Chapter 13
Chapter 13: Caught In The Act
"What refers to the process of arriving at a conclusion about a population based on the information obtained from a sample?"
Napanguso ako at inalalang mabuti ang binasa ko kani-kanina lamang. Parang wala namang ganoon do'n, eh. 'Di kaya nag-iimbento lang ng tanong itong si Evette?
"Inferential Statistics," sagot ni Mendel na kararating lamang.
Sumimangot si Evette. "Oo na. Alam naming genius ka. Hindi mo na kailangang patunayan."
Natawa ako dahil hindi naman siya pinansin ni Mendel na nagsimula nang magbasa. Tumabi sa akin si Atlas na nakikinig sa walkman niya.
Kinakalabit ko siya. Bumaling naman siya sa akin at tinanggal ang isang bud sa kaniyang tainga. "Hindi ka magr-review?" tanong ko.
Bilang sagot, hinayaan niya akong makinig doon. Mangha ko siyang tinignan na ikinangisi niya. "Ni-record ko ang buong module sa mahihirap na subject para napapakinggan at tumatak sa isip ko maliban sa pagbabasa."
Tumango-tango ako at naisip na maganda ngang strategy iyon. Nahihirapan kasi ako sa sobrang dami ng sauluhin. Hindi ako gaanong matalino at umaasa lang minsan sa keywords.
Sa tingin ko, makakatulong sa akin ang ganoon kaya naki-share na lang ako kay Atlas habang isinusulat ang mga mahahalagang topics na dapat kong pagtuunan ng pansin.
"Nasaan nga pala si Thaxter?" pag-uusisa ko.
"May practice raw. Mamaya, nandito na rin 'yon," sagot ni Evette.
Napagpasyahan kasi naming magkita-kita ngayong Sunday para mag-group study. Bukas na kasi ang periodical exams namin kaya todo kami sa paghahanda.
Since lagi namang bukas ang school kahit weekends dahil sa mga teachers at varsity, sa A Suite na lang kami tumambay.
Ilang sandali lamang ay dumating na si Thaxter na may dalang gym bag at mga libro. Tinabihan niya si Evette na nawili na sa sinusulat.
"Ano na? Ayos pa ba kayo?" nakangising tanong ni Thaxter.
"Nagr-review kami. Ikaw? Tapos ka na?"
Umiling siya. "Hindi pa nga ako nakakapagsimula," sagot niya.
Matunog na umismid si Evette. "Sus! Ganyan din ang sabi mo noong nakaraang nagkaroon tayo ng long test pero nakakuha ka ng perfect score. Lokohin mo, lelong mo!"
"Humble lang talaga ako, Alquiza."
"Ang sabihin mo, hambog ka talaga." Napailing-iling si Evette samantalang naaliw siyang tinawanan ni Thaxter.
We spent half of the day reviewing our modules. Late in the afternoon, we went to a local restaurant nearby. We would tease each other's corny jokes and then, tell their childhood stories that I seemed to envy.
They are the only memory I can share with the world and it means everything to me. Marahil sa kanila ay hindi kasing halaga ng akin pero alam kong napamahal na sila sa grupo. I would sacrifice for them If I have to.
"Alora, si Vinyl iyon, 'di ba?" turo ni Evette sa lalaking nakasandal sa malapit na kotse.
Nakita niya yata kami dahil umayos siya ng tayo at patakbo kaming nilapitan. "Hey! Uwi na kayo?"
Marahan akong tumango. "Oo, eh. Hinhintay lang namin ang sundo ni Evette," sagot ko.
"Gano'n ba? I will wait for you. Ihatid na kita."
Tumikhim si Evette. "Naku! Sa totoo lang, pwede na namang mauna si Alora, eh. Nandiyan naman sina Thaxter at Atlas."
Mariin ko siyang tinignan na sinagot lang niya ng makahulugang ngiti. "Ano? Sasamahan kita," bulong ko.
Umiling siya at mahina akong itinulak. "Sige na. Magkita na lang tayo bukas."
Wala na akong nagawa kundi pumayag. Pinagbuksan ako ng pinto ni Vinyl samantalang nilingon ko ang mga lumapit na mga kaibigan.
Namulsa si Atlas. "Why does he have to take you away every time?" bulong niya.
Kapwa kaming napangisi. "Mag-ingat kayo."
Tumango siya. "Good night, Alora."
"Good night."
Kabado kaming pormal na nakaupo sa loob ng opisina ng aming headmaster. Nanlalamig ang mga kamay ko at ganoon din ang kay Evette na magmula nang pumasok kami rito ay nakahawak na sa akin.
"Mas nakakakaba pa 'to kaysa sa test," bulong niya.
Ngumisi ako at tinapik ang kamay niya. "Relax. Kakausapin lang naman tayo." Umiling siya at nakapikit na yumuko.
Sabay-sabay kaming maayos na tumayo nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang headmaster. "Good morning po," pagbati namin.
Isa-isa niya kaming nilapitan at kinamayan. Napangiwi ako pagkatapos dahil nakakahiyang pasmado ako.
"Good morning! It's nice to finally meet you. Sit down. Be comfortable, okay?"
Mahina kaming natawa kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya. Napalunok ako nang magawi sa akin ang kaniyang tingin.
"Am I right, Alora?" tanong niya.
Marahan akong tumango. "Y-yes po."
Inayos niya ang kaniyang salamin at pinagsiklop ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "Gusto ko lang kayong personal na pasalamatan dahil sa ginawa ninyong tulong sa mga homeless children at kay Rolly. On behalf of the school, I would like to recognize you as one of the most compassionate youths of this generation."
Inabot niya sa amin ang isang naka-frame na certificate. "I hope we can collaborate on a project in the future. Don't hesitate to contact me if you need some help, alright? I am looking forward to the success of your team."
Pumasok ang kaniyang secretary na may dalang camera. Pumwesto kami kasama ang headmaster. Matapos ang ilang shots, kinamayan niya muli kami at hinayaan nang makaalis.
"Grabe! Akala ko, mahihimatay na ako roon!" si Evette na nakahinga na nang maluwag.
"Good thing pala na naroon ako para saluhin ka kung sakali."
Sandaling natahimik si Evette sa sinabi ni Thaxter habang napangiti naman kami ni Mendel. "May test pa tayo, 'di ba? Halika na," aya niya sa amin.
Hindi ko napigilan ang panunukso sa kaniya kaya hanggang sa pagdating namin sa room ay bad trip siya. Naroon na ang teacher namin kaya umupo na kami at hinintay ang pagsisimula.
Naglibot siya at pinamigay ang questionnaires. Suminghap ako nang nahawakan na ang test paper. Ini-scan ko ang front page at halos lahat naman doon ay natatandaan ko.
Abala kami sa pagsasagot nang biglang dumagundong ang boses ng Research teacher namin na si Ma'am Saliares.
"What's the meaning of this, Lavarias?! To the guidance office! Now!"
Napahinto kaming lahat. Nag-aalala kong binalingan si Mendel na nakayuko lamang. Tumayo siya at nang tumapat siya sa akin ay bumulong, "I'm sorry."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro