Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

00 - Brooklyn In The Flesh

Bea

Present time.

SABI nila, happiness is a choice. I choose to leave Philippines to find that feeling here in Brooklyn. Akala ko dito na ako magiging masaya... sa wakas, pero hindi nangyari dahil kailangan ko pa din umalis. I am not a citizen here. Mas mahirap kapag nahuli ako bilang TNT, ma-ba-ban ako at hindi na makakabalik pa.

Everything about Brooklyn is fast and temporary. Some were not real... a fake love, stories and feelings, just like what I told him. Those lies, made-up stories, and everything. Mahirap maging totoo sa bansang ito na kahit pangmatagalan ang alok, hindi pa din masaya. May kulang na hindi ko pa rin alam kung ano. I am not whole when I came here before. Ngayon aalis ako na hindi pa rin buo.

Napagod na ako.

Na-ubos ko na rin ang aking sarili.

"Excuse me miss," anang tinig na nagmula sa aking likuran.

Kung kailan naman nag-mo-momment ako at ginagaya si Kathryn Bernardo sa palabas na Hello, Love, Goodbye. Nandoon na ako! Hihinga na lang ng malalim tapos hihilahin ko iyong maleta ko saka aalis. Tinapunan ko ng tingin ang pumukaw sa aking pagmumuni-muni sa harapan ng malaking LED screen. Doon naka-flash ang mga flights na paalis saka padating dito sa John F. Kennedy International Airport. Napanguso ako ng makitang couple pala iyong sumira ng momentum ko.

"Can you take us a photo together?" tanong ng lalaki sa akin na ibang lahi.

Base sa accent niya, sigurado akong Chinese ang isang ito na naka-bingwit ng American fish.

Ang swerte... nawa'y lahat.

Nakabingwit naman ako pero hindi pang matagalan kasi ayaw ko manatili dito. Pakiramdam ko ibang tao na ako kapag pinili ko na manatili dito. Ang bilis-bilis kasi ng lahat sa bansang ito at parang lahat ng tao ay hindi marunong mag-wagayway ng white flag. Palaging handa na sumabak sa gyera at hindi ko kinaya iyon. Hindi ko makita ang sarili ko na nakikibaka dito sa Brooklyn. Sapat na naging sikat ako sa bawat kanto bilang talamak na con-artist.

New me.

New start.

But not here.

Hindi bagay ang katulad ko sa lugar na 'to. I tried to fit in, but in the end, I failed...

"Miss?"

Napukaw akong muli.

"Yeah, sure."

Kinuha ko iyong camera na gagamitin. Nagpalit kami ng pwesto at ginamit nilang background iyong LED screen na tinitigan ko kanina. I took three shots at different angles. Flashbacks start to play in my mind suddenly. Memories that I will carry back in the Philippines. Those special ones will stay in my heart and mind. He's the one that got away. I didn't choose the one even if he decided me despite everything I did to him.

"Thank you so much, miss!" May ngiti sa labing sabi niya sa akin.

"You're welcome." sagot ko saka huminga ng malalim.

Muli kong tinuon sa screen ang aking mga mata. Nakita ko na ang flight ko doon.

This is pansit! Wala ng atrasan pa, Beatriz Natividad.

Babalik naman ako, ngunit hindi ko alam kung kailan ulit. Siguro kapag naka-ipon ulit o kapag may maipagmamalaki na ako sa kanya. I can't be someone he met before. I wanted to be more before our paths cross again. Maliit lang mundo kaya sigurado akong magkikita kami uli.

Kung kailan, iyon ang pala-isipan pa...


**

Three months ago.



"SIGURADO ka na ba dito, apo? Talagang hahanapin mo ang tatay mo?"

Natigil ako sa pag-e-empake ng mga gamit ko matapos madinig ang tanong na iyon sa akin ni Lola Esme. Siya ang nagpalaki sa akin kahit kasama ko naman si Mama. Ayun lamang siya, nakamansid sa aming mag-lola na para bang ayos lang na aalis ang anak niya para hanapin ang totoo kong tatay. Hindi basta sa Pilipinas lang ako maghahanap kung 'di sa ibang bansa. Handa na ba ang english ko?

Kahit naman hindi ako nakatapos ng kolehiyo, sabi ni Lola, ma-PR ako kaya nga natatanggap ako agad sa trabaho. Kahit ano pang klase 'yan, game ako kasi nga kailangan ko makatulong kay Lola Esme. Hindi na siya bumabata at iyong nanay ko naman, gano'n pa rin ang trabaho. Ayokong maging katulad niya gaya ng prediksyon ng nakararami. Sawa na akong makarinig na kagaya niya ang kahihinatnan ng buhay ko.

I want to look for my birth father to make him know that I am his daughter. To ask why he left us here? Ayokong maniwala na nagpabuntis lang si Mama sa isang kano at hindi pinanagutan bandang huli. Baka si Papa na ang mag-aangat sa amin ni Lola Esme sa hirap. Idadamay ko na si Mama kasi kahit ganyan, nanay ko pa rin naman siya. Malaki nga ang pagkakahawig namin at itong maganda kong kutis, namana ko sa kanya na nahaluan ng kulay ni Papa. Hindi sa pagbubuhat-bangko, madaming nagkakagusto sa akin.

Pulitiko.

Conglomerate.

At 4M's, matandang mayaman madaling mamatay.

I received a lot of indicent proposals from them, but I kept on declining it. Syempre gusto ko maayos naman ang mapapangasawa ko... sa itsura bukod sa mapera. That's how my world revolves. Puro pera, pera, pera ang nasa isip ko. I need to be like this to survive. Kapag mahiyain ka, out ka. Hindi pwedeng maging mahina sa mundong pabago-bago.

"Kapag nahanap ko na po siya, 'La, kukuhain kita agad pati na si..."

Napatingin ako kay Mama. Umirap lang siya dahil hindi talaga siya pabor sa gagawin ko. Aksidente lang naman kaya ko nalaman ang tungkol kay Papa. Lasing siya at sinusumbatan ako. Dahil daw sa akin, nasira ang buhay niya.

Dahil daw mas pinili niyang ipagbuntis ako kaya ganito ang kinasadlakan niya. Sh*t, hindi ko sukat akalain na sa kanya ko madidinig ang mga bagay na iyon. Kung bakit naman kasi hindi gumamit ng condom. Trabaho niya ang magpaligaya ng mga lalaking nalulumbay pero nalimutang gumamit ng proteksyon. Sobrang kasabikan kaya eto, nabuo ako.

"Hindi bale 'La, kapag nahanap ko talaga si Papa, aahon tayo at aalis sa lugar na ito."

Slums, iyon ang dapat na itawag sa lugar na tinitirhan namin ngayon. Bata, matanda, biktima ng prostitusyon at kahirapan. Iyong iba walang choice kung 'di sundan ang yapak ng mga magulang nila. Ako lang ang bukod tanging pilit na umaahon sa lusak. Ayokong mamatay na mahirap at sabi ng mga nagpatanungan ko, mayaman si Papa. Alam kong may hindi pa nababanggit ni Mama tungkol sa kanya pero hindi na rin naman importante. Ako bahala tumuklas noon sa Brooklyn.

Hindi madaling makakuha ng tourist visa. Salamat sa charms ko, nagawa kong maka-score. I'll stay in Brooklyn for six months, and to be able to get a visa like this, I exerted a lot of efforts and money. Sa processing palang nakaka-pulubi na at one fourth ng ipon ko ang nawala. Kailangan pa rin kasi na magpakita ng savings at accomodation doon sa Brooklyn. Sa tulong ng mga nakilala ko sa US Embassy, napadali ang proseso. Pwede naman daw baguhin ang status sa visa kapag na-inlove o nakahanap ng permanenteng trabaho sa lugar na iyon.

Least priority ko ang love kaya trabaho ang agad ko hahanapin doon. Yung magiging permanente para naman mahaba-haba ang panahon para hanapin si Papa. Malaki ang Brooklyn, kaliwa't kanan ang traffic na mas malala pa sa pinagmamalaki ng Pilipinas na EDSA. Hindi humihinto ang oras at lalong hindi maaring maging talunan sa bansang pulos palaban ang mga nakatira.

"Mag-iingat ka at h'wag kakalimutang magdasal." Paalala sa akin ni Lola Esme. Nasa harapan na namin ang taxi na maghahatid sa akin sa airport. Mahigpit niya akong niyakap bago hinayaan na makasakay na sa taxi...

**

BROOKLYN...

Bakit ang laki mo? Saan ba ako dapat na mag-tanong? Matapos ang mahabang oras ng biyahe, sa wakas narating ko na ang lugar na binansagang, 'the city that never sleeps'. Wala ba silang orasan kaya hindi natutulog? Hay, Bea, tama na ang pagiging kenkoy at baka abutin ka na nang gabi kakahanap sa apartment na nirentahan mo. From where I am standing, I can see the infamous Brooklyn Bridge. Madami na akong napanood na palabas sa TV na doon ang settings. Totoo kaya iyong myth tungkol sa tulay na iyon? That I will meet 'the one' there?

Crap that idea, Bea!

Hindi ako nagpunta dito para humanap ng love life ngunit kanina ko pa napapansin na pulos gwapo ang lahat ng mga lalaki dito. Erase! Hahanapin ko si Papa kaya nandito pero sa ngayon kailangan ko muna hanapin iyong apartment na na-book via online at makapahinga na. Saka na ako hahanap ng magiging jowa kapag may natira pang panahon.

Kapag may natira pa.

Lumakad ako papunta sa Montague Street. Iyon ang nakalagay sa hawak ko na accommodation paper. Inisa-isa ko ang mga numero ng bawat apartment na madaanan.

"Hi!" untag sa akin ng isang lalaki na may blue eyes. Ang gwapo niya pero hindi nga ang katulad niya ang priority ko. Saka napapagod na ako kaya wala nang oras para lumandi pa. I am physically, mentally exhausted because of jetlag. Ang alog naman kasi magpatakbo ng eroplano nang kapitan kaya imbis na makatulog ako, nag-ro-rosaryo lang ako tuloy. "Are you looking for apartments?"

Sasagot ba ako? Teka, hindi ako prepared!

"Yes." Tanging salita na aking nabitiwan. I tried my best to read his eyes but he kept on looking away. Bakit kaya? Ang ganda ko ba? Maayos naman ang itsura ko bago lumabas ng airport kanina. "I'm looking for Montague Apartments,"

Kapag talaga hindi nito naintindihan ang accent ko pasensyahan na. Gwapo siya pero, it's a no for me.

"Ah, that place is not here. Come, I'll show you the right way."

Ehe? Montague Street naman ito pero hindi dito iyong apartment na hinahanap ko? Talaga palang mahirap mawala dito sa Brooklyn at hindi ko alam kung sa paanong paraan ay napapayag niya akong sumama sa kanya. Palinga-linga lang ako sa paligid habang nakasunod sa lalaking unang nag-approach sa akin. Maybe, he's just a concern citizen. Na kahit ibang lahi ay may pusong tumulong sa mga nangangailangan gaya niya.

Parehas kaming huminto sa isang food stall at doon nag-order siya ng maiinom na inabot sa akin. Mabait siya kaya hindi na ako nagduda pa at binigay na ang buong tiwala ko sa kanya. Gregory, yes, that's his name. He is a foreign exchange student from Guatemala. Nandito daw sa Brooklyn ang pamilya niya at parehas na nagta-trabaho sa isang kilalang gadget brand sa buong mundo. Wala siyang pasok at nakita nga daw ako na parang nawawalang bata sa gitna ng pinaka-abalang lugar sa Brooklyn.

Inaya na ako ni Gregory na magpatuloy sa paghahanap ngunit 'di pa 'man kami nangangalahati'y nakadama na ako ng pagkahilo. Is it because of jetlag? Dapat talaga tinanong ko iyong may-ari kung saan lupalop makikita ang apartment na tutuluyan ko sa loob ng anim na buwan.

"Uhm, Greg..." sabi ko saka huminto sa paglakad at tinuon sa pader ang isa kong kamay. "I'm kinda feel dizzy, and sleepy..."

"Beatriz?"

Nanlabo na ang tingin ko. Pumikit ako saglit saka dumilat ngunit walang nagbago. Unti-unting nawala ang ingay ng mga sasakyan na nadidinig ko kanina. Alam kong nasa gilid pa kami ng kalsada pero wala na akong madinig hanggang sa tuluyang maging madilim ang lahat...

Masakit ang ulo ko at maging likuran noon nang magising. Umayos ako ng upo saka pumikit at dumilat hanggang sa maka-adjust na ang mga mata ko sa liwanag na nagmumula sa street lights. Luminga-linga ako sa paligid at agad ko nakita ang numero ng apartment building kung saan ako nagising.

180 Montague Apartments.

Si Gregory!

I am dumbfounded when I realize that my other luggage is not around. Nandoon iyong pera ko! Ang tanging naiwan lang sa akin ay isang maleta naglalaman ng ilang damit at mga dokumento ko.

What the hell??!!

Marahan ako tumayo at hinanap iyong kumag na lalaking nanloko sa akin. Paano na ako mabubuhay ng walang pera? May apartment nga ako pero anong ipambabayad ko dito? Kabilin-bilinan ni Lola Esme, h'wag ako basta-basta magtitiwala para hindi maloko. At dahil sa katangahan ko, ito ang nangyari sa akin!

Grabe ka, Brooklyn!

Bakit mo ako ginanito? Paano na ako ngayon?

I love my life, my gosh!

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro