Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ep 3--KINGS BED





Where to sleep?

Iyong ang tanging tumatakbo sa kanyang isipan habang kumakain sila ng hapunan ni Woobin.

Totoo naman pala ang nasa bio nito na napaka considerate nito. Alam niyang maalam itong magluto dahil puno ng laman ang refrigerator nito. Bukod sa wala naman siyang ibang taong nakikita sa bahay para magluto.

Tinanong siya nito kung ano ang gusto niyang hapunan.

Pizza!

Fried chicken!

French fries!

Iyon kaagad ang mga nasambit niya. Hindi dahil iyon ang paborito niyang pagkain, kundi dahil matagal na niya iyon gustong kainin. Doon sa bahay ni Carlota ay pagkaing luto ng mag asawa ang kinakain nila.Korean dishes na nakasanayan na rin naman niyang kainin. At saka wala naman siyang pagkain na hindi kinakain. Ulilang lubos siya kayat malaki ang pagpapahalaga niya sa mga grasyang nakahain sa kanyang harapan.

Mas lalo na itong pizza, fried chicken at fries... Humihimig pa nga siya habang dinidip ang fries sa ketsup bago isubo.

He was this action na palaging inaagaw ang kanyang isusubong pagkain. Palagi nitong hinahagip ang kanyang braso upang isubo sa sarili nito ang kapit niyang fries.

At sa ilang beses na ginagawa nito iyon ay matama itong nakatitig sa kanyang mukha at sadyang sinasalubong ang kanyang paningin.

And to her dismay, ganun lang ng ganun ang ginagawa nito.

At parang siya pa ang may pagnanasang titigan ang mapupula nitong mga labi at halikan iyon.

Woyyy Ajileth!

Virgin ka!  Mahiya ka naman! Dalagang pilipina ka!

Ayyy aruyyy!

Are namang si konsensiya!

Wala pa nga siyang ginagawa eh naka atungal na kaagad.

Eh maano naman kung dalagang pilipina siya!

Jusku naman!

34 year old na siya!

Sa panahon ngayon nakakahiya na ang kalagayan niya. Ang maging birhen sa edad niya. Ang mga kaibigan niya sa Pinas ay may tig tatatlo na anak.
Samantalang siya ay sarado pa ang bahay bata.  

Sa edad niya ngayon ay isang karangalan na kung may mag tangkang gahasain pa siya.

Lord... Beke nemen...

Usal niya sabay tingin sa taas.

"Wae? "Tanong  nito

(Wae-why- bakit?)

Napansin pala nito ang ginawi niya.

"Nothing. " ang tangi niyang nasabi.

Tila nagulat ito.

"Do you understand Korean language? "

Tumango siya.

"Just basics"
Naiintindihan niya. Nababangit din niya iyon sa kanyang isipan. Pero hindi kayang ilabas ng kanyang bibig. Lalot pangungusap.

Ang tangi niyang nasasabi ay mga korean words katulad ng pagbati, oo at hindi.

"Geurae? " (really)namimilog ang mga mata nito.

"Ne! " yes.

At sa gulat niya ay sinakwit ng isang kamay nito ang kanyang baba at mabilis siyang na smackan ng halik sa labi.

Natulala siya.

Ambilis talaga umaksyon si Lord.
Agad agad!

Ura urada!

Kitam sa isang samo niya may halik kaagad siya.

Wala siyang kayang sabihin. Ang alam lamang  niya ay pihadong namumula ang kanyang pisngi.

Ganun pala ang lasa ng halik.

Lasang pizza!

"What's your name? "

Mula sa pagkatulala ay napatingin siya sa lalaki.

Sa wakas itinanong din!

Akala niya'y magasasama sila sa bahay ng palaging ang tawag  nito sa kanya ay hey... Yahhh...

"Ajileth San Juan...just call me lhie. "
Pakilala niya.

"Lee? Lhey? "Slang na banggit nito.

"It's Lhey... " anla lhie... Lhey pareho na rin 'yon.

Matapos nilang kumain ay dinalhan siya nito ng kape sa sofa. Nanood kasi siya ng pelikula nito.

Walang tanong tanong kung anong klaseng kape ang gusto niya.

Bastat it's pure black coffee.

Black but sweet.

Paano kaya nito nahulaan na ganoon ang tipo niyang kape. Strong but sweet.

Iisang tasa ang dala nito. Kayat pagkakahigop niya ay higop din nito.

So it's true!

He's charming!

Sadya lamang tahimik ito.

Hindi masalita. Hindi palatanong.
Patingin tingin lamang.

Palaging nakatutok sa kanya ang mga mata nito. Hindi ito nagsasalita na hindi nakatingin sa kanyang mukha. Na tila inaarok kung totoo ang mga sinasabi niya rito.

At kung  kahapon ay mala T-Rex ang definition niya sa pagkatao nito.

Ngayon ay muli na naman siyang tinaraydor ng kaniyang puso na sumumpang hindi na muling iibig pa.

Isang anghel na bumaba sa lupa ang tingin niya rito ngayon.

Isang anghel na nag anyong tao upang tulungan siya. Pakakasalan upang maging legal migrants ng Korea.

At iisa ang sigurado niya.

Hindi na siya magiging ulila ngayon.

Magiging asawa niya ito at sigurado siyang may pamilya itong maituturing niya ring pamilya.

At excited siya sa isiping iyon!

11 pm... Inaantok na siya ngunit hindi niya malaman kung saang kwarto siya matutulog.

Ayaw naman niyang mag assume na sa kwarto ni Woobin siya matutulog.

Ang lalaki naman ay tila hindi pa napapanood ang sariling pelikula nito. Tutok na tutok ito sa eksena.

Kayat bahagya siyang sumandig sa sofa.
Minabuti niyang magtulog tulugan.

Pumikit siyat minumuni muni ang mga pangyayare sa kanyang buhay. Unti unti na siyang hinihila ng antok ng maramdaman niyang umangat siya mula sa pagkakasandig sa sofa.

Binuhat siya nito.

At kahit hindi siya magmulat ay alam niyang sa kwarto nito siya dinala. Dahil naamoy niya ang kaparehong amoy ng unang ginamit niya kagabi.

Amoy ng hulab ng katawan ni Woobin.

Awtomatikong humigit ang kanyang kamay ng isa pang unan at niyakap iyon. Hindi siya. Nakakatulog ng walang yakap na unan.
At talagang antok na antok na siya.

********

Woobins POV...

Why does he have this feeling,na may humihimas sa kanyang katawan?

At bumaba ang paghimas sa maselang parte ng kanyang katawan.

Iminulat niya ang kanyang mga mata.

And there is Ajileth's hand.

Nakayakap sa kanya at paminsan minsan  siyang hinihimas. At ngayon ay nakadantay ang bilogan nitong hita sa ibabaw ng kanyang kaselanan.

And it's killing him!

Nadadaganan ng hita nito ang naghuhumindig niyang pagkalalaki. At lalo iyong nagagalit sa bawat kilos na ginagawa ni Ajileth habang mahimbing pa ring natutulog.

"Deabak! "Oh my God. Ang tangi niyang nausal.

Hindi siya manyakis.
Normal naman siyang lalaki na naa arouse kapag may katabing magandang babae.

Kayat gustuhin man niyang umalis mula sa pagkakadantay sa kanya ni Ajileth ay minabuti na lamang niyang i enjoy ang scenario.

Sa halip ay kinuha niya ang ulo nito at ipinatong sa kanyang bisig. Niyakap niya ito at inayos ang kumot na bahagya ng lumilis sa kalikutan nitong matulog.

Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Habang tila gising siyang nangangarap na sana ay maging kanya na ang babaeng ito.
Sanay hindi siya nito iwanan sa oras na maging korean citizen ito.

Handa siyang ibigay dito ang lahat -lahat.

Handa siyang magpagamit dito.

Handa siyang ibigay maging ang yamang tinatamasa niya.

Mangako lamang ito na hindi siya nito iiwan anuman ang mangyare.

Ajileth...

She has this feeling na mayroon siyang kayakap.

May mainit na hiningang sumasamyo sa kanyang  mukha.

Kinakapa kapa niya ang bawat mahagip ng kanyang kamay.

Oh my God!

Kayakap niya si Woobin.

Muli niyang kinapa ang katawan nito upang siguruhing hindi siya nananaginip lamang.

May nasanggi ang kamay niya na tila matigas na bagay.

Muli niya iyong kinapa upang hulaan kung ano iyon.

Ngunit naramdaman niyang may dumakma ng kaniyang kamay.

At doon na siya napamulat ng tuluyan.

It was Woobin who grab her wrist.

"If you won't stop, I'll promise you You will regret it. "He said in a husky voice,"Get up!  It's sunday! "

Sunday?

Eh anong meron kung araw ng linggo ngayon?

"So? "Blangko ang mukhang baling niya rito ng makabangon siya.

"It's our wedding day! "He said it angrily.

Oh?

Kasal nga pala nila ngayon.

Pero bakit parang galit ito. Nakairap pa ito sa kanya bago lumabas ng kwarto.

Kanina lang ay napakalambing ng boses nito. Nagising pa siyang kayakap ito.

Bakit ngayon ay nakasinghal na naman ito.

Para nakalimutan lang niya saglit na ngayon ang araw ng kanilang kasal.

Ambilis namang magbago ng mood nito.

Soft and charming for a while,and then magiging tila umaangil na Dinosaur
na naman pagka ilang minuto!

"Pali, pali! "

Asik nito ng bumalik sa kwarto dahil hindi kaagad siya sumunod dito. Bilisan daw niya.

"Jamkkanman! "Asik din niya.

"What did you just say? "Tanong nito na nakakunot ang noo. Siguroy hindi narinig ng malinaw ang sinabi niya. Kakapilipit naman kasi ng dila ang lengwahe ng mga ito.

"I said wait a minute,"She said while rolling her eyes upward.Naiinis na siya sa lalaking ito. Walang ginawa kundi bulyawan siya ng bulyawan kapag may pagkakataon.

Hump!

Natawa siya sa sarili...

Nagulat yata ito ng sigawan niya ng jamkkanman. Akalay siya lamang ang maalam sumigaw.

Alam niyang narinig ito niyon kayat muling dumilim ang pagkakatingin sa kanya ng inulit niya ang wait a minute.

Hump!

Bigla tuloy siyang tinamad.

Bigla tuloy siyang napaisip kung talangang pakakasalan ba niya talaga ang supladong koreano na iyon.

Hump!

Base sa nabasa niya sa Google,

Marrying a Korean Man is not just about the glitz and glamour portrayed in Korean Dramas.

It's about embracing a new culture, understanding different traditions, and navigating through the unique dynamics
of Korean family life.

Okay lang naman sana, dahil ang mga Pilipino naman ay sadyang niyayakap ang kulturang pangkasalukuyan nilang kinalalagyan.

At alam na rin niyang iba ang nasa kdramas papable na oppa, kesa sa ugali ng mapapangasawa niya ngayon.

Kung meron man siyang dapat ikatuwa ay ang kaalamang magkakaroon na siya ng pamilya. Ang pamilya ni Woobin.

Sabi pa sa Google, South Korean men
will typically want to be in a protective, responsible and respected role while in a relationship.

Anlahoy saang banda?!

Respective pa pala iyon ng lagay na iyon?

Hump!

Sabi pa sa Google You can become a South Korean citizen, if you marry a south Korean
citizen and maintain your marriage for atleast two years.

Ohhh diba!

Kung gagamitin niya ang utak niya, with in two years magiging South Korean citizen na siya. Hindi na niya kailangan ang damuhong ito sa panahong iyon.

Hump!

***************
A/N

Ohhh tama kana Google masyasyado ka ng nai exposed sa story ko...

Beke nemen... Hehehe...

Hahaha ginawang sponsor   😂😂😂


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro