Wakas
A/N: I read your comments about this kaya ito na binigay ko para naman makatulog na kayo ng mahimbing at ma-tuloy ko na ang update ng Season Of Heart on a daily basis. As planned, mababasa niyo ang epilogue plus three special chapters sa libro sa December 2021.
***
Wakas: I'm Still New York
Bea
"DO you need anything, ma'am?" tanong sa akin ng flight attendant na lumapit ng pindutin ko iyong seat button sa gilid ko. I was so cold and I need a blanket. Hindi naman ako makatayo dahil baka mamaya mabuwal ako at mahirap na, buntis ako at kailangan ko na mag-dobleng ingat ngayon.
"Can I have a blanket, please?"
Ngumiti sa akin ang flight attendant saka sandali akong iniwan. Pagbalik niya, may dala na siyang kumot at maliit na unan na nilagay niya sa likuran ko. Wala akong masabi sa airline na ito dahil simula pagpasok ko ay asikasong-asikaso na ng mga flight attendants kaming nasa business class. Yes, business class ang classification ng plane ticket na iniwan ni Max sa akin na siyang pinili ko pagkapaalam kay Lola at Mama. Yes, my mom and I already reconciled sort things out a little. Babalik naman ako kaya mapa-plantsa pa naming ang ibang gusot sa pagitan namin. Bumalik ako sa doctor ko kahapon at tinatanong kung safe ba na bumiyahe ako at binilinan na lang ako na mag-ingat saka laging humingi ng tulong sa mga flight attendant.
Bago ako humantong sa desisyon na ito na alam ko namang mag-pa-pasaya sa akin ng husto kailangan ko muna isara ang isa pang bukas na libro. Kapag hindi ko ginawa ito, pakiramdam ko hinding-hindi na ako magiging masaya kahit na anong gawin ko na pag-pu-pumilit. It was an emotional parting before I enter this plane but I felt no regrets. Alam ko sa sarili ko na tama ang gagawin ko na bumalik sa Brooklyn para kay Max. I need him, we need him. When I got settled, the flight attendant left and all I did that very moment was to travel down memory lane.
***
"Kumpleto na ba lahat ng gamit mo? Ihahatid ka pa ba namin?" tanong sa akin ng Lola habang tinutulungan niya ako na mag-impake ng mga gamit.
Naulit iyong eksena noong panahon na aalis ako para hanapin si Papa sa Brooklyn. Hindi na nga lang natanong ni Lola kung sigurado na ba ako sa gagawin ko dahil alam naman niya kung paano ako mag-isip. Naging makasarili lang ako at hindi nakita ang mga sakripisyo ni Max. I need to win his heart once again not only for me, but for the life inside me. Nang basahin na sa akin ang resulta kahapon, aminado ako na hindi ko alam ang aking gagawin.
How can I be so selfish and let the only guy who loved me more than he loved himself go?
"Ate, may naghahanap sa 'yo sa 'baba." Pareho kaming napalingon ng Lola kay Aila. Hindi niya sinabi kung sino ang naghahanap sa akin kaya huminto muna ako sa ginagawa at bumaba.Naka-sunod sa akin si Lola na panay ang paalala na mag-dahan-dahan ako sa paglalakad at pagbaba baka daw mapano kaming mag-ina."Ayaw niya pumasok, Ate. Doon na lang daw siya sa garden."
"Sige ako na bahala. Tulungan mo na lang si Lola." Sabi ko saka lumabas na.
Sa garden, may isang babae na pula din ang buhok gaya ng akin. She has the same physique as I am. Matagal ko na hindi nakita ang pigura na iyon at aminado ako na hindi ako umasa na babalik pa siya. Matapos ang lahat ng nangyari noon, kinalimutan ko na ang paghiling na makumpleto ang pamilya ko. Nang lumingon siya sa gawi ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha.
Dala ba ito ng pagbubuntis ko?
Ganito ba talaga iyon?
I felt a faint movement inside my tummy, like butterflies in a pit of my stomach. Nasapo ko iyon saka malalim na huminga. Was this my baby's way to communicate with me? Dati ko ng nararamdaman ito ngunit hindi pinagtutuunan ng pansin dahil nga sa pagiging abala ko. Sunod-sunod pa ang problema at pang-aaway ko kay Max.
"Bea..." wika ni Mama saka lumapit sa akin at yumakap.
"Bakit ngayon ka lang bumalik?" tanong ko agad sa kanya.
Nang makabalik ako noon galing Brooklyn, siya agad ang tinanong ko kay Lola ngunit hindi nagawang masagot. Alam ko na may tampo ang Lola kay Mama. She stole all my earnings in Brooklyn that made us broke. Nag-iisang dahilan kaya itong singsing na suot ko ngayon ay nagawa kong ibenta. But, who would've thought that this ring will come back to its original owner? That it landed on my finger and I couldn't still believe it.
"S-sorry ngayon lang si Mama. Naging selfish ako at puro sarili ko lang iniisip ko. Naging bulag ako at hindi nakita ang importansya mo sa buhay ko, Bea." Mama said when we broke our hug.
Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa na para bang kinakabisado ang itsura ko. Napaisip ako bigla ng marinig ang binitawan na mga salita ni Mama. Ang dami ko namang pwedeng manahin bakit iyong pagiging indecisive pa ni Mama ang nakuha ko. Ang totoo, hindi ko alam ang naghihintay sa akin sa Brooklyn. Bibitbitin ko lang sa pag-alis ko yung pangakong binitawan ni Max na maghihintay siya sa akin doon.
"Aalis po ako ulit." Paalam ko sa kanya.
Hinawi niya ang buhok saka matipid na ngumiti. I invited her to sat down so we could talk. Mamaya pa namang gabi ang flight ko kaya may oras para makapag-usap kaming dalawa kahit paano. Max will be proud of me because I finally did this, talking to my Mom and try fixing our relationship. Matagal na niyang sinasabi noon na hanapin at kausapin ko si Mama kaso wala akong lakas ng loob na gawin iyon. Hinintay ko na lang na dumating ang araw na ito na siya ang hahanap sa akin.
"Babalik ka ba sa Papa mo?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa bilang paunang tugon sa tanong niya. "Bibisitahin ko siya pero may iba akong pakay." Muli ko nasapo ang aking tiyan. "Buntis po ako at ayoko na matulad ang batang ito sa akin na buong buhay ay naghahanap ng kalinga ng isang ama."
Ngumiti ang Mama pagka-rinig sa sinabi ko.
"Alam mo noong panahon na nalaman ko na buntis ako sa 'yo, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakilala ko si Richard sa bar, nag-usap hanggang sa mauwi kami sa kama at nabuo ka nga. Paalis na siya noon at kumpyansa naman ako na hindi ako mabubuntis. Maingat ako dahil alam mo na, trabaho ko ang magbigay ng aliw sa mga lalaking nalulumbay. Natakot ako para sa kinabukasan mo. Anong sasabihin ko sayo na klase ng trabaho na meron ako? Paano ko haharapin ang magiging kaibigan mo at pamilya nila? Natakot ako na mahusgahan kaya handa na akong ipalaglag ka kaso pinigil ako ng Lola mo."
Huminga siya ng malalim bago nagtuloy sa pagsasalita.
"Sinabi niya na kung hindi ko kayang buhayin ka, siya na daw ang bahala sayo. Binigay ko ang karapatan sa kanya at hindi ka hinawakan dahil may galit sa puso ko na dala-dala ko hanggang sa lumaki ka."
I sniffed. Pinalis ko ang mga luha na nag-landas sa aking magkabilang pisngi. Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong pagkakataon na makapag-usap ni Mama. Malamig ang pakikitungo niya sa akin noong bata ako hanggang ngayon nang umalis siya iwanan ako ng tuluyan. Si Lola Esme lang ang naging nanay sa akin simula noon hanggang ngayon. Hindi ko masabi kung galit ba ako kay Mama ngunit isang bagay lamang ang malinaw, may tampo ako sa kanya.
"Alam ko na galit ka at ayos lang. Babawi ako at hindi na ako mangangako at ipapakita ko na lang sa 'yo, Bea." Kinuha niya ang mga kamay ko at hinalikan ang likuran noon. "Nakikita ko na magiging mabuti ka na ina sa magiging anak mo. Magka-iba tayo, Bea at bata ka palang alam ko na angat ka sa lahat."
Hanggang sa pagbalik ko sa pag-e-empake ay iniisip ko ang mga binitawang salita ni Mama. Hindi ko na siya pina-alis at hinayaan na dumito sa bahay kasama ni Lola. Sa kanila ni Aling Flora ko ibinilin ang Lola ko at kay Aila ko naman sila binilin lahat. Hindi na ako nagpa-hatid sa kanila dahil kikitain ko si Thali ngayon. She's the one who will bring me to the airport. Kasama niya si Lauren, iyong cute ko na inaanak na kamukhang kamukha ni Chris.
I didn't question Thali's decision of hiding Lauren from Chris. Sinuportahan ko lang siya at paminsan-minsan ay nag-uusap kami sa chat. Hindi ko pa alam na nandito pala siya sa Pilipinas noon at ngayon lang talaga kami magkikita na dalawa.
"Hey, crying lady, hop in!" pukaw sa akin ni Thali. Sumakay ako at hinayaan na yung kasama niyang driver ang magsampa ng mga gamit ko sa sasakyan. Hindi ko na pinalabas sila Lola at Mama, baka kasi magdramahan pa kami eh sigurado naman ako na babalik ako dito kapag hindi ako tinanggap ni Max. "Lauren, tell ninang to stop crying na. Papangit 'yang magiging anak mo, sige ka."
"Alam ko ikaw napaka mo talaga."
"Napaka-ganda?"
"Siguro kaya patay na patay sa 'yo si Christian." Hinila niya ang buhok ko kaya sinimangutan ko siya. "Lauren, magkikita kami ng Daddy mo pero hindi ko sasabihin na existing ka na. Kahit cold si Mommy, kaibigan ko pa din 'yan." Ngumiti si Lauren sa akin saka yumakap sa akin pagkatapos ay inabala ang sarili sa paglalaro sa hawak na laruan. I suddenly imagined my own baby as old as Lauren. I wished, whatever the gender is, to have Max's expressive blue eyes.
"Is Max aware of your pregnancy?" tanong ni Thali sa akin.
Umiling ako. Surprise iyon at hindi ko pa na-pa-plano talaga kung paano sasabihin. I have the pregnancy test kit result, the blood test, and the sonogram which I will use as props. Kaso hindi ko pa talaga kung paano magagamit ang mga iyon.
"Tingin mo ano ang magiging reaksyon niya?" Kuryoso kong tanong kay Thali. Kumuha ako ng tissue saka pinunasan ang ilong ko. Kanina pa ako walang tigil sa pag-iyak at ito yata ang tinatawag na pregnancy hormones.
"He'll be shocked? I don't know. Your man knows how to cope up with surprises. Remember that plan you have in your mind which he spoiled? Instead, ikaw ang na-surprise niya noon."
Napanguso ako ng maalala iyong surpresa na nabuo ko noong first anniversary namin ni Max. Tinawagan ko pa sila Thali, Del at Gwy para humingi ng suggestion kaso nahulaan din naman ni Max kaya nonsense lang lahat ng plano ko. Ako ang na-surprise niya dahil ang sabi niya sa chat, hindi siya makaka-uwi sa araw na iyon at nagtatampo na sana ako. But an unexpected package delivery ended my sulking treatment at him.
"Pero, tatanggapin niya kaya kami?"
"Of course, gaga ka ba? Remember how sad he was when you're diagnosed to have a false pregnancy?"
"Sige, think positive muna ako ngayon." Sabi ko na kinangiti ni Thali. Kinuha niya sa akin si Lauren at pinatulog na. Mabilis lang ang naging biyahe dahil sa skyway kami dumaan na dire-diretso na hanggang sa airport. Pagdating doon, bumaba si Thali para magpaalam sa akin. Sinabihan niya ako na mag-iingat at huwag mag-isip ng kung ano-anong ka-nega-han sa buhay.
Pumasok ako sa airport at isang huling lingon saka kaway pa ang binigay ko sa kanila bago tumungo sa departure area kung saan ko kikitain si Dominic. Sabi nila, to be able to acquire happiness, an open book must be closed. Si Dominic iyong huling open book sa buhay ko na kailangan ko isara. Alam ko na matatanggap niya ang desisyon ko na ito kaso hindi ako sigurado kung maging magkaibigan parin kami. Bahala na si Lord sa mga susunod na mangyayari. Iyon naman ang bilin ni Lola, ibigay ko lahat sa Kanya at Siya na ang bahala sa lahat.
"Dominic..." I said upon seeing him standing near the departure gate. Sa kabila ang gate ng flight ticket na hawak kaya magiging magkaiba ang daan naming dalawa.
"Bea, I thought you're not coming," Dominic said, then gave me a hug.
Agad akong kumalas at bahagya na lumayo sa kanya. "Hindi ako sasama sayo." Diretso kong sabi saka pinag-lapat ang labi ko. "I choose New York, I'm still New York."
Napayuko si Dominic sandali pagkasabi ko noon sa kanya.
"Mahirap talaga labanan ang tinadhana," he said then smile.
"I guess so?" Sinapo ko ang tiyan ko saka tumingin sa kanya. "I'm pregnant at ayokong lumaki ang bata ito na wala si Max sa tabi niya. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko noon."
Tumango-tango si Dominic saka humigit ng malalim na hininga.
"So, this is a goodbye?"
"Paalam sa ngayon dahil magkikita pa tayo." Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "At sana makilala mo na ang babaeng magtuturo sayo na sumugal at lumaban."
"Ikaw na 'yon, Bea."
Umiling ako saka ngumiti. "May nakalaan para sa 'yo na iba." I said and gave him one last hug before I bade my goodbye. I felt no regret when I started to walk away from Dominic. Parang lumuwag ang dibdib ko pagkasabi ng mga salitang nabitiwan ko sa kanya. This might hurt for now but I know it will not last...
***
MALALIM akong huminga pagkalabas ko ng John F. Kennedy International Airport. Finally, after sixteen hours and thirty minutes, I arrived at a place where I first started a journey that led me on meeting a man like Max. Marahan ko hinila ang luggage ko at lumakad papuntang taxi bay. New York never changes but it felt like home now. I am home, finally. Ngumiti ako saka pumara ng taxi at nagpahatid sa Elixir. Alam ko na naroon si Max kaya imbis na magpapahinga ako muna ay tinutuloy ko na ang pagbiyahe. I expected traffic and good thing I brought enough biscuits in my bag to eat. Sabi kasi ng doctor kumain ako ng kumain para makabawi ang katawan ko at makasabay sa mabilis na development ng baby ko. Panay ang pagtingin ko sa pambisig na orasan at paglinga sa paligid. Iniisip ko na maglakad ngunit dalawang kanto pa ang layo ko sa Elixir. Napanguso ako at walang ganang sumandal saka pinag-krus ang dalawang braso ko sa ilalim ng aking dibdib.
I was wearing a black dress that hides my baby bump. Mas komportable ako doon at hindi na din naman gano'n kalamig dito sa Brooklyn. Muli akong tumingin sa nadadaanan namin at isa-isang binalikan ang mga memory na nabuo ko sa lugar na ito kasama si Max. Napangiti ako at nagdesisyon na bumaba na. Hindi na ako makapaghintay na makita si Max at ipaalam sa kanya ang tungkol sa baby namin.
Pagdating ko sa Elixir, huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa reception area ng lounge. Doon ko iniwan ang luggage ko na dala-dala bago tinanong kung nasa loob ba si Max. Nagkatinginan pa ang mga staff bago ako sinagot at sinabing wala doon ang boss nila. Mukhang na-train sila ni Claudel ng maigi at iyon ang script na narinig ko na laging sinasabi ni Max kapag may nag hahanap sa kanya na babae. But, I am not just Max's regular girl. I am his future and I have a ring to prove it.
"My boss is not around –" Ngumiti ako ng ma-lingunan si Claudel. "W-what are you doing here?"
"Manliligaw ako sa boss mo," sabi ko kay Claudel.
"Ayos pero bakit ka nandito? Nasa opisina niya si Boss at may kinakausap sa telepono."
Yumakap ako kay Claudel bago nag tuloy-tuloy sa pagpasok at hindi sinagot ang tanong niya. Dali-dali akong umakyat sa hagdan ngunit nagdahan dahan ako ng maalala ang paalala sa akin ni Lola. Muli akong huminga ng malalim bago kumatok sa pintuan. I waited a minute then decided to knocked again before opening the door. Max was there facing on the floor to ceiling glass window while talking to someone on the phone. Pumasok ako at sinara ang pintuan saka tinungo ang cabinet kung nasaan naka-display ang mga picture naming dalawa. Nang lingunin niya ang gawi ko, ngumiti ako sa kanya.
"I'll call you back later, Chris." Narinig ko na sabi niya saka ibinaba ang hawak na aparato. "Why are you here?" Max asked me.
Ang lamig ng pagkakatanong niya at hindi ko inaasahan iyon. Akala ko kapag nagkita kami ay yayakapin niya ako agad gaya ng napapanood ko sa pelikula. Sabi niya maghihintay siya sa akin dito. Nainip na ba siya? Isang buwan palang naman ang lumipas mula ng umalis siya sa Pilipinas. Isang buwan akong nag-isip kung ano nga ang pipiliin ko. Sure na ako na siya ang gusto kong makasama habangbuhay at hindi ito dahil magkaka-anak na kaming dalawa.
"K-kasi ikaw ang pinili ko kaya ako nandito," I answered.
Pumaywang siya at saka napakamot sa noo.
"You shouldn't be here, Bea." Aniya saka lumapit sa akin at giniya ako palabas ng opisina niya. Dahan-dahan kaming bumaba at aktong lalabas na sana ng Elixir ngunit may kung ano na biglang pumutok kasunod ng malakas na sigaw na Welcome Home! Agad akong kumapit sa kanya saka sa dibdib ko at ng lumiwanag ang paligid ay nakita ko sina Madam, si Gwy, si Del sa baba. "Fuck, failed." Max hissed and breathed out heavily.
"Bea!" Tili ni Del at Gwy na yumakap ng makalapit sa akin.
Itong dalawang kaibigan ko ang nagkwento ng lahat ng ganap doon sa Elixir. Max asked them to set up a surprise welcome party for me even if he's wasn't sure that I'd chose New York over Scotland. Failed nga lang daw sa part na dapat sabay kaming papasok ni Max sa loob ng Elixir saka sila sisigaw ng welcome home. Hindi ko naman sila nakita kanina at ito marahil ang dahilan kaya tinanong ako ni Claudel kung bakit narito ako. Sabi kasi ni Max sa kanila, sigurado na sa apartment ako tutungo pagkagaling sa airport at hindi doon. He miscalculated my moves.
Lahat masaya na bumalik ako sa Brooklyn, kabilang si Max doon kahit hindi niya ipahalata sa akin. Our gazed met and he gave signal to go upstairs. May ngiti ako sa labi na lumapit sa kanya at sumama sa kanya sa taas.
"Don't be too loud, kids." Kantyaw ni Del sa amin na kinangiti ko lang habang si Max ay nailing lang.
"Masaya ka ba nandito ako?" Diretso ko na tanong sa kanya. I took the empty seat there and watched Max as he cooly stood in front of me. Sa likod niya ang magandang view ng Brooklyn Bridge.
"Honestly?" Tumango ako bilang sagot. "I'm shocked because we've been waiting for over two hours now yet there's no news about you."
"Ang traffic kaya! Nag-give up ka na agad dahil lang na-late ako?" Reklamo ko sa kanya.
"It's like competing with what you really want, Bea. I don't want to hinder your plan so, if you choose to go to Scotland, I will follow, give up Elixir and start a new there." Napalabi ako. Max was willing to give everything he has here for me. He's really gold that I almost let go of just because of my selfishness. Pinalis ko agad ang mga luha sa aking mga mata saka ibinukas ang bag ko. From there I pulled out the results and our baby's sonogram and handed it to Max. "What is this?"
"Buksan mo." Utos ko sa kanya na sinunod naman niya. I smiled when I saw how he reacted upon seeing the sonogram. Tumingin siya sa akin at muling nagtama ang mga mata namin. Lumapit ako sa kanya saka tinuro kung nasaan ang baby namin. I held his hand and guided it towards my baby bump.
"This is real?" Tumango ako bilang sagot sa kanya. Agad siyang yumakap sa akin. Masuyo iyon at may kasama pang paghalik sa ibabaw ng ulo ko at noo. "I'm going to be a father now,"
"Oo nga," sagot ko habang nakayakap pa rin sa kanya. He broke our hug and pulled me out of the lounge gently.
"Everyone, may I have your attention please?" Pakiusap niya sa lahat na tumingala naman sa amin lahat. Marahan niya akong kinabig payakap saka muling hinalikan ang noo ko. "Bea and I... we're pregnant!" Max announced to everyone whom he invited for my welcome party. Each and every one of our guests cheered and gave us a big round of applause. Max hugged me once again, giving me a soft feathery kiss on my knuckles. He kneeled down and gave also our baby a kiss.
"I love you, Maximilien Lewis."
"I love you more, my future Mrs. Lewis."
Pinatayo ko siya at hindi pinutol ang pagtitigan naming dalawa. Ito na siguro ang araw na hinding-hindi ko malilimutan. Choosing him over all other things in my life was the best decision I've ever made. I won't regret this move and I will keep on bragging that I met my life's game-changer that one summer in Brooklyn.
-Wakas-
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro