Ep 21--Philippines
Pa extra naman ang ating minamahal na bansa aba.
Ang lugar kung saan mahal ang bigas pati ang sili at sibuyas!
Pilipinas!
Manila, known as the “Pearl of the Orient”, is the nation's capital city. This bustling historic city is full of things to see and do — including museums, parks, theaters, shopping malls and a plethora of restaurants to choose from.
He was walking in Manila Bay.
Tuwang tuwa siyang masdan ang mga tao.
Masasayang tao ang mga Pinoy.
Tumatawa sila kahit na sa maliliit na bagay.
Ganoon ang mga ka klase niya.Grupo-grupo kung magtawanan. Magkakasabay umuwe at magkakasamang kumain.
Magkakasama ang mga ito sa boarding house, niyayakag siya ng mga ito but he prepared to live in a condo.
Alone!
Nag-aral siya ng lengwahe ni Ajileth.
Para kapag bumalik siya sa kanyang asawa ay kaya na niya itong kausapin ng maayos at taos puso.
Sa probinsiya ng Batangas lumaki at nag-aral ang kanyang asawa. Ayon sa mga kwento nito kay Jungsuk.
Ngunit dito siya naglagi sa Manila dahil nga nag-aaral siya ng wikang tagalog.
Dito siya sa Pilipinas nagtungo ng umalis siya sa poder ni Ajileth.
Hindi niya kayang makipagbalikan kay Shina pagkatapos ng lahat-lahat.
Napatawad na niya ito.
Ngunit hindi na niya ito mahal.
Si Ajileth ang tanging laman ng kanyang puso.Ito lamang at wala ng iba pa.
Umalis siya sa Korea dahil nasaktan siya na hindi man lamang siya pinigilan nito na makipag balikan kay Shina gayong ito ang kanyang asawa.
Wala man lamang itong sinabi na kahit na anomang pangtutol.
Kayat naisip niyang hindi talaga siya mahal nito.
Ginamit lamang siya nito!
Pinakasalan siya nito para maging Korean citizen.
Kaya ayos lamang dito kahit sinabi niyang maghihiwalay na sila.
Marami siyang gustong sabihin kay Ajileth.
Marami siyang gustong itanong.
Marami siyang gustong isumbat dito.
At hindi niya magagawa iyon kung hirap na hirap siyang magsalita ng ibang wika sa harap nito.
Nag take siya ng English at Filipino language.
Para kapag humarap siya rito ay kaya na niyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin.
Itinawag na kanya ni Jungsuk ang kalagayan ni Ajileth ngayon.Alam niyang gumamit na ito ng mga koneksyon nito kaya siya nito nahanap sa Pilipinas.
Galit na galit ito sa kanya!
Dahil pinabayaan niya si Ajileth.
Kung alam lamang nito kung papaanong sakit ang naramdaman niya ng una nitong itawag na may sakit sa puso ang kanyang asawa at ayaw nitong magpa opera.
At ngayon naman ay ibinalita nito na buntis ang kanyang asawa.
Sanlibong tuwa at kaligayahan ang pumuno sa kanyang puso.
Kanya iyon walang duda!
Nagpa check up siyang muli at negative ang result niyon.
Hindi siya baog!
At hindi malabong mabuntis niya ang asawa dahil halos inaraw-araw niya niya ito noong bago niya ito iwan.
Araw-araw niya nitong inaasikaso.
Araw-araw niya itong minamahal.
Hinihintay niyang sabihin nitong huwag niya itong iwan.
Ngunit wala siyang narinig na pagtutol mula rito.
Nasaktan ang kanyang pride.
Kayat kahit ayaw niyang umalis ay iniwan niya ito.
Ngunit hindi niya inasikaso ang kanilang divorce paper.
Hindi iyon mangyayari!
Maayos niya ang relasyon nila ni Ajileth.
Lalo na ngayon na mas pinatibay sila ng pagbubuntis nito.
Babalik na siya ng Korea.
Miss na miss na niya ito.
Araw at gabi siyang umiiyak mula ng magkahiwalay sila nito.
Napakaraming babae ang nagpapakyut sa kanya sa rito sa Pinas.Ngunit wala siyang pinagtuunan ng pansin kahit isa man lamang.
Si Ajileth lamang ang tanging babaeng laman ng kanyang puso.
Nagsisisi siyang pinairal niya ang kanyang pride.
Babae si Ajileth.
May sarili itong paninindigan!
May sarili itong ego na pinaiiral.
Marahil ay labag din sa loob nito ang paghihiwalay nila ngunit ayaw nitong makiusap sa kanya upang huwag niyang iwan.
Mulat sapul ay nakikita niya sa asawa ang pagiging independent.Dahil ulilang lubos na raw ito sabi ni Jungsuk. Kaya nga minahal nito ng lubos ang kanyang pamilya. Lalong lalo na ang kanyang lola.
Gustong gusto niya itong tawagan.Para sabihing babalik na siya.
Pero inawat niya ang kanyang sarili. Baka umalis pa ito at pagtaguan siya.
Hintayin mo ako Babe...
Tangi niyang nausal.
Jeonju university...
Nagpupuyos ang kanyang dibdib.
Nagagalit siya kay Woobin.
Noong itinawag niya rito na masama ang kalagayan ng asawa nito dahil may sakit ito sa puso at kailangang maoperahan. Wala man lamang itong naisagot sa kanya.
At ngayong itinawag niyang buntis si Ajileth ay wala pa rin itong nasabi kundi "mabuti" raw.
Maalam na itong magsalita ng tagalog kahit pilipit ang dila.
Ipinahanap niya ito at sa Pilipinas ito natagpuan. Sa bayang sinilangan ni Ajileth.
Ang kapal ng mukha nitong magbakasyon at magpasarap doon gayong siya'y hirap na hirap ng asikasuhin ang asawa nito.Siya ang gumampan sa mga tungkulin nito bilang asawa kay Ajileth.
Kung maari lamang niyang ilusot sa cellphone ang kanyang kamay at sakalin ito ng mahigpit ay ginawa na niya.
That scumbag!
Punong-puno na siya sa hudas na iyon!
Ginawa siyang yaya ng asawa nito.
Hindi ba nito alam na hirap na hirap siyang supilin ang nararamdaman niyang pag-ibig para kay Ajileth.
Dapat noon pa siya lalayo sa babae upang maka move on. Ngunit sinabayan naman ng pag alis ng kanyang kaibigan. At hindi naman kinaya ng kanyang puso na iwanan na lamang din ito.
Saksi siya kung paanong nasaktan ito ng iwan ng asawa.
Parang dinudurog ng maso ang kanyang puso kapag naririnig niyang pumapalahaw ito ng iyak sa gabi.
Kasabay ng pagluha niya ng tahimik, dahil ang babaeng mahal na mahal niya ay iba ang iniiyakan at minamahal.
Ang pagkakaalam nito ay umalis siya ng gabi at bumabalik lamang sa umaga.
Ngunit hindi!
Natatakot siyang iwan ito at baka pagtangkaan ang sariling buhay.
Abot sa kwarto niya ang haluyhoy nito gabi-gabi.
Wala itong kasigla-sigla sa umaga.
Nagturo lamang ito pagkatapos ng isang buong buwan ng pagdadalahamhati. Isang buwang iyak mula umaga hanggang gabi.
Palagi siyang naroroon upang abutan ito ng inhaler sa oras na magsikip na ang dibdib nito sa pag iyak.
They become best friends.
Hanggang sa unti-unting nagbabago ang paningin niya para rito.
Alam niyang hindi niya ito kayang agawin kay Woobin. Masyado nitong mahal ang kanyang kaibigan.
And then he began to realize na hanggang magkaibigan lamang talaga sila nito.
Mahal niya ito bilang babae at mahal niya ito bilang kaibigan.
Ngunit mas nanaig sa kanya ang pagiging kaibigan dito.
Dahil hindi niya magawang isingit ang kanyang sarili noong panahong naghihinagpis ito.
Hindi kaya ng kanyang puso na makisabay pa sa problema nito gayong halos patayin na nito ang sarili sa pag iyak sanhi ng pag alis ni Woobin.
At sa tuwing maalala niyang lahat iyon ay talagang parang gusto niyang katayin ang kanyang kaibigan.
Kung hindi ito umalis at siya ang lumayo ay naka move on na sana siya ngayon.
Sanay hindi na siya masasaktan kung sakali mang bumalik ito sa piling ni Ajileth.
Totoo palang napakapait umibig!
Lalo na kung alam mong hindi mo talaga ito makakamit!
In the end...
Masasabi mong...
Heart break is real!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro