Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter I

LUNA POV

  'My kiss will never be yours, trouble girl'
  'My kiss will never be yours, trouble girl'
  'My kiss will never be yours, trouble girl'

  "Ano ba naman 'yan luna?!" Inis na sabi ng baklang mukhang tukmol na may ari ng flower shop. "Unang araw mo palang ang laki na ng ginawa mong kalat!!"

  'My kiss will never be yours, trouble girl'

  "Luna! Nakikinig ka ba?!"

  "Asa ka naman na gusto ko ng kiss!!!" Sigaw ko.

  "Anong pinagsasabi mo dyan? Maghanap ka nalang ng ibang trabaho luna"

  "Per—"

  "Sige na, baka may masira ka pa" Saad nito at tinalikuran ako

  "Anong tingin mo sa 'kin naninira ng gamit?" Saad ko at lumapit sa kaniya. Hindi ko napansin ang paso na nasa gilid kaya natumba ito dahilan ng pagkabasag nito.

  "Lumayas ka na nga rito!!" Sigaw nito. "Libo na ang nasira mo! Umalis ka na!!" Pinagtutulak ako nito palabas.

  Kinuha ko ang gamit ko at kusang lumabas ng flower shop.

  "Tatanga tanga" rinig kong sabi ng baklang tukmol.

  "Hoy!! Baklang mukhang tukmol na may mahabang buhok sa kili-kili!! Kung wala ako kanina edi sana walang magbabantay ng mga bulaklak mong amoy bulok!!! Ta's yang bouquet mo na sobrang mahal hindi naman kagandahan!!! low class!!!" Sigaw ko.

Narinig ko ang sigaw nito habang papalapit sa 'kin kaya tumakbo na rin ako papalayo sa flower shop na yun.

  "Kasalanan ang lahat ng 'to nung lalaki, siya naman ang may kasalanan kung bakit ako nagulat. Saka bigla nalang nawala ang baklang unggoy—"

  "What the—" napatingin ako sa harapan ko at... "Tch. You again trouble girl." Nakangising sabi nito.

  "Hoy! Ikaw! Ikaw ang may kasalan kung bakit nawalan ako ng trabaho!! Kayong lahat!!" tawag atensyon ko sa mga tao nang makuha ko na ang atensyon nila ay agad kong dinuro ang lalaking mukhang unggoy pilit kong itinapat ang mukha ko sa mukha niya, mataas lang ito ng kaunti sa akin "Alam niyo ba na ang lalaki—" Napahinto ako sa pagsasalita ng...

  "What the fvck?!" Saad nito, habang pinupunasan ang labi niya. "Gagawa ka pa ng eksena dito" pabulong niya sa 'kin.

  "K-kinuha mo a-ang f-firstkiss ko!!!" Inis kong sabi

  "What are you talking about? You're the one who kiss me stupid!!" Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa 'kin.

  "A-ako?" Tumingin ako sa paligid na tila naghahanap ng sagot nakita ko ang isang bata na tila tumatango. "A-ako ang humalik s-sayo?"

  "Tch."

  "Hoy! Tinatanong pa kita!" Sigaw ko ng talikuran ako nito ng walang pasabi. Kaya sinundan ko naman it— napahinto ako ng mabangga ko ang isang bata at nadapa ito dahilan ng pag iyak niya.

  Agad akong lumuhod sa harap ng bata para patahanin ito. "Trouble maker, tch." Rinig kong sabi ng lalaki titingnan ko palang sana ito ng marinig ko ang boses ng ina ng bata.

  "Ano ba naman 'yan miss?! Hindi ka tumitingin sa dinaraan mo!" Rinig kong sabi ng ina nito

  "Hindi ko kasalanan, kasalanan niy—" Ituturo ko palang ang lalaki pero nawala na ito. "N-nasaan na yun?"

DEWFER POV

   "Good morning sir, Can I take your order?" Waitress asked

  I look at the menu "Just one cup of coffee"

  "Okay sir" then she leave, I just smiled at her.

  As I'm waiting for my order I look aroun-- "That girl again" I whispered when I saw the girl last week.

  My phone vibrates, i pick and answered the phone call

  "Dew where the hell are you? We're waiting for almost two hours here?!!" I heard grandpa's voice in the other side  of the call

  "I'm goin--"

  "You should Dewfer, I think she's the girl we're waiting for" when he said i— "WHAT THE—"

LUNA POV

  Naupo ako sa tabi ng lalaki ng walang pasabi.

  "WHAT THE—" napatingin ako sa lalaki at...

  "Sinusundan mo ba 'ko?" Pagtataka kong tanong sa lalaki habang nakangisi

  "Tch, why would I?" Sarkastiko nitong sabi bago ako talikuran. "Yes... Yes I'm going" sabi nito sa katawagan niya habang masama ang tingin sa 'kin. Pinatay niya ang phone call at tumingin lang sa 'kin ng masama.

  "Eto na aalis na" tumayo ako at natatawang umalis sa pwesto niya.

  "Luna padala nga dun sa gwapong lalaki." Nakangiting uto nito sa 'kin.

  "Gwapong lalaki?" Tumingin ako sa paligid. "Wala namang gwap—"

"Yung lalaking yun oh" itinuro nito ang lalaki na sa tuwing nakikita ko ay puro kamalasan ang nangyayari sa 'kin.

  Napangisi ako at agad na kinuha ang coffee. Nasa harapan na ako nito pero hindi ako pinapansin dahil nakatutok siya sa cellphone niya kaya...

  "Sir." Padabog kong inilagay ang coffee niya sa mesa dahilan para matapon ang coffee sa damit nito at pagkabiglang tayo dahil sa init ng kape.

  "Argh!!! Stupid!!! Everytime I saw you argh" Nangagagalaiti nitong sabi. "Such a trouble maker" saad nito.

  "Luna!!! Ano nanaman ang ginawa mo?!! Tatlong araw ka palang dito grabe na ang perwisyo na idinulot mo!!" Bulyaw ng manager na tinalo pa si Jollibee sa laki ng tyan.

  "I-I'm sorry sir" tumingin ako sa paligid at wala nanaman ang lalaki, hindi kaya multo yun bigla nalang naglalaho. Hindi man lang nagsabi na aalis na siya.

SOMEONE POV

  "Sir, siya ang matagal na nating hinahanap na taga pagmana" saad ko

  "Paano ka nakakasigurado?" Tanong ni boss habang tinitingnan ang mga picture na inilahad ko sa kaniya.

  "Dahil sa malarosas na hugis puso na balat sa palapulsuhan nito" saad ko at ipinakita ang larawan ng babae na kung saan makikita nga ang balat nito.

  "Nasaan na siya ngayon?" Tanong nito.

  "Ngayon siya'y nagtatrabaho sa isang coffee shop malapit sa unibersidad na iyong sakop—"

  "Malapit sa pagmamay ari niyang unibersidad"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro