Epilogue
Epilogue
Since childhood, I always dream about the afterlife. In that dream, I am wearing a white dress and barefooted as I walk along an aisle with streaks of gold and silver. The birds are chirping as if they are happily welcoming me into the peaceful realm. The sound of the water echoed through my ears, inviting me to take a dip and unravel the wonders it holds.
So, I did. I let my feet grace the fine sand until I reached the shore. A smile formed across my lips, thinking how great it'll be to become one of the waves. Then, tears started to fall from my eyes. Silence took over the place. I can't hear anything aside from the voice inside my head. It whispered to me the truth.
It was my voice. So, I turned my back from the horizon which was promising me an endless shallow of contentment and happiness. A path of Centaurea flowers bloomed as I realized that life has more to offer and I rather wake up to a dreadful night than to sleep in this fallacy paradise. I, hope, belong to the world that's full of hopelessness but true.
As soon as I opened my eyes, the dream vanished and my real fate resurfaced because I am not dead... Not yet.
"Esperanza! Esperanza!" sigaw ng konduktor ng bus na sinasakyan ko.
Agad kong kinuha ang aking bagahe at hinintay muna ang paghupa ng mga tao bago lumabas. I was greeted by a loud and busy terminal. Nagkalat ang mga food stalls at mga stranded na pasaherong nagbabaka-sakaling makauuwi sa kanilang mga probinsya para sa nalalapit na Undas.
Lumapit ako sa paradahan ng tricycle. Namataan ako ng presidente ng toda, si Mang Harold. Kinawayan niya ako at itinuro ang bakanteng tricycle na naroon.
"Nakabalik ka na pala, anak. Kumusta ang biyahe?"
Sinulyapan ko ang driver na pumadyak na at ini-start ang makina. "Maayos naman po. Kayo ba rito?"
Mahina siyang natawa. "Naku! Ganoon pa rin naman. Bisita ka sa amin, ah? Na-miss na ni Hermes ang mga kuwento mo, President." Si Hermes ang bunso niyang anak na nangangarap ding maging pangulo ng Pilipinas katulad ko.
Nakalulungkot nga lamang at hindi ko iyon natupad pero nagsilbi naman akong pinuno sa itinatag kong organisasyon para sa mga kabataan. Iyon siguro ang isa sa mga maipagmamalaki ko mula sa ilang taong pananatili ko rito sa Esperanza.
Tinulungan ako ni Mang Harold sa pagbuhat ng mga gamit ko. Sumakay na ako nang maiayos na ang lahat. Tianpik niya ang bubong ng tricycle at may isinenyas sa driver na hindi ko makilala dahil may takip ang mukha.
"Tatawag po ako kapag makabibisita na," sabi ko.
Tumango naman ito. "Asahan ko iyan. Maligayang pagbabalik, Alora."
Ngumiti ako at pinagmasdan ang paglayo namin sa terminal. Hindi ako mapalagay sa biyahe dahil batid ko ang panay-panay na sulyap ng driver sa akin.
Inilabas ko ang aking cellphone at itinipa ang numero ng emergency hotline. D-in-isplay ko lang iyon sa aking screen para agad kong mapipindot ang dial button kapag kumilos nang hindi maganda ang kasama ko.
Pinanatili ko ang aking kalmadong disposisyon habang natatanaw ko na ang bahay ko. Nag-aabang sa labas si Ate Reni na siyang housekeeper. Kinuha ko siya dahil hindi ako nagtatagal ng isang buwan dito sa Esperanza. Lagi akong nasa labas ng probinsya para maghanap at kung minsan, napapadpad pa ako abroad.
I let a heavy sigh as we reached our destination. Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayong hindi ko na kinailangang tumawag ng tulong.
Sinalubong ako ni Ate Reni at kinuha ang mga dala ko. Pinaiwan ko ang aking shoulder bag at clutch. May paghihinalang tinignan ko ang driver na hinihintay ang bayad.
Inilahad ko ang hawak na paper bill. Kukuhanin na niya sana iyon nang bawiin ko at haklitin ang suot niyang sunglasses at mask.
"Tsk!" ismid ko nang nakilala na siya.
Ngumuso si Azul. Humalukipkip ako. "Ano 'to, Inviere?"
"Napag-utasan lang ako ni Kuya, Alora. Gusto niya lang masigurong makauuwi ka nang ligtas,"
Tumaas ang kilay ko kaya napakamot siya ng ulo. Tinanggal niya ang suot na earpiece at ibinigay sa akin iyon.
Inilagay ko iyon sa aking tainga. Nagsalubong ang kilay ko nang madinig ang pamilyar na boses. "Sinong nagsabing ilaglag mo ako, Azul?! Hindi mo na makukuha ang upa mong gummy bears! Ako ang magpapasabog ng bungo mo kapag nakita kita rito sa bahay! Ang lambot mo talaga sa babae!"
Tumikhim ako at sinulyapan si Azul na iritadong bumubulong. "Nakauwi na ako," imporma ko na ikinatahimik ng nasa kabilang linya.
Lumipas ang isang minuto nang walang nagsasalita kaya nagtaka ako. "Hello?"
Nadinig ko ang pagsinghap niya. "I'm glad that you are now home." Mas malumanay na ang boses niya kaysa kanina.
Napangiti ako. "And I'm glad that nothing has changed, Orion. You are still here to protect me."
"I promised Atlas, Alora."
Natahimik ako at ibabalik na sana ang earpiece nang muli siyang magsalita. "I miss you," bulong niya bago naputol ang linya.
Yes. This is home.
Nag-inat ako at kusot-kusot ang matang dinampot ang nagr-ring kong cellphone sa bedside table. "Hello?" paos na sagot ko. Tumitig ako sa aking kisameng may mapa ng buong mundo.
"Nakabalik ka na pala? Why you didn't tell me? I should have picked you up, instead."
Umiling ako at bumangon na. "Gusto kong nagc-commute. Isa pa, kahit pa sinundo mo ako, hindi ako sasakay sa sasakyan mo."
"Bakit? Is that because The Scientist always plays on my radio?"
Hindi ako sumagot at dumiretso sa kusina. Hinalughog ko ang cupboard at nagpasalamat nang may nakita akong instant ramen.
"Iyon ba, Alora?" pangungulit ni Vinyl.
I clicked my tongue. "O-of course... not. Bakit mo naman naisip na iyon ang dahilan?" Pagak akong natawa.
"It has been eight years, right?"
Kumalat ang pait sa aking sistema. Hinilot ko ang aking magkabilang sintido at bumaba ang tingin sa bracelet ko. "I'll call you later. Tell your girlfriend that I said 'hi'," pagtatapos ko sa usapan namin.
Nanghihina akong napaupo sa sahig ng kusina at hinayaang lumandas ang mga kaparehong luha mula noong nawala siya. Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nahahanap.
I still remember that day when I came back to Inviere's mansion. Tirik ang araw pero ramdam ko ang lamig na nanunuot sa aking mga buto. Tuloy-tuloy lamang ang lakad ko papasok. Natanaw ako ng butler nila pero hindi naman ako pinigilan at tinanguan pa.
Umakyat ako sa kanilang second floor at tinahak ang madilim na pasilyo sa kanang bahagi. Nang tumapat ako sa dulong pinto ay tatlong beses akong kumatok.
Ilang sandali pa ay bumukas iyon at bumungad sa akin si Dr. Von Inviere na hindi na nagulat sa pagbabalik ko. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pinaupo ako.
"Atlas is missing," bungad ko sa kaniya.
Tinanggal niya ang kaniyang salamin at hinilot ang pagitan ng kaniyang mga mata. "You want to find him?"
Walang pagdadalwang-isip akong tumango. Mariin niya akong tinignan. "Ask his parents. They probably know where he is."
Umiling ako. "I already did that, but they refused to answer. The already went abroad."
Ipinilig niya ang ulo. "You're not coming back, are you?"
"I'll find him," sagot ko bago nilisan ang mansyon.
And until now, I am searching for him. For the last eight years, I did not lose faith that someday, I will come across him.
Nag-agahan muna ako at nagdesisyong maglinis ng kwarto. Wala namang kalat doon dahil alaga sa walis at mop ni Ate Reni pero dahil nagpapalipas ako ng oras bago bisitahin ang mga kaibigan, iyon ang pinagkaabalahan ko.
I was busy organizing my bookshelf when the doorbell rang. Patakbo akong bumaba ng hagdan at tinungo ang gate.
Naningkit ang mga mata ko nang nakita si Mendel na may dalang cake. "Akala ko nasa Manila ka?" tanong ko at iginiya siya sa loob.
Inayos niya ang suot na salamin at nagkibit-balikat. "You're here so..."
"How's med school?"
"It's fun. I'm learning to cope up and there are a lot of books so, I don't get bored."
He lighted a candle on the top of the cake. Inilahad niya sa akin iyon at pinagtaasan ako ng kilay.
Napailing ako bago hinipan ang kandila. "There. Happy?"
He smiled. "Yeah. Happy birthday, Alora."
Ngumiwi ako at pinagmasdan siyang simutin ang icing sa ibabaw. "I don't understand why you like that thing so much."
Nagpatuloy siya sa pagkain. "Why don't you try it? It tastes good," sagot niya.
Umiling ako at umambang kukuha ng maiinom namin nang pinahidan niya ang mukha ko ng icing. Mariin akong napapikit.
Hindi siya natinag kahit iritado na ako. Kahit ang leeg at braso ko ay dinamay niya rin kaya hindi na ako nakapagtimpi.
"No! Stop! Alora!"
Binawian ko siya hanggang sa kapwa na kami puno ng icing. Mahina akong natawa habang pinagmamasdan ang hitsura namin.
"I wish Atlas is here," Mendel whispered.
Napangiti ako. "I didn't invite him, remember? Wala siyang karapatang pumunta sa birthday ko."
I didn't know that I was already crying at that moment until Mendel hugged me tightly.
Umalis na rin naman siya kinahapunan dahil humiling ang pamilya niyang doon siya sa kanila magpalipas ng gabi bago siya umuwi bukas ng hapon.
Katulad ko, bibira lang din mabisita si Mendel dito sa Esperanza dahil wala na siyang oras para sa mahabang biyahe lalo na't puno ang schedule niya para sa med school.
Pagtungtong ng alas sais, gumayak na ako at ginamit ang lumang kotse sa garahe. Matagal na natengga iyon katya medyo nag-alala pa ako na baka masiraan sa gitna ng biyahe.
Sa kabutihang palad, wala namang nangyaring aberya at nakarating ako nang maayos sa pupuntahan.
Tumikhim ako kaya napabaling sa akin ang atensyon ng receptionist na abala sa ine-encode.
"Hi! Narito ba si Thaxter?" magiliw kong tanong.
Tumango siya. "Yes po, Ma'am Alora. He's waiting for you inside his office."
Ngumiti ako at dumiretso na sa opisina niya. Simple lang ang interior niyon. Ang makikitang pintura ay naglalaro lamang sa pagitan ng mga kulay na gray at black.
Maaliwalas pa rin naman kahit papaano dahil sa katamtamang ilaw at mga halaman. Maganda rin ang view, kitang-kita ang buong sentro ng Esperanza.
Nadatnan ko si Thaxter na nagbabasa ng papeles sa kaniyang swivel chair. Masyado siyang tutok doon kaya hindi niya na napansin ang pagpasok ko.
"Baka makain ka na ng mga papel niyan. Sige ka," pagbibiro ko.
Gulat siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Alora!"
I chuckled and sat on the vacant chair in front of him. "I am happy to see you, too."
Nangingiting siyang umiling. "Have you visited Evette? Nagtatampo na sa iyo ang isang 'yon."
"I will. Don't worry. Anyway, since kilala na itong entertainment company mo, baka naman gusto mo na akong kuhaning artists?" pagbibiro ko.
"I would love to, Alora. You know that. Pero malalagot ako kay Atlas at hindi ko pa rin naman nakalilimutang ayaw mo sa cameras."
Sumimangot ako. "Aww. Too bad. Sa kalaban mo na lang ako magpapa-scout."
We talked about the things that happened while I was away. Nabahala nga ako dahil hindi niya na nagalaw ang mga papeles niya pero pinanatag niya naman akong hindi pa iyon due at kailangan niya rin nang break kahit papaano.
Sunod ko namang pinuntahan si Evette na naroon na sa pinag-usapan naming restaurant para sa dinner namin.
Inibot ko ang tingin nang makarating na. Kinawayan ako ni Evette na nakakuha na ng table sa bandang dulo.
The waiter immediately approached us and lend us the menu. Nag-catch up kami habang hinihintay ang pagkain namin.
My heart feels warm with the thought of coming back home... after a long time of being lost.
"I saw your billboard on my way here. I felt proud that you have reached this far, Evette," sabi ko.
"You're proud because I became a model?"
Umiling ako, nangingiti. "It's because you learned to show yourself to the world without fear of being criticized."
Pumungay ang mga mata niya at ipinakita sa akin ang kumikinang na singsing sa kaniyang daliri. "I'm engaged..."
Napatakip ako ng bibig at natatawang tinitigan ang diyamanteng iyon. "W-wow! Congratulations to you and... Aloysius."
Akala ko noon, hindi mangyayari ang ipinangako noon ni Evette. Then, Aloysius came and my faith for Thaxter and her started to crumble. Kasi nakita kong hindi tinanggap ni Evette si Aloysius sa buhay niya para lang patunayang desidido siya sa kaniyang desisyon. Everything is not for the promise. It was for something I can clearly recognize... Something that I couldn't let go until now.
Kinabukasan, inimbita ko si Ate Reni sa bahay dahil naisipan kong magluto. Tinulungan niya ako sa mga putaheng mahihirap.
"Ano bang mayroon, Alora? Para saan ang mga ito?" tanong niya.
Nagkibit-balikat ako. "Kakain natin."
Sa huli, hindi namin naubos ang mga iyon kaya ipinauwi ko na lang sa kaniya para ibigay sa pinapasukan niyang Home for the Aged.
I was cleaning the living room when I saw an atlas on the center table. Siguro at naiwan ito ni Ate Reni. Dinampot ko iyon at binuklat. Nagtaka ako nang makitang may pilas na parte.
Dumiretso ako sa aking kwarto. Pinakatitigan ko ang hawak at ikinumpara sa mapang nasa kisame ko. I also used a ladder to see it clearly.
And there, I found it. Nawawala ang parte ng atlas kung nasaan ang England. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang nakausli sa palibot niyon.
My hands reached for it. Hinatak ko ang maliit na kahoy at biglang nalaglag ang piraso ng kisame kong iyon.
There was an ID. It belongs to a certain 'Dan'. Gusto ko sanang hanapin siya kaso, walang picture at apelyidong nakalagay. Tanging ang first name niya lang ang naroon.
Bumalik ako sa sala at isinalansan nang maayos ang atlas at ang ID sa harap ko. Come to think of it. Is it only a coincidence na nakita ko ang mga ito o may nais iparating ang kung sinumang nasa likod ng mga 'clues'?
Paano naman mapupunta ang atlas na iyan dito kung hindi naman mahilig sa babasahin si Ate Reni? Ang pinaka-weird pa ay ang ID sa loob ng mapang kisame ko.
Unknowingly, I started to search for 'England Dan'. Kinalibutan ako nang mapagtantong iyon ang singer ng kinanta ni Atlas para sa akin— ang "One Friend".
Bago siya naging soloist, nagkaroon siya ng ka-duo, si John Ford Coley. Sa pagkabasa ng pangalang iyon, biglang pumasok sa isip ko ang malapit sa bahay kong establishment na Coley Guitars.
Agad-agad akong gumayak at nilakad ang daan papunta roon. Sinalubong ako ng instrumental na music. May isang staff na nasa counter ang nakapansin sa akin.
"Good afternoon, Ma'am! May gusto po ba kayong bilhin or ipagawang gitara?" bungad nito sa akin.
Umiling ako at alanganing ngumiti. "May gitara bang naka-reserved sa pangalang Atlas Escareal?"
Nagliwanag ang mukha niya kaya medyo nabuhayan ako. "Please, wait here, Miss Carvajal," sagot niyang ikinabigla ko.
Paano niya ako nakilala? Hindi pa naman ako nakapupunta rito noon at hindi ko rin sinabi ang pangalan ko.
Maya-maya pa ay bumalik na rin ang lalaki. May dala siyang sobrang pamilyar na gitara sa akin. That is Atlas' guitar.
Umawang ang bibig ko habang tinatanggap iyon. "Thank you for trusting our services, Ma'am. We would love to have you again," magiliw na sabi ng staff.
Tumango ako at bumalik sa bahay. Sinuri ko ang gitara. Wala namang pinagbago iyon maliban sa nakaukit na footprints sa ibaba niyon.
It was almost as if I'm traveling through a memory lane and I suddenly remembered our senior prom where I danced with Atlas, barefooted with the tune of "Two Steps Behind".
Wala sa sariling napatingin ako sa sapatos na ginamit ko noon. Nilapitan ko iyon at ininspeksyon hanggang sa maisipan kong tanggalin ang suwelas.
Sa ilalim ng magkabilang pares, nakasiksik ang pilas na polaroid film. Pinagdikit ko iyon at nakita ang litrato ng librong "The Hitchhiker's Guide to the Galaxy".
I bit my lip as a thought crossed my mind. It was his note for me when I decided to switch partners with Arya for our prom. Could it be?
I shrugged and get up on my feet. Wala nang atrasan ito. Nasimulan ko na rin naman, tatapusin ko na. Kahit ano pa man ang maging resulta ay tatanggapin ko.
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pumapasok sa animal shelter. Walang katao-tao roon. Puno ng posters ang paligid tungkol sa tamang pag-aalaga ng pets.
Bumaling ako sa reception kung saan may naghihintay sa akin. "Good day, Miss!" bati niya.
Ngumiti ako. "M-mayroon ba kayong tinanggap na asong Adams ang pangalan?" She was staring at me intently. I could feel her doubts so, I said my name.
Doon siya natinag. Iniwan niya muna ako at pumasok sa likod ng shelter. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang Siberian Husky.
"I'll miss him. Eight years na siyang nandito," sabi ng babae.
Napakurap-kurap ako habang pinipirmahan ang release papers ni Adams. "E-eight years?"
Tumango siya at may ibinulong na hindi ko nadinig. Ibig-sabihin ay narito na sa animal shelter itong aso noong nawala si Atlas?
I deposited Adams on my car and as soon as I saw the locket he's wearing, I curiously opened it. Inside, there is a coin... which can be used in the jukebox.
Natatawa akong umiling. Hindi maiwasang sumagi sa isipan kong baka si Atlas ang may pakana nito. Excitement filled my system with the thought of seeing him again if I reach the end of all the clues.
Mabibilis ang bawat hakbang ko nang narating na ang Esperanza National High School. It's crazy how I get to visit my alma matter through this mystery I am solving.
The school is empty because of the holiday break. Nakakandado ang pinto pero hindi ako napigilan niyon. I climbed the metal barricade without fear.
My legs trembled a bit when my feet landed on the ground. I freely graced the hallways and went to The A Suite.
Ganoon pa rin ang hitsura ng building kahit ginamit na iyong storage room. Pinihit ko ang seradura ng pinto at laking gulat ko nang bumukas ito.
Bumungad sa akin ang tumpok ng mga sirang arm chairs, jalousy at chalk boards. Sa dulo ng silid, nakalagak ang jukebox na dinala noon ni Atlas para sa booth ng section namin.
I inserted the coin and as if on cue, the song "Fireflies" played. I clenched my chest due to the pain I felt as I listen to the song.
Una iyong pumailanlang ng tanungin ni Atlas kung mananatili ko. Of course, I said 'no' but little did I know, he's the one who'll leave first.
Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ang screwdriver na nakapatong sa ibabaw ng jukebox. Inabot ko iyon at sa hindi malamang dahilan, ginamit ko para buksan ang jukebox.
Bawat screw na natatanggal ay katumbas ng katinuan ko. Niluwagan ko ang pagkakabukas nang matapos na.
I could feel my heart beating uncontrollably as a large rectangular wooden box appeared right before my eyes.
Inilabas ko iyon para makita nang malapitan. Sa ibabaw niyon, may dalawang bukasan na pinagdudugtong ng simbolong katulad ng sa bracelet ko.
It was the spear, symbol of Atlas. Hinubad ko ang pulseras at ibinaon sa ukit na kahoy. Pinihit ko iyon pakanan hanggang sa madinig ko ang tunog ng lock.
I opened the box with a lot of thoughts running through my head. Honestly, the journey drained me, physically and emotionally, but thinking that this thing came from Atlas whom I am waiting for, the restlessness perished.
May note na nakapatong sa ibabaw ng isang malaking nakatalikod na frame. Binasa ko iyon at napagtantong iyon ang unang linya sa "The Scientist".
"Come up to meet you."
Sa likod ng frame, nakadikit ang nawawalang parte ng atlas na natagpuan ko sa bahay. May nakasulat sa likod niyon.
I leave myself to you.
Itinabi ko muna iyon katulad ng note at iniharap ang frame. Nag-uunahang malaglag ang mga luha ko nang masilayan na iyon.
It was my self-portrait and from discerning his note, I could tell that his ashes was used to paint it. Sa ibaba niyon, nakasulat ang mga katagang minsan ko na ring nadinig mula kay Atlas.
"If I were a painter, you would be my greatest art."
Habang yakap ko ang bagay na iyong naglalaman ng katotohanang hindi ko na siya mahahanap pa, lumabas ang serye ng mga numero at letra sa aking paningin.
I believed that the reason why I came back from that dream was because I am not dead, but the truth is... that's not my afterlife.
Maybe, I am not really wearing a white dress, there is no gold and silver aisle, and no birds chirping.
Instead, maybe, my afterlife consists of drawbacks, secrets, and realizations. Maybe, it is in a place where I can meet people who'll mean more than life. Maybe, it is in a place that hopes for letting go, true identity, braveness, and peace of mind.
It is not a paradise but nonetheless, it taught me that hope lives in everyone. It made me realize that I am part of the youth and I can be hope itself.
I am Alora and this is my afterlife.
Program Alora
Scheme Number: 55
Unit: KRSHLVLQXV
... signing off ...
DINOMINA ng tunog ng mga makina ang buong silid. Abala ang doktor sa kaniyang ginagawa nang dumating ang isa niyang kasamahan. Napatingin ito sa taong nasa loob ng cylindrical glass tube.
"New program, I see. Name?" tanong nito sa lalaking kaharap ang sari-saring programming codes.
Natigil ang doktor at tinanggal ang suot na salamin. Namulsa siya at nag-angat ng tingin sa panibagong karagdagan sa kaniyang adhikain para sa siyensya at sa kabataan.
Ngumiti siya. "Atlas Escareal."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro