Chapter 19
Chapter 19: Tattooed On Heartbeats
Ngumisi ako kay Magallano nang bantayan niya ako. Sinusubukan niya akong agawan kaya mas ginanahan ako. Binagbag ko ang depensa niya at nag-step back na hindi niya inaasahan kaya nakagawa ako ng espasyo.
"Carvajal, two points!"
"Whoo! Kaibigan ko 'yan!"
Napailing ako dahil natanaw kong halos magwala na sa bench ng team namin si Evette. "Nice shot," bulong sa akin ni Arya.
Nagkibit-balikat ako at nag-concentrate sa depensa. Kumunot ang noo ko nang ginaya niya ang ginawa ko kanina.
Malakas ang bunggo niya kaya napapaatras ako. Umikot siya pakanan at nag-fake ng tira pero hindi ako sumabay kaya nang tumalon ulit siya ay nabutata ko na. Mabilis kong tinawid ang bola sa side namin at nag-tear drop mula sa free throw line.
"Timeout! America!"
Nagtuloy-tuloy ang momentum namin at tinambakan ang kalaban: 12-0 run. Hindi ako nagpapa-substitute at hindi rin naman ako gustong ilabas ng adviser naming si Sir Julien na nagsisilbi naming coach.
Hinahabol ko ang sariling hininga at kumukuha ng suporta sa tuhod ko nang biglang may tumapik sa aking likod. Nilingon ko iyon at nakita si Vinyl na may hawak na panyo at tubig. Inabot niya iyon sa akin.
"That tear drop was a killer. Hindi mo sinabing malaki pala ang in-improve mo," bungad niya.
Umiling ako at pabirong sinuntok ang balikat niya. "Bakit mo minintis ang tira mo kanina? May pag-asa pa sana kayong manalo."
Ngumisi siya. "My bet is on your team, Alora," tugon niya.
Kapwa kami bumaling kay Evette na agad akong dinamba ng yakap. "Alora, turuan mo akong mag-basketball. Please."
Mahina akong natawa. "Bakit hindi na lang kay Thaxter?" pang-aasar ko.
Sumimangot siya at umirap. "Naku! Baka kahit pag-dribble, hindi ko natutunan."
"Huwag mo na 'yang turuan, Alora. Baka pati feelings ko, paglaruan niyan," pagsingit ni Thaxter. Namumula ang pisnging piningot siya ni Evette.
Inakbayan ako ni Mendel. "Tara! Dinner tayo sa amin."
Agad kaming pumayag at inaya na rin si Vinyl pero tumanggi siya dahil mahalaga raw siyang family matter na dadaluhan.
"Naku! Nakakatuwa naman at mayroon nang mga kaibigan itong alaga ko," komento ni Aling Perla habang naghahain ng pagkain sa hapag.
"Nakakatuwa rin pong maging kaibigan si Mendel. Lagi po kaming may kokopyahan ng assignment."
Natawa si Aling Perla sa pilyang sagot ni Evette samantalang napailing na lang kami. Bumaling kami sa entrada ng kanilang komedor nang pumasok si Mrs. Lavarias.
"Good evening, everyone. I hope you are enjoying your stay."
"Oo naman po, Mrs. Lavarias. The food is great. Ang ganda rin po ng interior design ng bahay ninyo."
Ngumiti siya sa akin. "Oh, dear! Just call me Tita Faye. I'm glad na nagustuhan ninyo ang pagkain. Magaling talagang magluto si Nanay Perla."
"Nambola ka pa, Eyang. O, siya. Kumain pa kayo! Susunod na ang dessert."
Maang akong napatingin kay Evette nang naglabas siya ng tupperware na kanina niya pa pala dala. Huwag mong sabihing...
"P-para saan 'yan?" tanong ko.
Yumuko siya at mahina akong siniko. "Take out. Busog na kasi ako."
Napakurap-kurap ako samantalang excited siyang ngumiti. "N-no. You won't do that."
"Ito naman! Parang hindi ka Pinoy. Ayos lang 'yan!"
Mahina akong natawa. Napansin iyon ni Thaxter. "Bakit?"
Bilang sagot, tinuro ko ang hawak ni Evette. Pumungay ang mga mata niya at sinserong napangiti. "She's really crazy, isn't she?" mahinang anas niya.
"But, we love her, right?"
"Of course. She's our friend."
Kinabukasan ay nagkalat ang mga booth na inihanda ng bawat section. May prize ang pinakamaraming kitang booth kaya kaniya-kaniya kami ng pakulo.
Ang booth namin ay nagmistulang arcade dahil sa mga games na kailangan lang ng token na kami mismo ang gumawa. Marami ang pumipila sa amin dahil na rin sa lumang juke box na dala ni Atlas. Kahit ang mga teachers at faculty staffs ay hindi mapigilang makisali sa tuwing napapadaan sa booth namin.
Bumaling ako kina Thaxter at Evette nang mapansing parang may sinisilip sila sa labas. "What is it? Bumalik na kayo sa pagbabantay. Baka mahuli pa kayo ni Amore.
Hindi nila ako pinansin kaya kumunot ang noo ko. Hinawi ko nang kaunti ang nakatabing na kurtina. Natanaw kong naroon si Atlas sa booth ng 10-America.
Nakabantay doon si Arya at ang mga kaibigan niya, hinihintay siyang makapili ng sticker tattoo. Naningkit ang mata ko nang pabirong itinulak ng kaniyang mga kasama si Arya papalapit kay Atlas.
Nagtawanan ang mga iyon nang muntik na siyang madapa. Nakita ko ang pagbaling ni Atlas sa kaniya. May ibinulong siya kaya namula ang pisngi ni Arya at nahihiyang sinalubong ang tingin ni Atlas.
Bumuntong-hininga ako at ibinalik na ang tabing. " Tara na sa loob. Mapapagalitan pa tayo niyan, eh," pag-aya ko sa kanila.
"They are seriously a match, don't you think?"
Nagkibit-balikat ako kay Evette. "Ewan? Baka? Depende naman 'yan sa kanila. Ang mahalaga ay hindi tayo mahuling tumatambay lang. Madaming customer."
Sumunod naman sila sa akin at dumating na rin si Atlas. Sinalubong siya ng tuwang-tuwa naming adviser.
"Ang ganda nitong juke box na dinala mo, Escareal. Kanino mo ba ito nakuha?" tanong ni Sir Julien.
"Sa kapatid ko po 'yan, Sir."
Napatingin ako kay Atlas na hindi maalis ang tingin sa juke box. Bumaba ang tingin ko sa tattoo niya sa kanang wrist. Tinabihan ko siya at naghulog ng token. Pumailanlang ang napili kong kanta.
~You would not believe your eyes
If ten million fireflies
Lit up the world as I fell asleep
'Cause they fill the open air
And leave teardrops everywhere
You'd think me rude but I would just stand and stare
I'd like to make myself believe that planet Earth turns slowly
It's hard to say that I'd rather stay awake when I'm asleep
'Cause everything is never as it seems~
Nadinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "I've been dreaming about her lately. Sometimes, I wish that I could stay awake when I'm asleep because everytime I wake up, she always disappears," bulong niya.
Tinapik ko ang balikat niya at nilingon niya ako. "But y-you... you will stay, right?"
Nagkibit-balikat ako. "I'm not really sure-" Maliit akong ngumiti at ipinakita ang kaparehas na tattoo sa kaliwa kong palapulsuhan. "- but expect me to hug you in your sleep with the ten thousand fireflies."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro