Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Chapter 22: Sanity

"We'll leave you two alone. Nasa baba lang kami."

Marahan akong tumango at nagpasalamat kay Mendel. I sat beside Evette who's staring intently at me. Napalunok ako at sinubukan siyang ngitian.

"You are afraid of me, aren't you?" pabulong niyang tanong.

Umiling ako. Natahimik kaming dalawa. She became uneasy. Nangatal ang kaniyang labi. The silence was broken by her muffled cries.

Binalot ko siya ng yakap at tinahan. Ramdam ko ang panginginig ng balingkinitan niyang katawan sa aking mga braso. She gasped for breath and struggled for another one.

"It happened when I was on my freshman year. I got kidnapped while waiting for my mother to pick me up. Sobra akong natakot at kahit nakauwi na ako ay hindi iyon nawala. The psychiatrist said that I got traumatized from that incident. I started to fear people... including my family."

"Sobrang sakit isiping pati ang mga mahal ko sa buhay ay kinatakutan ko na rin dahil lamang sa pangyayaring iyon. So, I decided to conquer it. I practice socializing skills with mannequins. At first, it didn't work. But, I was determined to live normal again so, I tried until I finally can talk with others without being afraid," pagpapatuloy niya.

I caressed her hair. "It must have been hard for you but you conquered it, Evette," bulong ko.

Humiwalay siya sa akin at kinuha ang kaniyang laptop. Nakita ko roon ang trending video niyang kumakanta sa Music Festival. She knew about it and that just made everything worst.

"Naisip ko ring gamitin ang social media platforms para mahasa ang confidence ko sa harap ng maraming tao. I uploaded vlogs and covers. I am not really good at singing nor dancing but I tried. Gusto kong gumaling kaya kahit hirap ako, hindi ko hinayaang dumagdag iyon sa kahinaan ko."

"Despite all my hard works, they still threw severe comments. It burdened me more, to be honest. Sa loob ng ilang taong pagpapatuloy sa nasimulan ko, mayroon akong napagtanto. Matagal ko nang tinanggap na kailangan kong maging perpekto para matanggap ako ng mga tao pero masakit pa rin pala lalo na't alam ko sa sarili kong impossibleng mangyari iyon."

"Hindi totoo 'yan. Maiintindihan din nila. Mapagtatanto rin nilang mayroong matinding epekto ang kanilang mga salita. Don't give up, Evette. Because I'm not giving up on you and on those people who you fear the most," pag-aalo ko sa kaniya.

Mapait siyang ngumiti. "You know that I trust you, right? But, this time, I can't believe you. They will never be awakened by the truth that their words can become a nightmare for people like me. I'm sick and so is society. And there is no cure but to accept it."

"Too bad, then. I don't care if you believe me or not because society is just blinded by an image of perfection. It's not a sickness that made them wrong but if prolonged, the agony may worsen. Your phobia must fear me now because I'm going to prove you wrong," determinado kong tugon.

"I won't stop you. Try them and come back to me disappointed."

Nanghihina akong lumabas sa kaniyang silid. Nadatnan kong nasa labas lamang si Mrs. Alquiza, hinihintay na matapos ang usapan namin.

Tinapik niya ang balikat ko at pinuntahan si Evette. Sinalubong ako nina Mendel at Atlas na parehong nag-aalala sa kinahinatnan ng pag-uusap.

Nilagpasan ko sila. "Come on. We have something to do," sambit ko.

Kahit naguguluhan sa inaasta ko, sumunod sila sa akin. We went to my house. I opened the door for them but they just shrugged and chose to sit on the bench near the pool.

"What's the matter?" tanong ko.

Umiling si Mendel at sinulyapan si Atlas. "We don't want you to feel disrespected. Ayos na rito sa labas."

Sumilay ang multo ng ngisi sa aking labi at gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Tumuloy ako sa aking kwarto at kinuha ang aking gitara at camera.

Nagdala na rin ako ng snacks at juice para sa dalawa. Naabutan kong nagdidilig sila ng mga tinanim kong halaman. Naisipin ko iyon dahil na rin sa mga orchids sa bahay ng mga Lavarias.

Pinatay ni Mendel ang gripo samantalang pinalupot naman ni Atlas ang hose. Sabay silang lumapit sa akin at sinuri ang mga dala ko.

"Para saan ang mga ito?" pag-uusisa ni Mendel.

"You will film us while doing a song cover."

Saglit na kumunot ang noo niya. "Anong plano mo, Alora? I know that you won't just back down."

Ngumisi ako. "You'll see. Don't worry."

Pumalakpak ako at inayos na ang tripod. Tumabi ako kay Atlas at inabot sa kaniya ang gitara. "Alam mo naman ang chords ng kinanta ng huling banda sa Music Festival, 'di ba?"

Tumango siya. "Of course."

Sumenyas ako kay Mendel para mag-standby. Nang sinimulan na ni Atlas ang pagtugtog ay kumanta na ako.

Sinadya kong hindi tamaan ang mga nota at maliin ang ibang lyrics. I saw Atlas threw me a confused look at the side of my eyes. Umawang ang bibig ni Mendel at napailing pero nagpatuloy pa rin.

"You're crazy, Carvajal," komento ni Atlas pagkatapos ng video recording.

"I need to be because Evette needs to be sane again."

Nilapitan kami ni Mendel at inabot sa akin ang camera. "Sigurado ka ba rito? Baka mas lumala lang ang mga pangyayari at pati ikaw ay madamay pa, Alora."

"Ito lang ang pinakamagandang paraang naisip ko. It's not the most foolproof plan but I think, it will leave an impact."

Kinabukasan ay mas maaga akong pumasok kaysa sa nakasanayan ko nang oras. Agad akong pumunta sa faculty room at kinausap ang mga naroon.

Sunod kong pinuntahan ay ang SSG Office kung saan ko naabutan sina Abigail at Amore na may mahalagang pinag-uusapan.

"Good morning, Carvajal. It's nice to see you again. What can we do for you?" bungad ni Abigail.

Sinabi ko sa kanila ang aking pakay. Gulat akong tinapunan ng tingin ni Amore na kanina pa ako hindi sinusulyapan. Mariin akong pinagmasdan ni Abigail at pormal na tumango. "It's our pleasure to be included in this kind of movement."

Kahit ang maintenance department ay inabala ko na rin. They all agreed without doubts so, I didn't have a hard time convincing them. Dumiretso ako sa A Suite pagkatapos at ang sarili naman ang kinuhanan ng video.

Suminghap ako at pinanatili ang determinasyon sa aking mukha. The thought of giving freedom to Evette and to other people strengthened my principle.

"I stand against and for society. Worlds can kill the world. Stop social bullying now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro