Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1: Atlas

Kasalukuyan akong nasa headquarters at naglilinis. Naisip ko kasing hindi kami magiging komportable kung maalikabok at sira-sira ang mga gamit.

Buhat ko ang sirang arm chair at balak ipagawa sa mga vocational students sa Senior High nang may kumatok. Ibinaba ko na muna iyon at isininop ang takas na buhok sa likod ng aking tainga.

Ngumiti ako nang napagbuksan na ang bagong dating. "Good morning, Atlas!"

Tipid siyang tumango, hindi pa rin makatingin sa mga mata ko. Inilahad ko sa kaniya ang matinong upuan at kinuha ang dala niyang kontrata.

Ngumisi ako nang makita ang pirma niya. After all, hindi pala sayang ang effort kong magpaulan kahapon. Pero kahit siguro hindi ko siya kilala at nakita ang kalagayan niya, hindi pa rin ako magdadalawang-isip na gawin iyon.

He really cried under the rain to hide his tears. Ang mga taong iyon na nakapaligid sa kaniya, maliban sa akin, walang kaide-ideya sa kung anong nararamdaman niya.

Atlas is thin and usually quiet so, everyone assumes that he is weak. Kapag napagkakatuwaan siya, hindi siya kumikibo kaya lalong nae-engganyo ang mga iyon na pagkaisahan siya.

And what's wrong with using a walkman in this modern era? With being different from the others?

We have different preferences. If Atlas prefers walkman than any of the updated mp3 players, it is his choice. It means that he knows himself. You don't have to make fun of him just because he makes his own choices rather than keeping up with everybody else for the sake of being modernized and pleasing them.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Atlas at napansing hindi niya dala ang walkman. "Nasira?" tukoy ko roon. Naalala ko kasing hawak niya iyon kahapon habang nasa ilalim ng ulan.

"Oo. Ipinagawa ko," tugon niya.

Tumango ako, sinipat ang relo. Maaga pa naman at mukhang wala pa naman siyang balak umalis dahil kung ayaw niya na rito, kanina pa iyan lumabas nang walang paalam katulad kahapon.

Tumikhim ako at itinabi na ang envelope niya sa iba pa. Ipinagsiklop ko ang kamay sa ibabaw ng lamesa habang pinagmamasdan siyang tahimik.

"Wala ka bang... ibang kaibigan?"

Nag-angat siya ng tingin sa noo ko, sadyang iniwasan na naman ang aking mga mata. "Iba? Kaibigan ba kita?" Ang paraan ng pagtatanong niya ay kaswal lamang at walang intensyong manakit pero hindi ko alam kung bakit natigilan ako.

Umawang ang bibig ko at kalaunan ay pagak na natawa. "Well, para sa akin, kaibigan kita... Kung ayaw mo, ayos—"

Pinutol niya ako at nag-iwas ng tingin, nagpipigil ng ngiti. "Gusto ko..." bulong niya.

Ngumuso ako at tumango, naaliw sa reaksiyon niya. Naiintindihan ko naman iyon dahil kahit sino, matutuwa kung ako ang magiging kaibigan.

"Papasok na ako. Ikaw?"

Tumayo na rin ako at isnukbit ang bag. "Sabay na tayo. 10 - Einstein, 'di ba?"

"Kaklase kita?"

Masigla akong tumango at hinigit siya palabas ng headquarters. Hindi ko natapos ang pag-aayos kaya siguro magpapatulong na lang ako sa kanila mamayang uwian at pag-uusapan na rin ang mga proposed activities nila.

Nakasalubong namin si Thaxter na papunta na rin sa room namin. "Ikaw pala 'yong sinasabi ni Sir Julien na transferee," sabi niya nang ibalita ko sa kaniya ang pagiging classmates namin.

Kaming tatlo ang nauna sa room na sarado pa kaya hinintay namin ang aming adviser na dumating din naman kaagad. Binati ako nito at binigyan ng modules ng mga na-missed kong lessons sa mga araw na hindi ako pumasok.

Magaan namang lumipas ang buong umaga dahil mainit ang pagtanggap nila sa akin. Ilang taon na rin silang magkakasama at kapansin-pansin ang pagiging malapit nilang lahat maliban kay Atlas na walang kibo sa tabi ko.

"Mamayang last period daw ang election ng homeroom officers. Iboto ninyo akong president, ah?" si Evette na kanina pa pinapaalala ang balak niyang pagtakbo.

Magkakasama kaming kumain ng lunch sa Math Park. Inamin nilang unang beses pa lamang nilang magsabay sa pagkain dahil may kaniya-kaniya silang circle of friends... maliban kay Atlas.

"Mamaya nga pala, pwedeng humingi ng tulong sa inyo para sa pag-aayos ng headquarters? Meeting na rin para sa mga future activities natin."

"Sure! Pero kailangan may name ang headquarters natin!"

Sumang-ayon sina Thaxter at Mendel sa suhestiyon ni Evette kaya naging abala kami sa pag-iisip. Natuwa ako na willing silang i-pursue itong organization na ito kahit wala naman sa plano nila.

"The A Suite... Ayos lang?" tanong ni Mendel na siyang unang nakaisip ng pangalan.

Napalakpak si Evette at inalog ang magkabilang balikat ni Mendel. "Ang ganda! Sosyal!"

Mahina akong natawa. Wala nang makaisip ng iba pa kaya ang idea na ni Mendel ang nasunod.

The A Suite. Home of The A Team.

Sabik ang lahat nang dumating na ang last period. Kanina pa kami tinatapunan ng tingin ni Evette na parang pinapaalala ang pabor niya.

"We will now start the election for homeroom officers. The table is now open for nominations. Any nominees?"

Agad nagtaas ng kamay si Evette. "Yes, Evette."

"I nominate myself for the position of President, Sir!"

Nagtawanan ang marami samantalang namangha naman ako sa ipinakita niyang kompiyansa sa sarili. Ngumisi si Sir Julien at isinulat ang pangalan niya sa board.

"Who's in favor of Evette Alquiza?"

Nagtaas ako ng kamay at si Evette. Sumunod naman sa amin sina Thaxter at Mendel. Bumaling ako kay Atlas, bumuntong-hininga siya at nagtaas na rin.

Bagsak ang balikat ni Evette habang naglalakad kami papunta sa A Suite. Malaki ang naging lamang sa kaniya ng nai-elect na president na si Amore Mondrante.

Napansin naman iyon ni Thaxter kaya kinabig niya at inakbayan si Evette. "Huwag ka nang malungkot. Ikaw naman ang presidente namin."

Humaba ang nguso ni Evette at umiling. "Hindi kaya! Si Alora!"

"E 'di ikaw ang Vice President!" si Mendel na sumali na rin sa pagpapagaan ng loob ni Evette.

Natigilan siya at tinignan kaming lahat. "T-talaga?"

Tumango kaming tatlo nina Thaxter at Mendel. Sinulyapan ko ang nagbaba ng tingin na si Atlas. Napansin naman niya iyon kaya tumango na rin habang nasa akin na ang tingin.

One thing about Atlas Escareal that really bothered me was he never looked into my eyes... until now.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro