Ep1-TNT
A/N
Ayiiiii labas ang mga kdrama fans jan! Eto na ang istoryang hindi nio pa nababasa at this time being!
Halinat samahan nio akong tunghayan kung paano makaka survive ang ating bida sa bayan ng mga koreano.Halika't samahan nio akong isalaysay ang laman ng aking imahinasyon.Ang kwentong inyong matutunghayan ay mula sa malayang kaisipan ng inyong lingkod.
Walang kinopya at walang katotohanan maliban sa nabanggit na lugar at ang kototohanan na korean artist ang ating lover boy.
Sinadyang pinalitan ng apilido upang huwag naman tayong magka asunto kung sakali hehehe...
And to you oppa Lee Jungsuk and Kim Woobin... Sorry na po agad...
Lalabs ching5577...this is for you my dear...
Enjoy.... 😍😍😍
**************
Ohhh my God!
Napamulagat ang kanyang mga mata!
Of all people here in korea bakit naman itong mga korean police pa ang makakasalubong niya!
Eto na naman ang asthma niya!
Nagpapanic na nga siya at baka mahuli siya
Eto at nakisabay pa.
What to do!
What to do... Ohhh my God!
Hindi siya makahinga. At hindi din niya malaman kung anong gagawing pag alis sa kanyang kinatatayuan. Malapit na ang mga pulis at tiyak na kapag nakita siya ng mga ito na Filipina siya ay baka matanong pa siya kung nasaan ang kanyan Alien Id.
Hindi na siya nag isip pa!
Kaagad siyang sumakay sa kotseng pula na nakatigil sa sidewalk. In Gods grace, tumpak namang bukas ang pinto niyon at hindi nakalock. Wala na siyang panahon pang mag isip kung kanino man ang sasakyang iyon.
Dahil kundi man siya mahuli dahil TNT siya ay mamamatay siyang hinahapo sa matinding pag papanic sa tabi ng daan.
Nang makaupo siya ay kaagad niyang binuksan botones ng suot niyang pantalon.
Binuksan din niya ng tatlong botones ang suot niyang long sleeve blouse. Bahagya niyang sinuntok suntok ang kanyang dibdib.
Ohhh my God!
Hindi siya makahinga!
Dinukot niya sa kanyang bag ang kanyang inhaler. Huminga siya ng malalim at pinaputok iyon ng dalawang magkasunod na putok sa kanyang bibig.
Ganun pa rin.
Hirap na hirap pa rin siyang huminga.
Talagang natakot siya ng husto sa mga nakasalubong na pulis. Hindi man niya sigurado kung ang mga ito rin ang humuhuli sa mga tulad niyang undocumented migrants worker o TNT (tago ng tago) dito sa korea ay natakot pa rin siya.
Noong nakaraan lamang ay may hinuli ang mga ito na Filipino worker dahil wala itong suot na helmet habang naka motorsiklo. Hiningan ito ng Alien Id at wala itong naipakita kayat hinuli na ito ng tuluyan dahil napag alamang ito ay TNT at nabalitaan niyang pina deport kaagad ito sa Pinas.
At hindi iyon pwedeng mangyari sa kanya!
Hindi siya uuwe ng Pinas hanggat hindi niya nakakadaupang palad ang minamahal niyang si Lee Woobin. Ang korean model/actor na kinababaliwan niya.
JUSKU LORD!
Ang babaw naman po ng pangarap ko, bakit hindi ninyo pa po ipagkaloob sa akin bago pa ako abutan ng pagkamatay dito sa Korea.! Parang awa ninyo na po Lord.
JUSKU naman Ajileth!
Talagang iyan pa ang una mong pinagdasal!
Singhal niya sa kanyang sarili. Maano bang inuna mong hilingin kay Lord na pahingahin ka muna ng maayos, nag hihingalo ka sa sobrang panic ohhh!
Ayyy oo nga pala!
Aru jusku ayaw talagang gumana ng kanyang puso. Pakiramdam niyay huminto na ito pag pump sa loob ng kanyang dibdib.
Jusku Lord katapusan ko na ba?
Napaiyak siya sa isiping mamamatay siyang birhen!
Woyyy 'wag ganun!
Talagang naisingit mo pa 'yan eh malapit ka ng mamatay bruha ka!
Ewan ba niya dito sa kanyang kakambal na konsensiya. Palaging kontrabida sa buhay niya. Palaging nakasinghal kapag may mali siyang nagagawa.
Mariin siyang napikit habang umiiyak.
Meron siyang naririnig na nag uusap ngunit ubos na kakahingalo ang lakas niya upang silipin pa kung sino ang mga demokles na iyon.
Iisa ang sigurado niya.
Koreano ang mga iyon base sa naririnig niyang usapan ng mga ito.
May nararamdaman siyang humihimas ng kaniyang dibdib na tila pinapaluwag ang kanyang paghinga. Ngunit hindi na niya kayang imulat pa ang kanyang mga mata.Patuloy siya sa pag iyak habang humihingal. Kinakapos na talaga ang kanyang pag hinga na tila doon na talaga matatapos ang lahat lahat sa kanya.
Napakalayo nito sa pinangarap niyang mangyayari sa kanya sa lugar na ito.
Headlines!
Babaeng TNT, patay na idineport sa Pinas.
Matapos makasalubong ang mga pulis ay inatake ito ng hapo at kaagad ding namatay ng oras na iyon.
Aray naku...
Kay saklap ng buhay...
Napakasakit... ika nga ni kua eddie.
Buset kang Carlota ka!
Pagmumura niya sa kanyang isipan sa kaibigang nagdala sa kanya dito sa Korea.
May asawa itong koreano at may dalawang anak. Autistic ang anak nitong panganay na babae. Kinuha siya upang mag alaga sa bata. Sinagot nitong lahat ng proseso ng pagpunta niya ng Korea.
90 days lang ang alam niyang nakasulat sa visa niya, or less single-entry visa.
Ang sabi nitoy dito na aayusin sa Korea ang panahon ng pamamalagi niya rito. Kesyo ipapakasal siya sa brother-inlaw nito para maging korean citizen siya at hindi na niya kailangang magtago kapag naexpire ang visa niya.
At siya namang tatanga tanga ay kaagad na naniwala sa pag aakalang ganoon nga lamang kadali ang sirkumtansiya sa Korea.
Isang taon din siyang naging yaya ng anak nito. Maayos naman ang takbo ng buhay yaya. Mabait naman sa kanya ang kaibigan maging ang asawa nito at kasundo niya ang batang inaalagaan. TNT siya ngunit walang panahon para mahuli siya dahil hindi naman siya lumalabas ng bahay ng mga ito.
Until oneday.
Jusku!
Buset ka talaga Carlotaaaaaa...
Nagulat na lamang siya isang araw nang hindi na umuwe ng bahay ang kaibigan niyang pinay. Tumakas ito pauwe ng Pilipinas dala dala ang dalawang anak.
Hindi niya malaman ang dahilan dahil mahigit isang taon siya doon ay wala naman siyang nakitang kung anoman ang dahilan ng pag iwan nito sa asawang Koreano. At talagang hindi na niya nalaman pa ang dahilan. Dahil pinaalis na siya ng asawa nito sa bahay.
At kahit pa wala siyang ibang pupuntahan ay umalis siyang taas noo sa bahay ng mga ito. Ulilang lubos siya at kaylanman ay hindi siya nanikluhod sa ibang tao para alagaan siya at bigyan ng kung ano man. Lumaki siyang may sariling desisyon at paninindigan.
Siya ang larawan ng isang babaeng independiyente at kayang buhayin ang sarili ng hindi humihingi ng tulong sa ibang tao.
Swerte pa rin siya dahil kaagad siyang natanggap bilang dishwasher sa isang korean diner. Pag aari iyon ng isang Mrs. Choi. Mabait ang matandang babaeng koreana at fluent ito mag english kayat nagkakaunawaan sila. Pinagtapat niyang siya'y expired na ang visa at wala naman itong ginawa ukol doon. Palagi nitong sinasabi na mag iingat siya palagi.
Hindi siya nito inuutusang lumabas, stay-in din siya sa diners upang huwag daw siyang makasalubong ng mga taga immigration kung sakali.
Kung bakit naman nakalimutan niyang wala na pala siyang stocks na sanitary napkin. Sumasakit ang kanyang puson kayat naglakas loob siyang lumabas para bumili nito.
Ano gang malas ng buhay niya... Ayun at katapat lamang ng diners ang minishop na bibilhan niya ng sanitary napkin. Iilang hakbang lamang at charaannnn ay nasa diners na siyang muli.
Ngunit hindi nga iyon ang nangyare.
Kamalas malasan ay dalawang hakbang na lamang at papasok na siya sa diners ay ayun nga...biglang lumitaw ang mga korean police at inatake na siya ng hapo dahil sa matinding pagpapanic na baka siya ay mahuli at madeport.
At heto na mga siya ngayon!
Naghihingalo sa sasakyan ng may sasakyan.
Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
Muli siyang pumikit.
At muling dumilat.
Ohhh my God!
Ambilis mo naman Lord. Kanina lamang ay naghihingalo ako, bakit ngayon ay biglang nasa langit na ako.!
(Ang mareklamo na naman niyang konsensiya. Umatungal na naman.)
Paanong hindi.
Pagdilat ng kanyang mga mata ay si Lee Woobin at Kim jungsuk ang nabungaran ng kanyang paningin.
Ang lalaking gabi gabi niyang pinapantasya sa kanyang panaginip.
Sumumpa siyang hindi na iibig pang muli, pero ibang usapan kapag ang kanyang Lee Woobin ang involved .
Ohhh my God!
Ang kanyang mah labs!!!
Juice na may kulaaaaay!!!
Pwede mo na nga akong kunin, Lord!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro