Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ep 4 --CHINGU


Matapos niyang maligo at magbihis ay kaagad siyang tumalima upang sumunod kay Woobin.

Mainit ang ulo nito.

Baka balikan na naman siya at bulyawan.

Inabutan niya itong nakasandal sa barandilya ng hagdanan.

Nakahalukipkip.

As usual masama na naman ang tinging ipinukol  nito sa kanya.

Nang makalapit siya dito ay kaagad siya nitong hinila sa isang kamay at dinala sa kabilang kwarto.

"These are your things. "Pagkarakay wika nito. Bago binitawan ang kamay niya.Gusto  niya iyong himasin dahil tila nadurog ang mga buto niyon sa higpit ng pagkakahawak doon ng lalaki.

Pero inagaw ng mga mamahaling bag ang kanyang paningin.

Labindalawang ibat ibang brand ng bag ang nakakikita niya. Naka glass kabinet ang mga iyon at naiilawan ng mga maliit na bumbilya.

"Each bag contains an ATM, credit cards, and a wallet with extra cash. "
Pagmamayabang sa kanya nito.

Pero parang hindi naman ito nagyayabang.
Mainit lang din talaga ang ulo niya,kaya mayabang ang tingin niya rito sa mga oras na iyon.

Bahagya lamang siyang tumango.

"And all those shoes are the size of your feet." Pagkarakay muli nitong sabi.

Kayat lumingon siya at natunghayan naman niya ang labindalawang pambabaeng sapatos. Tulad ng bags ay iba iba din iyon ng brand. Naka salaming eskaparate rin ang mga ito.

"And that dressing room belongs to you also-- Coats dresses,undies,belts and etcetera."

He said it again.

Nilingon niya ang itinuro nitong pinto sa right side ng kwarto.

"And please pick one and get dressed in a minute,we're running late for the ceremony!"

Ayun at pagalit na naman ang tono nito. Hiwit pa iyong mag English. Paano pa kaya kung mas tuwid nito iyon.

Hump!

Hambog!

Pumasok siya sa dressing room na itinuro ni Woobin.

Wala na siyang panahon pa para isa isahin ang mga magagarang dresses sa kanyang harapan. Pumili siya ng isang puting dress na hanggang tuhod. Ipinuyod niya ng pa ponytail ang buhok niya.

Nagpulbo at lip tint lamang siya.

Lumapit siya sa estante ng mga sapatos at pumili ng isa na babagay sa kanyang suot na damit.

At basta na siya humila ng isang small bag na kulay puti sa estante ng mga bags. Wala na siyang panahon pang mamili pa.

Isinakbit niya iyon sa kanyang balikat at kaagad ng lumabas ng kwarto.

Inabutan niya itong may kausap sa salas.

Napamulagat siya ng makita kung sino iyon.

Deabak!

Oh my God!

"Kim Jungsuk!!! "Poging pogi ito sa suot nitong long sleeve na puti na naka tuck in sa maong pants.

Awtomatikong bumakas sa mukha nito trademark na nakakatunaw nitong ngiti.

Tuwang tuwa niya iyong niyakap.Kilig na kilig siya. Idol niya ito dahil sa pagiging sobrang kyut at bubbly nito. Niyakap din siya nito. Halos ayaw niya itong bitawan. Nagulat na lamang siya ng maramdamang may humaklit sa kanya.

"Yahhh! " singhal na naman sa kanya ni Woobin.

"What! " baling niya rito. Para natuwa lang siya eh, killjoy naman nito. Minsan lang siya makakita ng artista sa buhay niya eh. Nakirap siya rito ng muling humarap kay Jungsuk na tawa naman ng tawa.

"Annyeong! "Bati niya rito. "I'm Ajileth! "

Excited pa ring pakilala niya sa idolong artista. Iniabot niya ang kamay niya rito.Kaagad naman iyong kinuha nito at dinala sa mga labi nito, pilyong hinalikan ang bubong ng kanyang kamay.

"Hey babe! "Malambing namang bati rin sa kanya ni Jungsuk. Tila inaasar nito ang kaibigan, base sa napaka sweet nitong ngiti na binibigay sa kanya.

Alam niyang mag best friend ang mga ito. Ayon sa bio ng mga ito sa Google ay sobrang close ang dalawang ito na tila magkapatid.

Muli sana niyang yayakapin si Jungsuk ng muli siyang haklitin ni Woobin.

"Yahhh! Don't you forget that we're getting married!"Asik nito sa kanya. Pulang pula ang mukha nito sa inis sa kanya.

Anong ginawa niya?

Hindi naman siguro ito magseselos dahil hindi naman siya nito mahal.

Siguroy may ugali itong ayaw na naagawan ng kanyang pag aari.

Hump!

Hindi na lamang siya umimik. Nakanguso siyang naupo sa sofa. Mahirap makipag talo sa Koreano. Bukod sa mahihirapan kana mapapagod ka pa kaka english.

Nang mapasulyap siya kay Jungsuk ay halatang nagpipigil pa rin ito ng tawa.


Si Woobin naman ay nakatarak pa rin ang mga mata sa kanya. At matiim na nakatikom ang mga labi. Ngayon lamang tuloy niya napansin na pagkapogi pogi pala nito sa suot nitong white long sleeve na naka tuck in sa gray slacks. Pogi nga suplado naman. Bukod sa palaging nakasigaw palagi ring naka sambakol ang mukha na tila malaki ang pinag dadaanang suliranin sa buhay.

Hump!

Napansin niyang nakatitig din ito sa kanya. Hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtagal pa ang pagkakatitig nito sa suot niyang white sneakers. Siguro kinakalkula sa sa kanyang isipan kung bagay ang suot niyang rubber shoes sa white dress niya.

Nagkasalubong sila ng tingin ng lumipat ang pagkatitig nito sa kanyang mukha. Hindi siya bumawi ng tingin. Sinamantala din niyang titigan ang mukha nito.

Nagtataka talaga siya kung saan nang gagaling ang pagkakasimangot nito. Napakayaman nito. Anong kulang sa buhay nito para maging grumpy na parang matanda?

Pirming naka arko pataas ang makakapal nitong kilay. Matalas tumingin ang kyut nitong mga mata. Natatandaan niya napakaganda ng mga matang iyong kapag ngumingiti ito sa mga drama nito. Pirming naka tikom ang mapupulang mga labi nito. Samantalang napaka sweet nitong ngumiti sa mga images nitong nagkalat sa Instagram.

Na curious tuloy siya kung anong nangyari dito. At kung nasaan ang jowa nito na kasama nito palagi sa mga post sa social media.Para tuloy nawala ang inis niya rito. Siguro ngay may pinagdadaanan ito. Tapos pinapatulan naman niya, kung tutuusin dapat siyang magpasalamat dito. Pakakasalan siya nito para huwag siyang
madeport at para maging Korean citizen. Matulungin ito sa kabila ng pagiging mainitin ang ulo.

Mas lalo pa nitong ini arko ang kilay ng mapansin na titig na titig siya rito. Bahagya pang ini iskad ang sulok ng nguso nito. Ware ay mannerism nito ang pag iskad ng nguso kapag nayayamot dahil madalas niya iyong mapansin dito kapag naiinis sa kanya.

Oh Lord. Give me more strength para pakisamahan ang taong ito. She used to love this man in her dreams. Simula ng mapanood niya ang mga drama nito ay paulit ulit na niya iyong pinanood. Palagi niya itong kasama sa kanyang mga panaginip. Na mahal niya ito at mahal din siya nito. Pino portrays niya sa panaginip niya kung anong ginagawa nito sa mga leading lady nito ay ginagawa din sa kanya...

Sa kanyang panaginip iyon!

And this is the real Lee Woobin! Grumpy and arrogant!

But she promised to herself,na paiibigin niya ito kapag kasal na sila. Mamahalin niya ito ng buong buo kahit marriage for convenience lamang ang kasal nila. Kung hindi man siya nito matutuhang mahalin hanggang umabot sila ng dalawang taon bago siya maging korean citizen ay wala na siyang magagawa.

Kundi umiyak syempre!

May dumating na lalaking naka suit sa may pintuan. Wala iyong imik na tila nagpakita lamang sa kanila.

Tumayo ang mga ito kaya tumayo na rin siya. Awtomatikong kumapit siya sa isang braso ni Woobin. Hindi naman ito umangal. Sa halip ay inalalayan pa siya nito pag upo sa sasakyan bago ito sumakay.

"Apeanjeuseyo " Sabi nito kay Jungsuk. Hindi niya iyon naintindihan.

"What! " angal ni Jungsuk.

"Sit in front! "Ulit ni Woobin.

Ahhh 'yon pala ang sinasabi nito. Ayaw patabihin sa kanilang dalawa ang kaibigan.

Insecure ang damuho.

"Juseyo! "Please

Samo nito sa kaibigan na hindi natinag.

"Arraso! "Okay....napipilitang sagot ni Jungsuk.

Naawa tuloy siya dito. Ramdam kasi niyang nais nitong makipag kwentuhan sa kanya.

Hindi naman siya umiimik. Nanatili siyang naka upo ng tahimik. Hindi niya ito kinikibo ,ang ginawa niyay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Para kasing pagod na pagod ang utak niya.

Napakaraming tumatakbo sa kanyang isipan.

Puro Woobin...Woobin...Woobin...

Ang salbahe niyang mahal na si Woobin.

Sanay palagi niya itong mapag pasensiyahan. Sanay humaba pa ang kanyang pasensiya para dito. Pasensyosa siyang tao, pero kapag sinisinghalan siya nito nasasagi nito ang ego niya. Bilang lumaki siyang sarili lamang ang sinasandalan at hindi umaasa sa iba ay masakit sa pride niya ang ginagawa nito sa kanya.

Napipikon siya kapag ginagawa siya nitong bata na basta na hinahaklit. Iniirapan. Nginungusuan. Inaasikan.

Ngayon niya naiintindihan na niya si Carlota kung bakit nito iniwan ang asawa. Ganoon siguro ang ginagawa ng koreanong asawa nito rito. Hindi nga naman ipakikita sa kanya ng mga ito kapag nag aaway ang mga ito. Marahil ay napundi na at nanawa si Carlota. Bigla tuloy siyang naawa sa kaibigan. Mahirap ang buhay ng pamilya nito sa Pilipinas. At mahirap para dito ang desisyong ginawa nito. Ang iuwe ang mga anak nito sa kinabihasnan nitong mahirap na pamumuhay doon.

Ganoon din kaya ang kahihinatnan niya?

Hindi naman malabong apihin din siya ni Woobin. Sobrang yaman nito. Kayang kaya siya nitong ipatapon pabalik ng Pinas kung sakali.

Ohhh bakeeet... Mahal naman niya ang bansang kanyang sinilangan. Kundi lamang siya inakit akit ni Carlota papunta rito sa Korea ay pihadong nagtuturo pa rin siya   hanggang ngayon sa school na pinagtuturuan niya.

Sa paghahangad niyang makadaupang palad ang kanyang mah labs. Na eto at bukod sa arogante na ay ubod pa ng sungit.

Hump!

**********
CHINGU--FRIEND

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro