Valentine's Day Special Chapter
VALENTINE'S DAY SPECIAL CHAPTER
Bea
"HEY love, I'm going out now. What do you want for dinner? The twins will stay in New York until Monday night." Hinayon ko ang tingin ko kay Max matapos marinig ang sinabi niya. Ibig sabihin dalawa lang kami ngayon sa bahay. Wala rin ang mga kasambahay na kasama ng kambal sa New York. Now's the perfect time to pull off some prank. "Bea, are you okay?" tanong pa niya sa akin saka hinaplos ang paa ko.
Nakaupo ako sa cleopatra chair na nasa veranda ng second floor nitong bahay namin. Itinabi ko sa likod ang aking cellphone at binalingan siya.
"Yes. Pizza na lang bilhin mo tapos movie marathon tayo,"
"A movie of your choice?" Ngumiti ako at masuyo lang niya hinila ang paa ko saka hinalikan iyon. "Pepperoni and Cheese?"
"Yes please," tugon ko. I giggled when he kissed my feet again. Nakakakiliti talaga iyong facial hair niya na parang trip ko na naman ahitin. Mamaya na lang siguro pagbalik niya. Hindi na naman tutuloy ito sa pag-alis kapag kinausap ko pa ng kinausap. Nag-crave na din ako bigla sa pizza kaya kailangan niya bumili noon agad. "ingat ka, mahal ko."
"Weird mo,"
"You love this weird kaya."
Nilapitan niya ako saka hinalikan sa pisngi ko bago tuluyang umalis. Buti na lang malinis paa ko dahil matapos niya halikan iyon, ang magkabila ko namang pisngi inulanan ng halik. Ang lakas talaga ng trip niya tapos ako pa daw ang weird pero mahal na mahal naman niya. Kung hindi ko pa inawat, hindi na siya makakaalis talaga. When Max exited our home, I immediately sent a text message to my squad.
Sinabi ko sa kanila na i-pa-prank ko si Max at iba-ibang comment nila pero isa lang ang punto. Good luck daw sa akin. Iyong huling break up prank na ginawa ko, ako ang napikon imbis na si Max. Paano ba namang hindi ako mapipikon? Prank lang iyon tapos nagpaalam pa sa akin na may date siya kasama iyong model na naging client ko sa Elyseé Glam.
Napipikon pa rin ako hanggang ngayon kasi super patola nang model na iyon. Pumunta pa talaga sa bahay namin. Hindi naman siya nakaubra sa katarayan namin ni Summer na nasa pintuan palang ay tinaasan na namin ng kilay. Ngayon naniniwala akong mananalo ako sa prank na 'to. I asked my squad to pray for me para maging effective at hindi rumupok. Pagka-send ko noon, agad akong lumipat sa chat box namin ni Max.
"¡Hola señor! ¿Cómo están los niños?" Narinig na sigaw mula sa labas. Tingin ko kausap ni Max iyong kapitbahay namin na kababalik lang mula Mexico.
"¡Hola! Los gemelos están creciendo tan rápido."
"¿Que hay de tu esposa? ¿Como es ella?"
"Ella es buena. Todavía encantador." Ako ang pinag-uusapan nila. Nakakaintindi na ako ng espanyol ngunit hindi ko kaya magsalita. Matiyaga akong tinuruan ni Max kaya naiintindihan ko na sila.
"Tienes una familia encantadora."
"¡Gracias Señor!"
Tumayo ako at sumilip sa labas. Nakita ko na sumakay na si Max sa sasakyan niya. Inabangan ko na malayo siya bago i-send itong prank chat message na nakita ko sa TikTok. I want to know what will be his reaction after I send this to him. Itong mga kalokohan ko nag subside lang naman ng mabuntis at maging isang ina.
But somehow, my husband still loves me even if I joke around sometimes. Mas tumindi nga ngayon ang pagmamahal niya sa akin. I hit the send button and waited for what would happen next. Sa mga video na nakita ko online, nagmamadaling bumalik ang mga partner nila, never minding the traffic violations, maabutan lamang iyong pinapupunta sa kani-kanilang mga bahay. It's a cheating prank.
Sinend ko sa kanya at kunwari wrong send iyon. Not long after, I saw Max's car and he's driving back to our house at full speed. Hindi na siya mabilis mag drive simula ng dumating ang kambal dahil gusto niya safe kaming lahat. But this case is completely different. I acted like I wrongly sent a chat cheating message asking my fake number 2 to come by because Max already left.
Bumalik ako sa loob ng bahay at naupo sa couch saka binuksan ang TV matapos makita na basta na lamang nag-park si Max sa garahe namin. Umakto akong nanonood lamang. Pilit tinatago ang ngiti ko dahil dinig na dinig ko ang pagbagsak ng pintuan saka mabibigat niyang yabag paakyat dito sa kinaroroonan ko.
"Babe..." Iba-iba talaga ang endearment niya sa akin. But I like him calling me love. Iyon na talaga ang endearment before we got back, have kids and married. Nakita ko na inusisa niya ang mga kurtina at pati na ang likuran ng couch na kinauupan ko.
"Bakit ka bumalik? Did you forget something?" Patay-malisya ko na tanong sa kanya.
"Where is he?"
"Who's he?" Umalis siyang muli sa harap ko at sinilip naman ang mga kwarto na dahilan ng pag ngiti ko. I immediately deleted my message to him. Hindi ko lang pinahalata na may ginawa ako nang makabalik siya sa aking harapan. "Sino ba ang hinahanap mo? Ako lang naman narito I mean tayo lang dalawa."
"Then, what is this?" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Oh, shoot nag screenshot ang loko. "And you even deleted your message to me. You taught me how to screenshot, remember?"
Pinaglapat ko ang labi ko saka kinuha ang cellphone niya. Does he forget that I'm a good actress? Hindi lang talaga ako tinanggap sa malalaking network sa Pilipinas pero out-of-reach ang acting experience ko sa Brooklyn. Nagkunwari akong binasa ang na-screenshot saka binalik iyon agad sa kanya.
"It's for Del." Simple ko na sabi.
"Del? You wouldn't chat with her like this. Gay language ang gamit niyo sa chat and she's not here." Ang tanga ko sa part na si Del ang sinanggalang ko gayong ibang language nga pala kami mag-usap. "Now, where is he?"
"Sino nga? Wala naman talaga ako kasama dito noong umalis ka." Binalik ko sa kanya ang cellphone at dinampot iyong remote para hinaan iyong TV. Max's look hardened and he kept on gritting his teeth. Galit na siya at gano'n din naman ang reaksyon sa mga napanood ko sa videos. Should I scream mission success? "Bili ka na ng pizza nagugutom na ako." Paglalambing ko sa kanya ngunit walang epekto iyon sa asawa kong matampuhin at kunwari hindi seloso. Marahan ko hinaplos ang braso niya.
"I changed my mind. Hindi na ako lalabas," Napatanga ako sa kanya at hindi naman nagbago ang reaksyon sa mukha niya. Paano iyong pizza? Kung kelan naman nag crave na ako saka naman ayaw na niyang lumabas. "we'll wait for that visitor of yours here. I'll just fix the car parked outside."
Tumalikod siya sa akin at hindi ko mapaniwalaan ang nangyari.
"Wala nga akong bisita," giit ko pa nang maisipan ko na sundan siya pababa hanggang sa parking lot.
Hindi na ako kinibo ni Max at dahan-dahan niya pinalis ang kamay ko sa braso niya. Inayos niya ang parking ng tatlo naming sasakyan sa garahe at pagkatapos ay tumungo siya sa likod. Sinundan ko siya doon at nakita ko na kumuha siya ng balde at basahan na panlinis ng kotse. Mukhang sineryoso niya ang prank ko. Anong gagawin ko?
Mission success pa ba ito?
NEWS FLASH, hindi pa rin ako pinapansin ni Max kahit tapos na niya linisin ang mga sasakyan namin. Kahit wala naman talaga akong bisita na inaabangan. Does he forget how playful am I? Sobrang seryoso naman nitong lalaki na 'to. Itinuon ko ang atensyon ko nang bumaba siya mula sa kwarto namin. Nakabihis na ulit siya at mukhang may gala siya pero bakit gabi? Amoy na amoy ko ang pabango niya at lalo akong na-frustrate sa cold treatment niya.
I tried to talk to him and even cook for us. Tapos sinubukan ko rin na guluhin siya kanina habang naglilinis pero nanatili siyang tahimik at hindi talaga ako kinibo! His silent and cold treatment towards me makes me frustrated. Magaling siya sa ganito at kahit gaano pa ako kagaling na artista, no match pa rin pala ako kapag siya na ang napikon. I told my girls what happened when they asked and all them laughed out loud during our video call sesh a whie ago.
Ugh, damn this man!
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas na ng bahay namin. Tingnan mo ang isang iyon, umalis na hindi 'man lang nagpaalam sa akin. Invisible ba ako? Iritado akong tumayo at sumilip sa bintana. Max took out his Pagani!
Saan pupunta iyon? Iyong sosyal pa niyang sasakyan ang ginamit. Talaga naman habang tumatanda nagiging matampuhin. Does he think that I will cheat on him? Bahala siya diyan akala ba niya rurupok ako kapag sinuyo na niya ako?
Hindi no! Pero depende pa rin sa sitwasyon, sa paraan ng paglalambing niya at dalang regalo...
Bumalik ako sa couch ng makaalis na si Max at binukas ang TV para manood. An interview with my husband at the recent gala that we attended flashed. Kasama namin noon ang kambal at sa kanila natuon ang atensyon ng lahat ng mga bisita. Maganda at madaldal kasi si Summer tapos si Brooklyn sobrang gwapo kaso mana kay Max, masungit sa ibang babae. My son rarely smile on camera lalo kapag wala ako sa tabi niya.
Natigil ako sa pag-iisip ng maramdaman na mag vibrate ang cellphone ko. I smiled when Summer's comic face flashed upon answering their call. Rinig ko pa ang pagtatalo nilang magkapatid dahil hindi na nga naman kita si Brooklyn sa screen.
"Lovelies, stop fighting. Summer share the tablet with your brother," utos ko sa aking anak na sumunod naman agad. "where is Nana? Matutulog na ba kayo?"
"Nana is preparing our milk and bedtime stories." Summer answered. "Look, mommy, am I beautiful?"
Ngumiti ako pagkarinig sa tanong ni Summer. Pinakita niya ang suot na terno sleeping wear na kulay pink. May headband pa na kapartner na niyayabang niya sa akin.
"Ack!" Summer scowled at Brooklyn after hearing his reaction. Pinahinto ko sila ulit sa pagtatalo at nakinig naman pareho.
"You're beautiful, my love." Sabi ko saka binalingan si Brooklyn - my grumpy child. "Brook, did Nana buy that also?"
"Yes, mommy. Nana bought me different cars too." Brooklyn answered.
I attentively listened to their stories and watched Nana take care of them. Sobrang hands on ni Nana sa kambal gaya ng pagka-hands on ni Lola sa kanila. Spoiled na spoiled nilang dalawa ang mga anak ko sa pagkain, laruan at mga damit.
"Where is Daddy?" Magkapanabay nilang tanong sa akin. Napatingin ako sa paligid ng bahay. Mag-isang oras na din ang lumipas simula ng umalis si Max at sa sobrang daldal ng mga anak ko, ngayon ko lang napansin ang oras.
"He's outside buying something," palusot ko.
"Can you tell Daddy to buy me my favorite chocolate drink, mommy?" Malambing na pakiusap sa akin ni Summer. Tumango ako at tumili naman ito. Tinanong ko si Brooklyn kung ano ang gusto at iyong chocolate drink ang pinabili. I quickly chat Max to ask for those drinks for our children. "I miss you, mommy!"
I smiled, "don't worry uuwi na kayo at magkakasama na naman tayo buong week."
May mga weekend na ganito, hinihiram ni Nana sa amin ang dalawang bata o 'di kaya si Lola naman hihiram at ipapasundo kay Aila. Salitan sila at iyon na ang pag-gala ng kambal dahil nasa New York si Nana habang nasa Raleigh naman si Mama, Lola, Aling Flora at Aila. Kami narito sa Connecticut at madalas naming bisita dito ay si papa para makipag-bonding sa mga apo niya. Max's dad pays us a visit thrice a month too to check the twins. Lahat kami narito na sa US namumuhay at umuuwi na lang sa Pilipinas para magbakasyon.
Nang matapos ang tawag, tumayo na ako at pinatay ang TV na naging radyo ko na lang. Tumungo ako sa kusina para iinit ang pagkain na niluto ko kanina. Nakakagutom maghintay sa matampuhin ko na asawa. Sabay naman kami kumain kanina pero dahil hindi niya nga ako kinikibo, wala akong gana kaya nagugutom ako ngayon. Hindi ba masarap ang luto ko?
Dali-dali ko tinikman ang ininit ko na pagkain. Masarap naman matampuhin lang talaga siya! Dahan-dahan ko sinara ang microwave saka dinala ang pagkain ko sa lamesa. Hinila ko ang upuan at naupo saka nag-browse sa newsfeed ko, nanood ng mga funny videos at mga movie clips. Sa sobrang pagtuon ko ng atensyon sa cellphone, hindi ko namalayan ang oras. May sasakyan akong narinig na pumarada sa garahe kaya dali-dali tumayo at lumabas ng bahay.
Sa front porch ko inabangan si Max. He's holding a bouquet of flowers and a heart shaped chocolate box. Nangunot ang noo ng mapansin na para siyang lasing. Talaga naman itong lalaking 'to! Sinabihan na huwag mag-da-drive ng lasing. Pasaway talaga!
"You're drunk, Mr. Lewis," wika ko sa kanya ng makalapit sa akin. Max handed me the flowers, the heart-shaped chocolate box, and the chocolate drinks for our kids.
"I'm a bit drunk," tugon niya at pansin na pansin ko naman kahit hindi niya sabihin sa akin. Inakbayan niya ako pero iyong bigat niya'y binigay sa akin kaya muntikan na kaming mabuwal. "You're not cheating, are you?"
"You drown yourself with alcohol because of that? Prank lang iyon, Maximillien Lewis. Sinubukan ko lang naman iyong trend sa online. I'm sorry,"
Inayos ko siya ng tayo at pansamantalang iniwan para ilapag sa silya doon ang mga binigay niya. Aktong akong babalik sa kanya ngunit hindi ko na nagawa ng maramdaman ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.
"It's not a good joke, you know," he whispered to me.
"I know. I won't cheat on you, love. I love you,"
"I love you, too."
Marahan ko kinalas ang yakap niya saka hinarap siya. Ang cute niya magtampo at magselos kung minsan. I have to keep in my mind not to pull off a prank like what I did. Grabe iyong cold Max version niya at hindi ko maiwasang mag-overthink. Tama nga si Thali, dapat siniguro ko na hindi babalik sa akin ang prank na ginawa ko.
"Sobrang matampuhin mo naman," I said and planted a kiss on both of his cheeks.
"You're mine, Beatriz Lewis. Mine only,"
I giggled. Iba talaga ang impact ng pangalan ko na kakabit ng apelyido niya. My husband is the most sought after businessman in the world. Hinalikan niya ako sa labi ko kaya naantala iyong paghingi ko ng sorry sa kanya. Ilang beses niya inulit-ulit na sa kanya lang ako sa pagitan ng halikan namin.
"I'm not a thing to own, mister," I corrected him and giggled once again.
"Mine to hold forever." He added and kissed me once again.
And he's mine to hold, too...
===
(Bea's squad members: Thali, Del, Clau, Gwy)
===
The prank...
===
Hello Felicity Blythe here! Happy Valentine's day everyone. Sana magustuhan niyo itong special chapter na sinulat ko para kay Max at Bea. Don't forget to buy the book version (soon on Kpub's Shopee) and the eBook version link and details below.
Ebook Price: 150.16 Php
Payment Methods Available:
PS BANK | GCash | Payoneer | PayPal
For those who want to pay using Gcash, DM me directly.
PURCHASE HERE:
PAYHIP: https://payhip.com/b/DuV8m
KO-FI: https://ko-fi.com/s/80a15c6fa2
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro