Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter One

Special Chapter 1

Max

PLANNING a wedding was never easy without a reliable partner. Bea was having a hard time dealing with the pregnancy. Mas mahirap ang third lalo’t hindi lang isa ang inaabangan namin na dumating. Bea and I were having twins and we kept it a secret to everyone. Ayaw ni Bea na magpa-party dahil mabilis siyang mapagod. Isang dahilan kaya minabuti na lang namin na hintayin na makapanganak siya.

“Max, mag-attend tayo dito,” pakiusap sa akin ni Bea saka pinakita iyong binabasa niya gamit ang tablet ko. Binigyan ko siya ng limit sa pag gamit ng gadgets para hindi gaano ma-stress. Nitong mga nakaraan kasi nahuli ko na kung ano-ano ang pinapanood at tinatakot ang sarili kaya sobrang stress ang nararamdaman niya.

“Prenatal classes?” Tumango siya saka siya na ang nag-scroll para sa akin. “Sigurado ka na dyan? Yoga?" Tumawa ako kaya hinampas niya ako.

"Ang sama mo talaga. Grabe aping-api na ako sa pamilyang 'to."

Pinaupo ko siya sa tabi ko saka niyakap.

"Mahal na mahal ka nga," sabi ko sa kanya saka hinalikan ang gilid ng noo niya. Binalingan ko ang baby bump niya at marahan iyong hinaplos. "I can't wait to see you, two." Mahinang pagka-usap ko sa mga anak namin.

"Wala pa tayong pangalan sa kanila." Ngumiti si Bea ng nakakaloko. Doon palang alam ko na meron na siyang naiisip.

"May naisip ka na?" Tumango siya bilang sagot.

"Brooklyn Jackson sa lalaki at Summer Antoinette sa babae."

I chuckled.

"Brooklyn and Summer… why?"

Bea caressed my face. "Because I met you one summer in Brooklyn. Yung Jackson pangalan ni Lolo tapos yung Antoinette…"

"Kay Mama," dugtong ko sa sinabi ni Bea. Pareho kaming ngumiti. I stood up and picked up Mom's picture frame. "Hey, 'Ma, the world will meet your grandchildren in three months."

Marahan na tumayo si Bea at niyakap ako. I always end up being like this every time I will remember Mama.

"Kapag lumabas ang ka-pangalan ni Mama, hindi ka na maging malungkot. These two will bring us never ending happiness, Max."

"I can't wait." I felt my babies moving inside Bea's tummy. "Mukhang sila din excited na tayong makita."

"Kaya nga mag-enroll na tayo sa prenatal class. Dalawa ito at sabi sa nabasa ko, mas challenging daw ang twins."

"We have a wedding to plan, baby." Paalala ko sa kanya.

"Mas importante itong kambal kaysa sa kasal. Okay na ako sa civil lang basta sa Pilipinas ang kasal."

I let out a frustrated sigh. Here she goes again, persuading me to have a simple wedding. Ayos nga iyon pero gusto ko pa rin matupad iyong na-kwento niya sa akin na pangarap niya. Lumakad sa aisle, suot ang pangarap niyang wedding dress at akay-akay siya ng Papa niya. I want to fulfill that dream of hers. Alam ko na sobrang haba at dami na ng nangyari sa buhay namin pero importante pa rin na ma-ibigay ko ang pangarap na kasal ni Bea.

"We'll stick to the plan, Bea. I-add na lang natin itong prenatal classes."

"Sure ka dyan?" Binalik niya ang tanong ko sa kanya kanina.

"Sure na." Sabi ko saka kumindat sa kanya.

***

PARANG gusto ko bawiin ang sinabi ko kanina kay Bea ngayong nasa harapan na namin ang aming mga magulang. Kanina pa sila hindi magkasundo sa kasal na gagawin na tila ba nakalimutang kaming dalawa ni Bea ang dapat na masunod. My father wanted to have a prenuptial agreement between me and Bea which Tita Sunny and Tito Richard opposed. Yes, Papa and I already closed the book of our past and started over again. Humingi siya tawad sa akin, kay Mama at Nana Zeny para sa mga nagawa niya noon.

Bea convinced me to reach out, and before I did it, Papa came to talk to me personally one morning here in Brooklyn. So far, so good at ganun din naman si Bea sa mga magulang niya.

"Our daughter won't ask any penny from your son. She has her savings, and I put up a trust fund for my grandchildren." Mahabang sabi ni Tito Richard.

"My son has a lot of business and investments. What if your daughter cheated her way out?" My father said, and it was unbecoming.

"At talagang anak pa namin ang magloloko? Aba, kung hindi nagpunta sa Brooklyn ang anak ko, may mas magandang opportunity sa kanya sa Scotland." Tita Sunny added which made me close my eyes.

"Mama…" I held Bea's hand underneath the table.

"Dad, we don't need an agreement." Seryoso kong simula na tila nagpa-kalma sa magkabilang kampo. "No one will cheat out of this relationship. We've been through a lot. Ibigay niyo na sa amin ito."

I thought that statement would stop the feud but I was wrong. Mas lumalala para at nagkasagutan na sila na mahirap na para sa amin ni Bea na awatin. Kung hindi pa pagbagsak na naghagis sa sahig ng takip ng kaldero sina Lola Esme at Nana Zeny, hindi iyon mahihinto. Bea walked out and I followed her immediately.

"Bea…" Tawag ko sa kanya saka masuyo siyang hinawakan sa magkabilang balikat niya.

"Uwi na tayo," sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim at sinunod ang gusto niya mangyari. Kay Lola Esme at Nana lang nagpaalam na uuwi para magpahinga na ng maayos si Bea. Habang nasa biyahe kami, tahimik lang siya at hindi ako sanay. Ginagap ko ang kamay niya at masuyo iyong hinawakan.

"I'm sorry." Sabi ko saka hinalikan ang likuran ng kamay niya. "Papa was rude a while ago. He should've not said that."

"I'm sorry din. Si Mama rin sumobra kanina at binanggit pa iyong sa Scotland." Sabi ni Bea sa akin. Hindi na namin pinag-uusapan ang tungkol sa Scotland, sa job offer at si Dominic. Kapag ganitong sitwasyon lang iyon nababanggit talaga na expected ko na naman na. "Masaya ako na dito ko piniling magpunta. Wala talaga akong plano na itago sayo itong mga anak natin."

"It's okay. We'll just wait for them to reconcile. Planuhin na lang ang kasal kapag lumabas na itong kambal."

"Mas mahirap yata iyan pero kakayanin naman natin," wika ni Bea.

"Kaya natin." Ulit ko saka masuyong pinisil ang kamay niya.

Nagpa-tuloy kami sa pag-uusap tungkol sa kung ano-anong bagay liban sa usaping may kinalaman sa prenuptial agreement na iniisip ng magaling kong tatay. Ayaw niya talaga nalalamangan na para bang may nakikita siyang motibo na nakawan ako ni Bea. Well, she already stole something from me that I asked to give it back.

That's my heart.

Corny and I wouldn't dare to tell Bea. I-ba-bash lang ako nito at tuturan pa kung paano ang tamang banat na magpapakilig sa sinuman. I remember when she told me that no one will have chivers in a good way because she already owned me. Markado na daw niya ako ng pangalan saka pinakita ang pareho naming tattoo sa pulsuhan.

Pagdating namin sa bahay iyong mga aso ang agad na sumalubong sa amin. We played with for thirty minutes before deciding to went into bed. I busied myself in massaging Bea's legs while she's reading something printed out after playing with our dogs.

"What is that?" Tanong ko sa kanya.

"Kopya ng prenup ng Papa," sagot niya.

"Did he send you a copy?"

"Dalawa tayong pinadalhan niya,"

"Jesus!" I exclaimed. "Stop reading that, Bea. It will stressed you," sabi ko saka kinuha iyon sa kanya.

Agad ko iyon nilamukos saka tinapon sa basurahan na malapit sa kama. Itinuloy ko ang nahintong pagmamasahe sa binti ni Bea habang siya'y matagal bago ulit nagsalita.

"Uwi tayo ng Pilipinas paglabas nina Brook at Sum," sabi niya sa akin.

"We'll wait 'till you regain your strength."

"Basta uuwi tayo, ha?" Pilit niya sa akin.

I heaved a deep breath.

"Oo, uuwi tayo." Ngumiti siya saka pinalapit ako para halikan sa labi.

***

"HINDI ka nakakatuwa, Max." Kumapit siya sa akin ng mahigpit ng makaramdam ng contractions. I was telling her all the jokes I've read online until we reached the topic about foods.

Nasa ospital na kami mula pa kagabi dahil walang hinto na contractions na naramdaman ni Bea. Ang sabi ng doktor makakatulong kung lalakad lakad siya o ganito na nakatayo lang kami pareho. Kapag may contractions, mahigpit ang kapit niya sa akin. Kung pwede ko lang kunin ang sakit at ginawa ko na kaya naman hindi ko na iniinda ang mga kurot niya at hampas.

"What? I'll order a Jollibee meal for you, so when you're done delivering our babies, you'll eat, or do you want me to bring Jollibee here also?" I teased her. Sabi sa pinasukan naming prenatal class, kahit ano na makakapag-pangiti kay Bea at gawin ko. It will reflect on our babies who are about to arrive now.

"Bwisit ka. Si Jollibee na lang pakakasalan ko,"

"I changed my mind na," Hinampas niya ako sa braso. May nurse na pumasok at inalalayan na mahiga si Bea para icheck kung ilang cm na siya. The nurse advised me to help her walked around the hospital again. Para mapapayag si Bea, kailangan ko pa bilhan ng malamig na inumin na nakakawala bahagya ng sakit.

"Max, ang sakit…" Daing niya sa akin habang naglalakad kaming dalawa. Minabuti ko na ibalik na lang siya sa kwarto para maka-upo siya doon. Wala pa siyang maayos na tulog simula kagabi at ganun din ako. We're exhausted already. "Paabot ng cellphone, please?"

"Why don't you sleep instead?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako makatulog…" Ngumiwi siya ng muling makaramdam ng sakit. "Yung make up kit ko na lang kung ayaw mo ibigay ang cellphone ko,"

"Why do you need that?"

"Ang pangit ko na at huwag ka nga kontra ng kontra dyan!" I scratched my head and passes her the make up it kit bag. "Essential ang kilay kasi mamaya magpipicture tayo paglabas nitong dalawa."

I chuckled while shaking my head. She still had energy to pull that joke which made me smile. Tinulungan ko siyang ayusin ang sarili na nahihinto kapag may contraction na nagaganap.

"You're still beautiful in my eyes, Bea."

"Talaga?"

"Yes." Mabilis ko na sagot.

Mas tumindi ang sakit na nararamdaman kaya kailangan ko na tawagin ang doktor. They attended us immediately and prepared Bea for her delivery. Normal delivery iyon dahil ayaw ni Bea ng cesarean section at kaya naman daw niya iyon. I stayed right beside her, holding her hands as continuously pushed our babies out. Bea's loud shout filled the entire room and I think I dislocated my arm because of her tight grip.

After three pushes, Summer came out, who stopped crying and smiled after hearing my voice. Sumunod na si Brooklyn makalipas ang ilang minuto at gaya ni Sum ngumiti din ito pagkarinig sa boses namin ni Bea pagkatapos umiyak. I planted a soft kiss on Bea's forehead when the doctor laid our twins on top of her chest.

"Thank you!" Halos pabulong ko na sabi kay Bea.

Noong sabihin niya na buntis siya noong unang beses, halo-halo ang emosyon na naramdaman ko. Tapos gumuho ng malaman naming false positive lang pala. Kaya ng ibigay niya sa akin ang sonogram ng baby namin noong dumating siya dito sa Brooklyn, abot-langit ang kasiyahan ko dahil natupad ang pinag-dasal ko. Naging doble pa dahil kambal ang anak namin na kinagulat rin ni Bea. At her first sonogram, the other baby was covered by the other one. That's why we all thought it's not a twins.

"Ang ganda nila," ani Bea sa akin. Our babies kept on cooing above her chest. Nalinisan na ang mga ito at maging si Bea at nag-aabang na lang na malipat kami pabalik sa kwarto namin. Hinalikan ko ang gilid ng ulo niya at maging ang tuktok ng ulo ng dalawa naming anak.

"I love you," I said to her.

Bea smiled. "I love you, too." I leaned down and planted a kiss on her lips.

"Pakasal na tayo kapag nakabawi na kayo,"

"P-paano yung prenup?" Nanghihina pa niyang tanong.

Tatlong buwan na iyon pinagtatalunan ng mga magulang namin. Mali yata talagang humingi kami ng tulong sa kanila. Doon naisip ko bigla na gawin iyong isang gusto ni Bea na civil wedding. Kahit sila Nana at Lola Esme lang ang isama namin bilang witness ay ayos na. Both of them understand us so well. Iyong mga magulang namin nangangapa dahil ngayon lang naman natapos ang sigalot sa pagitan namin.

And this prenup thing was creating war that we don't want to happen. Ayoko na mahiwalay ulit kay Bea dahil lang sa hindi magkasundo mga magulang namin. We're old enough and I have to step in as a reliable partner to Bea and a father to our babies.

"We don't need that. Let's just get married in secret."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro