Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5: Vinyl

"Alora, puwede ba kitang makausap?"

Kinalabit ako ni Evette at nginuso si Vinyl Carriego, mas kilala bilang Nyl na galing sa first section ng regular class.

Lagi siyang makikita kasama ang kaniyang gitara, mestizo at may stud earring sa kanang tainga. Sikat din siya sa school dahil bokalista siya ng bandang 'Unalome'.

"Mauna na ako. Sumunod ka, ah?" bulong ni Evette bago ako iniwan tanggay ang mga libro niya.

Lihim kong sinulyapan ang librarian at nang nakitang matalim pa rin ang tingin nito sa akin, ngumiti ako at kaswal siyang tinanguan.

Magmula nang pumasok ako sa library, sa akin agad dumapo ang paningin niya, siguro ay naalala ang kasalanan ko.

Umismid siya at tinantanan na ako. Mahina akong bumuntong-hininga at natauhan lang nang may tumikhim sa aking gilid. Si Nyl iyon, naghihintay sa isasagot ko.

Nahihiya akong ngumiti. "Uh... A-ano nga ulit iyon? P-pasensya na."

"Gusto lang kitang makausap kung... ayos lang."

Agad naman akong tumango at sinulyapan ang upuan sa aking harapan. Nakita naman niya iyon kaya siya na ang kusang umupo.

"Tungkol nga pala sa nangyari kahapon... Pasenya ka na sa mga kabanda ko. Alam kong hindi ka komportable sa gano'n," panimula niya.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay napapadalas ang pagsama niya sa amin. Nagsimula iyon noong umuulan at wala akong masakyang tricycle, naabutan niya ako sa waiting shed at inalok na ihahatid. Wala na akong choice kaya pumayag na lang ako tutal malapit lang naman ang bahay nila sa akin.

Napansin nina Evette ang pagiging malapit ko sa kaniya at alam kong hindi sila komportable. Hindi naman sila nagsasalita kapag kasama namin si Nyl pero ramdam ko ang pagkailang nila.

Kaya kahapon, nang ayain ako ni Nyl na mag-lunch kasama ang banda niya, hindi ako sumama dahil unfair sa mga kaibigan ko na iwan na lang sila. Nakita ng mga kabanda ni Nyl ang hindi ko pagpayag kaya inulan kami ng panunukso.

Umiling ako at pinilit na ngumiti. "Wala iyon. Kalimutan mo na."

Kapwa kami natahimik pagkatapos niyon. Nakatingin lang siya sa akin habang ako, iginagala ang mata. Tumikhim siya at ipinilig ang ulo. Yumuko ako, hindi na napigilan ang mahinang pagtawa.

"S-sorry... Nahihiya kasi ako sa 'yo."

Ngumisi ako at pinagmasdan siyang nagbaba ng tingin. "Lagi mo 'yang sinasabi sa akin at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit ka nahihiya," tugon ko.

Bumuntong-hininga siya. "A-ano... May gaganaping contest kasi sa Saturday at... kasali ang banda. G-gusto sana kitang... imbitahan."

"Hmm. Sure!"

Nanlaki ang mga maya niya at napangiti. "Talaga? Sigurado 'yan?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo naman. Pupunta ako."

"Thank you! Huwag kang mag-alala, gagalingan ko."

Nagpigil ako ng ngisi dahil sa pagkaaliw. "Asahan ko 'yan."

"Salamat ulit. Akala ko, hindi ka papayag."

"Ngayon lang ito, Carriego." Ngumisi ako.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Sana may susunod pa," bulong niya

Nagkibit-balikat ako at tumayo na, bitbit ang mga gamit. "Hindi ka pa uuwi?" tanong ko nang napansing hindi pa siya aalis.

"Mamaya pa ako. May usapan kasi kami ng banda na magkikita rito. Mag-ingat ka."

"Sige, mauna na ako." Tumango ako at tumalikod na, bumalik lamang dahil may nakalimutan. "At Vinyl?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Hmm?"

Ngumiti ako. "Good luck."

Dumiretso ako sa A Suite at nadatnan silang lahat doon maliban kay Atlas. Tinabihan ko si Mendel na tahimik na nagbabasa ng makapal na module para sa Division Science Quiz Bee.

Mahigit isang linggo na siyang naghahanda para roon at tuwing uwian, dito siya lagi sa A Suite para natutulungan namin siyang mag-review.

Nilapitan ako ni Evette. "Anong nangyari?" agad niyang paguusisa.

Umiling ako at bumaling sa kakarating lang na si Atlas. Sumalampak siya sa sahig, binuklat ang dalang libro.

"Saan ka galing, bro?" si Thaxter na tumigil sa ginagawa niyang assignment.

"Library," sagot niya nang hindi nag-aangat ng tingin.

Kumunot ang noo ko. "Galing ako do'n. Hindi naman kita nakita."

Nagkibit-balikat lamang si Atlas. Nagkatinginan kami ni Evette. "Anong problema niya?" bulong ko.

"Malay ko... pero parang wala naman. Lagi naman siyang tahimik."

"Alora, p-puwedeng patulong?"

Iniwan na ako ni Evette at bumalik sa pagsagot nila ng assignment ni Thaxter. Binalingan ko naman si Mendel. Tumikhim ako at kinuha ang reviewer niya. "Bukas na ito, 'di ba?" tanong ko.

"O-oo, kaya nga kabado ako. Baka matalo lang ang school natin." Bumuntong-hininga siya.

Ibinaba ko ang reviewer at hinarap si Mendel na nag-aalala. "Pinili ka ng school dahil alam nilang kaya mo at ang pinaka-importante lang naman dito ay ang experience na makukuha mo kahit matalo o manalo. Basta, susuportahan ka namin."

"Salamat. Alam mo? Nagtataka tuloy ako kung bakit ngayon lang kita naging kaibigan."

"Ngayon mo lang naman kasi ako nakilala," sagot ko, nangingiti.

Umiling siya na ipinagtaka ko. "Hindi. Noong una, hindi kita namukhaan. Ngayon lang kita naalala."

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Nakita na kita dati... sa isang journalism forum."

"B-baka nagkakamali ka lang. Imposibleng ako 'yon," pagtanggi ko.

Nagkibit-balikat siya. "Siguro nga."

Abala kami ni Mendel sa ginagawang question and answer nang matigil kami dahil sa mahihinang katok. Agad na binuksan ni Thaxter ang pinto at iniluwa niyon si Kuya Rolly.

"Magandang hapon," bati niya.

Iniwan muna namin ang ginagawa at nilapitan siya. "Kumusta na po?"

Ngumiti siya. "Maayos naman. Gusto ko lang magpasalamat sa tulong niyo sa amin ng anak ko. Magaling na siya ngayon at balak kong umuwi na sa aming probinsya para magsimula ulit doon."

"Ganoon po ba? Wala na palang sisita sa amin dito," si Evette na sinusubukang magpatawa pero malungkot.

"Huwag kayong mag-alala. Sinabihan ko na ang magiging kapalit ko tungkol sa samahan ninyo."

Tumango ako. "Mag-iingat po kayo, Kuya Rolly."

Sa araw na ito, sasabay sa paglalakad namin sina Evette at Mendel dahil wala ang mga sundo nila.

"Nakakalungkot talaga na mawawala na sa school si Kuya Rolly. Mula noong freshman pa lang ako, siya na ang guard sa school, eh."

Hindi napigilan ang pag-uusap tungkol sa pag-alis ni Kuya Rolly. Masaya kami na maayos na sila ng anak niya pero tiyak na maninibago kami sa oras na iba na ang madadatnan namin sa tuwing papasok sa school.

"Oh? May contest pala sa plaza?" puna ni Thaxter nang makita ang poster na nakadikit sa nadaanan naming poste.

Huminto kami at tinignan iyon. Ito siguro ang sinasabi ni Vinyl na sasalihan nila ng banda niya.

"Atlas, 'di ba marunong kang mag-gitara? Noong elementary, tumugtog ka sa foundation day."

Napatingin ako kay Mendel dahil sa sinabi niya. Agad na umiling si Atlas at nauna nang maglakad. Kinuha ko ang poster at hinabol siya. Habol ko ang hininga nang harangin ang patuloy niyang paghakbang.

Lumunok ako nang makita ang walang emosyon niyang mukha. Ngumiti ako para pagtakpan ang kaba.

"Sumali ka rito! Manonood kami!"

Umiling siya. "Ayoko."

Lalagpasan na niya ako pero pinigilan ko siya. Mariin akong pumikit at bumuntong-hininga. Sana tama ang desisyon kong ito.

"Sasali rin ako! Tayong dalawa..."

Tumaas ang kilay niya. Tumango ako para panatagin siyang totoo ang sinabi ko. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong poster at hinablot iyon mula sa akin.

"Good luck," bulong niya bago ako iwan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro