Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7: Listen

Hindi na kumibo pa si Atlas matapos kong sabihin ang napili kong kanta na siyang ipinagtaka ko. Siguro ay ayaw niya niyon? Pero maganda naman ang lyrics at puwedeng competition piece.

Hanggang sa pag-uwi namin, sinusubukan kong kausapin siya. "May kopya ka na ba ng chords?" tanong ko sa malumanay na boses, pinapakiramdaman siya.

Tumango lamang siya. It frustrates me that he is acting this way but not telling me his reason. Kanina ko pa iniisip kung may nagawa akong mali pero wala akong maalala na ininis ko siya.

"Atlas, may problema ka ba?"

Hindi ko na napigilan ang tanungin siya. Nagulat nga lamang ako sa naging reaksyon niya. Bumaling siya sa akin, walang emosyon ang mukha pero may dumaang sakit sa kaniyang mga mata.

Hindi siya nagsalita at basta na lamang akong iniwan. Awang ang bibig kong sinundan siya ng tingin. Napakurap-kurap ako at ayaw paniwalaan ang nangyari.

Kinabukasan ay nagpasya kaming magkikita upang mag-ensayo. Sa gabi pa gaganapin ang contest kaya may buong maghapon pa kami.

Tahimik ako dahil nagtatampo sa kaniya. Sana kinausap niya ako nang maayos kung naiirita na siya sa akin. Maiintindihan ko naman siya, eh. Hindi 'yong ganoon, bigla na lang siyang magw-walkout.

Hindi ko sinasalubong ang tingin niya kahit kanina pa niya akong pinagmamasdan. Naisip ko nga na kung patuloy akong magmamatigas, baka hindi namin maayos ang performance namin pero kahit anong pilit ko sa aking sarili na kibuin na siya, nananaig pa rin talaga ang pride ko.

Tumikhim siya at sinimulang i-strum ang gitara. Nag-angat ako ng tingin dahil nagtataka sa tinutugtog niya. Iniba niya ba ang piece namin? Bakit hindi niya sinabi?

Nagsalubong ang kilay ko at magsasalita sana nang bigla siyang kumanta. Napalitan ng pagkamangha ang inis ko. Malumanay ang kaniyang boses at malamig. Tumindig ang balahibo ko nang diretso siyang tumingin sa aking mga mata.

~ Someone who understands me
And knows me inside out
Helps keep me together
And believes without a doubt

That I could move a mountain
Someone to tell it to
If I had only one friend left
I'd want it to be you ~

Lumunok siya at maliit na ngumiti. "I'm sorry. Maling iniwan kita roon at naiintindihan ko kung bakit ka galit sa akin. Naging insensitive ako. Dapat kinausap kita. Sorry."

Huminga ako nang malalim. Mataman ko siyang pinagmasdan at pinigilan ko ang mapangisi nang mapansing tensyunado siya. Panay ang tikhim niya at mabigat ang paghinga.

"I'm disappointed, Atlas. Pero lahat naman siguro tayo dumadaan sa pagkakataong wala tayong ibang maisip kundi ang nararamdaman lang natin. Salamat at nag-sorry ka kasi napakabigat sa dibdib na may sama ako ng loob sa iyo na kaibigan ko. Sana sa susunod, kapag may problema, maisip mong kaibigan mo ako at puwede mo akong pagsabihan ng kahit ano. Makikinig naman ako," tugon ko.

Tumango siya na parang masunuring bata kaya hindi ko napigilang matawa. Nangiti siya at napakamot sa ulo.

"Ayos lang ba kayo rito? Baka gusto niyo sa loob para mas komportable kayo?"

Si Tita Casmir iyon, may dalang pitsel ng juice at dalawang baso. "Dito na lang po kami, 'Ma. Mahangin dito at maaliwalas."

Sumang-ayon ako kay Atlas dahil nakakahiya kung mang-aabala pa kami sa loob ng bahay nila. Mas komportable ako rito sa kanilang bakuran at magandang pagmasdan ang mga tanim nilang halaman.

"O, siya. Papasok na ako. Nagpunta ka na ba sa animal shelter, Atlas?"

"Opo, Mama."

"Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo lalong-lalo ka na, Alora," dagdag pa niya.

Nakangiti akong tumango at nagpasalamat bago umalis si Tita. Masusi naming pinag-aralan ang kanta. Kahit ang mga maliliit na detalye, pinag-usapan namin.

Gumaan ang pakiramdam ko. Kung wala talagang maayos na komunikasyon sa pagitan niyo, hindi kayo magkakaintindihan. Iyon naman talaga ang mahalaga sa pagkakaibigan: ang pakikinig. Dahil kung parehas na sarado ang mga tenga at isip ninyo, paano niyo masosolusyunan ang hindi pagkakaunawaan?

Hindi naman maiiwasan ang pagtatalo lalo na't dahil sa pride. Pero subukan mong tanungin ang sarili mo, hahayaan mo bang manaig pa ang iniingatan mong pride kung mawawala naman ang taong iyon na mahalaga sa iyo? Iyon ang natutunan ko.

I'm so proud that Atlas is a friend of mine because when I refused to reach out to him, he's the one who made the first move and explained himself. Malayong-malayo sa Atlas na una kong nakilala. In a short period of time, he changed... in a way better than I have expected.

"Hey! Kanina pa kita hinihintay," bungad sa akin ni Vinyl.

Pinasadahan ko ng tingin ang red checkered long sleeves niya na may white inner shirt at pinaresan ng tattered maong pants. Bagay talaga sa kaniya ang maging isang bokalista.

"Magp-perform na kayo?"

Tumango siya. "Kami na ang susunod."

"May sasabihin sana ako," kinakabahan kong panimula. Sana hindi siya magalit na sumali rin ako.

"Vinyl! Let's go!"

Ang mga kabanda niya iyon. Tinatawag na siya para sa setup. Sumenyas siya at pagkatapos ay bumaling ulit sa akin. "I'll see you later, okay?"

Tumango ako at hinayaan na siyang umalis. Inilibot ko ang aking tingin. Nakakalula ang dami ng tao. Traffic dahil sa dami ng sasakyang dumadaan sa labas na papunta rin dito. Maraming nagtayo ng food stalls sa harap para samantalahin ang pagdagsa ng tao.

Kinawayan ako ni Evette nang nakita niya akong nag-iisa. Lumapit ako kahit nahirapan dahil walang madaanan at napangiti nang naroon din sina Thaxter at Mendel.

"Si Atlas?" pasigaw na tanong ni Evette dahil nagsimula nang maghiyawan ang mga tao sa pag-akyat pa lamang ng Unalome.

Ganoon ang epekto nila. Kahit high school students lang sila, malakas na ang hatak nila sa audience dahil sa talent at well, visuals. Nakatanggap na rin kasi sila ng ilang offers dati na tumugtog sa mga TV programs kaya talagang imposibleng walang taga-Esperanza na hindi nakakakilala sa kanila.

I rooted for them since Evette showed me a performance of them in a music channel. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Hindi ko na nga nasagot ang tanong ni Evette dahil nakikisali na rin ako sa pag-cheer. Kahit siya, napapa-headbang na at tila nakalimutan nang hinahanap niya ang kaibigan namin.

"Unalome! Unalome!"

Walang humpay sa pag-chant ang mga tao nang matapos ang performance nila. "Grabe! Solid si Vinyl!" tili ni Evette.

Natawa ako dahil hindi na niya mahawakan nang maayos ang kaniyang camera dahil sa sobrang excitement. Tinulungan ko na siya dahil kahit sina Thaxter at Mendel, hindi na siya makausap dahil abala pa siya sa pagr-review at pagrereklamo sa malalabo niyang shots.

Natigil lang ako roon nang naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Agad kong binuksan ang message nang makitang si Atlas na iyon.

Atlas:

Nandito na ako.

Inilibot ko ang tingin ngunit hindi naman siya nakita.

Alora:
Saan? I can't see you.


Atlas:

Stage. I'll play now. Hope you will cheer for me, too.

Mangha akong nag-angat ng tingin at nadatnan ngang naroon siya. Hawak niya ang kaniyang phone at diretsong nakatingin sa akin.

"OMG?!" si Evette na nabigla rin.

~ Come up to meet you
Tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you
Tell you I need you
Tell you I set you apart

Tell me your secrets
And ask me your questions
Oh, let's go back to the start
Running in circles, coming up tails
Heads on a science apart

Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh, take me back to the start ~

Hindi ko na namalayang tapos na siya at nasa harap ko na. Halos mag-hysterical na si Evette dahil sa sobrang tuwa kay Atlas. Si Thaxter naman, naiiling na lang habang si Mendel ay abala sa panonood sa sumunod na contestant.

"So? Nasaan na ang cheer ko?" tanong kaagad ni Atlas.

Napakurap-kurap ako. "U-uh... Yey?" Ngumiwi ako pagkatapos at ngumisi naman siya.

Gusto pa sana naming tapusin ang program kaso pinilit kami ni Atlas na umuwi na. Wala kaming nagawa kundi ang pagbigyan siya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Atlas nang tabihan niya ako sa loob ng sinakyan kong tricycle.

"Ihahatid kita."

Pinigil ko ang tawa. "Hindi mo na titignan ang bahay ko?" panunukso ko.

Umiling siya at napangiti. "Hatid na 'to, Carvajal."

Mabilis lang ang naging biyahe dahil malapit lang naman ako sa plaza. Kung tutuusin, pupuwede kong lakarin na lang iyon pero tinamad na ako at ginabi na rin kaya delikado na.

"Good night, Atlas. Thank you sa paghatid."

Tatalikod na sana ako nang tawagin niya. "Alora..."

"Hmm? May sasabihin ka?" tanong ko.

Namulsa siya at tumango. "T-that song... Paborito iyon ni Cassidy. She used to listen to it from the walkman I gave you. Bago siya umalis, sinabi niyang kapag lagi kong pakikinggan iyon... baka may pag-asang balikan niya ako."

"Nasaan na siya?"

Mapait siyang ngumiti. "She died... Stage Four - Lung Cancer."

Pain flickered in his eyes. His fake smile faded and I can see how much he grieved for her late sister. Sana kayo kong bigyan pa siya ng pag-asa. Sana kaya kong... ibalik siya sa simula.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro