Chapter 27
Chapter 27: Amidst The Chaos
"Ano 'yan? Secret admirer?"
Hindi pinansin ni Evette ang panunukso ko at isinara ang locker niya. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang matagal niyang titig sa sulat. May dumaang emosyon sa kaniyang mag matang hindi ko mapangalanan.
Bumagsak ang balikat niya at nanghihinang napasandal sa locker. Nagtataka kong kinuha sa kaniya ang maliit na envelope at binasa ang laman niyon.
Umawang ang bibig ko. "A death threat?"
Pinandilatan ako ng mata ni Evette at sumenyas na hinaan ko ang aking boses. Huminga ako nang malalim. "Kilala mo ba kung sino ang nagpadala sa 'yo nito?" nag-aalalang bulong ko.
Nag-iwas siya ng tingin. "H-hindi ko kilala. Huwag mo nang pansinin 'to. Baka nagbibiro lang." Isinilid niya na sa kaniyang bag ang sulat.
Nagmamadali siyang naglakad palayo pero determinado akong sundan siya. Mas bumilis ang takbo ko nang malapit nang sumalubong sa amin ang ibang estudyante.
"Evette! Sandali lang!"
Natanaw ko si Thaxter na papalapit na sa akin. "Bakit? May problema ba?" tanong niya.
Suminghap ako at itinuro si Evette na paakyat na sa rooftop. "May nagpadala ng death threat kay Evette." Lumingon sa amin si Evette at nanlaki ang mata niya nang mapansin ang kasama ko.
Nagtagis ang bagang ni Thaxter at tumalim ang tingin. Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao bago ako nilampasan. Bumuntong-hininga ako at sinundan siya.
May kutob akong hindi lang biro iyon tulad ng iginigiit ni Evette. Base sa reaksyon niya kanina, posibleng kilala niya ang sender.
Kahina-hinala rin ang pagtakas niya sa akin. Sigurado akong may itinitago siya tungkol sa bantang iyon. Bigla kong naisip ang ikinuwento niya sa akin noong nakaraan. Hindi kaya may kinalaman ito sa takot niya?
Hindi healthy para sa kaniya ang makatanggap ng ganito dahil sa kalagayan niya. Maaaring anumang oras ay magkaroon siya ng breakdowns katulad noong nangyari sa festival.
Marahas na binuksan ni Thaxter ang pinto sa rooftop kaya nabiglang bumaling sa amin si Evette na namumula ang mga mata at basa ang pisngi.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Sumandal ako sa railings at pinagmasdan siyang matiim na tinitignan ang nakapamulsang si Thaxter sa kaniyang harapan.
"A-ano? Tutuksuhin mo na naman ako kasi iyakin ako?" pagsubok ni Evette na pagaanin ang sitwasyon.
Hinigit siya ni Thaxter sa isang yakap na kapwa namin hindi inaasahan. Bumuhos ang luha ni Evette at kumuyom ang kamao sa dibdib ng kaibigan namin.
"I will not let her take you away from me. Not again," malambing na bulong ni Thaxter sa kaniya.
Kumunot ang noo sa nadinig. Anong ibig niyang sabihin? Kilala niya rin kung sino ang may pakana nito?
Napaigtad ako nang bigla siyang itulak ni Evette. "At anong gagawin mo? Kakalabanin mo siya? You know how she can kill you in just a blink of an eye!"
Mas tumindi ang pangamba ko lalo na ngayong nalaman kong may kakayahan pala talagang pumatay ang taong ito.
"Sa tingin mo ba may pakialam pa ako roon? I don't care about the bullets she can bury into my body. She can try to kill me in many ways and I won't budge, but if I see even one bruise on you, I'll be the one to bury her under the ground."
Pumungay ang mata ni Evette. Hindi ko napigilang mapangiti. Nawala nga lamang iyon nang talikuran niya si Thaxter.
"Leave. I don't want to see you."
"I'll wait for you downstairs. Ihahatid kita," paalam ni Thaxter.
Nanood ako sa pagtatalo nila. Napakurap-kurap lamang ako nang may hinanakit na umatras si Thaxter. Pinagmasdan ko ang papalayong bulto niya.
"Evette, bakit naman ganoon? Dapat-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil humagulgol na siya. Hinayaan ko siyang umiyak. Nandoon lamang ako sa tabi niya, hinihintay siyang kumalma.
Pasado alas sais na ng gabi nang bumaba kami. Nakasalubong pa namin ang guard pero hindi naman niya kami sinita. Siguro ay nasanay na siyang late kaming umuuwi palagi.
"Ingat. Kausapin mo siya," bulalas ko kay Evette nang nakitang papalapit na sa amin si Thaxter.
Hindi siya sumagot at sinalubong ang sundo. Tanaw ko silang magkalayong naglalakad papunta sa paradahan ng tricycle. Ilang sandali pa ay umuwi na rin ako tulad nila.
"Si Thaxter? Absent na naman?" mahinang tanong sa akin ni Mendel.
Bumuntong-hininga ako at sinulyapan si Evette na tulala. "B-baka na-late lang. Hintayin na lang natin."
Tumango na lamang siya, hindi pa rin napapanatag. Maging ako ay ganoon din. Magmula noong naging ganap sa rooftop, naging mailap na sa amin si Thaxter. Lagi siyang wala sa klase at hindi namin ma-contact.
Hinahanap na rin siya ng coach nila at ng mga teachers namin pero wala kaming maisagot. Sinubukan na naming tawagan ang parents niya pero wala rin silang alam sa pinagkakaabalahan ngayon ni Thaxter.
Naging mas maingat kami pagdating kay Evette dahil alam naming isa siya sa mga pinaka-apektado ng pagkawala ng kaibigan namin. Isa pang inaalala namin ay ang natanggap niyang death threat kaya nagdesisyon kaming samahan si Evette mula sa pagpasok sa school hanggang sa pag-uwi.
Nag-angat ako ng tingin nang umupo sa aming table si Abigail. Tinanguan niya ang mga kasama ko bago bumaling sa akin.
"I saw Del Prado yesterday," bungad niya.
Nabuhayan ako ng loob. Ang wala sa sariling si Evette ay biglang natauhan sa balita. "S-saan mo siya nakita?"
"Sa bilyaran. Malapit sa dating sementeryo."
Tumingin ako sa aking mga kasama at tila naintindihan naman nila ang gusto kong mangyari. Pinasalamatan muna namin si Abigail bago namin nilisan ang school.
Magsisimula na ang afternoon classes namin pero narito kami, piniling puntahan si Thaxter na ilang araw naming hindi nakita at nakausap.
"Dalian natin. Baka hindi natin siya maabutan," sambit ni Mendel.
Agad kaming pumara ng tricycle. Hindi ako mapakali habang nasa biyahe. Panay ang tingin ko sa driver na pumipito pa habang mabagal ang pagpapatakbo.
Halos takbuhin na namin ang bilyaran nang makarating kami na siyang ikinabigla ko dahil sa bagal ng andar namin kanina.
Mabibigat ang bawat hakbang namin kaya napatingin sa amin ang mga tambay doon. Hinigit ko si Evette nang mapansing iba ang titig sa kaniya nang karamihan.
Napatingin ako sa lakaking sumipol na may hawak na tako. "Dito sa lamesa ko! Libre ko pa kayo!" Kinalma ko ang aking sarili at hinigpitan ang hawak kay Evette.
"Lalaro ba kayo, mga bata?"
Nakapamulsang lumapit sa amin ang matandang lalaki na bulag ang kanang mata. May tungkod siyang dala-dala para alalayan ang sarili dahil putol ang mga binti niya.
"May hinahanap lang po kami. Kaibigan. Baka sakaling napunta rito," kaswal na sagot ni Atlas.
Tumango ang matanda at sumenyas sa binatang nag-aabang sa kaniyang gilid. Agad itong umalis at may pumasok sa likurang pinto.
"Sandali lang. Makapaghihintay naman kayo, hindi ba?"
Ngumisi ito at pinaupo kami. Pumalatak si Atlas kaya napatingin ako sa kaniya. "Bakit?" tanong ko.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo. "Sasargo mamaya ang tako sa mata niya kapag hindi ka pa niya tinantanan ng tingin."
"H-huh?"
Ngumuso siya at ikinunot ang noo. Inilibot ko ang tingin at napansin ang lalaking umiinom sa maliit nilang bar counter. Ngumiti ito nang natanaw ang sulyap ko.
Hindi ko na lang iyon pinansin at hinintay ang binatang inutusan ng matanda. Hindi naman kami nainip dahil ilang sandali lamang ay dumating na siya.
Napakamot siya ng ulo. "Wala, Leon. Tumba. Kanina pa raw 'yon."
Tumayo ang tinawag niyang 'Leon'. Sinenyasan kami nitong sundan siya. Iginiya niya kami sa pintong pinasukan kanina ng binata.
Nadatnan namin doon ang kumpulan ng mga lakaking lango sa alak. May pinagkakaguluhan sila pero nang pumasok kami ay natahimik.
"Sino ang mga 'yan, Leon?" maangas na tanong ng nasa gitna at naninigarilyo.
"Kargo ko sila, Azul. Wala kayong gagawin."
Walang tumutol sa kanila. Binigyan nila kami ng daan kaya malaya na naming nasilayan ang tao sa gitna ng kaguluhan.
"Ito ba ang kaibigan ninyo?"
Napatakip ako sa aking bibig. Naestatwa ako habang nahahabag na pinagmamasdan si Thaxter na puno ng galos ang katawan at hindi maidilat ang mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro