Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Chapter 4: Walkman

Maaga kaming pumasok kinabukasan kahit wala namang klase sa buong maghapon para makapag-meeting muna bago sumalang sa kaniya-kaniya naming sinalihang contests.

"Nag-practice kami kahapon ni Thaxter at mamaya ulit kaya huwag kayong mag-alala. Pang-finale pa ang Traditional Dance Competition," si Evette na panatag sa magiging performance nila mamaya.

Napatingin kaming lahat kay Thaxter nang bigla itong tumayo at binuhay ang dala niyang bluetooth speaker. Hinigit niya si Evette. "Sayawin ulit natin." Ang napili nilang folk dance ay ang Polka Tagala.

Mauunang aalis si Mendel para sa kaniyang Quiz Bee. Mahilig siyang magbasa kaya tiyak akong madami siyang nalalaman.

"Good luck! Basta i-enjoy mo lang, huwag mong i-pressure ang sarili mo," payo ko sa kaniya bago siya pumunta sa conference hall.

"Magkita-kita na lang ulit tayo mamaya." Tumango ako at hinatid siya ng tingin.

Habang naghihintay ng oras para sa sinalihan kong competition, umupo muna ako sa tabi ni Atlas at nagbasa ng aking notes tungkol sa Philippine History. Posibleng isa sa mga naroon ang magiging topic namin mamaya kaya kailangan kong maging maalam. Na-review ko na naman iyon kahapon pero gusto ko lamang makasigurong matatandaan ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Atlas nang ilagay niya sa aking kanang tainga ang isang bud ng kaniyang earphones. Hinintay ko ang pagsisimula ng tugtog pero imbes na kanta, boses niyang tumutula ang nadinig ko.

Nanggagaling iyon sa isang walkman na iba ang disensyo sa kadalasan niyang dala na may pangalan ng babae sa harapan. Ang isang ito ay itim lamang at walang kahit anong nakasulat.

Umawang ang aking bibig at gulat siyang tinignan. "Spoken poetry," bulong niya nang nakita ang pagtataka ko.

"Nagpalista ka? A-akala ko..."

"Para kay Kuya Rolly at sa anak niya."

Napangiti ako at pinakinggang maigi ang bawat pagbigkas niya ng salita. Maganda ang boses niya at sakto lamang ang mga diin at pagtaas-baba ng tono. Ramdam ang emosyon kaya tiyak kong malaki ang tsansa niyang manalo.

"May koleksyon ka ng mga walkman?" tanong ko sa kaniya nang matapos na ang tula.

Tumango siya, may malungkot na ngiti. "Paborito ng kapatid ko at... nakuha ko na rin."

"Close kayo?"

"Siya lang ang kaibigan ko... bago kayo... bago niya ako... iwan."

Napakurap-kurap ako at itatanong sana kung ano ang nangyari kundi ko lamang pinigilan ang sarili kong tuluyang malunod sa kuryosidad at dahil natakot din siguro ako na malaman nga ang nangyari sa kaniya.

Noon ay bukas ang isip ko kung magkukwento siya dahil nga kaibigan niya na ako at hindi na imposibleng banggitin niya iyon pero ngayong narito na, wala akong lakas ng loob na magtanong.

Kahit siguro magtagal ang pagkakaibigan namin, pipiliin ko na lamang na makita siya sa paraan na gusto ko siyang makita dahil natatakot akong malaman ang lahat ng sakit niya.

I already knew that he has reasons for not letting anyone see through him but I didn't know that his story is more painful than I've ever imagined.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at bumuntong-hininga nang mapansin ang pagkatigil ko. Isinilid niya sa kaniyang bag ang hawak na walkman at kinuha mula roon ang paborito niya.

Inabot niya iyon sa akin. Nakasulat sa maliliit na letra ang pangalan ng isang babae. Dinama ko iyon sa dulo ng aking mga daliri at nahabag nang maalalang isa ito sa mga dahilan kung bakit siya minamata ng mga tao.

Sometimes, our differences only separate us from the other people... who will never understand us. And that is a good thing because we can live on our own paths, not pretending to be the same with everyone. We got our own choices, ambition, and culture.

But, remember this, there will be people who will understand despite of our distinctions and... what I mean with those 'people' is like my team.

"I'll let you listen to it this time," bulong ni Atlas bago siya lumabas ng A Suite.

Kabado akong nakaupo sa pinakadulong bahagi ng conference hall. Bago tumuloy dito ay tumambay muna ako sa garden para i-relax ang aking isip kaya hindi ko akalaing kakabahan ako nang ganito.

Ngumiti ako nang matanaw si Amore na umupo sa malayo sa akin. Mahina ko siyang kinawayan pero umiling lamang siya at nag-iwas ng tingin.

Hindi na rin natanggal sa isip ko ang usapan nila ng kaniyang mga kaibigan. Laging sumasagi sa akin na baka natapakan ko ang ego niya o 'di kaya'y napahiya dahil kung si Mendel ang consisent number one ng klase, si Amore ang journalist and writer.

Base sa mga kuwento ng mga kaklase namin, siya ang palaging pambato sa tuwing mayroong contest na related sa writing. At nang napuri ako ni Ms. Manzano, marahil naisip niyang intensyon kong ungusan siya. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na kaibigan ko si Evette na siyang tinalo niya sa eleksyon.

Gusto ko sanang linawin sa kaniya ang lahat pero mukhang ayaw niya sa akin kaya kahit lapitan ko pa, lalayo rin.

Hindi naman naging matagal ang paghihintay namin. Kaagad na dumating ang mga facilitators para ipaliwanag sa amin ang magiging criteria at topic.

"Ang tema ng malayang pagsusulat para sa taong ito ay 'Kalayaan: Iba't Ibang Pilipino, Iisang Pilipinas'. Maaari na kayong magsimula."

Agad gumana ang utak ko at habang patagal nang patagal, mas ginaganahan akong magsulat. Noong panahon ng rebolusyon, hindi lang naman iisang uri ng Pilipino ang naghimagsik. Magkakaiba ang mga ugali at pananaw nila pero may iisang hangarin. Hindi ko tuloy maiwasang maikumpara ang grupo namin dito.

Mabilis na naubos ang oras na inilaan sa amin at hindi ko na namalayang tapos na akong magsulat. Ipinasa ko ang aking entry. Naghintay ako sa labas ng conference hall, inaabangan ang paglabas ni Amore.

Umayos ako ng tayo at maliit na ngumiti nang matanaw siya. "Good luck sa ating dalawa." Hindi siya kumibo pero nanatili, siguro ay nais pang madinig ang sasabihin ko.

"Tungkol nga pala sa nangyari kahapon..."

Umiling siya. "Huwag mo nang isipin 'yon. Dismayado ako sa naging resulta pero tanggap ko naman. Nanibago lang siguro ako na ngayon, hindi na lang ako."

"Sana hindi mo inisip na gusto kong bumawi sa pagkatalo ni Evette," sabi ko, mahina pang natawa pagkatapos.

"Naisip ko rin." Nawala ang ngiti ko nang madinig ang tugon niya. "Huwag mo sanang mamasamain. Sa panahon kasing iyon, wala na akong maisip na idadahilan sa sarili ko kung bakit ako natalo ng katulad mo. Pasensya na kung napag-isipan kita nang masama."

"G-gano'n ba? Ayos lang. Uh... Mauna na ako."

Hinayaan niya naman akong makaalis. Dumiretso ako sa A Suite at nadatnan sina Thaxter at Evette na naghahanda na para sa performance nila.

Kalmado lang silang dalawa habang kami, nag-aalala para sa kanila. "Una raw kami. Doon tayo sa covered court," imporma sa amin ni Evette nang matanggap ang text message ng aming adviser.

Hindi man lang natinag ang dalawa kahit nang makarating kami ay madaming tao. Nakipagsiksikan pa kami para lang makarating sa unahan.

Humiwalay silang dalawa sa amin nina Atlas at Mendel nang tawagin na sila para ihanda ang gagamitin nilang music.

"Let's call our first performers. Esperanza, give it up for your 10 - Einstein!"

Pumalakpak ako at nginitian si Evette na diretso sa amin ang tingin. Tutok sa kanila ang atensyon ng lahat nang magsimula na. Malakas ang kanilang stage presence kaya hindi magkamayaw sa excitement ang lahat. Kitang-kita ang pino ng bawat steps at naitawid naman nila iyon hanggang dulo.

"Galing! Panalo 'yan," dinig kong reaksyon ng isang junior sa likuran namin.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Nang makababa ng stage sina Thaxter at Evette ay pinuntahan namin sila at pinuri sa magandang kinalabasan.

"Mabuti na lang at napilit ko si Thaxter na mag-practice kundi nagkalat lang kami."

Bumaling ako kay Thaxter at naghintay ng pag-alma niya pero ngumisi lang siya sa akin.

Magagaling din naman ang mga sumunod sa kanila kaso kulang sa koneksyon sa audience. Doon siguro umangat ang section namin, maliban sa bago at kakaibang sayaw. Kadalasan kasi ay Cariñosa o 'di kaya'y Tinikling ang sinayaw.

Ngayong araw na rin ginanap ang Awarding Ceremony para sa lahat ng competition. Natanaw kong narito rin si Amore, inaabangan ang mangyayari.

Nakuha ni Mendel ang first place sa Quiz Bee at ni Atlas sa Spoken Poetry. Champion din ang section namin sa Traditional Dance Competition kung saan sina Thaxter at Evette ang aming representatives.

Sa kabutihang palad, second place ako sa Essay Writing Contest. Si Amore ang nakakuha ng sorpresang premyo. Mayroon siyang slot sa isang Literature Conference sa Baguio.

Pinagsama-sama namin ang mga nakuha naming cash prizes at bumili ng grocery para sa pamilya ni Kuya Rolly. Nag-ambagan kami para makapagbigay kahit papaano ng pambili ng gamot.

Naiwan kami ni Atlas sa labas ng convenience store dahil nasa loob pa ng katabing pharmacy ang tatlo. Kanina pa ko ginugulo ng isiping ito kaya itatanong ko na lang sa kaniya.

"Bakit mo nga pala ibinigay sa akin ang walkman mo? Paborito mo ito, 'di ba?"

Nagkibit-balikat siya. "Kasi sa kauna-unahang pagkakataon, ginusto kong may taong makaintindi naman sa akin... at sa marami pang pagkakataon... Alam mo bang ikaw lang ang taong nakikita kong pwedeng gawin 'yon? Nakakatakot pero totoo, ikaw lang."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro