Chapter 24: Closer
"Nagulat talaga ako nang hindi si Sir Julien ang pumasok sa room natin kahapon. Nasaan kaya si Sir? Nag-resign ba siya?"
Nagkibit-balikat ako sa tanong ni Evette at pinanatili ang atensyon sa project na ibinigay ni Sir Joaquin bago kami mag-enjoy sa nalalapit naming field trip at semestral break.
"Hindi imposible 'yon. Baka lumipat na siya sa ibang school o 'di kaya ay nangibang-bansa."
May tatlong barangay na malapit sa school naming pinaninirahan ng mga ethnic groups. Isa sa mga suliranin nila ay ang pagkakalbo ng mga bulubundukin sa kanilang lugar na nagiging dahilan para bahain ang mga tirahan at pagkaubos ng mga wild animals na itinuturing na rin nilang kasapi sa kanilang samahan.
Kaya ang naisipan naming gawin ay magtanim ng mga puno sa mga liblib na lugar na tulad ng mga iyon. Sinuportahan naman ng bago naming guro ang desisyon namin.
Kinalabit ako ni Mendel at ipinakita ang development sa task na ibinigay ko sa kaniya. "Nakahanap na ako ng supplier ng mga itatanim nating puno," imporma niya.
Sinuri ko ang mga litrato ng mga punla at ng gagamitin naming truck papunta sa lugar ng pagtataniman. "Sige. I-close out mo na ang deal na 'yan para masimulan na natin bukas."
Bumaling kami kay Atlas na kararating lamang. "Ito ang tulong ng Sangguniang Kabataan. Mayroon din silang ipadadalang mga volunteers para tumulong sa pagtatanim." Inabot niya sa akin ang hawak niyang tseke.
Medyo may kalakihan ang magagastos namin kaya nagdesisyon kaming humingi ng tulong sa iba't ibang organisasyong sumusuporta sa mga kabataan.
The whole project will be documented. Si Evette ang mamamahala roon at sa pagbabahagi ng ginawa namin sa publiko. The publicity we are aiming for is to give an example of how youth can affect the society in a good way.
Pagkatapos ng matagumpay naming movement para na anti-social bullying, ito ang susunod na sisimulan ng aming grupo.
Napansin kasi naming hindi na masyadong involved ang karamihan sa kabataan sa mga gawaing pangkalikasan. Isa rin sa layunin nito ay mapalapit at makilala ang mga kababayan nating hindi na ganoong nabibigyan ng kaukulang atensyon.
Until now, they are reliving our historic past and culture. They deserve our support so, they can continue without the impression of being an outcast.
Mabilis ang pagbabago ng mundo pero sana ay hindi natin maiparamdam sa ibang napag-iiwanan na sila. If you are on the right track, you will help the others stir their boats steadily than to surf the waves more aggressively.
Tinabihan kami ni Thaxter na kagagaling lamang sa kanilang game. "Pasensya ka na, ah? Hindi kami nakapanood," bulalas ko.
Ngumisi siya. "Ayos lang, Alora. Alam ko namang ako pa rin ang favorite ninyong player."
Katulad ng inaasahan, agad na umismid si Evette. "Talaga! Ikaw lang naman ang kilala naming babaero rito, 'no?!"
"Bakit, Alquiza? May iba pa bang malapit na babae sa akin maliban sa 'yo?"
Nanlaki ang mata ko nang bigla akong ituro ni Evette. "S-si Alora!"
Nag-angat ng tingin sa amin si Atlas. "Ano 'yan? Bakit niyo pa dinadamay si Alora?"
Napakamot ako sa ulo at pinanlakihan ng mata si Evette. "Hindi, Atlas. Nagbibiruan lang kami. Hindi talaga namin kausap si Alora. Tanong mo pa kay Evette," sagot ni Thaxter, kinakabahan dahil matalim ang tingin sa kaniya ni Atlas.
Napakurap-kurap ako. "A-anong hindi kausap? Totoo—" Pinutol ni Evette ang sasabihin ko.
"Si Alora? Kasama ba 'yan sa usapan? Hindi naman, ah!"
Ma-drama siyang umiling-iling habang takot akong sinusulyapan. Nag-peace sign siya sa akin. "Baliktad muna ako sa iyo, ah? Mas takot ako kay Atlas," pasimple niyang bulong.
Napapailing akong bumuntong-hininga. Nagkatinginan kami ni Atlas pero siya ang unang bumawi.
Tinapik niya ang balikat ni Thaxter na hindi na maayos ang ngiti. May binulong si Atlas sa kaniya.
"Naiintindihan mo naman ako, hindi ba?"
Mabilis na tumango si Thaxter na may misteryosong ngiti. "Oo naman, bro!" tugon niya.
"Anong balita sa mga gagamitin nating materyales? tanong ni Mendel kay Thaxter.
"Naayos ko na. Dadalhin nila sa meeting place natin."
After hearing his answer, I drew a line through our accomplished tasks. Habang pinagmamasdan sila, gumaan ang pakiramdam ko sa kadahilanang malayo na ang narating namin nang magkakasama.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya dinampot ko iyon at binasa ang dumating na message.
Unknown Number:
Good day, Alquiza! This is Sir Julien. Gusto sana kitang makausap mamayang uwian kung hindi nakaaabala sa iyo. Mayroon lang akong hihilinging pabor.
"Bye! Magkita-kita na lang tayo bukas!"
Kinawayan ko ang paalis na si Evette. For the nth time, I was left alone again with Atlas. Hanggang ngayon ay kuryuso pa rin ako sa sinabi niya kay Thaxter kanina pero ayaw ko namang magtanong dahil kahit papaano ay nirerespeto ko siya.
Kung hindi niya ipinaalam sa akin noong una pa lamang, ibig sabihin lang noon ay wala talaga siyang balak na ibahagi sa akin kung anuman iyon.
Sinulyapan ko siya at nang nadatnan kong nasa akin din ang titig niya ay napalunok ako. "M-may pupuntahan pa kasi ako. Pwede ka nang mauna. Kaya ko namang umuwing mag-isa," sambit ko.
Tumango siya at hinawakan ang palapulsuhan ko. "Sasamahan kita."
Saglit akong nawalan ng imik nang higitin niya ako papunta sa paradahan ng mga tricycle.
"H-huh? Kaya ko naman na, Atlas."
"Oo pero ako, hindi."
Hindi niya kayang umuwing mag-isa? Pero noon nga ay iniwan niya pa ako sa shed at naunang umalis.
Hindi ko na siya pinigilan kahit naguguluhan talaga ako. Wala na rin naman akong magagawa dahil nakasakay na kami. Sinabi ko sa driver ang address at tumuloy na kami.
"Sinong pupuntahan mo?" maya-mayang tanong niya.
"Si Sir Julien. Pinakiusapan niya akong pumunta sa kanila para sa isang pabor."
Tumango siya. "Akala ko..." Hindi ko na nadinig ang sunod niyang sinabi dahil ibinulong niya lang iyon.
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na muna siya kinibo. Nagpasalamat kami kay manong nang nakarating na. Natanaw ko sa kanilang bakuran si Sir Julien na hinihintay ako.
"Good afternoon po, Sir," bati ko.
Nakangiti siyang tumango pero nang dumako ang tingin niya sa kasama ko ay tumaas ang kilay niya.
"Oh! Nandito ka rin pala, Escareal. It's nice to see the both of you again. Please, come in. Make yourself at home."
Iginiya niya kami sa kanilang tanggapan at binigyan ng maiinom. Pormal na umupo sa aming harapan ang dati naming guro.
"Alam ninyo na siguro ngayong hindi na ako ang adviser ninyo. The headmaster already approved my resignation letter."
Mapait siyang ngumiti. "I will be lying if I say that I am happy about my decision. But, I think that it's for the best. Mayroong malaking opurtunidad na nagbukas para sa akin sa ibang bansa. Hindi kami mayaman. Simple lang ang pamumuhay namin pero gusto kong maiparanas sa mga magulang ko ang mga hindi nila nagawa noon dahil nag-sakripisyo sila para sa aming magkakapatid."
"I want to explain it to the whole class. Pero baka hindi na ako makaalis kaya hihingin ko ang tulong ninyo. I want you to tell them all of these things that I've been keeping to myself. Gusto kong malaman ninyong lahat na babalik ako. Hindi man sa taong ito pero susubukan ko. I won't let you leave Esperanza without seeing me again."
Bumuntong-hininga ako at nagkatinginan kami ni Atlas. "We will tell them, Sir. Hihintayin namin kayo," malungkot na tugon ko.
We bid our goodbyes and went home. Sa sumunod na araw kung kailan magtatanim na kami para sa project, hindi ko muna sinabi sa mga kaibigan ko ang napag-usapan namin ni Sir Julien.
Gusto ko sanang sabay-sabay na nilang malaman at mukha namang iyon din ang naisip ni Atlas dahil wala ni isang salita siyang binanggit patungkol doon.
Our project was successful. Nakakuha kami ng mataas na grades pero hindi naman iyon ang habol ko roon. Ang mga pinagdaanan at alaala kasama ang iba't ibang tao ang pinakamagandang reward na itinuturing ko.
Inilibot ko ang tingin sa loob ng bus at napanguso nang wala nang bakanteng upuan maliban sa tabi ni Evette. Masigla niya akong kinawayan. Marahan akong naglakad papunta roon.
"Ni-reserve ko talaga itong upuan sa tabi ko para sa 'yo," bungad niya.
"Si Thaxter? Ayaw mong katabi?"
Marahas siyang umiling. "Sus! Baka hindi ko ma-enjoy any biyahe. Mas mabuting ikaw na lang."
Nag-angat ako ng tingin nang silipin kami nina Thaxter at Mendel mula sa likod ng upuan namin.
"Huwag mong kulitin si Alora, ah? Mahigpit na bilin ni Atlas na huwag na natin siyang bigyan ng sakit ng ulo dahil marami na siyang nagawa para sa atin."
Kumunot ang noo ko sa nadinig mula kay Thaxter. "Sinasabi mo bang makulit ako, Del Prado?" singhal ni Evette.
"Iyon ang sinabi niya sa 'yo kahapon?"
Natatawang tumango si Thaxter dahil kay Evette na inagaw ang kinakain niya. "Oo! Ikaw talaga ang paborito niyang kaibigan."
Inilibot ko ang tingin at natanaw si Atlas na katabi si Arya. May pinag-uusapan sila kaya hindi nila napapansin ang mga nanunuksong tingin ng iba.
"They said that Arya is Atlas' long time-crush. Ngayon lang siya nagkalakas ng loob na kausapin si Arya," bulong ni Evette na gaya ko ay nakikiusisa rin.
Maliit akong napangiti. "That's good... for him."
Mariin niya akong tinitigan. Tumaas ang kilay niya. "As his friends, we can help them get a little more closer within this trip, right?"
Agad akong tumango. "Of course! He's our friend after all."
Napangiti siya. Lumingon akong muli sa dalawa. I sighed and tapped my chest lightly.
Remember your purpose, Alora.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro