Chapter 8
Chapter 8: Death
"Nasaan ka na? Ikaw na lang ang kulang!"
Nagmamadali akong nag-sintas at inayos ang magulo kong buhok. Bumuntong-hininga ako bago sinagot si Evette. "Papunta na ako. Sandali na lang."
"Fine. Bilisan mo, ah?"
Late kasi akong nagising dahil napuyat sa kuwento ni Atlas at... sa text messages ni Vinyl. Nagtaka nga ako kung paano niya nakuha ang number ko nang bigla kong naalala ang madaldal na si Evette.
Vinyl:
Umuwi ka na? I was looking for you.
Alora:
I'm sorry, Vinyl. I have a curfew kasi.
I really felt guilty dahil wala naman talaga akong curfew. Wala rin kasi akong maisip na ibang idadahilan. Ayoko namang idamay pa si Atlas kaya hindi ko na lang sinabi ang totoo.
Vinyl:
Nanalo kami... as promised.
Alora:
Congrats! Babawi ako.
Vinyl:
Alright. Matutulog ka na ba?
Alora:
Hindi pa naman ako inaantok kaya ayos lang kung mag-uusap muna tayo.
Vinyl:
Thank you. Sumali pala ang kaibigan mo sa contest? He's the one that sang The Scientist, right?
Alora:
Oo, si Atlas. Kami nga dapat dalawa iyon, eh.
Vinyl:
You joined, too?
Alora:
Iyon nga dapat ang sasabihin ko sa iyo kanina. Nag-alala pa nga ako na baka magtampo ka sa akin.
Vinyl:
Of course not. Gusto nga kitang madinig na kumanta.
Alora:
Naku! Huwag na. Nakakahiya.
Vinyl:
Bakit naman? I bet your voice is beautiful... Just like you.
Mabilis ang lakad ko patungo sa meeting place namin. Dahil nga sa mga achievements namin lately, humiling sila ng celebration kaya nag-plano kami ng road trip since Sunday naman.
Tulad ng sinabi ni Evette, kumpleto na nga silang naghihintay sa akin doon. Busangot ang mukha niya nang makita ako pero nang bumaba ang tingin niya sa dala kong mga snacks, nagliwanag ang mata at mabilis akong tinulungan sa dalahin.
"Ang bigat naman nitong dala mo, Alora! Tulungan na kita," masiglang alok niya.
Napangisi ako at hinayaan na lamang siya. Hiniram ni Thaxter ang kotse ng Papa niya kaya iyon ang gagamitin namin. Marunong naman daw siyang magmaneho kaya hindi kami dapat mag-alaala pa.
"May lisensya ka?" tanong sa kaniya ni Mendel.
"Student license? Meron."
"Paano ka naman nagkaroon niyon, aber?"
Ngumisi si Thaxter at kumindat kay Evette. "Skills, Alquiza."
Umismid si Evette at nauna nang sumakay sa loob. Sumunod naman ako at si Mendel kaya kaming tatlo ang magkakatabi. Si Atlas ang pumwesto sa passenger seat. Ang tanging nasa likod ay ang mga pagkain at drinks na dala namin.
"Saan tayo?" tanong ni Thaxter.
Napatingin kami kay Atlas nang bigla itong maglabas ng mapa ng buong Esperanza. May itinuro siya roon na maigi namang pinagmasdan ni Thaxter.
"Sige. Malayo pero kaya naman."
Ang lalawigan ng Esperanza ay malayo sa sentro ngunit maunlad. Kumpleto ang mga medical facilities, may simbahang itinatag pa noong Spanish Era, may mga malalawak na palaisdaang pangunahing pinagkukunan ng mga hilaw na produktong dinadala pa sa mga karatig na lugar.
Kung tutuusin, maaari ka nang mamuhay dito kahit kailan mo naisin. Sa kabila ng lahat ng puwedeng ibigay ng Esperanza, marami pa ring mga tao rito na lumuluwas sa Maynila upang doon makibaka.
Pinipili pa rin nilang iwan ang pinagmulan para makipagsapalaran doon dahil nga naman sa dami ng mga opurtunidad na maaaring makuha.
Sila kaya? Pagkatapos kaya nilang mag-aral, pipiliin din ba nilang iwanan ang napakagandang lugar na ito? Dahil kung may pagkakataon lamang ako? Mas nanaisin kung manatili rito. Kung sana lang...
"We're going on a trip with our favorite rocket ship. Zooming through the sky, Little Einsteins," paulit-ulit na kanta ko sa theme song ng isang pambatang palabas.
Nagtataka akong tinignan ni Evette. Pinagtaasan ko siya ng kilay pero natatawang umiling lamang siya.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay nakatulog sina Mendel at Evette. Si Atlas naman ay tahimik na nakikinig sa dala niyang walkman.
Naaliw ako sa pagmamasid sa mga dinaanan namin. May mga bata kaming nadaanan na naglalaro ng tumbang preso. Bumisina si Thaxter at kinawayan naman nila kami.
Nag-inat ako nang sa wakas ay nakarating na kami. "Anong lugar 'to?" tanong ko.
Namulsa si Atlas at sinagot ako. "Ilog Mortem."
"May usap-usapang dito raw tumatawid ang mga kaluluwa mula sa kabilang-buhay pabalik dito sa ating mundo."
Kinilabutan naman ako sa ikinuwento ni Mendel kaya tumabi ako kay Evette na abala sa pagkuha ng mga litrato. Maaliwalas naman doon at pinalilibutan ng puno pero nakakatakot dahil sa pagiging tahimik. Ang madidinig mo lamang ay ang mga tunog ng tuyong dahong naaapakan namin at ang lagaslas ng tubig mula sa ilog.
"Picture-an kita, Alora," alok ni Evette.
Mabilis akong umiling dahil hindi talaga ako sanay sa mga ganyan. Kaya lang, hindi siya natinag. Kinuhanan niya pa rin ako kahit ayaw ko. Sigurado akong nakangiwi ako sa litrato dahil halos gumulong siya sa kakatawa.
Napailing na lamang ako at pinuntahan si Atlas na nasa gilid ng ilog. Dinadama niya ang tubig at seryosong pinagmamasdan ang paligid. May kakaibang lungkot sa kaniyang mga mata na katulad din nang nakita ko sa kaniya kagabi.
"Ilang taon akong umasa na babalik nga siya. Pinaniwala ko ang sarili ko na may pag-asa pang makita ko siya, matupad ang mga pangarap namin nang magkasama. Lagi niyang sinasabi sa akin na siya ang angel ko at noong... namatay siya, doon ko lang na-realize na parte na iyon ng pamamaalam niya."
"Atlas..." malumanay kong bulong, nahahabag sa kaniya.
Lumunok siya at kapansin-pansin ang pamumula ng kaniyang mga mata. "I always go here, waiting for my sister to cross from the other side of the river and make me feel her undying love once again. Kaya lang, kahit pala ilang beses akong bumalik, hindi ko na siya mayayakap pa... H-hindi niya na ako babalikan pa," dagdag niya.
Tinapik ko ang kaniyang likod at hinayaan siyang umiyak. "N-ngayon, gusto ko nang palayain ang sarili ko... dahil alam kong iyon din ang hiling niya. S-sapat na ang lahat ng sakit para magising ako sa katotohanan na hindi na maibabalik pa ng isang kanta ang taong p-patay na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro