Chapter 43
43: Pride
Bea
NANGUNOT ang noo ng makita iyong mga proof of remittances na nakapangalan kay Lola Esme. Lahat galing kay Max na nagsimula pa noong magkasama pa kami ni Max sa Brooklyn. I was struggling that time, financially, mentally and emotionally. Wala akong trabaho noon kaya hindi ako nakaka-pag-padala kay Lola nang magdesisyon akong tumira sa apartment ni Max tapos ang viss ko mag-e-expire pa. Iyong huli ko na padala, si Gwy pa ang natatandaan ko na nag-hulog dahil hindi ako pwede basta-basta lumabas.
Does Max cover all of the expenses that Lola has here up until now?
"Hey, wanna eat outside with Lola? Hindi na siya nakakagala gaano simula ng huli siya magpa-check up sa doktor." I heard what Max just said but I'm still thinking that maybe, we're a burden to him for a long time now.
Alam ko na ma-pera siya pero iyong akuin niya lahat ng hindi ko nalalaman ay parang may nasagasaan sa akin na hindi ko magawang pangalanan. I haven't talked to him about the expenses or any money related issues in this household. We rarely talked about money because between us, he has a lot of it while I am still establishing my finances. Maliit ang sahod sa firm at nagsisimula pa lang talaga ako. I cannot demand a raise and I just got regularized.
"Bea, what is --" Nahinto si Max ng makita ang mga hawak ko na papel. Napatingin ako sa kanya agad at inabangan na magpaliwanag siya.
"Max, hanggang kailan mo ito balak na itago sa akin?"
"It's not that important." Masuyo niyang kinuha sa akin ang remittance paper saka itinago.
"Eh, 'di ba sabi natin, no more secrets?"
"Yeah, but this shouldn't be an issue, okay? Ginawa ko ito kasi pamilya kita, sila Lola. This is the kind of family that you want to have, right?" Pilit akong napangiti dahil sa tinuran niya. Eto pa nga ba ang pamilya na gusto ko? Hinalikan niya ako sa noo, niyakap saka muling inaya na kumain sa labas kasama ang Lola.
"Sabihan ko na si Lola para makapag handa na siya." I said to him, breaking our hug.
Why am I suddenly feeling this way? Hindi naman talaga issue dati ang pag gastos niya para amin. Parang may nag-iba ngayon at hindi ko magawang i-pinpoint kung nasaan iyong nag-iba. Hanggang sa biyahe ay hindi mawala iyon sa isip ko at nagawa ko na nga sapuin ang aking noo dahil sa pag-kirot na naramdaman ko.
"Ayos ka lang, Bea?" Tanong sa akin ni Lola na nakaupo sa backseat. I felt her hand on my shoulder which I gently held. "Masakit na naman ulo mo?"
"Ayos lang po ako. Inom na lang po ako gamot pag kakain natin." Tumingin ako kay Max na kahit naka-focus ang tingin sa daan ay sigurado akong nag-aalala na. When we reached the first stoplight, Max immediately held my hand. "Okay lang ako." Paniniguro ko sa kanya.
"You want to visit a doctor after lunch?" Tanong niya.
"Oo nga, magpa-check up ka na, apo. Panay OT mo noong nakaraan tapos namumutla ka pa." Suhestyon ng Lola.
Max waited my answer to Lola's suggestion. Nag-green yung ilaw pero hindi pa din tumakbo ang sasakyan namin. Nag-umpisa na mag-over take yung mga sa amin at ang iba ay galit pa. Lalong pinasakit ng mga busina sa likuran namin ang ulo ko.
"Okay lang ako, Max. Tara na baka mahuli pa tayo." Sabi ko na sinunod naman ni Max.
He drove again while holding my hand. Hindi niya iyon binitiwan hanggang sa makarating kami sa restaurant na kakainan namin. May reserved spot na doon si Max kaya hindi na kami nag-abang ng matagal sa labas. Lola was amazed by the interior and the service inside the restaurant where we're at. First time niya na makakain dito at tanging si Max lang nakapagdala sa kanya sa ganitong lugar.
"Max? Oh my God, it's you!" Tili ng babaeng mukhang kilalang kilala si Max.
Was that for a show? Kakilala ba talaga niya si Max?
"Katrina." Max said, then stood up to hug the woman who just greeted her.
Was it necessary? Nasa Pilipinas naman kami at wala sa Brooklyn…
"Since when are you here? Are you staying here for good?" Sunod-sunod na tanong ng babae kay Max. Hindi naman nakibo si Lola at itinuon lang sa menu na hawak ang atensyon.
"It's been two months and a half now, and to answer your question, no, not for good. I'll leave next month." Bakit hindi niya nasabi sa akin iyon? "Ah, I want you to meet my fiance, Bea and her Lola."
Naramdaman ko ang kamay ni Max sa balikat ko.
"Hi, Bea!" Bati sa akin ng babae saka nakipag-beso beso pa. American gestures. "Now I know why this guy here is putting in a lot of effort. You know, from coming back and forth and you're lucky." Ngumiti lang ako saka muling tiningnan si Max.
Am I lucky?
Katrina was one of Max's colleagues back in college here in the Philippine. I don't know if they're colleagues or what. Ayoko ng isipin pa at lalo lang sumasakit ang ulo ko. Nagpaalam si Katrina matapos ang ilang minutong pakikipag-usap sa amin at muling yumakap kay Max. I heard Max telling him to take care as if I wasn't there, sitting right beside him.
Nakakarami na itong babae na 'to…
Our lunch went on and I just forced myself to eat even if I didn't like the taste of the food. Lola Esme kept on asking about our wedding plans which we can't answer yet. Wala pa kaming napa-plano mula ng huli namin pag-usapan ang tungkol doon. I honestly didn't know what Max's plans were for us. Uuwi ba kami sa Brooklyn tapo i-invite si Lola doon saka ayusin ang immigration papers niya? Wala talaga akong ideya pa.
Maybe I'll ask him later…
After lunch, we went home. Si Lola nag stay sa labas ng bahay kasama si Aling Flora. Ako, tuloy-tuloy lang pumasok sa kwarto at na-upo sa harap ng dresser ko.
"Do we have a problem?" Tanong ni Max sa akin pagpasok at pagkasara niya ng pintuan ng kwarto natin.
"Wala. Paano mo naman naisip 'yan?"
"Tungkol pa din ba ito sa remittance ko noon? You didn't have a job back then and you said Lola needs money to survive here that's why I stepped in."
Max let out a frustrated sigh after saying those to me. Pinili ko na huwag magsalita dahil kapag bumuka ang bibig ko, away na naman ito. Nanatili lang akong nakatingin sa sarili ko na repleksyon habang sinu-suklay ang buhok ko. Sometimes silence can help us to think about everything before we open our mouths. Muli ko narinig ang malalim na pag buntong hininga ni Max bago lumabas sa kwarto namin.
***
KINABUKASAN, inabala ko ang sarili ko sa pag-se-search tungkol sa Scotland. I was on the rooftop of Trinidad and Associates Law Firm. Dito ako madalas mag-stay kapag breaktime at kung minsan kapag lunod na lunod na sa trabaho. Nahilot ko ang sentido ko na na-kirot na naman gaya kahapon. Hindi pa ako nakapag-pa-check up at tanging paracetamol lang iniinom na gamot.
"Nadadalas na iyang pagsakit ng ulo mo. Nagpa-check up ka na ba?" Mga salitang pumukaw sa akin. Pag-angat ko ng tingin, mukha agad ni Dominic ang bumungad sa akin. Umayos ako ng upo at tinanggap ang binigay niyang lemon juice saka paracetamol. "Is that Scotland? You're considering it?"
"Ayos lang ako," sagot ko pagka-inom ng gamot. "Ang ganda nitong mga kuha sa Scotland." Sabi ko pa sa kanya saka ngumiti.
Based on my research, Scotland was a beautiful country. Old castles, mountains, trees and rivers were eye-catching. Lahat nanaisin ng mapa-tira sa ganong lugar at isa na siguro ako doon. Life in the city was awfully tiring. Minsan gusto na lang sa beach tumira kapag nagawa naming makapag-bakasyon ni Max kahit mabilis lang.
Vacation… when was the last time we had that?
"Sa tingin mo papayag sila na sumama ako sayo?" Bigla ko na tanong kay Dominic.
"I don't know. Maybe? Trabaho naman ang pupuntahan natin doon." Sagot sa akin ni Dominic.
"Hindi ko kasi talaga magawang sabihin kay Max. May plano kami pero nakakaramdam ako ng guilt."
Or should I say, Max has plans while I don't.
"Guilt to what?"
I breathe heavily.
"Honestly, yung sahod ko dito hindi pa kaya mabuhay si Lola. May bills payments, association dues, at nag-aaral pa si Aila." Nag-promise ako sa batang iyon na susuportahan ko pag-do-doktor niya kaso ang nangyayari si Max din ang napasan. "Parang ang useless ko kasi lahat si Max ang nagastos."
"Did he ask you to contribute? May narinig ka ba na reklamo sa kanya?" Umiling ako bilang sagot. "Then, it's all in your head, Bea. Huwag mo masamain iyong pag-stepped in niya sa mga gastusin kasi ganun naman dapat. It's a teamwork but sometimes you just have to compromise. Hindi porke't siya lahat sa mga gastusin ay ma-gi-guilty ka na dahil pwede mo naman suklian iyong efforts niya ng ibang bagay."
Nanahimik ako bigla. Baka tama si Dominic pero iba pa rin ang naiisip ko.
"Maybe it's his giving."
"Giving?" Kunot noo akong tumingin sa kanya.
"Haven't you heard about love languages?" Love languages? Nag-eexist ba iyon talaga sa real world? I've read those in romance novels but I didn't actually apply it personally. "Good Lord, I can't imagine this is happening right now. I am a lawyer, I focused on criminal law yet I'm here in front of your naive creation, lecturing about love languages."
Hinampas ko siya sa braso niya ngunit imbis na masaktan ay tumawa lang ang loko.
"Ano ang tungkol sa love languages na 'yan?"
"Seriously, Bea? Ang tagal niyo, ah!" Hinampas ko siya ulit at mas malakas na ngayon. "Bawat tao may giving at receiving pagdating sa love. What are yours, Bea?" Tanong niya na hindi ko masagot. Huminga ng malalim si Dominic. "Are you a materialistic one? Or do you prefer an affectionate man? Gusto mo lang ba na maka-bonding siya maghapon, cuddling at kung ano-ano pa."
Max was a very affectionate man. He loves to cuddle but work separates us and sets aside those we wanted to do with each other. Sobrang busy niya na parang kung minsan pati pagku-kwento niya sa araw niya ay boring na sa akin. Do these changes in me happen to everyone in a two years relationship? Baka naman ako lang ito at praning lang ako talaga.
Sobra yung naging pagseselos ko kagabi at nakatulog ako na nakatalikod sa kanya.
"Kailangan ko ba siya tanungin tungkol dyan?"
"Of course. Communication is the key to every successful relationship." Tumayo si Dominic at pinatong sa ulo ko ang kamay niya. "Masyado ka na naapektuhan ng mga annulment case ni Carlo. Mag half day na ka na ngayon para makapag-usap kayong dalawa ng boyfriend mo,"
Iyon lang at iniwan na niya ako sa rooftop na mag-isa. Nalugmok ako sa malalim na pag-iisip.
What was this all about? Pride ba itong lumalason sa isip ko ngayon kaya ako nagkaka-ganito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro