Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14: Without You

"Grabe! Top 1 student pa naman siya tapos gano'n pala ang ginagawa."

"He's a fraud. Hindi niya deserve ang rank niya."

Nilapitan kami ni Amore at naroon na naman ang nakaiiritang ngisi niya. "How disappointing! You should really worry because your good reputation is on the line, Carvajal. The clock is ticking. There's only limited time to save him from this disgrace," bulalas niya.

"It's just a misunderstanding. Sigurado akong nagkamali lang si Ms. Saliares."

Umismid si Amore sa sinabi ni Evette. "Then, be my guest. Patunayan mo, Alquiza."

Napalunok ako nang magawi sa akin ang tingin niya. "Besides, your friend here... seems to think the other way around. Am I right, Alora?"

"Tigilan mo na kami, Amore. You're already getting to my nerves," sagot ko at lumabas na ng room.

"I must be honored, then!" sigaw niya pabalik.

Mabibigat ang hakbang ko patungo sa A Suite. Natigil lamang ako nang harangin ni Evette. "Tama ba siya? Naniniwala kang ginawa nga iyon ni Mendel?" tanong niya sa akin. Nanginginig sa galit ang kaniyang boses.

Hindi ako sumagot kaya sarkastiko siyang tumango-tango. "What now? Hindi mo na siya itinuturing na kaibigan?!"

Nangingilid ang mga luha ko nang sinubukan ko siyang hawakan pero marahas siyang pumiglas. Umiling ako. "Evette, hindi naman sa gano'n," pagmamakaawa ko.

Dinuro niya ako. "I can't believe we trusted you. Sana... S-sana hindi na lang kami naniwala sa 'yo. You promised us friendship and you broke it, Carvajal. Now, we're done."

"No! Evette! Please!"

Tuluyan na akong humagulgol nang tumakbo siya palayo. Bumaling ako kay Thaxter na siyang naiwan. "P-please, Thaxter. Pakinggan mo naman ako. Magpapaliwanag—"

Nanlumo ako nang umiling lamang siya. "Naisip mo man lang ba ang mararamdaman ni Mendel kapag nalaman niyang naniniwala ka rin katulad ng iba na mandurugas siya? Kaibigan ka niya! Higit sa lahat, ikaw ang inaasahan niyang magtatanggol sa kaniya. Alam mo? Tama si Evette, eh. Maling pinagkatiwalaan ka namin. Kung sinuman ang fake rito, ikaw lang 'yon," mahabang sabi niya.

Bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad nang walang direksyon. Tapos na ang first day ng periodical exams pero ayaw ko pa ring umuwi. Mag-isa lang ako sa bahay at lalo  akong mababaliw kung wala akong makakausap.

Wala ako sa sarili kaya kahit nabunggo na ako sa isang eatudyante ay hindi man lang ako natinag.

"Sorry," bulong ko nang nakayuko.

Lalagpasan ko na sana siya nang hapitin niya ang baywang ko at walang sabi-sabi akong niyakap. Nanlaki ang mga mata ko at naestatwa lalo na nang maramdaman ko ang hininga niya na nasa taas lang ng mga mata ko.

"Don't worry. I will be the one to listen to you, Casablanca," bulong niya.

Natauhan naman ako at itinulak siya. "V-vinyl?" naiilang kong tanong.

Ngumisi siya kaya nag-init ang pisngi ko. Sinamantala niya ang pagkatigil ko at hinatak ako kung saan. Natagpuan ko na lang ang aking sariling kusang-lob na sumama sa kaniya.

Napapikit ako nang sumalubong ang malamyos na simoy na hangin pagka-akyat namin sa rooftop. Sumandal ako sa railings at pinagmasdan ang magandang view sa aking harapan. Nalungkot nga lamang ako nang matanaw din ang building ng A Suite.

Bumaling ako kay Vinyl nang tabihan niya ako. May simpatya sa kaniyang mukha na alam kong para sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Can you tell me everything? Makikinig ako," malambing na sambit niya.

Bumuntong-hininga ako bago nagsalita. "N-napagbintangan si Mendel na nangduduga sa test namin dahil nakuhanan siya ng papel na naglalaman ng mga sagot. T-they thought that I believe he's a cheater like the others. Bago kasi siya dalhin sa office, he went to me and said sorry. So, I thought that it must've meant something."

"Gusto ko muna siyang makausap bago gumawa ng desisyon at saka ako kikilos para patunayang wala siyang kasalanan. I'm being careful about my choices because we already have a name now. Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos lalo na't karamihan sa mga tao ay siguradong hahanapan kami ng butas."

"As his friend, all I want for him is to be free from the judgement of those people who will never bother to know the real story. Kaya gusto ko munang malaman ang paliwanag niya para makagawa ng plano. Hindi ko nga lang inakalang iisipin nilang hindi ko na itinuturing na kaibigan si Mendel pagkatapos masangkot siya sa isang cheating incident. That's just nonsense! He's a family. They are my only family," pagtatapos ko.

"Sometimes, people tend to see what they only want to see. Pinaniniwalaan lang natin minsan ang mga bagay na sa tingin natin ay hindi tayo kayang saktan. Natakot silang intindihin ka at sa tingin ko, dapat mo silang bigyan ng oras para maging matapang na paniwalaan ka kahit masasaktan sila."

I smiled sincerely. "I would have probably missed the world if not just because of your words of wisdom."

"I hope you'll miss it, though. Kasi nandito ako," nanunuya niyang sagot.

Natawa kami pareho hanggang sa makarinig kami ng paghikab. Umawang ang bibig ko nang nalingunan ang kagigising lamang na si Atlas sa aming likuran.

"A-ano... K-kanina ka pa riyan?"

Pupungas-pungas siyang tumayo. "Don't worry. I'll leave you two alone. Sa canteen na lang ako matutulog."

"Atlas! Wait!"

Hinabol ko siya. Huminto siya pero hindi ako hinarap. "K-kaibigan mo pa rin naman ako, 'di ba?" nag-aalinlangang tanong ko.

"Iyon ba ang gusto mo?"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Oo."

"Paano kung sabihin kong ayaw kitang maging kaibigan?"

"A-ano?"

Hinarap niya na ako. "There's a thing called reading between the lines. Kung hindi mo pa rin naiintindihan, hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo, Carvajal." Ngumisi siya.

Kumunot ang noo ko habang pinanonood ang pag-alis niya. Wala akong naintindihan maliban sa sinabi niyang 'reading between the lines'. Alam ko iyon pero anong kinalaman niyon sa kaniya?

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa office para sana kausapin ang aming guidance counselor. Nagulat ako nang maabutan ko pa roon si Mendel at ang mother niya. Nagtago ako sa likod ng makapal na pillar sa hallway at pasimpleng sumilip.

"I thought you were smart?! Are you even thinking before doing this?! This is a shame to our family! I expected you to graduate with the top spot but I never thought that you will cheat!"

Naawa ako kay Mendel pero hindi ko naman nagawang sumabat dahil baka lalo lang siyang pag-initan. Masama ang loob ko hanggang sa pag-uwi.

Kinabukasan ay sinalubong agad ako nang napakagandang balita! Nagkaroon ng ebidensyang pinagbantaan lang si Mendel ng dalawa naming lalaking classmates na kung hindi siya magpapakopya ay isusumbong siya sa mga kasama nila sa fraternity na mahigpit na ipinagbabawal sa school namin. Kalaunan, na-suspend din sila.

"Pasensya ka na, Mendel. We really thought that you are just cheating to be on the top. Hindi naman namin inakalang they threatened you."

"It's okay. Ayoko lang talagang mapahamak kaya napilitan akong gawin iyon."

Gusto ko rin sana siyang makausap kaya lang natatakot ako na maulit ang nangyari kahapon. Ayoko nang makatanggap ng ganoong mga salita pero nang uwian na ay hindi rin ako nakatiis at sinubukan ko siyang lapitan.

Biglang sumalida si Evette sa harap ni Mendel kaya napaatras ako. "Tara! Alis na tayo," aya niya sa kaniya pagkakita sa akin.

Hindi ako sumuko. Sumunod ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa A Suite. Dahan-dahan akong pumasok. Napatingin naman sila sa akin maliban kay Thaxter at Evette.

Ngumiti ako kay Mendel pero hindi siya kumibo at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kanilang lahat. Tahimik akong umupo at nakinig na lamang kahit hindi naman ako kasali sa usapan.

Ilang sandali pa ay tinabihan ako ni Thaxter na siyang ikinabigla ko. Mas mahinahon na siya ngayon kaysa kahapon kaya napangiti ako.

Nawala nga lamang iyon nang madinig ko ang gusto niyang sabihin. "Gusto ni Evette na umalis ka na," bulong niya, walang emosyon ang mukha.

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. "H-huh? Kakausapin ko lang naman si Mendel."

"We don't need you anymore. Kung ang grupo ang inaalala mo, kaya namin kahit wala ka."

Akala ko wala nang mas isasakit pa sa mawalan ng kaibigan pero mayroon pa pala. To hear them say that they don't need me anymore feels like the world has gone mad. But it's still normal for them. Kasi mula umpisa, ako lang naman ang nagpupumilit na maging kabilang sa kanila. And now that I'm gone, it would be like the first moment we met but this time, there's no Alora anymore that will wait for them to come by.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro