Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ep 18--Hoksi Ani

Do you know
What I'm trying to say
I won't say it too fast
Do you remember
Those feelings that we felt for the first time.
You probably didn't know back then

I don't remember since when
But you have grown in my heart
It it's not too late now
There is something I want to tell you

I like you
I love you
I don't hesitate anymore
If you feel the same way
Hold out your hand
Let's look at each other
Were always together

Forever us two!

                  ***************

Sunday...

Nagising siyang wala na si Woobin sa kanyang tabi.

Tinapunan niya ng sulyap ang parte ng kama na hinihigaan nito.

Napakalambing nito kagabi.

Tatlong beses nilang inulit ulit ang kanilang pagniniig.

Matamis...

Masarap...

Nakakapagod...

Araw pala ng linggo ngayon. Kaya pala ganoon na lamang ang lambing  ito sa kaniya kagabi.

Iyon na pala ang araw huling gabi nilang mag asawa.

At ito na pala ang araw ng kanilang paghihiwalay ng landas.

Bumugso ang pinipigilan niyang luha.

Hindi man lamang ito nagpaalam sa kanya ng maayos.

Padapa siyang nahiga sa kanilang kama marahan niyang hinimas-himas ang gusot na parte ng hinigaan ni Woobin.

Kinuha niya ang unan nito at niyakap iyon ng mahigpit.

At doon niya ibinuhos ang kanyang lahat ng sama ng loob.

Bakit hindi mo ako mahal Lord.

Sumbat niya sa kanyang isipan.

Kinuha mo ang mga magulang ko at kapatid ng wala kang narinig sa akin.

Kinuha mo ang tiyahin kong nag iisang nagpalaki sa akin.

Ibinibigay mo sa iba ang bawat lalaking mahalin ko.

Wala akong ibang hiniling sayo kundi ang bigyan mo ako ng taong makakasama hanggang sa aking huling hininga.

Hindi ako humihingi sayo ng anomang yaman.

Si Woobin lang ang hinangad ko mula noon hanggang ngayon.

Bakit ibinigay mo na naman siya sa iba.

Pumapalahaw na siya ng iyak.

Bakit hindi niya ngayon masabi sa kanyang sarili na ito na ang huli niyang pag iyak ng dahil sa mga lalaki.

Katulad palagi niyang sinasabi noon kapag iniiwan siya ng mga nagiging karelasyon niya.

Bakit ngayon ay gusto na niyang mamatay.

Bakit hindi mo pa ako kunin?

Ano pang plano mo sa akin?

Ang patuloy akong saktan habang akoy nabubuhay?

Napakalupit mo sa akin gayong mahal naman kita. Hindi ako gumagawa ng mga bagay na labag sa iyong kalooban.

Nahulog na siya sa kama kakapadyak na parang bata.

Sa isipan niya'y nanalaytay ang mga hinanakit sa Poong May Kapal.

Kung bakit siya nito pinabayaan.

Hinalit niya ang mga kobre kama.

Ipinaghahagis ang mga unan.

Tinabig niya ang mga lamp shade.

At tinadyakan ang mga bagay na malapit sa kanyang paa.

Sinuntok-suntok niya ng malakas ang kanyang dibdib.

Nag umpisa na naman iyong manikip.

Ngunit hindi siya kumilos upang kumuha ng inhaler.

Wala na ang kanyang si Woobin.

Wala ng dahilan pa para mabuhay siya.

Nanglalabo na ang kanyang paningin ng makita niyang pumapasok sa kwarto si Jungsuk.

Kaagad nitong kinuha sa headbord ng kama ang kanyang inhaler.

Iniumang nito iyon sa kanyang bibig ngunit tinabig niya iyon.

"Leave me alone! "Sigaw niya habang patuloy na umiiyak.

"Gusto ko ng mamatay! "Sigaw niya sa wikang pilipino.

Wala na siyang pakialam kung naiintindihan man siya nito oh hindi.

Ngunit kaagad siya nitong binuhat at dinala sa salas.

Kaagad siya nitong ikinuha ng tubig at pilit iyong ipinainom sa kanya.

She was crying out loud.

Nanghihina na siya ngunit patuloy pa rin ang pag iyak niya.

Patuloy na hinihimas ni Jungsuk ang kanyang dibdib,trying to make her breathe.

Nakagasumot ang kanyang mga kamay sa suot na Tshirt ng binata.

Tiningala pa niya ito...

At nagkasalubong ang luhaan nilang mga mata.

Umiiyak din ang binata sa sobrang awa sa kanya.

At iyon na ang huli niyang naalala.

Jungsuk...

He was crying out of pity for Ajileth.

Inabutan niya itong naglulupasay ng iyak sa kwarto nito.

Sinusumbatan nito ang Panginoon na akalay moy lasing.

Ang iyak nitoy umabot hanggang sa baba ng bahay.Pagpasok pa lamang  niya ng bahay ay rinig na niya ang pag atungal nito.

Tila batang nakalupagi ito sa lapag ng kwarto. Tinitiis nito ang paninikip ng dibdib. Ayaw nitong mag inhaler.

At nagsisigaw ito ng gusto na nitong mamatay.

Na iintindihan niya ang mga sinasabi nito sa wikang Filipino. Ilang beses na siyang nakarating ng Pilipinas. Nakakautay na siya ng mga salita ng mga ito.Kayat naintindihan niya lahat ng mga sinasabi ni Ajileth.

Gustong pumutok ng kanyang puso  sa sobrang awa sa babae.

Nagkusang tumulo ang kanyang luha ng kargahin niya ito pababa sa salas. Pinainom niya ito ng tubig at hinimas-himas ang dibdib nito.

Napaka tanga ng kanyang kaibigan upang hindi maramdaman kung gaano ito kamahal ni Ajileth.

Bakit hindi pa siya na lamang ang minahal ni Ajileth. Minahal niya ito mula noong umpisa pa lamang.

Hindi niya alam kung alam nito ang nararamdaman niya.

Alam ng Diyos kung gaano ang pagpipigil niyang itakbo ito habang ikinakasal sa kanyang kaibigan.

Alam ng Diyos kung paanong nagsusumikip ang kanyang dibdib habang pinapanood itong ikasal sa kanyang kaibigan.

Pihikan ang kanyang puso. Napakatagal na ng huli siyang nagmahal.

Walang iba kundi si Shina na si Woobin din ang piniling mahalin.

Sapul noon ay hindi na siya muli pang tumingin sa mga babae.

Iniwanan ni Shina si Woobin dahil hindi ito nito mabigyan ng anak. At ipinag alukan nito ang sarili  nito sa kanya.

Ngunit hindi niya ito tinanggap!

At hindi na rin niya iyon nasabi sa kaibigan sa pagaakalang hindi na ito muling tatanggapin ng kanyang kaibigan.

Ngunit nagkamali siya!

Ang wala na siyang pagkakataon ngayon upang masabi iyon sa kaibigan niya. Dahil iisipin nitong sinisiraan lamang niya si Shina.

At simula noong huli nilang paguusap na umabot pa sa nasuntok niya ito ng ilang beses ay hindi na sila muli pang nag kausap.

Nakatulog na si Ajileth.

Marahan niya itong inihiga sa sofa.

Banayad na ang paghinga nito.

Marahil ay dahil sa sobrang pag iyak kaya ito sinumpong ng hapo.

Hindi niya alam ang gagawin sa babaeng ito.

Kung dadalhin ba niya ito sa mga magulang ni Woobin katulad ng napagkasunduan ng mga ito.

Oh hahayaan niya itong mag isa sa malaking bahay na ito. Alam niyang ibinigay na ito rito ng kaibigan niya.

Hays!

Kung pwede lamang na iuwe niya ito sa kanyang palasyo at gawing prinsesa ay ginawa na niya.

Hindi niya iyon pwedeng gawin.

Alam niyang mahal na mahal ng kanyang kaibigan si Ajileth.

Babalikan nito ang asawa!

Ang hindi alam ay kung...

Kailan?

A/N

Kuhhhh dami kong naubos na luha dine...
Aku pa yata naunang mag iiyak kesa ke Ajileth.
Pakiramdam ko tuloy ang sama-sama koh...

Inaapi ko si  Ajileth...

Tahan na Ajie...

Yaan mot aapihin din natin si Woobin my labs  hahaha...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro