
Chapter 21
Chapter 21: Fear
Nag-igting ang bagang ni Thaxter habang pinagmamasdan si Evette na hindi makatingin sa amin. Her body is trembling uncontrollably and I'm getting anxious about it every minute.
Sinubukan kong hawakan siya pero nagulat ako nang bigla siyang napaigtad at humagulgol. Parang napaso kong binawi ang aking kamay at nabahala sa naging reaksyon niya.
Bumaling ako kay Thaxter para humingi ng tulong pero umiling lamang siya. "She has anthropobia. I'll call her family," bulalas niya bago tumalikod at naglakad palayo.
Nagkatinginan kami ni Atlas. Napayuko siya at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. I turned to Mendel who has a bitter smile plastered on his face.
"Anthropobia is fear of people."
Umawang ang bibig ko at hindi ko na namalayang tumakas na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "N-no... I-it can't be..."
"She did a great job hiding it from us but it looks like her mask is already wearing off."
Marahas akong umiling at umambang lalapitan si Evette nang masuyo akong hinigit ni Atlas at niyakap. "Shh. Hayaan mo muna siya. Let her own tears heal her for a moment because she has been strong for a very long time," bulong niya.
Inilibing ko ang aking mukha sa kaniyang balikat at marahang tumango. He grabbed my waist and pulled me closer. He would whisper sweet nothings and sing me his favorite song, making me more relaxed than I was a while ago.
Ilang sandali pa ay dumating ang mga nag-aalalang magulang ni Evette. She went unconscious after crying too much so, his father carried her to their car.
Hindi na bumalik pa si Thaxter. Mrs. Alquiza looked for him but we can't give her an exact answer. Pinasalamatan kami ng mag-asawa bago pinal nang nagpaalam.
Matamlay ang buong grupo kinabukasan. Hindi pumasok si Evette na hindi ko na ipinagtaka. Si Thaxter naman ay nanatali sa gymnasium kahit may klase kami. Idinahilan niyang kailangan niyang mag-practice pero batid kong gusto niya lang mapag-isa.
Maliban sa mga nanunuyang titig ng mga schoolmates namin. Hindi rin sa amin nakatakas ang mga palihim nilang usapan tungkol sa nangyari kahapon.
"Dapat hindi na lang siya kumanta. The performance did not end well because of her."
"Ang lakas ng loob niyang tanggapin ang microphone. Hindi naman pala marunong kumanta."
"Puro lang paganda ang alam. Mas gugustuhin ko na lang maging pangit kaysa maging kagaya niyang walang talent."
Nagngitngit ang ngipin ko at sinulyapan ang magkakaibigang iyon sa malapit na lamesa. They noticed my irritated gaze and they just flashed their arrogant smiles.
"No wonder why that Alquiza is a loser. Just look at her friends..."
Nagtawanan sila dahilan para lalo lamang akong mairita. Matunog akong bumuntong-hininga at kokomprontahin na dapat sila nang biglang sumalida si Amore sa kanilang harapan.
"Good morning. I am from the Supreme Student Government and we are conducting a research about brainless and stupid people. Can you lend me a hand? You will be great models," nanunuya niyang asik sa kanila.
Napakurap-kurap sila at hindi makapaniwalang tinignan ang kaklase ko. "Oops, my bad! You probably don't understand what I'm saying. I forgot that I'm talking to ridiculous people like you. I'm sorry."
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay bago nilisan ang cafeteria. Tulala akong bumalik sa pagkakaupo. Tahimik na lumabas ang tatlong babaeng iyon para umiwas sa kahihiyang natamo.
Bumaling ako kay Mendel na natatawang napailing-iling. "That... was really witty and badass," mangha niyang komento.
"Why would she do that? Maaaring mapahamak siya lalo na't mayroon siyang mataas na posisyon."
"They were best of friends before... Amore and Evette. Nabigla na lang kami nang hindi na sila nagpansinan."
"Must be because of her condition."
Nagkibit-balikat siya habang unti-unti naman akong nalinawan. "Maybe."
Bumaling kami kay Atlas na kanina pa abala sa pag-scroll sa phone niya. Pumagitna siya sa amin ni Mendel at ipinakita ang kaniyang nadiskubre.
"They uploaded a video of the band's performance including Evette. In a span of fourteen hours, it already gained a million views," imporma niya sa amin.
"Trying-hard siya masyado. Akala mo naman superior na siya porque maganda."
"Ang harsh niyo naman sa kaniya. Baka kapag umiyak 'yan, sintunado rin. Hahaha."
The video was bombarded by harsh comments from the netizens. Agad iyong nagkaroon ng spot sa trending chart.
Iniwas ko ang mata ko roon dahil hindi ko na kinaya ang mga nababasa ko. Nagsalubong ang kilay ni Mendel at itinuro ang mga sumunod pang videos.
"Pinuntirya rin nila ang mga dance and song covers dati ni Evette," galit na puna niya.
This is how scary the internet can be. Dumadagdag pa ang katotohanang halos dito na umiikot ang mundo ng karamihan sa lipunan.
One mistake they see from you, a hundred of negativity and discouragement you get. Aakalain mong para lamang sa mga perpekto tao ang social media kundi lang dahil sa mga taong laging pinipiling hatakin ang kapwa nila pababa. It has always been the waterlue of the modern world: hypocrisy.
Kinahapunan, nagpasya kaming bisitahin si Evette sa bahay nila. Mabuti na lamang at nakarating na roon dati si Mendel kaya hindi na namin kailangan pang perwisyuhin si Miss Astra para sa address.
"Nasa taas siya. Ihahatid ko kayo roon," ani Mrs. Alquiza.
Sumunod kami paakyat sa kwarto ni Evette. Alanganin kaming nginitian ng ginang bago binuksan ang pinto. "Just don't freak out, kids."
Nag-aalala akong tumango. Walang ingay kaming pumasok sa loob. There are shattered pieces of a mirror on the floor. Nagkalat din ang mga painting ng mga... tao.
Napatakip ako sa aking bibig at inilibot ang tingin. Natanaw ko si Evette na nakatalikod sa amin. I dared to make a step forward even though my knees are shaking.
"Evette..."
Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Nanliit ang mga mata ko. Sinubukan kong alamin kung sino ang kausap niya.
My eyes widened due to a sudden shocking realization. "M-mannequin?"
Tinabihan ako ni Mrs. Alquiza at may lungkot sa mga matang ngumiti. "Evette uses that to practice conquering her fear of people."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro