon ang kanyang ngiti.
"Ako rin." bumuntonghininga ako ng malalim at napangiti sa kanya. "Finally... nahanap mo na ang kasiyahan mo. Masaya ako para sayo..." suminghot ako saglit, at habang tinititigan ko si Mari ay hindi ko maiwasan sa isipan ko ang mga pinagdaanan din naming dalawa na magkasama. Saglit akong tumigala at suminghap ng malalim. "G-Gaga, ayoko na ng drama, nasisira ang make-up ko,"
Tanaw ko pa rin ang mga pamilya ko roon, kumakain habang nagsasaya kasama ang anak kong si Heinrich. Habang heto kami, nasa harap at tila nasa tronong magkatabing nakaupo ni Heimlich. Kita ko rin ang pagdalo ng ilang mga kapatid ni Heimlich habang nilalapitan ang pamilya ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa lahi ng mga Sanjrani, talagang malalakas ang dugo nila, at kahit iba-iba ang postura nila ay makikita may ilang magkakapareha sila ng kulay ng mata. Masyado silang madami at hindi ko na maisa-isa pa dahil ang ilan ay may sarili na ring anak at asawa.
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanila at kita ko ang galak sa kanilang mata habang pinagmamasdan nila ang anak ko, at marespetong pagbati ng ilan sa pamilya ko.
Napabuntonghininga ako ng malalim sa nasaksihan...
"Okay lang 'yan para ako na lang pinaka maganda sa ating dalawa," nawala atensyon ko ng magsalita si Mari.
Nagtawanan kaming dalawa.
"Hindi porket buntis ka ay pagbibigyan kita, ah! Grabe... bukol na bukol ang tiyan mo. Basta ninang ako, ah?"
Nangingiting umirap siya sakin at tumango. "Ano ka ba, ikaw nga agad una kong naisip, eh. Basta ninong ang asawa at Kuya mo, ha? Para malaki mabibigay niyo 'pag bininyagan siya."
Natawa ako sa sinabi niya. "But how does it feel?" habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya ay pansin kong lalong gumanda at nagkalaman siya.
Naging blooming na rin siyang tingnan, ang laki ng pagbabago, mas lalo tumingkad ang kagandahan niya sa simpleng ayos niya.
"Hm?"
"Ang maging preggy. Hindi ko inaasahan na kay Martino ka rin pala babagsak. Parang dati lang, napaka in denial at pakipot mo pa sa kanya,"
"Ganun ba? Nagiging pakipot talaga ako 'pag gusto ko yung tao!" natawa siya at natulala saglit, tila may magandang naalala. "Tsa'ka masaya. Hindi ako sanay, madami palang bawal sa pagbubuntis, kaya ang tagal ko ding hindi nakakainom. Namimiss ko na rin bonding nating dalawa. At lalong nagiging oa itong kalbong 'to," tukoy niya kay Martino habang seryosong kausap naman niya si Heimlich.
"So, what is the gender?"
Ngumisi siya at umiling. "We decided not to find out. We want to be surprised when I give birth,"
Napatango ako. Parehas ko silang tinitigan ni Martino, at tulad ni Heimlich ay mukhang suplado nga ito. Napataas ang kilay ko sa kanya.
"Hoy, Martino!" parehas silang saglit na napalingon ni Heimlich sa pagtawag ko. "Kapag nagkaanak kayo ni Mari ng babae, paniguradong maganda siya. Pero kung magkakaanak kayo ng lalaki, utang na loob, wag niyong kakalbuhin, ha?"
Tumaas lang ang kilay niya at inismiran ako.
"Tingnan mo ang asawa mo, daig pa sa pagbubuntis mo," reklamo ko nang lingunan ko si Mari.
Hay, ang weird din talaga ng lalaking 'to. Natanto ko na marami talaga silang pagkakapareha ng ugali ni Heimlich, ang pinagkaiba lang nila ay ang postura nila at kulay ng mata. Pero parehas silang mukhang masungit at suplado!
"Gaga! Inaano ka ng ulo ng asawa ko?" biglang pagtataray ni Mari. "Hindi mo ba alam na dyan din ako nahumaling sa kanya?"
"Saan? Sa kintab ng ulo niya na parang Mr. Clean?" asar ko kanya.
"Macho naman,"
Natawa ako. "Macho din naman ang asawa ko. Pero hindi ko ma-imagine na magmukha din siyang kalbo," tukoy ko kay Heimlich. "Bukod sa mata niyang nagpahumaling sa akin, may mas una talaga,"
Her brows shot up, lalo siyang lumapit at tumaas ang kilay niya sa akin.
"Ano naman yun?"
"Yung bigote niya," napangisi ako.
"Bigote?" lalo siyang napakunot.
"Nahumaling ako sa bigote niyang nakakakiliti sa leeg ko kapag hinahalik-halikan niya ako,"
"Ay gaga!" napaamang siya at parehas kaming natawa. Mabuti na lang ay walang masyadong nakakaintindi sa amin. Napapagawi lang ang tingin kapag napapalakas ang tawa namin ni Mari. "Lintek ka, hindi pa tapos ang kasal niyo pakiramdam ko sabik na sabik ka na agad sa kanya! 'Te, kalma ka muna,"
Naputol ang usapan namin ni Mari nang masaksihan ko kung paano magyakapan si Martino at Heimlich. Kita ang kislap sa kanyang mga mata habang natatawa, at alam kong pinipigilan lang nila ang maging emosyonal dahil nakakabawas nga naman daw ng kaangasan yon ayon sa kanila.
Nagkatinginan kami ni Mari at parehas kaming napailing at natawa.
"Mga lalaki nga naman..." naiiling niyang sambit na ikinangisi ko. "Best wishes, bitch,"
"Magpakasal na rin kayo. Good luck din sa future niyo ni Martino. Be a good wife. Bago-bago na tayo,"
And sure, we still have so many things to face in the future. It may will not lose our toxicity traits towards each other, but I will always look back on why this is the person I chose. Who is this person in my life?
He is the only one I can marry.
The one I will be with for life.
And just like he said, he used to adore me like a goddess and so I am to him like a diety. As always...
"I love you, fully... completely... wholeheartedly... with all my heart, mind, spirit, and soul. And there's no doubt in my mind. This is a collective consciousness. I believe that we have a happily ever after." I sighed before I kissed him gently.
When I kissed him, colorful fireworks suddenly exploded in the dark and star-studded sky. While savoring the moment, we were at the very top of the castle, kissing, ignoring the ticking of the clock bell on the tower.
With him, I learned to give everything I had. Because when you give your all, you get even more in return. I know you might lose the bet, but it's not so bad that you at least try every now and then.
It was truly a blessing for both of us to have each other. Because I know... we both have the sweetest hearts. The Lord has brought us together, and God has joined us together. He'll keep us all together. We go forth with hope... with confidence... because the Lord has blessed us and will continue to bless us.
He bit his lower lip. A smile is breaking through his lips habang mapungay ang mata niyang nakatitig sa akin
"I loved you before you love me, Phryne. It's the only thing I have you beat at... and I'll bring it up to you every chance I get,"
Now I will be happily married to the noblest of men.
I guess, my dirty life still won't remain dirty. That no matter how dirty and chaotic my life has been, it still hasn't been bullshit. It's not bullshit at all.
Holy shit... it's amazing.
It can't be called a 'once upon a hellish life' but right now, damn... it's priceless.
The Phryne Gretha Malitaitai Sanjrani, sino ba ang mag-aakala na from being raketera, nakatira dati sa eskwater, a stripper turns to cinde-fuckin-rella, the apparent Queen of King Heimlich Sanjrani, a wifey and a mother with her lovely Majesties--my dear husband baby Majesty Heimlich, and my adorable Prince, Heinrich.
Now that we are here at last... I can finally say, I have everything I deserve.
As I've said my vow... what's his, is now mine.
I am his Adelaide... and he is my Majesty.
He's also deserving of the entire world. He comes across as heartless, but he loves too hard. And I have faith that every chapter of our story will not be over.
Forever, begins, today...
P I E D R A I J A D A
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro