Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ep 19--Otdokkae


What can I do what can I do

My life is nothing without you

Forgive me darling if I′m wrong

Come back to me where you belong.

                   ******************

Ouch...

Bakit kailangang ganito ang mga kantang marinig niya kapag naawa siya sa sarili niya.

Magkapareho pala sila ni Max Surban.

Pareho silang iniwanan ng kanilang minamahal.

Ang pagkakaiba lamang nila ay nagmamakaawa itong balikan ng kanyang mahal.

At siya?

Hindi niya gagawin iyon!

Iyon na lamang ang natitira niyang dignidad.

Tapos na siya sa pag iyak.

Hinihintay na lamang niyang bumaba ang divorce paper nila ni Woobin.

Ngunit hindi pa iyon dumarating sa kanya.

Pipirmahan naman kaagad niya iyon!

Bakit hindi?

Para lalong maawa sa kanya ang dating asawa?

Para balikan siya nito?

Hindi mangyayari iyon!

Pagod na siyang umasa!

Ilang buwan siyang naghintay!

Ilang buwan niyang pinatay sa pag iyak ang kanyang sarili.

Karamay niya si Jungsuk mula umpisa.

Naging best buddy niya ito pagkatapos ng nangyari.

At nagpapasalamat siya rito dahil hindi nag tatangka ng kung anuman sa kanya.

Talagang purong pakikipag kaibigan ang iniaalay nito sa kanya.

Palagi itong nasa tabi niya...

Mula noong ang palagi niyang bukambibig ay...

otdokkae?

What should i do?

Noong panahong hindi niya alam kung papaanong haharapin ang buhay sa Korea ng siya lamang mag isa.

Pero mahal siya ng Diyos!

Nariyan ang pamilya ni Woobin na hindi siya pinabayaan.Itinakwil ng mga ito ang kanyang asawa sapul ng iwanan siya nito.

Wala silang balita sa asawa. Kahit si Jungsuk ay hindi alam kung saan nagsuot ang kaibigan.

Mas lalong walang alam ang pamilya nito dahil hindi na muli pang nagpakita roon ang lalaki.

At hindi rin alam ni Shina kung nasaan ito. Nakailang balik ito para hanapin sa kanya ang kanyang asawa na inaagaw nito.

Ngunit wala itong mapapala sa kanya!

At si Jungsuk ang nakaaway nito ng huli itong bumalik para magtanong.

Simula noon ay hindi na ito muling bumalik pa.

Gusto man niyang makihanap sa asawang nawawala ay nagmatigas siyang wala na siyang pakialam dito.

Hindi man nito inasikaso ang papel ng kanilang paghihiwalay ay mananatili sa kanyang utak na ninais  itong iwanan siya para makipag balikan kay Shina.

At wala na siyang plano pang alamin kung bakit pati si Shina ay pinagtataguan nito.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay.

Sila ni Jungsuk ang namamahala sa university, kasabay ng pagtuturo nila bilang Math at English teacher.

Balik normal sila!

Apat na buwan na simula ng biglang mawala ang kanyang asawa.

Madali itong mahanap ni Jungsuk oh kayay ng pamilya nito.

Ngunit walang nag abalang hanapin ito alang-alang sa kanya.

Siya na ang itinuturing na anak ng pamilya Lee.

Hindi siya natutuwang itinakwil ng mga ito ang sariling anak ng mga ito para sa kanya.

Pero labas siya sa desisyon ng mga ito.

Iyon ang kanilang hakbang upang parusahan ang anak na nagkamali.

Ganoon din naman sa Pilipinas kapag sobra na sa kawalanghiyaang ginagawa ang isang anak.

Ilang beses siyang tinanong ni Jungsuk kung gusto niyang hanapin nila si Woobin.

Kahit tingnan man lamang nila sa mga immigration department or embassy kung umalis ba ito ng bansa.

Ngunit tanging bahala ka ang sagot niya sa kaibigan.

In fact kaibigan nito si Woobin.

Hindi kailangang sa kanya pa magmumula ang desisyon upang hanapin ito.

Nagsimula na siyang mawalan ng pakialam.

Baka kapag nakialam pa siya'y muling madamay ang kanyang puso.

Hindi na niya kakayanin pa kung muli siyang masasaktan.

Kotang kota na siya sa heart break!

Nang samahan siyang magpa check up ni Jungsuk ay lumabas ang dahilan ng madalas na paninikip ng kanyang dibdib.

Cardiomegaly or simply having an enlarged heart.

It can increase the risk of sudden death.

Lumalaki ang kanyang puso!

Kaya pala madalas siyang hapuin.

Her treatment may include medications, medical procedures or surgery.

Sa kaso niya'y kailangan niyang maoperahan. Iyon ang suhestyon ng mga doktor.

At iyon din ang nais ng kanyang pamilya slash pamilya ng kanyang asawa at maging ni Jungsuk.

Ngunit ilang porsyento lamang ang meron upang makaligtas siya?

At instant ang pagkikita nila ni San Pedro pag nagkataon.Reunion sila pihado  ng kanyang pamilya sa langit.

Kayat nagpasya siyang hindi magpaopera.

Mas nanaisin niyang mabuhay pa ng mahaba haba pang panahon upang makasama ang mga taong mahal niya kesa ang operasyong walang kasiguruhan.

Pero sinong niloloko niya?

Ayaw niyang mamatay na hindi nakikita si Woobin!

Ang lalaking sobrang mahal  niya!

Makakapag sinungaling siya sa iba pero hindi sa sarili niya.

Hindi tumitigil ang puso niya sa pag asam na babalikan siya ng kanyang mahal.

At lalong hindi tumitigil ang kanyang mga mata sa pagluha.

[Nasaan kana mahal ko?]

[Bogosipeoyo!]

[I miss you my love... ]

[Bumalik kana mahal ko!]

Mga katagang paulit ulit niyang inuusal tuwing gabi...

Habang umiiyak, yakap yakap ang unan ng kanyang asawa.

Hindi niya nilalabhan iyon upang huwag mawala ang amoy ng kanyang Woobin doon…

[What can I do what can I do

My life is nothing without you

Forgive me darling if I′m wrong

Come back to me where you belong.]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro